Chapter 32
Decide
Brunie keeps on barking while we are in the middle of our kiss. Tsaka lang mas lalong naging visible sa ears ang tahol niya ng humiwalay ang lips ni Julio sa akin. Ramdam ko ang pamumula ng magkabilang cheeks ko kaya naman napasandal ako sa dibdib ni Julio.
"We're so bastos," sabi ko sa kanya. Hindi dapat nakita iyon ni Brunie dahil may dog rights siya.
Narinig ko ang ngisi ni Julio bago ko naramdaman ang paghalik niya sa ulo ko. Naramdaman ko pa ang mainit niyang palad sa likuran ko, marahang nagtaas baba iyon sa may bandang bewang ko that's why nakaramdam ako ng kiliti.
"Gusto kita kaya naman manliligaw ako," paninigurado niya sa akin.
Hindi na ako nakapagsalita pa. I don't know what to feel anymore. Gusto kong maghold back ng feeling ko towards him because of the plan and sa narinig ko mula mismo sa kanya na he doesn't like me naman.
Pero iba din yung nafe-feel ko kay Julio. Ramdam ko yung sencerity and yung pagiging genuine niya whenever he's around me. Mas gusto ko ding maniwala na baka he reallt likes me din kaya naman he want to court me.
I don't know. Naguguluhan na din ako.
Tsaka ko lang hinarap si Brunei ng magkaroon na ako ng lakas ng loob na harapin siya. He saw us kissing and Brunie is a batang dog pa kaya naman bawal pa sa kanya ang mga ganoong scenario.
"Be a good boy, Brunie. Pag hindi ka naging mabait babawiin ko sayo ang girlfriend mo," paalala ko sa kanya.
I think naman nagustuhan niya ang ibinigay kong stffed toys na dog kagaya niya. Nakadapa siya sa tabi nito and mukhang binabantayan pa niya. After kong kausapin ang anak ni Snoopy ay lumabas na din ako because ihahatid ulit ako ni Julio pauwi sa amin.
Yakap ko ang stiffed toys na snoopy habang nasa byahe. Pansin kong mabagl din ang takbo namin kahit pwede naman niyang bilisan.
"I will hug this snoopy tight tonight and think na lang na ikaw ito..." pag-amin ko sa kanya dahil iyon naman talaga ang gagawin ko.
Tumikhim si Julio na para bang may nasabi nanaman akong mali kahit wala naman. There's nothign wrong naman sa sinabi ko.
"Hindi mo kailangang sabihin sa akin iyan," masungit na sabi niya. This Lolo Snoopy tagala is a bit moody. Wala naman akong sinabing hindi maganda.
"I want you to know syempre para you have an idea na din," laban ko sa kanya pero tumikhim lang siya kaya naman humaba ang nguso ko.
Masaya ako the whole night habang yakap ko ang stuffed toy na si Snoopy. Ibinigay ni Julio ito sa akin kaya naman this is special din like yung mga bulaklak na ibinigay na na kaagad kong ipina-transfer sa magandang flower vase at ipinalagay sa loob ng room ko.
But my happiness didn't last long after I received a call the next morning. It's not that I'm not happy na tumawag siya, Of course, I want to know his whereabouts din pero I'm just worried every time he asked me for money.
"Another ten million?" gulat na tanong ko kay Daddy.
It's not a big deal naman sa akin if ever sa kanya napupunta ang money but hindi. Pambayad niya lang lahat iyon sa utang kaya naman I'm nanghihinayang sa money. Kung para sa kanya kahit dagdagan ko pa iyon ay walang problema.
He asked me the same amount a couple of days ago lang.
"Tinatakot nila ako at pinagbabantaan. Pasencya ka na, Vera..." sabi ni Daddy sa akin.
Ramdam ko na din how frustrated and tired he was. Mahirap naman talagang tumakbo at magtago all you life.
"No worries about it, Daddy. Ipapadala ko po ngayong araw," sabi ko sa kanya before he end the call.
Inasikaso ko kaagad ang money tranfer from my account papunta sa kanya. I really hope na tigilan na siya ng pinagkakautangan nila dahil Daddy is going to pay naman his debts if ever maging maayos ang lahat. But for now...I don't mind paying for everything as long as maging maayos ang lahat for him.
Nagayos and nagpalit na din ako ng office attire ko. Wala naman akong ibang gagawin today kundi ang I-review ang mga documents na ipinasa ni Tito Keizer sa akin.
"Good morning, Ma'm Vera."
"Good morning, Judy Ann," bati ko sa kanya pabalik.
Inabala ko ang sarili ko sa pagbaba ng mga documents hanggang sa hindi ko na namalayan pa ang oras at lunch break na. Hindi pa ako nakapag pa-order ng food kaya naman bigla na din akong tinamad na kumain pa.
"Ma'm may bisita po kayo," sabi nito sa akin kaya naman tumaas ang kilay ko. Wala naman akong hinihintay na visitors depende kung gusto nanaman akong makita ni Siegfried.
"Papasukin mo," sabi ko.
Mula sa mga documents ay tsaka lang ako nag-anagt ng tingin ng maramdaman ko na ang pagpasok nito. I was shocked pa nga sa nakita ko ng makita kong it's not Siegfried but si Julio iyon.
"I'm suprised na dinalaw mo ako here," puna ko sa kanya.
Hindi siya umimik. Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang lunchbox.
"Baka kako hindi ka nanaman kumain kaya nagdala na ako. Marami ang naluto ko kaya..." hindi niya tinapos ang sasabihin niya kaya naman napanguso ako.
Maybe it's really hard for some to admit na they like someone na talaga. Like si Julio, it's hard ata for him na umamin na gusto niya ako because he always want to be cool. Sus!
"Paano mo nalamang wala akong balak kumain?" tanong ko sa kanya.
Tumikhim siya and parang nagalit sa sinabi ko kaya naman napanguso ako. "You're always na lang nakasimangot, ayoko ng manliligaw na nakasimangot all the time," sabi ko sa kanya pero inirapan niya lang din ako.
Naglakad siya papalapit sa table ko to prepare yung lunch box na dala niya for me. Siya na mismo ang nagbukas non para sa akin, he even place pa yung spoon and pork sa tamang lugar.
"Ubusin mong lahat iyan." sabi niya sa akin at humalukipkip pa sa harapan ko.
"Ok, Lolo."
Tumikhim siya and umigitng pa ang panga. "Stop caling me that," suway niya sa akin. Look at this guilty and aminado.
Tahimik akong nagumpisang kumain ng lunch. He is really good at cooking din talaga. Hindi naman ako nailang sa pagkain dahil he make his self busy din sa pagtingin sa kabuuan ng office ko. I even hand him pa nga yung plan ko abot sa place ni Gianneri dito. I want her to be comfortable din everytime na nandito siya sa office ko.
"What about the mini nusery?" tanong ko sa kanya.
Bumaba ang tingin niya sa hawak kong sketch. Kumunot pa bahagya ang noo niya because of the pag-iisip.
"Tama lang..." sagot niya sa akin.
I'm happy na someone approved my design. Hindi lang basta Architect, but si Julio pa.
Most of the time I doubt my self kasi I think hindi ko kaya ang isang bagay. Then I will just face my fears lang and mapapatunayan kong I can do it naman pala.
Ramdam ko ang paminsan minsang pagsulayap ni Julio sa akin. The way niyang bantayan ang pagkain ko ay para bang may itatago ako o itatapon.
"You're good at cooking pala talaga. I'm busog nanaman because of this, Thank you, Julio!" sabi ko sa kanya.
Umirap lang siya sa kawalan imbes na mag-thank you sa akin because I compliment his cooking skills.
Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa mapansin ko ang tingin niya sa mga flowers na naka-display sa office ko na galing kay Siegfried.
"Kanino galing ang mga bulaklak na to?" tanong niya.
Lumipat din ang tingin ko sa mga arranged flowers na iyon.
"Some of it galing kay Siegfried, yung iba I don't know baka sa mga nagandahan sa akin," sabi ko sa kanya kaya naman mas lalo siyang sumimangot.
"But yung flower na bigay mo nasa loob ng room ko," pahabol ko pa kaya naman mas lalong hindi nakatingin si Julio and pumula nanaman ang ears niya.
Ngumisi ako, I don't expect na ganito kadali lang pala siya asarin.
"Aalis na ako," masungit na paalam niya sa akin.
Siya pa ang nagligpit ng pinagkainan ko para kuhanin pauwi ang lunch box na dala niya. The way niyang iligpit iyon ay naalala ko si Yaya Esme na stressed na stressed sa tuwing hindi nakakauwi sa kanya ang lunch box na pinapadala niya sa akin.
Some of her container kasi ay microwavable. Hindi ko naman alam na pwede pang gamitin ulit iyon because it's super greasy na kaya naman tinatapon ko na.
"Buong araw lang ako sa bahay dahil may tinatapos akong blueprint. Kung gusto mong magpahinga mamayang hapon..."
Hindi ko na siya pinatapos pa. "Magpapahinga ako sa inyo mamaya. Feeling ko magiging super pagod ako mamaya," sabi ko kaagad sa kanya.
Tumikhim siya at tipid na tumango bago tuluyang nagpaalam. It's nakakatuwa lang na siya na mismo ang nag-invite sa akin na pumunta sa kanila. Some may think siguro na inaabuso ko ang kabaitan ni Julio. And medyo rude nga talaga if pupunta ako bigla sa house niya na walang pasabi.
It's better na makakuha ako ng invite from him and binigyan niya nga ako. I can easily go there na without being guilty na baka naiistorbo ko siya.
Past 2 o'clock ng magulat ako dahil sa pagdating ni Yaya Esme with Gianneri. Maingay kaagad siya when she saw me, ramdam ko ang excitement niya dahil nakabalik ulit siya sa office ko.
Ginawa na talaga niyang pasyalan ang office ko pero I don't mind naman.
"What are you doing here?" tanong ko sa kanilang dalawa ni Yaya Esme.
Before niya akong sagutin ay inilipat pa muna niya si Gianneri sa akin kaya naman kaagad itong yumakap sa akin ng kargahin ko. I kissed her cheeks a couple of times that's why she giggles.
"May biglaang date ako ngayon. Iiwan ko muna sayo si Gianneri," nakangiting sabi ni Yaya Esme sa akin.
She's all smile and mukhang super excited. Kung sabihin ko sa kanyang hindi siya pwedeng umalis and hindi niya pwedeng iwanan si Gianneri sa akin ay pakiramdam ko maiiyak siya.
Umirap ako sa kawalan. "This is better kesa isama niyo si Gianneri sa date niyo. Baka you'll kiss tapos makita pa niya," sabi ko kay Yaya Esme.
But mas nagulat ako ng lumaki ang ngiti niya and looks like she's kinikilig pa imbes na itanggi ang sinabi ko.
"Hindi naman maiiwasang maghalikan, Senyorita..." she said in very kinilig way.
"Yaya Esme!" tawag ko sa kanya and sinubukan ko pang takpan ang ears ni Gianneri pero it's too late na.
Nilingon ni Gianneri si Yaya Esmr and nagsalita siya habang nakaturo dito.
"Gianneri said that's it's so nakakadiri daw," sabi ko. Hindi ko naintindihan ang sinabi niya pero ramdam kong parang ganoon ang thought.
Humaba ang nguso ni Yaya Esme. "Aalis na ako. Kayo na ang bahala dito...sana ay tig isang butas pa rin ang nasa tenga ni Gianneri pagbalik ko," paalala pa sa akin ni Yaya Esme kaya naman sumimangot ako.
"I can't promise, depends sa mood ko," sabi ko sa kanya kaya naman nalaglag ang panga niya.
"Ikaw talagang bata ka!"
Naiwan kaming dalawa ni Gianneri pag-alis ni Yaya Esme. I can't go back na tuloy sa work dahil she deserve my full attention. Bahala ng magpuyat later to finish my work.
Imbes tuloy na powerpoint ang nasa screen ng laptop ko ay cartoons ang nandoon para sa kanya. She's clapping and sumasayaw pa everytime na nakakarinig ng songs. Paulit ulit lang yung mga kanta kaya naman I believe kung hindi ko pa papatigilin iyon ay baka makabisado ko na.
"Let's go kay Ninong Julio," yaya ko sa kanya.
Tumayo ako para ayusin ang baby bag na dala ni Yaya Esme. I need to sacrife holding my Hermes birkin para galing shoulder bag ang baby bag ni Gianneri. I put na sa loob yung phone ko and some of my essential make up for retouch later.
"Call me again sa number na ibinigay ko if you need something," sabi ko kay Judy ann ng lumabas kami ni Gianneri.
Gianneri seems excited ulit dahil sa paglabas namin and paglalakad papunta sa haunted house ni Julio. She keeps on talking pa din kahit hindi ko naman maintindihan kaya I nod na lang para kunwari sangayon ako sa mga sinasabi niya.
She's wearing a cute blue bucket hat na may ribbon sa gitna. Ang kulit na din ng kamay niya and she keeps on hugging my neck din.
Pagdating sa harap ng makalawang na gate ni Julio ay kaagad ko iyong sinipa para bumukas. Hindi naman iyon naka-lock kaya bumukas kaagad. Because of what I did ay tumawa si Gianneri.
"Ikaw ha, you want din pala violence ha," pang-aasar ko sa kanya.
Muli kong sinipa ang gate para sumara and this time kaming dalawa na ni Gianneri ang tumawa. It's rusty and delikadong hawakan. Baka ma-tetanus pa ako sa sobrang rusty non and it's delikado ding hawakan ko dahil hawak ko si Gianneri.
Diretso ang lakad ko papunta sa may backdoor. Ilang hakbang pa lang ang layo namin ay tumakbo na kaagad si Brunie para salubungin kami. Tumahol nanaman siya kaya nagulat nanaman si Gianneri and umiyak.
"Brunie naman," suway ko sa kanya but he keeps on jumping pa nga na parang nagpapabuhat din.
Umiyak si Gianneri and yumakap sa akin. Marahan kong hinaplos ang likod niya para patahanin siya.
"Shh...Brunie will pay, Dear. Bibigyan natin ng punishment si Brunie," paninigurado ko kay Gianneri.
"Anong nangyari?" tanong nang kalalabas lang na si Julio.
Napanguso ako when I saw how messy his hair is. But he looks gwapo pa din talaga kahit ganoon.
"Itong si Brunie nang-aaway," sumbong ko sa kanya.
Nilingon ko si Brunie na naka-upo ang nakatingala sa amin.
Lumapit si Julio sa amin, marahan niyang hinaplos ang likod ng umiiyak na si Gianneri. Nilingon niya ang Ninong Julio niya and she keeps on sobbing pa din.
"Bruno, inaway mo nanaman si Gianneri," pag ba-baby talk niya dito kaya naman mas lalong naiyak si Gianneri.
Tumawa si Julio, marahang pinunasan ang luha sa pisngi nito bago niya ito kinuha sa akin and hinalikan sa ulo.
Napanguso ako. "What about me?" tanong ko. Si Gianneri na lang palagi ang may welcome kiss.
Nagtaas ng ulo si Julio sa akin. Yumakap si Gianneri sa kanya kaya naman nakatalikod na ito ngayon sa amin, after that ay hindi ako nakagalaw ng humilig siya sa akin para humalik sa pisngi ko.
"Sa lips sana pero sige...ok na din," sabi ko sa kanya kaya naman inirapan niya ako bago tinalikuran.
Dumiretso kami sa may backdoor papunta sa may kitchen. Nakasunod lang si Brunie sa amin, hanggang sa makita kong pakalat kalat ang gilfriend niyang stuffed toys.
"Kung saan saan niya dinadala yan," sabi ni Julio sa akin ng mukhang mapansin niya ang nakita ko.
Napanguso na lang ako bago ko ibinalik ang tingin ko kay Julio and kay Gianneri. Comfortable talaga siya with her Ninong Julio. Kay Brunie lang talaga siya umiiyak, never na ata siyang masasanay sa pagmumukha ni Brunie and I do understand naman.
Sinayaw sayaw pa ni Julio si Gianneri and he keeps on baby talking her. Tumunog ang phone ko kaya naman kaagad ko iyong hinanap sa loob ng baby bag pero hindi ko kaagad nahanap dahil nakakalat na iyon sa loob. Kinailangan ko pang ilabas lahat ng laman para lang makuha ang phone ko.
May isang missed call from Daddy kaya naman napatingin kaagad ako kay Julio na busy pa din with Gianneri. Bukod sa missed call ay isang message mula din sa kanya ang na-receive ko. He can't contact daw my other phone kaya naman nagtake na siya ng risk and nag-message dito.
He is asking for money again and the amount is a bit huge than the usual na hinihingi niya sa akin. I told him naman before na walang problema sa akin ang pera. I can give him whatever I have din pero as I said...hindi naman sa kanya napupunta ang money kundi sa pinagkakautangan niya daw.
What I can assure for now ay ang safety ni Daddy sa tuwing nakakapagbayad siya sa mga pinagkakautangan niya.
"May problema?" tanong ni Julio.
Mabilis akong napaayos ng tayo. "Uhm...nothing, wala," magulong sagot ko sa kanya because of kaunting kaba.
Nagtaas siya ng kilay and bumaba pa ang tingin sa hawak kong phone. Dahan dahan kong itinago iyon kaya naman tumikhim si Julio and nag-iwas din ng tingin.
"Umakyat na kayo para magpahinga," sabi niya sa akin bago niya ako tinalikuran habang karga si Gianneri.
Nakasunod lang ako sa kanilang dalawa. Natawa pa ako when I saw Brunie stuggling para lang makasunod sa amin.
"Mag exercise ka kasi, Brunie."
Ang laki ng tummy niya and ang short lang din ng hands and feet niya kaya it's a stuggle talaga for him na mag-akyat baba sa hagdan. Delikado pa naman yon for him pero mukhang hinahayaan lang siya ni Julio.
Marahang ibinaba padapa ni Julio si Gianneri pero ng maka-bwelo ako at patalon akong dumapa sa kama kaya naman nag-bounce siya and ikinatawa naman niya iyon.
"Vera!" galit na suway ni Julio sa akin because of what I did.
"Why nanaman ba? Nag-enjoy nga si Gianneri," laban ko pero sinimangutan niya lang ako. Humilig siya para kuhanin ulit si Gianneri at iayos ng pagkakadapa palayo sa akin.
"Paano kung nahulog siya sa sahig?" sabi niya sa akin. I know naman na he's concern lang talaga para kay Gianneri pero masyado naman siyang serious.
"Edi I'm lagot nanaman kay Yaya Esme," pag-amin ko sa kanya.
He knows naman na I got scolded when I got Gianneri's ear pierced ng hindi nagpapaalam sa parents niya.
Umayos ako ng higa and nakuha ang unan kong nasa taas pa din ng bed niya. If hindi niya talaga gusto ang scent ko dapat ay matagal ng wala sa taas ng bed niya ito.
"Kamukha ito nung nawawalang kong pillow. I feel like ninakaw ang pillow ko, ganitong ganito..." sabi ko kay Julio kaya naman sumama ang tingin niya sa akin at ngumisi ako.
"Hindi naman sa pinagbibintangan kitang nangunguha ng pillow," nakangising sabi ko pa kaya inirapan niya ako.
Nakita kong umayos ng higa si Gianneri ng mag-umpisa si Julio na tapikin ang pwetan niya for her to sleep na. Napnguso ako and tumagilid para harapin sila.
Mabilis kong kinuha ang kamay ni Julio para sa akin niya gawin iyon.
"Vera," suway niya sa akin at muling binawi ang kamay niya para tapikin ulit si Gianneri at patulugin.
Patulog na si Gianneri pero napapadilat siya everytime kinukuha ko ang kamay ni Julio para ako ang tapikin niya hanggang sa makatulog ako.
Tuluyang nagising si Gianneri nang tumikhim si Julio. Dumapa siya at nilingon ako bago siya gumapang palapit sa akin. Hinayaan ko siyang umunan sa braso ko before I hugged her tight at makatulog kaming pareho.
Hindi ko na napansin pa ang pag-alis ni Julio dahil tuluyan na kaming nakatulog ni Gianneri. I don't know kung gaano katagal akong nakatulog, nagising na lang ako because of her lipsmacking again and ang pagsasalita nanaman niya nung kung ano.
Naka-unan pa din siya sa braso ko and nakayap pa din ako sa kanya. Mukhang kanina pa siya gising but she did not bother to wake me up and hinintay hanggang sa magising ako.
"Hi, Dearest Gianini," malambing na sabi ko sa kanya.
She started giggling again ng makita niyang gising na ako. May kung anong ikinwento nanaman siya sa akin. Kanina pa siya parang may kausapi. This baby talaga ay parang nananakot pa.
After we settled ay bumaba na din kaming dalawa. Maingay sa may kitchen and ang voice na naririnig ko ay familiar.
"Ibenta mo na yan, kayang kaya mo namang bumili ng bago...sampu pa!" kantyaw ni Junie kay Julio.
Naabutan namin sila sa may kitchen. Julio is busy doing something and Junie busy eating.
"Ma'm Vera!?" gulat na tawag niya sa akin, muntik pa siyang mabilaukan ng makita niya ako.
Tumingin si Julio sa amin ni Gianneri. "Patapos na ito," sabi niya sa akin. Bumaba ang tingin ko sa food na pini-prepare niya for us.
"Ma'm, nandito po pala kayo. Sa itaas po ba kayo galing?" tanong ni Junie sa akin and tumuro pa sa may stairs na para bang hindi siya makapaniwala.
"Natulog kami sa room ni Julio," pag-amin ko sa kanya. It's bad to lie kaya.
"Sa kwarto po ni Julio?" gulat na tanong niya and nagpabalik balik pa ang tingin niya sa akin and kay Julio.
Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Sa room syempre, alanga namang sa bathroom kami matulog," sabi ko sa kanya.
Nakita kong tumaas ang isang sulok ng labi ni Julio pero hindi niya kami tinapunan ng tingin, focus pa din siya sa ginagawa niya.
"Gianneri ang aking daughter in law..." sabi ni Junie and he was about to take a step para yakapin si Gianneri habang hawak ko ng kaagad siyang pinigilan ni Julio.
"Tumigil ka nga, Junie," suway niya dito. Muntik na akong hindi makahinga, I thought talaga mayayakap niya na ako.
Pina-upo na kami ni Julio to eat our mirienda, kinuha niya si Gianneri sa akin para daw makakin ako ng maayos. Junie keeps on insisting na ibenta na ang very old car niya at bumili ng bago. I can't help my self but to make sangayon sa suggestion niya.
"Hindi pa kaya ng budget at may iba pa akong pinag-iipunan," sagot ni Julio sa kanya.
"Hindi ako naniniwala! Ang sabi sabi ay may nakatago daw na kayaman sa ilalim ng mansion niyo...madami nga daw kayong gold dito," sabi pa ni Junie.
Mas lalong ngumisi si Julio. "Kung sino sino ang pinakikinggan mo. Kwento-kwento lang iyon," pagtanggi pa niya.
Napanguso ako. Somehow ay naniniwala ako sa sinasabi ni Junie. Old rich ang family ni Julio and even nung nabubuhay ang family niya ay halos lahat ng gamit nila ay mamahalin din. Hindi na nakakagulat pa if ever nga they have a kayaman, I don't know lang kung anong klase.
"You should also need na ding ipaasyo ang makalawang na gate and ang house niyo para naman maging maganda ulit kagaya...uhm before," sabi ko sa kanya.
Medyo nahiya pa ako to suggest dahil baka akalin niya ay nangengealam ako ng desicion niya sa house nila.
"Pag nakasal yan, Ma'm. Paniguradong ipapayos na niya itong bahay nila," sabi ni Junie kaya naman nag-iwas ako ng tingin and kumain na lang.
Julio cleared his throat, ramdam ko pa din ang tingin niya sa akin.
"Depende kay Vera kung kailan," he said na ikinagulat ko.
"Si Ma'm Vera? Bakit naman si Ma'm Vera ang magdedesisyon?" nakangising tanong ni Junie.
"He's right...why naman ako ang mag-decide about it," nahihiyang sabi ko pa.
Nagkibit balikat si Julio. "Depende kung kailan ka maging handa. Ikaw lang naman itong hinihintay ko..." he said habang naka-tingin diretso sa aking mga mata.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro