Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 46

Sunrise





Hindi ako nakagalaw after kong marinig ang sinabi ni Crystal. I want to run paalis doon pero masyado akong nanghina because of pagkagulat.

"W-what are talking about?" matigas na tanong ni Julio dito.

Kita ko ang magkahalong gulat and pagkadismaya sa mukha ni Crystal dahil sa naging reaction ni Julio. Mula sa pagkakaluhod niya ay dahan dahan siyang tumayo para iwan si Crystal na hanggang ngayon ay ramdam pa din ang drama niya sa floor.

"Anong pinagsasabi mo?" tanong ni Julio sa kanya.

Inipon ko ang lahat ng lakas na meron ako para umalis duon at tumakbo. At talaga sa harapan ko pa sila gagawa ng drama nilang dalawa. Ang cheap naman at sa loob pa talaga nila ng comfort room napiling gawin iyon.

I bet na it's one of their tactics nanaman para saktan ako. They will do everything ata talaga just to hurt me. Hindi pa sila contented na I want to leave na everything behind, they want me gone na walang wala ako. Gusto nila yung ubos na ubos ako.

Tumulo nanaman ang mga luha sa cheeks ko dahil sa narinig. Hindi natuloy ang walk out scene ko nang maramdaman ko ang pagsunod ni Julio sa akin.

"Mag-usap tayo. Hindi totoo iyon," matigas na sabi niya sa akin na para bang it's my obligation na makinig sa explanation niya while I'm not even entitiled nga ata to explain my side sa kanila.

"I don't have pakialam," matigas na laban ko sa kanya.

Ilang beses na namanhid ang braso ko because of his paghawak. I miss his touch din talaga and hindi ko iyon mapagkakaila. I miss everything about Julio. Pero kailangan kong masanay na wala na ang mga iyon, hindi ko na ulit mararanasan.

"Vera, walang nangyari sa amin ni Crystal. Hindi siya buntis," giit niya pero wala pa din akong pakialam.

I won't fall na sa mga kasinungalingan nilang dalawa. Masyado na silang full force para pasakitan ako.

Didiretso na sana ako papunta sa may parking space para maka-alis na doon nang marinig ko ang pagtawag sa akin ng babeng waiter.

"Ma'am yung pagkain niyo po."

"Tabi nga diyan!" asik ko kay Julio para makadaan ako pabalik sa may counter para kuhanin ang mga mga pina-take out kong foods.

I saw how amused ate girl is dahil nagawa ko pang balikan and siguraduhing kumpleto ang mga food na iyon kahit umiiyak ako.

"Are you sure na two scoop ng chocolate ice cream ang nasa halo-halo ko?" tanong ko pa sa kanya.

Wala sa sarili siyang tumango kaya naman kaagad ko siyang tinalikuran para umalis na talaga sa place na 'yon.

"Vera," matigas na tawag ni Julio.

Looks like he's pissed dahil hindi ko papakinggan ang side niya. To hell with his explanation wala na akong pakialam!.

Sumunod siya sa akin. Narinig ko pa ang pagtawag ni Crystal sa kanya pero hindi naman niya ito pinansin.

"Vera..." tawag niya sa akin. Ilang beses ko pang naramdaman ang paghawak niya sa bewang ko kaya naman muntik na akong manghina, mabuti na lang at napigilan ko ang aking sarili.

"Tigilan mo nga ang paghabol sa akin dahil wala akong balak mag-alaga ng aso," suway ko sa kanya pero hindi siya natinag.

"Hindi totoo 'iyon," marahang sabi niya na para bang he's pagod na to explain.

"Totoo or hindi, I don't care!" giit ko.

Hinarap ko si Julio. "Panalo na kayo. Na-hurt na ako ng sobra...wala na dapat tayong pakialam sa isa't isa. Kaya I don't understand kung bakit hindi pa kayo tapos na saktan ako..." sumbat ko kay Julio.

I want to leave this town sana na kahit papaano ay peaceful. Naging malaking part ito ng life ko. Dito ko naramdaman ang totoong happiness na matagal kong gustong ma-feel. Kay Julio, kahit ang totoo ay puro kasinungalingan lang pala.

"I'm so pagod na...panalo na kayo," nanghihinang sabi ko sa kanya.

Kulang na lang sabihin nilang mamatay na lang ako sa harapan nila so that mahusto sila.

Hindi nakasagot si Julio, halong halong emotion ang nakikita ko sa mga eyes niya. He was about to say something pero kita kong nahihirapan siya kung ano man ang gusto niyang sabihin.

Wala siyang imik or ginawa nang pumasok na ako sa car ko. May inaasahan sana akong sabihin niya kahit hindi ko din naman alam kung ano exactly ang gusto kong marinig from him.

Sa sobrang inis ko ay nakita ko ang boxer niya na hindi ko iniwan sa house niya dahil I still want to keep it pa sana as Julio's natatagong baho. Pwede ko pa sanang gamitin iyon laban sa kanya pero I realize n it's non-sense.

Sandali kong binuksan ang window at itinapot ang boxer niya sa kanya. Tumama iyon sa dibdib niya. I saw how shocked he is nang ma-realize na it's his missing boxer. He was about to say something at kumatok nanaman sa window ng car ko nang kaagad ko iyon pinaandar.

"Wala na akong barya!" asik ko sa kanya.

As much as I want to take all of this as a joke hindi ko pa din alaga mapigilan ang bigat sa dibdib ko. Hindi ko alam kung saang part ng life ako sobrang nagkamali kaya nangyayari ang lahat ng ito sa akin.

"I'm home!" nakangiting salubong ni Yaya Esme sa akin.

Nawala ang smile niya when she saw me crying nanaman.

"Sino nanamang umaway sa'yo?" galit na tanong niya. Para siyang yung galit na Yaya na handang awayin yung umaway sa alaga nila.

Hindi ko na nagawang mag explain sa kanya. I'm happy and nagtataka at the same time dahil ang bilis ng honeymoon nila ni Mang Henry. She told us before na kung magho-honeymoon sila ay baka abutin pa daw ng isang taon.

Nagkulong ako sa kwarto ko habang paulit ulit na bumabalik sa akin ang mga salitang sinabi ni Crystal. Nasaktan ako nang marinig kong magkaka-baby na sila ni Julio kahit hindi ako sure kung it's legit or naha-hallucinate lang siya.

If totoo nga iyon...Paano kami ng Baby ko?. If magkakaba-baby si Crystal at Julio and magpapakasal sila, magiging anak sa labas ang Baby ko at matutulad din siya kay Daddy.

"Palagi na lang tayong umiiyak...this is not healthy anymore," sabi ko sa baby ko. I think sa tuwing umiiyak ako ay umiiyak din siya.

Marahan kong hinawakan ang tummy ko kahit hindi pa naman gaanong halata and ramdam doon na he's with me.

"We don't need your Daddy naman...mas strong kaya si Mommy pag mag-isa lang ako," pagbibida ko sa baby ko. I can still manage to smile habang umiiyak.

"Pero mas strong si Mommy because you're here na..." sabi ko sa kanya at mas lalong umiyak ulit.

Nang mapagod na ang lacrimal glands ko to produced tears ay tumigil na ako. I'm decided na umalis na dito pero mas dumoble ang eagerness kong sumama na kila Daddy ngayon.

It's sad lang to leave Yaya Esme, Gertie, Gianneri, at Tito Keizer. Kung pwede ko lang sana silang yayain na magtago with us ay gagawin ko. It's too deliakdo and hindi naman biro ang gagawin namin nila Daddy. Sa mata ng lahat ay krimenal pa din ang mga nagtatago sa kasalanan.

"Aba, ang gana mong kumain ngayon ah," puna ni Yaya Esme when she saw na gustong gusto ko yung niluto niya.

Lumabas na ako ng room ko para mas makasama sila while nandito pa ako. It's sayang to use my remaing time here na magmukmok mag-isa sa room ko and magsisisi ako after na hindi ko ginamit iyon para makasama sila.

Sobra ko silang mami-miss and mabigat sa dibdib isipin na I need to leave them and lumayo sa kanila. Sila na ang nakasama ko for a long time, they are my family but I need to go and layuan sila for their safety din naman.

It hurts lang na you have the capabality na saktan sila just because of your existence. Na they're not safe whenever you're around.

"Balita ko aalis sila Alice...mami-miss ko ang batang 'yon," Yaya Esme said kaya naman nanatili ang focus ko sa food na nasa aking harapan.

Hindi naman talaga ako nagkaroon ng sama ng loob kay Alice kahit pa sinampal niya ako. I really think na I deserved it nga dahil pinahamak ko si Tita Cleo.

Why pa kasi lumalapit ka sa kanila Vera? Pinapahamak mo lang sila.

"If ever na pupunta si Alice dito and hanapin ako...tell her po na ayoko siyang kausapin. Or wag na lang siyang papasukin dito," walang emosyon na sabi ko kahit ang totoo ay nasasaktan ako because aalis siya.

"At bakit naman? Bestfriend kayo di ba?"

Umirap ako sa kawalan para iwasan ang pag-teary ng eyes ko.

"Not anymore."

Hindi nakasagot si Yaya Esme hanggang sa may isang kasambahay na lumapit sa amin para sabihing nasa labas si Alice and hinahanap ako.

"Wag daw papasukin sabi ni Senyorita Vera," sabi ni Yaya Esme dito pero she's looking at me na para bang she knows na I will do something pa.

"Hmp! Ako na ang kakausap...aawayin ko siya," matigas na sabi ko and lumabas na para harapin si Alice.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Ate Vera..." tawag ni Gertie sa akin.

"I told everyone here na hindi pwedeng papasukin ang babaeng 'yan," sabi ko and humalukipkip pa to look convincing talaga.

"Ate!" tawasg ulit ni Gertie and kulang na lang ay magmaktol sa harapan naming dalawa ni Alice.

Nagtaas ako ng kilay kay Alice, hindi niya pwedeng malaman na it's masakit for me to see her go and mawalan nanaman ako taong love ko.

"Pumunta ako dito para mag-sorry sa pagsampal ko sayo. Mali iyon, nadala lang ako ng takot dahil sa nangyari kay Nanay..." she said.

Naiintindihan ko naman si Alice. At hindi naman talaga ako nag tanim ng tampo or galit sa kanya because of the sampal. Galit ako because aalis siya.

"Sampal? Sampla na 'yon" tanong ko and ngumisi pa to look cool.

"I understand, you should really save yourself sa akin dahil lahat naman talaga nang nilalapitan ko ay napapahamak..." pag-amin ko.

Hindi na nakapagsalita pa si Alice after my speech.

"Umalis ka na," pagtataboy ko sa kanya. Iiwan din naman niya ako kaya she should go na.

Gusto ko siyang pigilang umalis pero I'm pagod na to keep everyone around me. Pwedeng pwede nang umalis ang gustong umalis. Sana lang kasi hindi nila ako sinanay na nasa paligi sila tapos iiwan din naman pala ako sa huli.

Bago pa niya ako talikuran ay ako na ang unang tumalikod sa kanya. I hate nang makita na palagi na lang akong tinatalikuran at iniiwan ng mga taong love ko. Ngayon ako naman ang tatalikod sa kanila.

"They will leave Sta. Maria na. Alice will resign na nga din sa factory...hindi na natin siya palaging makikita here, Ate Vera."

Ramdam ko ang lungkot sa boses ni Gertie. Mas lalong bumigat ang dibdib ko and sumikip iyon. Of course nasasaktan ako dahil aalis si Alice, pero aalis din naman ako kaya quits lang kami.

Nangilid ang luha sa eyes ko. Isang beses ko siyang nilingon. Gusto kong tumakbo papunta sa kanya ang yakapin siya pero hindi ko ginawa. Don't be a loser, Vera. Tama na ang pag-iyak mo.

"I don't care," pagsisinungaling ko at kaagad na lumayo doon.

Sandali pa akong napatigil when I saw Yaya Esme. Malungkot siyang nakatingin sa akin. She knows na hindi totoo ang lahat nang ipinakita ko doon sa labas.

Alam ni Tito Keizer ang plan ko, ang hindi niya lang alam ay kung kailan exactly ako aalis sa house nila. I don't have plan din na sabihin kay Gertie ito, she should focus kay Gianneri at wag magpa-apekto sa pag-alis ko.

"Kinakamusta ka ni Julio," sabi ni Eroz sa akin isang morning na magpang-abot kami sa kitchen.

Inirapan ko ang basong hawak ko. "Julio? Sino yon?" mapanuyang tanong ko sa kanya pero nagtaas lang siya ng kilay sa akin.

"Boyfriend mo..." sabi niya kaya naman halos mabilaukan ako.

"Says who? Hindi kagaya niya ang tipo ko...ang dirty niya and kuripot," sabi ko and it's pure kasinungalingan naman.

Hindi nagsalita si Eroz. "I want someone na mayaman and yung malinis, hindi nagsusuot ng mga butas na clothes...malinis ang house at hindi mukhang halloween everyday," tuloy tuloy na laban ko pa din.

Hindi na nakapagsalita pa si Eroz. "Makakarating sa kanya," sabi niya kaya naman natigilan ako.

Imbes na matakot ay nagtaas pa ako ng kilay. "Go, sabihin mo. And one more thing...ibigay mo din ito sa kanya," sabi ko at akmang may kukunin sa pocket ko pero ipinakita ko lang ang middle finger ko kay Eroz kaya naman umigting ang panga niya.

Sandaling naghari ang katahimikan between us hanggang ako na din ang bumasag.

"Pag sinaktan mo ang cousin ko, babalik ako dito at sasampalin din kita," banta ko sa kanya.

"Bakit aalis ka?" tanong niya sa akin.

"Bakit sasama ka?" balik na tanong ko kaya naman mukhang stress nanaman si Eroz.

"Aalis ka? Alam ni Julio?" tanong niya sa akin. Look at this chismoso.

"Kailangan bang malaman ni Julio? Sino ba siya?"

Hindi na naka-imik pa si Eroz. "Mahal ka ni Julio," sabi niya sa akin kaya naman ako naman ang hindi naka-imik ngayon.

Knowing Eroz na tahimik at masungit. Close sila ni Julio kaya naman iba ang dating nuon for me. Ano namang mapapala niya if magsisinungaling siya?.

"Kawawa naman siya...the feeling is not mutual," sabi ko at nag-iwas ng tingin.

May naramdaman akong kung ano sa tummy ko kaya naman napahawak ako doon. Dahil sa ginawa ko ay bumaba din ang tingin ni Eroz doon kaya naman nanlaki ang mata ko.

"Hindi ako buntis ha," laban ko sa kanya at pinanlakihan pa siya ng mata.

Kumunot ang noo niya. "Wala akong sinasabi..."

Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan pa bago ako nagmamadaling lumabas sa kitchen para bumalik sa room ko.

I asked Gertie din na sa akin muna matulog si Gianneri the next days. Kahit siya nga ay tumabi pa sa amin. Wala naman siyang alam sa pag-alis ko pero baka she feel it too at hindi lang nagsasalita.

"Kay Gianneri na ang lahat ng 'to," turo ko sa mga naiwan kong things.

"But baby pa si Gianneri, Ate Vera..."

Inirapan ko siya. "Basta sa kanya na."

All my bags are packed and I'm ready to go na anytime soon. I'm waiting na lang sa go signal ni Daddy and sa place kung saan kami magkikita.

I received a message with the complete details kung saan at kung paano ako makakapunta sa kanila. Mas lalong bumigat ang dibdib ko because wala na talagang atrasan 'to.

"Ipasyal mo kami ni Gianneri bukas sa plantation, Ate Vera..." sabi ni Gertie sa akin bago kami maghiwalay para matulog.

Marahan akong tumango kahit ang totoo ay hindi ko na magagwa iyon dahil bukas ng madaling araw ay aalis na ako.

Muli kong kinuha si Gianneri sa kanya at niyakap nang mahigpit. Paulit ulit ko siyang hinalikan sa pisngi and iyon din naman ang ginawa niya sa akin.

"I love you so much, Gianini."

Pagkatapos kay Gianneri ay si Gertie naman ang niyakap ko.

"Pwede ba, bawasan mo nga 'yang kadaldalan mo..." suway ko sa kanya pero nginitian niya lang ako.

"But behave na ako," laban niya sa akin.

Hindi na ako nagsalita pa at mahigpit na lang siya niyakap. Nagkaroon ako ng kapatid because of her. Iyon din ang turing niya sa akin kaya naman I'm thankful din talaga kay Gertie.

"Good night, Tita Vera...see you on sunrise," sabi ni Gertie at itinaas pa ang kamay ni Gianneri na parang kumakaway sa akin.

Bumalik ako sa room ko para icheck ang mga gamit ko. Hindi nagtagal ay may kumatok nanaman, papagalitan ko sana ulit si Gertie pero napahinto ako when I saw Yaya Esme.

"Mamamalengke ako bukas ng madaling araw. May gusto ka bang ipaluto?" tanong niya sa akin. She seems so excited na paglutuan ako.

Natutuwa nga si Yaya Esme lately dahil nakita niyang magana akong kumain ng mga niluluto niya.

"Lahat naman po nang niluluto niyo...favorite ko," sabi ko sa kanya.

"Anong favorite lahat..." biro niya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya. Walang sabi sabi kong niyakap si Yaya Esme.

"Thank you for being there for me sa tuwing I need you, Yaya Esme." sabi ko sa kanya.

Ginantihan niya ang yakap ko. "Oo naman, palagi naman akong nandito para sa inyo ni Gertie," she said kaya naman mas lalo akong naging emotional.

Hindi rin ipinaramdam ni Yaya Esem sa akin na mas lamang ang love niya for Gertie kesa sa akin. Pantay ang love niya sa amin and pareho daw niya kaming favorite.

"I wish you all the best sa married life mo...sana mabuhay pa nang matagal and maghoneymoon kayo ni Mang Hnery hanggang sa gusto niyo," sabi ko sa kanya kaya naman pareho kaming natawa.

"Parang gusto mo na ata akong patayin eh."

"Don't talk like that po, Yaya Esme!" suway ko sa kanya.

"Ipagluluto kita ng mga paborito mo bukas...ubusin mo 'yon," banta pa niya sa akin bago siya nagpaalam at umalis na din.

Hindi na ako nakatulog pa that night. Naghintay na lang ako sa tamang time hanggang sa nagbihis na ako at inayos ang mga gamit ko. Before ako tuluyang lumabas ng room ko ay pinagmasdan ko pang mabuti.

Umalis na ako dati, but I know naman na babalik ako noon. Ngayon, aalis ulit ako pero hindi ko alam kung makakabalik pa.

Naghihintay na sa baba ang puting hiace van na pinahanda ni Tito Kiezer para sa pag-alis ko. Wala akong narinig na kahit anong sumbat sa kanya.

"Hihintayin naming bumalik ka...kasama ang Daddy mo. You're always welcome here, Vera. Bahay mo na din ito," sabi ni Tito sa akin.

"Thank you, Tito Keizer."

Isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa akin bago niya ako tinulungan buhatin ang mga gamit ko at ilagay iyon sa van. Hindi ko mapigilang umiyak while doing it. Sobra ko silang mami-miss.

Bago pa man ako tuluyang sumakay ay nilingon ko ulit ang house. Mas lalo akong nasaktan when I saw Yaya Esme crying habang nakatingin sa amin. Isang beses akong kumaway sa kanya before ako tuluyang umalis.

I told the driver na may dadaanan pa kami kaya naman huminto na muna kami sa house nila Alice. Nakita ko din ang sasakyan na gagamitin nila paalis ng Sta. Maria. Kahit sa pagalis ay bestfriend goals din talaga kami.

Itim na itim ang suot ko with my matching itim na sunglasses din.

"Bakit ka nandito?" tanong niya sa akin.

"Bawal bang mag goodbye sa mga enemey mo?"

"Ikaw lang ang qualified na maging kaibigan ko dito...then you'll leave pa," sabi ko sa kanya. Kaya nga aalis na din ako.

"Maraming may gusto sayo dito, Vera."

Marahan akong umiling. "Walang may gusto sa akin dito...ikaw lang."

Si Alice lang talaga yung nakita kong naiintindihan ako. And tanggap niya ako kahit sinusungitan ko siya noon. Siya ang bestfriend ko.

"Pag hindi mo ako binalikan dito...ikaw naman ang sasampalin ko pag nagkita tayo," paninigurado ko sa kanya kaya naman natawa si Alice.

"Babalik ako dito. Babalikan kita dito...bestfriends tayo," sabi niya sa akin. Muntik nang mag twist nanaman ang lips ko dahil sa pag-iyak.

"Umalis ka na sa harapan ko, Witch."

Piangtaasan niya din ako ng kilay kagaya nang palagi kong ginagawa sa kanya.

"Ikaw na muna ang maunang umalis. Ayokong isipin mong iiwan kita," she said kaya naman mabilis akong tumalikod at umiiyak na bumalik sa sasakyan.

Nadaan pa kami sa haunted house ni Julio. I saw him pa na half naked at nililinis ang car niya. If hindi lang magulo ang lahat ay mag-stay ako dito at aalagaan sila ni Brunie. They need someone na makakasama nila because masyadong malungkot ang life nilang mag-ama.

They need someone...and hindi ako iyon.

"Good bye, Snoopy..." sambit ko hanggang sa lumagpas na kami doon.

Hindi ako masyadong familiar sa place na pagkikitaan namin ni Daddy. Mula sa drop off point ay sumakay ako ng bus. Naninibago akong mag commute kaya naman I'm worried na maligaw ako.

"Miss, dito na yung babaan mo..." sabi sa akin ni Manong na konduktor.

He help me pa na ibaba ang mga things ko. Hindi naman nagtagal ay nagkita na kami ni Daddy kaya naman bumuhos nanaman ang tears ko.

Mahigpit ko siyang niyakap. Matagal ko ng dream na mangyari ito at ngayon ay ito na. Kung hindi lang namin kailangang maging careful sa palgid ay baka inabot pa kami ng ilang hours sa pagyayakapan doon.

"Kamusta ang byahe?"

"Medyo nahilo po ako sa bus," nakangiting kwento ko sa kanya.

Mula sa pinagbabaan ko ay sumakay pa kami ng tricycle. Medyo liblib na ang lugar pero hindi ako nakaramdaman ng fear dahil kasama ko naman ang Daddy ko.

"Siguradong maninibago ka dito," he said.

"It's ok lang po. Ang important ay magkasama na po tayo ulit," sabi ko sa kanya. Parang bata akong kumapit sa braso ni Daddy. I miss him so much.

Bumaba kami sa tapat ng lumang gate. From there ay medyo malayo pa ang nilakad namin bago namin marating ang lumang bahay. May mga katabing bahay din iyon, just like the first house ay luma din...abandoned.

"Veronica! Nandito na si Vera!" sigaw ni Daddy. Ramdam ko din ang excitement ni Daddy dahil magkakasama na kami.

Mula sa bahay ay lumabas ang nakasimangot na si Mommy. Biglang nawala ang excitement ko.

"Oh, anong gagawin ko? Magtatatalon ako sa tuwa?" mapanuyang tanong niya.

"Mommy..." tawag ko at yayakap din sana sa kanya nang kaagad niya ako pinigilan.

"Wag na at wala dapat ikasaya dahil nandito ka. Dagdag ka lang sa..."

"Veronica," madiing suway ni Daddy sa kanya.

Umirap lang si Mommy at tinalikuran pa kami. May narinig kaming papalapit na boses mula sa likod bahay. Hindi ko sana papansinin nang kaagad akong magulat when I saw kung sino iyon.

Halos walang nagbago sa itsura niya. Mas lalo lang siyang naging matured and gumanda ang katawan. Unlike Julio na clean cut ang hair ay may kahabaan ang buhok ng lalaking nasa harapan ko ngayon.

"Dito ka ba magpapalipas ng gabi?" tanong ni Daddy sa kanya.

Mula kay Daddy ay isang beses siyang sumulyap sa akin habang pinupunasan ang grasa sa kamay niya.

"August?" tawag ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin.

"Uuwi ako. Nangako ako sa asawa ko na uuwi ako ngayon," he said. Kahit ang boses niya ay matigas din at sobrang manly.

"August!" tawag ko sa kanya nang masigurado kong it's him talaga.

Kumunot ang noo niya sa akin. "Ito na yung anak mo, Vinci?" tanong niya dito.

Tumango si Daddy. Ipinakita ni August ang kamay niya kaya hindi siya makakapagshake hands.

"M-miss ka na ni Julio..." sabi ko. Nasasaktan ako for them.

Kumunot ang noo niya. "Sinong Julio?"





(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro