Kabanata 10
Lunch
Belle stayed in their home in Tarlac while her husband continued to live in their military base. Kahit kasal na sila at mag-asawa na ay nakatira pa rin silang dalawa sa magkaibang lugar. And Belle had no idea that her marriage life would be like this...
Although she should have already known that a man who works for the military can have a life like this just like her father. Pero maagang nawala ang kaniyang ina at bata pa siya noon kaya naman hindi niya rin gaanong nakita kung paano ang relasyon noon ng kaniyang mga magulang...
Hindi pa masasabi ni Belle na ayos na nga siya na pinakasal siya ng kaniyang ama nang maaga. Pero inisip na rin niyang kaya naman siguro niyang tanggapin na lang din itong nangyari. At siguro ay matatanggap niya rin si Captain Lazaro bilang asawa niya, dahil mukhang maayos lang din naman ang army captain. Pero ang hindi lang siguro tanggap ni Belle na kung paano kapag ganito na lang palagi ang buhay nilang mag-asawa... At ang ibig niyang sabihin ay kung hanggang kailan ba na nakatira pa rin sila sa magkaibang tirahan...
Kaya naman bored at wala rin namang masyadong ginagawa si Belle sa mansyon nila ay nagdesisyon na siyang pupuntahan si Sam sa base nila. Noong magtapos si Belle ng kaniyang pag-aaral ay sumubok din siyang makapagtrabaho noon. Naging Nurse din siya sa isang ospital pero pinatigil din si Belle ni Douglas sa pagtatrabaho dahil sinabi ng ama sa kaniya na mas makakatulong siya kung aasikasuhin na lang niya ang kanilang bahay...
"Tita Margaret!"
"Belle!" Ngumiti rin si Margaret sa pamangkin habang magkausap sila ni Belle sa isang video call.
Ilang taon na ang lumipas pero nanatili pa rin si Margaret sa ibang bansa. Nakatapos na rin siya sa pag-aaral ng medisina at naging doctor na. At isa pa ay may nakilala na rin itong lalaki at naging boyfriend habang nasa ibang bansa.
"Pasensya ka na, hija. Hindi na ako nakauwi sa kasal mo. Nagsabi naman kasi ako kay kuya na kung pwede ay hintayin ako..." Malungkot ang mukha ni Margaret.
Umiling naman si Belle sa kaniyang tiyahin. "Ayos lang po, tita. Uh, kumusta na po kayo d'yan?"
"Maayos lang ako, hija, at salamat. Ikaw? Kumusta ang buhay na ngayon may asawa?" Nakangiti si Margaret kay Belle.
Tipid lang naman na ngumiti na lang din si Belle sa kaniyang tiya. "Ayos lang po..."
Nagbuntonghininga na lang si Margaret. "Si kuya talaga... Pero mabait naman na bata si Captain Sam... Naalala ko na tumira rin siya sa atin noon, hindi ba?"
Tumango naman si Belle sa tiyahin. "Opo, tita,"
Ngumiti naman muli si Margaret. "Magiging maayos din ang lahat, Belle..." Pagkatapos ay nagbuntonghininga rin muli si Margaret sa pagsusubok na ma reassured niya rin ang pamangkin kahit papaano...
At pagkatapos ay nagkwento na rin si Belle kay Margaret. Sinabi niya sa tiyahin na nanatili pa rin siya sa bahay ng ama. At na nasa military base naman nila si Sam.
"Hindi ba't may tirahan din naman doon sa kanilang base ang Captain?" tanong ni Margaret.
"Opo, tita. Iyon nga ang sinabi niya... Pero sabi rin niya sa akin na baka hindi raw ako maging komportable roon, kaya..." Nagkibit-balikat na lang si Belle at napabuntong-hininga rin.
Habang napangiti lang naman si Margaret at nakita iyon ni Belle kaya bahagya rin kumunot ang noo niya sa tiyahin. "Belle, do you perhaps just want to be with your husband now?" nakangiting tanong ni Margaret sa pamangkin.
Bahagya naman nanlaki ang mga mata ni Belle sa tanong ng kaniyang tiya. "A-Ano po?"
Nakangiti pa rin si Margaret.
"S-syempre naman po siguro... kasal na kami at mag-asawa..."
Tumango rin si Margaret sa sinabi ng pamangkin. "Oo naman, Belle." She smiled.
"Nasa bahay ka pa ba ngayon? Bakit hindi mo siya puntahan? I'm sure the Captain's wife is allowed to visit her husband..." Margaret smiled at her niece through the phone's screen.
Bahagya na rin ngumiti si Belle sa kaniyang Tita Margaret at tumango na...
Kaya naman ngayon ay nakarating na nga sa sa military base nina Sam at dinala na rin siya sa mismong tirahan din nito.
"Uh, salamat," Nagpasalamat si Belle sa isang sundalo na siyang nagdala sa kaniya roon sa bahay ni Sam...
Ngumiti naman ito sa kaniya. "You're welcome, Ma'am. Papunta na rin po dito si Captain mayamaya lang at patapos na rin naman ang meeting nila ni General... Pakihintay na lang po ang asawa n'yo."
Bahagya lang naman na ngumiti na rin si Belle sa sundalo at tumango.
Pagkatapos ay naiwan na rin muna siyang mag-isa roon sa tirahan ni Sam. It's actually a nice home for a soldier and his family can live here with him, too... Habang pinagmamasdan ni Belle ang bahay ay napapaisip na rin siya...
"So this is a Captain's residence in the military base..." sabi lang ni Belle sa kaniyang sarili habang nililibot ang paningin niya sa maganda rin naman at malinis na interior nito. Sure it's not as big as their mansion but they don't really need a mansion to live in when it's just the two of them...
"Isabelle..."
Napabaling si Belle sa tumawag at nakita niyang nandoon na si Sam nakatayo at suot ang complete military uniform nito. Bahagya pang natigilan si Belle at naramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya nang makita niya si Sam na napahawak din siya sa kaniyang dibdib. At napalunok din siya.
Well, Samuel can look really good in his military captain uniform, too...
"U-uh... Bumisita ako..." mahina ang boses ni Belle at parang windang pa rin siya...
"Yes. You didn't call first? Sana nakapaghanda ako para sa pagdalaw mo rito. Pasensya ka na," Sam worriedly looked around his place. Kahit nasa ayos naman ito since he's also a neat and clean person. And he's actually quite organized, too.
"Uhm, ayos lang. Your place is nice," Belle said.
Nagkatinginan sila ni Captain Sam. Pagkatapos ay unti-unti na lang din tumango si Sam sa asawa niya... "Thanks..." Hindi rin siya sigurado sa sinabi...
At nakatayo lang silang dalawa roon habang kaharap ang isa't isa. "Uh," Sam cleared his throat after a while.
"Kumain ka na?" he asked his wife.
"May dala akong pagkain..." sabi naman ni Belle.
Nagkatinginan muli silang dalawa. "Oh..." Sam reacted.
"Pwede ko bang ilagay dito sa mesa mo?"
Kumilos din agad si Sam para tulungan si Belle sa mga dala nito. "Thank you..." he told Belle as he looked at her, too.
And Belle also looked at her husband. And they ended up just looking at each other again, until Sam was the first one to look away. "Can we open this now?" he asked Belle about the food she brought.
"Of course. Let me help you," Pagkatapos ay nilabas na rin ni Belle ang mga pagkain na naka-tupperwear pa.
"Hmm, smells delicious." Napangiti si Sam nang bumaling sa kaniya.
Ngumiti na rin si Belle.
"You cooked?"
Belle nodded. "Yes, I hope you'll like it..."
"Of course. Thank you. Sakto dahil hindi pa rin ako kumakain."
"Mabuti naman," It's just the time for lunch, Belle thought. At tinanong na rin niya si Sam habang naghahanda sila ng lamesa kung may allergy rin ba ito sa pagkain at kung ano ang mas preferred niya na ulam para maluto rin ni Belle sa susunod...
And they had lunch together. Then Belle also took the opportunity to talk with Sam. "Uhm,"
Tumingin naman sa kaniya si Sam. "Yes?"
"Uh," She sighed. "Tungkol sa... atin... Uhm, I'm not working right now, pero kung gusto mo na magtrabaho rin ako—"
Umiling naman si Sam kay Belle. "You don't have to—I mean, you can work if you want to. But you don't really have to work if you don't want to..." Tumingin siya kay Belle habang sinusubukan niya rin na ipaliwanag iyon sa asawa. And he already thought to himself long before that he can provide for the both of them now...
Unti-unti naman na tumango si Belle. "Okay..."
"Uhm, and about our house?" Belle asked.
Tumango si Sam sa kaniya. "Yes. We already have the lot..." He sighed a bit thinking again about his unpreparedness...
Tumango naman muli si Belle sa kaniya. At pagkatapos ay pinag-usapan na rin nilang dalawa ang tungkol sa pagpapatayo ng bahay nila sa lupang binili na ni Sam...
(Read Kabanata 25 on Patreon and Facebook VIP Group now! To join VIP, kindly send a message of inquiry directly to Facebook account Rej Martinez or Facebook page Rej Martinez's Stories. Thank you so much for your support!)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro