Epilogue
(A/N) Hi loves! Thank you for reaching this far. Just like you I will surely miss Julio and Vera. I hope you learned a lot from their story. Wag niyo sila masyadong ma-miss you'll see more of them pa din sa story ni August. Vera wants to leave her fave qoutes to you "Not everyone will like us, but not everyone matters" Hope to see you all sa mga susunod na stories. I love you always! Keep safe! Love lots, Maria.
Watch out for Special Chapter!
_________________
Julio Alexandron Escuel
"Good morning, Julio!"
Malambing na bati ni Mommy kaagad ang sumalubong sa akin pagkababa ko sa may dinning.
Tipid akong ngumiti sa kanya at humalik. "Morning, Mommy..." bati ko pabalik.
Saglit niya akong pinagmasdan bago siya napanguso.
"Ang laki-laki na talaga ng bunso namin."
Bago pa man ako makapag-react sa itinawag niya sa akin ay nauna na si Daddy na kasabay na bumaba ni Kuya August.
"Dapat nang sundan," he said bago niya hinapit si Mommy sa bewang para halikan sa pisngi.
Napa-irap ako sa kawalan dahil sa ginagawa nila sa aming harapan. Hindi kagaya ko ay malaki ang ngiti ni Kuya August habang nakatingin sa mga magulang namin.
"I want a baby sister," Kuya August said.
Hindi ko 'yon pinansin at inabal ang sarili ko sa pagtingin sa mga pagkaing naka handa sa aming mahabang dinning table.
"What about my Alexandron?" malambing na tanong ni Mommy sa akin.
Nanatili pa din siya sa sa mga bisig ni Daddy kaya naman hindi ko magawang tumingin sa kanila.
I admire their relationship, since then ay hindi ko nakitang nagbago si Daddy kay Mommy. It's just that being showy and clingy is not my thing.
"I want a bulldog," sagot ko sa kanila kaya naman sandali silang natahimik.
Matapos ang maikling katahimikan ay narinig ko ang magkasabay na tawa ni Daddy at Kuya August kaya naman inirapan ko silang dalawa.
I doesn't want a baby sister? Pangarap namin ni Kuya na magkaroon pa ng isa pang kapatid, suportado ko si Mommy at Daddy when they said they are trying...pero ngayong pakiramdam ko ay hindi na healthy for Mommy to bare a child ay mas pinangunahan ako ng takot.
One of my friends Mom died because of gaving birth. Her Mom's at age kaya naman mas naging mahirap ang pagbubuntis at panganaganak nito. I can't even imaging losing my Mom. Baka 'yon ang pinaka-unang beses na iiyak ako.
Kumawala si Mommy sa tumatawa pa ding si Daddy. Tipid siyang ngumiti sa aking habang papalapit.
"You are still my baby Julio," she said kaya naman naramdaman ko ang pag-init ng magkabilang tenga ko.
Nagback-hug siya sa akin at humalik sa pisngi ko. Hindi na lang ako nakagalaw everytime na naglalambing si Mommy sa amin. Kahit ngayong binata na kami ni Kuya ay ganoon pa din siya.
Naging abala ang lahat para sa celebration ng birthday ni Daddy. In our early age ay isinasama na kami ni Daddy sa mga family business namin para I-introduce sa amin ang mga ito.
Sa aming dalawa ni Kuya August ay alam nito na mas interisado siya sa mga business kesa sa akin. Mas gusto kong maging Architect just like my Dad. Pero dahil sa influence ni Lolo ay binitawan niya ang profession niya at muling nag-aral for to run ang business.
"That's why I'm not in favor na magpapasok ng ibang tao sa bahay..." giit ko in the middle of our dinner.
Pinapasok ni Kuya August ang ilan sa mga bago niyang kaibigan sa aming bahay to tour. Hindi ko alam kung bakit kailangang gawing pasyalan ang bahay namin, hindi naman 'to tourist spt and it's invasion of privacy.
"As long as we're not claiming it...magiging chismiss lang 'yan hanggang sa mawala at makalimutan," Daddy said.
Dismayado pa ding akong napa-iling. "Don't worry about it, Julio. Hindi na ulit tayo magpapapasok..." Kuya August said para sana pagaanin ang loob ko pero hindi na gagaanon 'to.
Kumalat ang balita na may mga gold bars kaming itinatago sa loob ng aming bahay. It's true. Pero naisip ko ang safety namin because of that.
I'm always looking forward to the safety of my family. I promise to protect them at all cost. Ako ang bunso pero I can even take a step just to protect them sa oras na may nanakit sa kanila. Pamilya ko muna bago ang iba...bago ang sarili ko.
"Dumating na ang mga Montero," sabi ng isa sa mga event organizer namin.
May theme ang party ni Daddy kaya naman I had no choice kundi isuot ang mga damit na ipinagawa ni Mommy para sa amin. I don't mind kung anong style o kung anong magiging itsura ko, as long as I'm comfortable ay walang kaso sa akin.
I was busy sipping with my wine ng malipat ang tingin ko sa entrance ng party. Hindi ako sanay sa madaming tao kaya naman I need something na pwedeng magpalakas ng loob ko or even comfort and heat me up in times like this.
Dumating na daw ang mga Montero. Just like a normal wealthy family from other parts of Sta. Maria. Mula sa matatanda ay bumaba ang tingin ko kay Rafael Silvestre. Kilala ko siya since schoolmate namin siya ni Kuya.
Mula sa kanya ay mas bumaba pa ang tingin ko sa katabi niyang batang baba. Halos mabali ang leeg nito habang nakatingala at nakatingin sa bahay namin.
Tumaas ang kilay ko ng mapansin kong hindi na maalis ang tingin ko sa kanya. Nakita ko pa kung paano siya sikuhin ni Rafael at kung paano siya sumimangot at nakipaglaban ng tingin dito.
Inalis ko ang atensyon ko sa mukhang supladang batang 'yon ng lumapit ang mga kaibigan namin sa akin para makipag-kwentuhan. Nawala ang atensyon ko sa bisita nang magsimula ang party.
But looks like she's some who can really stand-out in the middel of the crowd. Walang ka-effort effort niyang nakuha muli ang atensyon ko ng makita kong hirap siyang umakyat papasok sa bahay namin dahil sa suot niyang gown.
"Saan ka?" tanong ni Kuya August ng tumayo ako.
Tumuro ako sa kung saan. "May kukunin lang," paalam ko.
Kukunin ko lang ang pangalan at nang mapagbawalan ng papasukin dito. Hindi ko mapigilang ngumisi dahil sa iniisip. Damn it, Julio.
I saw her paakayat sa hagdan namin. Kung maka-akyat ay akala mo dito siya nakatira.
"Saan ka pupunta?" tanong ko. Sa hindi malamang dahilan ay kinabahan ako. As much as I want to sound nice ay naging masungit ang dating no'n.
Kita ko ang gulat sa mukha niya nang lingonin ako. Hindi ko na-iwasang mapalunok nang makita kong maganda siya. Nanatili ang naka-simangot kong tingin sa kanya. I've met a lot of girls, girls my age, girls older than me, pero yung ganda ng isang 'to lang ang na-appreciate ko.
Ayoko siyang matakot sa akin.
"We're not close for me to tell you," supladang sagot niya sa akin kaya naman lahat ng papuri ko sa ganda niya ay dahan dahang naglaho.
Sutil na bata.
"Wala sa itaas ang party. Nasa garden. Ihahatid kita palabas..."
Sinubukan kong magtimpi, sinubukan kong bawasan ang pagiging masungit sa kanya pero masyado siyang palaban.
"Who are you ba? Hindi kasi ako nakikipag-usap sa mga strangers na idol si Snoopy," sabi pa niya kaya naman lalong nalukot ang noo ko dahil sa pagsimangot.
Gusto ko pa sanang makipagsagutan sa kanya, nang dumating si Kuya August. Mas lalo akong nainis ng mapansin kong mas mabait siya kay Kuya August kesa sa akin. What is this attitude, Vera?. Kung naging sweet ka din sa akin nung una edi baka ako pa mismo ang sumama sa'yo paakyat sa bahay namin.
"I like your name more kahit July ang birthday ko," matamis na ngiti ang ibinigay niya kay Kuya August ng sabihin niya 'yon.
Sumama ang tingin ko sa kanya. Kung makapagsalita ay akala mo ang ganda ng pangalan niya. Tsaka lang magiging espesyal ang pangalan mo kung papalitan ko ng Escuel ang apelyido mo. Pero dahil sa pagiging sutil mo...hindi na lang.
Umabot hanggang sa may garden ang inis ko sa kanya. Bakit kay Kuya sweet siya at sa akin hindi?.
"Uhm...can you help me?"
Pinigilan ko ang sarili ko na tulungan siya. She looks cute while struggling sa pagkuha sa chocolate fountain. Yan ang parusa mo sa akin.
"Kung gusto mo...tawagin mo ang Kuya ko and ask him about hospitality. Sa kanya ka magpatulong," inis na sabi ko sa kanya everytime naaalala ko kung pano ang tungo niya kay Kuya at paano pag sa akin na.
I saw the sadness in her face nang pag-usapan siya ng mga kaibigan namin. I heard the news about her Dad, anak sa labas ni Don Adams Montero. Hindi nawala ang tingin ko sa kanya habang ipinaglalaban niya ang sarili niya sa mga kaibigan ko.
I was waiting na umiyak siya sa harapan namin pero hindi nangyari. This girl is too feisty. Paano kita ipagtatanggol niyan kung kayang kaya mong labanan ang lahat?.
"Hindi ka na kukuha?" tanong ko nang makita kong imbes na makipag-away pa ay sumuko na lang siya.
Gusto kong sabihing sandali lang. Kung gusto niya ay buhatin ko pa ang buong chocolate fountain at dalhin sa lamesa kung saan siya naka-upo.
"You invited her?" tanong ko kay Kuya August the next day ng marinig kong may business proposal ang mga Montero para sa amin.
Tumango si Kuya August. "She's nice, I like her..."
Sumimangot ako. She's nice...sa'yo. And you like her? Ako ang unang nakakita sa kanya Kuya.
"I'm sorry Mr. Montero. Our house is not for sale, Alam kong para ito sa expansion ng plantation pero...it's a no. I'm sorry," Daddy said.
Nagtagal ang tingin ko sa Daddy ni Vera. As much as we want to help ay hindi naman pwede yung gusto nilang mangyari.
Hanggang sa si Donya Cressida na mismo ang pumunta sa amin to propose another merge.
"What about a Escuel-Montero bond?" tanong nito na ikinagulat ni Mommy at Daddy.
"But...hindi na po uso ang arrange marriage," Mommy said.
Imbes na mawalan ng interest sa pinag-uusapan nila ay mas lalo akong naging interisado. Sinong Montero ang papakasaln kung ganoon?.
Parang umikot ang sikmura ko sa excitement at kaba ng marinig kong si Vera ang gusto nilang ipagkasundo sa amin. Pero hindi ko din maiwasang isipin ang nararamdaman niya. She's too young for this.
Pero kung sa akin siya mapupunta...I'll surely wait. Hindi ko siya mamadaliin, puputulan ko din ng sungay.
Nawala ang mga plano ko para sa aming dalawa ng marinig ko kung sino ang napili nila.
"August Escuel..." nakangiting sabi ni Donya Cressida nang lingonin niya si Kuya.
I was waiting na kumontra si Kuya. Magp-presinta kaagad ako kung sakaling hindi siya pumayag. Para sa akin si Vera.
Tumingin din si Mommy at Daddy dito para hingin ang opinyon niya. Sandali siyang natahimik, gusto ko sanang ako na ang sumagot para sa kanya.
Ayaw ni Kuya, ibigay niyo sa akin si Vera!.
"No problem with me," he said.
This is a fucking war.
Kung gusto siya niya si Vera...baka pwedeng si Vera ang umayaw. Baby para ka sa akin.
"So ano sa mga business ng mga Montero ang ibibigay sayo ni Donya Cressida in the future?"
She's busy with her cupcakes. Kahit wala pang emotion na ipinapakita ay kita mo na kaagad sa mukha niya ang pagiging suplada...maganda.
"Uhm...I don't know. Need ba 'yon?" tanong niya.
You don't need that.
Panay ang pagdown grade sa kanya ng mga kaibigan namin dahil sa pagiging anak sa labas ng Daddy niya. Kung hindi kayang ipagtanggol ni Vera ang sarili niya ay baka kanina pa lumabas sa pamamahay namin ang mga kaibigan ko.
But she's too strong to even need someone's help.
"I don't want to inhert any of the Montero's businesses. I want to have my own business soon," she said kaya naman tumaas ang isang bahagi ng labi ko.
Look at this girl. Kayang gustong gusto kita kahit suplada ka.
I like her, pero nang makita kong desidido si Kuya na ipagpatuloy ang bond with the Montero ay dahan dahan ko ding tinanggap sa sarili ko na baka hindi siya para sa akin. Baka para siya sa Kuya ko.
I even notice kung paanong iba ang trato ni Donya Cressida sa kanilang dalawa ni Gertrude Montero. Looks like she's the unwanted grand daughter.
"Julio, sumama ka na..." pilit ni Kuya August sa akin.
Inimbitahan kami ng mga Montero sa Villa nila para magkabayo. Wala akong planong sumama kahit pa alam ko na nandoon si Vera. Hindi naman siya para sa akin kaya magsama-sama silang lahat.
"Sasama ako kay Daddy sa San Jose," sabi ko na lang para hindi na siya magyaya.
"Tuturuan kong mangabayo si Vera. I'm sure hindi pa siya marunong," he said kaya naman na-ikuyom ko ang kamao ko.
"Aalis na ako," paalam niya sa akin.
"Wait for me. Maliligo lang ako."
Damn it, Julio.
"Wala ka sa mood?" nakangising tanong ni Elisse sa akin.
"Pinilit ko lang 'yan," sabi ni Kuya August sa kanya.
Basa pa ang buhok ko. Sumama lang talaga ako para bantayan si Kuya...at ang mga kabayo.
"Yung horse ko...si Pegasus," laban ni Vera. Kahit anong iwas kong tingnan siya ay alam ko kaagad na siya 'yon dahil sa boses niya.
Malala ka na talaga, Julio.
Halos nasa kay Vera ang atensyon ko kaya naman kitang kita ko kung paano nahulog si Elisse sa kabayo.
"Salbaheng bata 'yon."
Kung ano-anong masasakit na salita na kaagad ang binato nila kay Vera kaya naman hindi na ako nakapag-timpi pa.
"Walang kasalanan si Vera," giit ko.
"Julio, kinakampihan mo ang batang 'yon?" tanong ni Elisse sa akin. Maging ang mga magulang niya ay hindi na muli pang nakapagsalita.
"Hindi ko kinakampihan si Vera. Sinasabi ko lang kung anong nakita ko...wala siyang kasalanan," paliwanag ko.
Alam kong kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya. Pero wala siya ngayon dito. I can't let them throw words against her. Hindi siya sa akin pero I still want to protect her.
Gusto kong iwasan si Vera. I can give way para sa Kuya ko. Hindi ko din naman gustong magkasira kami ni Kuya dahil lang sa babae. Basta ay makita kong maa- alagaan niya si Vera at magiging maayos siya...ayos na sa akin.
Pero kahit anong iwas ko ay hindi ko din talaga mangyayari dahil gustong gusto siya ni Mommy.
Pilit kong iniwasan siya in any possible way pero siya din 'tong lapit ng lapit sa akin. Nagulat ako ng abutan niya ako ng cupcake na ginawa niya. She even say thank you dahil sa pagtatanggol ko sa kanya.
Mas lalo kong gustong mapunta siya sa akin nang makita ko kung paano siya umiyak ng subukan niyang habulin ang Daddy niya.
"I'm here, Vera."
Binuhat ko siya, mas lalo akong nakaramdam ng kung ano ng isandal niya ang ulo niya sa dibdib ko habang umiiyak. Humigpit ang yakap ko everytime na naririnig ko ang iyak niya at pagtawag niya sa Daddy niya.
Sinadya kong tagalan ang lakad para matagal din siyang manatili sa bisig ko. Gustong gusto kong kausapin siya, sabihing nandito ako pero hindi ko magawa. Hinayaan kong iiyak niya yung sakit na nararamdaman niya.
I really like her, pero hindi siya para sa akin.
"Ako na, Kuya..." sabi ko dito ng subukan niyang kuhanin si Vera mula sa akin.
Pero sa huli ay nagparaya na lang ako dahil siya naman talaga ang dapat. Tahimik akong nakatingin habang ginagamot nila ang sugat niya. Iyak pa din siya ng iyak. Gustuhin ko mang lapitan siya ay nagpasya na lang akong umakyat sa kwarto ko.
Kaya na 'yan ni Kuya August.
Sinubukan kong tanggapin siya bilang magiging kapatid ko ng mga sumunod pang araw.
"I know how to paint too!" sabi niyang nang guluhin nanaman niya ang pananahimik ko.
Pinilit pa niya akong I-paint siya.
Sobrang ingay. Gandang ganda sa sarili niya. Oo, maganda ka pero hindi ka naman para sa akin kaya manahimik ka.
"Pagpilay lang ba pwedeng subuan? Paano pag may sugat ang hands?' tanong niya sa akin.
Alam ko kung anong gusto niyang I-point out. Gusto niyang subuan ko siya dahil mukhang nakita niyang ginawa ko 'yon kay Elisse no'n.
Nagmatigas pa ako nung una hanggang sa sumuko din ako. Hindi ko na hinintay na siya mismo ang magsabi na gawin ko 'yon para sa kanya. Baka pagsinabi niya ay para akong aso na sumunod sa kanya. I still need to remain composed.
"Pag may sugat ang kamay...wag kumain," sagot ko sa kanya. Hindi ko na din mapigilang makipag-asaran sa kanya. I really like her.
"Nagyong ko lang 'to gagawin para sa'yo, hindi na ma-uulit," sabi ko sa kanya at para na din ipaalala sa sarili ko.
"Why naman?" malungkot na tanong niya sa akin.
Bakit ka malungkot? Gusto mo bang inaalagaan din kita? Damn, sa oras na malamn kong may gusto din siya sa akin ay baka ito ang unang beses na kakalabanin ko ang kapatid ko just to win her.
"Dahil para ka sa Kuya ko.'
Nakita ko din maging ang sugat sa mukha niya hanggang sa malamn kong sinasaktan siya ng Lola niya. Kung ang pagpayag at magpapakasal sa Kuya ko ang magiging dahilan para tigilan ang pananakit sa kanya...ayos lang sa akin na mawalan ako ng pag-asa sa kanya basta ay hindi na siya saktan nito.
"You don't like Vera?" tanong ni Daddy sa akin nang makapag-usap kaming dalawa.
Hindi ako nakasagot hanggang sa narinig ko ang pag ngisi ni Daddy.
"You don't like her for your Kuya...cause you like her for you," punto nito kaya naman kaagad ko siyang nilingon.
Alam niya? Halata ba?
Mas lalo siyang ngumisi ng hindi ako nakasagot, hindi ko din kayang itanggi. Hindi si Vera yung klase na kaya kong itanggi. Alam ko sa sarili ko kung ano yung totoo.
"Ang Mommy mo ang nagsabi sa akin. Kilalang-kilala ka talaga ng Mommy mo," sabi ni Daddy kaya naman tumikhim na lang ako.
Kailan pa nila alam?
Bago ako tuluyang matulog ng gabing 'yon ay pinuntahan pa ako ni Mommy sa kwarto ko para kausapin.
"Sa Manila na lang para mapuntahan ka namin every now and then," malungkot na sabi niya sa akin.
I'm planning to study abroad with Tita Cynthia. Mas mabuti sigurong lumayo na lang muna ako. Kuya August will study sa Manila pero sa lagay ko ay hindi sapat ang layo noon para makalimot ako.
"Hindi ko kaya na malayo kayo sa akin ng Kuya mo," she said. Ramdam ko ang lungkot kaya naman bumigat ang dibdib ko.
Ayokong ganito si Mommy. I love her and the least I wanted to do is to cause her pain.
"After college I'll stay here at hindi na po ulit aalis," sabi ko sa kanya.
Niyakap niya ako ng mahigpit. "Mami-miss mo ako," sabi niya sa akin kaya naman ngumisi ako.
"Hindi ka malulungkot na mami-miss mo ako?" sabi niya pa kaya naman natawa na lang ako.
"I'm so proud of you, Julio. Kahit anong marating mo in the future...kahit anong maging desisyon mo, I want you to know na ngayon pa lang proud na ako sa'yo. I know you'll be great," she said.
"Mahal na mahal ka namin ng Daddy mo...kayo ng Kuya mo. Kampante kami na sa oras na mawala na kami...kaya niyo na," she said kaya naman kumunot ang noo ko.
"Wag po kayong magsalita ng ganyan, Mommy..." sabi ko at sumimangot na na ikinatawa niya.
"You are always my Baby Julio Alexandron."
Nakapag-desisyon na akong tanggapin ang lahat. Na baka hindi para sa akin si Vera at kailangan kong lumayo at mag-aral abroad imbes na sa Manila. Pero nung mga oras na unti-unti ko ng tinatanggap ang lahat ay tsaka naman dumating yung pangyayari na hindi ko kailanman inasahan na mararanasan namin ng pamilya ko.
"Wag! David...tulong!"
Nagising ako nang marinig ko ang sigaw ni Mommy. Walang pagdadalawang isip akong bumangon at lumabas mula sa kwarto.
Nagkakagulo sa may first floor ng aming bahay hanggang sa magulat ako ng makita kong tumatakbong umakyat si Kuya. Puno ng dugo ang suot niyang damit at may mga sugat din sa mukha.
"Julio, magtago ka!" sigaw niya sa akin pero masyado akong gulat para makagalaw.
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang hindi bababa sa tatlong lalaki ang malayang nakapasok sa aming bahay.
"Wag! Maawa kayo!" sigaw ni Mommy.
"Si Mommy," galit na sambit ko.
Tumakbo ako papunta sa kwarto nila ni Daddy hanggang sa may humarang na lalaki sa akin. Isang beses niya akong nasuntok hanggang sa lumaban ako. Masyado siyang malakas at mas malaki sa akin kaya naman halos hindi ko kayanin ang mga ibinabato niyang suntok at pananakit sa akin.
Tumulo ang luha mula sa mga mata ko habang tinatanggap ang mga suntok ng lalaki sa akin ng marinig ko ang katahimikan sa buong bahay namin. Ayoko mang isipin at mawalan ng pag-asa ay alam ko na kaagad na wala na sila.
Nawala ang sigaw at iyak ni Mommy na humihingi ng tulong. Hindi ko din narinig ang boses ni Daddy...hindi na din nakasunod si Kuya August sa akin.
"Wag mong papatayin 'yan. Kailangang may ma-iwan na isa..." sabi ng isa pa sa mga kasam nila.
Sinubukan kong tumayo kahit ramdam ko ang pagkabasa ng mukha ko dahil sa tumulong dugo. Napasigaw ako sa sakit ng barilin ng isa ang kanang balikat ko.
Hindi nila ako iniwang gising dahil naramdaman kong may pumalo sa batok ko dahilan para mawalan ako ng malay.
Nagising na lang ako ng sumunod na araw na wala na silang lahat...iniwan na nila ako.
Wala ako sa sarili ko habang naglalakad palapit sa apat na black bag kung nasaan ang walang buhay na katawan ng pamilya ko. Dahil sa sobrang panghihina ay napaluhod na lang ako sa harapan nila at umiyak.
Hindi ko matanggap ang nangyari. Pero paulit-ulit ko ding itinatanong sa sarili ko kung bakit nandito pa ako. Bakit hindi na alng din ako isinama sa kanila...bakit buhay ako? Bakit hindi na lang din ako pinatay?.
"Julio,' tawag ng umiiyak na si Vera sa akin.
"Wala akong nagawa..." sumbong ko sa kanya.
Wala sa sarili ko siyang niyakap at hinila. Umiyak ako habang yakap siya...hindi ko kayang mag-isa. Hindi ko matatanggap 'to.
Ni hindi ko na namalayan pa ang mga sumunod na nangyari. Hanggang sa gumising na lang ako isang araw na wala na akong kasama sa bahay bukod kay Tita Cynthia. Wala akong ibang nasa isip kundi ang hanapin kung sino ang gumnawa nito sa pamilya ko at pagbayarin siya.
Halos araw-araw akong puntahan ni Vera kahit pa anong pagtataboy ko sa kanya. Sa kanya ko naramdaman na may kasama pa din ako. Kahit tahimik lang kami minsang dala habang nakatingin sa malawak na plantation nila ay mas gusto kong nandito siya.
"Si Vinci Montero?" tanong ni Tita Cynthia ng maka-usap niya ang mga pulis tungkol sa mga possibleng suspect.
Mas lalong lumakas ang spekulasyon na si Vinci Montero nga ang may gawa ng bigla na lang siyang mawala at magtago. Sinubukan kong ibuntong kay Vera ang galit ko. Pwede namin siyang gamitin para mahuli ang Daddy niya. Pero sa tuwing umiiyak siya sa harapan ko, sa tuwing nakikita kong wala din naman siyang alam sa mga nangyayari ay nanghihina ako.
Isang araw ay lumapit siya sa akin na umiiyak at magulo ang buhok. Ang sabi ni Tita Cynthia ay nakipag-away.
"Sabi nila anak ako ng killer..." sumbong niya sa akin.
Ramdam kong nasasaktan din siya. Pareho kaming nasasaktan.
"Ayaw sa akin ng lahat. Wala naman akong ginagawang bad..."
Gusto ko siyang hilahin at yakapi palapit sa akin. Walang kasalanan si Vera dito, pero isa talaga siya sa pwedeng dahilan para mahuli namin ang Daddy niya. Hindi ko na din alam kung paano...kung anong gagawin ko.
Nasanay ako sa presencya niya. Nasanay ako sa ingay niya, nasanay na sabay kaming kakain sa veranda.
Kaagad akong lumingon ng maramdaman kong may pumasok sa veranda. Malungkot na ngumiti si Tita Cynthia sa akin dala ang tray na may lamang pagkain.
"Si Vera po...nandyan na?" tanong ko.
"Julio...umalis na ang mga Montero papunta ng America," sabi niya sa akin na hindi ko kaagad pinaniwalaan.
Tinanggihan ko ang alok ni Lolo na umalis ako ng bansa. Isa siya sa rason...ayoko ding iwanan siya pero siya 'tong ganuon kabilis na umalis ng hindi man lang nagpapalam sa akin.
"Nag-usap kami na hindi siya aalis," laban ko kay Tita Cynthia.
Ang unti-unti kong pagbangon ay bumalik muli sa umpisa ng makumpirma kong maging siya ay iniwan ako. Umalis siya nung mga panahong siya lang ang nagpapakalma sa akin, sa kanya ko lang naramdaman yung pag-gaan ng loob ko.
Sinungaling ka, Vera. Katulad ka ng tatay mo.
"Naisip kong dalhin si Crystal dito. Kung mayroon mang mas nakakaintindi ng sitwasyon mo ngayon...si Crystal 'yon," sabi ni Tita Cynthia sa akin.
Nagpatuloy ako sa buhay kasama si Tita Cynthia at nasanay na din sa presencya ni Crystal. Nawala din ang Mommy niya ng gabing 'yon dahil nadamay sa nangyari sa pamilya namin. Binigyan siya ng scholarship ni Lolo kaya naman kahit sa pag-aaral ay magkasama kaming dalawa.
Noong college ko din nakilala si Eroz Herrer kahit pareho naman kaming nakatira sa Sta. Maria. Noon lang kami nagkaroon ng chance na mas magkakilala at maging close.
"Congratulations!" bati ni Tita Cynthia sa amin ni Crystal nang makapagtapos kami ng College.
Nakita kong abala din si Eroz kasama ang pamilya niya, nakita ko pa kung paano niya yakapin ang iritadong kapatid para magpa-picture. Ginaya ko kung paano niyang niyakap si Xalaine Herrer para sa litrato kaya naman ginawa ko din 'yon kay Crystal.
Parang kapatid na din ang turing ko sa kanya. Nakita ko ang gulat sa mukha niya pero nginitian ko siya bago kami sabay na tumingin sa camera ni Tita Cynthia.
Bumalik ako ng Sta. Maria ng kausapin ako ni Eroz na maging Architect sa renovation ng minana niyang Rice mill factory.
Sinubukan kong talikuran ang marayang buhay na kinagisnan ko noon. Hindi ko kayang bumalik sa dati lalo na sa tuwing naiisip kong dahil doon kaya nawala ang pamilya ko.
"Sino 'yan?" tanong ko ng makita kong kanina pa siya nakatingin sa litrato sa may laptop niya.
Humilig ako para makita 'yon. May kung ano akong naramdaman ng isa sa mga babae doon ay kaagad kong nakilala.
"Si Gertrude," tamad na sabi ni Eroz pero nanatili ang tingin niya doon na para bang lumulutang siya sa ere.
Hindi maalis ang tingin ko kay Vera. Nakasimangot siya sa litrato habang nasa gitna ni Gertrude Montero at isa pang may edad na babae. Nakalimutan ko na ang galit ko sa kanya at pamilya niya pero ng makita ko ulit siya...nang makita kong maayos ang buhay niya at mukhang masaya siya doon ay bumalik ang lahat.
Nagulat na lang ako ng biglang isara ni Eroz ang laptop niya.
"Tumatagal ang titig mo," sita niya sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan pa.
"Hindi pwede si Gertrude," sabi niya sa akin na akala mo ay aagawin ko.
"Hindi siya ang tinitingnan ko," laban ko sa kanya at inabala ang tingin sa mga papel na hawak ko.
"Sino? Si Yaya Esme?" pang-aasar niya sa akin.
Mas lalo siyang ngumisi. "Si Vera Montero?"
"Itim pa ang buhok mo...gusto mong pumuti?" tanong niya sa akin.
Nung nalaman kong babalik siya ay mas lalo kong hindi naintindihan ang sarili ko. Pinaghalong kaba, excitement, at bumalik na galit. Hindi ko alam kung paano ko ulit siya papakitunguhan.
Naaalala pa ba niya ako?
Ni hindi ko na natanggihan pa si Eroz ng kausapin niya ako para sunduin 'to. Sinama ko ang matalik kong kaibigan na si Alihilani para ipasyal din siya sa Manila. Alam ko ang oras ng pagdating ni Vera pero sinadya kong ma-late kami.
Dapat maramdaman niyang hindi naman siya ganoon ka importante. Halos matulala ko ng muli ko siyang makita. Hindi ko alam kung gusto kong awayin siya at sumbatan kaagad pero napili kong manahimik na lang.
Wag siyang pansinin, iparamdam sa kanya na wala siyang epekto sa akin. Nakalimutan ko na siya at hinding hindi ako papayag na makapasok ulit siya sa buhay ko.
"Naka-uwi na siya? Pag naging malapit na siya sa'yo...pwede na nating gamitin si Vera para makakuha ng lead sa Daddy niya," si Crystal.
Matagal na akong may lead sa Daddy ni Vera. Kayang kaya kong gumamit ng dahas para mapadali ang paghuli dito, para makaganti. Pero sa tuwing naiisip ko siya, sa tuwing naaalala ko kung paano siya umiyak dahil sa Daddy niya...nanghihina ako.
Nasaktan ako nang mawala ang pamilya ko. Ayokong maramdaman ni Vera na masaktan din.
Kahit anong pagtataboy ko sa kanya. Kahit anong pagpapaintindi ko sa sarili ko na kalaban ko siya ay hindi ko magawa. Bumabalik pa din ako sa umpisa...ayokong saktan si Vera.
Inabala ko ang sarili ko sa trabaho para sana kalimutan siya hanggang sa nagkasakit na ako dahil sa mga pinaggagagawa ko.
"Wag mong hahayaang makapasok ulit si Vera dito, Bruno."
Napangisi na lang ako sa tuwing kinakausap ko si Bruno tungkol sa kanya.
"Tahulan mo lang...pero wag mong kakagatin," paalala ko sa kanya.
Pagod akong nagpalit ng damit ng gabing 'yon dahil masama ang pakiramdam ko. Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may tao sa loob ng bahay ko. Pero masyadong mabigat ang pakiramdam ko para bumangon at tingnan kung sino 'yon.
"Very good ka, Snoopy..." sabi niya sa akin.
Dumilat ako at tiningnan siya. Kaagad ko siyang hinila para yakapin.
"Vera...iniwan mo din ako," marahang sabi ko sa kanya.
Iniwan mo ako noong mga panahong sa'yo ako kumukuha ng lakas. Hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang magalit ng todo sa'yo. Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng naging desisyon ko...kasama ka palagi.
Naging in denial ako sa pakikitungo ko sa kanya. Gusto kong buhayin yung galit. Pero tangina, isang iyak lang niya sa akin nawawala ang lahat.
"Sinabi ko sayong layuan mo ang mga kaibigan ko," asik ko sa kanya. Hindi ko sinasadyang ma-itulak siya kanina nang makita kong natamaan si Alihilani ng bola sa mukha.
"You really think ba I'm happy, Ha! Julio!?" umiiyak na tanong niya sa akin.
Gusto ko siyang lapitan, yakapin at patahanin. Tangina, kayang kaya kong lumuhod sa harapan niya ngayon kung sasabihin niya.
"Sa tingin mo gusto ko na ganito tayo?" tanong ko sa kanya.
Sa tingin niya ba ito yung pinangarap kong mangyari para sa aming dalawa?
Unti-unti akong lumambot kay Vera ng makita ko at ipamukha sa akin na hindi din naging madali ang lahat para sa kanya. Na kagaya ko ay parehong mahirap ang pinagdaanan namin.
Nagkaroon ako ng project sa Macua kaya naman kinailangan kong umalis sandali at iwan siya. Nang dahil sa paglayo ko ay doon ko na-realize na hindi ko na ulit kayang malayo kay Vera.
"Umuwi ka na at delikadong maabutan ka ng dilim diyan...mag-isa ka lang," suway ko sa kanya ng tumawag ako sa bahay at siya ang sumagot imbes na si Junie.
Pwede siyang matulog doon pero dapat ay kasama ako. Ni hindi ako nakapag-focus sa trabaho kakaisip sa kanya. Natatakot ako para sa safety niya. Na-trauma na dahil sa mga nangyari.
"Padalhan na lang ng almusal. Pagkatapos umalis ka kaagad," pagka-usap ko kay Junie kinaumagahan.
"Aalis kaagad? Bawal tumambay?" nakangising tanong niya sa akin kaya naman sumama ang tingin ko sa blueprint sa harapan ko.
Nagpabili ako ng almusal para kay Vera. Halos hindi ko nga maalis ang tingin ko sa mga pinagse-send niyang picture sa akin suot ang damit ko. May picture din silang dalawa ni Bruno na kaagad kong ginawang wallpaper ng laptop ko.
"Para sa girlfriend ko. Para hindi namomorblema pag sa akin natutulog," rinig kong pag-uusap ng ibang mga kasama ng lumabas kami para mamili ng mga pasalubong.
Sinadya ko ang Victoria Secret store para bilhan si Alihilani ng paborito niyang pabango. Naalala kong nakikitulog si Vera sa bahay kaya naman napakamot ako sa batok ko habang namimili ng underwear para sa kanya.
Para hindi rin siya mamorblema kung makikitulog siya sa akin.
Ni wala akong lakas ng loob na ibigay 'yon sa kanya kaya naman itinago ko na muna.
"Ang daming manliligaw ni Vera," sabi ni Eroz sa akin isang araw habang nasa trabaho kami.
Hindi ako umimik pero hindi din niya inalis ang tingin niya sa akin.
"Mauunahan ka," pahabol pa niya.
"Wala akong pakialam," sagot ko sa kanya.
Ngumisi siya at nagkibit balikat.
"Siegfried San Miguel yung pangalan. Vera San Miguel...bagay naman," kantyaw pa niya sa akin kaya naman mas lalong sumama ang tingin ko sa ginagawa ko na ikinatawa ni Eroz.
Niligawan ko si Vera hindi dahil may parte 'yon ng plano. Niligawan ko si Vera dahil hindi ko na kayang magparaya ulit. Pagod na akong ipaalala sa sarili ko na hindi siya para sa akin.
Para siya sa akin.
"Bakit pinahinto mo yung pagpunta doon?" giit ni Crystal. Mahuhuli na sana si Vinci Montero pero pinatigil ko ang pagpunta ng mga tauhan kung nasaan siya...para ano? Para bigyan siya ng pagkakataon na makatakas nanaman.
"Mahuhuli na. Mapagbabayad na natin sila..."
Masasaktan si Vera pag may nangyari sa Daddy niya. Gusto kong isagot kay Crystal 'yon pero hindi ko magawa.
Naguguluhan na din ako.
"Ang mahalaga kakampi kita, sana kakampi kita," sabi ko kay Vera kahit ang totoo ay alam ko namang hindi ko kailanman maaalis sa kanya na mas importante pa din ang Daddy niya kesa sa akin.
As much as I want to protect her and our relationship ay hindi din talaga naiwasang magkagulo kami. Lalo na't nasaktan si Tita Cynthia at Crystal.
"Alam kong ikaw ang tumutulong sa kanila..." pag-amin ko sa kanya.
"Mahal ko ang Daddy ko," umiiyak na sabi niya sa akin.
Mahal ko din ang pamilya ko, Vera. May kasalanan ang Daddy mo.
"Julio naka-usap ko ang Daddy ko, wala siyang..."
"Sabihin mo sa Daddy mo papatayin ko siya,' bungad ko sa kanya ng tuluyan na akong malamon ng galit.
"Lumayas ka," pagtataboy ko. Ayokong umiyak nanaman siya sa harapan ko at lumambot nanaman ako.
"Please, hirap na hirap na ako..." umiiyak na sabi niya sa akin hanggang sa dahan dahan siyang lumuhod sa harapan ko.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ko ang kalagyan niya sa harapan ko. She doesn't deserve this pero ito hinayaan kong mangyari 'to sa kanya.
"Nakakapagod kang mahalin, Vera..."
Mahal ko siya, pero pagod na din akong maging tanga. Pagod na akong wag siyang masaktan. Pagod na din akong baliwalain ang hustisya para sa pamilya ko.
Pagod ako sa sitwasyon...pero mahal na mahal ko siya.
"Ginamit lang kita Vera," sabi ko sa kanya para mas lalo siyang masaktan.
Na baka pag siya na mismo ang lumayo sa akin ay mas maging madali ang lahat.
"Vatticus, smile sa camera!"
Bumalik ako sa wisyo mula sa mga ala-alang 'yon nang marinig ko ang tawa ni Vera. Pilit niyang pinapatawa ang anak namin habang hawak ni Daddy Vinci.
"Ang grumpy grumpy mo just like your Dad," sabi niya at nilingon ako.
Nagtaas ako ng kilay sa kanya. Kanina pa ako tahimik dito pero nadamay nanaman ako.
Nginisian niya ako bago niya muling binalik ang atensyon sa Daddy at anak namin.
"Aalis na muna ako, may lakad kami ng Tito Keizer niyo," paalam ni Daddy Vinci sa amin bago niya paulit-ulit na hinalikan si Vatticus bago umalis.
Kinuha ko si Vatticus mula sa kanya dahil abala si Vera sa pagtingin sa mga litratong kinuha niya.
"Look at this brunie, umeepal talaga," natatawang sabi niya ng ipakita sa akin ang ilang litratong kasama si Brunie.
Nasanay na din ako sa Brunie kahit Bruno ang pangalan ng aso namin.
"Vatticus, what is this attitude ha?" pag-kausap niya sa anak naming karga ko.
Hinapit ko siya sa bewang para mas lalong mapalapit sa amin. Humilig ako para halikan siya sa ulo. I'm so damn inlove with her. Simula noo hanggang ngayon.
"Macho just like Daddy," nakangising sabi niya pa nang maka-isip nanaman ng kalokohan.
Minsan ay gustong gusto niya talagang umiiyak ang anak namin pagkatapos ay papatahanin niya.
Hinubad niya ang suot na pang-itaas ni Vatticus kaya naman ang suot na diapers lang ang naiwan sa kanya. Maong pants lang ang suot ko dahil kagagaling ko lang sa trabaho at kakahubad ko lang din ng suot kong pang-itaas dahil basa iyon ng pawis.
"C'mon on. Mag-pose naman kayo sa camera," giit niya.
Natawa ako at sinunod ang gusto niya. Ilang shot pa ang ginawa niya hanggang sa tumigil siya.
"I'm nagseselos na. Ayoko na..." nakangusong sabi niya sa amin at lumapit para yumakap.
"Brunie, picturan mo kami..." sabi niya dito kaya naman napahalakhak ako.
Damn, Vera.
Naging abala kami para sa binyag ni Vatticus. Pagkatapos ng binayag ay magiging abala naman kami para sa kasal. I want to give her the best wedding she deserve.
Wala akong masabi sa pagiging hands-on ni Vera as a mother to our child. Kahit pa abala kay Vatticus ay hindi ko naramdaman na binaliwala niya ako.
"You should go to work na. Ako na ang bahala kay Vatty," she said ng kuhanin niya sa akin ang anak namin para makapunta na ako sa home office at makapagtrabaho.
Hinalikan ko sa ulo ang anak naming kakatulog lang.
"Wala namang siyang poops kaya I can handle this," nakangising sabi niya sa akin.
Pagkatapos kay Vatticus ay siya naman ang hinalikan ko sa ulo.
"Tatapusin ko lang ang trabaho...I want to date you," sabi ko sa kanya.
"With Vatty?" tanong niya sa akin.
Marahan akong umiling. "With Mommy only," sagot ko at ngumisi.
Inirapan niya ako. "Vatty, narinig mo 'yon?' tanong niya sa anak namin kaya naman napangisi ako at mariing napapikit.
Dumiretso ako sa home office para umpisahan ang trabaho. Lumipas ang halos isang oras ng kumatok si Vera.
"Tulog na. Pwede mo na akong landiin," bungad niya sa akin kaya naman kaagad na nawala ang focus ko sa ginagawa ko.
Inusog ko ang swivel chair ko para maka-upo siya sa lap ko. Humigpit ang yakap ko sa bewang niya at hinalikan siya ng paulit-ulit sa ulo.
"I'm craving for lambing..." sabi niya sa akin. She sounds sleepy dahil na din sa pag-aalaga sa anak namin.
"Uhm...you're craving for me,' sabi ko kaya naman napahalakhak siya.
"Feeing," akusa niya sa akin.
Nilingon niya ako bago niya ako siniil ng halik.
"Hindi ko napigilang umorder ng LV bag pero wala akong pambayad," sabi niya sa akin.
Humigpit ang yakap ko sa kanya bago ko pinanatili ang halik ko sa ulo niya.
"You are Mrs. Escuel...gold ka, remember?" pang-aasar ko sa kanya kaya naman tawa siya ng tawa.
Oh God, I love everything about her.
Lahat ng meron ako...para sa kanila ni Vatticus.
"Snoopy," tawag niya sa akin.
Bumaba ang halik ko sa ulo niya papunta sa tenga hanggang sa umabot sa leeg. Itinabi ko ang lahat ng gamit sa taas ng mesa ko para ma-ingat na ilapag si Vera doon.
Marahan kong pinaghiwalay ang mga binti niya. Hindi naman ako nahirapan because she's wearing a dress.
"Julio..." tawag niya sa akin.
We did it sa taas ng office table ko, hanggang sa lumipat kami sa may sofa.
Nakadapa siya sa ibabaw ko habang pinagmamasdan ang engagement ring na ibinigay ko sa kanya. Itinaas ko ang kamay ko para marahang haplusin ang buhok niya.
"Sorry kung medyo gigil," sabi ko. I missed her so damn much.
Ngumisi siya sa akin at nagtaas pa ng kilay.
"It's ok lang. Pero you're too big pa din for me..." sabi niya sa akin kaya naman bayolente nanaman akong napalunok at napapikit ng mariin.
Damn it, Julio. Pagod ang asawa mo sa pag-aalaga sa inyo.
"I want a big family with you," sabi ko.
Humaba ang nguso niya. "No problem with me," nginisian niya ako para ipakita sa akin kung gaano siya palaban.
Humilig ako para halikan siya sa ulo.
"Ipapaayos ko yung portrait..." sabi ko sa kanya.
She got teary eyed dahil sa sinabi ko.
"Edi taon taon tayong may bagong portrait if taon-taon akong magiging pregnant," laban niya sa akin.
"Walang problema sa akin," sabi ko kaya nanlaki ang mata niya.
"Have mercy naman sa tummy ko," giit niya na ikinatawa ko.
"Sa ganda mong 'yan? Kayang pigilan...pero hindi ma-iiwasan," sabi ko kaya naman hinampas niya ako sa dibdib.
"You're so sobra, Snoopy!"
I've experienced watching every Sunrise alone hoping to ease every pain, loneliness, and heartache each passing day. Vera taught me that some days won't be in favor with us but you can always expect another Sunrise.
No more Sunrise hoping that days will be better...because I already found the one who will watch every sunrise with me until sunset, and we'll surely make every day ahead the best day of our lives.
The End.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro