CHAPTER 2
Chapter Two
Noon - Love
"Sige na, ibabalik ko rin naman kapag nanalo ako sa pustahan ng basketball bukas. Kailangan ko lang talaga ngayon." kulit ko kay Ramiel habang naglalakad kami palabas ng West Side para pumasok sa school.
"Saan mo gagamitin?"
"Basta."
"Saan nga?"
"Basta nga, ang kulit mo."
"Limang daan? Gago ka ba? Saan ako kukuha ng limang daan Rigel?"
"Ang hirap mo naman! Minsan lang ako mangutang, Ramiel." sinamaan niya ako ng tingin. "Sige na, ibabalik ko rin."
Inalis niya ang matalim na titig sa akin at iritadong dumukot sa kanyang bulsa. Aarte-arte pa magbibigay rin naman.
"Gago ka ibalik mo 'to, ha? Pambayad 'to sa meralco," aniya sabay abot sa akin ng limang daan. "Kapag naputulan tayo ng kuryente ikaw ikakabit ko sa poste tignan mo."
Napahalakhak na lang ako bilang sagot. Ganito naman palagi ang kapatid ko sa akin. Kahit na alam kong ayaw niya at marami siyang nasasabi, sa huli ay pinagbibigyan pa rin ako. Nagpalibre na rin ako sa kanya sa jeep para hindi mabawasan ang inutang ko at kahit na nakailang mura pa siya sa akin ay wala na akong naging pakialam.
Ang totoo, nangutang ako para sa date namin ni Wiltshire ngayong araw. Hindi ko pa alam kung saan kami pupunta at kung anong trip niya pero sana ay magkasya ito. Alam kong malaking tulong na ito sa mga kapatid ko pero hindi na bale, magbabantay na lang ako sa computer shop o sasama sa liga nila Kuya Lando para magkaroon ng extrang pambayad kay Ramiel. Ayaw ko ngang matali sa poste.
"Bro!" sinalubong ako ng mga kaibigan ko pagkatapos magpaalam ng kapatid ko sa akin.
I was so excited to see Wilt today kaya kahit yata anong sabihin nila ay tatango lang ako.
"Ano sama ka?" natigil ako sa pagtingin sa aking cell phone dahil sa pagsiko ni Tim.
"H-Ha?"
"Ayos ka lang brad? Parang kanina ka pa wala sa mundo."
Muli kong ibinalik ang mga mata ko sa aking hawak, wala talagang pakialam sa kanila. I texted Wilt habang sila ay nagpapatuloy sa pag-uusap habang hinihintay ang teacher namin ngayong araw.
Ako:
Good morning! Sana hindi nagbago ang isip mo kagabi.
She texted right away. Parang gusto kong manapak mailabas lang ang nag-uumapaw na kasiyahan sa puso ko.
Wilt:
The dance troupe have practice later after class. Okay lang bang pagkatapos?
Ako:
Hindi ka ba pagagalitan kapag ginabi ka?
Wilt:
I'm good. See you later, Del Rio.
Ako:
Alright, then. See you Romanov.
Wilt:
:)
Napangisi akong para gago dahil sa smiley na 'yon. The fuck is wrong with me? Oo nga't hindi naman ito ang unang beses na nagkaroon ako ng ka-text na babae pero iba si Wiltshire. Ibang-iba sa lahat at walang katulad.
Tumango ako kay Tim nang sikuhin niya ako kahit na hindi ko alam ang pinag-uusapan nila. Umayos ako ng upo nang makita ang pagpasok ng adviser namin.
I'm not good in math at si Kuya Ramiel ang pinapagawa ko ng mga assignments ko sa subject na ito pero ngayon, parang kakayanin ko lahat dahil sa energy na ibinigay sa akin ng pagkakataon—at ni Wilt. Damn it, I can't fucking wait for our date!
Buong durasyon ng klase ay nakangiti ako. Kahit nga nagsasalita si Ma'am Mateo sa gitna ay malawak ang ngisi ko. Naiiling na lang ang mga tropa ko dahil talagang iba ang mood ko ngayong araw.
Nang mag-recess ay nanatili ang atensiyon ko sa aking telepono, nag-aabang sa texts ni Wilt. I didn't saw her in the cafeteria kaya hindi na ako nakatiis. I texted her.
Ako:
Recess ka na. Bababa ka ba sa cafeteria?
Wilt:
Sorry. I can't. I'm doing homework, may nakalimutan ako.
Ako:
Need help?
I wished I had Kuya Ramiel's intelligence right now. Kung siguro kasing talino ako ng kapatid kong 'yon ay baka kahit hindi ko pa siya nililigawan ay sagutin na niya ako.
Wilt:
I'm almost done naman na.
Ako:
Do you want to eat? Anong gusto mo?
Kahit na kinakabahan dahil baka sa mamahalin ang gusto niya ay hindi ko na binawi ang text ko. Bahala na mamaya.
Wilt:
I'm fine, thank you.
Ako:
You sure? Sige na pala. Text me kapag may time ka. See you later.
Hindi na ako nangulit. Pinag-igihan ko na lang ang pagkaing libre ni Tim sa grupo namin. Sa aming apat ay siya ang mas nakakaluwag-luwag kaya siya palagi ang bumibili ng pagkain namin. Pabor naman iyon lalo na kung minsan ay wala kaming baon o kahit pera.
"Rigel, sasama ka ba?" tanong ulit ni Sam ilang minuto ang lumipas.
Hindi ko sigurado kung nasagot ko 'yon o ano pero um-oo pa rin ako kaya gano'n na lang ang gulat ko nang mag-bell ay imbes na pumunta kami sa class room ay umibis kami patungo sa daan kung saan kami nag-o-over the bakod.
"Where the fuck are we going?" nalilito kong tanong na humihinto sa paglalakad. Para akong na budol ng mga gago.
"Sa bilyaran, saan pa ba? Tara na! Malaki raw ang pustahan ngayon!"
Hindi na ako nakatanggi nang magsitakbuhan na sila at tumalon sa kabilang bakod kung saan kami dumadaan tuwing kami ay nag ka-cutting class.
Hinihingal kong kinalma ang sarili pagkatapos makalabas. Tinapik ako Marky pagkatapos ay sabay-sabay na kaming tumakbo palayo ng school. Hindi kami tumigil hanggang sa makarating sa bilyaran.
The place was crowded with college students when we got there, but there were also high school students like us.
"Ano g?" nakangiting tanong ni Sam habang papunta sa dulo ng lugar kung saan ang pwesto namin "Our pool table was occupied."
Tumabi muna kami nila Marky sa gilid habang si Sam ay kinakausap ang lalaking kaibigan niya at may-ari ng bilyaran. Ilang sandali pa ay nagsialisan na ang mga naglalaro sa pwesto namin kahit hindi pa sila tapos.
"Ayos!" Excited na hiyaw ni Tim.
Kinuha niya ang isang tako sa gilid at inihagis sa akin habang si Marky naman ay inaayos ang mga bola.
"Laro muna tayo ng isang round, mamaya pa naman yung pustahan, eh!" Si Sam habang sinusubukan nang asintahin ang mga bola.
Kahit na naglalaro na ay hindi ko pa rin maiwasang sulyapan ang telepono ko, still waiting for Wilt's text.
I don't know why the fuck I'm here, pero huli na para bumalik sa eskwelahan. Sa buong durasyon ng laro namin ay wala akong ibang inisip kung hindi ang pustahang mangyayari mamaya. Wilt isn't texting me, baka nasa klase pa kaya hindi ko na lang rin inistorbo.
When our game was done, niyaya na kami ni Sam pumunta sa pinakagitnang pool table. Some guys we're already cheering. Marami ring mga babaeng naro'n, but all of them we're college students like the players.
Siniko ako ni Sam, Si Tim at Marky ay humuhugot na ng pera sa bulsa.
"Magkano sa'yo, bro?" Tim asked.
"Magkano ang panalo sa five hundred?" Kuryoso kong tanong pabalik, hawak na rin sa bulsa ang natitira kong pera.
"triple, five hundred ka?"
May pag-aalinlangan kong inilabas ang limang daang inutang ko kay Ramiel kanina. I borrowed it for my date with Wilt later, but I'm gonna take the risk now. Malay mo manalo.
"Sige."
Lumawak ang ngiti niya nang ibigay ko sa kanya ang pera. Tim and Marky handed him five hundred bills, too.
"Do or die na! Tangina!" Si Marky.
"Alright!"
This wasn't the first time we've done this, but this was the first time that we gamble that kind of amount. I just wish that luck is with me this time because if not... then I'm fucked!
Nang mag-simula na ang laro ay tumahimik ang lugar. We all bet on the college guys who were wearing blue uniform.
Habang nagpapatuloy ang laro ay wala akong inisip ay kung hindi ang manalo. Kinuha ko ulit ang telepono ko at tinignan kung may text na si Wilt. Hindi ko pa alam kung saan niya gustong pumunta o kumain mamaya. Ni hindi ko alam kung ano ang mga trip niya pero isa lang ang sigurado, kailangan ko 'yong paghandaan.
Napangiti ako nang makita ang text niyang dumating sa kalagitnaan ng laro.
Wilt:
Done with my class, how about you?
I mumbled curse before replying.
Ako:
Same. See you later! Susunduin kita later sa gym.
Wilt:
Okay, See you!
Napaangat ang tingin ko nang maghiyawan ang mga lalaki sa kabilang gilid namin. The men in red uniform began cheering loudly.
Sa pagsiko sa akin ni Marky ay napalunok na ako. Tangina, talo.
"Malas ang bobobo naman!" Inis na bulong ni Tim. My other friends cursed, too.
Parang biglang sumakit ang ulo ko hindi lang dahil sa paglalabas ng sama ng loob nila Marky kung hindi sa ngayo'y problema ko. Una, ang gagastusin mamaya sa date at pangalawa ang pambayad ng pera kay kuya Ramiel.
Inis na akong tumayo at hindi na inintindi ang mga tawag ng kaibigan dahil baka kapag nilingon ko pa sila ay ano pa ang magawa ko.
I walk back to school without them. The gate wasn't open yet kaya tumambay muna ako sa eskinitang tambayan namin. Hihintayin ko munang mag-uwian upang makapasok at masundo si Wilt sa gym.
Napabili ako ng yosi sa sobrang bad trip ko pagkatapos ay walang pakialam na hinithit iyon.
Wala sa mood akong napaalis sa pagkakaupo nang matanaw ang mga kaibigan kong parating.
"Bro, ba't ka nang-iwan?" si Tim, hinihingal pa sa pagtakbo.
Imbes na sagutin ay ipinagpatuloy ko lang paninigarilyo. Bumili na din silang ng yosi. Siniko ako ni Tim matapos tumabi.
"You okay?"
Umiling lang ako at hinayaan silang mag-usap. Ilang minuto ang lumipas ay saka lang ako sumingit sa kanila.
"I need that money. May date ako mamaya."
Hindi na ako nagtaka nang magtinginan sila sa akin. Like what I said was a fucking joke.
"Brad, 'di nga?"
Pinitik ko ang yosi at walan sabi na lang na tumango.
"Una na ako." I said coldly before walking past them.
Narinig ko ang pagtawag nila pero wala na akong pinansin. Ni hindi ko sila nagawang lingunin. I just want to get away from them dahil talagang naiirita ako.
Binilisan ko ang mga hakbang hanggang sa makarating ako sa gate. Dahil sarado pa rin ay wala akong choice kung hindi ang mag-over the bakod pabalik.
Kung sabagay, kami lang naman yata ang gumagawa ng mga kalokohan rito. Kung mayroon mang iba, lahat iyon ay mga taga West Side lang rin.
South Side people were treated differently as well pero ang mga tao roon ay madaling mapasunod sa mga patakaran. Unlike us, we make our own rules. We also break some and that's why we were labeled as the schools virus. Kung baga sa mga tao rito ay kami ang dapat iwasan at kasuklaman. It has been that way since we started studying here kaya nasanay na lang rin kami.
Nahinto ako sa paglalakad papunta sa gym nang tumunog ang telepono ko.
Wilt:
It will only be an hour. You sure you can wait?
I replied right away.
Ako:
I'm going now. Hihintayin kita.
Wilt:
Okay. Ikaw ang bahala.
Ibinalik ko na ang cell phone sa aking bulsa at tinahak ang daan patungo sa gym. Malayo pa lang ay naririnig ko na ang sigawan ng mga cheer dancers. Wala naman masyadong tao sa labas ng gym pero nang sumilip ako ay maraming nasa loob.
Hinanap ng mga mata ko si Wilt. I didn't really like being surrounded by other students because it always end up badly, but today was an exemption.
Walang takot akong pumasok sa loob. The glares I got from the people my age was awful but I felt nothing when my eyes laid on her.
She was busy following their routine. Hindi nawala ang mga mata ko sa kanya hanggang sa makarating ako sa isang bench. Tahimik akong naupo roon at hinayaan ang sariling mamangha sa babaeng nagsisimula nang kabaliwan ng puso ko.
Everyone instantly became curious about what a West Sider like me doing inside the gym. I'm not even a varsity player. I mean I could, pero dahil nga umiiwas kami sa mga mata ng mapanghusgang tao rito ay minabuti kong huwag na lang mag-try out.
Ate Skyrene said that we're here to study. Sabi niya, hindi na importante ang tingin ng iba sa amin basta't makapagtapo lang kami. Iyon lang daw ang importante sa lahat.
"Fuck!" hindi ko napigilang isigaw nang mawala ang titig ko kay Wilt at mapapikit matapos maramdaman ang pagtama ng bola sa aking ulo.
I groaned when I heard people laughing, but the gym went silent when I stood up.
"Ops! Sorry not sorry!" natatawang sabi ni Falkon, a grade eight student like me.
Ang lalaking kilala sa pagiging hambog palibhasa ay mayaman ang pamilya at star player ng basketball.
Mas lalong nagsalubong ang kilay ko nang lumapit siya sa akin at sinadya akong banggain. Naikuyom ko kaagad ang aking mga kamao.
"Masakit ba?" tanong niya sabay pulot ng bola pero bago pa ako makasagot ay muli niya iyong inihagis sa mukha ko kaya nasadlak ako sa sahig!
Nabingi ako sa tawanan nila. Gusto kong lumaban. Gusto kong hilahin ang damit ni Falkon at bigyan siya ng matinding sapak sa mukha pero bago pa ako mawala sa sarili at masangkot muli sa gulo ay natigil na ako nang makita ang nagkukumahog na anghel palapit sa akin. Wiltshire...
Pakiramdam ko'y bumagal ang paghinga ko habang tumatakbo siya palapit sa akin. Ang mahaba't nakapusod niyang buhok ay sumasabay sa kanyang bawat hakbang. Her eyes were filled with worry, but that was made my heart pound more.
"You're so mean, Falkon! Stop bullying him!" itinulak niya ng malakas ang lalaki kaya nawalan ito ng balanse at agad nalaglag sa sahig.
The man cursed her for what she did , but she did not care. She turned to me instead. Mas lalo kong nabanaag ang pag-aalala sa kanyang magandang mukha.
"Rigel... Are you okay?" her voice serenades my ears. "Rigel?"
"H-Ha?"
"Are you okay?"
"What the hell are you doing, Wilt? Are you seriously defending that asshole?" putol ni Falkon rito.
Pinilit kong tumayo habang inaalalayan niya. Matapang niyang hinarap ang mga lalaki na hindi nawala ang gulat dahil sa pagtatanggol niya sa akin.
"Ikaw ang asshole, Falkon! Ikaw ang masama ang ugali rito!" inis niyang singhal na lalong nagpatigagal sa lalaki.
I know I shouldn't let her do all the talking because I can do it myself, but I was truly mesmerized by her. And damn... nababaliw ako sa pagkakahawak niya sa akin. I'm literally under her spell...
Hindi na ako nakagalaw nang hilahin niya ako palayo sa lahat. Nagmamadali kong hinaklit ang bag kong nasa bench at sumunod sa kanya kahit na ilang beses siyang tinawag ng kanyang mga kaibigan.
Everything felt like the movies... pakiramdam ko ay bumagal ang takbo ng oras habang palayo kami sa lahat.
I never knew that love could exist in an early stage of life, but now... with her, it's possible...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Full version of this story will only be posted on Patreon and VIP group. Click the link on my bio to read this book or message me for details.
Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro