Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 49

Baby





Nakita ko kung paano nagtagal ang tingin ni Elisse sa akin. Looks like she's expecting na mag-react ako. She's waiting ata sa violent reaction ko pero hindi ko ibibigay iyon sa kanya. I stayed and look calm na para bang hindi ko kilala ang tinutukoy niya.

Julio Escuel? Who's that ba? Gardener nila?...Aso nila?.

"That's good. How about Fiona? Pupunta din ba ang kaibigan mong 'yon. Nagkaayos na ba kayo?" tanong ni Damien.

Tingnan mo nga naman. Bukod sa makakakain na ako ng free Lasagna ay mukhang may free chismis pa about their friendship. Ano kayang pinag-awayan nila ng girlfriend ni Sherk?

Dati pa lang naman ay feel ko nang niloloko lang nila ang mga sarili nilang mag-friends sila. Kulang na lang pag-agawan nila si Julio and August before sa harapan ko.

"I don't know. Wala akong problema sa kanya...siya ang may problema sa akin," Elisse said na para bang she did something na kailangang palakpakan and need pa mag standing ovation.

Muli siyang tumingin sa akin at nagtaas ng kilay. She is so feeling na mas mataas siya sa akin ngayon just because I'm here for the free Lasagna.

"Sir Damien, handa na po ang pagkain sa dinning," sabi ng isa sa mga house helper nila.

Kaagad na tumayo si Damien para alalayan ako. Nakita ko ang pagsunod ng tingin ni Elisse sa bawat galaw ng cousin niya kaya naman mabilis kong binawi ang hands ko kay Damien.

"I'm...I'm fine na. I can walk by myself," sabi ko sa kanya.

Tipid siyang ngumiti sa akin at hindi na nagpumilit pa. Kahit hinayaan niya ako ay pansin ko naman na he's alerto pa din sa tabi ko in case ma-out of balance ako or what so ever.

"Saan mo napulot bagong friends mo, Kuya Damien?" nakangising tanong ni Elisse sa kanya.

"Elisse," tawag ni Damien sa kanya ang tunog may pagbabanta pa.

Ngumisi si Elisse and nagtaas ng kilay habang nakahalukipkip pa. Tiningnan niya ako from my head to paa and ngumisi na para bang she's really amazed by something na hindi ko naman alam kung ano.

Baka she's amazed na kahit I wear cheap and unfashionable clothes ay mas maganda pa din ako kesa sa kanya. Kahit mag suot pa siya ng gown sa harapan ko ngayon ay mukha pa ding siya yung step sister ni Cinderella.

"Sumama ka na sa amin kumain ng mirienda," Yaya ni Damien sa kanya.

Kaagad siyang tumanggi. Buti naman!.

"I need a beauty rest. And I don't eat carbs...I need to prepare para sa party ko," she said and kaagad kaming tinalikuran para bumalik sa beehive niya. The way she act para siyang Queen Bee. True naman, Queen B siya...Bida bida!.

"Pagpasencyahan niyo na yung pinsan ko," sabi ni Damien. Looks like siya ang nahihiya para sa ma-attitude niyang pinsan.

"I don't know the word pasencya," laban ko sa kanya kaya naman ngumisi siya.

Hindi na lang niya iyon pinansin. Dumiretso kami sa dinning room nila. Napanguso ako when I saw kung gaano kahaba ang dinning table nila. 12 seaters ang dinning table, it's not naman my first time na makakita ng ganoon pero dahil sa situation ko ngayon ay nakaka-miss din ang mga ganitong bagay.

"Wow, ang dami niyo pong pinaluto, Sir Damien."

I couldn't agree more kay Jolina. Halos mapuno ang kalahating part ng dinning table nila dahil sa mga food na nakahanda.

"Pwede niyong iuwi ang hindi niyo mauubos," nakangiting sabi niya sa amin kaya naman humaba lalo ang nguso ko.

Mahihiya na sana ako because makikikain na nga kami with take out pa, pero hindi ko gagawing mahiya dahil hindi deserve nang ganda ko 'yon.

Inasikaso kami ni Damien, kumain din siya with us. Una kong kinain yung Lasagna because I'm craving na talaga sa ganoon. Looks like my baby likes it talaga kasi kung ako lang ay hindi naman ako kakain ng marami because that's too much carb consumption na din.

"Pumunta kayo sa party sa susunod na araw. Kung wala kayong susuotin...sabihin niyo sa akin," Damien said. Masyadong mai-ingay eh I'm busy nga to eat.

"Sige po, Sige po..." sagot ni Jolina. She sounds so excited pa nga. Mas excited pa ata kay Elisse ang isang ito.

"I'm not sure. My sched is a bit hectic..." sagot ko kay Damien na ikinagulat ko din naman sa huli.

"Busy kayo, Ma'am? Saan po?" tanong ni Jolina sa akin.

Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Hindi naman nagtagal ang galit ko sa kanay because she's right naman. Busy ako saan?. Wala naman na akong work para magkaroon pa ng busy sched.

Maybe nasanay lang ako na I'm working sa plantation and even sa office. Hindi din ako sanay na ang unproductive ko everyday. Sayang ang beauty and brain ko kung tutunganga lang ako sa house namin.

"Naghahanap ka ng trabaho? Pwede kitang ipasok sa Dairy factory namin," Damien said.

Kumunot ang noo ko. "You mean the milk factory? Anong work? Mag gagatas ng mga cows...hahawakan ko ang mga boobs nila to produced milk?" tanong ko sa kanya kaya naman mas lalong lumaki ang ngiti sa labi niya.

Nagkibit balikat siya sa akin. "Pwede naman kung iyon ang gusto mong trabaho."

Sumama ang tingin ko sa pagkain sa aking harapan. "No way. Like ew, ang bastos naman kung hahawakan ko ang boobs ng baka, Damien. Learn naman how to respect the mother cow. At inaagawan niyo ang baby niya sa milk...ang heartless," laban ko.

Kayang kaya kong ipaglaban ang karapatan kahit pa ng mga animals.

Tumawa si Jolina na nasa tabi ko. Nanatili ang tingin ni Damien sa akin na para bang he's looking at some puzzle at hindi niya ako ma-solve.

"Natatawa ako sa inyo, Ma'am. Pero ano pong sinabi niyo?" tanong ni Jolina sa akin at humilig pa.

Mukhang mauubusan na talaga ako ng dugo sa kanya at sa paligid ko kaya naman napa-poker face na lang ako. I'm tamad to explain pa yung sinabi ko.

After naming kumain ng mirienda ay ipina-ayos kaagad ni Damien sa mga house helper nila ang mga food para daw I-uwi namin. While waiting sa pag-aayos ay muli niya akong nilapitan.

"Nagustuhan mo yung mga pagkain?" tanong niya sa akin.

Tipid akong tumango. "Yes," tipid ding sagot ko. I'm too busog para makipagkwentuhan. But I know din naman to show gratitude for all the panlilibre niya sa amin ni Jolina.

"Pag may kailangan pa kayo...ikaw, sabihin mo lang sa akin," he said at napakamot pa sa kanyang batok na para bang he's shy pa sa akin.

Gusto kong umirap sa kawalan. Isa nanaman pong lalaki ang may crush sa akin. Hindi na ako magugulat because I know naman how pretty I am. Hindi din naman iyon kayabangan...I just know how to value my self lang and I'm just confident kung ano ako.

"Ang need ko right now ay katahimikan," sabi ko sa kanya.

This is one of the few times na nakaramdam ako ng sobrang pagkabusog. I'm not comfortable about it kaya naman wala din talaga ako sa mood na makipagchikahan sa kanya.

Mukhang he gets it kaya naman tipid siyang ngumiti sa akin at tumango. Nag prepare na kami sa pag-alis nang lumabas na ang mga house helper nila dala ang mga foods. Hindi lang basta isang eco bag 'yon.

"Let's go. Ihahatid ko na kayo," Yaya niya sa amin.

Pagkalabas ng front door ay muli nanaman akong napanguso when I saw kung anong car ang naghihintay sa amin. Isang black Jaguar XF.

"Ang gwapo ng sasakyan," namamanghang sabi ni Jolina nang makita 'yon.

Hindi na ako kokontra because it's true naman.

"Eh yung may-ari ng sasakyan?" nakangising tanong ni Damien sa kanya pero after ng tanong niya kay Jolina ay nilingon niya ako.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "What?" tanong ko sa kanya.

Masyadong mahal ang pagbibigay ko ng compliment. Sabihin niya muna please, Master Vera kung gusto niyang sabihin kong gwapo siya.

Ngumisi lang siya sa akin at marahang umiling. Inirapan ko ang sasakyan pero kaagad akong nagulat nang sikuhin ako ni Jolina.

"Sabihin niyo, Ma'am...gwapo si Sir," nakangising bulong ni Jolina sa akin.

Kumunot ang noo ko. "Ayoko. Ikaw na lang if you want," laban ko sa kanya.

"Si Ma'am naman..."

"Si Jolina naman..." panggagaya ko sa kanya at inirapan siya pagkatapos.

I know kaagad na it's wrong na makitang magkasama kami ni Damien sa bahay dahil malayo pa lang ay naging giraffe na kaagad si Mommy. Parang biglang humaba ang leeg niya when she saw kung paano kami bumaba ni Jolina sa mamahaling car nito.

After mag thnak you kay Damien ay nagpaalam na din siya kaagad sa amin. Halos gusto ko na siyang itulak paalis para lang hindi na siya maabutan pa ni Mommy at baka kausapin pa. Wala pa naman siyang ibang alam sabihin tungkol sa akin kundi puro masama towards me.

"Uuwi na po muna ako sa amin, Ma'am Vera..." paalam ni Jolina sa akin. Looks like she's excited iuwi sa kanila ang mga pagkaing dala.

Tumango ako sa kanya kaya naman dumiretso na din ako pauwi sa amin kahit I know naman na kanina pa nakatingin si Mommy sa akin.

"Aba-aba..." she said. Umpisa pa lang I know na kaagad.

"I have pasalubong po na foods," sabi ko sa kanya. Baka naman sumaya siya sa foods na dala ko.

"Mapakikinabangan din pala natin 'yang ganda mo," she said na ikinagulat ko.

"What do you mean po?"

Nagtaas siya nang kilay, she looks at me na para bang she's nanunuya.

"Kunwari ka pa! Pag niligawan ka ng Gallego na 'yan...sagutin mo kaagad!" she said na para bang it's not a big deal lang.

"Hindi po niya ako nililigawan. At hindi ko din po siya sasagutin if ever," sabi ko sa kanya at tangkang tatalikuran na siya nang hawakan niya ako sa braso.

"Aw! Mommy you're hurting me po," reklamo ko dahil sa higpit nang hawak niya sa braso ko.

"Sobrang tanga mo. Manang mana ka sa Tatay mo...gigil na gigil na talaga ako sa inyong mag-ama. Mga inutil, mga walang silbi!" asik niya sa pagmumukha ko.

"You always say bad towards me and Daddy...pero ikaw nga din po, Mommy...wala ka namang ginawa to help this family. You forgot nga po di ba kung bakit nalugi ang business natin noon?" sabi ko sa kanya.

I don't want to say this sa kanya pero kailangan niya ding magising sa reality na may kasalanan din naman siya kung bakit naging ganito ang life namin. Siya ang unang nalulong sa sugal, then nung naghirap si Daddy ay iniwan niya para sa ibang lalaki.

She's lucky enough na tinanggap ulit siya ni Daddy. She's lucky enough na I'm still considering her as my Mom.

"Bastos ka!" asik niya at muli nanamang nagdumb ang pisngi ko dahil sa sampal niya.

Hindi na ako naka-imik pa. Hindi ko na napigilan nang tumulo ang tears sa eyes ko dahil sa pinaghalong physical and emotional pain dahil sa ginawa niya.

"Sometimes, I want to ask you din po kung bakit ipinanganak niyo pa ako kung ayaw niyo naman sa akin. You really think po ba na I'm happy with my life?" tanong ko sa kanya. My voice broke dahil sa emotions and sa tears ko.

Hindi naka-imik si Mommy. "Starting today, I'll stop asking you na maging Mommy sa akin because pagod na po ako. Hindi ko na po kayo pipilitin...wala na po akong pakialam kung sa isip niyo wala kayong daughter na kagaya ko," diretsong sabi ko sa kanya.

Natameme si Mommy dahil sa sinabi ko. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para talikuran siya, iniwan ko sa dinning table ang mga foods na dala ko bago ako nagkulong sa kwarto.

Everyone can act and forget about me. Pwede silang mag-act na para bang hindi ako nagexist sa mundo. Wala na akong pakialam if everyone forgets about me. Gusto ko na lang ding mabura sa memory nila.

Mas gusto kong kami na lang nang baby ko.

"Vera, anak..." tawag ni Daddy sa akin nang sumapit na ang gabi. I know na tinatawag niya ako because we need to eat dinner na.

"Tulog pa po ako, Daddy..." sagot ko sa kanya.

Humaba ang nguso ko nang marinig ko ang tawa niya mula sa labas. After niyang matawa ay sunod sunod naman ang naging pag-ubo niya. Ilang days ko nang naririnig iyon kaya naman kahit ayoko sanang tumayo ay ginawa ko to check din his kalagayan.

"Hindi pa din po kayo nag-drink ng meds niyo? Pinabilhan ko na po kayo ng gamot..." sabi ko sa kanya.

"Uminom na ako, Anak..." he said kahit I'm duda.

"You need to be healthy po all the time, Daddy..." sabi ko sa kanya and pakiusap na din.

I don't what to feel pa kung pati siya ay mawala ulit sa akin.

Tipid na ngumiti si Daddy. Hinala niya ako para yakapin.

Muli nanaman akong naging emotional nang maalala ko yung sinabi nang lalaki kanina. Julio wants us dead. Hindi na si Daddy ang gusto niyang mawala ngayon kundi kaming lahat na.

Hindi ko alam kung ano pang mararadaman ko sa kanya ngayon. Yung galit ko towards him hindi ko alam yung extent because kahit anong pilit kong ramdamin iyon ay wala akong maramdaman. Looks like yung galit ko ay nagtatago, lalabas sa tamang panahon and situation, and that's delikado kasi baka hindi ko ma-control.

"Pwede akong magpatulong kay August kung totoo nga yang pagpunta niya dito," Daddy said.

I told him about yung narinig ko sa tawag and yung sinabi ni Elisse na pupunta si Julio dito to attend a birthday party.

"Ang sama naman pala nang Julio na 'yan," si Mommy.

"Nawalan siya nang pamilya, hindi natin masisisi yung bata," Daddy said.

Ngumisi si Mommy. "At talagang nagawa po pang intindihin ang taong 'yon. Eh hinahanap ka nga para patayin," giit ni Mommy.

Hindi na lang nakapagsalita pa si Daddy at kaagad nag-isip nang paraan para maka-alis muna dito.

"Lilipat po ulit tayo?" tanong ko kay Daddy.

"Ha! May pera pa kayo para tumakbo?" asik ni Mommy sa amin kaya naman natahimik na lang din ako.

Napayuko na lang ako habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.

"Kung sana lang ay nasa poder ka pa din ng mga Montero at nakakapagpadala ng pera dito sa amin...madali lang sanang lumipat ng lugar," laban pa din ni Mommy.

"Veronica, hindi pa din ba tayo tapos diyan?" problemadong sita ni Daddy sa kanya.

"Hindi talaga ako matatapos. Ang pagdating ng anak mo ang magpapahamak sa atin, kung bakit ba kasi isinama sama mo pa 'yan dito," si Mommy pa din.

"Ba-babalik na lang po ako kila Tita Keizer," sabi ko nang hindi man lang nag-iisip.

Parang nagkaroon ng light bulb sa ulo ni Mommy nang marinig niya iyon.

Marahang umiling si Daddy. "Masyado nang delikado kung maghihiwalay pa tayo...sabi mo nga, maging ikaw ay gusto nang saktan ni Julio," he said.

It's based lang naman sa narinig ko.

Napahampas si Mommy sa lamesa na para bang isa nanamang katangahan for her ang naging desisyon ni Daddy.

"Kailangan na nating harapin si Julio...bahala na," Daddy said.

"Ba-baka hindi niya tayo saktan pag nalaman niyang..." hindi ko matuloy ang sasabihin ko. I don't know where to start.

"If malaman niyang...I'm pregnant with his child," sabi ko na ikinagulat nilang dalawa ni Mommy.

"Buntis ka?" tanong ni Daddy.

Marahan akong tumango. Nagulat ako and natakot nang padabog na tumayo si Mommy. Looks like she's ready nanaman na saktan ako because of her anger.

"Nagpabuntis ka sa taong gustong pumatay sa atin!? Siraulo ka bang bata ka!?" asik ni Mommy sa akin.

Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakayuko. "Ang tanga tanga mo! Pwede ka pa naman sana kay Damien Gallego pero buntis ka!?" asik niya sa akin kaya naman nag-angat na ako ng tingin.

"Sabi ko na nga po ba, yan ang iniisip niyo. You can't use me para lang magkapera at used other people like Damien, Mommy!" paninindigan ko.

Akmang lalapit siya sa akin to slap me nang kaagad na hinawakan ni Daddy ang nakataas niyang kamay.

"Isang beses mo pang saktan ang anak ko, Veronica..." banta ni Daddy sa kanya na ikinagulat ni Mommy.

"Wag na wag mo na ulit sasaktan ang anak at apo ko. Ubos na ubos na ang pasencya ko sa'yo," Daddy said kaya naman halos lumuwa ang eyeballs ni Mommy.

Nang bitawan niya si Mommy ay napatakip ako sa aking bibig nang sampalin niya nang malakas si Daddy. Hindi siya nahusto sa isang beses na sampal dahil paulit-ulit niyang sinaktan si Daddy.

"Tama na po..." pakiusap ko sa kanila.

Bigla akong nakaramdam nang kung ano ang pagsakit ng tiyan ko.

Hindi sila tumigil and pinagpatuloy ang pag-aaway. Napasigaw ako sa sakit nang kumirot ang tummy ko. Bukod sa sakit ay natakot din ako para sa safety ng baby ko.

"Daddy, help po..." umiiyak na paki-usap ko sa kanya.

Nagulat si Daddy. Kaagad niya akong binuhat, sumigaw siya to ask for help kaya naman mabilis akong nadala sa hospital.

Halos mamilipit ako sa sakit kaya naman sobra ang takot ko sa kung anong pwedeng mangyari sa baby ko. Pagkadating sa emergency room ay kaagad din naman akong chineck ng Doctor.

Nawalan ako ng malay habang tinitingnan ako. Nagising na lamang ako na malamig na ang paligid and boses ni Daddy ang naririnig ko.

"Medyo mahal dito, Pareng Vinci..."

"Emergency eh. Baka kung anong mangyari sa Anak at Apo ko kung hindi ko dito dadalhin," rinig kong sabi ni Daddy.

Dahan dahan akong dumilat. Nasa isang private room na kami and alam ko kaagad na mamahaling hospital ang pinagdalhan niya sa akin.

"Saan ka kukuha ng pera pambayad dito?" tanong ng friend niyang nag-drive ng lumang pick up para dalhin ako dito sa hospital.

"Mangungutang ulit? Hindi ko alam, hahanap ako ng paraan..." Daddy said. Ramdam ko ang pagiging problemado sa voice niya.

"Daddy..." tawag ko sa kanya.

Mabilis siyang lumapit sa akin. I asked him kaagad kung kamusta ang Baby ko. Nakahinga ako ng maluwag when he told me na ayos lang siya and he's safe.

Bumaba ang tingin ko sa kamay ko. Dahan dahan kong hinubad ang suot kong bracelet.

"Y-you can sell this po para may pambayad tayo here sa hospital..." sabi ko sa kanya.

Kaagad niyang hinawakan ang wrist ko para pigilan ako sa ginagawa ko.

"Hindi na kailangan. Iyan na nga lang ang natira sa mga dala mo," he said.

I want to be emotional talaga kasi it's true naman. Hindi ko talaga in-expect ang mga nangyayari sa life ko ngayon. Never kong na-imagine ito. Hindi ko alam na mararanasan ko ang feeling na walang wala ka na. Ubos na ubos na and you're just fighting to survive.

"It's fine lang po," sabi ko kay Daddy.

Gusto ko lang matapos na ang lahat ng problema. I want na lang na matapos ang lahat ng ito.

Umalis sandali si Daddy para humanap kung saan pwedeng I-sell ang bracelet ko. Hindi nagtagal ay dumating si Jolina, I felt how worried she is dahil may pa-iyak iyakng pang nalalaman sa harapan ko.

"Jolina, Please...we're fine lang ng baby ko," asik ko sa kanya.

Napalitan ng saya ang drama niya nang ma-confirm niyang I'm pregnant talaga.

"May update ka ba sa Daddy ko? Kanina pa siya umalis para I-sell ang bracelet ko," tanong ko sa kanya pero nag-iwas siya ng tingin sa akin.

"What?"

"Eh, Ma'am Vera...ayaw kasi talagang ibenta ni Tay Vinci yung bracelet niyo po. Kaya pumunta siya sa mga Gallego, si Ma'm Elisse po ang naabutan niya doon tapos..."

"Tapos ano?" galit na tanong ko. Hindi ko alam ang magagawa ko kay Elisse if ever may ginawa siyang bad sa Daddy ko.

"Sinubukan po ni Tay Vinci na mangutang. Ang ginawa mo ni Ma'am Elisse...pinaluhod po sa harapan niya," she said kaya naman para akong binuhusan nang malamig na tubig.

"Hindi lumuhod ang Daddy ko, Right?" matapang na tanong ko. I'm sure hindi niya gagawin iyon.

Nag-iwas ng tingin si Jolina. I saw kung paano naging teary ang eyes niya.

"Lumuhod po, Ma'am..." she said kaya naman sumikip ang dibdib ko.

Halos malukot ang blanket dahil sa pagkakahawak ko.

"Where's my Daddy na?" emosyonal na tanong ko.

"Iyon na nga po, Ma'am. Huli siyang nakita paalis sa mga Gallego..."

"What do you mean?"

"Na-nawalala po si Tay Vinci," she said kaya naman halos mawalan ako ang consiousness.

"Baka umuwi lang sa house namin?" tanong ko sa kanya.

Marahang umiling si Jolina. Sandali pa lang nawawala si Daddy. Hindi ako naniniwala na he's missing. Ibebenta niya lang ang bracelet para makalabas na ako sa hospital and sabay kaming umuwi.

"That's not true!" sigaw ko.

Nagpanic si Jolina dahil sa pagsigaw ko. Sinubukan niyang tumawag ng nurse pero bago pa man siya makalabas ay may isang lalaking nurse na ang pumasok sa room ko.

Napasigaw sa takot si Jolina nang maglabas ng baril ang lalaking nurse. Hindi visible ang mukha niya dahil sa nakatakip na face mask.

"Tulong!" sigaw ni Jolina.

"Manahimik ka!" sigaw ng lalaki sa kanya at tangkang itatapat sa kanya ang baril nang kaagad akong sumigaw.

Nilapitan niya ako at hinaklit sa braso. Halos mapadaing ako nang hilahin niya ako pababa sa hospital bed dahilan kung bakit mapasigaw ako sa sakit at takot. Masyadong malakas ang impact nang pagkakahulog ko.

Iniinda ko pa ang sakit nang kaagad akong mapasigaw nang hilahin niya ang buhok ko para lang patayuin niya ako.

"Bitawan mo ako!" sigaw ko sa pagmumukha niya.

Narinig namin ang pagkakagulo mula sa labas hanggang sa may sumipa sa pintuan at iniluwa noon si August.

"Bitawan mo siya!" sigaw ni August dito at kaagad na nakipagbuno sa lalaki.

Mabilis na gumapang si Jolina palapit sa akin. Hindi ko magawang tumayo dahil sa pagkakahulog ko mula sa hospital bed.

Nakipag-agawan nang baril si August sa lalaki. Ilang beses silang nag exchange ng suntok hanggang sa mapasigaw kaming lahat dahil sa putok ng baril.

Mariin akong napapikit at napatakip sa aking magkabilang tenga. The next thing na narinig ko ay ang sigawan mula sa labas. Dahan dahan akong dumilat, I'm scared sa kung anong pwede kong maabutang scene if ever dumilat ako.

Nakahiga na sa floor ang lalaking nagpanggap na nurse kanina. Sa kanyang tabi ay ang naka-upong si August while iniinda ang sakit ng body dahil sa natamong mga suntok.

Nilingon ko ang lalaking bumaril, mas lalo akong na-iyak, hindi lang dahil sa takot, sa pain na iniinda ko kundi dahil na din sa galit.

Wala siyang emotion na lumapit sa akin.

"Vera..." tawag niya sa akin, lumuhod sa harapan ko para sana buhatin ako nang kaagad na naghari ang tunog ng sampal ko sa pagmumukha niya.

"Wag kang lalapit sa akin!" sigaw ko sa kanya.

Hindi natinag si Julio. Akmang bubuhatin pa din niya ako nang kaagad akong nagpumiglas. Sinaktan ko siya in any possible way na pwede kong iparamdam sa kanya ang galit ko.

"Ibalik mo ang Daddy ko!" sigaw ko.

Nagpumiglas ako. Tangkang bubuhatin niya ulit ako nang magulat siya dahil sa dugo sa braso niya.

Mas lalo akong na-iyak. "Ang baby ko..."

Shocked was etched on Julio's face dahil sa sinabi ko. Pero mas lalo siyang nagulat nang matumba siya sa sahig dahil sa pagsuntok sa kanya.

"Layuan mo si Vera!" sigaw sa kanya nito.

Julio's face became white as paper.

"Kuya August..."





(Maria_CarCat) 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro