にじゅうしち、
Dalawampu’t pito.
| • | • | • |
Nagmadali akong pumunta sa Mayo Med Hospital, kagaya ng sinabi ni Alpha kanina. Aaminin ko, hindi ako nagmamadali para makita si Damon, nagmamadali ako dahil kay Drake.
Pagpasok ko ng ospital ay mabilis akong lumapit sa front desk. "Excuse me, do you have a patient named Drake Miranda?" Not minding that she was still talking with a woman.
Parang hindi n'ya ako narinig, ni hindi man lang lumingon sa akin. "Miss? Mayro’n bang Drake Miranda dito?!"
Hindi ko sinasadyang magtaas ang boses ko. Natigil sila sa pag-uusap at tumingin sa 'kin, papalit-palit ang tingin ko sa kanila. Mukhang kagagaling lang sa iyak ng kausap n'yang babae.
Sasagot na sana ang nurse nang biglang may tumawag sa pangalan ko.
"Sasha?"
Tumalikod ako at tumingin sa tumawag sa akin. "Alpha,"
"Anong ginagawa mo diyan? Hindi mo ba nakita ‘yung text ko? Nando’n ‘yung room number ni Damon." Aniya habang palapit sa akin.
Lumingon ako sa nurse na siyang nakayuko at binubuklat ang kan'yang folder. Siguro ay hinahanap na n'ya ang pangalan ni Drake.
"Sakto, bumili ako ng pagkain. Sumabay ka na sa ‘kin." Bulalas n'ya at nauna nang maglakad.
Napalunok ako. Gusto ko sanang tanongin ulit ang nurse pero kasalukuyang naghahanap pa rin siya samantalang huminto naman si Alpha sa paglalakad at lumingon sa akin. "Sasha? What?"
Stop it, Sasha. You’re being too obvious!
Binasa ko ang labi at sumunod sa kan'ya sa paglalakad.
Ito na sana ang pagkakataon kong puntahan si Drake pero... ayoko namang magtaka sa akin itong si Alpha. Kilala nila ako, kilala n'ya ako. Alam n'yang wala akong pakialam sa ibang tao— bukod sa mga kasama ko sa Unfazed.
Pagpasok namin sa kwarto ni Damon ay bahagya akong napatigil. Hindi kagaya ng huling pagkakaalala ko kay Drake, mas maraming sugat at pasa si Damon. Puno ng benda ang katawan n'ya at kita ang mga galos sa mukha.
"Just like you, Damon also got into accident." Bulalas ni Alpha.
Dahan-dahan akong lumapit kay Damon na walang emosyong nakatingin sa akin. Saka ako lumingon kay Alpha. "Accident? You mean I went into an accident?"
"Hindi mo maalala?"
Kumagat si Alpha sa hawak na mansanas at nag-salita nang hindi ako sumagot. "It’s a miracle that we found your body down in a high cliff. You’re lucky, look at you, you looked like you haven’t been into that accident."
Tumingin ako kay Damon. "How about you?"
Dumako ang itim n'yang mata sa akin pero agad din n'ya iyon inalis. "I didn’t capture my target,"
"Target...?"
You mean me?
"Medyo makunat ‘yung napunta kay Damon. Leader ng isang mafia gang ang napunta sa kan‘ya. Sadly, this leader won over him."
"Shut up," masungit na usal sa kan'ya nito.
Naguluhan naman ako. Alam ko namang hindi na nila ako maaalala no'ng oras na 'yon, pero... teka, nalilito na talaga ako.
"Si Rivaille..." nagulat ako sa sarili ko nang maiusal ko ang dapat sa isip ko lang.
Tumingin ako sa kanila. Nakataas ang dalawang kilay ni Alpha samantalang nagtataka ang tingin ni Damon.
"Knight Rivaille Santiago Ross, you know him?" Tanong ni Alpha.
Umiwas ako nang tingin at pekeng natawa. Lumapit ako sa bintana. "Of course. I saw him once at the bulletin."
Kalimitan kasi, kapag may mga i-a-assasinate kami, nakalagay muna ito sa isang bulletin board— sa office ni Israel Lawliet. Doon n'ya pinag-aaralan ang mga background ng targets.
Mabuti nalang at nakalusot.
"Yeah. He’s a total jerk! Top mission kasi ‘yun, sa ‘yo dapat ‘yun, Sasha."
"Dumbass," mahinang usal ni Damon.
"What?" Natatawang tanong naman ng isa.
"What are you implying for?"
"Implying what? I didn’t mean any—"
"I want to know what happened to the last mission that I was assigned?" Singit ko sa kanila. Naalala ko kasi na noon ko pa 'yan gustong itanong kay Damon.
Tumigil sila't napatingin sa 'kin pareho.
"Actually... Lia was the one to take over your part— since you came into an accident."
Lia... I can't remember her face.
"But how are you, Sasha? Are you feeling better? Pwede ka na ba ulit tumanggap ng mga targets?" Biglang tanong ni Damon.
I glanced at him, not really sure what to say.
There is this rule... that once you leave the Unfazed Organization, you have to prove your sincerity through wounding up yourself in front of all the members. When you're finally out, means you cannot do crimes. If you does, a member of Organization will come and kill you.
If ever you talk about this Organization to someone and it spread through out the news, a member of the Organization as well will come and find you... but not to kill, but to gather a mass and execute you in front of many people— without them not seeing the culprits.
Matuwid akong tumayo sa harapan nila at bumuntong hininga. Whatever their opinions, I’m still the one who will decide my fate.
"Damon, Alpha, I’m... quitting."
A moment of silent surrounds us. Hindi sila kaagad nakapag-react sa sinabi ko. Samantalang alam ko sa loob ko na buo na ang desisyon ko.
"I know this is all sudden... but things changed. Gusto ko nang magbagong buhay. Hindi n‘yo lang alam pero ang dami nang masasamang nangyayari sa akin. Money and wealth is useless in my situation. Paano kung mamatay na ‘ko? You will all bury me just like that? Like I was some kind of an animal who lost its life in a battle?"
Nanatili silang tahimik at nakikinig sa akin.
"Gusto kong maranasan ‘yung may magmamahal sa akin. ‘Yung tipong kapag namatay ako, iiyak at magsisisi na wala na ako sa piling n‘ya. Am I weird? Maybe. Because now... I’ve finally realized that I want to be loved again by someone I love the most." pagpapatuloy ko.
Habang sinasabi ko 'yan, naaalala ko ang mga kaganapan noong nasa Carmona Terminal pa ako. Everything's fine, like being a poor is not a way for you to feel lonely.
Sa isip ko kasi dati, basta mayaman ka, masaya ka na. I was like that before. I love my job, I love my everything.
But when I met him, that’s when I appreciate every... little... things.
Napahawak ako sa suot kong kwintas. It’s still here. I'm glad...
Bumuga sa hangin si Damon at napapikit. "I thought of that too,"
"Wait, don’t tell me you two are quitting this Organization?!" Nagugulat na tanong ni Alpha, "Men, your the assets!"
"Who needs that anyway? I’ve made my decision." I heaved a sigh, "If it disappoints you, I’m sorry. I really am."
Nanlaki ang mga mata ni Alpha samantalang napatitig sa akin ang walang emosyong mukha ni Damon.
"What... you said sorry?"
I can't blame him. This is the first time I said sorry in sincere.
Hindi ko na pinansin pa si Alpha at tumingin kay Damon na nasa gano'ng posisyon pa rin. Napangiti ako sa loob ko. This is my buddy since day one. I feel sorry to finally leave him. Sabay kaming nagpunta sa Unfazed, pero ngayon, iiwan ko na siya.
Sa tingin ko, pwede pa rin naman siguro kaming maging magkaibigan.
At ngayong aalis na 'ko, pwede na kaming mamasyal saan man namin gusto. Same goes for Samantha.
Hindi kasi namin 'yun nagagawa dahil sa mga mission. Hindi uso 'yun sa mga assassin ng Unfazed. Imbes na mag-lakwatsa, gagawa ka nalang ng plano mo para sa target.
Humakbang ako hanggang sa makalapit kay Damon at naramdaman ko pang nagulat siya nang yakapin ko siya. Habang napasinghap naman sa tabi si Alpha.
I bit my lower lip. This is the first time I hugged someone... I'm sad that it's not Drake.
"S-Sasha..."
"Thank you for always supporting me, Damon. How I wish you feel the same way as I am, maybe in that way, you will hope a better you in the future." Sabi ko sa mahinang boses.
Kumalas ako't mahina siyang tinapik sa ulo. "We’ll remain friends... best buddy."
Damon seemed out of words, a sly look flashed in his eyes.
"Dear, Devil, who is this woman in front of us? Does her soul changed?" Biglang bulalas ni Alpha habang nakapamewang at nakatingin sa gilid n'ya. "Man... what a drag."
"Alpha," I called out his name.
Nang tumingin siya sa 'kin ay nginisian ko siya. The usual smirk he used to see, "Fuck you."
Nagulat ang ekspresyon n'ya ro'n at napakurap-kurap. "What?!"
Sometimes, the place you are used to is not the place you belong. We are only as blind as we want to be.
Atleast that's the lesson I learned.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro