Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 47

Sir



I was so shocked dahil sa isinagot niya sa akin. How come na hindi niya kilala si Julio? Hindi ba obvious na it's his brother since Julio naman ang name and Calendar Brothers naman sila.

"Vera..." tawag ni Daddy sa akin. Para bang he wants me to stop muna pero hindi ko kaya.

"August, hindi mo ba ako na-remember?" tanong ko sa kanya. Looks like kahit ako ay hindi din niya maalala.

Napansin ko na 'yon at first pero hindi pa din talaga nag sink in sa akin.

Kumunot lang ang noo niya at mas lalong sumimangot ang tingin sa akin. He looks ragged. Malayong malayo sa August na kilala ko. Parang same na sila ni Julio. Halatang old na din ang suot na clothes and mukhang he don't mind naman.

"Tigilan mo na nga 'yan. Kararating mo pa lang ay sakit ka na ng ulo," suway ni Mommy sa akin. Iritado kaagad siya sa akin...always naman.

"I'm just..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Nagtatanong lang naman ako. Gusto kong ma-enlighten.

"Maling mali talaga na dinala mo 'to dito, Vinci."

Matapos niyang sabihin iyon ay padabog siyang umalis at pumasok ulit sa loob ng house.

Marami pa akong gustong malaman at itinaong kay August pero nakaramdam ako ng hiya dahil sa sinabi ni Mommy. Hindi ko din alam kung why ba mainit ang dugo niya sa akin as always. The way she treats me ay parang hindi man lang niya ako na-miss kahit kaonti.

"Magpahinga ka muna, Vera. Maguusap tayo mamaya pagkatapos mong maayos ang mga gamit mo," sabi ni Daddy kaya naman nagpaubaya na lang ako.

"Tatapusin ko lang yung ginagawa ko sa likod," paalam ni August kay Daddy.

Isang beses siyang sumulyap sa akin bago siya tumalikod. I don't know what to feel. Gusto kong maging happy dahil he's alice pero gusto ko ding matakot dahil para akong nakakita ng totoong ghost.

I don't clearly remember every details sa nangyari before pero alam ko din naman na nakita ko talaga siyang lifeless at nasa black bag pa because he's dead na.

"Baka multo si August ang nagpapangap lang na buhay..." sabi ko kay Daddy. 

Tipid na ngumiti si Daddy. Gusto niyang matawa dahil sa sinabi ko pero he looks problematic talaga na kahit ang simpleng pagtawa ay hindi na niya magawa pa.

"Buhay siya..." paninigurado niya sa akin.

Muli akong nagulat at hindi makapaniwala. Looks like matagal bago ko matanggap ang mga nalaman ko.

"How?" tanong ko.

"Later, Princess..." sabi ni Daddy sa akin kaya naman hindi na ako nagpasuway pa at nanahimik na lang. I can't wait na tuloy kung kailan yung later na sinasabi niya.

I really want to know everything. Hindi ata ako mapapakali kung hindi ko malalaman ang lahat as in now na.

Ilang beses akong nag-sneeze nang pumasok kami sa maliit na room. That's sapat lang para sa isang tao pero feeling ko ay suffocating siya for me since isa lang ang window and maliit pa. Halos kasing laki lang siya ng comfort room sa kwarto ko sa Sta. Maria. Wala ding aircon and hindi pa pintorado ang walls.

"Pasencya ka na dito," sabi ni Daddy sa akin habang abala siya sa pagpasok ng mga luggages ko.

"It's...it's ok lang po, Daddy."

Pigil na pigil akong sabihin ang totong judgement ko sa room. Hindi pa man ako nakakatagal ng ilang minuto ay pakiramdam ko kaagad na magkakaroon ako ng allergy here. Even ang bed ay maliit.

"Pag nakaluwag luwag...papapinturahan natin, tsaka ipapaayos yung kisame," sabi niya sa akin kaya naman tumingla din ako para tingnan iyon.

Napaawang ang bibig ko when I saw na it's plywood ang ceiling ng room. May maliit na light bulb lang din sa gitna, malyong malayo sa chandelier sa room ko.

Bayolente akong napalunok when I realize na malaking adjustment talaga ang need ko dito. Pero hindi naman ako nagsisi na I'm here with them. My heart is so full dahil kasama ko na si Daddy.

I feel pa nga na super kulang ng yakap na ginawa ko sa kanya kanina. Hindi biro ang years na magkahiwalay kami. I miss him so much at muntik ko pang tanggapin na he's dead na at hinding hindi ko na makikita pa ulit.

Iniwan ako sandali ni Daddy sa room ko para daw magpahanda siya ng makakain for me. He told me na ipapakilala niya din ako sa mga bago niyang friends dito. I'm a bit kabado at first dahil wala naman talaga akong balak makipag-socialized dito.

For sure naman na hindi din nila ako magugustuhan. Everyone judged me naman kaagad bago pa nila makilala kung sino talaga ako.

Wala na talaga akong strength na mag-effort para lang magustuhan ng ibang tao. They can judge me all they want. They can talked behind my back hanggang sa mapaos sila. I don't care na.

Nag worry pa ako na iligay sa maliit na cabinet ang mga designers clothes ko. I feel kasi na baka pag nilagay ko iyon doon ay baka masira sila. I don't know kung judgemental lang ba talaga ako or baka I'm shocked pa talaga sa bago kong environment.

Imbes na ilabas ang mga gamit ko sa dala kong luggage ay hinayaan ko na lang muna sila doon. Lumabas ako ng room ko para hanapin si August. Hindi talaga ako mapapakali hanggang sa hindi ko siya nakakausap. I really want to know everything.

I want to know how it feels like mabuhay pakatapos mamatay.

"Vera, Anak..." tawag ni Daddy sa akin.

I have no choice kundi ang lumapit sa kanya at sa mga kasama niya. Looks like iyon yung mga sinasabi niyang friends niya. Ramdam ko kaagad ang tingin nila sa akin, parang pang ini-inspection nila ang kabuuan ko.

"Mahihirapan 'yan dito," rinig kong sabi ng ilan.

Hindi ko na lang pinansin at hinayaan na sila. Wala pa nga akong nararamdaman ay nauna na silang nahirapan for me. Salamat na lang sa sympathy pero I know naman na I can do it. Pinili ko to be here kaya paninindigan ko.

Isa isang ipinakilala ni Daddy sa akin ang mga kasama niya doon. Hindi na ako nag-abala pa to remember their names dahil hindi din naman ako makikipag-kaibigan sa kanila. Some of them ay hindi nalalayo sa age ko, pero most ay kasing age ni Daddy.

"Para po kayong artista! Ang ganda ganda...Ako nga po pala si Jolina," pagpapakilala sa akin ng isang babae.

She's a bit shorter than me and mukhang jolly talaga ang personality niya. May makukuloy na ipit din siya sa hair kaya naman napangiwi ako. Panay ang tingin niya sa face ko pagkatapos ay bababa iyon sa kabuuan ko.

"Para po kayong model!" dugtong pa niya. Para bang kilig na kilig siya dahil sa presencya ko.

"Hi, Jolina..." sabi ko. Nagulat ako nang mapatili siya at mapapalakpak pa dahil sa pagbati ko sa kanya.

"Tay Vinci, ang ganda ganda po pala ng anak niyo!" kilig na kilig na sabi niya.

Bukod doon ay nagulat din ako sa tinawag niya sa Daddy ko. Tsaka lang ako naliwanagan when I heard her call everyone there Tay and Nay.

"Syempre mana sa akin 'yan. Artistahin din ako," nakangising sabi ni Daddy sa kanya.

Bumalik ang tingin ko kay Jolina. Malaki ang ngiti niya habang nakatingin siya sa face ko. Kung ituring niya ako ay para akong isang artista na idol niya...eh siya nga itong artista ang name.

May hinanda silang food for me. Hindi siya familiar sa akin kaya naman nagtagal ang tingin ko doon. Nawala lang ang atensyon ko sa food nang makita ko ang paglapit ni August sa aming gawi, may kasama siyang isa pang lalaki and nakikipag-usap siya dito habang marahas na tinatanggal ang grasa sa hands niya gamit ang basahan.

"Pwede nang gamitin," rinig kong sabi niya sa kausap bago siya inabutan ng pera ng lalaki.

Looks like inayos niya ang sasakyan at binayaran siya ng lalaking kausap niya. Napaawang ang bibig ko because of that. He's working as a mechanic ng car kahit siya si August Escuel. I don't have a problem naman sa work niya, that's marangal pero hindi ko lang lubos ma-isip na kaya niyang gumawa ng ganoon since they're rich since bata.

Matapos magpaalam ng lalaking kausap niya ay maingat niyang itinupi ang money at itinago iyon sa back pocket ng suot niyang maduming maong pants. Pinahiran niya ang pawis sa noo gamit ang sleeves ng suot niyang tshirt.

"August, kumain ka muna dito." yaya sa kanya ng mga kasama.

Tumango lang siya bago tumingin sa akin. Wala pa ding emotion ang face niya. Hindi niya talaga ako naaalala.

After akong ipakilala ni Daddy sa mga kasama niya ay nagpaalam na din sila dahil may mga gagawin pa sila. Panay ang kaway ni Jolina sa akin, they way siya mag good bye sa akin ay parag hindi na ulit kami magkikita.

Sinuway na lang siya ng mga kasama kaya naman tuluyan na silang nakalayo.

"Alam kong naninibago ka sa lahat," pag-uumpisa ni Daddy.

Hindi ako nakasagot kaagad. It's true naman pero I can adjust naman.

"Mahihirapan ka dito," malungkot na sabi niya sa akin.

He thinks siguro na mas maayos ang life ko pag nasa poder ako ni Tito Keizer. It's true naman. I love Tito Keizer too and thankful ako sa kanya, pero I want to experience din naman kung ano ang life na kayang ibigay ni Daddy sa akin ngayon. Hindi ako magrereklamo since simula naman noon wala na siyang ginawa kundi ang masigurado na maging comfortable ang life ko.

Why not I-face ko kung ano yung life na para naman talaga sana sa akin kung hindi kami tinulungan ng family nila Tito.

"What's important ay magkasama na tayo, Daddy..." sabi ko sa kanya.

Hindi ko pa din alam kung when ko need sabihin kay Daddy ang pagiging pregnant ko. I need to find a perfect timing para naman hindi din siya mabigla sa news na he's going to be a grandpa na.

Hinayaan niya muna akong kumain bago siya nagsimula. He knows na madami akong tanong kaya naman siya na ang nag-umpisa na magkwento.

"Nandoon ako nung gabing pinatay ang mga Escuel. Hindi ako pumunta doon para saktan sila kundi para sana kausapin..."

"Nang ganoong oras? Who will believe us pag sinabi nating you're there lang para makipag-usap?" tanong ko sa kanya.

Mariing napapikit at napatango si Daddy.

"I know..."

Hindi na ako naka-imik at hinayaan na ulit siyang magkwento. This is my chance para maliwanagan sa lahat.

"Wala ako sa sarili ko nang nagpunta ako doon. Pero hindi ako ang gumawa, hindi ko kayang pumatay ng tao," he said and I believe that.

"May ibang tao na ang nasa loob ng bahay bago pa man ako pumunta. May ibang tao sa likod ng pagpatay sa mga Escuel..." he said kaya naman tumayo ang balahibo sa buong body ko.

Habang ikinikwento ni Daddy iyon ay parang naging fresh ang mga memories ng past.

"Sinubukan kong humungi ng tulong pero huli na. Nangyari na at nakita ko ang lahat ng iyon..." he said.

"And si August?"

"Alam ni August na hindi ako masamang tao, tinulungan ko siya. Sinabi pa niya sa akin na iligtas ko ang kapatid niyang si Julio pero hindi ko nagawa dahil hindi din ako makapag-isip ng maayos ng mga oras na iyon," he said pa.

"August is dead na...paanong nabuhay siya ngayon?" tanong ko.

"Napuruhan si August sa ulo kaya hindi na din nakapagtataka na wala siyang maalala hanggang sa ngayon. May itinurok kaming gamot sa kanya kaya sandaling huminto ang pagtibok ng puso niya...naging ma-ingat kami sa plano namin. Hindi naman naging mahirap dahil nagdesisyon ang mga Escuel na I-cremate sila kaya napalitan namin kaagad ang katawan niya..."

"Is that even possible?" namamanghang tanong ko kay Daddy.

Nagkibit balikat siya. "Nangyari na..." he said.

"What's your plan kay August? Bakit hindi niyo siya binalik sa mga Escuel?" tanong ko.

"Kasi alam kong pwedeng mangyari ito? Na sa akin isisi ang lahat. Hangga't hawak ko si August, may katibayan ako na hindi ako masamang tao..." sagot niya sa akin.

"At hindi ko din magawang sumuko dahil buhay mo ang kapalit pag ginawa ko iyon," sabi pa niya.

"I'm sorry..." sambit ko.

"Bakit?"

Hindi ko na napigilan at tuluyan nang nagtubig ang both eyes ko. "Because of me kaya kayo nahihirapan," I said kaya naman kaagad na umiling si Daddy.

"Wala kang kasalanan, Vera."

I asked Daddy kung sino ang totoong mastermind sa pagpatay sa mga Escuel pero hindi din niya alam. Nakatanggap lang siya ng mga dead threats and may lumapit din sa kanyang mga tao para takutin siya juts like yung nangyari sa akin na tinutukan ako ng baril.

Gusto niyang I-kwento sa akin ang iba pang details pero he thinks daw na it's enough na muna yung mga information na iyon for today. Ayaw niyang mabigla ako lalo na't malaking adjustement pa ang kailangan ko sa lugar.

"August!" tawag ko sa kanya nang magkaroon ako ng chance na maka-usap siya na kaming dalawa lang. Kakatapos niya lang maligo and he's preparing na ata umalis.

"Who's your wife?" tanong ko kaagad, wala nang paligoy ligoy pa.

Bahagyang kumunot ang noo niya dahil sa tanong ko. Ni hindi man lang siya nag-abala na tingnan ako. He's focus sa pag-aayos ng backpack niya.

"At bakit ka interisado?" tanong niya sa akin.

Napanguso ako. "Dapat ako 'yon eh," wala sa sariling sagot ko sa kanya.

It's not like I'll jump to him after ng mga nangyari sa amin ni Julio. I'm just stating a fact lang naman. N akung hindi nangyari ang lahat ng ito ay sa kanya naman talaga ako dapat ikakasal. Pero I juts may reason talaga kung bakit nangyayari ang mga bagay bagay.

Ngumisi siya. "Ngayon nga lang kita nakita. At hindi ikaw ang tipo ko," he said kaya naman nanlaki ang mga mata ko.

"You are so sobra naman, August! You like me kaya nung mga bata pa tayo!" asik ko sa kanya.

Hindi na siya nagsalita pa pero mas lalo lang kumunot ang noo niya.

Hindi ko na napigilan. Itinaas ko ang pointing finger ko at sinundot ang pisngi niya. Nagulat siya dahil sa ginawa ko.

"Buhay ka talaga...like for real," sambit ko.

"Bakit mukha ba akong bangkay?" tanong niya sa akin.

"Before..." laban ko.

Hindi pa nakakasagot si August ng kaagad makuha ang atensyon namin dahil sa pagdating ni Mommy.

"Vera!" tawag niya. Tunog iritado nanaman siya dahil sa akin kahit wala naman akong ginagawa.

"Aalis na ako. Si Vinci?" tanong niya kay Mommy.

Napanguso ako. Ang walang galang naman ni August sa Daddy ko.

"Nasa loob. Kinukulit ka ba ng isang 'to?" tanong niya at itinuro ako.

Marahang umiling si August. "Hindi."

He saved me nanaman like kung paano niya ako ipagtanggol sa lahat before.

Hindi pa din sinabi ni August sa akin kung sino ang wife niya. I even asked him nga kung babalik siya dito pero pinagalitan lang ako ni Mommy.

"Kita mong may asawa na yung tao!" asik niya sa akin na para abng may ginagawa akong masama.

"August is a friend," laban ko.

Mas lalo siyang nagalit sa akin. "Bakit ka ba kasi nandito?" asik niya.

"I-I want to be here with Daddy..." sagot ko.

"Mas lalo mo lang pinahirapan ang Daddy mo. Hindi ka talaga nag-iisip na punyeta ka!" asik niya kaya naman nag-numb ang buong body ko.

"Ano po bang naging kasalanan ko sa inyo, Mommy? Bakit galit na galit po kayo sa akin?" tanong ko.

Ngumisi siya. "Anong kasalanan mo? Ang kasalanan mo...Bobo ka! Ang tanga mo, nandoon ka na! Kayang kaya mong kumuha ng pera sa mga Montero pero pumunta ka pa dito...anong gusto mo? Sabay sabay tayong maghirap?" asik niya pa sa akin.

Naikuyom ko ang aking kamao. "Hindi po kayo nagbago. Wala po kayong ibang inisip kundi puro money," sabi ko kaya naman halos mabingi ako nang sampalin niya ako after that.

"Punyeta ka! Ang kapal ng mukha mong sabihin sa akin 'yan!" gigil na sabi niya.

Isang beses pa niya akong sinubukang sampalin pero dahil sa pag-iwas ko ay sa ulo ko tumama iyon.

"Ang taas taas ng tingin mo sa sarili mo! Ano bang napatunayan mo ha!?" asik pa niya sa akin.

"Veronica!" sigaw ni Daddy. Tinakbo niya ang pagitan namin para pigilan si Mommy.

Kaagad na sinangga ni Daddy ang pananakit ni Mommy sa akin.

"Walang kwenta! Wala kang kwenta! Ipapahamak mo lang kami!" panduduro pa niya sa akin kaya naman mas lalo akong nanghina.

"Tumigil ka na!" sigaw ni Daddy sa kanya.

"Hala sige, Kampihan mo! Kampihan mo 'yang magaling mong anak!" asik niya dito.

"Kung makapagsalita ka ay parang hindi mo anak si Vera!" galit na sabi ni Daddy sa kanya.

Mas lalong namula si Mommy sa galit. "Kung pwede lang akong papiliin...sana hindi na lang 'yan ang naging anak ko," she said bago niya kami tinalikuran.

Hindi na ako nakapagpigil pa at naiyak na lang habang yakap ako ni Daddy. Ayaw ni Mommy sa akin una pa lang because she wants a son. Ayaw niya talaga ng anak na babae pero ako yung nabuo kaya she hates me.

Hindi ko alam na possible pala sa isang mother to hate her child dahil lang sa ayaw niya ng gender nito.

Because of that scene ay mas lalo akong nakakuha ng sagot sa mga tanong ko. Maybe kaya mabilis for other people to hate me kasi nasa tiyan pa lang ako ni Mommy ay may ayaw na talaga sa akin. My own Mother dislikes me kaya siguro nakatatak na iyon sa akin.

"Tahan na, Tahan na...Mahal na mahal ka ni Daddy, Vera..." he said kaya naman humigpit ang yakap ko sa kanya.

Hindi ako nakatulog sa first night ko doon. I miss them back home. Gusto kong malaman ang naging reaction ni Gertie and Gianneri nang malaman nilang I'm gone na. For sure umiyak ang isang iyon.

Wala na akong pakialam dapat kay Julio and sa anak niyang si Brunie pero I'm curious din kung anong reaction niya and feeling niya if ever malaman niyang wala na ako doon.

I hope my paglayo sa kanilang lahat will gave him peace. Kahit hindi pa total peace since he's still fighting for the justice para sa family niya.

Baka it's better talaga for Julio na malayo ako sa kanya.

Late na akong nakatulog that night kaya medyo tanghali na ako nagising the next morning. Pagkabangon ko ay nagulat ako when I saw si Mommy na nakaluhod sa harapan ng mga luggages ko.

"Mommy ano pong ginagawa niyo?" tanong ko sa kanya.

"Tinitingnan ko kung anong pwedeng ma-ibenta dito," kaswal na sagot niya sa akin.

Hindi man lang siya natakot or nagulat dahil nahuli ko siyang pinapakialaman ang mga gamit ko.

"Pero that's my things po," laban ko at kaagad na bumangon para pigilan siya.

Nagulat ako nang sanggain niya ako para pigilan sa paglapit.

"Ibebenta ko itong mga gamit mo para naman magkaroon ka ng kwenta," she said kaya naman natigilan ako.

Nanatili ang tingin ko ka Mommy. Ramdam ko na wala talaga siyang care and love para sa akin. Hindi ata talaga niya ako kino-consider na anak niya.

"Wala po akong isusuot..." sabi ko.

Mabigat sa feeling na ibenta ang mga clothes ko. Ilan na nga lang ang nadala kong designers clothes dahil hindi ko naman kayang dalhin ang buong cabinet ko.

"Ihihiram kita kay Jolina. Hindi mo na kailangan ang mga ito dahil hindi ka naman mayaman para magsuot ng mga ganito...hindi ka na prinsesa!" asik pa niya sa akin.

Marahan na lang akong tumango. Maybe she's right. Kasama sa adjustment ko ang pag-let go ng mga mamahalin kong gamit. Hindi ko ma-e-embrace ang new life ko kung nandoon pa ang mga iyon.

Jolina is very willing na pahiramin ako ng mga damit niya. Masama ang tingin ko sa mga iyon dahil hindi ko type ang mga damit niya.

"Kahit ano pong isuot niyo ang ganda ganda niyo pa din!" she said. Manghang mangha nanaman siya sa akin.

Tamad ko siyang tiningnan. "Jols, ang ingay mo..." suway ko sa kanya.

"Jols?" tanong niya.

Napa-irap na lang ako sa kawalan. Una si Judy ann ngayon naman ay si Jolina. Napapalibutan na ata ako ng mga artista, maybe because masyadong ma-drama ang life ko. Oh please!.

"Mag trabaho kamo siya. Hindi yung dagdag siya palamunin dito," rinig kong pag-aaway nina Mommy at Daddy. Kakauwi ko pa lang galing sa house nila Jolina ay ito na kaagad ang bumungad sa akin.

"Marinig ka ni Vera," madiing suway ni Daddy.

"Ginusto niya 'to. Panindigan niya...magtrabaho siya para makatulong," laban pa din ni Mommy.

"Hindi pa ba sapat lahat ng tulong na ibinigay ni Vera sa atin para itrato mo siya nang ganito?" tanong ni Daddy sa kanya.

Bigla akong naging emotional. Hindi ko naman isusumbat sa kanila ang lahat ng tulong ko and yung mga money na pinadala ko. Pero Daddy is right, hindi pa ba sapat ang mga iyon para itrato man lang ako ni Mommy ng tama kahit kaunti?.

Imbes na makinig sa pag-uusap nila ay lumabas na lang ulit ako. Hindi ko alam kung saan ako lulugar.

"Ma'am Vera!" tawag ni Jolina na sa akin kaya naman inirapan ko siya.

Humalukipkip ako nang lumapit siya sa akin. "Gusto niyo pong sumama sa may kanto?" tanong niya sa akin.

"I don't want...mainit. Sensitive ang skin ko," sagot ko.

"May payong naman po," giit niya.

"Bakit ba you're so kulit?"

"Hindi naman po. Gustong gusto ko lang po talaga kayo..." she said kaya naman tumalim ang tingin ko sa kung saan.

"Parang ang bait bait niyo po kasi...masarap maging kaibigan," sabi pa niya.

"Akala mo lang," tamad na sabi ko sa kanya.

Tumawa lang siya. "May nagtitinda po ng mirienda sa kanto. Libre ko po kayo..." yaya niya sa akin.

Bigla akong na-curious sa sinasabi niyang mirienda.

"May halo-halo?" tanong ko.

Kaagad siyang tumango kaya naman sumama ako. Sobrang effort ni Jolina na hawakan ang payong for me. Mas matangkad ako sa kanya kaya naman medyo nahirapan siyang hawakan iyon para hindi ako mainitan.

"Pag mayaman na ulit ako kukuhanin kitang assistant," sabi ko.

"Kahit ngayon po. Kahit utang muna ang sweldo ko," sabi niya sa akin bago ko siya inirapan at hinayaan na lang.

Nagpunta kami sa sinasabi niyang lugar. Malayo pa lang ay nakita ko na ang mga stall nang sinasabi niyang mirienda.

"Gusto niyo pong I-try 'to?" tanong niya sa akin at itinuro ang mga ihaw na street foods.

"I don't eat hepa foods..." sabi ko kaya naman nagulat siya.

Tumingin din sa akin ang tindera pero wala akong pakialam.

"I want halo-halo na madaming chocolate ice cream," sabi ko sa kanya.

"P-po?" tanong niya sa akin.

Lumipat kami sa kabilang stall kung saan may nagtitinda ng halo-halo. Napanguso ako when the tindera said na walang ice cream ang halo-halo nila and home made ube lang ang toppings sa taas.

"Ang ganda naman niyang kasama mo, Jolina."

Ilang beses kong narinig iyon sa mga vendors.

"Anak po ni Tay Vinci," pakilala niya sa akin.

Nginingitian nila ako everytime na nagtatama ang tingin ko sa kanila. They are very welcoming and parang wala silang bad vibes na nararamdaman for me.

"Dadagdagan ko ang gatas para sa'yo..." sabi ni Ate halo-halo sa akin.

"Thank you," sabi ko.

Napahinto ang panunuod ko sa paggawa niya ng halo-halo nang may dumating na lalaki.

"Sir Damien, anong sa'yo?" tanong ni Ate vendor dito.

He's wearing a gray tshirt and medyo fitted siya sa body niya kaya naman kita kaagad na maganda ang built niya.

"Halo-halo din po," sagot niya.

Buo ang voice niya and super manly din.

Hindi ko napansin na nagtagal ang tingin ko sa kanya. Nilingon niya ako, ngumiti siya sa akin at nagtaas pa ng kilay.

"Nakapagbayad na kayo?" tanong niya sa akin.

Marahan akong nag-iwas ng tingin. "No pa," sagot ko sa kanya.

May inabot siyang money sa tindera. "Ako na din po ang magbabayad sa order nila," sabi niya dito.

"Sir Damien, nakakahiya naman po..." si Jolina.

Kumunot ang noo ko dahil sa pagtawag niyang Sir din dito. Baka ang name niya talaga ay Sir Damien. Mayroon nga din akong nakilala sa US na King ang pangalan kahit he's not naman hari.

"Wala 'yon," sagot niya dito.

Naramdaman ko ang tingin niya sa akin kaya naman nilingon ko siya.

"What?" tanong ko.

Ngumisi lang siya sa akin at umiling.

Nauna kaming umalis ni Jolina pagkabigay ng order naming halo-halo. Kinulit ko pa si Jolina na maghanap kami ng chocolate icecream pero wala daw mabibilhan malapit dito.

"Naka-libre pa tayo," nakangising sabi niya.

"Who's that ba?" tanong ko sa kanya.

He's gwapo. Hindi naman ako magsisinungaling.

Itinaas ni Jolina ang kamay niya at itinuro ang malawak na lupain sa harapan namin.

"Nakikita mo ang lahat ng 'yan?" tanong niya sa akin.

Tumango ako. "Lahat 'yan...pag mamay-ari ng mga Gallego."

"And so?"

"Kay Sir Damien Gallego."

Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro