Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 52

Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________



Ally

Ramdam ko ang panginginig ng body ko habang mahigpit ang yakap ni Julio sa akin. Everytime mas lalong lumalakas ang hikbi ko ay mas humihigpit ang yakap niya.

"I'm sorry..." sambit ko.

Napuno ng luha ang aking mga mata dahil sa halo-halong emotions na nararamdaman ko. Kanina ay nangibabaw ang fear, ngayon naman ay ang pagiging guilty dahil sa ginawa ko sa kanya.

"Naiintindihan ko. Walang problema, Vera..." he said in a very marahang voice.

Wala na akong nagawa kundi ang yakapin din siya pabalik at umiyak na lang talaga.

"Hindi ko na alam..." paulit-ulit na sumbong ko sa kanya.

I don't know what to feel, what to think, and what to do.

"Nandito ako. Tutulungan kita, hindi ako mawawala sa'yo, Vera," paninigurado niya sa akin. Naramdaman ko ang paulit-ulit niyang paghalik sa ulo ko.

Tahimik lang akong naka-upo at nanunuod habang ginagamot ni Julio ang sarili niya. Hindi na nga din ako nag-presinta pa or nag-alok nang help dahil ayokong makakita ng sugat.

"Baka mamatay ka because of...severe blood loss," puna ko sa kanya.

Bukod sa I'm distracted sa ginagawa niyang pag gamot sa sarili niyang sugat ay he's topless pa kaya naman sobrang nakaka-distract ang view ko ngayon.

Because of his comfort ay sandaling nag-clear ang mind ko at nakalimutan kaagad ang tungkol sa call kanina. But the kaba inside me remains and I know na anytime soon kung may mag-trigger nanaman don ay paniguradong hindi ko nanaman alam ang gagawin ko.

Looks like he's expert sa pag-gamot ng sarili niyang sugat. Napa-awang ang lips ko when I saw kung paano niya walang pagdadalawang isip na binuhusan ng alcohol ang sugat sa braso niya. Ako na ang naka ramdam ng pain for him.

"Daplis lang ito. Magiging ayos lang ako," he said pa din. I know naman na ayaw niya lang na mag-isip pa ako ng kung ano.

Hindi basta basta ang ginawa ko kay Julio. Pwede ko na siyang mapatay because of that.

"It's not ayos..." pag-amin ko.

He keeps on denying the fact na hindi tama ang ginawa ko pero alam ko naman sa sarili ko.

"You can sue me nga because of that. Marami kang pwedeng evidence. Marami ka ding pwedeng I-reason kung bakit ko nagawa 'yon. Pwedeng it's not an accident...pwede akong makulong," sabi ko anf pumiyok pa.

Unti-unti nanaman akong nag-o-overthink sa mga na-iisip ko.

Tumangis ang bagang niya, I don't know kung dahil sa ginagawa or dahil sa mga pinagsasabi ko.

"Hindi ka makukulong," he said.

Hindi ako umimik. Nanatili lang ang tingin ko sa kanya with my teary eyes.

"Hindi kita ipapakulong," dugtong pa niya sa akin.

Hindi ko totally pinanuod ang pag-gamot ni Julio sa self niya dahil it's so kadiri and nafe-feel ko talaga yung pain kahit hindi ko naman makita iyon sa kanya.

Dumb as bato na ata ang isang 'to.

Nawala ang attention ko sa kanya nang kumatok si Jolina. She's hysterical and takot na takot nga kanina dahil sa tunog ng baril.

"Sir, Ma'am...may bisita po," sabi niya sa amin. Even siya ay hindi maka-tingin sa sugat ni Julio.

"Sino daw?" matigas na tanong ni Julio.

The way he asked and sa tonality ng voice niya ay para bang if Jols said na it's our kalaban ay handa nanaman siyang maging action star even siya ay sugatan.

"Si August po," she said kaya naman nakita ko kaagad ang paglambot ng mukha ni Julio.

"Paki sabi kay Kuya sandali lang, tatapusin ko lang 'to," Julio said.

Pero bago pa man tuluyang maka-alis si Jolina ay humahangos nang pumasok si August sa room namin ni Julio.

"Anong nangyari?" he asked in a very nag-aalalang voice.

"Ayos lang ako, Kuya..." Julio said pero nagulat siya at sumunod na lang ang tingin kay August nang imbes na pansinin si Julio ay sa akin siya dumiretso.

"Ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak nanaman?" tanong ni August sa akin.

Nagawa pa niya akong patayuin para ma-inspect niya ang kabuuan ko.

"I'm...I'm fine lang."

Kumunot ang noo ni August, looks like nagalit siya. Nilingon niya si Julio at aawayin na sana nang mapahinto siya.

"Anong nangyari sa'yo?"

Tamad siyang tiningnan ni Julio, I saw pa nga kung paano bumaba ang tingin ni Julio sa hawak ni August sa braso ko.

"Sugat lang," he said in a very cool way na akala mo nadapa lang siya.

"Binaril ko," pag-amin ko kay August na mas lalo niyang ikinagulat.

"Vera...anong nangyayari sa'yo?" marahang tanong niya sa akin.

Because of the comfort na na-feel ko sa tanong niya ay nag-numb nanaman ang whole body ko at handa nanaman akong umiyak. I'm too emotional na talaga lately. Kahit ata mag-joke si Jols ngayon sa harapan ko ay iiyakan ko pa siya.

"I'm scared," pag-amin ko kay August.

Hindi ko din alam kung bakit it's easy for me na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko at hirap naman ako to open up when it comes to Julio.

"Saan?"

Nagkibit balikat ako at marahang umiling. "I don't know," sambit ko.

Hindi na ako naka-imik ulit nang hilahin niya ako para yakapin.

"Tsk. Kuya, lumabas ka muna..." pagtataboy ni Julio sa kanya pero walang pumansin.

"Tama na 'yan," he said pa din at nagawa pang tumayo akay-akay ang sugatan niyang braso.

"What?" matigas na tanong ni August.

"Wag kayong magyakapan sa loob ng kwarto namin...sa harapan ko," he said.

Mula kay August ay lumipat ang tingin ko kay Julio. Pumungay ang mata niya nang magtama ang mga tingin namin.

"Let's go outside at doon na lang magyakapan," yaya ko kay August na lalong ikinasimangot ni Julio.

Imbes na lumabas ay nag-alok pa nang help si August na tulungan siya with his sugat.

Napamura ng mahina si Julio habang binabalot ni August ang braso niya para ma-compressed at hindi na lumabas pa ang blood.

"Masyadong mahigpit," reklamo ni Julio.

"Tiisin mo kung gusto mo pang may braso," laban ni August.

After that ay tahimik na umupo si August sa may couch habang malalim ang iniisip. Ginamot niya lang ang sugat ni Julio pero yung pagod niya ay parang nilakad niya ang NLEX.

"Medyo sumakit lang ang ulo," tipid na sagot niya sa akin nang tingnan ko siya.

Hindi nag-abalang magbihis si Julio. Gusto pa nga sana niyang palabasin si August sa room daw namin for privacy pero hindi siya pinakinggan nito.

"Kamusta na kayo ni Vesper?" tanong ni Julio dito kahit I know naman na galit pa din siya sa situation.

Napabuntong hininga si August at napahilamos sa kanyang mukha.

"I...I love her, pero...hindi ko alam. May mali," he said. Ramdam kong naguguluhan din siya.

"You need to re-gain your memories first bago mo sabihin sa akin na mahal mo talaga ang babaeng 'yon," Julio said.

Bumaba kami for dinner. Si Jolina ang naglu-luto for us. She is true to her words na sasamahan niya ako at aalagaan para na din daw kay Daddy.

August even recognize her. Palagi daw niyang nakikita si Jolina pero hindi naman siya ganoon ka-close and walang chance na mag-usap since trabaho and Vesper lang umiikot ang mundo ni August.

"I'll set an appointment kay Doc Villanueva," rinig kong sabi ni Julio.

May pinag-uusapan sila ni August na hindi ko naman nasundan. I'm busy sa pagkain ko kahit hindi naman ako nakaka-kain ng maayos. I'm busy convincing my self na kailangan kong kumain, not just only for my well-being but most importanly ay para sa Baby inside me.

August stayed with us that night. Hindi na kami nagtanong pa ni Julio kung bakit hindi siya uuwi kay Vesper. It's problemang mag-asawa kaya naman it's not okay to intrude, unless he asked for our help about their problem.

Naka-tulala lang ako habang naka-upo sa 'taas ng bed namin ni Julio. Rinig ko pa ang tunog ng shower sa may banyo. Nagawa niyang maligo kahit may sugat, kung may sugat ako...hindi ako maliligo.

Narinig ko ang pagpatay niya ng shower, looks like palabas na siya kaya naman nag-ready na kaagad akong humiga and magtulog-tulugan na lang.

It's hard nga lang na gawin 'yon dahil ayaw din mag-close ng eyes ko. I'm scared na din sa dilim. I'm scared sa mga bagay na hindi ko alam.

Bumukas ang bathroom door. Nilingon ko si Julio and nakitang naka black cotton shorts lang siya and wala pa ding suot na pang-itaas. Understandable naman dahil sa sugat sa braso niya.

"Hindi ka pa inaantok?" tanong niya sa akin.

"Binasa mo ang wound mo?" tanong ko.

Marahan siyang umiling. Napanguso ako, so paano siya naligo nang hindi nababasa ang isang braso niya? Imbes na dagdag isipin ko pa 'yon ay hinayaan ko na lang. Malaki na si Julio and alam na niya ang ginagawa niya.

Umayos ako nang higa at hinarap ang ceiling. Hindi ko na ulit hinarap pa si Julio hanggang sa maramdaman ko ang paglundo ng bed dahil sa pagsampa niya.

Nagulat ako nang gumapang siya palapit sa akin. Hindi na ako naka-galaw nang huminto ang mukha niya sa tummy ko. Marahan niyang hinalikan 'yon bago siya gumapang para harapin ako and halikan ako sa noo.

"Good night," he said.

Nanatili lang ang tingin ko sa kanya kaya naman tipid siyang ngumiti sa akin.

"Tulog na si Baby. Kailan matutulog si Mommy?" marahang tanong niya sa akin.

Tipid akong ngumiti sa kanya. "He's awake pa..." laban ko.

Bahagyang tumaas ang kilay ni Julio. "He..." pag-uulit niya. Ramdam ko ang saya sa voice niya.

Halos mapasinghap ako nang gumapang ang malaki niyang hands papunta sa tummy ko.

"Kung babae at kamukha mo...mukhang sasakit ang ulo ko sa haba ng manliligaw," nakangising sabi niya.

Pinaunan niya ako sa isang braso niyang walang sugat.

"Akala ko hindi mo tatanggapin ang Baby ko," pag-amin ko.

Sa lahat ng nangyari sa amin and all the issues.

"Bakit naman hindi ko tatanggapin ang bunga nang pagmamahalan natin?" he said.

Napanguso ako dahil sa pagiging malalim ni Julio. Imbes na maging corny 'yon for me ay natuwa pa ako.

Nilabanan ko ang tingin ni Julio sa akin. I want to voice out din talaga kung anong tumatakbo sa isip ko. Baka makatulong para gumaan kahit papaano ang dinadala ko.

"If ever you're nagpapanggap lang na mabait sa akin and may other plan pa...Sana wag madamay ang baby natin," diretsahang sabi ko.

Nakita ko ang pagbabago sa mukha ni Julio. Looks like he's sad, na nasaktan, na disappointed? I don't know.

"With everything that happened naman naging true naman ako nung naging tayo. And you're right naman na this baby is bunga ng mga sex scenes natin," sabi ko sa kanya.

Umigting ang panga niya. "Love makings," pagtatama niya sa akin.

"Sex scenes with love," pagtatama ko din sa kanya.

Hindi na nagsalita si Julio after that pero hindi naman lumuwag ang yakap niya sa akin. Na-feel ko na naging sad siya dahil sa sinabi ko. Hanggang ngayon ay natatakot pa din ako na baka may other plan pa siya at nag lie low lang ngayon because nalaman niyang I'm pregnant.

Gustuhin ko mang ibigay sa kanyang ang hundred percent trust ko ay hindi ko magawa.

Tsaka lang ako nakatulog ng maayos that night dahil ramdam kong katabi ko si Julio. Nagising ako ng maaga the next morning na wala na siya sa tabi ko kaya naman nakaramdam ako ng takot.

Kaagad akong napa-upo at babangon na sana when I saw Jolina sa may couch sa may gilid ng bed ko at nagbaba ng kung anong libro.

"Good morning po, Ma'am Vera," nakangiting bati niya sa akin.

Binitawan kaagad niya ang ginagawa para harapin ako and maka-attend sa needs ko.

Nilingon ko ang buong room. "Si...Si Julio?" tanong ko.

Ngumisi si Jolina na para bang nang-aasar siya.

"Umalis po kaninang madaling araw habang mahimbing ang tulog niyo. Uuwi lang daw po sandali ng Sta. Maria para kumuha ng ibang gamit," she said.

Bumaba kami ni Jolina para daw makakain ng breakfast. Sumama naman ako sa kanya kahit wala naman akong gana kumain ng breakfast.

"Good morning," bati ni August sa amin nang maabutan namin siya sa may dinning.

"Hala, ako na dapat ang nagluto," puna ni Jols sa mga nakahandang food sa table na niluto ni August.

Nginitian siya nito. "Umupo na kayong dalawa at kumain," he said.

Napakamot ng ulo si Jolina. "Bawas 'yan sa sweldo ko tuloy," pamomorblema niya kaya naman natawa si August sa kanya.

"Hindi ko sasabihin kay Julio na hindi ikaw ang nagluto ng breakfast," nakangising sabi ni August sa kanya. Parang bigla silang nagkaroon ng mundo na dalawa.

We're about to start na sana mag-breakfast nang marinig namin ang pagdating ni Julio. Lumabas kaagad ako at binuksan ang front door para salubungin siya.

"Brunie!" sigaw ko ng makita kong karga niya ito.

Ngumiti siya sa akin. Imbes na lumapit silang dalawa ay ibinaba niya si Brunie sa floor para kusang tumakbo palapit sa akin.

"Brunie, you're so panget pa din," nakangiting sabi ko sa kanya.

Kinarga ko siya at niyakap. Natawa ako when he tried na dilaan ang face ko. He seems excited and happy na makita ulit ako.

"Nag-breakfast ka na?" tanong ni Julio sa akin.

Umiling ako bilang sagot. Naramdaman ko ang pagpulupot ng kamay niya sa bewang ko.

"Naka-usap ko na siya Bruno about our pregnancy. He's excited," Julio said.

Binaba ko din siya after our kamustahan so he can roam around the place.

After our breakfast ay nag-paalam si Jolina kay Julio kung pwedeng umuwi siya sa kanila kahit isang araw lang dahil miss na daw niyang ang family niya.

"Naiintindihan ko naman po," she said ng hingan siya ni Julio ng mga important documents.

Hindi siya na-offend. She knows naman daw ang kalagayan namin and naiintindihan niyang nag-iingat lang si Julio.

"Pangalan mo 'to?" tanong ni Julio.

Nasa may veranda kami while naka-tayo si Jolina sa gilid ng table na para bang nasa interview siya.

"Jorjane Linalei Tolentino."

Pinayagan ni Julio na umuwi si Jolina sa kanila for a while. Dahil doon ay mas lalo siyang naging hands on sa akin. Ayaw niyang ma-iwan akong mag-isa. Even si Brunie nga ay nakasunod kahit saan ako magpunta.

"Tatapusin ko lang 'to. May gusto lang gawin o kainin?" tanong niya sa akin.

Kanina pa siya abala sa harapan ng laptop niya. He said na tungkol 'yon sa case ng family nila at sa pagkawala din ni Daddy.

Nag-promise si Julio sa akin na hindi siya titigil hangga't hindi nagiging malinaw ang lahat. Hindi naman naging problem sa akin dahil alam kong inosente ang Daddy ko if ever dumating ang day na lumabas ang katotohanan.

"Where's Crystal nga pala. Buti pumayag siya na hindi ka makita," sabi ko.

Tumaas ang kilay ni Julio. Mula sa laptop ay nilipat niya ang tingin niya sa akin.

"We're not on good terms," he said.

"Ah, break na kayo..." pagtatama ko.

"Hindi naging kami," he said pa din kaya naman sumimangot na ako.

Hindi na lang ako sumagot pa so that hindi na humaba ang usapan namin about that girl. Baka kakaisip ko sa kanya ay maging kamukha pa siya ng Baby ko.

Nawala ang katahimikan namin ni Julio nang magulat kami dahil sa pagsigaw ni August. Mabilis kaming tumakbo papunta sa kanya, nakita namin kung paano siya mamilipit sa sakit ng ulo niya.

"Kuya August..." tawag ni Julio.

After a couple of that episode ay nakatulog si August. Kahit natutulog ay nakakunot ang noo niya na para bang may iniinda pa din siyang pain.

Tahimik kong pinanuod si Julio while answering alot of different phone calls. Some of it ay galing sa mga Doctors. Gusto niyang ma-check si August pero masyadong siyang nag-iingat na nagdadalawang isip siyang papuntahin ang mga ito dito sa place namin.

Napabuntong hininga na lang si Julio after ng mga calls and video calls na tinanggap niya.

Tipid siyang ngumiti sa akin nang lapitan niya ako para halikan sa noo. Narinig kong may kausap din siyang Doctor about my kalagayan naman.

"You're pagod na..." puna ko.

Marahan siyang umiling.

"Hindi. Kung para sa inyo...hindi," giit niya.

Bukod sa akin ay kailangan niya ding alagaan ang Kuya August niya. Julio niyo stressed at it's finest.

"Uuwi na lang ako kila Tito Keizer. I miss Yaya Esme," sabi ko sa kanya.

Wala na ang Daddy ko. Baka naman it's not delikado nang lapitan ko sila. For sure magugulat and matutuwa si Yaya Esme pag nalaman niyang magiging Lola nanaman siya.

"Ayaw mo dito sa akin?" tanong niya.

Hindi ako sumagot.

"Natatakot ka pa din na hindi ako totoo sa'yo?" dugtong niya.

Hindi pa din ako sumagot. Silence mean Yes.

Hindi na umimik pa si Julio, he knows na ata ang sagot.

"Mahal na mahal kita, Vera..." he said bago humigpit ang yakap niya sa akin.

Again, wala siyang narinig mula sa akin.

Unti unting bumalik ang ala-ala ni August. Parang every now and then sa tuwing lumalalim ang iniisip niya ay may na-aalala siya about him.

"Hindi mo ako nahintay..." he said nang magkaroon kami ng time na kaming dalawa lang.

"You're dead na and muling nabuhay. What do you want me to do? Maghintay sa multo?" tanong ko sa kanya.

Tipid siyang natawa but ramdam ko ang sadness doon. Ni hindi niya pa nga nakakausap ng maayos si Julio about it. Hindi din naman alam kung ano sa mga memories niya ang bumalik.

But the first thing na ginawa niya ay na-iyak ng maalala niya ang nangyari sa parents nila.

"Kuya August," tawag ni Julio sa kanya ng abutan niya ito ng water and some prescribed meds na galing sa Doctor na kausap niya.

Tumayo si August para salubungin ang kapatid niya. Pabiro niyang sinuntok ito sa braso. Napadaing si Julio nang tumama 'yon sa braso kung saan may sugat siya.

"Mang-aagaw," he said.

Nagulat si Julio dahil sa sinabi ni August. Nagulat din ako. Ayokong maka-saksi again ng action scenes sa harapan ko. Baka maging action star na din ang Baby ko dahil sa environment naming dalawa.

"Mahal ko si Vera," laban ni Julio dito.

I thought susuntukin ulit siya ni August hanggang sa kabigin niya si Julio para yakapin ito ng mahigpit.

Napasinghap si Julio at ginantihan ang yakap ng Kuya niya sa kanya.

"Akala ko hindi na ulit kita makikita, Kuya..." he said.

August needs to see a Doctor kaya naman nag take ng risk si Julio na magpapasok ng Doctor sa place namin.

"May problema?" tanong niya sa akin.

He saw ata yung titig ko kay Doc. Halos ayokong kumurap habang binabantayan ang mga kilos niya. Paano na lang kung bad pala siya at may gawing masama sa amin?

"Doctor Villanueva wants to talk to you...pero sa online lang muna dahil hindi din siya makakapunta dito. Tell me when you're ready," he said.

Hindi ko naman itatanggi na I need a help din ng ibang tao. Gusto ko na lang matapos lahat ng mga iniisip ko. Sa sobrang dami hindi ko na alam kung saan magsisimula.

"Brunie, eat a lot..." sabi ko sa kanya.

Tahimik ko siyang pinanuod habang busy siya sa pagkain ng Dog food niya. Kagaya dati ay malaki pa din ang tummy niya kaya naman hirap nanaman siyang umakyat sa may stairs.

Nakaramdam ako ng uhaw kaya naman pumunta ako sa may kitchen. Hindi pa man ako nakakapasok ay napahinto na ako nang marinig kong nag-uusap sina Julio and August.

"After ng problem dito...I'll file an annulment," August said.

"Susuportahan kita sa magiging desisyon mo, Kuya."

Sandaling natahimik ang kitchen hanggang sa nagsalita ulit si August.

"Do you really think may kinalaman si Tita Atheena dito?" he asked.

"Hindi ko din alam. Galit din si Lolo sa akin dahil hindi ko tinanggap ang position sa companya," Julio said.

"Anong pinag-gagagawa mo sa buhay mo, Julio Alexandron?"

"Architect..." tipid na sagot ni Julio sa kanya.

"Damn," matigas na sambit ni August.

Bahagya akong sumilip and I saw kung paano akbayan ni August ang kapatid niya.

"I'm proud of you, Julio. I'm sure na proud din sina Mommy at Daddy sa'yo," sabi ni August sa kanya.

"I don't think so. Hanggang ngayon hindi ko pa din nahahanap ang gumawa nito sa kanila," Julio said.

"Don't worry, Nandito na ako. We'll fight for the justice that we deserve."

Iba ang pakiramdam everytime na magkasama ang Calendar brother. Nakakatakot na nga si Julio na mag-isa lang siya. Pero mas nakakatakot ngayon na magkasama sila ni August.

"Pagbabayarin natin ang gumawa nito sa pamilya natin," August said in a full determination.

"Si Vinci..." sambit ni Julio.

"Walang kasalanan si Vinci."

Tumikhim si Julio. "Siya ang suspect ko all these years..." pag-amin niya.

"Ikaw ba ang nagpapahanap sa kanya para ipa-patay?" tanong ni August.

Hindi kaagad sumagot si Julio. Nakaramdam ako ng kung ano. Para bang yung mga doubts ko againt him ay unti-unti nanamang nagigising.

"Julio..." tawag ni August sa kanya dahil sa pananahimik.

"Hindi ko siya gustong ipa-patay...gustong mahirapan? Oo," pag-amin niya kaya naman nanigas ako sa kinatatayuan ko.

"Alam ni Vera?" tanong ni August.

"Gusto kong ubusin si Vinci hanggang sa sumuko siya. Hindi ko alam na pati si Vera..." Julio said.

"Walang kasalanan si Vinci...lalo na si Vera," August said.

Tumikhim si Julio. "May ibang humahabol kay Vinci bukod sa akin..." pag-amin niya. I know that part.

"You think it's Tita Atheena?" tanong pa din ni August.

Marahang umiling si Julio. "Pakiramdam ko...kilala ko na. Inakala kong kakampi ko, bukod sa plano namin ay may sarili din siyang plano," he said.

"Sino?"

"Si Crystal..." sagot ni Julio.

Hindi ko na kinaya ang mga naririnig ko kaya naman dahan dahan akong lumayo doon. Mabilis akong nagpunta sa kwarto ko hanggang sa muli nanamang manginig ang kamay ko nang makatanggap ako ng tawag mula sa kung sino.

"S-sino ka ba?" matapang na tanong ko sa kanya.

"Vera, si Crystal 'to," pagpapakilala niya kaagad kaya naman mas lalo akong natakot.

"Anong kailangan mo sa akin?" tanong ko sa kanya.

Ramdam ko ang takot sa boses niya. Parang hindi na siya si Crystal na palaging galit at masungit sa akin.

"Sigurado akong sisiraan ako ni Julio sa'yo...pero gusto kong malaman mo na delikado si Julio. Hindi mo pa siya kilala," she said kaya naman mas lalo akong naguluhan.

"Tigilan niyo na ako..." na-iyak na sabi ko. Hindi na ata kaya ng utak ko. Masyado ng magulo.

"Hindi ko hinihingi na maniwala ka sa akin. Pero hindi mo pa kilala si Julio. Hindi lang buhay mo ang delikado...pati si August," sabi niya na ikinagulat ko.

Paano niya nalamang buhay si August?.

"Alam ko ang mga plano ni Julio. Kung pakikingan mo ako at susundin ang mga sasabihin ko...tutulungan kitang maka-alis diyan," she said kaya naman mas lalong gumulo.

"Hindi mo ako maloloko," pinal na sabi ko sa kanya.

"Kagaya ng sabi ko sa'yo, alam ko ang mga plano ni Julio. Plano niyang ipapatay ang Daddy mo kaya naman..."

"Kaya naman ano?"

"Kaya naman iniligtas ko siya...nasa akin ang Daddy mo, Vera."

Hindi ako nakasagot. Hindi na ako makapag-isip ng maayos.

"Ako ang totoong kakampi mo, Vera. Iniligtas ko ang Daddy mo...pagbayarin natin si Julio," panghihikayat niya sa akin.

"Pabagsakin natin si Julio Escuel," she said pa.





(Maria_CarCat)



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro