Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

Bond



"Oh Vera, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Daddy sa akin ng makita niya ako. Kita ko ang gulat niya, isang beses pa siyang lumingon sa may Veranda kung nasaan si Lola.

"I thought you left me again," malungkot na sabi ko sa kanya.

Parang lalabas ang heart ko kanina sa takot at kaba habang iniisip na umalis si Daddy at iniwan nanaman ako. I don't want him to leave. Kung aalis man siya...sasama ako whatever it takes.

Tipid siyang ngumiti sa akin. Muli kaming bumalik sa room ko para daw ipakita sa akin ang mga pasalubong niya for me.

"Daddy, those things can't take away my sadness po. Sama na po ako sa Manila," pakiusap ko sa kanya.

Hindi niya ako pinansin. Nagpatuloy siya sa pag-unpacked ng mga pasulubong niya sa akin. I somehow felt the excitement sa tuwing may nakikita akong things na gusto ko. Pero it's a temporary happiness lang naman, I know what matters most.

"Daddy..." tawag ko sa kanya. Yumakap pa ako sa braso niya para lang pansinin ako.

"Vera anak, I'm doing this for you. Soon...you'll realize kung bakit kailangang magkalayo tayo sa ngayon," paliwanag niya sa akin.

But now matter how he tried to make me understand this set up...hindi ko talaga maiintindihan dahil ayokong inintindihin.

Mas lalong bumagsak ang magkabilang balikat ko.

"Miss ko na si Mommy. Miss mo na din po ba si Mommy?" tanong ko sa kanya.

Dahil sa aking tinanong ay muling nag-iwas ng tingin si Daddy sa akin at kunwaring naging abala nanaman sa mga pasalubong niya sa akin.

"Miss kaya ako ni Mommy?" tanong ko sa kawalan. Hindi ko naiwasang hindi maging emotional kaya naman medyo nag crack ang voice ko.

"Sabi ni Mommy love niya ako...pero she left me, she left us," sabi ko pa.

"Vera, pag may taong umalis...wag mo nang hahanapin," sabi ni Daddy sa akin kaya naman nagulat ako at kaagad na napatingin sa kanya.

"But Daddy, si Mommy po iyon...hindi basta kung sino lang. Mommy ko po iyon, wife niyo po iyon," pagpapaintindi ko sa kanya.

I felt like masyado ng kinain si Daddy ng work niya. Masyado siyang nagfocus sa company at sa kung anong ipinapagawa ni Lola sa kanya just to please her. It's not healthy anymore.

"I don't want to hurt you, Vera. But..."

Kita ko ang lungkot sa mga mata ni Daddy. Wala pa man siyang sinasabi ay nalulungkot na din ako.

"She left us for another man," he said na ikinalaki ng mata ko.

"That's not true!" giit ko.

Hindi nagsalita si Daddy, nanatili siyang nakayuko na para bang wala na siyang lakas pang magpaliwanag sa akin. He said what he said, nasa akin na alng kung maniniwala ako o hindi.

"Love tayo ni Mommy, hindi niya iyon gagawin sa atin," giit ko pa.

Napasinghap si Daddy. Wala na siyan nagawa kundi ang hilahin ako palapit sa kanya at niyakap. Niyakap ko siya pabalik.

"You are all I have po, Daddy. Please don't leave me here," umiiyak na pakiusap ko sa kanya.

Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo.

"Ikaw na lang din ang meron ako, Vera. Gagawin ko ang lahat para sayo. Para sayo ang lahat ng ito," paninigurao niya sa akin.

Nakatulog ako ng maayos ng gabing iyon ng mangako siya sa aking hindi siya aalis na hindi nagpapaalam sa akin. Atleast I have assurance na may chance pa na maawa si Daddy sa akin at isama ako sa Manila.

The breakfast seems too awkward again, pero mas may gana na ako ngayon kumain kesa noong ibang mga araw.

Hindi nawala ang ngiti sa labi ko habang si Daddy ang naglalagay ng foods sa plate ko. Isang beses akong napatingin kay Tita Giselle, I smiled back ng makita kong nginitian din niya ako.

After that breakfast ay nagpaalam sa akin si Daddy na aalis sila ni Tito Keizer para pumunta sa isang property. Pinanghawakan ko ang sinabi niya sa akin na babalik siya kaya naman I let him go na hindi pa umiiyak. Sa oras na sabihin niya sa aking babalik na siya ng Manila at hindi niya ako isasama ay tsaka lang ako iiyak.

Wala din si Lola kaya naman I had the courage to roam around the house. Yakap yakap ko pa din ang drawing book ko para if may gusto ako o maisip na i-drawing ay magawa ko kaagad.

"Mamayang hapon tayo pupunta sa mga Escuel," sabi ni Rafael sa akin.

"Ok."

Tipid lang ang sagot ko sa kanya pero ang totoo ay nagiisip na ako kung ano ang isusuot ko papunta doon. Parang castle ang bahay nina August kaya dapat pang-castle din ang suot ko.

Nag-angat ako ng tingin ng mapansin kong hindi pa din siya umaalis sa harapan ko.

"What? Hindi ako magiging makulit. Behave ako," laban ko sa kanya. Kung iyon man ang iniisip niya hindi ko iyon gagawin. Well behave ang mga princess.

"Sino sa mga Escuel ang crush mo?" seryosong tanong niya sa akin. The way he speak para siyang Daddy ko.

"What are you talking about?"

Nagtaas siya ng kilay sa akin at humalukipkip pa. "Si August," he said na para bang he's sure na talaga.

Pinanlakihan ko siya ng mata. Gusto ko sanang lumaban sa kanya but I can't find those perfect words para barahin siya.

"Umalis ka na nga sa harapan ko, nagiisip ako ng ida-drawing," pagtataboy ko sa kanya. Nakakawala siya ng inspiration.

After lunch ay kaagad akong nagpatulong kay Yaya Esme maghanap ng maisusuot ko para sa pagpunta namin sa mga Escuel.

"Hindi sasama si Gertie kasi super lazy ng batang yan. Baka matulog lang siya in the middle of the tour," sabi ko kay Yaya Esme ng sabihin din sa akin ni Rafael na hihintayin muna naming makatulog sa hapon si Gertie bago kami maka-alis.

Abala si Yaya Esme sa paghahanap ng dress sa walk in closet ko. Nakahiga naman si Gertie sa bed ko habang yakap ang stuffed toys niyang bunny. She's sleepy na pero kita kong nilalabanan niya ang antok, super tigas ng ulo.

"Itong puting lacey dress na lang ang isuot mo para kunwari angel ka," sabi ni Yaya Esme.

Tumagal ang tingin ko sa white dress, it's pretty naman and expensive. Magmumukha kang elegant if you'll wear it pero hindi naman iyon pang princess.

"Parang pang mayamang white lady lang yan," sabi ko sa kanya kaya naman tumawa si Yaya Esme.

"Ikaw talaga na bata ka," she said bago muling naging abala sa paghahanap ng dress na isusuot ko.

Sa huli ay napili namin ni Yaya Esme ang maroon colored bell sleeve tie front pleated dress, and a sling back flat shoes.

"Thank you, Yaya Esme." sabi ko sa kanya at humalik pa sa kanyang pisngi bago kami tuluyang lumabas sa room ko.

Maingat niyang binuhat ang tulog na si Gertie. Kahit tulog ay mahigpit pa din ang yakap nito sa kanyang bunny stuffed toy.

"I'm ready!" sabi ko kay Rafael pagkababa ko.

Masama ang tingin niya sa akin naglalakad pa lang ako pababa ng hagdan.

"What's with the galit na face?" tanong ko sa kanya.

"Kanina pa ako naghihintay, anong oras na. Kung ako lang ay hindi na kita isasama," masungit na sabi niya sa akin kaya naman nginisian ko siya.

"You're so excited naman. The late the better, para hindi nila malaman na excited ako sa house tour," paliwanag ko sa kanya pero ramdam kong halos umusok na ang ilong niya sa galit.

Tahimik kami ni Rafael habang nasa byahe papunta sa mga Escuel. Malapit lang naman iyon kung tutuusin, pero we still need out service car dahil mainit ang panahon.

Nilingon ko ang tahimik na si Rafael, hanggang ngayon ay nakakunot pa din ang noo niya. Ang sungit sungit.

"Kawawa naman yung girlfriend mo sa future," puna ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin nanatili ang tingin niya sa daan.

Just like the first time I saw their house ganoon pa din ang excitement ko pagkapasok namin sa malaki nilang gate. Parang biglang naging magical ang paligid ng makapasok kami.

"Feel na feel mo nanamang prinsesa ka," sita ni Rafael sa akin pagkahinto ng car. Hindi na niya hinintay pang pagbuksan kami ng driver, nauna siyang bumaba at hinintay ang pagbaba ko.

"Ofcourse, It always shows what you feel inside. It reflects on you," paliwanag ko sa kanya.

"Kaya ikaw...kung feel mo isa kang batang nagta-tantrums...it shows," sabi ko pa sa kanya kaya naman muli niya akong inirapan.

"Rafael, Vera..." Tawag ni August sa amin pagkalabas niya ng malaki nilang front door.

Mas lalong lumaki ang ngiti ko ng makita ko siya. Even with just a simple polo shirt and a pants mukha pa din siyang Prince charming.

Inaya niya kaming pumasok sa loob ng bahay nila, I saw it before na pero muli akong napatingala at namangha sa malaki nilang chandelier. It's like hindi mo pwedeng hindi pansinin iyon dahil sa laki at ganda ay siguradong mapapansin mo talaga.

"Nasa garden na ang iba, kayo ang pinakamalapit pero kayo ang huli," nakangiting sabi ni August sa amin.

Ramdam ko ang paglingon ni Rafael sa akin, he wants to say ata na ako ang may kasalanan. Hindi ko siya pinansin, I won't claim it. We're just on time.

"Eh di ba nga sabi...save the best for last," laban ko sa kanya kaya naman mas lalong lumaki ang ngiti niya sa akin.

"Ouch!" mahinang sambit ko ng maramdaman ko ang pagsiko ni Rafael sa akin. Ginawa niya iyon habang nakatalikod si August sa amin.

Bahagya akong napahinto ng makalabas kami sa kabilang bahagi ng kanilang garden. Hindi lang kami ang bisita nila, nakita ko din yung babaeng batang recruter na magalit sa akin. Magkatabi sila ng upuan ni Julio, ito pa ata ang girlfriend niya.

I don't have pake! Kahit girlfriendin niya ang lahat dito.

"May mirienda na muna tayo bago ko i-tour si Vera sa buong bahay," sabi ni August na ikinalaki ng mata ko.

"What do you mean si Vera?" tanong ng epal na si Rafael.

Nilingon ko siya at sinubukang sikuhin din pero umiwas siya kaya naman pumalya ang pagsiko ko. Ilang beses kong inulit pero kagaya kanina ay pumalya ulit. Para tuloy akong sumasayaw ng kung ano, nakakainis!

Inirapan ko si Rafael bago lumipad ang tingin ko sa grupo nina Julio. Nagulat pa ako ng makita kong mukhang kanina pa siya nakatingin sa akin.

"Si Vera lang naman ang gustong mag-tour sa buong bahay. Ang iba naming kaibigan ay nakita na ang lahat dito," sagot ni August kaya naman lumaki ang ngiti ko habang tumatango.

Ipinaghila pa ako ng upuan ni August para maka-upo. Ramdam ko ang paginit ng aking magkabilang pisngi dahil sa ipinakita niya. Ang gentleman niya, I really like him na talaga...slight.

Nang makaayos ako ng upo ay kaagad akong napatingin kay Julio ng maramdaman ko ang tingin niya sa akin. Pinagtaasan ko siya ng kilay, dahil sa aking ginawa ay kaagad siyang nag-iwas ng tingin.

"But August..." rinig kong sabi ng isang babae.

"She's my friend, bisita ko siya..." laban nito dito.

Nagtagal sandali ang tingin ko sa kanila bago ko naramdamang ako ang pinaguusapan nila.

"Hindi ba't sinabi na din ni Tita Alexandra ito sa inyo ni Julio?" giit pa ng babaeng kasing edad ang ata ni August.

Bumaba ang tingin ko sa mamahaling plato nila. Even iyon ay mukhang mamahalin, mukha rin siyang mabigat.

"Anong gusto mong kainin?" tanong ni Rafael sa akin matapos niya akong sikuhin para kuhanin ang pansin ko.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Why ba palagi mo akong sinisiko? Nalulukot yung sleeve ng dress ko eh," reklamo ko sa kanya kaya naman napaawang ang labi niya.

I'm still thankful sa presence ni Rafael kahit he's a bit epal and always galit sa mundo. Siya ang naglagay ng food sa plate ko. Marami ang nakahain, feeling ko tuloy nasa isa kaming restaurant sa paris kung saan ang mga pastries and french macaroons with different color ay nasa round tower pa.

It's like tea time without a chismiss.

"So ano sa mga business ng mga Montero ang ibibigay sayo ni Senyora Cressida in the future?" tanong ng isa sa akin.

I don't have the time nga to know pa their names dahil I'm not here naman to make friends.

"Uhm...I don't know. Need ba yon?" tanong ko sa kanila.

Tumawa ang mga babae at may nagbulungan pa. Ang weak naman...dapat ay sinabi nila ng harap-harapan sa akin.

"All of us here have a family business to inhert...Opps, you're not a legit Montero nga pala," she said at kaagad silang nagtawanan.

"Fiona stop that," suway ni August sa kaibigan niyang girlfriend naman pala ni Shrek.

Inirapan ko yung Fiona at nakangusong bumaba ang tingin ko sa color pink kong macaroons. Muli akong nag-angat ng tingin ng maramdaman ko nanaman na may nakatingin sa akin.

Pinanlakihan ko ng mata si Julio ng magsalubong ang tingin namin. Gandang ganda ata sa akin ang isang ito. Sorry siya...he's not my type.

"I don't want to inherit any of the Montero's businesses. I want to have my own business soon."

Natahimik silang lahat pagkatapos kong sabihin iyon. Mahinang napapalakpak si August, nakita ko naman ang pagtaas ng isang sulok ng labi ni Julio bago siya nag-iwas ng tingin sa akin.

"I bet that. Kaya nga kayo umuwi ng Daddy mo dito para kuhanin ang pamana ni Don Adams sa inyo," laban nung babaeng katabi ni Julio.

Natahimik ako ng marinig ko ng isinali nila si Daddy. Kung ako lang ang paguusapan nila walang kaso sa akin, pero if kasama na si Daddy...I don't know what to feel anymore.

"What I heard is...nakauha na daw, humihingi pa ulit kasi na bankcrupt sila sa Manila," sabi pa ng isa kaya naman mas lalong dumikit ang baba ko s aaking leeg dahil sa pagkakayuko.

"Let's go, Vera. I'll tour you now," yaya sa akin ni August na mukha nabadtrip na din dahil sa pagiging chismosa ng mga friends niya.

Tumayo ako at tumingin kay Rafael. He just nod na para bang ayos na sa kanya na maiwan akong mag-isa kasama si August kesa naman pinaguusapan ako ng mga taong kasama namin.

Lumapit ako kay August. Nagulat ako ng ilahad niya ang kamay niya sa akin, nagtagal pa ang tingin ko doon hanggang sa hindi na siya nakapaghintay at siya na mismo ang humawak sa kamay ko para hilahin ako papasok sa kanilang bahay.

Kahit ramdam ko ang tingin nila sa amin ay hindi na ako bumaling pa pabalik. Nagpahila ako kay August papasok sa bahay nila. I was really amazed dahil ever edge of their house ata ay color gold. Their house is a mixture of white and gold, parang pa-heaven na ito ah!.

"May veranda kami sa itaas. Tanaw doon ang plantation niyo," kwento niya sa akin kaya naman mas lalo akong na-excite.

"Really? Nandoon ang Daddy ko ngayon at ang Tito Keizer ko," sabi ko sa kanya.

Mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko habang paakyat kami sa second floor nila. Nasa kalagitnaan pa lang kami ng hagdan nila ay napahinto na kami dahil may pumigil nanaman.

"Kuya saan mo dadalhin ang batang yan?" tanong ni Julio.

Anong ginagawa niya dito? He left his friends para lang itanong iyon. Ayaw niya talaga akong maka-akyat sa second floor nila, feeling naman niya nanakawin ko ang pintuan ng room niya...gawa ba sa gold ang door niya?

"Sa veranda...gusto niyang makita ang plantation nila. You want to join us?" nakangising tanong ni August sa kapatid.

Mas lalong sumimangot si Julio bago lumipat ang tingin niya sa akin at inirapan ako.

"Mukhang malikot ang batang yan. Baka may mabasag...bantayang mabuti," masungit na sabi nito sa Kuya niya.

"Ako? Behave ako," laban ko sa kanya pero mas lalo niya lang akong sinimangutan.

"Gusto mo ikaw magbantay? Kasi kung ako lang...hahayaan ko siyang may mabasag," pang-aasar ni August dito kaya naman naglapat ang upper and lower lips ni Lolo Julio.

"Wala naman akong mababasag. Masyadong advance lang talaga mag-isip ang Lolo mo," sabi ko kay August kaya naman halos mag-echo ang halakhak niya.

"Anong sabi mo?" galit na tanong ni Julio.

"See? Bingi pa," sabi ko kaya naman mas lalong natawa si Auguts.

"Damn, I really like you..." sabi ni August kaya naman natahimik ako at napaawang pa ang aking labi dahil sa aking narinig.

"Bata pa ako ha," laban ko sa kanya.

Muling tumawa si August pero rinig na rinig ko ang pagtikhim ni Julio. Growl well, Snoopy.

"Wow, sa mga Montero ang lahat ng yan?" tanong ko kay August ng makarating kami sa Veranda nila kung saan kita ang lawak at kabuuan ng plantation.

"Mga Montero? Sa inyo ang lahat ng iyan," he said kaya naman tipid ko siyang nginitian.

"I don't want naman any of that," laban ko.

"I know," he said kaya naman nilingon ko siya.

Hindi na ako nagtanong pa at kaagad na bumalik ang tingin ko sa kabuuan ng plantation. This is the reason kung bakit nagpapakahirap si Daddy at sinusunod niya lahat ng ini-uutos ni Lola sa kanya.

"Gustong gusto mo yung bahay namin?" tanong niya.

Marahan akong tumango. "Para kasing castle," nakangiting sabi ko sa kanya.

Ngumiti siya at tumango. "Malay mo naman you'll live here soon," sabi pa ni August kaya naman kumunot ang noo ko.

"Why? Ibebenta niyo ba ito?" tanong ko sa kanya.

Dahan dahang nawala ang ngiti sa kanyang labi bago kumunot ang kanyang noo.

"This is not for sale. At hindi ibebenta ito kahit kailan..." he said in a serious tone.

Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. Hanggang sa maalala ko yung narinig kong pag-uusap ni Daddy at Lola last night.

I was preparing for a sorry speech ng muling magsalita si August.

"Kukuha ako ng ma-iinom natin. Stay here for a while, walang multo dito..." paalam niya at pang-aasar na din.

"Hindi naman ako takot if ever man na meron," laban ko.

Sandaling nawala si August kaya naman muling bumalik ang tingin ko sa kabuuan ng plantation. Dapat pala ay dinala ko ang drawing notebook ko, maganda ang view from here, mas maganda mag-drawing.

"You know something about the expansion of your plantation," Julio said na ikinagulat ko.

Kaagad ko siyang nilingon. "Uhm...wala," laban ko sa kanya.

"Liar," he said kaya naman naitikom ko ang aking bibig.

"Tell your Lola that our house is not for sale. Hindi din namin tatanggapin ang bond na inaalok nila sa amin," he said na ikinakunot ng noo ko.

"Bond? I don't understand."

Ngumisi siya, "Ask your Lola, don't act like you don't know something. Anak ka ni Vinci Montero."

Hindi ako naka-imik dahil naguguluhan pa din ako sa mga pinagsasabi niya. Nadala ko iyon hanggang sa maka-uwi kami ni Rafael. Tumakbo kaagad ako paakyat ng sabihin ni Yaya Esme na nasa sariling room na niya si Daddy.

"Vera, anak..." tawag ni Daddy sa akin.

Kaagad akong yumakap sa kanya. Dahan dahang kumalas iyon ng makita ko sa likod niya si Lola.

"May silbi din pala yang anak mo," Lola said.

Mas lalong humigpit ang yakap ni Daddy sa akin.

"Susubukan ko po ulit na makipag-usap. Wag na nating idamay ang mga bata," Daddy said.

Ngumisi si Lola. "It's not like ikakasala na sila bukas sa oras na pumayag ang mga Escuel. Tonto, Manang mana ka sa ina mo," matigas na sabi ni Lola dito kaya naman humigpit din ang yakap ko kay Daddy.

"Pagbutihan mo ang pakiki-pagkaibigan kay August Escuel. You'll marry him soon," Lola said na ikinagulat ko.

Tiningala ko si Daddy para itanong kung anong nangyayari.

"Escuel-Montero bond. If that happens...mapupunta kay Vera ang plantation na gustong gusto niyo," Lola said with finality.

But I don't want that.








(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro