Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 8: Mga Alaala

Nakasakay si Ibarra sa kalesa at binabagtas ang kahabaan ng Maynila. Maganda ang panahon ng araw na iyon at ang tanawin sa paligid ay nakapagpabalik ng kanyang mga alaala. Ang kanyang namamasdan ay katulad pa rin ng dati na kanya nang nakita: mga kalesa at karumatang walang humpay sa pagbibyahe, salimbayan ng mga taong abala sa pangangalakal at kanya-kanyang gawain: may mga Europeo, Intsik, Pilipino; may mga lalaking kargador, ang iba ay kababaihan na nagtitinda ng prutas. Nanduon din ang mga tindahan at mga hayop na kasama sa paghahanapbuhay.

Ang punong Talisay sa San Gabriel ay walang pinagbago, ang Escolta naman ay imbes na umunlad ay pumangit at walang kaayusan. Ang mga karwahe ay nagmamadaling ihatid ang mga kawani sa tanggapan at mga pari, kabilang na si Padre Damaso. Namataan naman siya ni Kapitan Tinong kung kayat binati siya nito.

Napadako naman siya sa kalye ng Arroceros at naalala na minsan ay nahilo siya sa napakasamang amoy ng tabako. Napadaan din siya sa Hardin ng Botaniko at naikumpara niya ang mga napuntahan niyang hardin sa Europa. Ibayo ang ganda ng mga ito kaysa sa kanyang natutunghayan ngayon. Anupat ang buong Maynila ay walang pinag-unlad, bagkus ang mga gusali ay nilulumot lamang ng panahon.

Sa patuloy na pag-iisip ay sumagi sa kanyang isipan ang sinabi ng kanyang gurong pari: 1) Ang karunungan ay matatamo kapag hinangad ng puso 2) Ang karunungan ay dapat linangin at isalin sa susunod na henerasyon 3) dapat lamang na magkaroon ng pakinabangan- kung ang mga kastila ay nanatili dito upang kuhanin ang yaman ng bansa, marapat lamang na ibigay naman ng bansang dayuhan ang karunungan at edukasyon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro