Noona -1-
Noona -1-
"Bangtan Sonyeondan!" basa nung MC dun sa cue card na hawak nya kasunod nun yung malakas na sigawan ang palakpakan ng mga A.R.M.Y.'s.
Bangtan! Bangtan! Bangtan!
Chant yung mga fans nila habang kinukuha ni Namjoon Oppa yung award nila. First win nila sa The Show kaya lahat ay masaya. Napatingin sya sa akin at nag thumbs up, ngumiti ako at nag thumbs up din.
Habang nagisispeech si Namjoon Oppa ay naluluha sya. Nagbunga na rin lahat ng pinaghirapan nila, nagpupunas na rin ng luha si Seokjin Oppa at Yoongi Oppa.
Pagkatapos ng show at nagpaalam na sila tapos pumunta ako ng dressing room nila.
"Noona!" masayang bati sa akin ni Jeon Jungkook. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay agad syang lumapit sa akin at niyakap ako.
"Noona nagfirst win na kami!" masaya nyang kwento sa akin at ipinakita pa yung trophy nila sa akin.
"Nakadikit ka na naman sa Noona mo, susunod nyan magkamukha na kayo, tabi!" sabi ni Yoongi Oppa tapos tinulak si Jungkook ng mahina tsaka ako niyakap.
"Yoora-ah, nanalo na kami" sabi nya tapos ibinaon nya yung ulo nya sa balikat ko at naramdaman kong nababasa yung damit ko.
Masaya ako para sa kanila. Para sa akin First win ang pinakamahalagang trophy kapag rookie ka pa lang. Nagpapatunay lang yun na kaya mo ng makipagsabayan sa mga matagal na sa industriyang ito.
Humiwalay ng yakap sa akin si Yoongi Oppa at pinunasan ko yung basa nyang mukha."Tahan na, alam ko magseselca ka pa mamaya. Sige ka panget ka sa selca mo nyan" pagbabanta ko sa kanya. Alam ko namang mahilig magpost ng selca sa twitter tong mga to.
Pagka-alis ni Yoongi Oppa at nakita ko si Taehyung na nagmumuk-muk sa isang tabi habang naiyak. May naalala tuloy akong kalokohan. Alam nyo yung ginawa ni Taemin Oppa kay Kai Oppa nung First win ng EXO?
Inilibas ko yung cellphone ko at vinideohan sya habang naiyak. Napansin nya yung ginagawa ko kaya tinakpan nya yung cellphone ko at sinigawan ako. Tumakbo naman ako papalayo sa kanya pero nasave ko na yung video.
Papalabas na sana ako ng pinto dahil hinahabol ako ni Taehyung ng biglang kusang bumukas yung pinto at pumasok si Manager Oppa ng Bangtan.
"Tara na boys, magcecelebrate pa tayo at ikaw Yoora, hinahanap ka ng manager mo. May practice pala kayo pumunta ka pa dito" sabi nya tapos, etong mga takas sa mental nagsihiyawan. Kala mo hindi umiiyak kanina.
"Picture muna tayo!" sigaw ni Namjoon Oppa kaya nagsilapitan sila at ginawa pa akong photographer -_-
Pagkatapos nung picture session ay inayos ko yung gamit ko at isinabit sa likod ko yung back pack ko.
"Noona tara na!" tawag sa akin JungKook at talagang hinila pa ako palabas.
Bago sila sumakay ng van ay kumaway pa sila sa mga natirang fans na naghihintay sa kanila sa labas. Nauna akong pumasok sa loob ng van.
Pagkaupo ko ay inilabas ko yung cellphone ko at nag log in sa instagram ko.
Inupload ko yung video ni Taehyung nung naiyak sya kanina.
@yoora_noona
Congratulations Bangtan Sonyeondan for the FIRST WIN!! Here's how your Taehyung Oppa celebrated~~ V-ah 사랑해요!!
#Bangtan#Firstwin#050520**
Pagkapost ko ay marami agad naglike at nagcomment. Si Jungkook din yung nag-isip ng username ko. Ano pa nga bang aasahan mo, mukhang noona yun eh.
@BTSwife Whaaa oppa is really cute~~ Congrats oppa~~
@Bangtan V oppa is Crying..
@jiminliit Congrats Oppas!!
Ilan lang yan sa mga nagcomment. Alam ko mas sasabog ang notification ko mamaya.
Ibinalik ko yung cellphone ko sa loob ng bag ko. Maya maya ay nagvibrate ito kaya inilabas ko ulit. Nakita kong natawag si Hyemi Unnie, yung leader namin.
"Kkaebsong~~" bungad ko sa kanya. Alam kong nag-aalburoto na sa galit to kasi nga tumakas ako kanina sa practice namin para manood ng The Show.
"Wag mo kong makkaebsong kkaesong di na ako EXO-L!" mataray na sagot nya sa akin. Kunyari lang yan, alam ko namang di nya mareresist si Baekhyun Oppa.
"Hala bakit?" kunwari malungkot na tanong ko. Pandistract na rin sa usapan kasi for sure pagagalitan lang ako nito. Nakita kong nagsisipasukan na sila.
"Wala na si Luhan at Kris tsaka may BAEKYEON na!!" sigaw nya. Inilayo ko naman yung cellphone ko sa tenga ko, grabe bitter pa rin sya hanggang ngayon?
"Grabe, di ka tunay na fan. Tsaka bagay kaya si Baekhyun Oppa at Taeyeon unnie" pag-aasar ko sa kanya. Siguro magkadikit na ang kilay nito.
"Lam pake, tsaka di sila talo, mas maganda si Baekhyun!" bitter nyang sagot. Napatawa na lang ako.
"Di ka na EXO-L pero nakita kita kagabi nanonood ng EXO's Showtime. Pinapaulit-ulit mo pa nga yung pagsabi ni Baek Oppa ng kkaebsong eh" sabi ko sa kanya. Totoo yun, nakita ko syang nanonood sa Ipad ko ng EXO's Showtime tapos parang ewan na kinikilig kapag sinasabi ni Baekhyun Oppa yung kkaebsong.
"Stop talking about EXO, Yoora-ah. Go to dorm. Now" para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko yung maowtoridad boses nung manager namin. Patay ako neto.
"Oh noona, para kang nakakita ng multo" sabi ni Jungkook na nasa tabi ko na pala. Kinakabahan ako. Ilang beses ko na rin namang nagawa to pero kinakabahan pa rin ako.
"Yah Noona!" sigaw nya tapos inalog-alog pa ako. Napatingin naman ako sa kanya at nakita kong nag-aalala sya.
"Seems like someone is going to be scold later" sabi ni Manager oppa sa unahan.
---------------
How's the first chapter??
Sorry kung may nakasamang EXO, well involve naman sila dito pero puro cameo lang don't worry.. May reklamo?? Joke Only.. No more FANDOM WARS ha? Mahal ko ang BTS at EXO kaya kung gusto mong pagkomparahin yung dalawang grupo. Wag ka dito~~
No Hate to Baekyeon. Baka sabihin nyo binabash ko sila ha~~
Walang ganun, kung masaya na si Baek edi Go!!
A PROUD EXO-L here, syempre A.R.M.Y. din..
P.S: Ako si Yoora XXD.. Joke Only~~ Kkaebsong
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro