じゅうご
Labing lima.
| • | • | • |
My eyes slowly opened as I felt the warm sunlight on my fair skin. I had a dream... no, I had a nightmare.
Kahit gising na 'ko ay nanatili akong nakahiga at nakatitig sa bintana. Hindi ko alam pero wala akong ganang tumayo. Maybe because that nightmare cause me so much affect.
To be honest, it really affects me.
That was a tragic story that I don't wanna remember. But I don't know why I dreamt of it.
Para masaktan ulit ako? Nah.
That was before. Everything that I've done after that tragic moment is my happiness. I do love to be with the Unfazed Organization. Wala akong pinagsisisihan doon.
Bumuntong hininga ako at naisipan nang tumayo sa kama. Bigla kong naalala si Damon.
Anong gagawin ko kapag bumalik siya?
Tsk!
Paglabas ko nang kwarto ay naabutan kong nasa kusina si Drake. Walang ibang tao sa labas kung 'di siya lang.
Nakatalikod ito mula sa akin at may suot na itim na apron. Nakasuot siya ng puting long sleeve at khaki board shorts. Marami ding kalat rito, mukhang nagluluto siya.
Binuka ko ang bibig ko para sana tawagin ang pangalan niya nang mamataan ko ang isang box ng cupcake sa dining table. Naalala ko, gan'yan 'yung itsura ng box noong nag-deliver kami. Ibig sabihin... nagba-bake siya ngayon?
Pinagmasdan kong mabuti ang mga nasa lamesa at lababo. May mga kalat na harina, sachets, bowls at mixer.
Teka, hindi ba dapat ay nasa office siya?
"Magandang umaga, love!"
Nagulat ako nang banggitin niya ang salitang 'yun. Huling pagkakaalala ko ay pinagbawalan ko siyang tawagin ako no'n ah?
"Coffee?" Tanong niya.
Hindi ako nakapag-salita agad.
Ngumiti siya at inabot sa 'kin ang puting tasa. Naamoy ko agad ang kape do'n. "Pinagtimpla na kita. Hindi 'yan 3-1 ah! Cameron's coffee 'yan, organic dark roast— rich and flavorful."
Wala na 'kong nagawa kung 'di abutin 'yun. Inamoy ko ito at agad siyang nagkaroon ng interes sa akin.
I usually drink any white coffee, not dark roast.
"What are you doing?" Tanong ko nang bumalik siya sa kusina.
"Ito?" Pakita niya sa bowl na may mixer, "Nagba-bake ako ng unicorn cupcakes. Sayang order kung 'di ko gagawin."
I see...
"No office work?"
Huminto siya sa ginagawa, "Hmm..."
Humigop ako ng kape sa hawak ko. The coffee was tentalizing my taste buds, not bad for a morning coffee.
"I got... fired."
Doon ako muling napatingin sa kan'ya. Saglit akong napaisip. I know it's because of me why he was fired.
Hindi ko alam pero bigla akong tinamaan ng kakaiba. What was it's name again?
"Pero okay lang! Okay lang sa 'kin. Hindi ko rin naman nang kaya pakisamahan ang taong nambabastos sa asawa ko." He said with a small smile.
Ngayon wala na siyang trabaho.
What the hell, Sasha...
Pinanuod ko siyang trabahuhin ang paggawa ng cupcakes habang humihigop ng kape. Kung kailan naman may mga tumatakbo pa sa isip ko, saka naman sumabay ito. Si Damon, kung kailan ako makakabalik, 'yung pag-a-apologize kay Drake at Freya, si Drake, tapos ngayon itong trabaho niya.
Ang aga-aga nakakaramdam tuloy ako ng kaunting inis.
Nang makalahati ko ang kape ko ay lumakad ako palapit sa ginagawa niya. He's now shaping the cupcake, I can see he has this great talent in baking.
Binaba ko ang tasa at huminga ng malalim. Tumingin siya sa 'kin at tinaasan ako ng dalawang kilay.
"Marami pa ba?" I asked.
"Yep. Para sa birthday party kasi ito kaya dapat makagawa ako ng 50 pieces."
"Woah,"
"Oo nga,"
Saglit akong tumahimik. Maya-maya ay naalala ko na ang itatanong ko.
"Uhm, is this your job? Or... mine?" I asked hesitantly. Baka kasi iba ang maging dating sa tenga niya. Ayoko naman ng gano'n. Basta.
He chuckled while filling the cupcake liners. "Well, it's actually yours, love."
Naikot ko ang mata ko. Here we go again...
"Pero, dahil mukhang hindi mo na trip 'to gawin, ako nalang ang gumagawa. Sayang din kasi kung palalagpasin ko 'yung mga umo-order." Natawa siya, "Passion mo 'to dati, e. Pero ewan bigla kang nagsawa."
Napakamot ako sa leeg. It's Isaac's fault! 'Yung mga binigay niya sa 'kin, 'yun pa talagang wala akong kaalam-alam!
"Okay. I'll help you, give me that."
Inagaw ko sa kan'ya ang ginagawa. Nagulat pa siya pero napatitig muna ako sa cupcake liners, lalagyan ko lang naman, 'di ba?
"Ako na 'yan. Kumain ka muna," sinubukan niyang agawin ang hawak ko pero nilayo ko 'yun.
"I'm not hungry,"
"Okay pero akin na 'yan. Baka magkamali ka kasi may sukat 'yan."
"E, 'di ituro mo sa 'kin."
Napahinto siya. Kumurap-kurap ito sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng ilang. Tsk!
"What the hell are you staring at?" Iritado kong tanong.
Umiling ito, "Ba-Bakit? I mean, akala ko wala ka nang interes dito..."
"Did I say that?" Naikot ko nalang ang mata ko at binitawan ang hawak. "If that really concerns you, then let me help you with others."
Pero tila lalo akong nairita nang malawak siyang ngumiti.
Blangko ko siyang tinignan. "You looked stupid,"
Nakangiti siyang napabuntong hininga, "Sige sige, see that?" Turo niya sa mga kalahating cupcakes sa liners, "Simply hollow out part of the center of the cupcake and fill it with the sprinkles. Then replace the cupcake piece."
Tumango ako at nilapitan 'yun. Sinimulan kong lagyan ang kalahating cupcakes. Dinahan-dahan ko pa ito para lang hindi sumobra.
Alam kong hindi ako ganitong tao. Pero hindi ko alam kung bakit parang gusto ko 'tong gawin. Siguro nga dahil tinamaan ako ng... konsensya? It's that what you call it o nanghuhula lang ako?
Yes, kung anuman 'yon, naapektuhan ako doon. Dahil sa akin nawalan siya ng trabaho. His kindness doesn't deserve something like that.
Napaigtad ako sa ginagawa dahilan para ma-sobrahan ang isang cupcake na nilalagyan ko dahil sa naramdaman.
Drake hugged me from behind.
Hindi ako nakagalaw. Hindi din ako nakapag-salita. Gusto ko siyang itulak palayo at murahin dahil sa ginagawa niya pero tila hindi ito prinoseso ng sistema ko.
Naramdaman kong umiinit ang pisngi ko. Damn it! Bakit?!
Before I could protest, he cut me.
"Let's stay like this for a little longer, love. Na-miss ko 'tong gawin." he whispered.
Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya mula sa likod ko. Hanggang sa naramdaman ko ang paghigpit ng kapit niya sa bewang ko. Nakabaon ang mukha niya sa balikat ko at umiinit ang nararamdaman ko.
Hindi ako sanay sa ganito...
I know I should push him away. Pero hindi ko magawa dahil... para nitong hinahatak ang lakas ko.
Hanggang sa tuluyan na 'kong sumuko. Hindi ko na siya nagawang pagsalitaan. I gave in and let him hug me from behind.
Ganito pala 'yung pakiramdam ng niyayakap. I don't have any idea.
How funny.
∆ ∆ ∆
Tahimik akong nakaupo sa upuan habang umiinom ng tsokolate. Nakadungaw ako sa mga nagdadaang mga tao habang nakikinig sa usapan ni Drake at ng customer n'ya.
"Naku, maraming salamat talaga. Actually, recommended lang kayo sa ‘kin ng kaibigan ko at mukhang hindi nga ako mabibigo."
"Thank you po kung gano’n."
Tumayo ako at napansin ko mula sa gilid na napatingin silang dalawa sa 'kin. Sumenyas ako kay Drake na mag-c-cr lang na tinanguhan naman n'ya. Dahil walang cr sa shop na pinasukan namin, kinailangan kong lumabas at maghanap dito sa mall.
Sa totoo lang, medyo nabo-boring na rin ako, e. Ang dami nilang pinag-uusapan.
Nang mahanap ko ang cr ay agad na 'kong pumasok. Nag-ayos ako sandali. Bahagya pa nga 'kong nainis nang makita ang repleksyon ko sa salamin.
White plain long sleeve, maong pants and white rubber... I looked like a cheap woman.
Pagkatapos kong mainis sa itsura ko ay napagpasyahan ko nang lumabas para bumalik pero automatic akong napahinto at napahawak sa balikat ko nang may bumunggo sa akin.
Isang matangkad at... err, magandang babae.
"Argh," umikot ang mata n'ya, "Malabo ba mata mo, Miss?"
Wow...
Tumaas ang isang kilay ko sa kan'ya. "Hindi, e. Pero baka gusto mo ‘yung mata mo ang lumabo?" banat ko.
Ngumisi siya at bumuga sa hangin, "Ikaw ‘tong tatanga-tanga, ikaw pa ‘yung nagagalit. Seriously, gan‘yan ba talaga pag squatter?" lalo n'ya akong nginisian, "By the way, kung sasabihin mo sa ‘king hindi ka squatter, duh? Hindi mo ‘ko maloloko."
"Mira, enough." mahinang suway sa kan'ya ng kasama n'yang lalaki.
"Bakit? Ni hindi nga siya marunong mag-sorry!"
"Tama na,"
Pa-simple akong sumilip sa gilid namin. May ilang tumitingin na't napapahinto dahil dito.
Damn... I can't believe someone would actually abashed me. Hindi ganito 'yung naramdaman ko noong binalak akong hulihin ni Damon.
Tangina netong babaeng 'to...
"Bakit ako magso-sorry sa ‘yo? E, ikaw ang tanga. Mag-sorry ka sa ‘kin." Diretso kong sabi.
Nakita kong napanganga silang dalawa ng kasama niya. Good for her, siya naman talaga ang may kasalanan.
Nang makabawi siya, "You bitch,"
Taas noo ko siyang nginisian. She don't know me... I can kill her right here, right now.
Ops, hindi nga pala 'yun pwede ngayon.
"Mira, let’s go. Marami nang nakatingin." Hinawakan ng lalaki ang babae sa siko pero nagmamatigas ito.
"Okay." anas niya.
Kinuha n'ya ang sling bag niya at may dinukot doon. Nawala ang postura ko nang batuhan n'ya ako ng libo-libong pera hanggang sa bumagsak ito sa mga paa ko.
"Mira..."
Inayos n'ya ang sling bag sa balikat n'ya at tinaasan ako ng isang kilay, "I won’t say sorry to a bitch like you. ‘Yan ang pera, ibili mo ng respeto sa mga nakakaangat sa ‘yo."
Hinawi n'ya ang buhok bago pairap na umalis sa harapan ko. Samantalang hindi ko nagawang gumalaw sa kinatatayuan ko.
Nakatitig lang ako sa sahig. Kahit ramdam kong maraming mata na nakatingin, wala akong pakialam. All I feel is my blood boiling in anger and the set in motion of my desperation to kill.
Humakbang ako at hindi inalintatana ang mga nahulog na pera. Gusto ko siyang sakalin hanggang sa mamatay siya.
But I stopped as someone firmly hold me on my arm.
"Judith,"
It's Drake...
'Yun palang ang naririnig ko pero tila isang bula na nawala ang ka-gustuhan kong habulin ang babae.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro