Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

じゅういち

Labing isa.

| • | • | • |

Between me and Isaac, he was really the one who won.

The pain he gave was full of shit to handle. Akala ko noong una'y kaya kong tiisin 'wag lang makabalik sa buhay nila Drake, but it's getting more and more painful as it stays.

It was like he pushed me to return home. Hindi ko pala kayang tiisin ang sakit na binibigay niya. Para akong mamamatay kahit hindi naman ako doon dadalhin. Besides, ako rin ang lugi sa huli. Binigyan niya 'ko ng kakaibang torture, tapos maninirahan pa ako dito habambuhay?

That was double kill for me.

Kaya wala akong ibang mapagpipilian kung 'di ang bumalik rito... at magpaka-plastik.

Drake's serious glare was slightly causing me shivers. Tinignan na niya 'ko ng gan'yan before, but tonight's different.

"Bakit mo nagawa kay Freya 'yun?"

Wala nang paligoy-ligoy nitong tanong. Tinanggal ko ang tingin ko sa kan'ya. I have planned this before coming home, so I should act accordingly.

"She provoked me," I answered in a low voice.

"Provoke what?"

Binalik ko ang tingin sa kan'ya. "I know it's a big mistake but why do I feel like it's me who's in fault in the first place?" Tumayo ako, para dama. "It's all her fault! Binabastos n'ya ako, Drake! Even in front of your parents! Sinabi n'ya pa na gusto lang daw n'ya subukan ang ugali ko? Hah! Drake, kahit sinong babae, mapupuno sa ugali ng bruha mong kapatid!"

Napabuga ako sa hangin. Ang intense ng aktingan natin, Sasha.

"Sinasabi mo bang sapat na dahilan 'yun para tangkain siyang saksakin sa leeg?" Malamig na tugon nito sa akin.

"Mali nga, e. Dapat pala dila niya ang pinuntirya ko."

Kumunot ang noo nito, "Ano ba talagang nangyayari sa 'yo? Gulong-gulo na 'ko, Judith! Bakit naging gan'yan ka? Hindi ka naman gan'yan magsalita dati, kumilos, hindi ka maarte, nakikisama ka, sinasakyan mo lang ang mga sinasabi sa 'yo ni Freya... tapos isang araw, nag-iba ka na." Bakas ang pagtataka at pag-aalala sa boses niya.

Because I'm just pretending... dude.

Naihawi n'ya ang mga kamay sa buhok at mariing napapikit. Halata ang pagti-timpi.

"Pakiramdam ko pa nga, niloloko mo nalang ako." Mahinang aniya saka dumilat at tumingin muli sa akin, "Pakiramdam ko, biglang dumami ang mga bagay na hindi ko alam mula sa 'yo. Pakiramdam ko may tinatago ka. Pero anong ginawa ko? Hindi ko pinapalaki 'yun sa isip ko kasi may tiwala ako sa 'yo, e..."

I couldn't find any word to speak. Honestly, this is getting and getting worse.

"Hindi ka din gan'yan sa 'kin. Asawa mo 'ko pero pinapatulog mo 'ko sa sala? Anong nangyari? Hindi ko naman pinalaki, 'di ba? Pinalaki ko ba? Lahat ng kakaibang aksyon mo, hindi ko ginawan ng issue kahit nakaka-panibago na. Tapos... nang dahil lang sa na, "provoke" ka tatangkain mo nang patayin ang kapatid ko?" Napapahilamos pa siya ng mukha dahil sa galit at dismaya.

Kung hindi lang talaga dahil sa kundisyon ni Isaac at sa binigay n'yang sakit sa 'kin, baka pati siya nasaktan ko na physically.

"Magpalit kaya tayo ng sitwasyon, 'no?" I rebutted, "Saka, tigilan mo nga 'ko sa drama mo. You marry me in the first place, you should've accept your wife's attitude. Pinili mo 'ko, 'di ba? Kung bakit kasi nagmamadali ka. Look, you decided to marry me but you don’t have your own house?!"

He paused. It was like I say something wrong.

Tinuro niya ang sarili, "Ako talaga, Judith?"

"Natural! Lalaki ka, e."

"Wow!" He exclaimed, "Baka nakakalimutan mo na, ikaw ang nagyaya sa 'king magpakasal. 'Di ba sinabihan naman kita na hindi ako mayaman at bago tayo magpakasal ay kailangan ko munang mag-ipon? Pero mukhang nauntog ka yata at nakalimutan ang mga sinabi mo. Sabi mo handa kang tanggapin anuman ang ibigay ko— kaya tayo nandito sa bahay ng magulang ko dahil nag-iipon palang tayo. Pero wala naman akong pag-kukulang, ‘di ba? O baka hindi ka lang kuntento talaga? Binibigay ko sa ‘yo lahat, pinaghihirapan ko para lang sa ‘yo lahat, Judith."

Saglit akong natulala sa kan'ya. Napakurap-kurap ako sa mga sinabi ko.

Damn... wrong words, Sasha!

"Tapos, naaalala mo pa ba noong college tayo na ikaw ang habol ng habol sa 'kin? Hanggang sa wala na, nahulog na 'ko. Kinalimutan mo na ba, ha, Judith? Ngayon mo sa 'kin sabihin na ako 'yung nagmamadali."

Whaaat?!

Kung sino man 'tong Judith na 'to, shame on you, girl. Siya pa talaga ang gumawa ng mga paraan para lang piliin ng lalaki.

That's so cheap.

Hindi na ako makapag-salita. I was out of words, really.

Ano na nga ba ang sasabihin ko sa kan'ya?

"Nakaka-disappoint ka, Judith. Kung ayaw mo na sa 'kin, sabihin mo lang. Kahit masakit para sa 'kin, papalayain kita." Saad nito sa kalmado na niya ngayong boses.

Is this a sign of a break up marriage?

Geez, kapag nakipag-hiwalay ang isa sa 'min, that'll be the sign for me to live here forever. I'm sure of that. Dahil dinala ako ni Isaac sa maayos na pamilya, hindi pwedeng ako ang maging cause no'n para mawatak sila.

Hindi ako masyadong sigurado doon pero kailangan kong maging advance mag-isip dito.

Shit! If only that's fine...

Magsasalita pa sana ako para bawiin ang mga sinabi ko nang layasan niya ako sa harapan at pumasok sa kwarto.

Doon ko lang naalala na kailangan ko palang mag-sorry.

∆ ∆ ∆

Kasama ko na kanina ang pamilya ni Drake nang malaman nila ang nangyari kay Freya. Of course, as a parent, nagulat at nagalit sila. Pero mangha din ako sa kanila dahil hindi nila ako pinag-sabihan ng masasakit na salita at sinaktan.

I expected them to hurt me, but instead, they say...

"Pasensya ka na kay Freya... dahil naman sa ugali ng anak namin kaya mo ito nagawa, e. Naiintindihan ka namin, anak. Hindi kami galit sa ‘yo. Pero sana sa susunod, magkaayos na kayo at matigil na ang anumang hidwaan n‘yo. Mabait ka at alam namin ‘yan. May mga oras lang talaga na napupuno tayo sa isang bagay o tao."

I was out of words when his mother spoke about that. Iniisip ko nga, e, kung sa ibang pamilya ba 'ko napunta... ganito rin sila sa akin?

Aaminin ko... they really have a golden heart. Hindi ko na 'yun maitatanggi pa.

Pero sa kabila no'n, I couldn't apologize for what I've done. I wasn't able to say a single 'sorry' and I don't know why.

Siguro dahil... hindi naman ako gano'ng nilalang. I never speak to say a sincerely sorry to anyone— even with my friends— Damon and Samantha. They know I don't apologize for myself.

Kahit pa nga sa boss ko na si Israel Lawliet. Bakit naman kasi kung nagagawa ko naman ng tama ang trabaho ko?

Tinungga ko ang hawak na canned softdrinks at tinaas ito sa bibig ko. Hinihintay na maubos ang mga huling patak. Sa mga iniisip ko, hindi ko napansin na naubos ko na pala ang laman nito kanina pa.

"Aha! I knew it was you!"

Nagulat ako nang may tumabi sa 'kin at nakangising tinapunan ako ng tingin. "We meet again, Judith."

Oh, who is he again?

Tumayo ako at tinapon ang lata sa basurahan. "What are you doing here?" tanong ko nalang.

"Ahh... napadaan lang. Mula sa malayo, nakita kita dito kaya nilapitan kita. Hey, how are you?"

Walang emosyon ko siyang tinignan. Makikita ang mapaglarong ngisi sa kan'ya. "I’m fine,"

"Really?"

Hindi ko siya sinagot.

Tumawa siya, "How’s Drake? Galit na galit na naman siguro ‘yun noong nakaraan."

Okay. I remember him.

At kapag nakita n'ya ulit tayo, madadagdagan na naman ang kasalanan ko sa kan'ya.

Dahil hindi ako interesado sa mga sinasabi n'ya at sa kan'ya ay lumakad na 'ko paalis para umuwi. Kung magso-sorry man ako, kailangan ko ng matinding pangungumbinsi sa sarili ko.

"What? Leaving already?!"

"Go home," I replied.

Pero nagulat ako nang bigla n'ya akong hatakin ng malakas pa-atras dahilan para mapasandal ako sa kan'yang dibdib. Mabilis na nagsalubong ang kilay ko sa ginawa n'ya at agad siyang tinulak.

"How dare you—"

Natigil ako nang makita ang pagka-seryoso ng mukha niya. Hindi siya nakatingin sa 'kin at nakatingin lang siya sa aming harapan.

Nang tignan ko 'yun ay bahagya akong nagulat.

It was Damon... who's standing right in front of us with a silver ballpen on his hand.

I know that pen...

Isa itong hindi pang-karaniwan na ballpen. Isa sa mga binigay sa amin sa Unfazed Organization para magamit sa aming mga target. Sa loob n'yan ay sing-liit at nipis ng karayom na kapag tinutok at pinindot, lalabas at agad na tutusok sa isang target para manghina ang buong katawan dahilan para hindi ito manlaban.

My eyes turned into slits. I can't believe he managed to found me in a place like this. He even try to use that thing behind my back.

Tangina.

"That was fast," Damon commented to this guy's action.

"Who are you? What’s that thing?" Seryoso namang anas ng lalaki sa tabi ko.

Tinaas ni Damon ang kamay at pinakita ang ballpen. "Ah, this?" Saka n'ya ako tinignan ng walang emosyon, "This is for her, I need to capture that girl you’re with,"

I gritted my teeth. "Damn you, Damon."

"You know him?"

Pero hindi ko pinansin pa ang tanong ng katabi.

"Like I said..." Damon uttered, "Your table’s ready, Sasha."

Bakas ang biglang pagtataka sa mukha ng kasama ko. Nangunot ang noo n'ya at tinignan ako na parang nagtatanong.

"Sasha...?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro