CHAPTER 1
Chapter One
Noon - Rigel Del Rio
"Why are you smoking here?!" agad na uminit ang ulo nang makita si Kuya Ramiel na walang pakialam na hinihithit ang sigarilyong hawak sa aming kwarto.
"Fuck off."
Dumiin ang kapit ko sa hamba ng pintuang hawak dahil sa sinabi niya. Kung sa ibang pagkakataon ay nagrambulan na naman kami pero dahil ayaw kong makipagtalo sa kanya ngayon ay wala na akong nagawa kung hindi ang buksan na lang ang mga bintana.
"You know she'll get mad if she finds out you're smoking, right?"
Hindi siya sumagot, nananatiling nakapikit ang mga mata habang nakasandal sa dingding.
"Sinabi na ni Ate Skyrene na tigilan mo 'yang paninigarilyo dahil walang maidudulot 'yang maganda sa kalusugan mo."
Umiling siya pero hindi pa rin ako nagawang sagutin, mukhang nananadya o talagang gusto lang manahimik.
"Ramiel–"
"Isa pa, putang ina." putol niya sa akin kaya agad kong naitikom ang aking bibig.
Hindi naman sa natatakot ako sa kapatid ko dahil kung tutuusin ay kayang-kaya ko siya pagdating sa sapakan pero ayaw kong maabutan na naman kami ni Ate Skyrene na parehong sabog ang mukha. She's been through so much at ayaw ko nang dumagdag pa sa mga problema niya lalo na ngayon.
"Ano bang problema mo?" mas kalmado kong tanong maya-maya nang makalahati na niya ang hawak na yosi.
Doon lang bumukas ang mga mata niya. "Wala. Tangina ang ingay mo."
"Is this because of a girl? Iyon bang sinasabi mo noong nakaraan?"
Nagsalubong ang mga kilay niya at pagkatapos ay iniwas ang mga mata sa akin. Yup, it's because of a girl. Naging ganito lang naman siya simula nang makilala niya ang babaeng 'yon.
I've never saw him like this. Iyon bang parang lagi na lang may problema at gustong manakit ng kung sino araw-araw.
Last day, muntik na talaga siyang mapatalsik sa eskwelahan dahil sa pambubugbog niya sa kaklaseng anak pa ng isa sa mga teacher na ang tanging dahilan lang ay sinamaan daw siya ng tingin. Walang pinipili ang kapatid kong 'to lalo na pagdating sa basagan ng ulo.
Hanggang ngayon, simula ng mag-aral kami sa eskwelahang 'yon ay hindi na nawala ang kanyang pagrerebelde. Naiintindihan ko naman. Kahit na pampublikong paaralan 'yon ay hindi talaga maiiwasan ang pagdidiskrimina lalo na sa aming mga taga West Side. We are treated like some kind of parasite in that school. Na sa tuwing may gulo ay kaming mga taga West Side kaagad ang pinagbibintangang may kasalanan. Ang siste, ginagawa na lang ni Ramiel para totoong kami talaga ang may gawa.
"Hoy."
"Didn't you hear me say fuck off?" He spat again. Napabuntong hininga na lang ako.
"Wala ka bang tutor ngayon? Akala ko pupunta ka kina Lotti?"
"Mamaya."
Tumango na lang ako. Dahil mukhang wala naman talaga siyang balak na kausapin ako at baka mapasama lang ako kapag nangulit pa ay minabuti ko na lang na lumabas, pero bago iyon ay nag-iwan pa ako ng salita sa kanya.
"Bayaran na ng mga bills. Nasa alkansiya na 'yong ambag namin nila Cassy. 'Yong sa 'yo na lang ang hinihintay para mabuo na ni Ate Sky 'yong kulang. Baka maputulan na naman tayo ng tubig."
"Putang inang mga 'yan eh. Kapag naabutan ko 'yang sila puputulan ko ng ulo mga tangina nila."
"Kaya nga bago pa umabot do'n 'yung ambag mo ihulog mo na."
Walang amor na ikinumpas niya ang kamay kaya wala na akong nagawa kung hindi ang tuluyang umalis.
I don't really get why he was being so grumpy these days. Daig niya pa si Ate Skyrene kapag mayroong regla.
Siguro nga talagang ang laki ng tama niya sa babaeng 'yon, but fucking hell. I didn't even know how they met. The girl was so out of his league. Ang sabi niya, nakilala niya ito dahil sa isang kaibigan. They were bar hopping. Yes, even if he was still underage, nakakagawa ito ng paraan para sa lahat ng kanyang kalokohan kaya gano'n na lang ang sakit ng ulo ni Ate Skyrene pagdating sa kanya. Hindi naman sa pagmamalinis pero kumpara sa kapatid kong 'yon, marami pa naman akong katinuang naipon.
Pagbaba ko sa hagdan ay nakita kong nanunuod sila Cassy. Ginulo ko ang buhok niya gano'n na rin ang kay Zuben bago nagpaalam na aalis.
"Saan ka pupunta, Kuya Rigel?" si Cassy.
"Magpapahangin muna. Baka mag-basketball rin ako kasama sila Charles. Kapag nakauwi na si Ate Sky sabihin mong huwag na akong hintayin mamaya sa pagkain. Raraket ako."
Tumango ito bilang pag-intindi sa akin, umalis na ako. Ang totoo, hindi ko alam kung kaya kong maglaro ngayon o rumaket para makatulong sa kapatid ko para sa pang araw-araw naming pagkain kaya nanuod na lang ako sa sira-sirang court na pinagtatiyagaan naming mga taga West Side.
"Laro ka?" si Kuya Lando.
Agad akong umiling. "'Di na, wala ako sa mood."
"Babae?"
Kumunot ang noo ko. I wish. "Hindi."
Hinihingal niyang pinunasan ang mukhang basa ng pawis pagkatapos ay tumabi sa akin.
"Gano'n ba, kaya naman pala."
"Ha?"
"Kaya wala ka sa mood kasi wala kang babae."
Natawa ako at umiling ulit sa kanya. "Eguls diyan kuys."
He laughed too. "Kumusta pala ang Ate Sky mo?"
"Ayos naman. Medyo busy pero ayos lang 'yon. Matatag 'yon."
"Mabuti naman. Hindi ko na kasi naaabutan. Kapag pumupunta ako, kaaalis lang. Sobra na yatang naging workaholic."
"Lagi naman."
"Sabihin mo masama 'yon."
"Walang masama-masama do'n. Baka ako lang ang samain kapag pinuna ko." natatawa kong sagot na nagpahalakhak na rin sa kanya.
"Si Ramiel nasaan?"
"Nasa bahay, nagdadrama."
"Babae?"
Agad akong tumango. "Parang. Ang korni eh."
"Sus, babae lang pala. Sabihin mo iinom na lang natin 'yan."
Tumawa ako pero hindi na nakasagot dahil sa pagtayo niya't pag-anunsiyo sa mga naglalaro na tapusin na ang laban para makapag-inuman na.
Naghiyawan kaagad ang lahat lalo partikular sa sinabi niyang libre niya ang lahat ng alak ngayong gabi. Kahit hindi ko gustong uminom ay sumama ako sa kanila.
Sa kabila ng hiyawan at tawanan ay parehas kaming tahimik ni Ramiel habang nasa inuman. Ilang oras na barberong usapan ang lumipas ay saka lang ako nabuhayan ng loob nang makita ang pagdating ng isang text sa telepono ko.
I didn't expect a single text could make my mood so much better, but it did. Pangalan niya pa lang sa screen ng di-keypad kong telepono ay parang nabuhay na ang lahat ng organs ko.
Nagmamadali ko iyong binuksan matapos tunggain nang mabilis ang shot ko.
Wilt:
Hello!
Isang simpleng salita lang 'yon pero ang puso ko ay parang gagong nag-alburoto. Para akong nauhaw bigla habang nag-iisip ng reply.
Ako:
Hey! Kumusta? Baka wrong sent ka na naman, ha. Umasa na ako.
Wilt:
Haha! Bakit? Ayaw mo ba?
Ako:
Hindi ka wrong sent?
Wilt:
No, pero kung ayaw mo akong ka-text okay lang naman.
Ako:
Are you kidding me? Gusto syempre! Hindi ko lang in-expect pero masaya ako, promise. This made me happy.
Wilt:
Bakit malungkot ka ba?
Ako:
I don't know, but your text made me better.
Wilt:
Are you hitting on me Del Rio?
Wala sa sariling napangiti ako dahilan nang pagtikhim ni Ramiel at pagbusangot sa akin pero mas lumawak lang ang ngisi ko para mas maasar siya. Nagpatuloy ako sa pakikipag-text kay Wilt at binalewala ang pakialamero.
Ako:
Hindi ah! Bakit? Ngayon lang ba may nagsabi sa 'yong napasaya mo sila dahil lang sa pag-text mo?
Wilt:
I think so?
Ako:
Kasi hindi mo ako palaging tini-text. Kung ako ang tini-text mo, sana palagi kang may napapasaya.
Wilt:
Del Rio, bolero... It rhymes.
Lumawak ang ngisi ko sa puntong nakagat pa ang labi. I don't know why, but exchanging text with her now was probably the best thing that happened to me this week. Sino ba naman kasing hindi matutuwa?
Dinala ako ng aking utak sa unang beses na nagtagpo ang landas naming dalawa.
Wiltshire Carice Romanov, campus queen, sassy, beautiful and one of the most intelligent girl I've ever met my whole life.
Galing siya sa maganda, mayaman at sikat na pamilya kaya hindi pwedeng hindi ako matuwa na matapunan niya kahit na kakarampot na atensiyon dahil hindi ito iyong tipo ng babaeng kayang magbigay ni tingin sa isang lalaki, lalo na sa mga katulad ko. Puta, sino ba naman ako, 'di ba?
Habang nilalagok ang panibagong shot ay parang gusto kong pasalamatan ang katangahan ni Charles na mag-cutting class kami noon dahil kung hindi ay hindi kami mapapadaan sa gymnasium kung saan ito nagpa-practice ng cheer dance.
Her graceful move caught my attention, tuluyan nang hindi nakasunod kay Charles na nakatalon na sa kabilang bakod ng eskwelahan. Imbes na sumunod nga ay dinala lang ako ng mga paa ko patungo sa bakal na bintana ng building.
She moved delicately like an angel, and I felt like time stood still when my eyes laid on her. Pakiramdam ko ay sa sumasabay rin sa pag-ikot niya ang aking mga lamang loob.
And her eyes... oh damn her eyes easily brightens my day. Kung siguro isa siya sa drogang nagkalat sa West Side, hinding-hindi ako magdadalawang-isip na malulong.
She saved me that day. Hindi lang sa pagka-cutting kung hindi sa mga iba pang mga kagaguhan ko.
Simula noon, sa tuwing matatapos ang klase ay palagi ko siyang hinahanap. I became her stalker. Kung noon ay nagka-cutting class ako, ngayon ay banyo na lang ang ipinapaalam ko hindi para mag-CR kung hindi para dumaan sa classroom niya at makita siya.
I never believe in love at first sight, but with her, I felt like everything is possible. Hindi lang love at first sight kung hindi, forever at first sight... Iyon ang nahanap ko simula nang makita ko siya.
I bribed someone to get to know her. Nagtagumpay naman ako at dahil sa tulong ng angas ng pangalan ni Ramiel at nang pagkakakilanlan namin sa school ay napadali ang mga impormasyon.
I still remember the first time my heart couldn't contain so much happiness after knowing her full name. Para akong gagong mas lalo yatang nahulog doon pa lang. To think na para na akong nababaliw sa tuwa sa tuwing nakikita siya sa malayo, isipin na lang kung paano ako nahirapan nang sa wakas ay magharap na kami.
It was as if my tongue got cut off at isang linggo kong pinagalitan ang sarili ko dahil hindi ko man lang nagawang magpakilala sa kanya. I didn't even get to say hi to her. I was dumb alright, pero ano ba kasing alam ko sa ganito? Wala.
Nag-try out ako ng basketball noon at saktong naroon siya kasama ang kanyang mga kaibigan. I didn't know what to feel at first knowing that she was watching me kaya ginalingan ko. Ang ending, hindi lang ako natanggap, nakuha ko pa ang atensiyon niya.
"Hey!" pakiramdam ko ay huminto ang buong mundo nang marinig sa unang pagkakataon ang malamyos niyang boses na parang kumiliti sa buo kong pagkatao.
I knew I was the one she was talking to pero lumingon pa rin ako just in case para hindi ako mapahiya.
"You!" natatawa siyang lumapit sa akin. "You're new here, right?"
Natutulala akong tumango. God damn it, she was so beautiful up-close. Akala ko maganda na siya sa malayuan pero mas maganda pa pala sa malapit!
Namimilog ang kanyang kulay kayumangging mata, mas makinis at mala-perlas ang kanyang balat at wala akong nakitang kapintasan sa kanyang mukha. Her skin was delicate as a glass, it looks so fragile.
Hindi ko napigilang mapalunok nang bumaba ang mga mata ko sa kanyang mapupulang labi. She was talking non-stop, but I didn't catch even one word because I was so mesmerized by her.
Putang ina, totoo ba 'to? Is she really standing in front of me? Speaking to me?
"Uy!" nahihiya niyang sabi sabay tapik sa aking braso para kunin ang atensiyon ko and at that moment, I knew I was touched by an angel...
Lord, nasa langit na ba ako? Favorite mo na ba ako? Pwedeng akin na lang 'to?
"H-Ha?"
"Natulala ka na." natatawa niyang pagpapatuloy kahit na mukhang naiilang sa kabaliwan ko. Her cheeks blushed a bit, napangiti ako.
"Nakakatulala ka... I-I mean, ano nga 'yon?"
Mas lalo siyang namula. "Sabi ko congratulations at ngayon pa lang gusto na kitang i-welcome sa Saxons, I'm pretty sure you'll be on team A!"
"R-Really?"
She nodded cheerfully.
"Thank you."
Ngumiti siya at kahit na gusto pang magsalita ay hindi na nagawa dahil sa pagbalik ng kanyang mga kaibigan para ilayo ito sa akin.
Her friends didn't greet or congratulate me, but it didn't matter. All that matters to me was her, ang atensiyong ibinigay niya sa akin na dahilan kung bakit narito kami ngayon. Kung bakit nakakausap ko siya ngayon at kung bakit parang puputok na ang puso ko sa saya habang patuloy siyang kapalitan ng text message ngayon.
"Parang gago amputa." si Ramiel ulit nang mapansin na naman akong nakangisi at inaabala ang sarili sa pagtitipa ng reply para kay Wilt.
Natawa lang si Kuya Lando pero ipinagtanggol ako.
"Hayaan mo na. Mabuti na 'yan kaysa kaninang parang Biyernes santo ang mukha!"
"Who got you smiling like that, bro?"
Sabay-sabay kaming natawa nang batukan ng malakas ni Kuya Tanding ang nagsalitang si Charles.
"Tangina ka kaka-tiktok mo 'yan! Sabi kong ibenta mo na 'yang nakaw na telepono eh! Tignan mo't para kang gago."
"Kuys, why naman like that? It hurts you know!"
"Pangit mo Charles. Halatang kulang ka talaga sa ligo." Si Kuya Billy naman.
Napakamot na lang ito sa ulo. Umiling naman si Ramiel habang ako ay hindi na nakialam sa asaran at tawanan nila. Ni hindi ko nagawang makisali dahil ayaw kong maputol ang pag-uusap namin ni Wilt. There's no fucking way I'd slip this angel away.
Ako:
I'm telling the truth. Try me.
Wilt:
Ayaw ko namang makaistorbo sa 'yo, no. Isa pa, 'di ba may practice kayo bukas? Bakit gising ka pa?
Ako:
Umiinom pa.
Wilt:
Alak? Nang ganito kalalim ang gabi?
Ako:
Why? Does that surprise you?
Wilt:
Yeah.
Ako:
People here drink alcohol twenty four hours a day. Walang pinipili, pero kung sabagay, ako rin naman nagugulat na ngayon kinakausap mo ako. Hindi ba magagalit sa 'yo 'yong mga kaibigan mo?
Wilt:
Why would they be mad at me? They're not my parents and the last time I check, I still have my free will. I can talk to whoever I want to talk.
Ako:
So, gusto mo akong kausap?
Wilt:
Ayaw mo ba?
Ako:
I'm asking you.
Wilt:
Gusto.
Matagal akong hindi nakapag-text at nagawang inumin ang shot ko pati na rin ang shot ni Kuya Lando dahil sa sobrang saya ng puso ko! Am I dreaming? Is this really her I was talking to? Parang hindi ako makapaniwala! Tangina!
Wilt:
Sorry. I don't want to make it awkward. Sorry talaga sige na. Bye! Good night!
Ako:
Hey! You didn't make it awkward! Kailangan ko lang huminga. Parang sasabog na 'tong dibdib ko sa saya, eh.
Wilt:
You're really good at this you know.
Ako:
At what?
Wilt:
Making me smile like crazy.
Ako:
Am I? Masama ba 'yon?
Wilt:
I don't know, Rigel. I don't know.
Ako:
May magagalit ba kapag kinilig ka sa 'kin?
Wilt:
Wala akong boyfriend if that's what you're really asking.
Ako:
Good.
Wilt:
Sige na pala. Drink alcohol well.
Ako:
Matutulog ka na?
Wilt:
No. Baka nakakaistorbo na ako sa 'yo. I don't want that.
Ako:
Hindi. Gusto nga kitang kausap, Wilt.
Wilt:
I don't know what to say.
Ako:
Ikaw ba? Bakit gusto mo akong kausap? Are you bored?
Wilt:
No, but I don't know. Gusto ko lang.
Pakiramdam ko'y mas nalasing ako sa palitan namin ng texts kaysa sa iniinom naming hard na alak. Mauuna yata akong susuko hindi dahil doon kung hindi dahil nababaliw na ako at ang mga labi ko ay nangangalay na sa kangingisi.
What the hell is going on with me?
Ako:
Pwede ba tayong mag-usap bukas? Can I take you out on a proper date?
Ilang minuto akong naghintay ng text niya pero wala na akong natanggap. Napabuntong hininga ako nang malalim pero parang sa pagkalungkot ko ay doon napirmi si Ramiel. Hindi na ako nito inusisa at inabala na lang ang sarili sa paghithit sa hawak na yosi.
Hindi naman na bago sa akin iyon dahil noon pa man ay pumupuslit na talaga siya ng sigarilyo sa bahay pero ngayong nagiging habit na niya ay parang gusto ko na rin talaga siyang batukan gaya ni Ate Skyrene. Iyon nga lang, alam naman naming lahat na walang makapipigil sa kanya. Ramiel does what he does. Kung ano ang trip niya, walang pwedeng pumigil kahit pa si Ate Sky. He listens, but the decision was still always up to him.
Dahil naramdaman kong natamaan na ako at tama si Wiltshire na may pasok pa bukas ay ako ang naunang nagpaalam sa kanila.
Ramiel stayed with them. Hindi ko na kinulit dahil alam ko namang kahit na magdamag siyang uminom ay hindi siya tatamaan at magagawa pa ring pumasok kinabukasan. Kahit nga hindi ito pumasok ay nakahahabol pa rin siya sa mga lesson. Namana niya ang talino ni Mama kaya hindi na kami nagtataka kung minsan ay halos perfect niya pa rin ang mga grades niya sa kabila ng mga kabulastugang ginagawa.
Pagkatapos maligo para malamigan ang katawan ay nahiga na ako sa kama. Magse-set lang sana ako ng alarm pero muling sumilay ang ngiti ko nang makitang may reply pala si Wilt sa huling text ko kanina.
Wilt:
Sure, Del Rio. You can take me out on a date.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
This story is only exclusive and will be posted on Patreon and Private Facebook group (direct pledge). Click the link on my bio to subscribe or message me for direct pledge.
Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro