Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 60

Mrs. Escuel








Tahimik akong habang pinapanuod ko kung paano patahanin ni Julio ang baby namin. The way he do it ay parang he's an expert na at nakapagpalaki na ng isang dozen na anak.

"Baka ikaw na ang maging favorite niya at hindi ako...ikaw ang mag-breastfeed," puna ko sa kanya kaya naman nginisian niya ako.

"Selos si Mommy," pang-aasar niya bago sila lumapit sa akin at umupo siya sa gilid ng hospital bed ko.

Ma-ingat niyang ibinaba si Vatticus sa tabi ko.

"Pinatulog ko lang...para mahalikan ulit kita," nakangising sabi niya kaya naman kahit ramdam ko pa din ang pagod sa pag-ire ay nakaramdam kaagad ako ng kilig.

Damn it, Vera. Hindi pwedeng taon-taon kang magbuntis. Sobrang painful.

Tiningnan ko si Snoopy at inirapan. Daming sinasabi, halikan niya na lang ako kaagad, I like surprises din naman.

Umayos ako nang pagkakahiga para muling pagmasadan si Vatticus. I can't imagine na lumabas siya mula sa tummy ko. Sobrang gwapo ng baby namin, maliit pa lang siya ay masasabi kong gwapo siya just like his Dad.

Habang nakatitig ako sa anak namin ay ramdam ko naman ang titig ni Julio sa aming dalawa. Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang paghaplos niya sa ulo ko.

"Para akong mababaliw kanina habang naghihintay sa labas."

Ramdam ko yung feeling niya kanina habang kini-kwento niya 'yon sa akin. Hinawakan ko ang kamay niyang humahaplos sa head ko.

"Matagal ka ng baliw, Snoopy."

Mariin siyang napapikit at marahang tumango bilang pagsang-ayon.

"Sa'yo..." banat niya.

"Wag ako, Escuel. Kapapanganak ko pa lang," suway ko sa kanya. Baka sa oras na he'll ask for workout ay mapagbigyan ko siya.

I can't help my self but smile habang emotional si Daddy when he saw Vatticus. Kinarga niya 'to and pinagmasdang mabuti. I know he's happy and happy din siya para sa amin ni Julio.

"Gwapo..." he keeps on saying that.

"Kamukha ni Sir Julio," dugtong pa ni Jolina kaya naman pinanlakihan ko siya ng mata. Look at this Jolina, kung wala lang ako sa hospital bed ay humanda sa akin 'to.

Lumapit si Daddy sa akin habang karga si Vatticus. Hinagkan niya ako at hinalikan sa ulo.

"I'm so proud of you..." he said.

Niyakap ko siya. "I love you, Daddy. Thank you for being here..." emotional na sabi ko.

Lahat ng mga milestone and small wins na nangyari sa life ko before ay mag-isa kong cinelebrate...minsan nga ay hindi pa. I'm just so happy na sa importanteng day na'to ay nandito siya with me. I'm happy na maramdaman ko ang love and support niya for us.

After nang moment namin with Daddy ay hinarap naman ni Julio ang laptop niya sa akin para sa video call from August. Naka-upo ako sa hospital bed habang karga si Vatticus.

"Wow," August said with so much happiness in his voice.

Para siyang nakakita ng kung ano. Inirapan ko siya, it's his first time lang bang makakita ng kapapanganak na Mommy karga ang baby niya?.

"Parang hindi ka nanganak...ang ganda pa din," puri niya sa akin.

Naka-upo ako sa hospital bed pero ramdam kong lulutang ako because of his compliment. Bago pa man ako lumutang sa ere ay naramdaman ko na kaagad ang hawak ni Julio.

"Let's end the call," matigas na sabi niya.

Narinig ko kaagad ang paghalakhak ni August mula sa other line dahil sa kabaliwan ng kapatid niya.

Tsaka lang nasa mood makipag-usap si Julio sa Kuya niya pag tungkol kay Vatty ang topic namin.

"Send them kaagad...I want to dress him up na," utos ko kay August.

Hindi lang naman baby girls ang pwedeng I-dress up. I'm excited na din ipasuot kay Vatticus ang mga designers baby clothes na ipinabili ko kay August from states.

"I'll send them right away. O baka maka-uwi ako...ako na mismo ang magdadala diyan. I want to meet him," he said.

Humaba ang nguso ko at nilingon ang baby ko na tulog pa din. Kanina pa siya tulog pero wala naman na akong natanggap na kiss form Julio. Ka-inis!.

Julio is very caring. Kahit naman noon pa. But naging double ngayon since dalawa na kaming inaalagaan niya. Minsan pakiramdam ko baby din ang turing niya sa akin like Vatty.

"Baka kagatin niya ang boobs ko. I can't....hindi ko kaya," reklamo ko kay Julio.

I know naman na I need to feed him. Pero nung ma-alala ko kung gaano kasakit ang kagat ni Gianneri sa pisngi ko noon...then ngayon naman ay sa boobs ko?. I'm scared, malala.

Tipid na ngumisi si Julio, "Wala pa naman siyang ngipin," sabi niya sa akin pero hindi na-lessen ang kaba ko kahit one percent.

"Baka lumabas ako dito sa hospital na walang isang nipples," sabi ko pa sa kanya.

Matapang ako pero simula ng maging preggy ako ay maraming nag-iba.

Humilig si Julio para halikan ako sa noo.

"Baby he needs you," marahang sabi niya sa akin.

Kanina pa umiiyak ang baby namin dahil gutom na. Napatahan lang ni Julio pero anytime soon ay alam naming iiyak nanaman.

Napabuntong hininga ako at biglang nakaramdam ng awa ara sa baby ko. Julio helped me sa paghubad ng isang side ng suot kong Dolce & Gabbana dress. Nang makaya ko nang tumayo ay pinalitan ko kaagad ang pinasuot nilang hospital dress sa akin.

Hindi na ako na-hiya nang ma-expose ang isa sa mga boobs ko. Mariin akong napapikit nang mag-umpisa siyang sumipsip ng milk mula sa akin.

"Hinihila niya yung nipples ko...like nag-stretch," kwento ko sa kanya about sa nararamdaman ko.

It's my first time kaya naman I don't know din kung tama bang ganito ang feeling habang nab-breastfeed.

Umigting ang pang ni Julio. He wants to say something pero mukhang hindi niya alam kung magsasalita ba siya o ano.

Nasa kalagitnaan ako ng pagb-breastfeed kay Vatticus nang humilig siya sa akin para siilin ako ng halik.

"Mahal na mahal ko kayong dalawa," he said with full of lambing.

After ng ilang days namin sa hospital ay ready na din kaming umuwi. I'm wearing a white button dress with corset.

Busy si Julio and Daddy sa mga kailangang ayusin sa hospital and sa pagliligpit ng mga gamit namin.

"Ma'am, magre-resign na po akong personal secretary niyo," Jolina said habang naghihintay kami sa loob ng room namin.

Karga ko na si Vatticus habang naka-upo kaming dalawa sa may sofa.

Nag-taas ako ng kilay para hindi ipahalatang nalungkot ako thinking na aalis na si Jolina sa amin.

"You'll go home na sa inyo?" tanong ko. Hindi ko naman siya pipigilan and I'll support her descisions sa life.

Marahan siyang umiling. "Mas gusto ko na lang pong mag-apply na Yaya ni baby," sabi niya tukoy sa baby ko.

Tumaas ang isang sulok ng labi ko at inirapan siya.

"Ninang ka niya," sabi ko kay naman I saw kung paano nanlaki ang mata ni Jolina sa saya.

"Talaga po?"

"Ninang Jols," sabi ko kay Vatty while tracing his nose gamit ang pointing finger ko.

Pinagkalat kaagad ni Jolina kay Daddy at Julio na Ninang siya ni Vatticus. I feel so overwhelemed dahil madaming nagmamahal sa baby ko.

Natatawa na lang si Daddy habang nakabusangot naman ang mukha ni Julio nang gawin kong runway ang hallway ng hospital. With my white button down dress is a pair of white J'Adior slingback pump.

"Pwede talagang maging model si Ma'am Vera...may hawak pang Vatticus 'yan," Jols said kaya naman mukha ng Snoopy niyo red na.

Julio said na ready na ang Haunted mansion and tapos na ang renovation kaya naman babalik na kami ng Sta. Maria. I'm excited na for my grand entrance with Vatticus. I'm sure na kung ano yung love na nararamdaman niya ngayon ay mado-doble pa pag uwi namin.

"Lagi mong sisiguraduhin na pati 'tong baba...nalilinisan," pangaral sa akin ni Julio.

Nasa taas kami ng bed habang tinuturuan niya ako kung paano ang tamang pagpapalit and paglalagay ng diapers.

"You look some expert when it comes to that...ganyan din ba ang ginagawa mo kay Brunie?" tanong ko sa kanya.

Nilingon ko ang nakadapa ding si Brunie sa taas ng bed. Nung unang makia niya si Vatty ay tahol siya ng tahol. After that day ay palagi na siyang nakasunod kung nasaan 'to.

Ngumisi si Julio while he's busy pa din sa paglalagay ng diapers sa baby natin. Bigla kong gustong pag-tripan si Brunie kaya naman umayos ako ng upo at kaagad siyang hinila.

"From the top. I'll try it kay Brunie," sabi ko at kumuha ng isa pang diapers para ilagay kay Brunie.

Kaagad na natawa si Julio. Brunie is very considerate dahil hinayaan niya akong gamitin siya for educational purposes. He's behave lang and mukhang gusto ding I-baby siya.

Sandaling nawala ang excitement ko pa-uwi ng Sta. Maria nang makaramdam ako ng anxiety while taking care of Vatticus. Julio needs to finish some of his works din bago kami maka-uwi. Hindi na nga siya lumuluwas para pumunta sa company since ayaw niya kaming iwanan ni Vatty.

"Please...don't cry na," paki-usap ko sa kanya.

I tried to feed him pero hindi pa din siya tumigil sa pag-iyak. Na-stressed ako sa iyak niya kaya naman umiyak na lang din ako.

Tahimik akong nakatagilid ng higa sa bed. Ni hindi ko magawang tingnan kung paano isayaw ni Julio ang baby namin para patahanin.

"Ok na. Gusto lang niya na I-tayo siya...at I-sayaw," marahang sabi niya sa akin.

Tumulo ang tears mula sa mga mata ko. Kahit ang small details na ganon ay hindi ko makuha. Bigla tuloy akong nag-doubt sa sarili ko kung kaya ko bang maging mabuting Mommy for him.

All those years ay wala naman akong ibang inisip kundi ang sarili ko lang. Naranasan kong alagaan si Gianneri pero nanduon si Yaya Esme kaya naman hindi ganito kabigat ang feeling na para bang ako lang mag-isa kahit Julio is here naman for us.

"I'm scared na alagaan siya...baka magkamali ako nang hindi ko alam," sumbong ko kay Julio.

"I understand. Hindi naman talaga magiging madali...pero magkasama naman tayo kaya..." hindi niya na nadugtungan ang sasabihin niya nang tingnan ko siya with my blurry vision dahil sa tears.

"I want the best for him. Pero baka hindi ako maging best Mom...' sabi ko pa. I'm full of doubt para sa sarili ko lately.

Jols said na baka its part of my postpartum. I don't know.

Marahang pinahiran ni Julio ang basa kong pisngi.

"Sobrang swerte ni Vatticus na ikaw ang Mommy niya," he said while looking straight sa eyes ko.

"Sobrang swerte namin sa'yo, Vera."

Because of Julio's help and the love of people around me ay unti-unting nawala ang doubt ko sa sarili ko as a mother kaya naman nag-focus ako sa baby ko.

"You'll gonna meet Yaya Esme na. For sure ma-iingayan ka," sabi ko kay Vatty habang nasa byahe kami pa-uwi ng Sta. Maria.

Nasa iisang sasakyan lang kami with Daddy and Jolina. Imbes na sa haunted mansion kami dumiretso ay sa Villa de Montero muna.

Humigpit ang yakap ko sa Baby ko while bumabalik sa akin ang lahat ng memories and feelings ko dito sa Sta. Maria.

Hinapit ako ni Julio sa bewang ko at humilig siya para humalik sa ulo ko.

"Gising siya..." he said habang nakatingin sa anak naming mukhang nakikisama for my grand entrance.

"I told him na dapat gising siya," pagbibida ko kay Julio.

Ngumisi siya. "Masunurin kay Mommy...parang si Daddy," he said kaya naman inirapan ko siya.

Papasok pa lang ang Hiace Van namin ay natawa na kaagad ako when I saw na nasa labas na silang lahat. Akala mo nasa airport kung sumalubong.

"Can we stop here banda? Kasi gusto ko maglalakad ako palapit sa kanila," sabi ko sa driver kaya naman natawa si Jolina at mariing napapikit na lang si Julio.

Kagaya ng grand entrance na gusto ko ay sumunod ang driver sa amin. Una akong bumaba sa car habang hawak si Vatty kaya naman laglag ang panga ni Yaya Esme. I told Gertie na wag munang sabihin...pero duda ako na she can keep a secret since madaldal ang pinsan ko.

She started crying na kaya naman panay ang pag-aalo sa kanya ng husband niyang si Mang Henry.

"Ang alaga ko..." she keeps on saying that kagaya kung paano siya umiyak nang makita niyang hawak ni Gertie si Gianneri after gaving birth.

"Yaya Esme, I don't want to cry...I'm having a moment here oh," sita ko sa kanya at pumiyok pa.

I miss them so much.

Sinalubong na nila ako ni Gertie at kaagad na niyakap.

"Bumalik na ang mga alaga ko. Kumpleto na ulit kayo," Yaya Esme said.

Kung ituring niya kami ni Gertie ay parang mga anak niya kaya naman ramdam kong nasaktan siya nung umalis ako.

"He's so cute and gwapo..." malambing ng buntis na si Gertie habang nakatingin kay Vatticus na karga na ngayon ni Yaya Esme.

Humalik ako sa pisngi ni Tito Keizer after niya akong yakaping ng mahigpit.

"Someone wants to meet you po, Tito," sabi ko sa kanya.

Hindi ko na kailangang pang ipakilala dahil nang lumingon siya sa likod ko ay napasinghap siya nang makita si Daddy.

Sinalubong nang yakap ni Tito si Daddy kaya naman dumoble ang sayang nararamdaman ko. Nilingon ko si Eroz na karga si Gianini.

"Welcome back," he said kaya sinimangutan ko siya.

"Wala akong pasalubong sa'yo," sabi ko kaya naman mariin na lang siyang napapikit.

Kinuha ko si Gianneri sa kanya. Sumama kaagad siya sa akin at yumakap sa leeg ko.

"Gianini," tawag ko sa kanya at pinaghahalikan siya.

Nilapit ko siya kay Vatticus na karga pa din ni Yaya Esme. Humalik si Gianneri sa pinsan niya.

Lumapit si Julio kay Eroz. "Tatay na," sabi ni Julio dito na para bang he's proud to announce na may baby na kami.

Nagpahanda kaagad si Tito Keizer ng lunch for us sa garden. Amused pa din sila kay Vatticus and they keep on saying na kamukha siya ni Julio.

"Binantayan kong mabuti. Hindi ko lang talaga napansing pumoporma na pala itong si Julio," sabi ni Tito Keizer kay Daddy.

"Botong boto talaga ako kay Architect para sa alaga ko," sabi ni Yaya Esme.

Ngumuso ako ng makita ko kung paano ngumiti at mahiya si Julio dahil sa family ko. I'm happy na he's part na of our family. Goals na sila ni Eroz na bestfriend niya.

They talked about sa renovation ng haunted mansion. Based sa kwento ni Tito Keizer sa bagong itsura nito ay mukhang maraming pinabago si Julio.

After ng lunch ay nagpaalam na muna kami na uuwi so that makapag-ayos na din kami ng mga gamit. Si Julio na ang may hawak kay Vatticus kaya naman nang makita ko ang harapan ng bahay nila ay hindi ko mapigilang hindi ma-amazed.

Parang bumalik yung dating castle na nakita ko nung unang beses na napadpad ako sito sa Sta. Maria. Hindi na siya mukhang haunted mansion...mukha na siyang castle ulit.

"You like it?" tanong ni Julio sa akin.

Wala ako sa sariling tumango sa kanya. Humalik siya sa ulo ko.

"Tara na sa loob," yaya niya sa akin.

Hindi ako makapaniwala na We'll live here for real. I remember tuloy nung unang beses na sinabi kong sana dito kami titira ni Daddy.

Even ang interior designs ay parang bumalik sa dati just like how I planned it nung time na he asked for my help sa pagplano.

Nakatanggap si Julio ng calls from his friends. Mukhang excited na din sila to see him. Ramdam kong na-miss ng Sta. Maria si Julio.

"Nandito din sina Alihilani at Hobbes," sabi ni Julio sa akin kaya naman kaagad akong na-excite.

"I'm excited din to meet yung chanak ni Alice," sabi ko at kaagad na natawa.

Before kaming pumunta sa kung saan ay nauna kaming pumunta sa parents ni Julio.

I know na he's a bit emotional habang tahimik na kinakausap ang parents niya. Inilapit niya si Vatticus para ipakilala sa mga 'to.

"I know na Tita and Tito is proud sa'yo kasi Daddy ka na," sabi ko sa kanya kaya naman nakita ko kung paano namula ang eyes niya.

Habang karga si Vatty sa kabilang kamay ay hinapit naman niya ang bewang ko sa kabila.

Nasa middle kami ng katahimikan nang may lumapit na isang lalaki sa amin.

"Julio," tawag niya dito.

Ipinakilala niya kami sa kanya. Julio said na isa siya sa mga katiwala dito sa cementery. Julio asked him din daw para bantayan ang place kung nasaan sina Tito and Tita.

"May palaging dumadalaw na babae dito," he said.

"Kamag-anak po namin?" tanong ni Julio sa kanya.

Umiling ang lalaki. "Hindi. Pero pamilyar...buntis na babae," he said kaya naman nagkatinginan kami ni Julio.

"Baka mga ka-fling mo na nabuntis mo and isunusumbong ka kay Tita," sabi ko sa kanya pagkabalik namin sa sasakyan.

Ngumisi siya habang sinisiguradong maayos kami ni Vatty sa backseat.

"Ikaw lang naman ang binuntis ko, at nanganak ka na," he said kaya naman inirapan ko siya.

Inutusan pa ni Julio kung kakilala niya na alamin kung sino ang pregnant girl para hindi na din namin isipin kung sino.

"Sus," sambit ko at inirapan ulit siya.

"At bu-buntisin ulit," pang-aasar niya sa akin kaya naman nawala ang simangot ko.

"Shut up!" asik ko. Pigil na pigil na matawa ako.

Sa Villa de montero din kami nag-dinner that night. Marami kaagad plan si Daddy at Tito Keizer sa kung saan sila pupunta. They will bond daw since hindi sila nagkaroon ng chance noon.

"Ang chubby ng cheeks ng baby ni Alice," kwento ni Gertie sa akin.

Kaya naman kinaumagahan din ay hindi na ako nagsayang pa ng oras para puntahan siya.

"Witch," tawag ko sa kanya nang magkita kita kami.

Maraming nagbago kay Alice, and that's good for her. I'm happy for us.

Mahigpit niya akong sinalubong nang yakap and ganuon din ang ginawa ko sa kanya. Kinuha niya si Vatticus sa akin at kinarga.

"Julio na Julio," pang-aasar niya kaya naman inirapan ko siya.

Gumanti ako nang ilabas niya si Allennon.

"Chanak ni Alice," tawag ko sa baby niya.

Sobrang chubby ng cheeks. Na-alala ko tuloy yung anak ni Ahtisia na chubby din ang cheeks. Kaagad kong inabot ang pisngi ng baby niya at kinurot 'yon.

"Wag naman po, Tita Vera..." pagkausap ni Alice dito nang mamula ang baby niya at mukhang pa-iyak na.

I told him na dapat ay maging bestfriend ang baby namin para bestfriend goals kami. I saw the genuine happiness in Alice's face dahil she's happily married na with Hobbes Jimenez and she's also a CEO na of her own clothing line.

"Gagawin nating model si Allennon and Vatticus para sa susunod naming collection," sabi niya sa akin kaya naman tumango ako.

"Mahal ang talent fee ng baby ko," sabi ko sa kanya kaya naman inirapan niya ako.

"Kita ko nga," nakangising sabi niya tukoy sa suot na Dior baby hat ni Vatty.

I also let Julio bond with his friends. Narinig ko kaagad ang ingay ni Junie nang pumunta siya sa haunted mansion.

"I-reto ko sa anak niyo yung pangalawa ko...babae, kasing ganda ni Misis," sabi ni Junie na akala mo nakikipagbusiness.

Napailing si Julio at natawa na lang.

"Jacobus na nga at Gianneri, eh. Para balae na din kita, Papa Julio," sabi nito kaya naman sinimangutan ko siya.

"Ayoko ng balaeng ma-ingay. At masyado pang baby si Vatticus para mag-girlfriend. Tigilan mo, Junie. Ipapakagat kita kay Brunie," pananakot ko sa kanya kaya naman nag-ngiting aso siya at napakamot sa batok.

Naging busy kami to prepare for is baptismal. Syempre hindi din ako papayag na hindi maganda ang baptism ni Vatticus. I always want the best for him.

"Don't smile at me," pang-aasar ko kay Vatty bago ko hinalikan ang cheeks niya hanggang sa ma-irita siya.

Pag alam kong he's about to cry na ay kaagad ko namang aaluin. Kamukhang kamukha niya ang Daddy niya lalo na pag naka-smile.

Itinayo ko siya paharap sa akin, bago ko siya muling pinaulanan ng halik hanggang sa umiyak na siya kaya naman napahalakhak ako.

"Mommy loves you so much, Love."

Pinasandal ko siya sa shoulder ko at marahang hinaplos ang likod niya while he's crying pa din.

Pumasok si Julio sa room namin kaya naman alam ko kaagad na mapapagalitan nanaman ako.

"Pinapa-iyak mo nanaman," he said kaya naman humaba ang nguso ko.

"Pinapatahan ko naman," laban ko sa kanya.

Hindi niya tuloy alam kung ngingiti siya or iirap sa akin.

"Ang tagal ni August. Dapat lumipad na lang siya," sabi ko.

Nasa kay August ang isusuot ni Vatticus para sa baptismal niya.

Tumabi si Julio sa amin at kaagad na hinaplos ang likod ni Vatticus na kagagaling lang sa iyak.

Inayos ko ng karga si Vatty para paharapin sa amin. Tumahan na siya pero nang makita ang Daddy niya ay muling sumibi para magsumbong.

"Vatty, wag mong isumbong si Mommy..." nakangising suway ko sa kanya.

Kinuha siya ni Julio sa akin. Matapos kargahin si Vatticus ay itinaas niya ang kamay niyang para ikulong ako at yakapin. Hindi nagtagal ay tumakbo si Brunie at pilit na nagtatatalon sa harapan namin ni Julio.

Tumawa ako at kaagad siyang kinuha para kargahin din.

Nilingon ako ni Julio at hinalikan sa noo. Matapos sa noo ay bumaba ang lips niya sa lips ko.

"I love you, Vera. I'm so in love with you and our little family," he said.

Because of his speech ay ako naman ngayon ay humilig sa kanya para halikan siya.

"I love you too...Daddy Julio," sabi ko.

Ngumisi siya bago pinagdikit ang tungki ng ilong naming dalawa.

Julio is busy sa company kaya naman I let him. May ilang days din siyang lumuwas para pumunta sa company kaya naman dinadala ko si Jols para maging close na sila ni Yaya Esme. Pag nagtagal ay marami ding matututunan si Jols sa kanya.

Kumunot ang noo ko everytime nakikita kong nagkakatinginan si Eroz at Gertie na para bang may secret message silang pinag-uusapan.

I told Alice about it pero nagkibit balikat lang siya.

"Baka daw hindi umuwi si Julio for tonight," sabi ko sa kanila.

Inirapan ko ang phone ko bago ko binitawan. I understand naman na work yon and sinusuportahan ko siya.

Iniharap ko si Vatty sa akin. "Hindi tayo uuwian ni Daddy for today's video."

Tumawa si Alice at napa-iling sa akin. I decided tuloy na mag-sleep over muna kami dito sa Villa de Montero since I still have my room pa din naman here.

"Kukuha lang kami ng gamit ni Vatty at babalik dito," sabi ko sa kanila nang magdilim na.

Nag-presinta silang sasamahan kami at si Eroz ang driver namin.

"What the...naka-lock ang front door?" tanong ko. Ok naman ang keys pero hindi mabuksan.

"Palpak pa ata ang lock ng door. Ipapagiba ko 'to bukas kay Julio," sabi ko kaya naman tinawanan ako ni Gertie at Alice.

Sa back door kami dumaan diretso sa may dirty kitchen. It reminds me tuloy nung mga times na walang pasabi akong pumupunta here para manggulo.

"Let me hold Vatty muna, Ate Vera..." Gertie said.

Kumunot ang noo ko. "Samahan niyo ako sa 'taas," yaya ko sa kanila.

"We'll stay here na lang kasi bukas ang door...babantayan namin," sabi niya sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Witch, samahan mo ako sa 'taas," yaya ko.

"Sasamahan ko si Gertie na magbantay ng pinto," sabi niya sa akin.

"Mga duwag kayo," sabi ko then inirapan sila.

Tanging ang ilaw mula sa kitchen ang nagbibigay ng light sa buong bahay bukod sa hallway sa may second floor.

Ilang steps pa lang ang nagawa ko paakyat nang biglang lumiwanag ang buong bahay.

"Punyeta!" mura ko because of gulat.

"Saan ka pupunta?"

Nagulat ako when I saw Julio. Sabi niya hindi siya uuwi.

"Hahanapin ko sa taas yung feeling asawa ko daw..." masungit na sabi ko para itago ang gulat and saya na umuwi siya.

Nag-taas siya ng kilay sa akin.

"Wala sa taas, nandito. Bumaba ka dito," utos niya sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

Pinagtaasan ko din siya ng kilay. I remember this scene before.

"Who are you ba? Hindi kasi ako nakikipag-usap sa feeling Snoopy," laban ko habang dahan dahang bumaba sa stairs.

Bumaba ako at hinarap siya. Nanatili ang tingin niya sa akin.

"Sabihin mo sa akin...Our house is not some kind of tourist spot para gawing pas..." hindi ko natapos ang speech ko nang magulat ako dahil sa dahan dahang pagluhod ni Julio sa harapan ko.

"Our house is not kind of tourist spot para gawin mong pasyalan. If you want to live here...pakasalan mo ako. Be my Mrs. Escuel," he said while nakaluhod sa harapan ko.

Narinig ko ang mahinang tili ni Gertie mula sa kung saan.

Uminit ang magkabilang gilid ng eyes ko. Bago ako dahan dahang tumango sa kanya.

Napasinghap si Julio at wala nang sinayang na panahon at kaagad na isinuot ang diamond ring sa finger ko.

"Magpapakasal ako sa'yo, Julio."

Hinila niya ako palapit sa kanya bago niya ako siniil ng halik.

"Sabi ko na...para sa akin ka," he said na kaagad kong tinanguan.

Tunog pang-old ang name niya, pero para ako kay Julio.








(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro