Chapter 9
Bracelet
Panay ang ngiti ko while tinutulungan ako ni Julio kumain. I can eat naman even sa kalagayan ng mga kamay ko ngayon. But he's willing naman to help, sino ba naman ako para tanggihan ito. And it's like a miracle na pumayag si Julio na subuan ako, knowing him...yung galit ata niya sa mundo ay damay pa ako.
Panay din ang tikhim niya sa tuwing tinatanggap ko ang subo niya. I smile sweetly lang para ipakita sa kanyang I'm enjoying the moment habang iritado siya.
"Paint mo na kasi ako. Maganda ang painting pag nanduon ako," pamimilit ko sa kanya.
Tumalim nanaman ang tingin niya sa pagkain, imbes na sumagot ay muli niya akong sinubuan at sunod sunod naman.
"Are you gonna kill me ba?" masungit na tanong ko sa kanya ng kaagad akong umiwas.
"Ang ingay ingay mo," sita niya sa akin.
"Syempre I have bunganga and maraming akong ideas to share. I'm not naman madamot to just keep it in mind. Kaya nga I told you na isama ako sa painting to make it more beautiful," dirediretsong sabi ko sa kanya.
Hindi pa din siya nagsalita kaya naman sumuko na ako. No taste talaga itong si Julio, though maganda naman talaga ang painting niya, pero dahil wala ako duon...panget na.
"And kung you want me dead, bigyan mo naman ako ng magandang cause of death. What do you want to happen sa akin? Cause of death because of choke?" tanong ko sa kanya.
Umigting ang panga niya at muling sumama ang tingin sa akin. "Wag ka ngang magsalita ng ganyan at manahimik ka," suway niya kaya naman sumimangot ako sa kanya at humalukipkip pa.
"You are so masungit talaga, mas mukha ka tuloy old kesa sa kuya mo. Lolo Julio," sabi ko kaya naman halos mamula na siya sa galit at inis.
After kong kumain ay ipinagpatuloy na ni Julio ang pagpa-paint niya. Inabala ko naman ang sarili ko sa pagkain ng dessert. Inaway pa nga niya ako na baka daw even ang paginom ng juice ay iasa ko pa sa kanya.
"I'm so busog na," sabi ko sa gitna ng katahimikan naming dalawa. Napahawak pa ako sa tummy ko dahil sumakit na iyon.
"Ang takaw mo," sabi niya sa akin habang naka-focus pa din sa ginagawa niya.
"Ilang meals ang ini-skip ko para lang ipakita sa kanilang I'm in my rebel mode," kwento ko kay Julio.
You know sometimes mas magandang magshare ng thoughts and even problem sa ibang tao. Hindi naman kami close ni Julio kaya I think it's ok lang na magsalita ako ngayon sa harapan niya. And hindi din naman niya ako pinapansin so it's better.
"Akala ko nakakamatay ang gutom, sumakit lang ang tiyan ko," kwento ko pa.
Tumikhim siya at umayos ng tayo. "Hindi mo ba alam kung ilang tao ang gusto pang mabuhay pero wala ng magawa dahil oras na nila. Tapos ikaw tong..."
"Alam mo ba kung ilang tao ang gusto na lang mamatay because they have no reason na to live?" tanong ko pabalik sa kanya.
Nilingon niya ako, hindi pa nakuntento at lumapit pa sa akin para lang harapin ako ng maayos.
"Really, Vera?" hindi makapaniwalang sambit niya. "Anong reason mo? Dahil iniwan ka ng Daddy mo para magtrabaho?" tanong niya sa akin.
I remain calm kahit gusto ko siyang sigawan dahil he doesn't know anything naman about me and my reasons. Though he's right about it naman. Still hindi pa din niya ako kilala to give an opinion about my beliefs.
"Hindi mo kasi naranasan iwan ng Mommy mo para sumama sa ibang lalaki. You don't know kasi ang feeling na ayaw sa iyo ng ibang tao because I'm suplada daw and feelingera. You don't experience kasi saktan ng Lola mo..." tuloy tuloy na sabi ko sa kanya.
Kahit I want to cry ay hindi ko ginawa. Dapat strong ako palagi dahil pag nakita ng ibang tao na weak ka, aawayin at aapihin ka lang nila.
"Sinasaktan ka?" gulat na tanong niya.
Ramdam ko na ang pagtutubig ng eyes ko dahil sa luha pero nagawa ko pang irapan si Julio.
"Secret, hindi ko sasabihin sayo," laban ko sa kanya.
Napaayos ako ng upo ng magulat dahil sa biglaan niyang paglapit sa akin. Halos manigas ako sa kinauupuan ko ng maramdaman ko ang magaspang niyang kamay sa aking pisngi.
"Ang lola mo ba ang may gawa sayo nito?" tanong niya tukoy sa gasgas sa aking mukha.
"Uhm...yes," sambit ko.
Naglapat ang mga labi niya bago siya umayos ng tayo.
"Baka matigas ang ulo mo," sabi niya sa akin kaya naman humaba ang nguso mo.
Itinaas ko ang kamay ko at hinawakan ang aking ulo.
"Matigas nga," sabi ko kaya naman sumimangot nanaman siya sa akin.
Panay ang ngisi ko everytime na naiinis ko si Julio. It means lang na may epekto ako sa kanya. Even sa maliit na bagay na iyon ay nakakatuwa ng isipin.
"I have a pasalubong po ulit, Yaya Esme."
Pagkauwi sa bahay ay sina Tita Giselle at Gertie kaagad ang hinanap ko para ibigay ang cookie na binake namin.
"Ang galing! Pinapataba mo na ako, Senyorita Vera." sabi ni Yaya Esme sa akin.
"It's ok lang naman po, Yaya Esme. Beauty has no size," sabi ko pa sa kanya.
"Aba't may paganyan ka pa ngayon," nakangising sabi niya sa akin kaya naman matamis ko siyang nginitian.
Wala pa si Tito Keizer dahil nasa work pa kaya naman hindi ako nahiyang pumasok sa room nila ni Tita Giselle kung nasaan din si Gertie at nagkakalat nanaman.
"Are you sick po, Tita?" tanong ko kaagad sa kanya ng makita kong nakahiga ito sa kama at nakapikit.
She's gising naman pero nakapikit lang. Si Gertie ay abala sa malaking dollhouse niya.
"Masama lang ang pakiramdam ni Tita," she said kaya naman napanguso ako.
Matamis na ngumiti si Tita Giselle ng ilagay ko ang kamay ko sa kanyang noo. Ganuon kasi ang ginagawa ni Mommy sa akin nuon everytime na nagkakasakit ako.
"Your a bit mainit po. Uminom na po ba kayo ng gamot?" tanong ko sa kanya habang feel na feel ko ang pagiging nurse ko.
"Yes po, Ate Vera."
"You should rest po, Tita. Don't worry about Gertie po, ako na po muna ang magbabantay sa kanya," paninigurado ko sa kanya.
Lumapit ako sa aking makulit na pinsan. Kumakanta kanta pa ito habang kinakausap ang maliit na manikang nakatira sa dollhouse niya.
"Shhh...your Mom is sick. I have something for you," sabi ko sa kanya at ipinakita ang cookies na dala ko.
Kaagad niyang binitawan ang hawak na laruan at gumapang palapit sa akin. Kagaya nung isang araw ay kita ko ang excitement sa mukha niya habang hinihintay ang buksan ang box.
"There...kumain ka hanggang sa gusto mo," sabi ko sa kanya at inilapag sa harapan niya ang cookies.
Nagpaalam ako sandali para puntahan si Yaya Esme at bigyan din siya. I think mas masarap din iyon kung may milk kaya naman hihingi ako ng milk for Gertie.
"Saan ka nanggaling?" tanong ko kay Rafael ng makasalubong ko siya.
"At bakit mo tinatanong?" masungit na tanong niya din sa akin.
Nagkibit balikat ako. "I just want to know, why? Bawal ba?" tanong ko ulit sa kanya.
Sinamaan niya ako ng tingin bago bumaba ang tingin niya sa hawak kong cookies. Kaagad ko iyong itinago sa aking likuran.
"This cookies ay para kay Yaya Esme, if you want meron para kay Gertie...sa kanya ka humingi," sabi ko sa kanya.
"Tss. Akala mo naman masarap ang gawa mong cookies, bibili na lang ako noh!" laban niya sa akin kaya naman sinimangutan ko siya.
Hindi na niya ako hinayaan pang magsalita at kaagad ng tinalikuran. Look at this Lolo Rafael super bastos kausap.
Dumiretso na kaagad ako sa kitchen para hanapin si Yaya Esme. Bago pa man tuluyang makapasok ay napahinto na ako nang marinig ko ang boses ni Lola. Takot ang nararamdaman ko everytime na naririnig ko ang boses niya, even nga ang malaman lang na nakauwi siya from work o nandito lang siya sa bahay.
"Gawin mo na! I can no longer wait. Yan na nga lang ang silbi mo!" dinig kong galit at madiin na sabi niya sa kausap.
Hindi ko man alam kung sino ang kausap niya ay I have a feeling na si Daddy iyon. I don't know. Feeling ko kasi sa amin lang naman siya ganuon. Nice naman siya sa ibang taong nakakausap niya, sa amin lang talaga ni Daddy niya nagagawa iyon.
"Gawin mong malinis ang trabaho. Wag kang palpak, Tonto!" pinal pang sabi ni Lola bago ko marinig ang padabog niyang pagbaba ng phone.
Hindi kaagad ako nakagalaw para umalis duon at magtago. I really want to move para makalayo sa takot na kung makita niya ako ay saktan niya ako. But I'm to weak to do that, like iniwan na ako ng conciousness ko to do so, parang even sila ay takot kay Lola.
"Anong ginagawa mo dito!?" tanong niya sa akin ng pagkalabas ng kitchen ay napahinto siya dahil nakaharang ako.
Hindi kaagad ako nakapagsalita. Halos madeform ang hawak kong cookies dahil sa takot.
"Aray po, Lola!" giit ko ng halos mapatingkayad nanaman ako sa sakit dahil piningot niya ang tenga ko.
"Aray po..." daing ko pa din.
"Nakikinig ka? Nakikinig ka!?" madiing tanong niya sa akin.
Halos hindi ako makasagot sa kanya dahil sa sakit na iniinda. Hindi ko na kinaya kaya naman nahulog na ang cookie na hawak ko.
"Wala po akong narinig," sabi ko.
Binitawan niya ang tenga ko at tinampal ang pisngi ko. "Sinungaling! Ang bata mo pa ay sinungaling ka na!" pagkastigo niya sa akin.
"Ang Daddy ko po ba ang kausap niyo?" tanong ko.
I'm here naman na, kahit pa manahimik ako o magsalita ay sasaktan at papagalita pa din niya ako.
Mas lalo siyang nagalit kaya naman hinaklit niya ang braso ko.
"Tingnan mo na! Tingnan mo na!" nangagalaiting sambit niya.
Hinawakan niya ako sa aking magkabilang balikat at kaagad na init para lang paharapin sa kanya.
"Ito ang tatandaan mong malditang bata ka! Sa oras na may nakaalam ng mga narinig mo...puputulin ko yang dila mo," pananakot niya sa akin.
"Sobrang bad mo po, Lola! Ang bad bad niyo po sa amin ni Daddy!" sabi ko sa kanya.
I can't take it anymore. Hindi ko alam kung bakit super deep ng galit niya sa amin ni Daddy. We have no kasalanan naman sa mga nangyari sa past. I strongly believe na hindi naman ito deserve from her.
"At sumasagot ka pa!" asik niya bago niya tinampal ng ilang beses ang bibig ko.
Hindi ako dumaing o nagreklamo. I know naman na bad ang sumagot sa mga elders, for sure nga ay madi-disappoint si Daddy sa akin pag nalaman niya ang ginawa ko. But I can't keep my silence all the time lalo at sumusobra na.
Sa inis niya ay bumaba pa ang tingin niya sa cookies na nahulog ko kanina at pinag-aapakan iyon na para bang duon niya binubuhos ang lahat ng galit at inis na nararamdaman niya.
"Oh anong nangyari sayo?" gulat na tanong ni Yaya Esme.
Nakaupo na siya ngayon sa tabi ni Gertie at kumakain din ng cookies.
"Galing dito si Senyorito Rafael...kumuha din," kwento niya sa akin.
"Aawayin ko siya later," sabi ko kay Yaya Esme.
Dumiretso ako sa tabi nila. Kinuha ko ang maliit na manika na nilalaro ni Gertie kanina at ginalaw galaw iyon sa loob ng kanyang dollhouse.
Ramdam ko ang tingin ni Yaya Esme sa akin kaya naman ramdam ko din ang paginit ng gilid ng aking mga mata.
"Ano nanaman ang ginawa sayo?" tanong niya sa akin.
Sometimes ayoko na may nakakakita sa akin o nakakaalam na sinaktan ako ni Lola kasi I don't want them to ask med about it. Mas lalo kasing bumibigat ang dibdib ko at mas lalo akong naiiyak.
"Senyorita Vera..." marahang tawag ni Yaya Esme sa akin.
Because of that ay kaagad na nalukot ang mukha ko at tuluyan ng naiyak. Mabilis akong gumapang palapit sa kanya at yumakap.
Hinayaan niya lang akong umiyak at niyakap ng mahigpit. Naramdaman ko din ang paglapit ni Gertie sa amin na halatang nagtataka din sa nangyayari.
Natawa kami ni Yaya Esme kahit umiiyak ako ng subukan niyang lumapit sa amin pero na out of balance siya kaya naman imbes na makayakap ay sa amin siya natumba.
"Ikaw talaga, you are so epal talaga," sabi ko sa kanya at nangmakaayos ng tayo ay yumakap din.
"Pinapaiyak niyo si Yaya. Telenovela lang ang iniiyakan ko," sabi niya sa amin bago niya kami ulit niyakap na pareho ni Gertie.
Kita ko ang madalas na pagkakaskait ni Tita Giselle the next day. Even sabihin niya sa aking she's ok lang ay iba naman ang nagrereflect sa mukha niya. I really think na hindi lamang iyon simpleng flu or ano. There is something pa na ayaw nilang malaman namin.
"Pupunta tayo ng America..." rinig kong sabi ni Tito Keizer one time ng maabutan ko silang naguusap ni Tita.
Magpapalam sana ako sa kanila dahil pupunta na ako sa mga Escuel. Lola thinks talaga na better kung maaga pa lang ay maging close na ako kina Tita Alexandra. I don't want her to use me sana for her own good pero ang pagpunta ko naman doon ay gusto ko din dahil welcome naman ako sa kanila anf nageenjoy akong ka-bonding si Tita.
"Nandito ang buhay natin, Keizer. Ang trabaho mo, ang pag-aaral ni Gertie..." sagot ni Tita Giselle sa kanya.
"Hindi ako papayag. Pupunta tayo ng America at duon ka magpapagaling!" giit ni Tito. Nang sumilip ako sa kanila ay nakita kong mahigpit na nakayakap si Tito Keizer kay Tita Giselle and they are both emotional.
"Senyorita Vera, kanina pa naghihintay ang van sa labas," tawag ni Yaya Esme sa akin.
Bigla akong nag worry dahil sa narinig. Kung aalis sila papuntang state ay siguradong ibabalik nila ako kay Daddy. Masaya sana because iyon naman talaga ang gusto ko, ang bumalik kay Daddy. Pero nakakasad din kasi I want to be with them na, kung pwede nga lang na dito na lang din kami tumira ni Daddy kasama sila, but ayaw naman sa amin ni Lola.
"Is Tita Giselle fine lang po ba?" tanong ko kay Yaya Esme ng ihatid pa niya ako palabas.
"Oo naman," sagot niya sa akin. Maybe just like me and everyone here in the house ay hindi pa alam kung ano ang pinaguusapan nila.
"I wish ok na si Tita and hindi super lala ng sakit niya," sabi ko kay Yaya Esme.
Iyon ang iniisip ko habang nasa byahe ako papunta sa mga Escuel. It's sad naman talaga kung aalis sila papunta sa states pero kung iyon ang way para gumaling si Tita Giselle sa kung anong sakit niya, it's better pa din.
Isipin ko pa lang na mawawala din si Tita Giselle sa akin at kay Gertie ay sumasakit na ang dibdib ko. Siya na ang naging second Mom ko at hindi ko na ulit kaya na maiwan ulit.
"Good morning po, Tita Alexandra" bati ko sa kanya at humalik pa sa aking pisngi.
Just like some others days ay nasa front door siya everytime na dumadating ako, para bang she is always waiting for me.
"What do you want us to do this time?" tanong niya sa akin.
Napaisip din ako kahit hindi naman talaga ako nag-iisip about it dahil masyadong pre-occupied ang mind ko about kay Tita Giselle.
"Good morning po, Tito David" bati ko din dito ng lumapit siya sa amin ni Tita.
Yumakap siya dito at humalik pa sa kanyang pisngi.
"Pinaglilihian mo pa ata si Vera," sabi ni Tito kaya naman lumaki ang mata ko.
Natawa si Tita and pabiro pa siyang tinapik sa braso. "We're not sure about it pa," suway ni Tita sa kanya.
"I'm sure about it kasi..." ang sumunod na sinabi nito ay ibinulong niya kay Tita reason for her para mamula.
"David! Nandito si Vera," suway niya kay Tito.
Tinapik niya ang ulo ko. Pinagmasdan niya ako at ngumiti. "Mas bagay ka kay Julio," sabi niya sa akin kaya naman naramdaman ko din ang paginit ng aking magkabilang cheeks.
"David, wag mong ipaparinig iyan kay August. He likes Vera, at may ibang gusto si Julio," sabi ni Tita kaya naman unti unting nawala ang kung anong naramdaman ko.
Ngumisi si Tito at tumango. Hindi na ako nakapagsalita pa ng mapaalam ito kay Tita. Dumiretso ako sa may garden kung nasaan sina Julio at August.
"Hi!" nakangiting bati ni August sa akin ng salubungin niya ako.
Kahit nagawa na niya noon ay nagulat pa din ako ng halikan niya ako sa pisngi. Kaagad na lumipad ang tingin ko kay Julio na masama ang tingin sa iniinom na kung ano.
"May gusto ka bang inumin o kainin?" tanong ni August sa akin.
Pinaghila pa niya ako ng upuan kaya naman nagpasalamat ako sa kanya. Kahit hindi ako sumagot ay nagtawag na siya ng isang house helper para ipakuha ako ng maiinom.
"Hi, Julio!" bati ko sa kanya. I want to be nice lang naman.
Ngumisi si August ng makita niyang kahit ako na ang unang nag approach ay nakasimangot pa din ito.
"Stop being grumpy all the time. Dapat ay magkasundo na kayo ni Vera," sabi niya sa kapatid na kaagad ko namang tinanguan. Tama!
"What for? Kayo naman ang ikakasal soon, it's between you two," laban pa din niya.
He's always talagang may ipinaglalaban na hindi ko alam kung ano.
"Sa iyo ko iiwan si Vera sa tuwing wala ako. I want to ask you to look after her sa tuwing wala ako..." sabi ni August.
Mas lalong tumikhim si Julio. "I have a lot of things to do also, Kuya. Wag mo na lang iwanan para hindi kailangan nang tagabantay," masungit na sabi pa din niya.
Imbes na mainis si August ay natawa na lang na para bang he is so sanay na sa pagiging masungit ni Julio na pinakamatandang member ng kanilang family. Natalo pa ata niya si Tito David na chill lang.
Si Julio ay ginawa na atang tambayan ang oven with it's maximum power.
Hinawakan ni August si Julio sa balikat. "Kahit hindi ko naman sabihin. I know na babantayan mo si Vera para sa akin."
Humaba ang nguso ako. "I can take care of my self naman. Hindi ko need ng tagabantay na mas masungit pa kay Ms. Minchin," sabi ko sa kanila kaya naman napahalakhak si August.
Tumikhim si Julio na galit nanaman ngayon. "Tingnan mo yan. Ikaw lang naman ang nakakatiis sa bantang yan, Kuya." laban ni Julio.
"I'm not bata anymore. Will you please!" asik ko sa kanya.
Nakipaglaban ako ng tingin kay Julio hanggang sa tumunog ang phone niya.
"Hinahanap ka na ng girlfriend mo," sabi ni August.
Tumayo si Julio para lumayo at sagutin ang tawag. Muli akong naiwan kay August. Nagulat ako ng kuhanin niya ang palapulsuhan ko at may inilagay na bracelet duon.
"I bought it with my first allowance sa pagtulong sa business namin," kwento niya sa akin kaya naman mas lalo akong namangha habang inilalagay niya iyon sa kamay ko.
"You don't have to do this naman. But thank you for this, August." sabi ko.
It's a gold pendant bracelet na may sun. Nagtagal ang tingin ko duon bago ko nilingon si August na nakatingin din sa akin. Looks like he's happy naman while pinapanuod ang pagkamangha ko sa ibinigay niya sa akin.
"You like it?" tanong niya na kaagad kong tinanguan.
"Thank you for this, August." sabi ko sa kanya at kaagad na humilig para humalik sa pisngi niya.
It's a thank you kiss lang naman.
After kong gawin iyon ay nagulat kami sa paglapit ni Julio. Padabog niya kinuha ang baso ng iniinom at mabilis na tinunga iyon.
"I need to go. Nagpapasama si Elisse," he said. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Nasa kay August ang buong atensyon niya.
What's my kasalanan nanaman kaya?
"Akala ko ba si Fiona?" nakangising tanong ni August kaya naman napairap si Julio at kaagad kaming iniwan doon.
Napainom na lang ako ng juice hanggang sa August break the silence.
"I also have a favor for you, Vera."
"Ano? Anything..."
"Look after Julio...pag wala ako," he said kaya naman napanguso ako.
"Malaki na siya and masungit, hindi na niya need ng magbabantay sa kanya," giit ko.
"He loves being alone. Tsaka lang siya nag-iingay pag nagsasagutan kayo..." paguumpisa niya.
"If ever wala ako...wala kami for him, please be there for him."
"Eh ayaw nga niya sa akin," sabi ko pa.
Ngumiti lang si August sa akin na para bang I have no other choice but to say yes. So I said yes and nag pinky promise pa kami. What a childish move, Vera.
Hindi pa bumabalik si Julio hanggang sa makauwi na ako. Sa planet mars pa ata nagpasama si Elisse kaya naman hanggang ngayon ay wala pa sila.
Tumawag si Daddy sa akin kinagabihan kaya naman excited kaagad akong makausap siya kahit halos puro work at paalala na magpakabait ako dito ang pinaguusapan namin.
"Daddy..." tawag ko sa kanya.
Ramdam kong may iba sa boses niya. I don't know kung ano iyon o masyado lang akong nag overthink because of what I heard kay Lola last time.
"Mahal na mahal ka ni Daddy, Vera. Gagawin ko ang lahat para sayo..." he said kaya naman mas lalo akong hindi nakapagsalita.
"Konting tiis nalang. Konting tiis na lang at magkakasama na tayo ulit," he said.
"Daddy, please don't do anything bad ha..."
Natahimik siya sa kabilang linya. "I'm sorry..." he said at pinatay ang tawag.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro