Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 48

Phone





After naming mag-mirienda ni Jolina ay umuwi na din ako sa amin. I'm still adjusting pa talaga sa lugar. It's a bit creepy din talaga ang layo ng mga house and yung itsura ay a bit luma talaga.

I remember tuloy yung movie na pinanuod ni Yaya Esme about isang baranggay na puro sila aswang. Same yung setting parang ganito din so kami ang mga mukhang asawang? Nakakahiya naman sa ganda ko if ever.

Dahan dahan pa ang lakad ko dahil sa maalikabok na daan. Puro luma iyon and kaunti lang ang cemented. Kung maglalakad ako dito na feeling ko nasa runway ako ay for sure dudumi ang paa ko and it's nakakadiri.

"Kung makapaglakad ka parang nasa beauty contest ka ah," puna ni Mommy sa akin.

Tahimik lang siya kanina pero when she saw me ay parang biglang kumulo ang dugo niya kaya ito nanaman siya at nag-iingay. Tinalo pa niya yung doorbell sa bahay.

"This is my normal walk naman po," laban ko sa kanya in a very magalang way.

Inirapan niya ako. "This is my normal walk naman po..." mapanuyang panggagaya niya sa way ng pagsasalita ko.

Inis siyang napakamot sa kanyang ears na para bang she's irritated dahil sa mga choice of words ko.

"Tigilan mo nga 'yang pagsasalita ng ganyan at nakakabwiset na," galit na sabi niya sa akin kaya naman tumahimik ako.

Nanatili akong nakatayo sa harapan niya. I'm still waiting pa sa mga sasabihin niya. Baka kung umalis ako kaagad ay sabihin naman niyang I'm bastos dahil tinalikuran ko siya.

"Oh, ano pang tinatayo-tayo mo diyan? Umalis ka na nga sa harapan ko at nabi-bwiset ako sayo," pagtataboy niya sa akin.

Napaawang ang bibig ko because of that. Wala pa nga akong ginagawa ay galit na kaagad siya. I'm worried tuloy sa health niya, looks like palagi siyang highblood because of me. Hindi naman ako aware na nakaka-highblood pala ang ganda ko.

"Uhm...I want sana po to asked for a sales report sa mga designer things ko na na-ibenta niyo na," magalang na sabi ko sa kanya.

It's not naman maliit na halaga kung ibebenta ang mga gamit kong iyon because the original price naman ay hindi din basta basta. I want to ask din sana for a share kahit a little lang.

"Anong sabi mo?" tanong niya halatang nagu-umpisa nanamang ma-irita.

"Na-ibenta niyo na po ba ang mga gamit ko? Kasi I want to asked po sana if pwede akong makahingi ng maliit na amount...I need to buy my personal needs and..." hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko.

I want to tell her also na kailangan kong magpa-check up for my baby's sake. I believe na hindi lang ako yung kailangan nang adjusment kundi siya din because of the environment kung nasaan kami ngayon.

I also believe na he/she feels din yung stress ko. Baka lumabas na stressed ang baby ko. Kawawa naman siya.

Tumawa si Mommy ng pagak na para bang may sinabi akong joke sa kanya kahit wala naman.

"At nagbibilang ka na ngayon?" tanong niya sa akin na ikinakunot ng noo ko.

"I'm...uhm, hindi po ako nagbibilang," laban ko. Hindi naman talaga ako nagbibilang dahil I'm asking nga for money kahit maliit na amount lang.

Tumayo si Mommy at hinarap ako. Looks like she's ready nanaman na saktan ako pag hindi niya kinaya yung anger na nararamdaman niya for me.

"Kulang pa ang lahat ng iyon sa gastos natin dito...dumagdag ka pa!. Alam mo ba kung gaano kalaki ang utang ng Daddy mo!?" asik niya sa akin na ikinagulat ko.

"May utang pa si Daddy? Pero I transfer all my money na nga po just to pay his debts di ba?" nagtatakang tanong ko.

So saan napunta lahat ng money na ipinadala ko sa kanila?. It's not na nagbibilang ako. I'm just curious about it, ang laki ng amount na 'yon para hindi pa mabayaran ang lahat.

"Oh edi magpapasalamat kami sa'yo?" mapanuyang tanong niya sa akin.

Hindi na ako naka-imik pa. Kahit anong paliwanag ko naman sa kanya ay she'll take it in a wrong way pa din naman kahit ang tanong ko naman ay walang laman.

"I just need to buy my personal things din po and some..." hindi nanaman niya ako pinatapos.

I saw kung paano bumaba ang tingin niya sa mukha ko papunta sa braso ko hanggang sa wrist ko. Alam ko na kaagad kung ano yung nakita ni Mommy kaya naman bahagya kong itinago ang kamay ko sa likuran ko.

Ngumisi siya. "At nagdadamot ka pa," akusa niya sa akin na hindi ko naman alam kung saan nanggaling.

Hindi na lang ako umimik pa para hindi na humaba pa ang pag-uusap namin. I'm kabado na sabihin niyang ibebenta din niya ang bracelet na bigay ni Julio sa akin. Ito na lang ang natitira sa akin, hindi kami bati ni Julio pero I still want to keep it.

May dumating na kakilala kaya naman nagkaroon ako ng chance na umalis sa harapan ni Mommy ng mawala sa akin ang attention niya. Halos magtago ako sa loob ng room ko para lang protektahan ang bracelet sa kamay ko.

"This is all we have na lang..." sabi ko sa baby ko.

I want to eat healthy din for my baby. I'm excited na nga din sana to buy a baby things pero wala naman akong money. Bigla ko tuloy na realize kung paano ako gumastos dati.

Everytime bumili ako ng mga designer bags ay para lang akong bumibili ng candy. Pero ngayon ay kahit candy baka hindi ko na afford because I'm so ubos na ubos na.

Nakatulog ako ng hapong iyon because na din sa puyat. Kahit hindi ko feel ang room ko ay naging masarap pa din ang tulog ko. I think dahil na din iyon sa pagiging pregnant ko.

"Vera, anak...kakain na tayo," gising ni Daddy sa akin.

Marahan din siyang kumakatok sa door ng room ko. Maingat akong bumangon and nagsuot kaagad ng goma na slippers. I'm not sanay pa nga doon dahil mas gusto ko yung malambot na slippers pag nasa loob ng bahay.

"It's gabi na po?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti si Daddy sa akin. "Hindi pa, pero padilim na. Kakain na tayo ng hapunan," sabi niya sa akin kaya naman tumango ako at lumabas na with him papunta sa may maliit na dinning table.

Wala nga kaming dinning room dahil wala namang division ang loob ng house namin. Bumaba ang tingin ko sa mga foods na nakahain sa lamesa, ni isa ay wala man lang akong nakitang familiar sa akin.

Ngumisi si Mommy sa akin ng makita niya ang naging reaction ko.

"Ano? Mabubusog ka ba kung tititigan mo ang mga pagkain?"

"Veronica," madiing suway ni Daddy sa kanya.

Tahimik akong umupo sa table. Napaawang ang labi ko when I saw yung chicken na may kasamang malunggay leaves. May kasama pang ibang vegtables pero hindi din naman familiar sa akin.

"Hindi ka ba kumakain ng ganyan?" tanong sa akin ni Daddy.

"Uhm...I can try naman po," marahang sabi ko sa kanya.

I don't want to offend him or mamorblema pa siya sa food na kakainin ko. Halos magswimming ang malunggay leaves sa sabaw ng chicken.

"Is this malunggay leaves po...right?" tanong ko.

Tumango si Daddy.

"But sabi ni Yaya Esme gamot ito sa sugat..."

Mapanuyang ngumisi si Mommy at napailing na lang. It's true naman kaya, ang sabi ni Yaya Esme itinatapal ang dinikdik na malunggay leaves sa mga wounds.

"Kinakain iyan," nakangiting sabi ni Daddy sa akin pero I'm duda talaga.

Ramdam niya iyon kaya naman tumayo siya. "Tuna, gusto mo?" tanong niya sa akin.

Bigla akong nagkaroon ng pag-asa when I heard about the Tuna.

"Meron po?" excited na tanong ko.

Tumango si Daddy. Napaawang ang bibig ko when I saw na may hawak siyang canned goods.

"Masarap itong afritada...paborito ko 'yan," he said kaya naman halos lumipad ang utak ko sa ibang dimension.

I'm thinking pa naman sana of a Bluefin Tuna kahit I know na it's impossible na we have it here.

I ate na lang the tuna afritada kesa naman yung chicken na nagswimming sa hotbath with floating malunggay leaves. I know naman na I don't have karapatan na magreklamo pero I'm adjusting pa kasi.

Pumasok ako sa room ko after ng dinner. Inaway pa nga ako ni Mommy dahil ako daw ang mag-wash ng dishes pero pinigilan na lang siya ni Daddy at siya na ang naghugas ng mga Dishes namin.

Maaga akong gumising the next morning para hanapin si Jolina. I need to asked her kung may alam siyang pwedeng bumili ng phone ko. It's the latest model and mahal iyon kaya naman for sure magkakaroon ako ng money kung I'll sell it.

"Saan ka nanggaling?" tanong ko kay Jolina when I saw her na hirap na hirap sa mga dala niyang plastick.

Dahil sa tanong kong iyon and sa presence ko ay napalitan ang hirap sa face niya at lumaki ang ngiti niya.

"Sa palengke po," sagot niya sa akin kaya naman napanguso ako.

I'm proud pa naman dahil ang aga kong nagising tapos si Jolina ay tapos na to buy some stuff.

"May kailangan po kayo?" tanong niya sa akin.

Humalukipkip ako when I smell yung fishy odor ng mga pinamili ni Jolina.

"I need to sell my phone kasi I need some...pera," sabi ko sa kanya.

Never in my whole life na naisip kong I'll worry about money. This is all new to me kaya naman hindi ko alam kung paano mag-react ng tama.

Tiningnan ni Jolina ang hawak ko, nanlaki pa ang mata niya nang makita ang phone ko.

"Sigurado po kayo?" tanong niya sa akin.

Ofcourse hindi pero wal naman akong choice. Hindi ko na din naman kailangan iyon dahil kasama ko na ang Daddy ko. Hindi din naman ako pwedeng mag-contact kila Tito Keizer.

"Paano po yung mga pictures dito?" tanong niya sa akin kaya naman bigla akong napaisip.

Marami kaming pictures ni Gianneri doon, may mga videos pa. May pictures din ako doon nung nasa ibang bansa ako and some important things.

Bigla kong kinuha pabalik yung phone ko. Kung ibebenta ko iyon ay kasama na ding yung mga memories na nasa phone ko. It's mabigat sa dibdib kaya naman imbes na decided na ako to sell it ay hindi na tuloy.

"Ipinaalala mo pa kasi sa akin, Jols..." inis na sabi ko sa kanya.

Bigla nanaman akong na-morblema because of paghahanap ng pera.

"Pwede naman pong sangla lang, Ma'am. Kukunin niyo din po pag nagkapera na kayo," suwestyon niya sa akin.

"Pwede?" paninigurado ko. I have trust issues na talaga, and it's grabe na.

Tumango siya sa harapan ko. Because of that ay nagkaroon ako ng pag-asa. Sinamahan ako ni Jolina sa bayan to pawn my phone.

"Anong hinihintay natin dito?" tanong ko sa kanya pagkarating namin sa may kanto.

"Jeep po."

Pinanakihan ko siya ng mata. "You mean...jeepney? Ayokong sumakay ng jeepney, siksikan."

"Mahal po kasi ang tricycle mula dito hanggang bayan," sagot niya sa akin kaya naman isa nanamang stress for me.

May dumaan na jeepney kaya naman kaagad itinaas ni Jolina ang kamay niya to make para. Pinauna niya akong sumakay, halos hindi ko pa alam kung paano kaya naman muntik ko nang maupuan yung mga tao sa unahan dahil sa pagka-out of balance.

"Hindi pa nga nakaka-upo," reklamo ko sa driver. Umandar na siya kahit hindi pa kami nakaka-upo ni Jolina.

Tamad niya lang akong tiningnan mula sa mirror sa harapan kaya naman inirapan ko siya. I saw yung tingin ng mga tao sa loob ng jeepney sa akin.

"Punyeta!" mura ko because of gulat dahil sa mga biglaan niyang preno everytime may baba or sasakay.

"Hawak ka po dito," turo ni Jolina sa mahabang stanless tubo na hawakan daw.

"Dirty 'yan," giit ko at humalukipkip pa.

Inalok ni Jolina ang braso niya para daw may hahawakan ako. Iyon na lang ang tinanggap ko kesa naman sa hawakan na puno ng germs.

Even nga sa pagbaba sa jeepney ay gusto kong awayin ang jeepney driver. Halos masubsob kami ni Jolina ng pababa pa lang kami ay umaandar na siya.

"That's the last time na I'll ride a jeepney," sumpa ko at halos magpapadyak ako sa inis because of my jeepney experiences.

"Masasanay din po kayo," Jolina said pero I'm duda.

Pumasok kami sa palengke. Two kinds nama pala ang palengke, the dry and the wet market.

"Sangla?" tanong ng lalaki sa isang stall na mayroon ding mga naka-display na phone and other gadgets.

Tumango si Jolina. Siya ang nakipag-negotiation because malay ko naman sa sanglaan procedures.

"Kanino ba ito?" tanong nung lalaking kanina pa tingin ng tingin sa akin kahit si Jolina naman na ang spoke person ko.

Hindi namin siya sinagot. Humalukipkip ako sa harapan niya kaya naman hindi na siya nagtanong pa ulit.

"Magkano ba ang kailangan niyo?" tanong niya sa amin.

Nilingon ako ni Jolina. "50."

Kita ko ang tingin nilang dalawa sa akin kaya naman pinagtaasan ko sila ng kilay.

"50 pesos po?" tanong ni Jolina kaya naman inirapan ko siya.

"50 thousand, duh..anong gagawin ko sa 50 pesos bibili ng choc nut?"

Tumawa ang lalaki at kaagad na binitawan ang phone ko.

"2500 lang ang kaya ko," he said na mas ikinagulat ko.

"2500? That's so maliit," giit ko.

Ngumisi ang lalaki, nagumpisa na siyang magpunas ng glass na stante nila. Looks like he's not interested na.

"Make it higher naman..." sabi ko in a very calm and nice way kahit gusto ko siyang awayin.

"Hanggang 2500 lang," pinal na sabi niya kaya naman umirap ako sa kawalan.

"Fine."

Halos manginig ang hands ko nang tanggapin ko ang baryang 2500 kapalit ng mamahalin kong phone. For other siguro ay malaki na iyon, pero hindi ko naman alam kung paano gamitin ang maliit na halaga na iyon para pagkasyahin sa mga needs ko.

I know na I need to learn a lot pa. I need talaga to adjust big time para lang ma-realize ang mga bagay bagay. I need to learn din to be thankful everytime lalo na sa mga small things.

"Jolina, I'm hungry na. Let's eat muna ng totoong food...may pera na tayo," sabi ko sa kanya at itinaas pa ang money na hawak ko na kaagad niyang ibinaba.

"Itago mo 'yan, Ma'am..." suway niya sa akin because masyado ko daw ini-expose iyon.

Dinala ako ni Jolina sa pinakaloob ng palengke kung saan daw may masarap na kainan. Napangiwi ako sa paghila niya sa akin, I'm planning pa nga sana na yayain siya sa restaurant or even fastfood to eat.

"Masarap po ang lugaw dito," she said kaya naman napaawang ang labi ko.

"Wala naman akong sakit to eat lugaw, Jolina..." suway ko sa kanya.

May ngumuso sa tabi namin kaya naman nilingon namin iyon. Nagulat ako when I saw the familiar face.

"Sir Damien!" tawag ni Jolina dito.

Bumalik ang tingin ko sa lalaki. Hindi ko naman pwedeng sabihin na he's stalking us kasi looks like mas nauna siya dito dahil kumakain na siya bago pa man kami dumating.

Ngumiti siya sa akin at inalok ang katabi niyang upuan. Mahaba ang chairs at para lang kaming kumakain sa kitchen counter.

"Umorder kayo ng kahit ano...ako ng bahala," sabi niya sa amin ni Jolina.

Excited na umupo sa tabi ko si Jolina. "Nakakahiya naman po Sir Damien...puto't dinuguan po ang sa akin," sabi ni Jolina na ikinagulat ko.

Matapos kay Jolina ay muling bumalik ang tingin niya sa akin.

"Sa'yo?" tanong niya.

Tumulis ang nguso ako at tiningnan ang mga foods na pwedeng pagpilian. May iba't iba silang pasta and madaming pagkain for breakfast daw.

"Uhm...lasagna ang sa akin," sabi ko.

Nakita ko kung paano isa isang ininspection ni Jolina ang mga nakalagay sa menu.

"Wala pong ganoon, Ma'am..." she said.

Ngumisi ang katabi ko kaya naman nilingon ko siya at inirapan.

Itinuro ko ang pancit sa tindera. "The pancit na lang pang pahaba ng life ko. Mukhang iiksi ang life span ko here," sabi ko na mas lalong ikinatawa ng katabi ko.

Inabot ng tindera ang order namin. I was about to start na sana kumain ng pigilan ako ng katabi ko.

"Mas masarap kung may kalamansi..." he said and siya pa mismo ang nagpiga ng kalamansin sa pancit ko.

Tumulis ang nguso ko. "Malinis ba ang hands mo?" tanong ko muna bago nagpasalamat.

Mas lalo siyang natawa, mas lalong nagpakita ang perfect set of teeth niya because of that.

"You're funny," he said in a very matigas na english.

"Malinis ang kamay ko," he said kaya naman napatango ako.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng matapos siya. I'm expecting na aalis na siya pero nanatili siyang naka-upo sa tabi ko.

"Gusto mo ng lasagna?" tanong niya sa akin out of nowhere.

"Sana...but wala kaya the pancit is fine na," sagot ko.

"Magpapaluto ako ng lasagna. Pwede kayong pumunta sa amin mamayang hapon para mag mirienda," he said kaya naman bago pa ako makapag-react ay nauna na ang bampira sa tabi ko.

Jolina is eating dugo, that's so...uh, hindi na lang ako mag-talk.

"Pupunta po kami," she said ng hindi man lang tinanong kung payag ako.

Because of that ay nagpaalam na din si Damien sa amin. Hindi ko siya tatawaging Sir dahil hindi ko naman siya Boss for me to call him that.

Pagka-uwi ko sa bahay ay naabutan kong tahimik na nagkakape si Daddy, panay ang ubo niya kaya naman nag-alala na ako.

"You drink na po ba ng meds, Daddy?" tanong ko sa kanya.

Humalik ako sa pisngi niya para na din mag-greet ng good morning.

"Oh saan ka nanggaling, Anak?" he asked me at hindi man lang pinansin yung una kong tanong sa kanya.

"May pinuntahan lang po kami ni Jolina," sagot ko.

I'm worried about his health kaya naman when I heard na pupunta si Mommy sa bayan ay nagpasabay na ako ng gamot for Daddy.

"Oh may pera ka pa naman pala eh," she said ng iabot ko sa kanya ang 500 pesos for the meds.

"Daddy's cough sounds malala na. He needs to drink na po some meds," sabi ko na ikina-irap niya.

"Oo na, Oo na. Yung sukli nito ipangdadagdag ko sa gastos dito," she said.

Hindi na ako kumontra at tumango na lang.

Hapon ng pumunta kami ni Jolina kina Damien. She said na walking distance lang naman ang hacienda nila kaya naglakad na kami. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapatingin sa likuran. I feel kasi na parang may sumusunod sa amin. I know the feeling, familiar lalo na nung may lalaking umatake sa akin.

Malaki ang pagkakahawig ng Hacienda nila sa Villa de Montero. Hindi na ako namangha pa because marami na akong nakitang lugar na mas maganda pa doon.

Sinalubong na kami ni Damien pagkapasok pa lang namin sa malaking gate nila. Mukhang kakaligo niya lang and he's wearing lang a plain and clean na white tshirt.

"Tamang tama ang dating niyo, luto na ang mirienda," he said.

Hindi naman ako nag-react. Mas mukhang excited pa nga si Jolina sa akin. We even saw yung mga gardeners nila na inaayos yung mga halaman.

"Umuwi yung pinsan ko para dito I-celebrate ang birthday niya. Pumunta kayo..." he said and nakangiting tumingin sa akin.

Nagkibit balikat na lang ako. Bahala na, go with the flow naman ako always. Ilang beses akong napatingin sa likuran just to check kung may sumusunod ba talaga sa amin or baka it's my guni-guni lang.

May sandaling tumawag kay Damien kaya naman nawala ang attention niya sa amin. Sa muling pag lingon ko sa likuran ay may nakita na akong familiar na lalaki. Imbes na matakot ay nagawa ko pang sundan siya.

"Ma'am Vera," habol ni Jolina sa akin.

Hindi ko siya pinansin at lumabas pa ng gate para lang mahabol yung lalaki. Looks like nawala na ang takot sa body ko. Nakita ko kung saan siya lumiko hanggang sa mapahinto ako nang marinig kong may kausap siya mula sa phone.

"Go signal niyo lang po ang hinihintay ko...papatayin ko si Vinci Montero kasama ang pamilya niya," he said na ikinagulat ko.

Mabilis akong nagtago sa likuran ng malaking puno para lang hindi niya ako makita. Looks like he didn't even notice na nasundan ko siya.

"Nasusunod po ang plano...naghihirap na sila, kasama yung anak na babae," he said pa.

Mas lalo akong nawalan ng lakas nang marinig ko kung sino ang kausap niya sa kabilang linya.

"Copy, Sir Julio..."

Nawala ang lahat ng lakas sa body ko because of that. Hindi ko ma-imagine na si Julio ang nasa likod ng lahat ng ito. Ibang iba siya pag nasa harapan ko, at mukhang he's different din sa likod ko.

"Vera...anong ginagawa mo dito?" nag-aalalang tanong ni Damien sa akin.

He realize ang panghihina ko kaya naman walang sabi niya akong binuhat na parang bagong kasal at dinala pabalik sa hacienda nila.

"Medyo nahilo lang ako," pagdadahilan ko pagkapasok namin sa house nila.

Kaagad siyang may inutos na kung ano sa mga kasambahay nila. Inabutan niya kaagad ako ng water, lumuhod siya sa harapan ko para lang ma-check ako.

"Namumutla ka," he said.

"I'm fine lang," sabi ko at nag-iwas pa ng tingin.

He was about to touch me again ng kaagad kong tinabig ang kamay niya.

"I'm a Doctor...I just want to check kung ayos ka lang talaga," he said kaya naman nabigla ako.

Nagpahinga lang ako sandali bago umayos ulit ang lagay ko. Hindi pa nga masyadong nakakabawi ng bumaba ang sinasabing pinsan daw ni Damien.

What a small world we have here.

"Kuya Damien, may mga bisita ka pala," she said habang pababa sa hagdan.

Nagtagal ang tingin niya sa akin hanggang sa makita ko ang amusement sa mukha niya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago siya ngumisi at napailing.

"Si Elisse nga pala...pinsan ko," Damien said. Damn it.

Humalukipkip siya sa aking harapan. She act like hindi kami magkakilala sa harapan ng lahat kahit I know naman na naalala niya ako, sa tingin pa lang niya sa akin.

"I received na nga pala a confirmation from my friends na pupunta sila sa party ko," sabi niya kay Damien.

"Mabuti naman at hindi ka na magmukmok sa kwarto mo," Damien said.

Mas lalong ngumisi si Elisse. Tumigin siya sa akin at nagtaas ng kilay.

"I even received a confirmation from Julio Escuel," sabi pa niya kaya naman mas lalo akong nakaramdam ng takot.





(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro