Chapter 59
Jax Vaughn Vatticus Escuel
And just like that...We lost Mommy.
It's not easy for us to let her go. Nasa stage pa lang sana kami na pwede pang maayos ang relationship namin us a family pero hindi namin alam na it's too late na pala.
Masyado talagang madaya ang oras minsan. Hindi mo napapansin pero kung masaya ka...masyado siyang mabilis. At kung malungkot naman ay bumabagal.
Mas dumoble ang pain at sakit sa dibdib ko sa tuwing nakikita ko ang mukha ni Daddy. I saw how painful it was for him to lose the love of his life. Break up nga lang ay parang ikamamatay mo na...paano pa kaya kung yung taong mahal mo ay hindi mo na makikita habang buhay.
Tumulo ang masasagang luha ko everytime naririnig ko ang pag-iyak ni Daddy. Halos nakasanayan ko nang idikit ang tenga ko sa pinto ng room niya to check on him.
"Baby, let's go..." malambing na yaya ni Julio sa akin nang lapitan niya ako.
Hindi ko siya natingnan nang maayos dahil sa blurry vision ko because of pag-iyak.
Imbes na magsalita ay kaagad akong yumakap sa kanya na ginantihan naman niya kaagad na may kasama pang halik sa ulo.
"I don't want this pain anymore..." sumbong ko kay Julio.
Hindi lang mabigat sa dibdib. It's like dinudurog niya ng pino ang heart ko paulit-ulit.
Mas lalong humigpit ang yakap ni Julio sa akin. Ramdam ko pa din ang struggle at pag-iingat niya na hindi ma-ipit ang baby bumps ko.
"I'm here. Nandito ako, Vera...alam ko ang nararamdaman mo," he said.
We've been battling the stages of grief. The denial, anger, bargaining, and now the depression.
Patagilid akong nakahiga sa bed ko habang pinapanuod kung paano ma-stress si Snoopy. Kanina pa siya may ka-usap sa phone niya at kanina pa din siya naglalakad nang pabalik-balik sa harapan ko.
Nahihilo na din ako sa kanya kaya naman gusto ko na siyang awayin at sabihin na lumabas na lang siya ng room namin pero I'm too tamad to even do that.
"Tatapusin ko lahat ng trabaho dito. Not so soon...hindi ako makakabalik diyan," seryosong sabi niya sa ka-usap mula sa kabilang linya.
I saw how tired and problemado he is every time kumukunot ang noo niya at napapaghilot na lang siya sa sintido niya.
"Lolo will understand. My family needs me."
Pinal na sabi niya sa ka-usap na para bang wala nang magagawa pa ang kung sinong ka-usap niya para paluwasin siya ng Manila.
Nanatili ang tingin ko sa kanya hanggang sa ibaba niya ang tawag. Kita sa paghugot niya ng hininga ang nararamdaman niyang pagod. Matapos 'yon ay nilingon niya ako, hindi natuloy ang sasabihin niya sa akin nang kumatok si Jolina para maghatid ng food.
"Salamat, Jolina. Si Daddy kamusta?" tanong ni Julio.
Pansin ko ang pagsilip ni Jolina sa akin kahit hanggang door lang siya. She makes sure talaga my kalagayan.
"Ganuon pa din. Like father, like daughter..." sagot niya kay Julio.
Humigpit lang ang yakap ko sa pillow. I don't want to eat, hindi ko kaya. Masyadong mabigat ang chest ko to even swallow it.
"Vera..." tawag ni Julio habang palapit siya sa akin dala ang food tray.
Hindi ako umimik o tumingin man lang sa kanya.
Narinig ko ang pagtikhim niya dahil sa naging attitude ko.
"You should eat. Kagabi hindi mo naubos ang pagkain mo, kaninang umaga hindi ka din kumain," pangaral niya sa akin na may kasamang diin indication na he's angry.
Marahan lang akong umiling para sabihing hindi ako kakain. Vatty will understand. He's a very smart fetus sa tummy ko. I know he'll understand.
"Vera."
Uminit ang gilid ng eyes ko dahil sa kakulitan ni Julio.
"I understand kung bakit ka nagkakaganyan. Pero ang idamay mo ang anak natin?" frustrated na sabi niya.
Napanguso ako dahil sa unti-unting pagtulo ng tears mula sa mata ko.
"Sit down. Hindi kita titigilan hangga't hindi ka kumakain at hindi mo na-uubos 'to," galit na utos niya sa akin.
Umupo siya sa gilid ng kama at inilapag ang tray sa may bed side table.
"I can't eat, Julio. Wag ka ngang makulit," laban ko sa kanya pero nakipagsukatan lang siya ng tingin sa akin.
Nanatili ang tingin niya sa akin na para bang he's waiting na sundin ko ang utos niya. Gusto kong magapadyak because of frustration. Panira din talaga ng drama scene 'tong si Julio.
Labag sa loob ko ang dahan dahang pag-upo sa harapan niya dahil sa biglaang paglaki ng tummy ko. Looks like my baby wants to remind me din na nandyan siya and I should think about him din.
Tahimik si Julio habang naka-kunot ang noo habang sinusubuan ako. He is true to his words na hindi siya aalis hangga't hindi nauubos ang pagkain na laman ng food tray.
"Ayoko na," sabi ko. I feel so full na.
"No," tipid pero may diing sagot niya sa akin na may kasama pang pag-iling.
Masyadong seryoso si Julio, habang ngmunguya ako ay panay din ang pagpahid ko sa tears sa cheeks ko.
Sabay kaming napalingon sa bed side table nang umilaw ang phone niya para sa isa nanamang tawag. I saw na mula sa office ang tawag pero tinitigan niya lang 'yon.
"Pagbalik ko gusto ko ubos to," he said nang I-abot sa akin ang glass of milk.
"And what is this bossy attitude?" tanong ko sa kanya pero nanatili lang siyang seryoso.
"Para sa inyo 'yan. Kung kinakailangan kong maging mahigpit sa'yo...magiging mahigpit ako," paliwanag niya.
Inirapan ko siya at pa-unti unting sinimsim ang glass of milk.
Muling umilaw ang phone niya, this time ay pangalan na ng Lolo niya ang lumabas.
Napabuntong hininga si Julio at napahilamos na lang sa mukha niya.
"Ibaba ko lang ang mga pinagkainan," paalam niya sa akin at dinala na ang phone niya.
Palapit pa lang sa door ay sinagot na niya ang tawag.
"I'm doing anything I can, Lo. But priority ko ang mag-ina ko," rinig ko pang sabi niya bago tuluyang nakalabas si Boss Snoopy sa room namin.
Hindi ko na-ubos ang milk kagaya nang sinabi niya sa akin. Half lang ang na-inom ko at binitawan ko na kaagad para muling humiga.
I even received a call from August. Gustuhin man niyang umuwi para damayan din kami ni Daddy ay hindi naman pwede because he's studying abroad.
Nakatulog ako na umiiyak ulit because of the chances and what if's na nawala sa amin.
What if buhay pa si Mommy at unti-unti na siyang nagbagong buhay. What if after ng lahat ng 'to ay maging maayos na sila ni Daddy. Magiging totoong Mommy na siya sa akin at mararamdaman ko na din yung love from a mother na matagal kong pangarap.
What if hindi namatay ang Mommy ko? What if naranasan ko yung complete family na matagal na nawala sa akin?. What if's...ang dami, ang sakit isa-isahin.
Nagising ako in the middle of the night dahil sa bigat ng chest ko. Kaagad kong hinanap si Julio dahil I need a companion at the moment.
Parang bumabalik nanaman yung anxiety ko na bigla akong nakakaramdam ng suffocation everytime nag-iisa ako sa isang lugar at walang nakikitang kasama.
Lumabas ako ng room nang hindi ko siya nakita doon. Dumiretso kaagad ako sa home office niya because alam kong marami siyang work na kailangang tapusin.
Hindi na ako kumatok pa, binuksan ko kaagad ang door kaya naman nagulat siya.
"May problema? May kailangan ka?" tanong niya kaagad sa akin.
Inalis kaagad ang attention sa laptop niya at ibinigay sa akin. Naglakad ako palapit sa office table niya.
"I need you," parang batang sumbong ko.
Nanatili ang tingin niya sa akin. Inusog niya ang swivel chair niya nang makalapit ako para maka-upo ako sa lap niya.
"Gusto ko may kasama..." sabi ko pa at kaagad na yumakap sa kanya at nagsumiksik sa leeg niya.
Humigpit ang yakap niya sa akin para masigurado na hindi ako mahuhulog from his lap.
"Sabi mo kanina ayaw mo sa amoy ko," sita niya sa akin at naramdaman ko pa ang mahinang pag-ngisi.
"Sabi ko lang. You're too bossy at maraming inuutos...hindi mo naman ako pinapasahod," laban ko sa kanya kaya naman tipid siyang napangisi pero ramdam ko ang pagod.
Julio let me sit sa lap niya habang may ginagawang trabaho. Nakasandal ang ulo ko sa shoulder niya. Ang isang kamay niya ay marahang hinahaplos ang tummy ko kaya parang inaantok din ako because of the mild tickling sensation dahil sa init ng palms niya.
"I love you, Snoopy. Thank you for the patience dahil sa matigas kong ulo," marahang sabi ko.
Halos pumikit na ang mata ko dahil sa antok.
Hinalikan niya ako sa noo. "I love you. I don't mind kung matigas ang ulo. Just expect a bossy attitude from me starting from now..." laban niya sa akin.
"Hindi man lang tinanggi," laban ko kaya naman natawa siya.
Humigpit lalo ang yakap niya sa akin hanggang sa makatulog ako sa lap and yakap ni Julio.
After the stage of depression ay sabay kaming pumasok ni Daddy sa acceptance stage. It became easy for me na since nakita kong nagta-try din si Daddy na ibalik ang dating sigla niya.
Kasabay din no'n ay ang mas lalong paglaki ng tummy ko hanggang sa magkaroon kami ng confirmation na Baby boy ang nasa tummy ko. Julio is very happy to hear that news, maging si Daddy din...at alam kong Mommy is happy din for me.
"Ipadala mo kaagad here..." utos ko kay August nang mag video call kami para sa mga pinabili ko sa kanyang designer things for Vatticus.
"This Burberry polo shirt and shorts...for the binyag," sabi ko kay August while sending yung mga pics ng order ko.
Napapangisi na lang siya dahil sa mga sinasabi ko sa kanya na hindi ko alam kung naiintindihan ba niya or iniintindi niya.
"Bibilhin ko na lang lahat nang makita ko," he said kaya naman inirapan ko siya.
"Panget taste mo," pagre-realtalk ko kaya naman napahalkhak siya kahit kita sa background na nasa isang coffee shop.
I'm busy pa maghanap ng designer baby things nang sabihin ni August na dumating na yung classmate niya from his masterals. Maging si Jolina ay pinanlakihan ako ng mata when we saw na babae 'yon.
"Sister in law ko..." sabi niya frome the other line.
Sumilip ang babae sa camera at kumaway din sa amin. Saktong pababa ng hagdan si Julio at tumabi ng upo sa akin.
"I want you to meet...Dennice de Galicia," he said.
Hindi ako kumaway o nag-react man lang. Team Vesper ako...kami ni Jolina.
Itinaas ni Julio ang kamay niya to wave sana pero sinamaan ko siya nang tingin kaya naman ang dapat sanang wave ay naging pagkamot na lang sa batok niya.
Days passed by so fast. Ilang beses akong umiiyak kay Julio everytime na gusto kong isuot ang mga old clothes ko pero may mga body part talaga na lumaki sa akin like the boobs.
"What are you wearing?" seryosong tanong niya sa akin pagkalabas niya ng bathroom.
Isasama niya ako sa Makati at dadalhin sa company. Little did he know ay gusto ko lang mag-mall and magshop for Vatty's things.
"Uhm...Bottega Veneta," sagot ko kay Julio pero mas lalo lang siyang tumikhim.
"Wear some cover ups," sabi niya at nag-iwas ng tingin sa akin to prepare na din.
Kaagad akong umiling.
"No."
I was about to wear na sana my YSL heels na sana nang kaagad na lumuhod si Julio para tanggalin 'yon sa paa ko and palitan ng flats.
"Mahihirapan ka sa high heels. Masyadong mabigat si Vatticus," he said na totoo naman.
"I just want to look presentable sa workplace mo. For sure kung nakikita ako ni Yaya Esme she'll said na I'm look like a butete..." sumbong ko kay Julio.
Tumayo siya at kaagad na humalik sa lips ko.
"Baby, your boobs is too exposed. Sa amin lang dapat ni Vatty 'yan," he said kaya naman uminit ang magkabilang pisngi ko.
Imbes na ipakita sa kanya ang kilig ko ay pinagtaasan ko pa siya ng kilay.
"Kay Vatty na'to starting from now. Masyado ka nang old para mag-breastfeed pa sa boobs ko, Julio."
Mariin siyang napapikit dahil sa sinabi ko.
"I think I need to shower again," nakangising sabi niya bago siya nagpaalam sa akin para bumalik sa bathroom.
"Need a hand?" pang-aasar ko sa kanya.
"Shut up, Vera..." hirap na hirap na sabi niya bago siya nagkulong nanaman sa bathroom.
Mas lalong uminit ang ulo ni Julio everytime na pinagtitinginan ako ng mga tao sa office nila.
"Ang ganda ng asawa ni Sir Julio."
"Beh, hindi mo abot."
It's some of the bulungans lang na narinig ko form a group ng mag empleyado na nakikita kami.
"Pwede talaga akong artista or model," pagbibida ko kay Julio for the attention na nakukuha ko.
Naglalakad pa lang ako without my heels pa.
"Yes, you can. Pero para sa akin lang," he said kaya naman umirap ako.
Nawala ang ngiti ko and napalitan kaagad ng pagiging bad mood when Julio said na may visitors siya at masamang elemento 'yon.
Masaya na nga kami because the case againts Crystal and his father went well tapos may makikita nanaman akong bad memories from the past.
"Kuya Julio..." Tawag ng anak ni Ursula.
Tumayo siya karga ang batang babae.
"Kanina pa kayo?" tanong ni Julio sa kanila.
"Kararating lang din," sagot ni Ahtisia. Kumunot ang noo ko nang mapansin kong she's very different na sa Ahtisia before.
"Si Vera....asawa ko," pagpapakilala ni Julio sa akin.
Tumaas ang kilay ko. Mainit ang dugo ko sa kasama niya kaya damay si Snoopy.
"Not yet," giit ko.
Laglag ang panga ng Snoopy niyo pero nakabawi din kaagad.
"Vera Escuel," pag-uulit niya. Hindi din talaga magpapatalo.
Nagtaas ako ng kilay kay Ahtisia. I'm not naman bastos para hindi magpakilala.
"Vera Maurielle Montero...Bestfriend ni Alihilani Ceresae Jimenez," sabi ko with the diin sa surname ni Hobbes.
Tipid siyang ngumiti at tumango sa akin.
Nag-ingay ang hawak niyang bata habang nakatingin sa akin kaya naman nalipat doon ang tingin ko.
"Hartemis, say Hi kay Tita Vera," sabi ni Julio at kinuha pa talaga ang bata para kargahin.
Inilapit niya ang bata sa akin.
"Mag mamano daw siya," sabi ni Julio sa akin kaya naman pinanlakihan ko siya ng mata. No way!.
"I'm young pa para magmano siya. Sa'yo na lang since you're old na..." laban ko kay Julio.
Hinalikan niya sa pisngi ang bata kaya naman she giggled. Julio is ready na talaga to be a father. Kahit kay Gianneri noon ay malapit na talaga siya sa bata.
Habang pinagmamasdan ko ang Baby ni Ahtisia ay mas lalong kumukunot ang noo ko.
"Why is this baby kamukha ni Hobbes?" nagtatakang tanong ko.
Nag-iwas ng tingin si Ahtisia sa akin. Iniba naman kaagad ni Julio ang usapan.
Ahtisia seems different na kung paano ko siya nakilala. Even ang pananamit niya ay nag-iba din.
Panay ang ngiti ng baby niya sa akin kaya naman kung hindi ko iirapan ay pinanlalakihan ko siya ng mata. Chubby ang cheeks at namumula pa.
Dahil sa sobrang pangigigil ko ay kaagad kong inabot ang pisngi niya at pinisil ko 'yon. Halos iluwa niya ang tinapay na kinakain niya dahil mukhang nasaktan sa pagkakapisil ko. It's my fault ba kung nakakagigil siya?.
Nilingon niya si Julio na may hawak sa kanya pagkatapos ang Mommy niya na para bang humihingi siya ng tulong.
Kahit magsama pa si Julio at ang Mommy niya...hindi nila ako kaya.
Namula ang mata niya, buong akala ko ay iiyak pero marahan na lang niyang hinaplos ang pisngi niyang kinurot ko at napabuntong hininga bago muling kinain ang hawak na tinapay. Iilan pa lang ang teeth niya kaya naman mukhang ang isang pirasong tinapay ay isang linggo niyang mauubos.
"I miss, Gianini..." sambit ko. I miss her so much na talaga. I can't wait na ma-meet niya ang cousin niyang si Vatty.
"Uuwi na ba kayo?" tanong ni Julio sa cousin niyang hindi ko bet. Team Witch ako.
Marahang umiling si Ahtisia. "Dadaan pa kami kay Hermes," she said.
Julio told me na one of Ahtisia's twin died ilang week after nilang ipanganak. As a mother waiting for her unborn child ay alam kong masakit 'yon. Ngayon pa nga lang ay excited na ako for Vatty. Hindi ko din alam ang mafe-feel ko sa oras na magkasakit man lang siya.
"I feel sad for your baby," sabi ko nang ipakita niya sa amin ang ilang video and picture ng mga baby niya na magkasama pa.
Nag stay kami sa condo ni Julio sa makati for a couple of days since need niyang bumawi sa office dahil halos ayaw na niyang iwan ang bahay. Malapit na ding matapos ang renovation ng haunted mansion kaya naman sakto lang na after kong manganak ay makakabalik na kami ng Sta. Maria.
I'm wearing a long black silk robe habang nakatayo sa balcony ng condo namin at nakatingin sa city light. Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang yakap ni Julio from behind.
"Ang scary daw manganak...masakit."
Humalik si Julio sa gilid ng neck ko.
"Mommy Vera can make it," he said.
"Sus, ikaw kaya ang manganak!" laban ko sa kanya.
Ngumisi lang siya. "Ikaw nga lang you're too much na for me tapos may lalabas pang-baby dito..." sabi ko kaya naman napamura na si Julio.
"Don't tempt me. Baka mapa-aga ang labas ng anak natin," suway niya sa akin.
"I'm not tempting you. You're just bastos lang talaga mag-isip," laban ko sa kanya.
Sumunod si Daddy and Jolina sa Makati after ng ilang weeks. Nalaman kong Daddy is looking din for Vesper since matagal din silang nagkasama noon while feeling nila nasa teleserye sila.
"Yaya Esme will have a mini heart attack talaga pag nakita niyang may kasama na akong baby for my grand entrance," kwento ko kay Julio.
Hindi namin namalayan ni Julio ang araw hanggang sa dumating na yung araw na pinakahihintay namin. Our baby is ready na daw lumabas.
"It's too masakit to handle," sumbong ko kay Julio while pinipigilan kong umiyak.
I need to be strong for me and our baby.
Maaga pa lang ay nasa hospital na kami nang magkaroon ako ng signs of pagla-labor. Una pa ngang kinabahan si Julio together with Daddy. Jolina is stressed din and napapangiwi everytime nagrereklamo ako because of the pain.
"Kasalanan mo 'to Julio. Kasalanan mo 'to," paninisi ko sa kanya to ease the pain kahit papaano.
Ilang beses kong nakurot, nasabunutan, at nasaktan si Julio dahil sa paninigas ng tummy ko at pagguhit ng sakit. Hindi naman siya nagreklamo at hinayaan lang ako.
"Sasabog na ang tummy ko...sasabog na ang tummy ko," na-iiyak na sabi ko. Parang ma-s-stretch ang tummy ko hanggang sa sasabog siya. I can't explain the feeling since this is all new to me.
"Ahh...shit!" daing ko at mahigpit na humawak sa braso ni Julio ng muli nanamang gumuhit ang sakit.
Dumating ang Doctor to check on me hanggang sa she announced na manganganak na ako.
"Baby, you can do it," pagapalakas ni Julio sa loob ko.
Halos mamilipit ako sa sakit. Inilipat na ako sa isa pang hospital bed para dalhin sa delivery room.
Nakasunod sila at hindi binibitawan ni Julio ang kamay ko. Kita ko ang pag-aalala sa mukha ni Daddy kaya naman tahimik siya.
Tiningala ko siya. "Paglabas ni Vatty...yung Gucci Ivory three piece babygrow set ang ipa-suot mo. Aawayin kita pag hindi 'yon!" banta ko kay Julio.
I want the best kaagad for our son.
Walang nagawa si Julio kundi ang tumango.
Nawala ang lahat ng lakas ko the moment ipinasok ako sa delivery room. I'm praying para sa safety naming pareho. I even called Mommy to help me since naranasan niya 'to. I know for sure na kung nasaan man si Mommy ngayon...she'll going to be proud.
I'll make her proud kaya naman ginalingan ko sa pag-ire.
After a lot of pain, pag-iyak, and pag-ire ay napalitan lahat 'yon ng tears of joy nang marinig ko ang iyak ng baby ko.
"Congrats, Mommy. A healthy baby boy..." the Doctor said kaya naman unti-unti na akong nagpakain sa antok and pagod and I just let them do the rest.
Hindi ko alam kung gaano katagal akong walang malay. Kahit hindi pa total bumabalik ang wisyo ko ay ramdam ko ang gaan after ng panganganak. Ramdam na ramdam ko ding may nawawala sa tummy ko kaya naman pinilt kong gumising na.
"Julio..." tawag ko sa kanya when I saw na nasa tapat siya ng malaking binta ng hospital, nakatalikod sa akin.
Ang luha sa mga mata ko ay kaagad na tumulo nang humarap siya sa akin habang karga ang baby namin.
Tuloy tuloy ang pag-iyak ko dahil sa sobrang saya.
"Shh...baby you made it. I'm so proud of you," malambing na sabi niya sa akin habang pauli-ulit akong hinahalikan sa ulo.
Ma-ingat niyang itinapat sa akin ang tulog na si Vatticus. Unang tingin pa lang ay pansin kaagad ang matangos na ilong ito.
"Hi..." malambing na bati ko sa kanya at humalik kaagad sa pisngi niya.
Teary eyes din si Julio while looking at us. Itinabi niya nang higa si Vatty sa akin. Hindi mawala ang tingin ko sa baby ko. Hindi ko ma-explain ang saya na nararamdaman ko because he's finally here with us.
"I can't thank you enough, Vera. Sobrang saya ko..." he said with his garalgal na voice for being emotional.
"Ang gwapo...kamukha mo. Nakaka-inis," nakangising sabi ko sa kanya.
Tumawa si Julio, humalik sa noo ko bago niya inangkin ang labi ko.
Hindi nagtagal ang halikan namin dahil dahan dahang umiyak si Vatticus na ikinatawa namin.
A million miracle begins at Sunrise. Starting today, I will no longer face every sunrise alone.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro