Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PROLOGUE

Prologue

Rigel Del Rio

"Paano kung ayaw ko na?"

"Wilt..."

Maluha-luha kong inangat ang mukha para titigan siya. Her eyes were filled with sadness, too. We've already talk about this countless of times pero habang palapit ang araw nang pinag-usapan namin ay parang gusto ko na lang ring umatras. Parang gusto ko na lang ihinto ang oras at yakapin siya nang mahigpit na mahigpit at hindi na pakawalan kahit kailan.

Hindi ko napigilang suminghap para pigilan ang mga luhang tutulo na sa mga mata ko.

"Rigel... Paano kung hindi ko kaya? Paano kung ayaw kong mawala ka? Paano kung hindi ko na gustong ituloy 'yon?"

"Nag-usap na tayo, 'di ba?"

"I know, but what if I can't?"

"Wiltshire..."

"Rigel, ayaw ko na. Hindi ko kayang mawala ka. I don't want to break up with you anymore, binabawi ko na–"

"Wilt, listen to me, I will never be good enough for you and you know that. Ganito lang ako habang-buhay, mahirap. Isang kahig, isang tuka. Ni hindi ko nga alam kung may kakainin pa kami ng mga kapatid ko bukas. Kahit gusto kong pagbigyan ang sarili kong mahalin ka, wala akong maibibigay pabalik. You will just suffer with me. Isa pa, mga bata pa tayo at ayaw kong magsisi ka kapag dumating na ang taong para sa 'yo–"

"But I want you to be that guy, Rigel... Ikaw ang gusto kong makasama habang buhay. Ikaw ang gusto ko kahit mahirap–"

"Baby..." hindi ko na napigilan ang maluha habang dahan-dahang inaangat ang kamay niya para buong puso itong halikan. "'Yon ang hindi ko kaya... Kaya kong mamatay para sa 'yo pero ang makita kang nahihirapan para sa akin at dahil lang sa akin? Hindi ko kayang gawin. Wilt, hindi ko gagawin."

"Rigel..."

"Mahal na mahal kita Wiltshire... Sobra-sobra kaya gagawin ko ang lahat para mapabuti ka... Even if it means letting you go... Basta kaya kang alagaan at bigyan ng magandang buhay ng lalaking makakatagpo mo, magiging ayos ako doon." hirap kong pinunasan ang mga luha niya, she's crying so hard, too.

Pinilit kong ngumiti. "You'll find someone better. Hindi man ngayon pero bukas... Alam kong bukas ay darating ang lalaking para talaga sa'yo. Ang lalaking magbibigay sa 'yo ng buhay na gusto ko at dapat para sa'yo. We're only teenagers. Marami pang mangyayari kaya huwag ka nang malungkot."

"How can I do that when the only man I've ever love is breaking up with me?"

Pinilit kong ngumiti sabay hagkan sa kanyang pisngi, niyakap ko siya ng mas mahigpit pagkatapos.

"Someday, you will find someone better than me. Kapag dumating ang oras na 'yon, hindi mo na ako maaalala. You will live the best days of your life with that guy and he will give you everything you deserve, everything that I couldn't give you... Baby, you will eventually forget about me and that's alright. Basta sa ikabubuti mo, magiging masaya ako. Ako ang unang-unang magiging masaya kapag dumating ang araw na 'yon kaya huwag kang magdalawang-isip na kalimutan ako."

Dahil sa sunod-sunod na paglaglag ng mga luha niya ay hindi na niya nagawa pang sumagot. Ang tanging nagawa ko na lang ay ang yakapin siya... nang mahigpit na mahigpit... Mahalin kahit sa mga huling sandali, maging masaya hanggang sa huli...

Maging masaya gaya noong umpisa at magiging masaya pa rin hanggang ngayon at sa lahat ng bukas... kahit sa piling pa ng iba.

"Mahal kita, Wiltshire... Sobrang mahal na mahal kita..."

~~~~~~~~~~~~

This story is only exclusive and will be posted on Patreon. Click the link on my bio to subscribe.

To those who doesn't want to go all through the patreon payment hassle, we've created an alternative and easy way for you (in line with Patreon rules). You can now use GCash for direct pledge and read all of my contents. Just message me for details.
Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro