Kabanata 3
Hi! Kabanata 6 of No One Else was already posted in both Patreon and Facebook VIP group! You can download the Patreon app now and avail the 7-days free trial membership! And to join VIP, kindly message me directly on my Facebook account Rej Martinez. Thank you for your support!
Kabanata 3
Regret
"Madam, may naghahanap po sa inyo sa labas. Bisita n'yo po."
"Sino raw, Mila?" Tinanong ni Becca ang kanilang kasambahay dito sa malaki rin na bahay ng mga de Leon sa Tarlac. At ang bahay na ito ay minana pa ni Douglas sa kaniyang ancestors. The first country generals.
"Luisito Salgado raw po."
Rebecca's eyes widened so much. At agad siyang nagmadali na mapuntahan ang lalaki at harapin ito sa labas ng kanilang gate.
"Ano ang ginagawa mo rito?" Galit na tanong niya sa lalaki.
"Rebecca, hindi ka na muling nakipagkita sa akin kaya hinanap kita—"
She panicked and made him quiet right away dahil baka may iba pang makarinig dito. "Tumahimik ka na! Umalis ka na rito at huwag ka na uling babalik pa! My husband might kill you if he sees you here in our house!" Pinagtulakan niya ang lalaki.
"Hindi ako natatakot sa asawa mo, Becca!"
Her eyes widened. "Tama na! What happened to us... it was only a m-mistake!" Nanginig ang boses niya. Pero bago pa siya tuluyang maiyak ay matapang niyang hinarap ang lalaki. "Please, Lui... Umalis ka na. At huwag ka nang babalik pa rito. Tapos na tayo... At mahal ko na ang asawa ko... May anak na rin kami kaya sana ay huwag mo na akong guluhin pa muli kagaya nito..." She looked at him in the eyes. "Pakiusap..." At nakaramdam din siya ng panghihina pagkatapos.
Lui was looking at her. And thinking na nahihirapan na rin si Becca, he finally decided to let it go... At huwag na siyang guluhin pa...
After all he's already long too late...
Kung hindi lang sana nangyari sa kaniya ang aksidente noon na kasalanan din naman niya dahil sa kapabayaan sa pagmamaneho ay hindi sana nangyari ito sa kanila ni Becca...
Becca cried when Lui already left. At nagpupunas pa siya ng luha pagkabalik niya sa loob ng bahay. And that's when she also saw Mila again. Tinawag niya ito. "Uh, Mila, pwede bang huwag na itong umabot pa sa Sir mo? Ilihim na lang natin ang nangyari ngayong araw..." Nakiusap siya sa katulong.
Unti-unti namang tumango sa kaniya si Mila. But little did Becca know that the loyalty of the servants in the de Leon estate was to Douglas de Leon. Kaya nag-away din silang mag-asawa nang malaman nito mula sa kasambahay ang pagpunta ni Luisito sa bahay nila.
"Ano'ng ginawa ng lalaki mo rito sa pamamahay ko, huh?! Ang lakas ng loob n'yo na dito pa talaga sa bahay ko!"
Umiiyak nang umiling si Becca sa asawa. She went to the door and locked their bedroom para hindi na marinig ng mga bata ang pagtatalo nilang mag-asawa. And Becca had just given birth to her second daughter, which Douglas named after her mother Diana...
"Hindi. Wala kaming ginawa. Nagpunta siya rito pero sa labas lang siya ng gate at hindi ko siya pinapasok! Maniwala ka sa 'kin." Becca begged her husband.
She tried reaching his arm but he shook her hands away. "Do not touch me! You filthy, cheating woman!" Douglas shouted at her.
Becca's eyes widened at her husband.
"Bakit? Akala mo ba hindi ko alam? Isabelle! Tell me, she's not really my daughter, right? If I know you were already pregnant with another man's child even before you married me!"
Umiling-iling si Becca sa asawa niya. "Hindi 'yan totoo! Anak mo si Isabelle! May nangyari na sa atin noon bago pa man ako magbuntis sa kaniya—"
But Douglas already shook his head. "I don't believe you." He said.
And then he remembered their first night together as husband and wife. He knew that she wasn't pure anymore... At narinig din niya noon na mag-usap ang mag-ina—sina Becca at Donya Isabella tungkol sa ibang lalaking totoong gusto ni Rebecca...
So that's when he doubted about Isabelle's real father. Na baka nga hindi naman talaga niya ito anak at malala na buntis na noon si Rebecca nang pinakasal ito sa kaniya.
Umiling din si Becca sa asawa. "Isabelle is our daughter..." Nanghihina niya nang sinabi.
Pero ayaw pa rin siyang paniwalaan ng asawa.
And it was probably because she just had given birth, and she was deeply stressed, that Rebecca soon fell ill and after just a few weeks the once the most beautiful and charming woman who was treated like the princess of the Luzuriagas sadly passed away...
But there was one wish Rebecca Luzuriaga-de Leon asked before her last breath...
She wished and prayed for her two daughters to fall in love with someone that they would truly love. At sana ay wala nang hahadlang pa sa pag-ibig ng kaniyang mga anak.
And since then the two sisters, Isabelle and Diane Luzuriaga de Leon was left in the care of their father and Douglas' younger sister, their Tita Margaret.
Isabelle cried during the funeral of her Mama. While Diane at this time was still a baby. And Margaret was taking care of her with the hired nanny.
At sa mga panahong ito ay tahimik pero nagluluksa rin si Douglas sa pagkamatay ng kaniyang asawa. And with regret in his heart...
Maayos na sana silang mag-asawa lalo noong nagbuntis si Becca sa ikalawang pagkakataon. And Douglas already love their daughter that he himself named Diane after his deceased mother, Diana.
Pakiramdam niya noon na ayos na. At kaya niya nang patawarin si Rebecca sa kung anumang nagawa nito sa nakaraan. Alang-alang sa kanilang anak at sa kanilang pamilya. He was already willing to accept her wholeheartedly this time...
But she died instead. And it's because of Luisito. Douglas only blame him for what happened to his family. Dahil kung sana ay hindi na noon nagpakita pa ang lalaki sa kanilang bahay ay hindi sana sila nag-away ni Becca at hindi ito nagkasakit... at namatay...
So he thinks that it's Luisito Salgado's fault. At hinding-hindi niya mapapatawad ang lalaking dating minahal ng kaniyang asawa... At ang taong sumira sa kanilang pamilya.
Masakit din para kay Douglas ang pagkawala ni Rebecca. Lalo na at sanggol pa lang si Diane at hindi na nito nakita pa ang kaniyang ina habang lumalaki. Kaya nasasaktan din siya lalo na para sa anak.
So he promised to do everything for Diane. Para makabawi siya sa kaniyang anak at para mapunan ang kawalan ng isang ina sa buhay nito...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro