にじゅうろく
Dalawapu’t anim.
| • | • | • |
Hindi ko naman hinihiling na tumira sa Carmona Terminal ng buong buhay ko. Gusto ko nang bumalik— yes, pero gusto pang makasama kahit sandali lang si Drake. I haven’t even apologize to him. Pakiramdam ko, ayoko siyang iwan ng gano'n-gano'n lang.
Nagbago na ba talaga ako? Katulad ng sinabi ni Isaac, hindi ako sigurado do'n. I don't know, but I know I can't tell.
Binuksan ko nang dahan-dahan ang silid kung saan kaagad kong nakita ang nakahimlay na katawan ni Drake. Wala pang segundo, pero ramdam ko na agad ang awa sa kan'ya.
Ang daming nakasukbit sa katawan nito na sa sobrang dami, parang ako 'yung nahihirapan para sa kan'ya. Hindi ko akalaing makikita ko siya sa ganitong sitwasyon. I never want him to see like this, never.
"D-Drake," maingat ko siyang hinaplos sa ulo, "This is all my fault... I’m sorry."
It’s between me and Damon, pero marami ang nadamay. Isama mo pa si Rivaille, laking pasasalamat ko din sa kan'ya dahil pinagtatanggol n'ya ako kay Damon kahit hindi ko naman 'yun sinasabi.
I should meet and thank him.
"Pasensya na kung hindi ko nasuklian 'yung kabutihan mo sa ‘kin. Sa totoo lang, I don’t deserve you. Kung... kung makikilala mo lang ang tunay na ako, baka doon palang sumuko ka na. But you know, even if I’m fake, I’m glad because I met you." Pinunasan ko agad ang nakatakas na luha sa mata ko, "To be honest, I don’t want to leave you. Gusto kong maging selfish ulit, gusto kong isipin ‘yung kasiyahan ko, pero... it’s not me who’s going to decide for that."
Ngayon ko lang naramdaman 'yung bagay na ayaw mong iwan. Oo, naramdaman ko 'yan noong nasa totoong buhay ko pa ako, I never I wanted to leave my place, my work, my friends, my desire... pero iba pala 'yong feeling kapag may specific person kang iniisip.
Masarap... at the same time masakit.
Masakit dahil hindi naman ako 'yung asawa ni Drake, e. Masakit dahil sa totoong buhay, ako lang naman 'tong nagmahal— at hindi nasuklian.
Mabilis kong pinunasan ang mga luha sa pisngi ko nang marinig kong bumukas ang pintuan at niluwal no'n ang Mama ni Drake. Nag-aalala ang tingin n'ya sa 'kin.
"Judith... ikaw, kamusta ang lagay mo? Hindi ka ba napuruhan? Okay ka naman ba? Anong nararamdaman mo?" Sunod-sunod n'yang tanong.
Napangisi ako sa isip ko. Masakit ang nararamdaman ko ngayon.
"Okay lang ako. Si Drake ang inaalala ko," sabay lingon rito.
Binaba n'ya ang mga hawak na prutas sa lamesa at lumapit na rin sa amin. "Awa ng Diyos, wala namang seryosong komplikasyon ang tinamo ni Drake. Malalalim lang ang kan‘yang mga sugat pero bukod do’n, wala naman."
Upon hearing that, I can't help but to smile and feel thankful. Mabuti lang 'yun, hindi deserve ni Drake ang mapuruhan ng malala.
Nawala ang ngiti ko nang maalala ang kapatid n'ya, "Si... Freya ba? Anong lagay n‘ya?"
Imbes na sagutin ay tinignan lang ako nito nang nakangiti. Inalis ko ang tingin sa kan'ya. I was just asking, is there something wrong?
Hinaplos n'ya ang buhok ni Drake, "Okay na talaga kayo ni Freya. Hinahanap ka din n‘ya kanina, e."
O...okay.
"Kumpara kay Drake, mas maayos ang lagay ni Freya. Nagpapasalamat ako sa itaas dahil wala ni isa sa inyo ang nawala."
I agree... hindi ko makakayanan lalo kung si Drake ang mawawala.
Kung may mawawala rito, ako 'yon.
Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago muling magsalita. Sa buong buhay ko, hindi ko na-imagine na sasabihin ko ito sa iba— lalo sa kanila na inayawan ko noong una.
"Thank you for your great kindness,"
Nagtataka itong napatingin sa akin. Pero nagpatuloy ako, "You see, I have somewhere to go. Ba-Babalik nalang ako, so I wanna ask a favor. Please take care of Drake. If ever he happen to find me, please tell him that I’ll be back to see him."
Of course, my words seemed to be weird. Pero 'yun 'yong gusto kong sabihin.
Napalunok ako at agad na nagpunas ng luha. Ayoko sanang mangyari pa 'to kasi feeling ko nagmumukha akong kawawa, which in my real life, hindi ko talaga ginagawa. Pero kasi Drake is an excemption. I can't leave without doing anything I might regret in the end.
"Sa-Saan ka ba pupunta at bakit ka umiiyak?" Nagtataka at nag-aalala n'yang tanong.
Umiling ako habang hindi mapigilan ang mga luha, "Babalik ako... I swear,"
Yumuko ako at dinikit ang noo kay Drake. Ang hirap pala ng ganitong pakiramdam. Hindi ko akalain na ganito pala ang mga taong nagmamahal ng totoo. Para akong mangmang sa mundong 'to.
"I’m so-sorry... I love you, love." bulong ko sa kan'ya.
"Judith..." hindi na lalong maiwasan ng mama ni Drake na mag-alala sa akin. Kaya naman umayos ako ng tayo at bahagya siyang nginitian.
"I’m fine. May aasikasuhin lang ako. H’wag n‘yong pababayaan si Drake,"
Dahil sa pagtataka ay hindi na siya nakasagot sa akin. Umatras ako habang nakatitig kay Drake, umatras ako ng umatras hanggang sa maramdaman ko na ang pintuan sa likod ko.
Kailangan ko nang umalis... and I'm sorry, because I'm not coming back.
Sa huling pagkakataon nang mahawakan ko ang doorknob, tinignan ko nang mabuti ang mukha ni Drake. Hindi ko siya makakalimutan. 'Yung mukha n'ya, 'yung ngiti n'ya, 'yung boses n'ya... hindi ko siya makakalimutan.
Hanggang sa nabuksan ko na 'yon at pagtalikod ko, kahit gusto ko pa muli siyang tignan, hindi ko na 'yun kaya pang gawin.
Dumiretso ako palabas at patakbong tinahak ang pababa ng building. Alam ko sa mga oras na 'to, kapag huminto ako sa pagtakbo, bubuhos ang hagulgol na kahit kailan ay hindi ko ginawa. Kaya nagpatuloy ako hanggang sa makalabas.
Bumalik ako sa lugar kung saan huli kaming nag-usap ni Isaac. Huminto ako doon at nilagay ang kamay sa dalawang tuhod. Hindi ko na kaya, hindi ko na kayang tiisin 'yung hagulgol ko.
I already leave his room, there's no turning back.
Tinakip ko ang isang kamay sa aking bibig upang mapigilan ng kahit kaunti ang ingay nito. Pero wala ding epekto, sa huli, ako pa rin ang talo.
"Are you finally ready?"
Saglit kong pinilit pa-kalmahin ang sarili ko bago umayos ng tayo at harapin si Isaac. Walang emosyon ang kan'yang mukha, walang bahid ng kung ano.
"Sometimes you just need to accept that some people can only be in your heart, not in your life, Sasha." He said in a serious voice. "Every next level of your life will demand a different you."
"Isaac..."
Marahan siyang lumapit sa akin at tinanguhan ako. Kasabay no'n ay ang paghawak n'ya sa aking kamay. "I’m taking you back,"
Hindi ko na nagawa pang umangal sa kan'ya nang magsimula kaming maglakad. Hindi ko na rin naman alam ang iisipin. Hindi mawala-wala ang pag-aalala ko kay Drake.
Seriously, I wish I can go back to see him, but it's far impossible.
Sana lang... maging successful pa siya, lalo na at babalik na ang totoong Judith sa buhay n'ya.
I'm happy for him...
Namalayan ko nalang na pinasakay ako ni Isaac sa isang itim na sasakyan. Hindi ko alam kung bakit pero wala akong kasama sa loob. Tinignan ko siya mula sa labas na nakatayo at nakatingin sa akin.
"What’s going to happen?" Tanong ko.
"It will repeat the same accident that happened to you before you arrived at Carmona Terminal. You fell from that cliff? You will have to fall again."
"W-What?"
Ibig sabihin... kung paano ako namatay, gano'n ulit ang aksidenteng mangyayari sa akin para makabalik ako?
"It’s okay, Sasha... it’s okay."
Mariin akong napapikit at tinanggap nalang ang mangyayari. Even I have to feel the pain again, I have no choice.
Naramdaman ko ang kusang pag-andar ng sasakyan. Dumilat ako at hinabol ng paningin si Isaac na nananatiling nakasulyap sa akin, hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. Ramdam ko na rin ang pagbilis ng sasakyan. Dire-diretso, hanggang sa makita ko ang bangin na huhulugan ko.
This is it...
∆ ∆ ∆
Napabangon ako at kaagad naghabol ng hininga. Pawis na pawis ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko na parang nakikipag-habulan ako para sa buhay ko.
Nilibot ko ang paningin ko at napansing nasa isang malaking kwarto ako. Pamilyar... white and grey ang theme, maluwag, malinis.
Hanggang sa naitakip ko nalang ang kamay ko sa aking bibig. This is my room...
Tumayo ako at pa-takbong pumunta sa verendra. Hinawi ko ang malaking kurtina at binuksan ang transparent sliding door para makalabas. Bumungad sa akin ang mainit na sikat ng araw at preskong hangin.
I can't believe it... I'm back.
Tapos na talaga... hindi ko na siya makikita, hindi na n'ya ako maaalala pa.
Wala nang Drake Miranda...
Tears suddenly fell in my cheeks. Feeling ko hindi na naman ako kuntento. Feeling ko, gusto ko siyang makita. But how? Kahit makita ko siya ay hindi na rin n'ya ako makikilala.
Lumingon ako sa loob ng kwarto ko nang marinig ang tumutunog kong cellphone. Pumasok ako at kinuha 'yun na nasa loob ng itim na handbag ko. Lumuluhang napatitig ako sa screen nito.
I missed all of my things. Pero sa tingin ko, mas mami-miss ko siya...
Sinagot ko ang phone at binasa ang labi. It's Alpha on the other line.
"Hello, Sasha. You aren’t answering your phone since last night. What happen?"
I wiped my tears, "Sorry, what is it?"
"Damon is on the verge of dying. Do you wanna see him before he die?" He said so casually.
"A-Ano?!"
Saka ko lang naalala, bago ako makabalik rito ay naglaban si Rivaille at Damon. Ibig sabihin... si Rivaille ang nagwagi?
"Stupid asshole,"
Kumunot ang noo ko nang marinig ang boses ni Damon. Mukhang magkasama sila.
"If ever you want to come, we’re at the Mayo Med Hospital. See yah!" Then he hung up.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro