Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

にじゅういち

Dalawampu’t isa.

| • | • | • |

Tahimik at walang kibuan ang bumabalot sa amin sa loob ng sasakyan. Sa tingin ko ilang minuto na ang lumipas nang magsimulang humina ang ulan hanggang sa tuluyan na itong tumigil.

"So... she’s your sister-in-law?" hindi na napigilang tanong ni Rivaille.

Mas pinili kong hindi sumagot. Hindi ko mapigilang isipin... I hate this girl, but look, we're in the same car.

Kung hindi ko lang talaga iniisip si Drake.

"U-Uhm... pwede bang... pakibaba nalang ako sa tabi. Hindi ako pwedeng umuwi ng ganito." Mababang litanya ni Freya kaya dumako ang mata ko sa rearview mirror upang makita siya.

Napansin kong tumingin sa 'kin si Rivaille, tila hinihintay ang sagot ko.

"Sure,"

Maya-maya ay hininto na ni Rivaille ang sasakyan sa isang parke.

"Are you sure you’re fine here? Where do you plan to go?" Magkasunod na tanong niya rito.

Nahihiya itong tumango. "Ma-May kasama naman ako..."

"Really? Who?"

"Si Ate,"

Automatic na kumunot ang noo ko at napalingon sa kan'ya. Nakita ko siyang nakatingin rin sa 'kin. Anong problema ng babaeng 'to? Iniisip n'ya bang sasamahan ko siya diyan?

That's disgusting.

"Si Judith?" Anas ng katabi ko, "But I’m going to drop her home. May mga dala siyang groceries, e."

"Gusto ko lang—"

I cut her, "No,"

Bumalik ako sa maayos kong pagkakaupo. Me? Coming with her? Oh, dear satan.

"Gusto ko lang makausap ka, ate. Sa-Sana pagbigyan mo ‘ko ngayon..."

Sa puntong 'to ay alam ko nang nakakaramdam na ako ng iritasyon. Hindi ko kasi mai-magine, kaaway ko siya eversince I came here, tapos ngayon, sa isang iglap, magsasabi siya na gusto n'ya akong makausap? Kaming dalawa lang? As in? Isipin ko palang, nakakainis na.

So it's a no for me.

"A-Ate... gusto lang kitang makausap. Ngayon lang naman ‘to, e. Dati, nakakasama naman kita kahit na gano’n ako sa ‘yo. Naiintindihan ko na may galit ka sa ‘kin dahil sa mga ginawa ko. Kaya nga ngayon, gusto ko sanang makausap ka para na rin—"

"Shut... your mouth, woman."

I chime in seriously.

Halata naman ang gulat sa kan'ya kaya napayuko nalang ito at nanahimik— bagay na ngayon ko lang nakitang ginawa niya. Maybe because I have witnessed how she was beaten by someone.

Sa totoo lang, naiinis ako sa pinagsasabi n'ya. Wala naman akong pakialam kung marinig ni Rivaille ang mga nangyari dati pero para sa 'kin, hindi n'ya na dapat binubuksan 'yon lalo't may ibang nakakarinig.

Or else she wanted to broadcast how I nearly killed her?

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Rivaille. "Now what?"

"Pero ate sandali—"

Binuksan ko ang pintuan sa tabi ko at walang sali-salitang lumabas ng kotse. Kaagad na na-alerto si Rivaille. "Wait, Judith!"

Bago ko ibagsak ang pintuan ay mataman akong tumingin at nagsalita kay Freya, "For you to shut up, start moving and get your ass off here." Nahinto pa siya ng ilang sandali bago tumango at kumilos pababa. Doon ako bumaling sa nagtatakang mukha ni Rivaille, "Kung maghihintay ka rito, malaking tulong ‘yon. Pero kung kailangan mo nang umalis, akin na ‘yung mga binili ko."

"I’m gonna wait for you,"

"Bahala ka,"

Sinarado ko ang pintuan ng sasakyan at hindi na hinintay si Freya na makarating sa kinatatayuan ko. Naglakad ako 'di kalayuan sa sasakyan, para kahit papaano ay tanaw kami ng naghihintay sa 'min.

Hindi ko pa man naririnig ang sasabihin ni Freya, pero parang alam ko na ang dahilan...

She now has a guts to say sorry for all she have done.

I'm sure of it.

Humalukipkip ako nang makita kong malapit na siya sa pwesto ko. "Spill it faster," I said.

Nakagat n'ya ang ibabang labi n'ya habang nakatitig sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang iikot ang mata ko. Is she going to cry? Ugh.

"Speak."

Nararamdaman at nakikita ko ang nalalapit na pag-iyak n'ya. Halatang pinipigilan n'ya ito kaya naman lumilikot ang kan'yang itim at magang mata.

"Uhm... ano kasi,"

"Ano?"

Wala pa man ay napahilamos na siya agad sa kan'yang pisngi. "T-Thank you, ate!"

Nagulat ako nang bigla siyang yumuko at ipag-hawak ang mga kamay sa isa't-isa. Biglang bumuhos ang kan'yang luha na siya namang obvious kanina pa. "Hi-Hindi ko alam pero sa tingin ko... utang ko ang buhay ko sa ‘yo. Hindi ko man lang kasi kayang ipagtanggol ang sarili ko sa iba. Masyado akong mahina... tama ka,"

Hindi ako nagsalita.

"Kung hindi kayo dumating, malamang ay nawala na ang virginity ko. Ka-Kaya salamat..."

"Hindi ka kasi nag-iisip. Kung nag-iisip ka, hindi sana kayo hahantong doon. Napaka desperada mo rin, e. Ano? Atat na atat ka nang magka-boyfriend? You’re so cheap."

Spouting those harsh words was not just because of my personal issues on her... but apart of it is to tell her a lesson that you should have wait for the perfect timing for the so-called-love.

Wala akong pakialam sa salitang 'yun. Actually, I have never felt that. If I ever does, for sure it's because I love my friends and my job.

But in a romantic way... I know I haven’t.

Lalo siyang naiyak sa sinabi ko. "A-Alam ko! Sa sobrang pagka-gusto ko sa kan’ya... hindi ko na naisip na... selfish na pala ‘ko."

"A selfish idiotic bitch," I retorted.

At mas nagulat ako sa sumunod n'yang ginawa... mabilis tuloy na nagsalubong ang kilay ko sa kan'ya.

"W-What..."

She kneeled down in front of me and beg for forgiveness.

Amazing.

"Sorry! Naging maldita ako sa ‘yo, ate... pero alam ko namang una palang, mabait ka na. Napuno ka lang talaga sa ‘kin at ngayon ko lang na-realize ‘yon. Sorry kasi... dahil rin sa akin kung ba’t hindi tayo magka-sundo. Pe-Pero alam ko... alam kong mabuti ka talaga, kaya ka nga pinili ni kuya kasi mabait ka... at nagso-sorry ako kung ba’t ginagano’n kita."

I was stunned for a seconds and in that moment, Drake suddenly flashed in my mind.

"Salamat din dahil niligtas mo ‘ko... kahit gano’n ang mga sinasabi mo, naisip ko na tama ka. Napaka desperada ko nga. Pero sa tingin ko gano’n naman talaga pag nagmamahal ka. First love ko siya, kaya hindi ko rin naiwasan. Pero tanggap ko na... ta-tanggap ko na talaga." She continued, bowing her head and crying.

Pa-simple akong napatingin sa mga taong nagdadaan sa amin. Iniisip siguro nila, inaapi ko ang babaeng 'to.

Geez, what a scene.

Labag man sa loob ko pero pilit ko siyang tinayo at inalalayang makaupo sa pinaka malapit na wooden chair na nakita ko. Iyak siya ng iyak na parang dugo na ang susunod na iluluha.

"Bitch, I think you have a disease." I faked a worried expression.

Hirap naman siyang tumingin sa mata ko. "Huh?"

"It’s called, 'hindiphinile,' do you get me?" Poking fun of her stupidity.

Mukhang hindi n'ya na-gets. Pero hindi na ako nag-abala pang i-explain ang salitang 'yun. Kusa nalang 'yun pumasok sa isip ko kanina kaya nasabi ko sa kan'ya. Well, atleast it's true.

I heaved a sigh and rest my back at the chair. But to speak honestly, I pity this girl.

I can't believe na darating sa sitwasyon na maiisip kong, 'kung ako kaya ang nasa lagay n'ya, magiging desperada din kaya ako para sa pag-ibig na 'yan?'

I don't actually know where that came from, it just pop in unexpectedly.

Pinunasan n'ya ang pisngi n'ya pero hindi doon natigil ang sunod-sunod na pagpatak ng kan'yang luha. She smiled weakly, "Aaminin ko... kaya ako naging desperada kay Sid dahil napaka buti n‘ya sa akin— tipong akala ko, gusto rin n‘ya ako. Ka-Kaya ayun, ang tanga tanga ko."

"I can’t disagree with that," I answered.

"Mahal ko kasi siya... pero ang sakit-sakit dahil ‘yung taong gusto n‘ya... ay ‘yung matalik na kaibigan ko pa. Doble ang sakit dahil alam kong gusto rin siya ng kaibigan ko." Humagulgol ito sa mga palad n'ya, walang pakialam sa mga taong nagti-tingin sa amin.

Habang hindi ko naman malaman ang isasagot pa. I've roasted her too much, now I'm running out of words.

"Kaya lang... hindi ko maintindihan kung bakit kailangan n‘ya akong saktan, physically and emotionally. Hi-Hindi ko maintindihan kung bakit hindi n‘ya nalang ako dinaan sa matinong usapan. Alam ko namang, bulag pa ako nang mga oras na sinabi n‘ya sa aking ayaw n‘ya sa akin. Pero ‘di ba? Sana man lang... kinausap n‘ya ulit ako."

This is the most dramatic scene I've ever seen. Noon, sa mga pinapatay ko, wala silang kasisi-sisi. Umiiyak man sila pero dahil 'yun sa galit.

Pero ngayon, ngayon lang ako nakatagpo ng isang babae na umiiyak sa harapan ko dahil sa pag-ibig. Malayo sa dati kong kinagisnan, kaya hindi ko malaman ang dapat sabihin.

But one thing's for sure...

"Hearts are wild creatures... that’s why our ribs are cages." I said in a low voice.

Tumigil siya't napalingon sa akin habang diretso ang mga mata ko sa harapan.

"In my opinion, men are born to pursue women. When a man really wants you, you won’t have to chase after him like he’s some celebrity who barely has time for a fan. You will be his priority." Saka ko siya nilingon, "Stop trying so hard to people who don’t care."

Hindi por que isa akong killer, ay wala na 'kong alam sa buhay. One time in my life, I've learned that you have to be brave and strong. Because if you're a weak, you'll be dead.

That's why I fell in love with my own solitude.

'Cause we all have demons, but I choose to feed mine.

Death before suckass.

"A-Ate..."

Tumayo ako at agad winakli 'yun sa isip ko. Tinignan ko siya ng seryoso.

"Save your feelings for someone who cares," napapikit ako, "And... I’m sorry, too."

Wala na akong lakas ng loob pa para tignan siya kaya naman naglakad na 'ko at iniwan siya sa upuan na 'yun. Dumiretso agad ako sa sasakyan ni Rivaille.

"Done talking? How about her?" Tanong niya nang makapasok ako sa loob.

Binasa ko ang ibabang labi ko bago ipahinga ang ulo sa sandalan. Wala sa plano ko ang gawin 'yun, but it suddenly spilled out of my mouth.

I said sorry...

Without coercing myself, I finally said sorry.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro