Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 40

Behind





Sandali akong natahimik because of what I heard. Gusto kong magtampo because I felt like they want to call me lang everytime they need money. Kung hindi nila need iyon ay hindi naman nila mai-isip na tawagan ako.

"Narinig mo ba yung sinabi ko, Vera?" galit na pag-uulit ni Mommy.

Marahan akong tumango kahit hindi naman nila nakikita iyon.

"B-but...I don't have enough money na po," sabi ko sa kanya.

"Putang...maglolokohan pa ba tayo dito?" galit na asik niya sa akin.

Namanhid ang buong body ko and nanginig pa ang kamay kong nakahawak sa phone dahil sa galit na boses ni Mommy. It's easy for her to shout at me dahil hindi ko masunod kaagad ang gusto niyang ipagawa sa akin.

Bumabalik yung feeling ko everytime sinisigawan ako ni Lola noon. Bumalik yung feeling ko na I'm walang kwenta everytime hindi ko nasusunod yung mga inuutos nila sa akin. I feel so lost, hindi ko na alam kung saan ako lulugar.

"It's true, Mommy. Naibigay ko na po sa inyo ang lahat..." ma-ingat na sabi ko because I don't want it to sound parang sinusumbatan ko sila.

It's bukas naman sa loob ko to lend them everything I have. But it's masakit din for my part na they remember me lang for money. Kulang na lang they change na may name from Vera to Pera.

"Sinusumbatan mo ba kami? Nanunumbat ka na ngayon?" asik niya sa akin.

"Hindi po, Mommy."

Tumawa siya ng pagak sa kabilang linya. "Tingnan mo 'tong walanghiya mong anak, Vinci," she said kaya naman uminit ang magkabilang gilid ng aking mga mata.

The way she said it ay parang wala akong ginawang tama for them. Wala naman silang narinig sa akin sa mga first money transfer ko to them.

"Tigilan mo na si Vera," rinig kong pagod na suway ni Daddy sa kabilang linya.

Mas lalo akong na-hurt when I heard his voice and looks like nawawalan na siya nang pag-asa.

"Ang kapal naman ng mukha ng anak mo kung papabayaan niya tayo. Parang hindi natin ibinigay ang lahat sa kanya nung bata siya," rinig kong pagtatalo nila ni Mommy.

Hindi man niya directly sinabi iyon sa akin ay she knows naman na naririnig ko iyon and masakit iyon for me. Wala siyang pakialam sa feelings ko.

"Hindi obligasyon ni Vera na tulungan tayo lalo na't...tayo naman ang gumawa nito sa sarili natin," Daddy said kaya naman tumulo ang luha sa aking mga mata.

Since then, wala namang ibang gusto si Daddy kundi ibigay ang best for me. Nilunok niya ang pride niya kahit kung ano anong hurtful and bad words ang naririnig niya kay Lola Cressida. Dinala niya ako sa mga Montero that day because he knows na magiging maginhawa ang buhay ko dahil may money sila.

Hindi rin naman alam ni Daddy ang ginagawa ni Lola sa akin that time kaya hindi ko pwedeng isumbat sa kanya iyon. He was also blindsided by the fact na ginawa niya ang lahat nang sabihin sa kanya nito for us to be accepted.

"Punyetang bata," gigil na sabi ni Mommy kaya naman halos sumikip ang dibdib ko.

Muli niyang inilagay ang phone sa tenga niya para kausapin ako.

"Magpakasaya ka. Ngayon pa lang ay tanggapin mo nang mawawala na ang mga magulang mo. Ang damot mo!" asik pa niya sa akin.

"Veronica, tama na!" galit na suway ni Daddy sa kanya.

"G-gagawa po ako ng paraan," pagsuko ko.

"Yan! Ganyan. Hindi yung akala mo kung sino ka na ngayon," pagpapatuloy pa ni Mommy imbes na kumalma siya dahil I'll make a way na nga para padalhan sila ng pera.

"Half a million na lang po ang laman ng bank account ko...I'll send it po sa inyo right away," sabi ko.

I'm willing to lend them all my money kahit pa ang huling centavo.

"Ang susunod kailan?" tanong niya kaagad sa akin.

"Uhm...gagawa mo ako ng paraan," sagot ko sa kanya.

Pinatay kaagad ni Mommy ang tawag kahit sinabihan siya ni Daddy na kakausapin pa niya ako. Sunod sunod na tumulo ang luha from my eyes dahil sa mga narinig ko kay Mommy. Nagbago na siya, or baka she's ganoon naman talaga dati pa at ngayon ko lang na-realize.

Nanlalabo ang mata ko dahil sa luha, but hindi pa din ako nag-sayang nang oras at mabilis na nag-transfer ng money sa kanila.

Napatitig ako sa bagong balance ng bank account ko. Napangisi ako at napa-irap sa kawalan because kahit anong titig ko doon ay hindi ko akalain na matutuwa na ako because may one hundred seventy pesos pa ang natira doon.

"Atleast I can still afford to buy chewing gum," sabi ko sa sarili ko na lang sa self ko para pagaanin ang loob ko.

Wala sa sarili kong ibinalik ang atensyon ko sa laptop ni Julio to take a picture ng mga nandoon. I don't want to be blindsided anymore. I need to know din kung gaano pa kalakas ang evidence nila sa Daddy ko. I need to know kung saan nanggagaling ang lahat ng galit nila sa Daddy ko.

Umiiyak ako habang ginagawa ko iyon. This is not me, hindi ko naman gustong maging traitor kay Julio. I want to keep him because I love him so much. Pero dahil sa ginagawa ko ay pinapahamak ko lang ang relationship namin na gusto kong ingatan.

"Why?" tanong ko kay Brunie nang maramdaman ko ang pagkalabit niya sa paa ko na para bang he wants my attention.

Tumingin siya sa akin kaya naman tiningnan ko siya pabalik.

"I still love your Daddy...but I need to do this," sabi ko sa kanya.

After kong makuhanan lahat ng picture sa folder ay kaagad kong pinatay ang laptop na para bang walang nangyari.

Gusto kong umuwi na lang but I don't have the strength to do so. Maraming gumugulo sa isip ko. Hindi ko alam kung anong uunahin kong bigyan ng attention.

Bumalik ako pahiga sa sofa. Napatingin ako sa malaking family portrait ng family ni Julio. Magaganda ang smile nilang lahat sa portrait na iyon, they don't deserve ang nangyari sa kanila because mabubuti silang tao.

"I'm sure na you'll gonna hate me na, Tita."

Kinausap ko siya while umiiyak ako. Nakatitig ako sa portrait niya kahit ang kapal ng face ko to do that lalo na at I'm being a traitor for their justice.

"You'll gonna hate me too, August," sabi ko nang lumipat ang tingin ko sa kanya.

"You're not boto na sa akin for Julio," sabi ko naman kay Tito.

Hindi ko na kinayang tingnan pa sila kaya naman mariin akong napapikit and tahimik na umiyak.

"I don't know what to do..." sumbong ko sa kawalan. 

I need someone to talk to. I need someone na makikinig sa akin sa mga problems ko but hindi ko naman kayang ishare iyon sa family ko. I can't share it kay Gertie, kay Yaya Esme, lalo na kay Gianneri kasi baby pa siya.

I can't share it to anyone close to me dahil I'm afraid na madamay lang sila. I'm afraid na ako ang maging cause ng danger for sa kanila.

"I don't know if tama pang bumalik ako," sabi ko pa din.

Umiyak ako ng umiyak hanggang sa sumakit ang ulo ko. Pagod akong pumunta sa kitchen para uminom ng water sa takot na ma-dehydrate ako. Pag dehydrated ay pumapangit ang skin. I don't want that.

Narinig ko ang pagbukas ng door sa kitchen. Hindi ako gumalaw or sinalubong man lang si Julio kahit I know na it's him.

"I'm home," he said.

Hindi pa din ako lumingon at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Hi," sabi niya sa akin at nagulat ako when he hugged me from behind.

I find it sweet sana kasi ay nakita ko ang picture nila ni Crystal with the same position kaya naman lumayo ako kaagad sa kanya.

"Uhm..." sambit ko. I don't know what to say.

"May problema?" tanong ni Julio.

Nanatili akong nakayuko. Hindi ko din siya matingnan because mahahalata niya ang pag-iyak ko.

"Vera..." marahang tawag niya sa akin.

Wala na akong nagawa nang marahan niya akong pinaharap sa kanya. Kinulong niya ang magkabilang pisngi ko para paharapin ako sa kanya.

"Umiyak ka?"

"Nagkaroon lang ako ng bad dream," palusot ko na lang.

Hinalikan niya ako sa noo bago niya ako hinila para yakapin. Hindi ko kayang yumakp pababalik. I'm so gulong gulo pa talaga right now.

"Tungkol saan?" tanong niya sa akin.

Humaba ang nguso ko. Ang dami ko na ngang iniisip ay kailangan ko pa tuloy mag isip ng palusot.

"Nasa cliff daw kami ni Crystal and you need to choose who to save..." pag-uumpisa ko.

Naramdaman kong natigilan si Julio. Hindi siya nagsalita kaya naman ipinagpatuloy ko ang kwento ko.

"You saved her kaya nahulog ako and namatay," sabi ko sa kanya.

I feel so dead inside naman talaga. Kahit anong gawin kong sa tingin ko ay tama, magmumukhang bad pa din naman ako sa lahat.

Humigpit ang yakap niya sa bewang ko. "Hindi yan totoo...hindi yan mangyayari," he said kaya naman napabuntong hininga ako.

"So, you'll choose to save me instead of her?" tanong ko sa kanya kahit I know na it's a bit risky to ask something like that.

Baka lalo lang akong ma-hurt.

"I'll save you both. Pwede namang dalawa, pwede namang walang mawala," paliwanag niya sa akin kaya naman napaawang ang lips ko.

"May rules kasi sa dreams ko, isa lang daw ang pwede...bawal both," laban ko pa din kahit I know na wala akong laban kay Crystal.

Natahimik si Julio. Hinalikan niya lang ako sa cheeks.

"Panaginip lang iyon," he said bago niya ako hinila papunta sa may living room.

Para akong lumulutang sa ere because of that. Mas lalo kong na-notice ang lahat. Baka matagal na ito pero nagbubulag-bulagan lang ako.

Tahimik lang ako sa tabi ni Julio, may need lang daw siyang ipasang email.

"Ang tamlay mo," puna niya sa akin.

"I'm pagod," sagot ko sa kanya.

I try my best to look nasa normal state of mind ako kahit ang totoo ay parang umiikot na parang halo sa ulo ko ang lahat ng problems ko.

"Bibili ako ng sasakyan. Samahan mo akong mamili," he said kaya naman I smiled at him. I'm happy for him ofcourse.

"Brand new?" tanong ko.

Marahang umiling si Julio. "Second hand, inalok ng kaibigan ko," sagot niya sa akin.

Tipid akong tumango sa kanya. Plan ko pa naman siyang regaluhan ng car kahit wala na akong pera.

After gawin ni Julio ang mga remaining works niya ay naghanda na kami para daw pumunta sa friend niya.

Sa mga nakita ko sa laptop niya dapat ay wala na ako dito ngayon. Dapat ay umiiyak na akong tumakbo pauwi sa amin. Hindi ko din alam kung bakit nandito pa ako sa tabi niya.

"Wag mong masyadong isipin yung panaginip. Hindi mangyayari iyon," he said at marahang hinaplos ang buhok ko while we're waiting sa trike.

"Oh, Julio," tawag sa kanya ni Manong driver.

"Manong sa dulong bayan lang po," sabi ni Julio dito.

Hinawakan niya ang ulo ko para hindi ako mauntog sa pagsakay. Halos hindi na makasandal si Julio kaya naman hinawakan ko na lang ang braso niya for safety purpose.

As much as gusto ko munang umiwas sa kanya dahil sa mga nakita ko. I know naman na I can't do that, I love him at bukod doon...I need him close to me para alam ko ang mga plan nila sa Daddy ko.

If this is a game lang talaga and may plan talaga sila ni Crystal...I'll play with them then.

Bumaba kami sa isang parang talyer. Kaagad na sinalubong si Julio ng mga lalaki. Dalawang sasakyan ang nasa labas na itinuro nila kay Julio.

"Si Vera, girlfriend ko," pagpapakilala niya sa akin sa mga ito.

I'm a bit shock kaya naman hindi kaagad ako nakangiti sa friends niya.

"Sinama ko para siya ang pumili," sabi ni Julio sa kanila.

Natawa at napa-iling ang mga kaibigan niya.

"You want me to choose for you?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin at tinanguan ako. "Kung anong gusto mo. Yan ang palagi nating gagamitin pag may date tayo," sabi niya sa akin bago namula ang ears niya at napahawak siya sa kanyang batok.

Nilingon ko ang mga sasakyan sa tabi. Parehong old model ang nandoon pero nasa good condition pa naman. Mitsubishi challenger and Mitsubishi montero sport ang nandon.

"This Montero sport para you'll remember me if ever may isakay ka na ibang girl," sabi ko kay Julio. Sapat lang ang lakas non para sa aming dalawa. Ayoko naman na ipahiya siya sa harap ng mga friends niya.

Ngumisi siya sa akin. "So everytime I drive...I'll think na naka sakay ako sayo," he said kaya naman nanlaki ang mata ko at natawa siya.

"Julio, you are so sobra," suway ko sa kanya pero nginisian niya ako.

Hinapit niya ako sa bewang ko para palapitin sa kanya and he kiss me sa ulo.

"You want this?" paninigurado niya sa akin.

Marahan akong tumango sa kanya.

"Ito daw ang gusto," turo niya sa sasakyan.

Sumama kami sa parang office to pay na. Inilabas ni Julio sa bulsa niya ang nakatuping pera na tig isang libo. Mula naman sa kabilang bulsa ay may kumpol ulit ng pera na may tig five hundred at one hundred. Organize at hindi lukot ang money kahit wala siyang wallet.

"Bumili ka na kasi ng bago," kantyaw sa kanya ng kaibigan.

"Hindi pa kaya ng ipon," sagot niya dito.

Mas lalo kong nakita kung gaano ka-down to earth si Julio. He choose na mamuhay ng normal kahit sobrang yaman naman niya.

"Anong nangyari sa pinagbentahan mo nung luma mong sasakyan?. Vintage ang isang iyon, collectors item na..." sabi pa sa kanya.

Bumaba ang tingin ko sa bracelet na suot ko. Napanguso ako dahil inuna ni Julio na bilhin iyon for me kahit nag-iipon siya para sa car niya.

Nag-angat ako ng tingin when he reached for my hands. Napansin niya siguro na nakatingin ako doon.

"May importante akong binili," sagot niya sa mga ito.

Nagbilangan sila ng money sa harapan ko. I saw how magaspang Julio's hand is. Kahit ganoon ay malinis naman ang nails niya at maayos pa ang pagkakagupit, sobrang neat.

"Wala naman masyadong diperensya. Pwede yang ibyahe sa malayo," paninigurado pa ng kaibigan niya.

Malaki ang ngiti ni Julio nang iabot sa kanya ang susi.

Lumabas na kami to test drive ang sasakyan. Binuksan niya ang passenger seat para paunahin ako sa pagsakay. Malinis at mabango din ang loob, hindi naman masyadong halatang second hand iyon.

"Kain tayo sa labas," yaya niya sa akin.

Tumango na lang ako. Umikot si Julio papunta sa driver seat, pagkapasok niya ay tiningnan niya ang lahat ng dapat I-check sa car bago kami nagpaalam sa mga friends niya.

"Uhm...ilang project ang ginawa mo for this?" tanong ko sa kanya.

"Dalawa," sagot niya sa akin.

Tahimik ako habang nasa byahe. Huminto ang sasakyan sa parking lot ng Ningnangan palabas ng Sta. Maria.

Humanap muna kami ni Julio ng mauupuan kahit malalaki naman ang tables doon and maraming pagpipilian.

"You want something?" tanong niya sa akin habang nakahilig siya sa lamesa.

Itinaas niya ang kamay niya para suklayin ang hair ko nang humangin and nagulo iyon.

"Uhm...chicken barbecue," sagot ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin at nagpaalam. Siya na daw ang bahala sa iba. While waiting for Julio ay nilibot ko ang paningin ko and saw a group of oldies. Mukhang kakagaling lang nila sa bible study pero iba na ang tingin nila sa akin. Looks like kanina pa sila nakatingin ni Julio sa amin.

"Mabait na bata si Julio. Pero ang walang respeto naman niya sa magulang at kapatid niya kung iyan ang girlfriend niya," sabi ng isa sa kanila.

"Bad influence. Mabait na bata si Julio, baka naawa..."

Nanatili ang tingin ko sa kanila. Gusto kong malaman nila na naririnig ko ang lahat ng iyon kaya sana naman makaramdam sila ng kahit kaunting hiya.

"Asaan ba yung isa? Yung si Crystal, akala ko ay sila. Mas bagay si Crystal kay Julio," pagpapatuloy nila kaya naman parang unti unti nilang inuubos ang lakas ko.

"Baka inagaw."

"Walang hiya."

"Ang kapal ng mukha."

Tinanggap ko ang lahat ng sinabi nila towards me. Hindi ko lang kayang I-take na they'll bad mouth Julio too because he disrespect daw his family because kami.

"Dapat hindi na bumalik."

"Anak ng krimenal."

Hindi ko kinaya ang bigat ng dibdib ko kaya naman kaagad ko silang tinalikuran at mabilis na itinakip ang magkabila kong kamay sa tenga ko. I want to fight back pero I don't want to make a scene. I want to fight back pero hindi ko na alam kung may karapatan akong gawin iyon.

"Tama na..." bulong ko.

Nag-angat ako ng tingin nang maramdaman ko ang presence ni Julio. Gusto kong alisin ang luha sa pisngi ko. I want to look I'm ok pero huli na dahil nakita niya na ako.

Galit siyang tumingin sa mga babae sa kabilang table.

"Bakit?" madiin pero marahang tanong niya sa akin.

Marahan akong umiling kahit it's non-sense.

Tumikhim si Julio. Marahan niya akong hinila patayo palapit sa kanya. Malambing niyang pinahiran ang luha sa aking mga mata bago niya inabot ang labi ko para sandaling halikan iyon.

"Wag nang umiyak," he said.

Narinig pa namin ang pagsinghapan ng mga tao sa kabilang table pero wala siyang pakialam. Hinalikan niya ako sa harapan nila without even thinking kung anong sasabihin ng mga ito tungkol sa amin.

Imbes na sa kaharap kong upuan siya umupo sy tinabihan niya ako. Inasikaso ako ni Julio pati ang food ko. Nagsitayuan na ang mga babae sa kabilang table because they're done na.

"Nandito ako..." malambing na bulong niya sa akin.

After dinner ay umuwi na din kami sa house niya. Kinuha niya kaagad si Brunie para ipakita dito ang bago nilang car. We cuddle lang that night. Siya na din ang tumawag sa house namin para sabihin sa kanilang nandito ako sa kanya.

"Sino ang first girlfriend mo?" tanong ko sa kanya.

"Ikaw," mabilis na sagot niya sa akin.

"Hindi ako naniniwala," sabi ko kaya naman ngumisi siya at humigpit ang yakap niya sa akin. Nakahiga na kami sa bed niya, nakayakap ako sa kanya at ganoon din siya sa akin.

"Ikaw ang una," pag-uulit niya.

"Liar. Saan ka natuto ng mga sex scenes mo?" tanong ko kaya naman napahalkhak si Julio.

I don't why, everytime magkasama kami ay parang nawawala ang lahat ng problema kahit ang dami. Kahit it's not right to feel na normal ang lahat for us ay parang ganon naman.

"Don't ask," nakangising sabi niya sa akin.

Dumapa ako sa dibdib ni Julio para wala siyang kawala sa akin.

"I'm curious," laban ko sa kanya.

Itinaas niya ang kamay niya para haplusin ang ulo ko na para bang he's brushing my hair.

"Videos," sagot niya.

Nanlaki ang mata ko. "You mean...porn?"

Napahalakhak si Julio. Doon pa lang ay alam ko na kaagad ang sagot.

"That's bad daw!" asik ko sa kanya.

Mas lalo siyang natawa. "Hindi ko sinasadyang mapanood," palusot niya sa akin.

"Hindi mo sinasadyang mapanood ng paulit-ulit," laban ko kaya naman naghari ang halakhak niya sa buong room.

"Damn, baby...come here," tawag niya sa akin. Inayos niya ang pagkakadapa ko sa taas niya.

"I love you," bulong niya sa akin.

"I love you too..." sagot ko kahit I'm full of doubts sa kung anong meron sa amin.

Maaga akong hinatid ni Julio the next morning because I need to prepare din naman for my work. May need din siyang puntahan na site kaya naman he needs to leave din early.

Dumiretso kaagad ako sa walk in closet ko para kuhanin ang mga bags na kaya kong I-let go. After almost one hour nang pag-iisip kung ano sa mga iyon ang kaya kong I-let go ay wala akong mapili.

"Mommy needs to do this...my babies," pagkausap ko sa mga bag ko.

Pikit mata kong kinuha ang Birkin bag ko. Kaagad kong hinanap si Gertie. I saw them ni Gianneri sa may garden.

"Tita Vera," tawag niya sa akin at iniharap pa si Gianneri sa akin.

Nagulat siya nang iharap ko din sa kanya ang Baby ko.

"Buy this," sabi ko sa kanya. It's not that inaalok ko siya, inuutusan ko siyang bilhin iyon.

"W-why? You need money ba?" tanong niya sa akin.

"Uhm...I just need to buy the new one kaya..."

"Alin doon? We can buy it ni Gianneri and surprise namin sayo," sabi niya sa akin kaya naman napa-irap ako sa kawalan.

Napatakip siya sa bibig niya dahil nasabi nanaman niya ang gusto niyang isikreto.

"Just buy this," sabi ko.

"But love mo ang bag na yan. I'll lend you na lang ng money," she said kaya naman umiling ako.

Walang nagawa si Gertie kundi bilhin ang bag na iyon kahit hindi naman na daw kailangan because she's wiiling to lend me the amount of money na kailangan ko. I don't want to involve her dito.

Nasa bank account ko na kaagad ang pera bago pa man ako makarating sa office. Hindi pa man ako nakaka-upo ng maayos sa swivel chair ko ay naka-received na kaagad ako ng message from Mommy na may sakit si Daddy.

"Good morning, Ma'm Vera."

Bago pa man ako makatawag ay pumasok na si Juday para iabot sa akin ang folder ng financial report ng plantation.

Tsaka lang ako nakatawag kay Daddy nang lumabas na ito. While waiting for them to answer the call ay binuklat ko ang folder and saw the huge amount ng money na mayroon ang plantation.

"How's your kalagayan po? Mommy told me na you're sick," tanong ko kaagad because of pag-aalala pero ang mga mata ko ay nanatili sa folder.

"Hindi ito malala, wag ka masyadong magalala," he said.

"Daddy, I'm worried po."

Sandaling natahimik si Daddy sa kabilang linya na para bang gusto niyang itago ang mga pag-ubo niya sa akin kaya naman tinatakpan niya ang phone.

"Magpapadala po ako ng money," pinal na sabi ko.

Biglang may umagaw sa phone at alam ko na kaagad kung sino.

"Mag rent ka ng private plane papuntang Bohol o kaya Cebu...basta maka-alis kami ng Luzon," utos niya sa akin.

"You'll gonna leave me po again?" tanong ko sa kanila.

"Gawin mo na lang. Tigilan mo na ang drama na para bang matagal na tayong hindi magkakahiwalay," inis na sabi niya sa akin.

Napatitig ako sa folder na may laman ng report about plantation.

"Can I talk to Daddy po?" sabi ko sa kanya.

Napamura pa si Mommy bago inabot kay Daddy ang phone.

"We really need to do this po ba?" tanong ko sa kanya.

Napabuntong hininga si Daddy. "Hindi ako pwedeng sumuko, hindi ako pwedeng mahuli," he said kaya naman tumulo ang luha sa aking mga mata.

Tito Keizer will surely hate me for this.

"Magpapadala po ako ng pera. I'll get you a private plane paalis," pagsuko ko.

Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang pag-iyak ni Daddy.

"Pagod na akong tumakbo. Pagod na akong magtago...pero mawawala ka sa amin pag lumabas ako," he said.

"W-what do you mean?"

"Papatayin ka nila pag lumabas ako," he said.

Nila? You mean Julio and Crystal?...or baka may iba pang tao behind this?.





(Maria_CarCat) 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro