Noona -11-
Noona -11-
"Jared!" masayang tawag ko habang tumatakbo papalapit sa isang batang lalaki na natakbo rin papalapit sa akin. Nung makalapit na sya sa akin ay agad ko syang binuhat at pina-ulanan ng halik dahilan para tumawa sya ng tumawa.
"Noona, hajima!" pigil nya sa akin pero patuloy lang ako sa pagpapaulan ng halik sa kanya. Namiss ko ang batang to.
"Yoora, hajima. Pumasok na kayo" utos ng isang malalim na boses kaya napatigil ako at napatingin sa kanya. Nauna na syang pumasok sa loob kaya ibinaba ko si Jared at sumunod kami sa loob.
"Mabuti naman at umuwi ka. Akala ko nakalimutan mo na kami at balak mo ng tumira sa Seoul" bungad naman sa akin ng isang middle aged na babae na kasalukuyang naghahanda ng pagkain sa mesa.
"Umma! Kakadating ko lang sermon agad? Di ba pwedeng mamaya na lang?" maktol ko. Si Umma kasi, armalite agad eh. Pinagpatuloy lang ni Umma yung ginagawa nya kaya nilaro ko si Jared.
Maya-maya ay napatigil ako sa pakikipag-harutan kay Jared dahil napansin kong nakatitig lang sa akin si Joo Hyun Oppa ko.
"Yah! Oppa bakit ganyan ka makatingin? Alam ko naman maganda ako eh, pero ayoko sa incest" biro ko sa kanya. Sumilay ang isang maliit na ngjti sa labi nya kaya nakaramdam ako ng saya.
"Yoora pabo" mahinang sabi nya pero narinig ko. "Yah Oppa! Ganyan ka ba? Minsan na.nga lang ako maka-uwi dito eh" maktol ko, mas lumawak yung mga ngiti nya. Nakakamiss makita ang mga ngiti ni Oppa.
"Tama na yan, kakain na" awat sa amin ni Umma habang naglalagay ng mga pakain sa lamesa.
Pagkatapos payagan si Eunsoo Unnie na umuwi sa kanila ay ako naman yung sumunod na pinayagan. Isang taon na rin simula noong umuwi ako dito kaya sobrang nakakamiss talaga.
"Yoora ano yung nabalitaan kong may gusto yung si JB sayo ha? Kayo na ba? Kelan mo nakilala yun?" sunod sunod na tanong ni Umma sa akin. Hindi ko na lang sya pinansin, ganyan talaga ang bunganga yang si Umma.
"Umma" pigil ni Oppa kaya napatahimik si Umma. "Kayo na rin ang nagsabing ngayon lang umuwi si Yoora tapos mga ganyang bagay pa ang itatanong nyo? Hayaan naman natin syang magpahinga"
Hindi na nagsalita si Umma matapos syang sawayin ni Oppa. Pagkatapos namin kumain ay nagprisinta akong maghugas ng pinggan. Ako dati ang taga-hugas ng mga pinagkainan namin pero simula nung naging trainee ako ay si Umma na ulit.
"Yah Jared halika dito!" tawag ko sa makulit na batang si Jared. Choi na Choi ang mukha eh. Nung makalapit sya sa akin ay agad kong itinaas yung damit nya para mapalitan sya ng damit. Pahapon na at mas lumalamig na yung panahon, kahit naman kasi may heater dito sa bahay ay sobrang lamig pa rin.
"Oppa abot mo nga sa akin yun" inginuso ko naman yung suklay .na nasa tabi nya at inabot naman nya sa akin.
"Oppa si Yoojoon kelan uuwi?" nasa Daegu kasi si Yoojoon ngayon kaya tinatanong ko kung kelan sya nauwi.
Simula noong magging trainee ako, isa sa mga kailangan kong isakripisyo ang paguwi sa bahay namin. Taga Jeju Island ako at malayo sya sa Seoul kaya kailangan kong magdorm, at ngayon mas nagiging busy pa kami kaya minsan talaga wala na kaming oras para maka-uwi. Si Umma, Joohyun Oppa at Jared ang nakatira dito sa Jeju samantalang si Yoojoon naman ay nag-aaral sa Daegu at si Appa nasa Seoul din pero bihira kaming magkita.
"Winter break" maikling sagot ni Oppa. Medyo matagal pa pala bago sya makauwi ulit.
"Noona kelan mo ko isasama sa Seoul?" biglang tanong ni Jared kaya napatingil ako at napatingin kay Oppa. Nakatingin din sya sa akin pero umiwas din sya ng tingin. Matagal ng gustong pumunta ni Jared sa Seoul kaso ayaw ni Oppa kasi masyadong malayo.
"Gusto mo next month? Magheheld kami ng fansigning event sa Seoul next month eh" sagot ko. Agad namang nagliwanag yung mukha ni Jared dahil sa sinabi ko.
"Talaga Noona?" panigurado nya.
"Pwede, pero magpapalam muna tayo kay Appa mo" syempre si Oppa pa rin ang masusunod dahil sya ang ama ni Jared.
"Pwede bang pumunta si Jared sa Seoul next month Oppa?" tanong ko kay Joo Hyun Oppa. Tumingin ulit sya saaakin tapos kay Jared, maya-maya ay tumango sya.
"Sige sa fansigning event ng Noona mo pupunta tayong Seoul" sagot nya. Agad namang lumapit sa kanya si Jared at niyakap sya.
"Thank you, Appa" sabi ni Jared. Aww ang cute nila tignan.
"Halika Jared picture tayo!" yaya ko sa kanya. Lumapit naman sya sa akin at kinandong ko tapos sinet-up ko yung cellphone ko.
@yoora_noona
See you soon Seoul <3 <3 <3
#Jared
"Shh" senyas ko kay Oppa nung pumasok sya sa kwarto ni Jared. Tulog na kasi ito at baka magising nya.
"Sige matulog ka na rin" sabi sa akin ni Oppa tapos lumabas na sya. Inayos ko namang mabuti yung kumot ni Jared para hindi sya lamigin.
"Aba himala at umuwi ka dito?" sabi ng isang boses kaya napatingin ako sa may pintuan ng kwarto ni Jared. Nakasandal at nakacross arm pang nakatayo doon si Yoojoon.
"Wag ka nang maingay, Yoojoon" sabi ko sa kanya tapos pinatay yung lamp shade sa tabi ng kama ni Jared.
"Yoojoon? Aba baka nakakalimutan mong mas matanda ako sayo ha" sabi nya at nung makalapit ako sa kanya ay agad nya akong inakbayan or should I say sinakal?
"Aray ko naman, anong ipinagmamalaki mo, yung 10 months na tanda mo sa akin?" Mas matanda si Yoojoon sa akin ng isang taon pero never ko syang tinawag na Oppa, isip bata kasi.
"Oo yung 10 months na tanda ko sayo" sagot nya. Lumabas kami ng kwarto ni Jared.
"Kelan ka dumating?" tanong ko habang naglalakad kami papuntang salas.
"Kakadating ko lang, tinawagan ako ni Hyung na nandito ka kaya umuwi ako" ang sweet talaga ni Joohyun Oppa.
"Wala ka bang pasalubong sa akin ? Ok naman na sa akin kahit si Yoona lang ng SNSD eh" inalis ko yung kamay nya na naka-akbay sa akin at tinignan sya ng masama.
"Makasita ka sa akin na hindi kita ginagalang samntalang ikaw kung maka Yoona ka kay Yoona sunbaenim parang hindi sya matanda sayo ha!"
"Alam mo Saeng, hindi ko na kailangan tawagin na Noona si Yoona kasi sya ang forever ko" paliwanag nya sa akin at inakbayan na naman ako.
"Alam mo matulog ka na, nahamugan na naman ng sobra sobra yang ulo mo kanina at kung ano-ano ng nasasabi mo."
"Eto namang Dongsaeng ko nagselos agad, wag kang mag-alala ikaw pa rin ang prinsesa namin ni Appa at Hyung at namiss ka sobra ni Oppa"
----------------
Madaming nagtatanong kung anong nagyari kay Yoongi ... Next chapter malalaman nyo na XXD
Don't kill me kapag nalaman nyo na...
Say something...
Lets be Friend on Facebook ---------------> Dokyungsoobias WP
Sinong Shipper ng JiKook dito?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro