Chapter 7
Run
Nagkulong ako sa room ko after akong kausapin ni Mrs. Escuel. They will have pa daw ni Lola kaya naman hinayaan na nila akong umalis.
Gusto ko sanang magdraw or may gawin para malibang ako at hindi na masyadong isipin ang nangyari kay Elisse at sa pagkakastigo ni Lola sa akin. Pero lately nawawala na yung interest ko sa mga bagay na gusto kong gawin.
I always overthink. Then I’m scared pa na biglang umalis si Daddy at iwan ako kay Lola. I know naman na there is a big possibility na aalis talaga siya na hindi ako kasama. But if there is a chance na mapilit ko siyang isama ako…I’ll do it.
Nakarinig ako ng pagkatok. Humigpit kaagad ang yakap ko sa aking drawing book. Instead na makapagdrawing ay halos yakapin ko na lang iyon just to make my self inspired na magdraw pero wala talaga ako sa mood to do so.
“Sino yan?” sigaw na tanong ko. I don’t even have the strength na bumaba sa bed para pagbuksan iyon.
“It’s me, Rafael.”
Humaba ang nguso ko. Ilang sandali pa akong nag-isip kung papapasukin ko ba siya or not.
“Sige na nga, come in!” sabi ko sa kanya. Kung iniisip niyang napilitan lang akong papasukin siya ay tama siya.
Tahimik siyang pumasok sa room ko, dumiretso siya sa study table ko at umupo sa chair ko.
“What do you want this time?” tanong ko sa kanya.
Tiningnan niya muna ako na para bang he’s checking something before siya nagsalita ulit.
“Bakit hindi ka nagsumbong sa Daddy mo? Sinaktan ka ni Lola. Tito Vinci should know about this,” suwestyon niya.
I feel naman yung concern ni Rafael sa akin kahit palagi siyang masungit. He’s mabait naman pero not all the time.
“Because I’m not a crybaby,” laban ko sa kanya at umirap pa para ipakitang strong ako.
“Liar,” he said kaya naman kaagad ko siyang sinimangutan.
“You don’t know me kaya!” laban ko sa kanya. I don’t want to be rude naman pero kasi he’s really pissing me off.
“If hindi mo sasabihin ito kay Tito Vinci…mauulit ulit ito, Vera.”
Kaagad akong nagiwas ng tingin at mas lalong humigpit ang yakap ko sa aking drawing book.
“I’m doing this for my Daddy. I need to support him sa work niya kaya naman hindi ako magsusubong,” sabi ko kay Rafael.
“You’re too young for that. Ano namang akala mo? Papatayuan ka ng rebulto just because of that?” tanong pa niya sa akin kaya naman mas lalong ayoko na siyang tingnan. He is so epal talaga.
“Lumabas ka na nga, Rafael. Nakakasira ka talaga ng mood,” pagtataboy ko pa sa kanya kaya naman muli siyang napasimangot.
“Mas matanda pa din ako sayo. You can’t just choo me like that,” pangaral niya sa akin kaya naman kagad kong itinikom ang aking bibig.
Hindi na ulit ako umimik pa kaya naman mukhang sumuko na siya at tumayo na. Hindi pa man siya tuluyang nakakalapit sa pinto para lumabas ay kaagad na kaming nagulat na dalawa ng bumukas iyon.
“What are you doing here, Rafael?” tanong ni Lola sa kanya.
Napaayos ako ng upo sa taas ng bed ko. Mas lalong humigpit ang yakap ko sa aking drawing book. Napatingin ako kay Rafael na nilingon din ako, bigla akong nakaramdam ng takot. Kung kanina ay gusto ko na siyang umalis ay iba na ngayon. I wish he can stay pa so that may kasama ako, I don’t want to be alone with Lola.
Paano kung sa sobrang galit niya sa akin ay hindi na niya napigilan ang sarili niya? Worst ay baka mapatay pa niya ako, ganoon kasi ang napapanuod ko sa mga palabas sa tv. Eh paano kung iyon ang mangyari? I need a witness.
“Kinakausap ko lang po si Vera, Lola.”
Sandaling nagpabalik balik ang tingin niya sa amin ni Rafael bago siya tumango at tumikhim.
“Iwan mo na muna kami,” utos niya dito kaya naman mas lalo kong tinitigan si Rafael. I want to ask him to stay pero alam ko naman na kung gagawin ko iyon ay baka madamay lang siya.
“Pero Lola…” giit ni Rafael kaya naman kahit labag sa akin ay sinabihan ko siyang lumabas na din.
I don’t want to put everyone on my side and madamay lang sila.
Walang nagawa si Rafael kundi ang lumabas. Saktong pagkasara ng pinto ay lumapit si Lola sa akin. Dahil sa pagkakayuko ay kaagad akong napadaing ng hawakan niya ng mahipit ang panga ko para paharapin sa kanya.
“You are lucky enough at hindi umurong ang mga Escuel sa kasunduan sa kabila nang ginawa mong katangahan!” madiing sabi niya sa akin.
Sobrang higpit ng hawak niya sa panga ko kaya naman nagreklamo na ako.
“Stop hurting me po, Lola” pakiusap ko sa kanya.
Imbes na bitawan ay mas lalo pa siyang nanggigil sa akin.
“Nasa pamamahay kita kaya naman gagawin ko sayo ang kahit anong gusto kong gawin. Hindi ka kung sino dito para sabihin sa akin ang mga dapat at hindi ko dapat gawin, Tonta!” pagkasabi niya nuon ay marahas niya akong binitawan.
Tumulo ang luha sa aking mga mata na kaagad ko namang pinunasan. I don’t want her to see me weak sa harapan niya. Mas lalo lang siyang matutuwa pag nakita niyang kayang kaya niya akong paiyakin.
Dapat always matapang kahit takot ka.
“Wala naman po kaming kasalanan ni Daddy sa inyo. It’s not our fault naman po if Lolo Adams cheated on you…wala pa po kami dito sa earth that time,” sabi ko sa kanya kaya naman mas lalo siyang nagalit.
Napasigaw ako sa gulat ng sampalin niya ako.
“Wala kang galang na bata ka!” asik niya sa akin bago niya dinuro duro ang ulo ko kaya naman kaagad kong nabitawan ang drawing book ko para makakuha ng supporta. If hindi ko iyon gagawin ay matutumba talaga ako sa kama.
Napahinto si Lola ng makita niya ang drawing book ko. Galit niyang binuklat ang mga iyon. Kaagad na nanlaki ang mga mata ko ng makita kong walang awa niyang pinunit ang drawing ko na kaming dalawa ni Daddy.
“Wag po, Lola!” pigil ko sa kanya.
Gusto ko sanang kuhanin iyon mula sa kanya pero tinulak niya ako ulit pahiga sa kama. Matapos niyang gawin ang gusto niya ay ibinato pa niya sa akin ang drawing book ko kaya naman napasigaw ulit ako ng tumama iyon sa mukha ko.
“Hangga’t nandito ako, ipaparamdam ko sa inyo ng bastardo mong Ama na sana...hindi niyo na lang hiniling na maging Montero!” madiing sabi niya sa akin bago niya ako tinalikuran.
“Anong ginagawa niyo dito!?” sigaw niya nang pagkabukas ng pintuan ay nakita niyang nanduon pa din si Rafael na kasama na ngayon si Yaya Esme.
Hindi na nakapagsalita pa si Yaya ng mabilis na tumalikod si Lola sa kanila. Kaagad silang pumasok ni Rafael sa room ko.
“Senyorita…” nagaalalang tawag ni Yaya Esme sa akin at kaagad akong niyakap.
Mas lalong bumuhos ang luha sa aking mga mata dahil sa yakap ni Yaya Esme sa akin. Wala akong sinabi, I just really want to hug someone right now.
“Grabe talaga si Madam Cressida sayo…” nanghihinang sabi ni Yaya Esme habang nilalagyan ng ointment ang pisngi ko daw na may kaunting gasgas dahil sa pagbato ng drawing book ni Lola sa akin.
Rafael is busy fixing yung drawing na pinunit ni Lola kanina. Though I can make naman a new one, iba pa din yung original na drawing ko.
“Hindi na kumpleto, pero kita pa din naman yung mukha niyo ni Tito,” sabi niya sa akin at iniabot yung drawing ko na puro tape na ngayon.
“Look at your face…ang panget mo nga oh. Feeling mo ang ganda mo,” pangaasar pa niya sa akin.
Humaba lang ang nguso ko para itago ang ngiti. I know naman na he want lang to make me smile.
“Sabihin na natin ito kay Senyorito Vinci. O kaya naman kina Senyorito Keizer at Senyorita Giselle. Hindi na pwedeng maulit pa ito…” Yaya Esme said.
Marahan akong umiling. “No need na, Yaya Esme. If Lola will know na ikaw ang nagsumbong…baka sesantihin ka dito, mawawalan ng Yaya si Gertie ang ang kulit pa naman hat kid,” sabi ko sa kanya.
Imbes na makapagsalita ay kaagad na lang akong hinila ni Yaya Esme at niyakap ng mahigpit.
“Kahit pa masesante…” laban niya.
“Wag na po. Even me po…I don’t want you to leave, Yaya.”
Hindi din ako bumaba para sa dinner. I told Daddy na masama ang pakiramdam ko, ni hindi ko nga siya hinarap kasi makikita niya ang sugat ko sa face. Hindi ko alam kung ano pa ang excuse na gagawin ko pag nagtanong siya.
“May problema ba, Vera? May hindi ka ba sinasabi kay Daddy?” tanong niya sa akin.
Marahan akong umiling. “I’m fine lang po, Daddy…” pagsisinungaling ko.
Mas lalo akong naputulan ng dila ng marinig ko how happy he is habang ikinikwento sa akin ang success ng new project niya with Tito Keizer sa isa sa mga property here sa Sta. Maria.
“Pagbubutihan pa ni Daddy ang pagtratrabaho. Pag nakakuha ako leave sa trabaho ay magbabakasyon kaagad tayo…” sabi niya sa akin.
“Saan po?” tanong ko. Kunwari excited ako sa bakasyon pero wala ng mas makakapagexcite sa akin pag nalaman kong kukunin na niya ako dito at babalik na kami sa Manila.
“Saan mo ba gusto? Sa Korea? Sa Japan ulit?” tanong niya sa akin.
“Kahit saan po, basta wag dito…” sabi ko sa kanya.
Hindi naman niya nabigyan pansin ang huli kong sinabi dahil pinilit kong hinaan iyon. I don’t want him to worry about me. Lalo now na nagsu-success ang mga project niya under the Montero’s business.
Isa pa sa reason kung bakit pumunta si Mrs. Escuel sa amin yesterday ay para sabihin kay Lola na she wants to know more about me kaya naman gusto niyang pumunta ako sa kanila.
“Bihisan niyo ng maayos,” masungit na sabi ni Lola sa mga househelper na inutusan niya para ayusan ako kahit I can do it alone naman.
Ramdam ko ang tinginan nila. Sila kasi yung mga househelper na ayaw sa akin, they are very vocal na I’m suplada daw at masama ang ugali kahit they don’t cleary know me naman.
Ipinahatid ako ni Lola sa bahay ng mga Escuel. Rafael is nowhere to be found naman. Nalaman kong isinama siya ni Tito Keizer sa site ng makausap ko si Yaya Esme.
“Good morning, Mrs. Escuel,” bati ko sa kanya nang makita kong naghihintay na siya for my arrival sa front door nila.
“That’s too formal, Darling. You can call me Tita.”
Kaagad ko siyang tiningala because I’m a bit shock sa gusto niyang itawag ko sa kanya.
Matamis niya akong nginitian bago niya ako niyaya na pumunta sa malaking kitchen nila.
“Do you know how to bake?” tanong niya sa akin.
Kaagad akong umiling. “Mas gusto ko pong magdrawing,” pag-amin ko sa kanya.
Ngumiti ulit siya sa akin at tumango. “Pareho pala kayo ni Julio,” she said kaya naman napahinto ako.
Hindi naman niya iyon napansin because abala na siya sa pagprepare ng mga gagamitin namin. She said na we can make this as our bonding daw.
Maraming tinatanong si Tita Alexandra sa akin while we are baking. More on sa akin, sa kung anong mga hobby ko, at sa mga plans ko sa buhay kahit nine years old pa lang ako ang tinatanong niya. I thought nga na ang mga itatanong niya sa akin ay tungkol kay Lola at sa business ng mga Montero.
Ramdam ko din ang sympathy niya ng malaman niyang iniwan kami ni Mommy.
“You don’t want po ba a daughter? Bakit hindi na po ulit kayo gumawa ng kaptid nina August?” tanong ko. I’m just curious just like how curious I am kung bakit hindi pa nagkakaroon ng kapatid si Gertie.
Ngumiti siya sa akin. Sandali niya akong pinagmasdan bago niya marahang hinaplos ang buhok ko.
“We’re trying…” she said kaya naman nanlaki ang mata ko.
“How po?” tanong ko sa kanya kaya naman kaagad siyang natawa.
Saktong tumunog ang oven kaya naman may reason na siya para hindi sagutin ang question ko sa kanya.
Nag-enjoy ako sa pagba-bake with Tita Alexandra, marami kaming ginawang cupcake kaya naman sinabihan niya akong mag-uwi sa amin at sabihing tumulong ako sa pag gawa non.
“They are here…” Tita said.
Magkakasunod na pumasok sa kitchen sina Mr. Escuel at sa likod naman niya ay ang calendar brothers.
“You should taste it. Kami ni Vera ang gumawa niyan,” sabi niya sa mga ito.
Inabutan niya si Mr. Escuel ng cupcake while si August naman ay kusang lumapit sa akin.
“You made this?” tanong niya sa akin ng kumuha siya ng isa.
“Tumulong lang ako. But ako ang naglagay ng sprinkles…” turo sa cupcake na hawak niya.
Kaagad na kumagat si August doon. “I like it. Mabilis ka pa lang matuto,” sabi ni August sa akin kaya naman muling uminit ang magkabilang pisngi ko because of the compliment.
“Julio anak, come here. Tikman mo,” yaya ni Tita Alexandra sa kanya.
Lumapit siya pero nakasimangot pa din. Sandali niyang pinasadahan ng tingin ang mga nakalatag na cupcakes bago niya nilingon ang Mommy niya.
“Nasaan dito ang mga gawa mo, Mommy?”
Nagkibit balikat si Tita kaya naman ako na ang kumuha ng isa at iniabot iyon sa kanya.
Kita ko ang gulat sa muka ni Julio dahil sa ginawa ko. Nangiting aso ako sa kanya kahit nagdadalawang isip pa naman talaga akong gawi iyon. Hindi naman kami bati, remember?
“I just want to thank you kasi you told them na it’s not my fault kung bakit nahulog si Elisse sa horse,” sabi ko pa sa kanya.
Sandaling tiningnan ni Julio ang cupcake halos mapangiwi na nga ako dahil sa tagal ng pagkakaabot ko sa kanya and wala naman ata siyang balak na tanggapin iyon.
“Come on, Julio. Vera is being nice,” Sabi ni August sa kanya.
Galit pa siya ng kuhanin ang cupcake sa kamay ko. Kung wala lang si August at ang parents niya dito ay babawiin ko kaagad iyon sa kanya. Super ungrateful ng snoopy na to!.
Umalis silang tatlo sandali para makapagbihis. As early as now ay tinuturuan na daw sila ni Mr. Escuel tungkol sa mga business nila.
“This pink na cupcake po na maraming sprinkles para sa cousin kong si Gertie,” kwento ko kay Tita Alexandra ng pini-prepare na namin ang mga iuuwi kong cupcakes.
They have a nice and cute cupcake box pa. Mukhang ginagawa na talaga niya ang pagbake noon pa man.
“At kanino naman itong nakahiwalay?” tanong niya sa akin.
“Kay Daddy po ito. Late po kasi siya palaging umuuwi because of work,” sagot ko sa kanya.
I ate lunch with them sa mahaba nilang table. Para talaga kaming nasa disney movie dahil madami ding food na nakahain sa mahabang lamesa.
“Kailangan na nating masanay. Vera is going to be part of our family soon,” si Tita Alexandra na ikinagulat ko.
“Papayag kayo, Mommy?” tanong ni Julio.
Bago sumagot ay tumingin muna ito sa asawa. “I like her. Magaan ang loob ko kay Vera,” she said kaya naman nakaramdam ako ng kilig.
“Isang beses niyo pa lang siyang nakakasama. Nag bake lang po kayo then you like her just like that?” giit ni Julio na para bang may ipinaglalaban siyang kung ano.
Bumaba ang tingin ko sa mga pagkain na nasa harapan ko. I know naman na una pa lang ayaw niya na sa akin Sabi ko na bagay talaga sila ni Lola na maging friends.
“Julio anak…”
“Easy Julio, it’s not like pinipilit kang ipakasal kay Vera. I like her, walang problema sa akin if I’ll marry her soon,” August said.
Sandali akong sumulyap kay Julio na masama ang tingin sa akin. Imbes na simangutan siya pabalik ay bahagya ko pang inilibas ang dila ko para mas lalo siyang asarin.
Dahil sa aking ginawa ay mas lalo siyang namula sa galit.
After ng lunch ay dumating ang mga kaibigan ni Tita Alexandra from different prominent family. Kasama nila ay ang mga anak na kaibigan ng calendar brothers.
“Ang lakas naman ng loob niyang magpakita pa dito after what she did,” sabi ni Fiona ng makita niya akong kasama ni August papunta sa garden kung nasaan sila.
“Please, Fiona. Vera is going to be part of the family soon. Ngayon pa lang ay dapat na masanay ka na sa presence niya. Mommy likes her,” Sabi ni August sa kanila kaya naman kita ko ang pinaghalong gulat at lungkot sa kanilang mga makuha.
Kaagad na nagiwas ng tingin si Julio sa akin na katabi ngayon si Elisse na nakabenda ang kamay.
“What do you want?” tanong niya dito. At dahil pilay ang kamay niya ay si Julio pa ang nagsusubo ka sa kanya ng food. What a baby!?
“She should apologize instead,” giit ng isa pa sa mga kaibigan nila.
“No need for that, it’s clear na walang ginawa si Vera para mag wala ng ganoon ang kabayo,” Laban ni August sa kanya.
“If she really is not guilty about it, mag sorry pa din siya.” laban nila.
To make her shut her mouth ay nagsalita na ako.
“Ok…Ok. On behalf of the horse…” paguumpisa ko sana pero na distract ako sa tawa ni August na mukhan aliw na aliw sa akin.
“I believe naman na mabait ang horse na iyon. Baka mapili lang talaga…kaya sorry, Elisse.” sabi ko.
Hindi naman na nila ako pinansin after that. Itinuring nanaman nila akong hangin and mas gusto ko na iyon kesa makipagusap sa kanila.
Sandaling nagpaalam sina August at Julio na kukuha ng iba pang food sa loob kaya naman naiwan ako sa mga babae nilang kaibigan.
“Look at her face, magkakapeklat pa ata.”
Marahan akong napahawak sa pisngi ko na may kaunting galos. Nakita na din ito ni August kanina even si Tita Alexandra. I just told them lang it’s because I’m clumsy sometimes kaya nagkasugat ako.
“So what naman? I’m pretty pa din naman even meron,” laban ko sa kanila.
Ngumisi sila na may kasamang inis. “Eh sino ka ba sa akala mo? Bago ka pa lang dito kung umasta ka ay akala mo kung sino ka na,” they said na para bang may matagal na silang galit sa akin.
“You know what? Uuwi na ako, you are all so panget ka-bonding,” sabi ko pa at kaagad na tumayo pero ang isa sa mga kaibigan ni Fiona ay hinawakan ako sa braso para bigilan.
“Get your hands off me nga!” suway ko sa kanila.
Nakipaghilahan siya ng kamay sa akin hanggang sa marinig namin ang pagdating ni Julio reason for her to loose her grip at kaagad na napaupo pabalik sa seat niya na para bang itinulak ko siya.
“Vera!” galit na sigaw ni Julio sa akin.
“Now what!?” galit na sigaw ko din pabalik.
Laglag ang panga niya dahil sa pagsigaw ko sa kanya. They can’t just do this to me dahil sa mas matatanda sila sa akin at madami sila. It’s enough nang si Lola ang umaapi sa akin. I won’t let other people na apihin din ako.
“At ikaw pa ang galit ngayon?” kahit mahinahon na ang boses ni Julio ay ramdam ko pa din ang diin.
“Oo bakit!?” laban ko sa kanya kaya naman mas lalong nalaglag ang panga ni Julio.
Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para lagpasan siya at talikuran. Dirediretso ang lakad ko papunta sa may front door kung nasaan ang driver at ang car namin.
“Vera! Kinakausap pa kita!” habol ni Julio sa akin pero hindi ko na pinansin pa.
Kumunot ang noo ko ng makita kong hindi na ang Hiace van na gamit namin kanina ang nakapark doon.
“Why ka po nagpalit ng car?” tanong ko sa driver.
Sandali pa siyang tumingin sa akin bago siya nagsalita.
“Ginamit po ang hiace van para ihatid ang Daddy niyo sa Manila, Senyorita.”
Kaagad na nanlaki ang mata ko.
“Kanina pa?” tanong ko at pumiyok pa.
“Kakaalis lang po,” he said kaya naman wala sa sarili akong tumakbo palabas ng malaking gate ng mga Escuel at tumakbo sa kung saan.
“Daddy!” umiiyak na sigaw ko.
Tumakbo ako sa pag-asang mahabol ko pa siya even I know naman na it’s too late na at impossible na.
“Daddy!” sigaw na tawag ko pa din habang tumatakbo.
Rinig ko ang tawag ng driver sa akin. And even ang boses ni Julio ay naririnig ko din, ramdam ko ang pagtakbo niya para habulin ako. Hanggang sa mapahinto ako ng kagad akong madapa dahil sa mamalaking bato sa lubak na kalsada palabas.
“Ouch!” sigaw ko habang umiiyak ng makita ko ang dugo sa aking magkabilang tuhod. Even sa both palms ko na ginamit ko pantukod ay may sugat din.
“Vera!” galit pang sigaw ni Julio na hinihingal pa dahil sa pagtakbo.
Kaagad siyang lumuhod sa harapan ko. Kita ko ang matalim na tingin niya sa mga sugat ko sa tuhod.
“My Daddy left me…” umiiyak na sumbong ko sa kanya.
Hindi na iyon pinansin. Kaagad niyang pinagpagan ang tuhod ko para alisin ang dumi sa aking sugat.
“Don’t touch it! It hurts,” suway ko sa kanya habang umiiyak pa din.
Napabuntong hininga siya at tumingin na lang sa akin.
“I’m all alone…” umiiyak na sabi ko sa kawalan.
Lumapit si Julio sa akin at hinawakan ang kamay ko para tingnan ang aking palad.
“I’m here, Vera.”
(Maria_CarCar)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro