Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 53

Sunrise




"Leave me alone!" halos isigaw ko 'yon kay Crystal. Gusto kong ibato ang phone ko, but I'm too broke para bumili ng bago so pinigilan ko na lang ang self ko.

"Makinig ka sa akin, Vera..." she said with her very convincing voice.

Marahas akong umiling kahit hindi naman niya nakikita 'yon. Ni hindi ko nga maibigay ng buo ang trust ko kay Julio, sa kanya pa kaya? Sino ba siya?.

Kaagad akong pinatay ang tawag. After that ay hindi na ako nagkaroon pa nang lakas na lumabas at magpakita kahit na kanino. Halos magkulong lang ako sa room at humiga, mahigpit din ang hawak ko sa comforter, ni ayokong magpakita...gusto ko na lang maglahalo na parang bubbles.

Gulong gulo ang mind ko, gusto kong maniwala sa kanya na buhay ang Daddy ko. Gusto kong makakuha ng information pa about it pero may nafe-feel din akong takot. Crystal is someone na tanga lang ang maniniwala...I'm not tanga.

Halos malukot ang comforter dahil sa higpit nang pagkakahawak ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng room namin at ang pagpasok ni Julio.

"Vera..."

Hindi ako gumalaw o sumagot man lang sa kanya. Hindi ko din nagawang pumikit para magpanggap na I'm sleeping.

"Vera, masama ba ang pakiramdam mo?" marahang tanong niya sa akin.

Halos kainin ng malalaking hakbang niya ang pagitan naming dalawa. Napaawang ang bibig ko and para akong binuhusan ng malamig na tubig nang salatin niya ang noo and neck ko.

"May problema ba?" marahang tanong niya sa akin.

Sandali ko lang sinuklian ang tingin ni Julio sa akin. After that ay hinid na ulit ako nag-abala na tingnan siya. Hindi ko siya matingnan straight sa mata.

What if Crystal is right na hindi ko pa kilala si Julio? What if akala ko kilala ko siya juts because I love him?. Paano kung ang totoo lang kay Julio ay ang pagiging attractive niya and macho pero the rest ay puro kasinungalingan na?.

"Masama ang pakiramdam mo? Dahil kay Baby?" tanong niya pa din sa akin.

Halos mapakagat ako sa aking lower lips nang maramdaman ko nanaman ang malaki and mainit niyang palad sa tummy ko. Kahit may suot akong damit ay ramdam na ramdam ko 'yon.

Napapanguso na lang ako everytime I felt how comforting Julio's touch was. Gustong gusto siya ni Baby kaya naman damay din tuloy ako.

"W-walang kasalanan ang baby ko," laban ko.

Mahina siyang ngumisi pero ramdam pa din doon ang pagod, lungkot, and different emotions.

"Baby natin. Gustong gusto ko pag sinasabi mong anak natin," pag-amin niya.

Hindi ako umimik with what he said. Nanatili lang akong nag-iwas ng tingin. I want to tell him na lumabas na lang muna because gusto kong mapag-isa pero nakaka-inis na at the same time ay gusto ko ang presence niya.

Si Baby nanaman ang may gusto ng presence ng Daddy niya...I'm damay nanaman.

Mahina na akong napasinghap nang lumipat ang haplos ni Julio sa ulo ko, marahan niyang hinaplos ang buhok ko na para bang he wants me to feel calm para makatulog ako.

"Hindi ako aalis dito hanggang sa makatulog ka," paninigurado niya sa akin.

My head hurts dahil sa dami ng gusto kong isipin. Even ang brain ko gusto na atang mag-give up sa pag-iisip. My body wants na din ata to break down dahil pagod na siya. Pagod na din ang heart ko pero wala naman siyang ibang kayang ma-recognize kundi pain. I'm too pagod for everything.

Tahimik na ipinagpatuloy ni Julio ang ginagawa niya. Hindi na din siya nag-abala pang magsalita. Ramdam niya siguro na I'm not in the mood na makipag-usap sa kanya kaya naman nanahimik siya.

Tuluyan akong kinain ng antok hanggang sa magising ako dahil sa bigat ng dibdib ko.

Ramdam ko din ang hirap ko sa pag-hinga kaya naman kahit I'm in the middle of a dream ay parang papunta na 'yon sa nightmare.

"J-julio...what are you doing?" gulat na tanong ko sa kanya.

Ang marahang paghaplos niya sa ulo ko ay bumaba sa leeg ko. Hindi lang basta simpleng hawak 'yon sa neck ko dahil unti-unti 'yong humihigpit.

Nanatili ang walang ke-emo-emosyong tingin niya sa akin.

"I'm...I cannot breathe," reklamo ko sa kanya. Sinubukan kong hawakan ang kamay niya.

I started to struggle hanggang sa nakita how his emotions change. Unti-unti siyang ngumisi sa aking harapan.

"I waited long enough para maka-ganti kay Vinci. Wala na akong sasayangin pang-araw," naka-ngising sabi niya sa akin.

"Julio...what are you talking about? You said magkakampi tayo," my voice even cracked while saying that. Uminit na din ang magkabilang gilid ng eyes ko.

"You said hindi mo ako sasaktan...kami ng baby natin," umiiyak nang sabi ko. Hindi pa din niya inaalis ang pagkakasakal sa akin.

Mas lalo siyang ngumisi. "At naniwala ka naman? Tiniis lang kita, sawang sawa na akong pakisamahan ka...sobrang arte mo, sobrang demanding! Hindi kita mahal!" gigil na sabi niya at tumaas pa ang boses.

Dalawang kamay ko na ang humawak sa kamay niya para tanggalin 'yon. Unti-unting nawawala ang hangin sa body ko.

"Pag namatay ako...mamamatay din ang Baby ko, wag mong idamay ang baby ko," umiiyak na sabi ko sa kanya.

"Walang kasalanan ang baby natin, Julio. You can do whatever you want sa akin pag napanganak ko na siya," suggestion ko pa kahit puno na nang tears ang mga mata ko.

Mariin akong napapikit nang mas lalo niyang diinan ang pakakahawak niya sa leeg ko.

"Anak mo lang 'yan. Hindi ko 'yan anak. Wala akong kikilalaning anak kung hindi si Crystal ang ina," banta pa niya sa akin.

Ramdam na ramdam ko ang takot dahil sa pag-iiba ng voice niya. Parang hindi na siya si Julio, parang hindi ko na siya kilala. Ibang tao na siya.

"Napatay ko na ang Daddy mo...isusunod na kita para tapos na ang problema ko," giit pa niya. Hindi pa siya nakuntento at dumagan pa sa akin para lalo akong sakalin.

Inipon ko ang natitirang strength ko to struggle. Sinubukan ko ding saktan siya para makalaban pero he's too strong and wala man lang ata sa kalahati ng strength na meron ako ang strength and eagerness niya na saktan ako.

"I thought you love me...kagaya ka din nila, wala kayong ibang gusto kundi ang saktan ako," umiiyak na sabi ko sa kanya bago unti-unting mawala ang hangin sa katawan ko.

Napabalikwas ako nang bangon dahil sa bigat nang nararamdaman ko. Puno nang pawis ang noo ko and halos habulin ko ang hininga ko nang ma-confirm kong it's just a nightmare.

"Vera, anong problema?" nag-aalalang tanong ni Julio.

"Wag mo akong hawakan!" sigaw and pagtataboy ko sa kanya.

I saw how shocked he was dahil sa pagtataboy ko. Hindi ko na din namalayan na I'm crying habang nanginginig ang buong body ko dahil sa masamang panaginip na 'yon.

"Wag mo akong hawakan. You want me dead...gusto mo din akong saktan," umiiyak na sumbong ko sa kawalan.

Halos yakapin ko ang sarili ko because of the takot. Hindi nakagalaw o naka-imik man lang si Julio dahil sa pagtataka.

"Ayoko na...I don't want to be here na. I don't want to be with you or anyone. Leave me alone...tigilan niyo na ako," umiiyak na paki-usap ko para sa lahat.

"Pagod na ako. Please...ayoko na," umiiyak na sumbong ko kay Julio. Halos maghari sa buong room namin ang iyak ko and paki-usap.

Tumikhim si Julio. Sinubukan ko ulit na itaboy at itulak siya pero nagmatigas siya at lumapit sa akin. Kaaad niya akong ikinulong sa bisig niya and mahigpit na niyakap.

"Nananaginip ka...nananaginip ka lang."

Marahas akong umiling. Panaginip lang 'yon pero yung pain, lahat ng emotions parang totoo, ramdam na ramdam ko.

"I just want to be happy. I just want..." hindi ko matuloy ang sasabihin ko. Ano ba talaga ang gusto ko?.

"Since bata wala akong nakuha kundi hate. Kay Mommy, kay Lola...sa other people. Ano bang ginawa kong bad to deserve all of this?" tanong ko sa kawalan.

Tiniis ko lahat ng masasamang memories and experiences ko since day one pero wala naman silang narinig an reklamo sa akin. Sinarili ko 'yon and turned them to be my strenght kaya naging masama ako sa tingin ng ibang tao.

Hinayaan ko din na maging masama ako sa point of view nila pero nakakapagod din pala.

Hindi nagsalita si Julio, pero mas lalong humihigpit ang yakap niya sa akin everytime lumalakas din ang iyak ko. Hindi nagtagal ay huminahon din ako.

"Gagawin ko kahit ano...lahat para maniwala ka sa akin. Hindi kita sasaktan, Vera."

Nanatili lang akong tahimik at nakatagilid na naka-higa sa bed.

Bahagyang lumayo si Julio para tawagan ang kung sino. I heard na Doctor 'yon and he make chismis pa kung ano ang nangyari sa akin.

Mas lalong dumikit si Julio sa akin after what happened. Kung hindi siya ay hindi siya pumapayag na ma-iwan akong mag-isa. Nandyan palagi sina August and Jolina para may kasama ako.

"Susunduin ko lang si Doctor Villanueva," he said the next day.

Nasa may veranda kami nina Augusta and Jolina while enjoying the view pero ang totoo ay hindi ko naman ma-appreciate 'yon. Lumilipad sa kung saan ang mind ko and I can't even catch it para pumirmi.

"I'll go with you," pag presinta ni August.

"Ako na lang. Samahan niyo na lang si Vera," Julio said. Ramdam ko ang tingin niya sa akin pero hindi ako nag-abala na tumingin sa kanya pabalik.

"Delikado kung mag-isa ka," sabi ni August bago niya inilabas ang phone niya para may tawagan na kung sino.

"Aalis muna ako. May gusto kang ipabili?" tanong ni Julio sa akin.

Halos makiliti ang tenga ko dahil sa hininga niya from behind.

"I-I want something sweet...madaming chocolates," sagot ko sa kanya.

I saw kung paano gumaan ang pakiramdam niya kahit papaano dahil kinausap ko na siya. Tipid siyang ngumiti sa akin.

"Bibili ako ng madami. Ano pa?" tanong niya sa akin na para bang he's ready na bilhin ang kahit anong sabihin ko sa kanya.

"Umuwi ka kaagad because gusto ko nang kumain," dugtong ko.

Napakagat sa lower lips niya si Julio before siya tipid na tumango.

"Uuwi kaagad ako," paninigurado niya sa akin bago siya humalik sa cheeks ko.

"Uuwi kaagad ako sa inyo," sabi niya pa before niya hinawakan ang tummy ko.

Isang halik pa sa ulo ang ginawa niya before siya tuluyang nag-paalam sa amin.

Sinubukan ni August and Jolina na I-entertain ako pero iniirapan ko lang silang dalawa everytime they tried to make me laugh. Even ang smile ko nga ngayon ay gold kaya hindi ko sila nginingitian.

"Wala pa ngang tulog si Sir Julio, pero ang gwapo pa din," laban ni Jolina.

Gusto niya atang mag-react ako dahil sa sinabi niya pero she failed.

"Kesa sa akin?" tanong ni August sa kanya.

"Opo naman...di ba, Ma'am Vera?" sabi niya bago bumaling sa akin.

Ngumuso ako at nagkibit balikat. Bumaba ang tingin ko sa natutulog na si Brunie sa lap ko. Ang kapal naman this dog para gawin akong tulugan.

Natigil ang pag-uusap nina August and Jolina sa tabi ko nang makarinig kami ng sigaw mula sa gate.

"August...kausapin mo naman ako," paki-usap ni Vesper.

Tumunog ang phone ni August galing sa mga tauhan niya na nagbabantay sa may entrance.

Napabuntong hininga siya bago sumagot. "Sige, papasukin niyo," he said pa.

Nagpaalam siya sa amin na bababa sa may living room pero hindi kami pumayag na Jolina na ma-iwan sa may veranda. Pasikreto kaming sumunod sa kanya pababa and nagtago na lang.

"Brunie wake up," gising ko dito. Binitawan ko siya at inilapag sa floor. Akala ko ay gigising na pero dumapa pa din siya at natulog ulit.

"Right, matulog ka. This is bawal sa bata," sabi ko pa.

Naramdaman ko ang paglingon ni Jolina sa akin while I'm serious sa pakikinig sa drama scene sa may living room.

"Ma'am, Ok na kayo?" tanong ni Jolina sa akin.

Sinamaan ko siya nang tingin. "Shut up, Jolina."

Kunwaring zinipper niya ang bunganga niya kaya naman inirapan ko siya.

"Hintayin mo na lang ang annulement papers na ipinapaayos ko," August said.

"Magpapaliwanag ako. August wag naman ganito," Paki-usap nang umiiyak na si Vesper.

"Niloko mo ako. Kilala mo ako, alam mo ang buong pagkatao ko pero pinili mong itago sa akin..." sumbat niya kay Vesper.

"Please, ikaw na lang ang meron ako. Nangako ka kay Nanay...sabi mo hindi mo ako iiwan," sabi pa ni Vesper sa kanya.

"Maghiwalay na tayo, Vesper. Just wait for the annulment papers," pinal na sabi ni August sa kanya.

"August...p-patawarin mo ako, ayusin natin 'to. Please..." paki-usap pa niya.

"Umalis ka na. Alam ko na ang lahat...wala kang maririnig na kung ano mula sa akin, ang gusto ko ngayon ay ang makipag-hiwalay sa'yo," August said in a very calm voice.

"Bumalik ka na. Umuwi na tayo," umiiyak na paki-usap pa din ni Vesper sa kanya.

"Naka-uwi na ako, Vesper. Nandito ang bahay ko...nandito ang pamilya ko," he said kaya naman walang nagawa si Vesper kundi ang umiyak na lang.

"Umuwi na tayo..." paulit-ulit na paki-usap niya kay August pero hindi siya pinakinggan nito.

Naiwan ako kay Jolina after that scene. Kahit siya ay tahimik din and parang malalim ang iniisip. Kulang na lang mag-declare na kaming dalawa nang outing dahil pareho kaming halos malunod sa mga iniisip namin.

Napatayo pa ako nang makita ko ang pagdating ni Julio. He's with a Doctor. Nasa mid 40's na 'yon. She talked to me alone sa office ni Julio.

Sinagot ko ang mga tanong niya sa akin, hindi ko naiwasang umiyak sa harapan niya and naiintindihan naman daw niya 'yon. After niya akong maka-usap and ma-check ay si Julio naman ang kinausap niya.

"Trauma...and sabi mo nga kamamatay lang ng Daddy niya," rinig kong pag-uusap nila.

Hindi ko na inabala pang pakinggan ang rest ng discussions nila since kahit ako minsan hindi ko na din alam ang nangyayari sa akin.

Inihatid pabalik ni Julio ang Doctor and he said na bibilhin din niya ang mga gamot na ibinigay nito for me. Hinayaan ko na lang siya since 'yon naman ang gusto niya.

Hindi pa din natapos ang drama scene nina August and Vesper pero I'm not pre-occupied with so many things na hindi ko na nasubaybayan 'yon.

"Ilang taon kayong kasal?" tanong ni Julio sa Kuya niya in the middle of our dinner.

Kumunot ang noo ni August na para bang inaalala niya 'yon.

"Dalawa? Hindi ko sigurado," sagot niya dito. He looks problemado na din.

"Wala kayong anak sa loob ng dalawang taon?" tanong pa din ni Julio. Masyado siyang serious, pwede na maging imbestigador ng bayan.

Marahang umiling si August. "Mabuti na lang at wala," he said kaya naman napanguso ako. Hindi ko alam kung anong meaning non for him.

Nawala ang atensyon ko sa kanilang dalawa nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko na nasa taas ng table. Masyado na akong takot na makarinig ng tunog everytime may tumatawag sa akin.

Unregistered number ang tumatawag kaya naman nakaramdam kaagad ako ng takot and kaba na baka si Crystal nanaman 'yon and she want to cloud my mind again para ma-trigger ako.

Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Julio habang nagpapabalik balik ang tingin niya sa akin and sa phone.

Dalawang beses kong pinatay ang tawag hanggang sa tumayo siya para kuhanin ang phone ko at sagutin 'yon.

"Julio..." tawag ko sa kanya pero inilagay niya ang pointing finger niya sa lips niya para sabihing mag-shut up ako.

Sumama ang tingin niya sa kung saan habang pinapakinggan ang nagsasalita sa kabilang linya.

"Tangina, Crystal. Tigilan mo na si Vera," galit and madiing sabi ni Julio.

Napaawang ang bibig ko nang marinig ko kung gaano kalutong ang mura niya. Halos bihira ko lang siya marinig magmura, hindi ko na nga matandaan kung narinig ko na ba o ano.

Wala kaming ulam na chicken pero ang crispy ng curse ni Julio. Mas crispy pa sa chicken ng Jollibee.

"Ako ang harapin mo. Wag mong idamay dito ang mag-ina ko," galit na sabi ni Julio sa kanya.

Sandali pa silang nag-usap bago namatay ang tawag. Galit niyang tinignan ang phone ko at halos manlaki ang mata ko ng ibato niya 'yon kung saan dahilan para masira 'yon. Buti na lang hindi 'yon ang mamahalin kong phone kung hindi baka...sobrang broke na talaga ako right now.

"Kailan ka pa tinatawagan ni Crystal?" tanong niya sa akin.

Hindi kaagad ako naka-sagot. Tahimik ang lahat and waiting sa sagot ko.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" dugtong na tanong pa niya.

"Julio," suway ni August sa kanya.

Napabuntong hininga si Julio. "Akyat lang ako sa office...may aasikasuhin lang," sabi niya bago niya kami iniwan sa may dinning.

Sinundan ko siya nang tingin. Bumaba ang tingin ko kay Brunie na nakasunod sa Daddy niya.

"Bruno, stay..." sabi niya dito kaya naman malungkot na tumigil si Brunie and napadapa na lang.

After dinner ay nagpaalam na ako kina Jolina and August. Sinubukan pa ni Jolina na sundan ako pero sinabihan ko siya na pupuntahan ko si Julio kaya naman she don't need to be my chaperon na.

Wala siya sa room namin kaya naman dumiretso na ako sa home office niya. Dalawang katok ang ginawa ko bago ko inilusot ang ulo ko. Naka-upo siya sa swivel chair niya, masama ang tingin sa kaharap na laptop habang may kausap sa phone.

Isang beses siyang tumingin sa akin bago siya nag-iwas ng tingin kaya naman pumasok na ako ng tuluyan sa loob.

"Pupunta tayo. Pero siguraduhin niyo muna na buhay nga..." sabi niya sa kausap bago pinatay ang tawag.

Kahit he looks galit ay pilit niyang pinapa-amo ang face niya nang harapin niya ako.

"M-may kailangan ka?" marahang tanong niya sa akin kahit hindi bagay dahil halatang he's galit.

"Uhm...yung chocolates ko, I want it with almonds pala," sagot ko sa kanya.

Hinawakan kaagad niya ang phone niya. "Magpapabili ako," he said kaagad pero pinigilan ko siya.

"Galit ka?" tanong ko sa kanya.

Marahang siyang umiling. "Hindi."

"Liar," sambit ko kaya naman umigiting ang panga niya at napabuntong hininga.

"Kay Crystal? Oo," pag-amin niya.

"Sa akin?"

Pumungay ang mata niya nang tumingin sa akin.

"Hindi. Naiintindihan ko kung bakit itinago mo 'to sa akin," he said pa nga.

"I'm scared sa'yo..." pag-amin ko na.

Umigting ang pang niya. "Come here," utos niya sa akin.

Parang may sariling pag-iisip ang mga paa ko kaya naman sumunod kaagad sila sa utos ni Julio na lumapit sa kanya.

Pagkalapit ko sa kanya ay kaagad niya akong hinila para pa-upuin sa lap niya.

"Naiintndihan ko."

Marahan akong umiling. "Gusto kong maniwala kay Crystal. She said na magtulungan kaming pabagsakin ka...gusto kong tumulong," pag-amin ko.

Hindi ko ipagkakaila na sumagi sa mind ko na tumulong sa plan niya.

Mas lalo lang pumungay ang mata ni Julio. "Kung ikaw ang magpapabagsak sa akin...ayos lang," he said.

"I won't do that," agap ko. Sumagi lang sa mind ko pero hindi ko gagawin.

"Ayos lang basta si Vera," sabi pa niya na para bang he's convincing ang sarili niya. Parang palagi niyang ginagawa.

Humigpit ang yakap ng braso niya sa bewang ko kaya naman ipinatong ko ang hands ko sa dibdib niya to have a support.

"I even had a nightmare na sinasakal mo ako and you want to kill me. Parang totoo yung scene kaya...I'm scared sayo," pag-amin ko sa lahat.

"And gusto kong maniwala sa kanya kasi she said na nasa kanya ang Daddy ko and he's alive pa. I want to be with my Daddy..." emosyonal na sumbong ko kay Julio.

"Pag napatunayan kong totoo ang sinasabi niya, kukuhanin natin ang Daddy mo," paninigurado niya sa akin.

"Pero galit ka sa Daddy ko..."

"Pero mas mahal ko ang anak niya," he said while looking straight sa eyes ko.

Muli nanamang namuo ang tears sa eyes ko.

"Believe me, wala siyang kasalanan," giit ko kaya naman sunod sunod na tango ang ginawa niya.

"I have a conclusion..." marahang sabi niya. Ramdam ko ang lungkot at galit doon.

"Tinatraydor ako ni Crystal all along. I was about to think na it was her and her father...sila ang mastermind," he said.

"Her father?" gulat na tanong ko.

"So walang kinalaman si Ursula here?" Tanong ko pa.

Kumunot ang noo ni Julio. "Sino?"

"Salvadora...your Tita Atheena," pagtatama ko.

Marahan siyang umiling.

"Kanang kamay ni Daddy ang totoong ama ni Crystal. Lately ko lang nalaman sa imbestigasyon na itinago nila sa amin ang totoo. Pwedeng plano itong lahat ng ama niya at sumama siya."

Mas lalo akong naiyak. "Naniniwala ka nang innocent ang Daddy ko?" tanong ko sa kanya.

Hinarap niya ako at tiningnan sa mata.

"I'm sorry..." he said kaya naman mas lalo akong naiyak para sa Daddy ko, para sa lahat ng nangyari, para sa mga pain and paghihirap na naranasan niya.

"Innocent ang Daddy ko," umiiyak na sabi ko kay Julio kaya naman humigpit ang yakap niya sa akin.

"I'm sorry, Vera..." paulit-ulit na sabi niya.

But bukod sa bintang ni Julio sa kanya ay may isa pang umiipit kay Daddy para hindi siya lumabas. I wonder kung sino ang nasa likod ng threat na papatayin ako pag nag surrender siya kay Julio.

"Haharapin ko sila, tatapusin ko na'to. Tatapusin na natin 'to. Pagod na din ako," he said kaya naman yumakap ako sa leeg niya.

Naramdaman ko ang panginginig ng katawan ni Julio. Pinagdikit ko ang noo naming dalawa nang makita kong he's crying din.

"Hintayin mo akong tapusin ang lahat nang 'to. Papakasalan kita pagkatapos nito," he said pa.

Marahan akong tumango sa kanya. Mahinang napamura si Julio.

"Kakampi mo ako. Let's end this na..."

Siniil niya ako nang halik after that.

Walang sinayang na oras si Julio because the next morning ay kaagad siyang naging busy para sa sinasabi niyang paghaharap nila ni Crystal.

"Anong gusto nila?" tanong ni August.

Hindi maalis ang tingin ko kay Julio dahil sa itsura niya. Mukha tuloy siyang action star sa movie dahil sa pananamit at kilos niya. Ilang beses kong gustong pabitawan sa kanya ang baril everytime hinahawakan niya 'yon pero looks like he's sanay naman.

"Lahat ng meron ang Escuel," he said. Tumikhim si August.

Julio looks like Keanu Reeves sa action movie na Speed.

"Ibigay mo ang lahat ng manahimik sila," August said na para bang wala na siyang pakialam pa sa pera. Looks like nasanay na siya sa simpleng buhay nila ni Vesper noon.

"Hindi. Hindi naman na sa akin 'yon, Kuya. Lahat ng meron ako para sa anak ko," he said at nilingon ako.

Napanguso ako and napahawak sa tummy ko. Nasa tiyan pa lang siya pero bilyonaryo na.

Tumunog ang phone ni Julio dahil sa isang tawag. Tahimik kaming tatlo na naghihintay sa mga reactions niya.

Tumingin siya sa akin after the call.

"Confirmed. Buhay ang Daddy mo," he said kaya naman halos magtatatalon ang heart ko sa saya pero napa-iyak na lang ako.

Lumapit si Julio sa akin kaya naman yumakap kaagad ako sa kanya. Wala na din akong lakas to ask kung sino yung patay na nakita nila. Ang important ngayon ay buhay nga ang Daddy ko. Sinasabi ko na nga ba, kaya ayokong maniwala na he's dead.

"Babawiin natin ang Daddy mo," paninigurado niya sa akin.

May mga dumating din na tauhan si Julio, they even contact na nga din the police.

"Anong oras ang alis niyo?" Si August.

"Before sunrise," sagot ni Julio sa kanya.

Gustong sumama ni August pero mas pinili ni Julio na ma-iwan siya sa amin.

Lumapit siya sa akin para yakapin nanaman ako. Kanina pa niya ginagawa 'yon kaya naman nakaramdam na ako ng kung ano.

"Sasama na lang ako," paki-usap ko sa kanya pero umiling si Julio.

"Just wait for me. I want you and our baby safe," he said.

"Paano ka? This is very delikado," takot na sabi ko.

Hinalikan ni Julio ang noo ko. "Alam kong naghihintay ka sa akin kaya babalik ako sa'yo."

Humigpit ang yakap ko kay Julio.

"See you at Sunrise..."


(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro