Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

じゅうはち

Labing walo.

| • | • | • |

These past few days, something's bothering on my used sentiments. It's still unclear and as time goes by, it's leading me away.

Honestly speaking, I really don't know what to think. Mayro'ng gumugulo sa isip ko na hindi ko mapangalanan. Si Damon ba? Inaalala ko ba kung kailan ako babalik? Paano pagnagkita kami ni Damon? Magso-sorry na ba ako kina Drake?

I'm having a hard time to figure it out... but none of it has the cause.

Ilang beses ko na 'tong nasabi pero... sa kabila ng mga pinapakita ko sa kan'ya, as a husband, he's way too understanding. Nagagalit siya, pero maya-maya'y okay na sa 'kin. Kahit may sama siya ng loob na alam kong kinikimkim niya, tinatanggap nalang niya para sa akin.

One of the strong reasons why it's bothering me, is because of last night...

Muntik ko nang sabihin sa kan'ya ang salitang 'sorry,' but that never happened. Nakita ko kasi ang mga photo album nila noong kasal nila. Nakakatawa nga e, kung hindi mo alam ang itsura ko, malamang mapagkakamalan mo 'kong tunay na asawa niya. I really looked like her.

May mga letters din akong nakita sa ilalim ng kama. May kahon doon at maalikabok na. Ayoko sanang galawin pero may nag-udyok sa loob ko na tignan 'yun.

And that's all the letters from Drake.

I wonder, nabasa kaya 'yun ni Judith? Bakit mukhang tagong-tago?

At aaminin ko, medyo... medyo nakonsensya ako sa isang nabasa kong sulat niya.

"Today is January 07. Death anniversary ni Aya- our baby girl. Hindi ko matanggap ang pagkamatay niya. Someone... someone kidnap and murdered her. Isang taon pa lang siya pero pinagkaitan agad siya ng buhay. I always ask to myself... why? Bakit kailangan bata ang kunin? Bakit 'di ako? Lahat naman kaya kong isakripisyo para sa mag-ina ko, e. Pero bakit nga kasi siya? Bakit may mga taong pumapatay na parang napaka dali 'yun gawin para sa kanila?

Hindi ako maka-move on. Ang hirap, sobra. But I have to be happy for the sake of Judith. Ayaw niyang nakikita akong malungkot."

It's September 18, when I found out that letter. He wrote that, 8 months ago.

Bigla kong naisip ang mga na-biktima ko. But no, wala pa akong pinapatay na below 18 years old so that's impossible.

But that didn't erase the fact that I still kill people. Natanong ni Drake doon... kung bakit.

Reality speaking, Drake and I have a huge different way of thinking. Maybe he'll ask a killer why and the killer like me would tell my reasons... but for sure, he wouldn't understand that.

Haay, deliquent humans doesn't deserve to live... and so do I.

So as my organization.

But nah, we are still living. I'm still living.

Binagsak ko ang remote control ng tv sa lamesa. Bagot na bagot na 'ko. Walang maayos na palabas, puro ka-dramahan.

Tumayo ako at nagpaikot-ikot dito sa loob ng bahay. Sinusuri ang bawat gamit na madadaanan ng mata ko. Wala rin kasing tao, wala si Drake dahil sabi niya ay mag-a-apply daw siya.

Huminto ang paningin ko sa maliit na picture frame na nasa loob ng malaking display cabinet nila. May hugis puso na picture frame ang nando'n, isang batang babae.

Kumunot ang noo ko. Ito ba si Aya?

Or Freya, when she was a baby?

Nah, Freya? Cute 'yung bata, samantalang mukhang garapata si Freya, so can't be.

Hindi ko tuloy maiwasang mapangisi sa naisip ko.

Nagulat ako nang may bumukas ng pinto at kaagad din 'yun pabagsak na sinara. Tumalikod ako at nakitang nagmamadali si Freya na pumasok ng kwarto nila pero bago 'yun ay mukhang hindi niya ako napansin dahilan para mabunggo niya ako.

"What the hell?!" I snapped.

Pero hindi siya sumagot o huminto man lang. Kaya tumaas ang kilay ko. Sino ba sa tingin niya ang binabangga niya?

"Hoy!" Nang malapit na siya sa pinto ay hinablot ko ito sa braso, "Dire-diretso ka ah! Baka gusto mong-"

"Ahh!"

Nagsalubong ang kilay ko nang dumaing siya ng gano'n. Umatras siya para mabitawan ko ang braso niya saka niya 'yun hinawakan, pero nanatili pa rin siyang nakayuko.

Doon ako napatitig sa kan'ya. Now that I noticed, her hair was a little messy. Right then and there, I saw some bruises.

My eyes turned into slits. Something happened...

"Anong nangyari sa 'yo?" I asked in vacant.

Lalo siyang napayuko at umiling.

"You're obviously beaten,"

Bahagya siyang napahinto at dahan-dahan inangat ang tingin sa akin.

Naging malinaw sa paningin ko ang itsura niya. May pasa siya sa gilid ng labi, halatang nasugatan dahil may pula pa. Maga din ang kan'yang mata at namumula ang pisngi.

"A-Ano...?" Mahina niyang tanong. Malayo sa dating matapang.

"So, you have been beaten?" I crossed my arms, "Guess that's what you called, karma." Pang-aasar ko.

Pero hindi niya 'yun pinatulan. Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya, mukha na siyang iiyak ngayon.

I smirked. Buti nga sa 'yo.

If I was just a good girl, or someone as kind as heaven, I would probably pity her. But too bad, I'm a demon formed into a human.

Besides, she was once my weakest foe.

"Tss," I hissed and was about to turn around when she suddenly grabbed my hand.

Automatic na nagsalubong ang kilay ko sa kan'ya.

"Don't fucking tou—"

Huminto ako sa nakita. Nakayuko siya pero kita ang pagtaas-baba ng kan'yang dalawang balikat. I even heard her sobbing.

"P-Please... 'wag mong sabihin 'to kahit kanino. Lalo na kay kuya..."

What?

Mukha bang itsi-tsismis ko siya? Hindi ko ugali 'yun. Iisang gawain lang ang nasa utak ko.

"Ma-Magagalit kasi 'yun, e... baka kasi... ma-eskandalo ako. Ba-Baka pag usapan ako sa school." She begged.

Hindi ako sumagot. I couldn't find words to say.

Binawi ko ang kamay ko sa kamay niya habang hindi tinatanggal ang tingin rito. "Unang-una, wala akong pakialam sa 'yo. So, stop begging. You're irritating."

'Yun lang at nilayasan ko na siya.

∆ ∆ ∆

Kinabukasan ay narinig ko na nag-uusap ang mama at papa ni Drake. Hindi tulad ng dati, 'yung mga boses nila ngayon ay parang matamlay.

Is it because of Freya?

Lalabas na sana ako ng pintuan ng kwarto nang marinig ko rin ang boses ni Drake.

"Hinihintay ko pa 'yung tawag sa 'kin. Pero sa tingin ko, wala na 'yun. Mag-a-apply nalang ulit ako para makapagbigay na ulit ako."

"Drake, hindi ka namin minamadali ah? Okay lang kahit magpahinga ka muna." Usal ng mama niya.

"Pero ma, paano naman 'yung bayad natin sa upa? Hindi naman pwedeng tumagal 'to, lalo tayong mapapaalis niyan. Kinuha ko na 'yung ipon namin ni Judith pero kulang pa rin."

"Susubukan kong mangutang sa kumpare ko diyan. Wala, e..." Sagot naman ng papa niya.

"H'wag kayo umutang ng umutang ah. Mag-a-apply ako ulit. Kahit mag-construction worker muna ako pansamantala."

That hit me.

Constraction working is a very difficult job. Kaunting pagkakamali, pwede kang ma-aksidente.

Syempre hindi 'yun pwede. Isipin mo pa na siya lang ang source of income ng mga tao rito. Their parents has a job, but it isn't enough to provide the needs.

Bahagya akong nagulat nang bumukas ang pinto at nagkatapat kami ni Drake. Kumurap-kurap siya sa akin habang nagtataka.

"Love... bakit ka nakatayo diyan?"

Inalis ko agad ang tingin sa kan'ya. "I was about to open the door."

"Ah... tara, kain na tayo."

Nauna siyang maglakad at pumunta ng kusina samantalang sumunod nalang ako. Pansin ko ang pagkalugmok sa itsura ng magulang niya, patuloy pa rin silang nag-uusap sa sala.

Binuksan ni Drake ang takip ng ulam. Napangiwi pa 'ko sa nakita.

Sardinas...?

Hindi ako kumakain ng malansang de lata na 'yan. That's contaminated and unhealthy. Lalo na 'yang hindi ginisa.

Very malansa.

Hindi ko napansin na may mga nakahaing plato na pala sa lamesa. Dalawang pinggan at magkaka-pares na kutsara't tinidor para sa 'ming dalawa ni Drake.

"Uhm," umpisa niya, mukhang alam na niya ang nasa isip ko. "Pasensya ka na kung magsa-sardinas muna tayo, love. Wala pa kasing budget para sa mas masasarap na ulam, e." Aniya, "Pero 'wag kang mag-alala, maghahanap agad ako ng trabaho."

Hindi ako gumalaw at nanatili lang akong nakatayo at nakatingin sa kan'ya.

"Anong nangyari sa inapplyan mo?" Tanong ko.

Binasa niya ang labi at nahihiyang napangiti. Napakamot pa ito sa batok. "Tatawagan nalang daw ako, meaning, wala na 'yun. Doon naman sa isa, okay sana kaso ilalagay daw ako sa malayo, doon sa Oreon Town. E, probinsya na 'yon, e. Kailangan mag-barko."

"O, bakit 'di mo kinuha?"

Natigil siya't napatitig sa 'kin. "Huh?"

I sighed, "You need a job, right? You should've accept that."

Nang makabawi siya ay bahagya itong napayuko. Nawala rin ang ngiti sa kan'yang labi.

"Ayoko kasing... mapalayo sa 'yo."

Magsasalita sana ako nang tumingin siya sa 'kin. Bigla ko tuloy nakalimutan ang sasabihin.

"Ayoko ng long distant relationship. Sa ganda mong 'yan, imposibleng walang magkakagusto sa 'yo. Saka, hindi naman sa walang tiwala. Ayoko lang talagang mawala ka sa paningin ko."

Saka siya sinserong ngumiti.

Lumunok ako at umiwas ng tingin. Naiilang ako sa mga tingin niya lalo na sa mga salita niya.

What's his problem? Mas importante pa sa kan'yang makasama ako kaysa sa magkapera?! Tss!

Gayunpaman, ramdam ko na naman ang umusbong inis sa sistema ko dahil sa kan'ya. Pakiramdam ko pa, biglang uminit.

Mainit nga pala talaga dito. Tss.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro