Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 44

Boses





Namanhid ang aking buong katawan because of what he said. I know naman na iyon ang ginagawa ni Julio. But the confirmation from him mismo ay mas masakit pa pala sa mga conclusions na ginagawa ko.

I thought na feelingera lang ako noon because of what I feel. Umasa ako na bukod sa pwedeng iyon ang intention niya sa akin ay may totoong feelings naman talaga siya sa akin. Pero the fact na he told me na he used me lang talaga...it's masakit ng sobra.

Tuloy tuloy ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Sa kabila nuon ay nagawa ko pang ngumisi sa kanya. I will never make him feel na natalo nila ako. I will never accept defeat dahil hindi ko deserve iyon...hindi na ulit.

"You want us to get even? Well, gustong mong malaman ang totoo?" tanong ko sa kanya kagaya kung paano niya ako tinanong kanina.

"Ginamit lang din kita, Julio..." nakangising sabi ko sa kanya kahit I feel so panget na dahil parang gripong tumulo ang luha sa aking mga mata.

"I used you lang din para maitakas ang Daddy ko. Hinding hindi niyo siya mahuhuli, itatago ko siya sa inyo..." madiing sabi ko sa kanya.

I know na it's bad, it's not the right thing to do. Pero sa mga nangyayari ngayon...sa mga problems na kinakaharap ko, I don't know what to do na din.

I saw how anger etched sa face niya. Kung galit siya kanina ay mas galit siya ngayon.

"Kung ganoon ay wala kang pinagkaiba sa kanya..." madiin at seryosong sabi niya sa akin.

Hindi ako naka-imik. Hindi ko din alam kung anong stand ko doon. Hindi na din ako makapag-isip ng maayos. Ang gusto ko na lang mangyari ay lumayo sa kanya, umalis sa bahay niya, lumayo sa lahat.

"Mamamatay tao..." madiing sabi niya while looking straight sa eyes ko.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko na makita sa kanya ang Julio na kilala ko. I sudden felt like ibang tao siya.

"I'll prove you wrong, Escuel. And if that day came...sasampalin kita," sabi ko pa sa kanya.

Tumahol ulit si Brunie, he feel na sigurong aalis na talaga ako at hindi na ako babalik dito. Nilingon ko siya at mas lalo akong naiyak. Eventhough he's panget ay cute pa din siya.

"Inosente ang Daddy ko...isasampal ko 'yan sa pagmumukha mo," madiing sabi ko bago nanaman bumuhos ang tears ko.

Kumuyom ang kamao niya. "Umalis ka na," pagtataboy niya sa akin kaya naman it hurts me even more.

"You don't have too choo me away...marunong akong umalis sa panget mong house. You really think ba gusto ko dito? Ang dumi dumi, nakakatakot...kahit sinong babae hindi magtatagal sa house mo, mabulok ka dito mag-isa mo!" panlalait ko pa. Iyon na lang ang alam kong paraan para naman hindi ako umalis na walang wala.

Sumubok na humabol si Brunie sa akin pero kaagad siyang tinawag ni Julio para patigilin. Umiiyak akong tumakbo palabas ng bahay niya.

Everything that I said is a pure kasinungalingan. Hindi panget ang house ni Julio, I love being there pa nga kami I feel like it's my home talaga kahit tresspasing lang ako doon.

Julio's haunted mansion feels like home para sa akin. Doon lang ako nakakatulog ng maayos sa gabi, kahit mag-isa lang at it kinda looks nakakatakot ay I feel secure naman.

It's super sad lang isipin na hindi na ulit ako makakapasok at makakabalik doon. I will surely miss Brunie and Versace din.

Galit na Tito Keizer ang sumalubong sa akin pagbalik ko sa Villa de Montero. Sa kanyang likuran ay ang nag-aalalang si Yaya Esme. Dapat ay naghahanda na siya ngayon para umalis for their honeymoon ni Mang Henry pero she's here because she's worried daw sa akin.

"Kung sino sino na ang tumatawag sa akin tungkol sa Daddy mo," pag-uumpisa niya.

Hindi kaagad ako nakasagot. Nanatili lang akong nakayuko habang inilalabas ang lahat ng tears na meron ako. Siguro naman after this ay hindi na malaki ang eyebags ko, mailalabas ko na ata ang lahat.

"Anong alam mo tungkol sa kanya?" tanong ni Tito Keizer.

Dahan dahan ko siyang nilingon. Hindi din nagtagal ang tingin ko because I feel so nahihiya pa din sa kanya dahil sa ginawa ko sa pera ng plantation.

"Wala po..." tipid na sagot ko.

I don't want them to know everything and madamay lang sila. As much as I need their help ay ayokong madamay sila.

If tutulong sila sa amin ni Daddy ay lalabas na kasabwat namin sila. Hindi ko kayang gawin iyon sa family na tumanggap sa amin ng buo. Hindi ganoon ang klase ng pagbabayad namin ng gratitude kay Tito Keizer.

"Come on, Vera."

Marahan akong umiling. I badly want to aske for help pero maraming pwedeng maging consequence. Baka mapahamak lang din sila because of us. Mas hindi ko kakayanin kung may mangyari sa family ko dahil nanaman sa akin.

Pagod na akong maging cause nang kapahamakan ng iba. Pagod na akong makunsensya.

"Wala po talaga akong alam, Tito..." giit ko.

Kita kong magagalit na sana siya sa akin pero napabuntong hininga na lang siya.

He was about to say something pa nang kaagad na lumapit si Yaya Esme.

"Pagpahingahin muna natin si Vera..." sabi niya kay Tito Keizer.

Walang nagawa si Tito kundi ang mapabuntong hininga. Mariin siyang napapikit at napahilamos sa kanyang mukha.

"Rest for now, mag-uusap tayo pag kaya mo nang sabihin sa akin ang lahat," he said.

Hindi pa kaagad ako nakagalaw sa aking kinatatayuan. Si Yaya Esme na mismo ang lumapit sa akin para hilahin ako paalis doon at magpunta na sa room ko. Hinang hina ako dahil sa mga nangyayari.

Bukod doon ay worried din ako kay Tita Cynthia. Paano na lang kung napuruhan siya? Edi mahu-hurt nanaman si Julio. Kahit magkagalit kami ngayon ay worried pa din naman ako sa feelings niya. Sino bang tao ang gustong maging cause nang heartache ng ibang tao?.

Sinamahan ako ni Yaya Esme hanggang sa room ko. Pagkapasok sa loob ay mabilis akong gumapang sa bed ko at yumakap ng pillow at doon sinubsob ang mukha ko.

"Saan ka ba nagsususuot na bata ka? Pinag-alala mo nanaman ako," marahang sabi ni Yaya Esme sa akin.

Humigpit ang yakap ko sa pillow.

"I'm fine lang po," pagsisinungaling ko.

Kahit tuloy ang pagiging worried nila sa akin ay pakiramdam ko isang malaking sin. I'm nahihiya na inaabala ko pa sila para mag-alala sa akin.

"Nandito lang si Yaya..." paalala pa niya sa akin.

Mas lalong nalukot ang face ko. Kung naka-full make up lang ako ngayon, for sure dumikit na iyon sa pillow ko.

Naramdaman ko ang hawak niya sa likuran ko, she knows talaga kung kailan ako ok at hindi. Alam niyang umiiyak ako kahit I did my best para lang hindi maka-make ng kahit anong tunog.

"Gusto mong sumama sa akin?" tanong niya sa akin.

Natawa tuloy ako while crying. "That's a yuck naman po, Yaya Esme!" giit ko kaya naman natawa din siya.

"Sumama ka sa amin para naman makabakasyon ka din," sabi pa niya sa akin.

She's serious talaga when she suggested na sumama ako sa honeymoon nila ni Mang Henry. Gagawin pa akong third wheel.

"You can go na po. You don't need to worry about me, I'm fine lang...and it's your favorite part of being married di ba? The honeymoon," sabi ko pa sa kanya kaya naman natawa nanaman siya.

Pabiro niya akong pinatalo sa pwetan ko. Hindi na nakapagsalita pa si Yaya Esme hanggang sa naramdaman kong gumapang siya sa bed ko at yumakap mula sa aking likuran.

"Mas importante ka sa akin...kayo ni Gertie," malambing na sabi niya.

"Sa tingin mo ma-eenjoy ko ang honeymoon kung alam kong umiiyak ka dito at nagmumukmok?" tanong niya sa akin.

Nilingon ko si Yaya Esme. Marahan niyang pinahiran ang tears sa face ko.

"Ang panget mo na, hindi ka na mana sa akin," pang-aasar pa niya.

Hindi ako nakapagsalita. Buti na lang I have her, si Gertie, si Gianneri, at si Tito Keizer.

"Gusto ko na lang umalis here," sabi ko sa kanya.

Uminit nanaman ang gilid ng eyes ko dahil sa pag-iyak.

"Bakit naman? Gusto ka namin dito," giit niya.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. "In all the places na pinuntahan ko...walang may gusto sa akin," sumbong ko sa kanya.

"Ano ka ba, nandito kami..." paalala ulit niya.

Muling bumalik sa akin ang mga karanasan ko sa America. The first weeks until month ay hindi naging madali sa akin.

Unang work ko pa lang ay napag-initan na ako ng mga workmates ko because I feel superior daw sa kanila kahit kabago-bago ko pa lang. They think na I have attitude because I stand for I know what is right, and hindi ako nakiki-go with the flow sa kanila.

Sa sobrang inis nila sa akin because they feel like I'm a threat sa kanila ay pinagtulungan nila ako.

They gave me a lot of work, sobra ang work load ko kesa sa work na para lang talaga sa akin. Pinapagawa nila sa akin ang mga bagay na hindi ko naman dapat trabaho. Hanggang sa dumating yung time na hindi na nila kinaya because hindi nila ako napa-give up sa work ko kahit anong pagpapahirap ang ginawa nila sa akin.

"Wag mo na ulit hayaang makulong ang sarili mo dito," pakiusap ni Yaya Esme sa akin. She knows na ata kaagad na iyon ang gagawin ko sa mga susunod pang araw.

Tumulo nanaman ang tears mula sa eyes ko nang maalala ko kung paano nila ako ikinulong sa storage room ng office namin. Buong magdamag ako doon, walang food o kahit ano, they even turn off pa nga ang switch ng ilaw kaya sobrang dilim.

Winter pa that time kaya naman sobrang lamig ng paligid, hindi sapat ang suot kong clothes para labanan iyon. Pakiramdam ko nasa loob ako ng freezer and mamamatay ako like a frozen meat.

Nag-resign kaagad ako after that incident. Ilang job ang napagdaanan ko hanggang sa makahanap ng work place na kahit papaano ay healthy para sa akin.

"Hindi ko na alam kung saan ako lulugar na place, Yaya Esme."

Humigpit lalo ang yakap niya sa akin. "Nandito kami para sayo...palagi, Vera." marahang paalala niya.

Pinilit kong maging ok the next day to convince Yaya Esme na ituloy ang honeymoon nila ni Mang Henry. Dadagdag lang iyon sa kunsensya ko if hindi siya tumuloy because of me.

"Kung ayaw mong sabihin sa akin ang lahat...sabihin mo na lang kung may kailangan ka, kahit ano, Vera."

Handa si Tito Keizer to help me and Daddy. Kahit hindi niya alam ang buong kwento, handa siyang tumulong.

"Pamilya tayo dito, hindi mo kailangang solohin ang problema," paalala pa ulit niya sa akin.

Wala ng tears na tumulo mula sa eyes ko. Sobrang pagod na din sila.

Ayoko lang na madamay sila. I want to tell him my reasons pero maging iyon ay pakiramdam ko magiging delikado for them. Hindi ko nga din alam kung paano ko sasabihin sa kanya na gusto kong lumayo dito.

Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ni Tito Keizer sa akin.

"Kakampi niyo ako," he said kaya naman naiyak nanaman ako. I hate it talaga pag mababaw ang tears ko. Lalo na lately, hindi ko na din maintindihan ang sarili ko.

I tried to contact Daddy to tell him about yung help na inaalok ni Tito Keizer sa akin. Sa ngayon ay he secretly re-open the case para maghanap ng evidence na innocent ang Daddy ko. That's a big help dahil hindi ko din naman alam kung saan mag-uusap when it comes to that aspect.

Mas maraming connection si Tito kaya naman its easy lang for him.

He told me na wag na muna lumabas nang house lalo na at mainit pa din ang news about sa accident nila Tita Cynthia. Some believe na si Daddy daw ang may pakana, ang iba naman ay hindi na because for them...matagal nang patay si Vinci Montero.

Nag-ingay si Gianneri sa room ko. Everytime na aalis si Gertie at Eroz ay sa akin siya naiiwan kaya naman may kasama akong magkulong sa room ko. She's malikot na din kaya naman nakapalibot na sa bed ko ang mga unan.

"Mas malaki pa ang net worth mo sa akin," pagkausap ko sa kanya.

Nakadapa siya habang kinakagat ang laruang hawak niya. Basang basa ng laway iyon, lumabas na ang dalawang teeth niya sa baba at mukhang malapit na din ang sa itaas. Malapit na siyang mag mukhang bunny.

Marahan kong sinuklay ang hair niya kaya naman tumingin siya sa akin.

"If aalis si Tita...you'll gonna miss me ba?" tanong ko sa kanya. I'll surely miss her kasi.

Nag-ingay siya at kung ano ano nanaman ang sinabi.

Hindi naging madali sa aking ang mga sumunod na araw because ilang umaga akong nagising because of pagsusuka, madalas na din ang pagsama ng pakiramdam ko.

"I want something sweet...na sour, na medyo spicy," sabi ko sa mga kasambahay namin.

Nagtinginan silang dalawa, hindi ako masyadong close sa kanila because mas sanay ako na mag request ng gusto kong food kay Yaya Esme. I know na kaagad yung mga ganoong klaseng tingin nila sa akin. Ofcourse naman everybody knows about the nerws nanaman tungkol kay Dad.

And as the anak...I am damay.

"I-ihahatid na lang po namin sa kwarto niyo, Senyorita..." sabi nila sa akin kaya naman tumango ako.

Pagkalabas ko sa kitchen ay narinig ko kaagad ang paguusap nila. Hindi na ako nagulat dahil I'm sanay na na everyone talks behind my back.

"Senyorita daw...ang lakas nang loob mag request, nabalitaan mo bang ninakawan niya yung plantation?" paguusap nilang dalawa.

Tumawa ang isa. "Ganyan talaga pag anak ng krimenal...dapat ay umalis na lang 'yan dito," sabi pa nila.

Gusto kong bumalik sa loob at pagsasampalin silang dalawa. Hindi ko nagawa because of panghihina na din dahil sa sumunod nilang sinabi.

"Kung ako kay Senyorita Gertie...hindi ko palalapitin si Baby Gianneri sakanya, baka mahawa."

Bumigat ang dibdib ko dahil sa narinig. Mga punyeta...ipapakain ko sa kanila lahat ng iluluto nila mamaya.

Imbes na maghintay doon ay pumunta na lang ako kay Tita Cleo kahit pinagbawalan ako ni Tito Kiezer na lumabas. Kasama nila Gertie si Gianneri kaya naman mag-isa lang ako sa bahay.

Nilakad ko lang papunta sa bahay nila kaya naman nagsuot na lang ako ng jacket so that hindi masunog ang skin ko.

"Sabi ko na nga ba at pupunta ka," nakangiting sabi ni Tita Cleo.

"You feel po na pupunta ako?" namamanghang tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya at tumnago habang abala siya sa paghahanda ng food.

"Oh my!" sambit ko when I saw kung anong nakahain sa table.

It's sweet and sour pork.

"I'm craving po sa ganyan..." kwento ko sa kanya.

"Kumain ka nang madami, niluto ko talaga iyan para sayo."

Marami akong nalaman kay Tita Cleo. Nalaman ko na din tuloy ang love story nila ng Tatay ni Alice. Bigla akong naawa kay Tita dahil sa bruhang Ursula na iyon.

"You want to go sa party po?" tanong ko sa kanya.

Siegfried invite me sa isang party for the opening ng isa pa nilang resort. Malaki ang party na iyon kaya for sure nandoon si Atheena Salvadora.

Sandaling natahimik si Tita Cleo, hinyaan ko siya to think habang sunod sunod ang subo ko ng food. I notice na din ang pagiging matakaw ko.

I asked her lang naman about it pero I know na hindi siya sasama sa akin. Kaya naman nagulat ako sa sumunod niyang sinabi.

"Gusto kong sumama...gusto kong makita kung anong klaseng mundo ang ginagalawan nila," she said.

"Are you sure po? Magpapaalam po ako kay Alice, that witch pa naman ay masungit," sabi ko at tumawa pa.

Ayaw ni Tita na sabihin ko kay Alice kaya naman I respect her decision. Hinanda ko kaagad ang pwedeng clothes naming dalawa sa party. Aayusan ko si Tita Cleo na maging si Ursula ay mahiya sa balat niya. Mas maganda si Tita kesa sa kanya, bukod doon ay mas mabait pa.

I'm still worried pa din about Tita Cynthia kaya naman isang araw ay hindi ko na napigilan ang sarili ko to visit her sa hospital. Just like kung paano ako lumalabas this days na naka-disguise and naka-jacket ng malaki so that hindi ako pansinin ay iyon ang suot ko pagpunta ko doon.

No one will know naman na nandoon ako. Hindi ko din intention na sabihin kay Julio ang pagpunta ko. I just really want to check on Tita Cynthia at pagkatapos ay aalis na ako.

Naging madali lang for me na mahanap ang room niya. Saktong pagdating ko sa hallway sa tamang floor ay nakita kong lumabas si Julio at Crystal sa isang room. Tulak ni Julio ang wheelchair nito and mukhang papunta sila sa room ni Tita Cynthia.

Nakaramdam ako ng selos dahil sa pag-aalalagang ginagawa ni Julio sa totong girlfriend niya. All this days na wala akong paramdam and mag-isa ako sa room ko ay it hurts lang na hindi man lang siya naging worried sa akin or nangamusta man lang.

Parang hindi niya naramdaman ang absence ko or wala naman talaga siyang pakialam sa presence ko since day one.

Sumunod ako sa room kung saan sila pumasok, hindi naisara ng maayos ako pintuan ng room. Look at this tanga.

"Mabilis po akong gumaling dahil sa alaga ni Julio," rinig kong sabi ni Crystal.

Tumawa si Tita Cynthia. Umirap ako sa kawalan. Lahat tuloy nang dumadaan kahit nurse o maging Doctor ay inirapan ko na kahit wala naman silang kasalanan.

Ilalapit ko na sana ulit ang tenga ko sa door nang magulat ako dahil biglang bumukas iyon at lumabas si Julio. Nawala kaagad ang smile sa lips niya nang makita niya ako.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin.

Nagtaas ako ng kilay. "Nakatambay? Bawal tumambay sa hospital?" masungit na tanong ko sa kanya.

Sandali niyang tiningnan pabalik ang room ay sinarado ang door ng maayos.

"Bakit ka nandito?" tanong niya again at mas seryoso na.

"I just want to check on Tita Cynthia...Tita Cynthia lang, I don't have naman pake sa girlfriend mo," sabi ko then umirap pa.

"Maayos na siya. Pwede ka nang umalis," pagtataboy niya sa akin.

"Bakit sayo ba ang hospital na 'to?" tanong ko.

Umigting ang panga niya. "Umuwi ka na sa inyo," sabi pa niya.

Hindi na ako umimik pa, iniabot ko sa kanya ang isang pirasong rose na nabili ko for Tita Cynthia. I'm so broke na nga kaya hindi ko na afford ang bouquet.

"I bought this for her..." marahang sabi ko.

Bumaba ang tingin ni Julio sa hawak ko. Hindi nagbago ang matigas niyang ekspresyon.

"Ayaw ni Tita Cynthia ng rosas," matigas na sabi niya sa akin.

Humaba ang nguso ko. "Ito na lang ang kasya sa money ko, sana pala sampaguita na lang..." bulong bulong ko pa.

"Wag ka na ulit babalik dito," sabi ni Julio na ikinagulat ko.

"What if nasagasaan ako sa labas? Hindi ako pwede dito sa hospital? Mamamatay ako sa road? Ang rude mo namang enemy," asik ko pa sa kanya.

Mas lalo siyang sumimangot.

Hindi na ulit siya nagsalita pa na para bang ayaw na niyang pahabain pa ang conversation namin.

"Anong gagawin ko dito?" pamomorblemang tanong ko sa self ko.

Nagulat ako nang kuhanin ni Julio ang hawak kong rose. Pagkakuha niya ay kaagad siyang lumapit sa trashcan at itinapon iyon doon.

"Pwede ka nang umalis," sabi pa ulit niya sa akin. Inirapan niya ako bago niya ako tinalikuran.

Nanlambot ang tuhod ko habang nakatingin ako sa paglakad niya palayo sa akin. Nilakad niya ang mahabang hallway hanggang sa lumiko siya at tuluyan nang nawala sa aking paningin.

I'll make a drama scene pa sana nang kaagad nanamang umikot ang sikmura ko kaya naman tumakbo ako papunta sa restroom. Naduwal lang ako pero wala namang lumabas na kahit ano. Mas lalo akong nanghina after that kaya naman mas lalong naging weak ang tuhod ko.

Naglalakad ako sa may parking space nang maramdaman kong may sumusunod sa akin. Walang katao tao kaya naman mas naging doble ang kaba ko. Isang beses akong lumingon hanggang sa makita ko ang isang naka-itim na lalaki. Marahan lang ang lakad niya pero iba ang feeling ko towards him.

Malalaking hakbang ang ginawa ko. Sa sumunod kong lingon sa kanya ay dumoble na din ang hakbang niya. Bigla akong natakot kaya naman halos takbuhin ko na ang papunta sa car ko.

Hindi ko pa man napipindot ang alarm ay kaagad na akong napadaing nang may humablot sa hair ko.

"Ouch!" daing ko.

Mahigpit ang hawak niya sa buhok ko. Mataspo niyang gawin iyon ay hinila niya ako sa dulo ng aking sasakyan at padarag niya akong isinandal sa likurang bahagi. Mata lang ang nakita ko sa kanya dahil sa suot niyang itim na face mask.

"Ano ba! Let go of me!" sigaw ko sa kanya.

Nagulat ako nang sampalin niya ako isang beses reason kung bakit halos mabingi ako. Dinuro niya ang bibig ko.

"Subukan mong mag-ingay," madiing banta niya sa akin kaya naman tumahimik ako sa kabila nang takot.

Mahigpit niyang hinawakan ang collar ng suot kong jacket kaya naman nahirapan akong makahinga.

"Sabihin mo sa Tatay mo, sa oras na sumuko siya..." hindi niya itinuloy ang sasabihin niya, may inilabas siya sa kanyang likuran at nakita ko ang baril.

"May babaong bala diyan sa ulo mo..." banta niya sa akin kaya naman tumulo ang luha sa aking mga mata.

Aakto pa sana siyang sasampalin ulit ako kaya naman napapikit ako ng mariin. Tinawanan niya ako sa naging reaksyon ko dahil hindi naman niya itinuloy iyon.

"Maganda naman pala ang anak ni Vinci...pwede na," he said kaya naman halos mamanhid ang buong katawan ko.

Kung may hindi pa dumating na sasakyan ay hindi pa sana siya aalis. Nanginginig ang buong body ko after that kaya naman mabilis akong pumasok sa car ko at doon nagkulong.

Halos yakapin ko ang manibela, ramdam ko ang panghihina lalo na everytime naaalala ko yung ipinakita niya sa aking baril. It's traumatizing lalo na at pinagbuhatan niya ako ng kamay.

Wala akong nagawa kundi ang tahimik na umiyak. Walang tao sa house namin pagkauwi ko. Kahit ata ang mga kasambahay namin ay nagtatago para layuan ako. They think ata na I'm dangerous na din for their safety dahil nanaman sa kumakalat na news.

Kahit gusto kong magsumbong ay wala naman akong pagsusumbungan. Dumiretso ako sa loob ng room ko at sinigurado na naka-double lock ang door ko. Maging ang maliit na bukas ng curtain sa window ko ay kaagad kong tinakbo para lang isara sa takot na baka nakasunod sa akin ang lalaki.

Mabilis kong kinuha ang mga luggages ko at unti unting ipinasok doon ang ilan sa mga gamit ko. Out of control na talaga ang mga nangyayari sa paligid ko kaya naman I need to move na sa place kung saan walang akong madadamay na ibang tao.

Saktong tumunog ang phone ko dahil sa tawag ni Daddy. Mabilis kong sinagot iyon at sinalubong siya ng iyak.

Hinayaan niya akong umiyak sa kanya, hindi siya nagsalita.

"Ayoko na po dito...please, Daddy. Sasama na po ako sa inyo," pakiusap ko sa kanya.

"Vera..." tawag niya sa akin.

I told him what happend sa parking space kanina. Naramdaman ko ang problemaong pagsinghap ni Daddy.

"Sa susunod na linggo...babalik kami sa pampanga sa susunod na linggo. Doon tayo magkita," sabi niya sa akin.

I sighed in relief. Hindi ko din alam kung bakit gumaan ang dibdib ko nang malaman kong aalis na ako dito.

"Gusto ko na pong umalis dito, Daddy..." sumbong ko ulit sa kanya.

"Aalis ka na diyan...kukunin na kita. Save your remaing days to bond with your friends," sabi niya pa sa akin na para bang ang gagawin namin ay magpapaalam ako sa mga kaibigan ko dahil magbabakasyon lang kami.

Marahan akong tumango kahit hindi ko alam kung paano gagawin iyon.

"Magkikita na tayo sa susunod na linggo..." paninigurado niya sa akin.

Narinig ko pa ang boses ni Mommy sa kabilang linya. Ni hindi man lang siya naging interisado sa akin kahit kausap ko si Daddy.

"Sasama na si Vera sa atin," sabi ni Daddy sa kanya.

"Ano!? sinong mag papadala ng pera sa atin kung ganoon?" tanong niya dito kaya naman nasaktan nanaman ako. She can remember me lang talaga pag-usapang pera.

"Kukunin ko na si Vera," pinal na sabi ni Daddy sa kanya.

Bago pa man makabalik si Daddy sa akin ay may isa pang boses ng lalaki akong narinig.

"Aalis na ako," matigas na sabi nito kaya naman kumunot ang noo ko.

"Sandali lang..." sabi ni Daddy sa kanya.

"Hayaan mo na siyang umalis...matagal pa ata yang drama niyo nang anak mo," mapanuyang sabi ni Mommy.

"Aalis na ako," sabi ulit nung lalaki kaya naman naramdaman ko ang pagpigil ni Daddy.

"August, sandali."





(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro