Chapter 50
Wife
"Ang baby ko," Umiiyak na sumbong ko kay August when he tried na buhatin ako.
Hindi niya kaagad nagawa because he's scared din na galawin ako.
"Jolina, tara na..." tawag niya kay Jolina.
Bago pa man niya ako maangat nang tuluyan mula sa floor ay bumwelo nanaman si Julio para lapitan ako.
"Ako na, Kuya," matigas na sabi niya dito.
"Tumabi ka," madiin at galit na suway ni August sa kanya.
Hindi ko na sila pinansin na dalawa at kaagad na akong yumakap sa leeg ni August nang buhatin niya ako. Ma-ingat pero mabilis ang bawat galaw niya nang dalhin niya ako sa emergency room.
Rinig ko din ang sigaw ni Jolina to ask for help kahit nasa hallway pa lang kami. Para siyang wang wang sa ambulance para lang iinform ang lahat na may emergnecy situation kami.
"She's pregnant," sabi ni August sa nurse na sumalubong sa amin.
Hindi ko na sila pinansin pa and kaagad na humawak sa tummy ko dahil sa takot na may mangyaring hindi maganda sa baby ko. I almost lose him kanina, dapat ay nag-ingat na ako pero look kung nasang situation kaming dalawa ngayon. Mas dangerous.
Pinalayo silang tatlo nang lumapit ang Doctor sa akin. Hindi ko na maintindihan kung anong pinagsasabi nila. I just want to make sure na walang mangyayaring bad sa baby ko. Kahit ako na lang and wag lang siya.
Hindi ko na alam kung anong nangyari sa paligid ko. The last time na may malay ako ay narinig ko lang ang boses ng Doctor hanggang sa nagdilim na ang paningin ko.
I don't know kung ilang oras or gaano katagal akong nakatulog after the pangyayari. Nakaramdaman ako nang pain sa buong katawan ko lalo na sa bandang tiyan ko kaya naman kahit tamad pa akong gumising because of what I feel ay pinilit ko para lang malaman kung anong lagay ng Baby ko.
"Jols," tawag ko sa kanya. Siya kaagad ang nakita ko pagkadilat ko.
"Ma'am Vera," tawag niya sa akin. She sounds relieved dahil may malay na ako.
"How's my baby?" tanong ko kaagad kahit maging ako ay ramdam ko ang pagod sa voice ko.
"Ayos lang po ang baby niyo, Ma'am Vera. Madikit po ang kapit," she said.
Sinamaan ko siya nang tingin. "What do you think of my baby? Super glue?" tanong ko sa kanya at pagod siyang inirapan pero she smiled back at me lang.
Hindi ako kaagad gumalaw sa takot na baka maapektuhan non ang baby sa tummy ko. Muntik nanaman siyang mawala sa akin. Akala ko talaga kanina mawawala na siya sa akin.
Hindi nagtagal ay nakita ko ang paglapit ni August sa hospital bed na hinihigaan ko.
"Under observation pa kayo. Pagkatapos ay pwede na kayong ilipat ulit sa private room pag sigurado na," August said pero tiningnan ko lang siya. I don't know what to say pa.
Mula sa kanya ay lumipat ang tingin ko sa kabuuan ng emergency room. Bukod sa mga nurse ay wala nang iba pang nasa loob noon and some other patients din.
"Sino ba ang lalaking 'yon? Nasa labas, hindi ko pinapasok dahil baka mas lalong lumala ang lagay mo," August said.
Muling namuo ang tears sa eyes ko nang maalala kong Julio is here. Naghalo-halo na ang nararamdaman ko. Sa isang iglap ay nalaman niya na ang lahat. Alam na niya na buhay si August, alam na din niya na I'm pregnant. Hindi ko na alam kung paano ko pa malulusutan ang lahat ng ito lalo na't my Daddy is missing.
Inabot ko ang kamay ni August. Mahigpit kong hinawakan iyon for him to feel how sincere I am sa pakiki-usap.
"Please, find my Daddy. Baka may bad na nangyari sa kanya...kawawa nanaman ang Daddy ko," umiiyak na sabi ko.
Tumikhim si August will looking at me. "Hinahanap na siya ng mga kasama natin. Wag kang mag-alala mahahanap din natin ang Daddy mo," pagpapagaan niya ng loob ko.
But no words can lighten how heavy ang nararamdaman ko ngayon. Parang bigla akong nagkaroon ng mental block. Parang biglang hindi ko na alam ang gagawin ko, I can't even decide for myself na nga ata.
When the Doctor said na pwede na akong bumalik sa private room ay dinala na nila ako doon. Sa hallway pa lang ng hospital ay madami nang tao and may mga police pa dahil sa nangyari.
I even saw Julio talking to them. Nakita kong lumingon siya nang lumabas kami pero nag-iwas kaagad ako ng tingin sa kanya.
"Vera," tawag niya sa akin.
Natigil ang paghangos niya palapit sa akin nang humarang si August.
"Sino ka ba? Tigilan mo na si Vera," galit na sabi ni August sa kanya.
Doon lang ako nagkaroon ng will to look at him, and I saw kung paano puminta ang pain sa mukha ni Julio when his brother asked him kung sino ba siya. I want sana to be happy na makita siyang masaktan pero I'm not in the mood maghiganti pa right now.
But I will surely get back at him pag kaya ko na. I love him before pero sa mga nangyari between us...it's right and just lang for me to consider him as our enemy.
No more keeping your friends close and your enemy closer. Away kung away. Galit kung galit.
"Boyfriend niya ako. Ako ang ama ng dinadala niya," matigas na sagot ni Julio kay August. Looks like wala na siyang pakialam kung si August iyon, he's willing ipaglaban ang side niya kahit he's still gulat pa din because buhay ito and worst ay hindi pa siya kilala.
Nilingon ako ni August that's why nag-iwas ako ng tingin. Looks like he wants a confirmation from me kung totoo ang mga pinagsasabi ni Julio.
Marahan akong umiling bilang sagot. First of all, hindi ko siya boyfriend. At wala din siyang anak sa akin, he has no rights sa baby ko gayong he want us dead. Harmful siya for me and my baby kaya manahimik siya diyan.
"Vera..." tawag niya sa akin. Kumunot ang noo ko nang marinig kong he was close sa pagpiyok pero wala akong pakialam.
Isang beses siyang tinabig ni August, dahil sa panghihina ay napaatras si Julio.
Hindi na siya nakapalag pa nang makapasok na kami sa private room for me. Hindi ko na naisip pa kung paano babayaran ang mga expenses here sa hospital. Sobrang daming problem ang dumating, gusto ko na lang matulog and isiping sana it's panaginip na lang ang lahat ng ito.
Wala pa akong ilang minuto sa room ko ay nagulat na kaagad ako dahil sa kaguluhan sa labas. Nakaramdam ako ng takot nang marinig ko ang galit na boses ni Mommy.
"Maselan ang lagay niya," suway ni August.
Masyadong malakas si Mommy and violent kaya naman nalagpasan niya si August at nakapasok sa room ko.
Mahigpit akong napakapit sa kumot ko dahil sa takot na saktan niya ako. She was fury.
"Kasalanan mong lahat ito. Punyeta ka talagang bata ka!" sigaw niya sa akin.
Kung hindi siya nahawakan ni August, for sure ay nakalapit na siya sa akin at sinaktan na ako.
Halos manginig ang buong body ko sa takot and gulat. Kagagaling ko lang sa isang delikadong kalagayan pero heto't I need to face her wrath nanaman sa hindi ko malamang dahilan. Everytime na kikita ako ni Mommy ay parang nakakakita siya ng pwedeng sisihin ng lahat ng kasalanan ng mundo.
"Sana ikaw na lang yung nawala at hindi si Vinci! Sana ikaw na lang, mamatay ka na lang!" she said kaya naman mas lalo akong napatulala.
Hearing those words galing mismo sa bibig niya ay parang pinatay na din niya ako. Mas masakit because hindi physical pain iyon na pwedeng mawala after some time.
"Mawala ka na lang para matapos na ang lahat," she said pa din habang nagwawala.
Hindi ako makapagsalita nang maayos. Nangingilid ang luha sa mga mata ko, ramdam ko ang panlalambot ng buong katawan ko at panginginig ng mga hands ko.
Hinila ni August si Mommy palabas ng room ko. Because of that ay nagkaroon ng chance si Julio na makapasok.
"Ma'am Vera," takot na tawag ni Jolina sa akin because of Julio's presence.
"Iwan mo na muna kami," walang emotions na sabi ko sa kanya.
Hindi na ako makapag-isip nang maayos. Bahala na kung anong mangyari sa akin. I'm so pagod na. Pagod na ako.
Nanatiling nakatayo si Julio sa gilid ng bed ko hanggang sa narinig ko ang pagsinghap niya.
"You're pregnant," he said.
Hindi ko alam kung anong emotion ang nasa voice niya while saying that dahil wala na akong kahit anong maramdaman.
Sinubukan niyang lumapit sa akin, he wants to hug me sana nang kaagad ko siyang pinigilan.
"Go on, patayin mo na ako," walang ka-emo-emosyon na sabi ko sa kanya.
Si Daddy na lang ang natitirang nagmamahal sa akin. Ngayong nawawala siya, nawawalan na din ako nang pag-asa na everythings gonna be alright pa soon.
"Wag mong sabihin 'yan, Vera."
Muling tumulo ang masasaganang tears galing sa eyes ko.
"Pagod na ako. Ayoko na dito," sumbong ko kay Julio.
It's funny na sa kanya ako nagsuusmbong kahit kaaway ko siya.
"Gusto ko na lang ding mawala kagaya ng Daddy ko. Hirap na hirap na ako dito," sabi ko sa kanya. Hindi ko na din marinig nang maayos ang voice ko dahil sa pag-iyak.
Hindi na siya nagpapigil at kaagad na yumuko para yakapin ako. It's labag sa loob ko pero masyado na akong nanghihina para makalaban pa sa kanya.
"Buntis ka. Damn it, wag mong sabihin 'yan," he said.
Hinayaan kong yakapin niya ako. Hindi ako nagpakita ng kahit anong emotion sa kanya.
Ramdam kong nagulat si Julio dahil sa ipinakita and ipinaramdam ko sa kanya. Walang kahit ano, tahimik lang akong umiyak.
"Hindi ko alam kung nasaan ang Daddy mo. Hindi kita sasaktan, Vera. Nasaan nanggagaling 'yan?" he said na para bang nakalimutan niya lahat ng sinabi at ginawa niya sa akin before.
"Sinungaling," I said.
"I'm sorry," he said bago ko nakita kung paano tumulo ang luha from his eyes.
"Hindi kita mapapatawad," pinal na sabi ko.
I know naman na mas may kasalanan kami sa kanila, edi wag din niya akong patawarin para the feeling is mutual.
Napasinghap si Julio. "Hindi ko na hahanapin ang Daddy mo. Hindi ko na siya ipapakulong...hindi na ako hahanap ng hustisya para sa pamilya ko," he said habang garalgal ang voice niya.
Ramdam kong he's eager to win my sympathy for him pero ramdam ko ding mahirap ang masakit sa kanya ang mga sinabi niya. All he wants lang naman ay magbayad ang may kasalanan sa family niya.
"Bumalik na tayo sa dati..." he said na para bang takot siya sa kung anong hindi ko alam at wala akong pakialam.
"Bumalik ka na sa akin," he said.
"Hinding hindi na, Julio." matigas na sabi ko and it's final.
Halos malukot ang mukha ni Julio dahil sa sinabi ko sa kanya. Then I remember na Julio's afraid na maiwan siya. Nagalit nga siya sa akin before kasi iniwan ko siya nang walang pasabi and ginawa ko ulit iyon ngayon.
Bumukas ang pinto at pumasok si August. Tumigas lalo ang mukha niya nang makita niyang malapit si Julio sa akin. Walang pasabi niyang hinawakan ang kwelyo nang suot na damit niyo.
"Sabing layuan mo si Vera," galit na sabi nito and halatang gigil din.
"Hindi ko gagawin 'yan, Kuya!" matapang at diretsahang sabi niya sa pagmumukha nito.
I saw kung paano natigilan si August.
"Tigilan mo ang kakatawag sa akin ng ganyan, hindi kita ka-ano-ano!" galit na sabi ni August dito at bayolenteng binitawan si Julio dahil kung bakit halos ma-out of balance siya.
Alam kong mabigat din ito for him. Pero malaki na siya, kaya na ni Julio 'yan.
"Hindi niyo ako mapapalayo kay Vera at sa anak namin," matapang na sabi ni Julio.
"Ayaw ka niyang makita," giit ni August.
Tumigas ang mukha ni Julio kasi makapal ang mukha niya.
"Dito na lang," paninigurado niya.
Sinubukan akong kuhanan ng statement ng mga pulis pero nakaharang kaagad si Julio and August para pigilan sila. Naguunahan pa nga silang dalawa kung sino ang kakausap.
"Kapatid talaga siya ni August? Magkamukha sila..." Jolina said.
Tipid ko siyang tinanguan kaya naman napasinghap siya.
Nanatili si Julio sa loob ng kwarto kahit wala namang kumakausap o pumapansin sa kanya. Limitado tuloy ang bawat galaw ko dahil ramdam ko ang tingin niya sa akin. Para bang every move I make ay gusto niyang panuorin.
"Sir Damien," tawag ni Jolina dito.
Nakita ko ang pag-aalala sa face niya. May dala din siyang basket of fruits para sa akin.
"Dumiretso kaagad ako dito ng mabalitaan ko ang nangyari," he said.
Marahan lang akong tumango sa kanya. Ayoko sanang tumanggap nang kahit na sinong visitors pero I still need to appreciate din naman ang effort ni Damien para pumunta dito.
"Nawawala daw ang Daddy mo? Nagpatulong na ako para mahanap siya," he said kaya naman tipid akong ngumiti.
I'm happy and lucky pa din dahil maraming gustong tumulong sa amin para mahanap si Daddy.
Damien stayed there and even talked to August pa. He's willing to help us sa hospital expenses at sa paghahanap sa Daddy ko.
"Aayusin ko kaagad," rinig kong sabi ni Damien.
"Na-ayos ko na 'yan," seryosong sabi ni Julio at tumayo pa talaga para lang makipagpantayan kay Damien.
"Hindi ka kausap dito kaya wag kang sumabat," Sita ni August sa kanya.
Parang biglang nawala ang tapang ni Julio. Nagpabalik balik ang tingin niya kay Damien at sa Kuya niya bago ko nakitang bumagsak ang balikat niya at nilingon ako.
Walang ka-emo-emosyon ko siyang tiningnan kaya naman mas lalong pumungay ang kanyang mga mata. If nararamdaman niyang walang may gusto sa kanya dito, he should leave na dahil 'yon ang totoo.
"May bibilhin lang ako sa labas, may gusto kang kainin?" tanong niya sa akin.
Hindi pa ako nakakasagot ay may pumasok na sa loob ng room ko. Isa iyon sa mga tauhan ni Damien and may dala itong foods para sa amin.
Nakita kong sumunod ang tingin ni Julio sa mga pagkaing dala nito at tipid na tumango na para bang he knows na kung anong pwede kong isagot.
I want him to feel bad pero part of me ay ayaw nang ganoon. Hindi ko alam. Naguguluhan na din ako.
"Babalik ako," paninigurado niya sa akin na hindi ko na lang pinansin. Walang nagtatanong.
Hindi kaagad nakabalik si Julio after niyang mag-paalam na aalis. After naming kumain ng lunch ay nakaramdam ako ng antok kaya naman nakatulog ako. Padilim na sa labas nang magising ako.
Wala pa ding balita tungkol kay Daddy kaya naman sa bawat oras na nawawala siya ay mas lalong nagiging numb ang buong katawan ko.
"Ilabas mo na ang Daddy ko," salubong ko kaagad kay Julio.
"Hindi ko tinago ang Daddy mo. Hindi ko pa ulit siya nakikita," he said pero hindi na ako naniniwala.
"Walang ibang pwedeng gumawa nito sa kanya kundi ikaw lang. Ikaw lang naman ang may galit sa buong family namin," madiing sabi ko sa kanya.
"Wala akong alam sa pagkawala ng Daddy mo," paninigurado niya sa akin.
"Niligtas ng Daddy ko si August. So that in time he can prove his innocence. Kayang niyang ilaban ang pagiging inosente niya pero may pumipigil kay Daddy..." pagsisiwalat ko kay Julio. It's time na din for him to know.
"Sa oras na sumuko siya...papatayin ako. Sa oras na mahuli mo siya, papatayin niya ako," paguulit ko pa para mas ramdam niya.
Napatitig si Julio sa akin. Looks like hindi niya ma-absorb ang mga sinabi ko.
"W-what do you mean by that?" tanong niya hindi pa din makapaniwala.
"Gusto mo siyang mahanap, gusto mo siyang mahuli...not knowing na nilalagay mo sa danger ang life ko," pagpapaliwanag ko.
"But that's not the point anymore. Ang point dito ay ilabas mo ang Daddy ko dahil lalaban kami ng patas sa'yo," giit ko sa kanya at unti unting naging emotional.
"Wala sa akin ang Daddy mo, Vera..." he said and halos magmakaawa siya sa akin na pakinggan and paniwalaan ko siya.
"So anong pang ginagawa mo dito? Umalis ka na at hanapin siya. Iyon naman ang goal mo right? Hanapin ang Daddy ko at ipakulong siya..." laban ko sa kanya.
"Hindi ko na hahabulin ang Daddy mo. Ayokong makita mo ako na kalaban mo. Susuko ako sayo, Vera. Wala na akong pakialam sa pinaglalaban ko, gusto ko kayong makasama ng magiging anak natin," he said with full of emotion.
Marahan akong umiling. "Anak ko lang ito, Julio. Hindi kita binibigyan ng right para sa baby ko," laban ko.
Umigting ang panga niya at bayolente siyang napalunok.
"Gusto ko kayo ng anak natin..." he said pa din.
"Wala kang anak sa akin," madiing sabi ko.
"May karapatan ako sa anak natin," he said.
Ngumisi ako. "You're not even sure nga if ikaw ang Daddy nito. Hindi ba pwedeng gumising ako isang araw and pregnant na ako? Not everything is about you, Julio!" laban ko sa kanya.
Namula ang mukha niya and ang eyes niya din.
Lumapit siya sa akin kahit gaano katalim ang tingin ko sa kanya. I was about to push him away pero hinawakan niya ang hands ko. Halos mapasinghap ako ng maramdaman ko ang kamay niya sa tummy ko.
"Kailan mo nalaman? Paano mo na laman? Bakit hindi mo sinabi? Hindi mo sasabihin..." marahang sabi niya pero ramdam ko yung sadness doon.
"Hindi ko sasabihin sa'yo..." matapang na pag-amin ko.
Kung hindi naman niya nalaman ngayon ay hindi ko naman talaga sasabihin sa kanya. I'm fine lang na kami lang ng Baby ko.
"Bakit?" tanong niya and pumiyok pa.
Tinitigan ko siya sa mata. "Harmful ka para sa baby ko. Gusto mong saktan ang Lolo niya, ako, at siya...You're not going to be a good father sa kanya," I said na pinagsisihan ko din naman kaagad because nadala lang ako ng emotions ko.
"Ni hindi nga kita kayang saktan...lalo pa ngayon na buntis ka," marahang sabi niya. Konti na lang ay iiyak nanaman siya sa harapan ko.
"Pag nakuha mo na ang justice sa family mo at napatunayan na innocent ang Daddy ko...I hope hindi na tayo magkita ulit," I said.
"Hindi ako papayag," mariing laban ni Julio.
"We don't need you."
Mariing napapikit si Julio bago tumulo ang luha mula sa mga mata niya.
"A-ako...tinanong mo ba ako?"
Hindi ako nagsalita.
"Tinanong mo ba ako kung ayos lang na umalis ka noon? Tinanong mo ba ako kung ayos lang na umalis ka ulit?"
"Tinanong mo ba ako kung kaya kong ma-iwan ulit? Halos mabaliw ako nung malaman kong umalis ka. Umalis ka ulit na para bang ang dali-daling iwanan ako," he said at pumiyok pa.
Hindi ko sinagot si Julio because hindi ko din naman alam kung anong isasagot ko sa kanya. I feel din naman yung pain niya pero masyado pang magulo ngayon para intindihin ko pa 'yon. Ayoko na uliyt ma-stressed dahil I need to think din sa safety ng baby ko.
"Don August Escuel," Pagpapaalala ni Julio sa Kuya niya.
Hindi siya tumigil everyday na ipagpilitan na magkapatid sila kahit hindi naman siya pinapansin ni August.
"Wala akong panahon para sa mga kwentong gawa-gawa mo," walang emosyon na sabi ni August sa kanya.
"Akala ko hindi na ulit kita makikita, Kuya..." Julio said kaya naman nakaramdam ako ng kirot because of that.
Napatigil si August and kumunot ang noo na para bang sumakit ang ulo niya.
"Wag ka nang magsalita," he said.
Natahimik si Julio nang may kumatok, hindi nagtagal ay nagulat ako sa aking nakita. Dahil sa pagdating ng hindi inaasahang bisita ay mabilis na napatayo si August.
"Andito na ang asawa ko," August said na mas lalo kong ikinagulat.
Kung gulat kami ni Julio ay mas gulat ang bisita namin. Nahulog ang plastick na hawak niya na may lamang mga prutas.
"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni August dito at kaagad na yumuko para pulutin ang mga nagkalat na prutas.
"Matagal mo nang alam na buhay si Kuya August?" gulat pero may galit na tanong ni Julio sa kanya.
Halos mamuti ang mukha niya habang nakatingin kay Julio.
"Wag mo ngang pagtaasan ng boses ang asawa ko," galit na suway ni August sa kanya.
"Matagal mo nang alam, Vesper!?" galit na tanong ni Julio.
"M-magpapaliwanag ako, Sir Julio..." natatakot na sabi niya.
Halos hindi din ako makapagsalita dahil sa mga nalaman.
"Kilala mo siya?" tanong ni August kay Vesper na ipinakilala niyang asawa niya.
Hindi kaagad sumagot si Vesper.
"Niloloko mo ang Kuya August ko," Julio said kaya naman unti unting na-iyak si Vesper sa harapan namin.
Dinuro ni August si Julio. "Manahimik ka na," he said.
Sinubukang lapitan ni August si Vesper pero kaagad na napadaing ito dahil sa pagsakit ng ulo niya.
"Kuya August," tawag ni Julio dito pero aagad niyang tinulak palayo si Julio.
Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko dahil sa drama scene na nangyayari sa harapan ko ngayon. Madrama na ang life ko tapos madrama din ang paligid. Hindi na ako magtataka kung maging artista ang Baby ko soon dahil sa mga nararanasan naming dalawa.
Inakay ni Julio palabas ang kuya August niya kaya naman naiwan ang umiiyak na si Vesper sa loob ng room ko.
"Bakit mo itinago si August kay Julio. You had all the chance na sabihin sa kanya na buhay ang kapatid niya," sabi ko sa kanya kaya naman mas lalo siyang naiyak.
"Gusto ko lang ding tulungan si Tay Vinci kaya hindi ko sinabi..." giit niya sa akin.
"And nagpakasal pa kayo? Walang maalala si August. You took advantage of him," giit ko.
"Wala ka nang magagawa. Kasal na siya sa akin, hindi na magiging kayo," giit niya na ikinagulat ko.
Parang may tinatago siyang galit sa akin and she's scared na kuhanin ko si August sa kanya. Like what the fuck?.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro