Chapter 8
Paint
Nanatili ang tingin ko kay Julio after he said that. Eventhough ramdam ko ang sincerity ng pagkakasabi niyang he's here naman with me ay hindi pa din mababago ang reality na my Daddy left me again for work sa Manila.
"I want to be with my Daddy," umiiyak na sumbong ko sa kanya. Kahit I know naman na wala na din siyang magagawa dahil nakaalis na si Dad ay gumagaan pa din kahit papaano ang pakiramdam ko dahil may napagsasabihan ako. And iba ang feeling ko while saying it to Julio.
I even feel his sympathy habang nakatingin siya sa akin. Kahit super sungit niya sa akin ay may itinatago pa din siyang kabaitan. Super nakatago nga lang talaga siguro, siguro ay nasa baul pa iyon ay naka-double lock pa.
Umigting ang kanyang panga, define na iyon even with his young age.
"Umuwi na tayo," he said.
Nag-alangan pa siya at first kung paano niya ako bubuhatin. Looks like he's worried na if hawakan niya ako ay masasaktan ako.
"I can't walk with this kalagayan," sumbong ko sa kanya.
Mas lalo akong naiyak ng makita ko ang blood sa magkabilang tuhod ko. Even sa magkabilang palad ay may gasgas din, habang mas lalo ko iyong pinagmamasdan ay mas lalo kong nararamdaman ang hapdi na dulot non.
"Tsk. Look at you."
Hindi na ako nakaimik pa habang patuloy pa din ang pagtulo ng aking mga luha. I don't care na kung mukha na akong crybaby sa harapan niya ngayon. I have reason naman to cry and to be sad.
Hindi ako nakaimik ng maramdaman ko ang kamay ni Julio sa ilalim ng hita ko, naka-dress lang ako that's why ramdam na ramdam ng skin ko ang init ng balat din niya. Binuhat niya ako kung paano binubuhat ng groom ang bride niya palabas ng church.
"Kumapit kang mabuti," matigas na sabi niya sa akin kaya naman iyon ang ginawa ko.
Halos yakapin ko ang leeg ni Julio sa takot na mabitawan niya ako. But I feel secure naman sa buhat niya sa akin. Mukhang strong naman siya to carry me na.
Dahan dahan ang lakad niya pabalik sa mansion. Muli akong naiyak ng maalala kong umalis si Daddy na hindi man lang nagpapalam sa akin. He should talk to me instead, kahit umiyak ako sa harapan niya, kahit pilitin ko siyang isama ako...dapat kinausap pa din niya ako.
Wala sa sarili kong isinandal ang ulo ko sa dibdib ni Julio at duon pinagpatuloy ang pag-iyak. Naramdaman ko ang pagtingin niya sa akin but hindi naman siya nagsalita pa at hinayaan na lang ako.
Ilang beses ko pang tinawag si Daddy in the middle of my every hikbi. I wish he can here me at bumalik kaagad, pero that's too impossible. Wala naman kami sa fairytale na kahit impossible ay nagkakaroon ng magic at nagiging possible ang lahat.
"Vera..." tawag ni Julio sa akin everytime lumalakas ang hikbi ko.
Humigpit ang yakap ko sa kanya. Ni hindi din niya sinabi sa akin na tumahan ako, hinayaan niya lang akong umiyak.
Dahan dahan ang lakad ni Julio kaya naman mas lalo kong nararamdaman na siya lang talaga ang kasama ko ngayon. Ilang beses din niya akong nilingon kaya naman napapapikit na lang ako ng mariin, dahil for sure medyo hindi maganda ang itsura ko dahil sa pag-iyak.
"What happened?" tanong ni August ng tuluyan kaming makalapit sa kanilang mansion.
Nang lingonin ay nakita ko pa kung paano tumakbo si August palapit sa amin. Kaagad niya akong sinubukang kuhanin kay Julio pero hindi kaagad ako ibinigay nito.
"Ako na, Kuya."
Mariing umiling si August. "Ako na," laban niya kay Julio kaya naman wala na siyang nagawa kundi ang ipaubaya ako dito.
Nilingon ko siya ng tuluyan akong mailipat sa bisig ni August. Sandali niya akong tiningnan bago siya nag-iwas ng tingin sa akin.
"Call a doctor!" pag-aalala ni Tita Alexandra ng makita ang aming pagdating.
Dinala ako ni August sa kanilang malaking living room, maingat niya akong pinaupo sa maganda nilang sofa. All eyes is on me kahit ang mga kaibigan nilang nasa may garden kanina. Even si Elisse na may pilay ang kamay.
"No need to call a Doctor na po," sabi ko sa kanila.
Sugat lang naman ito sa tuhod at kamay, I think that's too over kung magpapatawag pa ng doctor.
Tumango ang seryosong si August na kanina pa nakaluhod sa aking harapan to check my wounds. Tumakbo palapit ang isang house helper na may dalang medicine kit.
"She's right, Mommy. I can handle this, ako na po ang gagamot kay Vera," August said.
Napangiwi ako ng makita ang malaking container ng alcohol at ang mga laman ng medicine kit.
Nagtagal ang panunuod ko sa bawat paggalaw ni August while inaasikaso ako. Every move he make ay ramdam ko ang pagiingat na hindi niya ako masaktan.
Mula sa kanya ay lumipat ang tingin ko sa mga taong nakapalibot sa amin. Tita Alexandra is bsy with a phone ko, hindi ata talaga siya mapapakali at gusto talagang tumawag ng Doctor. Some of their friends ay nakangiwi habang pinapanuod ang ginagawa ni August.
Dahan dahang lumipat ang tingin ko kay Julio na nakasimangot nanaman ngayon. Ang magkabila niyang kamay ay nakapasok sa magkabilang bulsa ng kanyang suot na pantalon. Mukhang galit nanaman with no reason.
Mula sa kung saan ay sinalubong niya ang tingin ko sa kanya. I tried to smile para naman ipakita sa kanya na thankful ako dahil sa ginawa niya kanina. I was about to smile pa lang sana ng makita kong bumaba ang tingin niya sa ginawa ng Kuya niya. Isang beses pang nagpalipat lipat ang tingin niya sa akin at kay August bago niya ako inirapan at tinalikuran.
"Saan ka pupunta, Julio?" tanong ni Elisse.
Mula sa kanilang dalawa ay nakita ko naman ang paglingon ni Fiona. Halos maging red na ang kulay ng nose niya dahil sa galit. Oh, look what we have here, mukhang may love triangle pang nagaganap sa mga mean girls na ito kaya naman humaba ang nguso ko at inirapan din si Julio.
Nanlaki pa ang mata ko ng magulat dahil he saw it, I don't have intention naman to do it sa kanya dahil nga I have utang na loob pa of what he did for me kanina. Umirap ako dahil sa situation nila and too bad ay nakita niya iyon.
"Magbibihis. Nadumihan ang damit ko," matigas na sagot niya kay Elisse kahit pa nang sumulyap ako sa kanya ay nakita kong his gaze is on me naman, galit nanaman ito.
"Ouch!" mahinang daing ko kay August ng bahagyang mapadiin ang pagdampi ng cotton ball sa aking tuhod.
"I'm sorry..." marahang sabi niya sa akin at napakagat pa ako sa aking pangibabang labi ng hipan niya ang sugat ko to ease the pain.
"Sasama ako sa itaas," rinig kong sabi ni Elisse kaya naman muli akong nag-angat ng tingin sa kanila.
Tumango lang si Julio bilang sagot at inalalayan pa si Elisse paakyat. Before pa magprotesta si Fiona ay nauna na ako. Why need pang sumama ni Elisse? And sasama ba siya hanggang sa loob ng room ni Julio? But magbibihis si Julio, so makikita ba niyang nakahubad si Julio?
I have a lot of questions in mind dahil kay Elisse at Julio. Ang bad influence talaga nila sa innocent mind ko.
Napunta lahat ng attention ko kay August and Tita Alexandra na tumabi pa sa akin to help para gamutin ang sugat ko.
"Naitawag na din naming ito sa Lola mo," sabi ni Tita Alexandra.
Because of that ay mas lalo akong nakaramdam ng takot. For sure galit nanaman si Lola sa akin because I made a scene here. Wala na si Daddy sa house kaya naman mas lalong magagawa ni Lola ang gusto niyang gawin sa akin.
"We will take responsibility for what happened. Nangyari ito sayo while you are under our care. We're so sorry about it, Hija."
Marahan akong umiling kay Tita Alexandra. "You don't have kasalanan po of what happened, I did this to myself naman po kasi I thought mahahabol ko pa si Daddy," malungkot na kwento ko sa kanya na even ang busy na si August ay sandaling napahinto sa ginagawa para tingnan ako.
"Hindi ba kayo nakapag-usap ng Daddy mo?" marahang tanong ni Tita Alexandra sa akin.
"We talked about it na po. I told him na isama ako when he goes back sa Manila. Maybe he knows na iiyakan ko siya pag nagpaalam siya sa akin kaya naman hindi siya nagpaalam..." malungkot na kwento ko sa kanila habang nakayuko.
Though I'm thankful sa pag-aalala na ipinapakita and pinaparamdam nila sa akin ay hindi pa din ako comfortable na makitang tinitingnan nila ako with awa in their eyes.
I don't need awa, I need to be with my Daddy.
Marahang hinaplos ni Tita Alexandra ang buhok ko. "Babalik naman ang Daddy mo. And he's working for you, Vera."
Marahan na lang akong tumango. I understand naman that kind of explanation. Iyon naman kasi ang ginagawang explanation ng mga magulang na iniiwan ang mga anak nila to work. That's right naman, there is nothing wrong with parents working para bigyan ng magandang future ang mga anak nila.
But even once ba tinanong nila kaming mga anak nila kung anong nararamdaman naming sa tuwing umaalis sila? Sa tuwing naiisip naming na kaya kami iniiwan ay dahil para din naman sa amin.
May ipinadala kaagad na pamalit na damit si Lola, mukha isa iyon kung bakit tumawag si Tita Alexandra sa kanya. Kagaya ni Julio ay nadumihan din ang suot kong dress dahil sa pagkakadapa ko.
"Eat your dinner with us. I'll inform your Lola about it."
Invite ni Tita Alexandra sa akin. Tipid ko siyang nginitian, the way she looks at me, I feel na she's longing talaga to have a daughter. Sana ay magwork ang ginagawa nil ani Tito and magkaroon na ng kapatid na babae ang Calender brother, hindi pa man ay mukhang alam ko na ang pangalan.
"Thanks for the invite po, Tita Alexandra. But I really want to rest na po and I'm a bit sleepy na," pagsisinungaling ko sa kanya.
I want to go home lang talaga para magkulong sa room ko at umiyak ulit.
Hinayaan niya akong umuwi. Dala ko pauwi ang mga nakabox na cupcake na ginawa naming kanina. Muli akong naging emotional ng makita ko ang cupcake na ginawa ko separately para lang kay Daddy. I made it extra special pa nga pero saying lang dahil umalis na siya.
Just like what I'm looking forward to, nasa front door na si Lola at mukhang kanina pa handing pagalitan ako.
"Anong katangahan nanaman ang ginawa mo?"
Nanatili akong nakayuko habang hawak ang box ng cupcake.
"Duon ka pa talaga gumawa ng eksena sa mga Escuel, nakakahiya ka!" pagpapatuloy pa niya.
"Ma!" suway ni Tita Giselle sa kanya.
"Nasaktan si Vera. Please let her rest first," suway ni Tita dito at kaagad akong nilapitan.
Tumawa ng pagak si Lola na para bang she feel insulted dahil sa pagdating ni Tita Giselle.
"Kaya lumalaki ang ulo ng batang iyan dahil kinakampihan mo," Laban ni Lola dito.
"Wala pong mali kung mamahalin at aalagaan nami si Vera, Mama. Ang mali ay ipasa sa kanya ang kasalanan na hindi naman niya ginawa. Bata pa si Vera to received this from you," sagot ni Tita Giselle kaya naman mas lalong napaayos ng tayo si Lola.
Nilingon ko si Tita at hinawakan ang kamay niya. I don't want na madamay pa siya and pat isa kanya ay magalit si Lola. Ayokong masaktan ang mga taong important sa akin.
"Look at this kind of behavior, Giselle. Nagkakaganyan ka dahil sa batang iyan?"
Bago pa man makasagot si Tita Giselle ay lumabas na si Tito Keizer para kausapin si Lola. Because of that ay nagkaroon na kami ng chance na pumasok na sa loob ng house. Imbes na dalhin ako sa room ko ay dumiretso kami sa playroom ni Gertie kung nasaan din si Yaya Esme.
They check kaagad ang mga sugat ko at tinanong kaagad ako if my ibang part my ng body ko ang masakit or baka may pilay ako.
"I'm fine lang po, Tita"
Hinila ako ni Tita Giselle at kaagad na niyakap. Ramdam ko ang pagiging emotional niya habang nakatingin sa akin. I want to cry also pero wala ng tears na gusto pang lumabas sa eyes ko, I think pagod na din sila.
Nag-usap sila ni Yaya Esme kaya naman naiwan kaming dalawa ni Gertie. I take that opportunity para ibigay sa kanya ang cupcake ng ginawa ko for her.
"I made this for you kahit makulit ka," sabi ko sa kanya.
Nakangiti siya habang hinihintay na iabot ko iyon sa kanya. She's behaved naman minsan.
"Thank you, Ate Vera." She said bago siya lumapit sa akin at humalik sa aking pisngi.
After that ay kaagad siyang tumakbo palapit kay Tita Giselle at Yaya Esme para ipakita ang ibinigay kong cupcake para sa kanya kanya.
Inihatid ako ni Tita Giselle sa room ko. I thought iiwan niya kaagad ako pero I was wrong.
"You want to talk to your dad, Vera?" she asked me kaya naman muling naginit ang magkabilang gilid ng aking mga mata.
Hindi kaagad ako nakasagot. Nagtatampo pa ako kay Daddy and I feel not taling to him para para iparamdam sa kanya iyon pero gusto ko din talaga siyang makausap.
"He is doing this for you. Ikaw na lang ang mayroon siya, kaya naman naiintindihan ko ang Daddy mo kung bakit nagsusumikap siyang mag trabaho para bigyan ka ng magandang future," Tita Giselle said.
She is making everything easy for me now. She knows ata na nahihirapan akong magdecide.
Thru her phone ay naka-usap ko si Daddy. Lumabas pa si Tita Giselle to give us privacy daw at mas makausap ko ng maayos ito.
"Vera..." marahang tawag sa akin ni Daddy mula sa kabilang linya.
Hindi kaagad ako nakapagsalita nang marinig ko ang boses niya. Umiyak kaagad ako at I know na alam niya iyon.
"Vera, Daddy need to do this, mahal na mahal kita...para ito sayo," sabi pa niya.
Iyak pa din ang isinagot ko sa kanya kaya naman ramdam ko ang mabibigat niyang paghinga mula sa kabila.
"Daddy loves you so much, Vera. Mahirap din sa akin na iwanan ka diyan," pagpapatuloy niya kaya naman mas lalong lumakas ang hikbi ko.
"I told you po na sasama ako," umiiyak na sabi ko.
"Kung isasama kita dito, hindi kita maaalagaan ng mabuti. Masyadong busy dito, Anak."
"I can take care naman po myself, gusto ko lang po talaga kayong kasama palagi, Daddy."
Sandaling tumahimik ang kabilang linya hanggang sa marinig ko ang pagsingot ni Daddy, he's crying na din na para bang tsaka lang lumalabas ng frustration and yung totoo niyang nararamdaman pag walang nakakakita, pag hindi ko nakikita.
Tsaka lang siya nakaka-iyak pag walang nakakakita, pag hindi ko nakikita.
"Sa susunod na balik ko. Pangako yan...kukuhanin na kita," he said.
"How sure are you po? I have trust issues na..." umiiyak na tanong ko.
Natawa siya sa kabilang linya. "You're too young for that, Vera. Sa susunod na uwi ko, dadalhin kita pabalik dito sa manila...konting tiis, anak." He said kaya naman kahit umiiyak at hindi naman niya nakikita ay tumango ako.
"I'll wait for you po, Daddy. I'll wait po ha! Please don't break your promise this time..." pakiusap ko sa kanya.
"Daddy won't break his promise this time," paninigurado niya sa akin.
Kahit pa nakausap ko na siya and he feed me na with so much pangako and sweet words ay buong gabi pa din akong umiyak. Naghalo halo na lahat ng nararamdaman ko kasama pa ang takot kay Lola. I know naman na hindi pa siya tapos sa akin, hindi siya mapapakali hangga't hindi niya ako nakakastigo for what happened sa mga Escuel.
"I'm not in the mood po to go there," sabi ko sa kanya ng sabihan niya akong mag-ayos na para pumunta sa mga Escuel.
Masakit din ang buong body ko dahil sa mga sugat ko sa katawan.
Mas lalo siyang nainis sa akin kaya naman nilapitan niya ako at piningot pa sa tenga. Halos mapatingkayad ako dahil sa lakas ng ginawa niya.
"Aray po, Lola!" daing ko pero hindi siya nagpatinag.
"Tigilan mo ako sa kaartehan mo! Maligo ka na at magbihis!" asik niya sa akin kaya naman wala akong nagawa kundi ang gawin iyon.
Narinig ko pang kinausap siya nina Tito Keizer at Tita Giselle. Mag-aaway na sana sila nang kaagad akong pumagitna at sinabing ayos lang naman iyon sa akin.
"You don't need to do this, Vera." Si Tita Giselle.
"It's fine lang po, Tita. And tuturuan ulit ako ni Tita Alexandra na mag bake ng cookies naman ngayon...uuwian ko po kayo," malungkot na sabi ko.
I want to sound happy sana and ok pero hindi ko magawa. It really reflects talaga what you feel inside.
Mahigpit niya akong niyakap at hinalikan sa ulo. She thinks it's fine din na doon ako buong araw sa mga Escuel para hindi ako makita ni Lola dito sa bahay at mapagalitan pa kahit wala naman akong ginagawa.
Sinalubong kaagad ako ni Tita Alexandra pagdating ko sa kanila. Hindi pa man nakakalapit sa akin ay nakita ko na kaagad na nakasunod si August.
Ramdam ko ang pag-aalaga nila sa akin, and hindi kagaya noong una ay mas welcome na ako ngayon dito sa house nila, pwera nga lang kay Julio na hindi ko pa nakikita hanggang ngayon.
"You know how to cook din ba?" tanong ko kay August.
Hindi siya umalis at sumama pa sa amin n Tita Alexandra sa pagba-bake. I admire his patience sa amin kahit pa minsan ay na o-out of place siya sa girls talk naming ni Tita.
"Kaunti, mas maraming alam lutuin si Julio," sagot niya sa akin kaya naman napatango ako.
We're busy molding the cookies dahil ready na din ang oven. Dahil sa ginagawa ay may bumagsak na hibla ng buhay sa akin mukha reason for Ausgust na lumapit sa akin at marahang ipitin iyon sa likod ng aking tenga.
"Thank you," sabi ko sa kanya at matamis siyang nginitian.
Habang busy ako sa cookies na ginawa ko ay ramdam ko pa din ang tingin ni August sa akin.
"Why? May dumi ba ako sa face ko?" tanong ko sa kanya.
Marahan siyang umiling at ngumiti sa akin. "Ang ganda mo..." he said kaya naman naramdaman ko ang pag blush ng aking magkabilang pisngi.
"But I have sugat here oh..." turo ko sa pisngi kong nagasgas ng drawing book ng ibato sa akin ni Lola.
"Kahit pa," he said kaya naman humaba ang nguso ko.
"I'm bata pa," laban ko sa kanya kaya naman natawa siya.
"Bata din ako," sabi niya sa akin. May point naman, they look matured lang talaga sa age nila even si Julio because of the way they move and talk.
Sa huli ay pinagtawanan naming pareho ang mga cooking na minold ko. Hindi magandang tingnan iyon dahil hindi ko naayos iyon because sa sugat ko sa magkabilang palm.
"Ayos ka lang ba dito?" tanong ni August sa akin ng magpaalam siyang aalis sila ni Tito David para may puntahang isang business.
"I'm fine lang here, nandito naman si Tita Alexandra," sabi ko sa kanya.
Ngumiti siya at tumango sa akin. Everything is fine naman sana hanggang sa may dumating na bisita si Tita. Because of that ay inihatid niya ako sa may veranda kung nasaan si Julio para daw may kasama ako.
Kaya naman pala kanina ko pa siya hindi nakikita ay dahil he is busy pa sa pagpaint.
Hindi siya umimik kahit pa nanduon na ako, may ilang househelper nga din sila na nag akayat ng food for us.
Hindi pa din niya ako tinapunan ng tingin kahit ilang minute na akong nanduon. He stayed focus pa din sa ginagawa niya.
"I know how to paint too!" pagkuha ko sa atensyon niya.
Tumango lang siya na para bang he said ok pero wala siyang pakialam.
Tumayo na ako at tumabi sa kanya. Duon ko nakita na ang plantation naming ang pinipaint niya and he is really good at it.
"Pwede mo din ba akong ipaint?" tanong ko.
Tumikhim siya. "Ang mga gusto ko lang i-paint ang ginagawa ko," masungit na sabi niya sa akin.
"You mean yung mga magaganda lang? Maganda naman ako," laban ko sa kanya kaya naman nilingon niya ako at sinamaa ng tingin.
Mula sa akin ay nilingon niya ang table. "Bumalik ka na duon at kumain na lang," he said pero hindi ko susundin.
"Pwede mo ba akong ilagay dito? Yung parang kunwari kumakaway ako from there oh!" turo ko sa plantation at painting na ginagawa niya.
"Masisira ang painting ko dahil sayo..." sabi pa niya kaya naman kaagad akong umiling.
"Magkakaroon ng life ang painting kung nandyan ako," paninigurado ko sa kanya.
Nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya kahit matalim ang tingin niya sa akin.
"Kumain ka duon at manahimik," pagtataboy pa din niya kaya naman sumuko na ako at bumalik sa aking pwesto.
"I can't eat ng maayos kasi may sugat ako oh," sabi ko at itinaas pa ang magkabilang palad ko for him to see.
Inirapan niya lang ako.
"Pagpilay lang ba pwedeng subuan? Paano pag may sugat ang hands?" pagpaparinig ko.
I saw him ng ana sinusubuan si Elisse, eh one hand lang naman ang pilay niya. Sa akin both palms ko ang may sugat.
"Pag may sugat ang kamay...wag kumain," he said. Sandali ko pang nakita ang pagtaas ng isang sulok ng labi niya bago siya bumalik sa pagiging poker face.
"Ang bad mo naman, Julio" asik ko sa kanya.
Hindi nagtagal ay binitawan niya ang paint brush at mabilis na nagpunas ng kamay para lumapit sa akin.
Kinuha niya ang plate ko at naghanda ng subuan ako kaya naman lumaki ang ngiti ko.
"Mabait ka naman pala, Snoopy..." sabi ko sa kanya kaya naman mas lalo siyang sumimangot.
"Ngayon ko lang ito gagawin para sayo, hindi na mauulit." Madiing sabi niya sa akin.
"Why naman?" tanong ko sa kanya pero sumama lang ang tingin niya sa plato.
"Dahil para ka sa Kuya ko" he said.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro