Chapter 31
Suitor
Mawawala na sana ako sa sarili because of what he said pero kaagad din naman akong nakabawi.
"Manililigaw ka? Kanino?" tanong ko sa kanya. I still manage to stay cool and kunwaring hindi kinikilig kahit ang totoo ay parang namanhid na ang buong katawan ko.
Sumama ang tingin niya sa akin. It didn't last din naman kasi mabilis siyang kumalma.
"Sayo," tipid na sagot niya. Parang siya pa ang galit because liligawan niya ako.
Nagkunwari akong nagulat and hindi makapaniwala. Kulang na lang lumabas ang eyeballs ko dahil sa paglaki because I'm shocked nga kunwari.
"You mean...Me? As in itong ganda ko?" tanong ko sa kanya that't why umigting nanaman ang panga niya.
Nakita ko ang pamumula ng ears niya kaya naman napanguso ako. Umayos ako ng higa sa sunlounger and hindi siya masyadong binigyan ng pansin para hindi halata na may effect sa akin ang panliligaw niya kuno.
If hindi ko lang alam ang about sa plan niya and hindi ko narinig ang sinabi niyang hindi niya ako gusto baka umuwi akong may boyfriend na. Pumunta ng resort to unwind and umuwing may boyfriend.
"I'm not in the mood na magpaligaw today. Try mo bukas..." kalmadong sabi ko sa kanya.
Ramdam ko ang tingin niya sa akin and rinig ko din ang ilang beses niyang pagtikhim. Bahagya kong ibinaba ang sunglasses na suot ko para harapin siya.
"Manliligaw ka pero ang short ng patience mo. Ikaw lang yung kilalang kong manliligaw na ikaw pa tong galit," puna ko sa kanya.
"Hindi ako galit," galit na pagtanggi niya kaya naman napailing na lang ako at muling bumalik sa paghiga.
"You want lang atang ligawan ako para magkaroon ng Mommy ang dog mo. Ayokong maging anak si Brunie," sabi ko sa kanya.
"Hindi lang naman si Brunie ang magiging anak natin kung sakali..." seryosong sabi niya kaya naman muli kong naramdaman ang pamamanhid ng whole body ko.
Uminit ang pisngi ko hindi dahil sa araw kundi dahil sa sinabi niya.
"You shut up nga! Hindi pa nga ako pumapayag na ligawan mo ako ay anak na kaagad ang iniisip mo. I'm easy to get, Snoopy!" laban ko sa kanya.
Hindi siya nagsalita kaya naman nilingon ko siya. Mas lalo akong nawala sa sarili when I saw his eyes roaming around my sexy body.
"You can look, but you can never have me, my seductiveness, and my gorgeousness," laban ko sa kanya.
Inirapan niya na para bang it's my fault na napapa-second look siya sa akin. Hindi nga lang second look iyon, kulang na lang tumulo ang laway ni Julio habang naka-tingin sa akin.
"Kung ano anong pinagsasabi mo," galit na sambit niya.
"Sorry, Lolo."
Umigting nanaman ang panga niya. Mabilis niyang dinakma ang glass ng Juice and tinungga niya ang natitirang laman ng juice in a very sexy and violent way.
"You'll drink lang ng juice aakitin mo pa ako. Hindi pa din ako payag magpaligaw," laban ko sa kanya. He thinks siguro na marupok ako or something.
"Ano?" tanong niya. Napasukan pa ata ng water ang ears ni Snoopy.
Humalukipkip ako ang nagtaas pa ng noo. "I won't repeat it na, pagod na akong magsalita," laban ko sa kanya.
Nakita ko ang pagtayo niya sa gilid ko.
"Kumain na tayo," yaya niya sa akin.
"I'm not yet hungry, Julio. And kung kakain ako...magiging visible sa swimwear kong busog ako, I can't afford to have a bloated stomach while naka swimwear," paliwanag ko sa kanya.
"Kaya magpapagutom ka para hindi lumaki ang tiyan mo?" seryosong tanong niya sa akin.
"Got it!" sagot ko sa kanya.
"Tatayo ka diyan o bubuhatin kita?" banta niya sa akin.
Nagmatigas pa din ako. I like the idea na bubuhatin niya ako. Wag mong sabihin, Snoopy! Gawin mo!.
He was about to take a step na para buhatin ako ng mapahinto kaming dalawa ng marinig ko ang boses ni Siegfried. Napa-ayos kaagad ako ng upo dahil sa pagdating niya.
"Vera," nakangiting tawag niya sa akin.
He looks hinihingal pa sa pagmamadali para lang makahabol dito. I saw nanaman kung gaano ka-white ang perfect set of teeth niya. He was wearing a black board shorts and white summer polo shirt na bukas ang lahat ng buttons that's why kita ko din ang ganda ng katawan ni Siegfried.
"I'm so sorry for being late," sabi niya sa akin. Humilig siya to kiss me sa cheeks ng hindi man lang niya napansin ang nakatayong si Julio sa gilid namin.
"It's ok lang. I enjoy naman being with my self," sabi ko pa sa kanya kaya nginisian niya ako.
"Nagpahanda ako ng late lunch for us sa isa sa mga garden bower namin," sabi niya sa akin that's why kumilos kaagad ako para tumayo.
"Tamang tama, medyo hungry na din ako," sabi ko kay Siegfried.
Inalalayan pa niya ako kahit sa pagtayo ko na parang anytime pwede akong ma-out of balance or something. Ramdam ko ang tingin ni Julio, he's angry nanaman. Tahimik siyang naglakad palayo sa amin. Napanguso na lang ako.
Why ba he need to court me kung ayaw naman pala niya sa akin?. Guguluhin niya lang ang mind ko and paglalaruan niya lang ang feelings ko. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko gusto si Julio. Of course naman I like him too. Hindi naman ako mahu-hurt sa narinig ko kung hindi.
Napakagat ako sa pang-ibabang labi when I saw na magkatabi lang ang bower namin. Tahimik siyang kumakain mag-isa. Hindi man lang siya nag-angat ng tingin sa amin kahit I know naman na he notice ang pagdating namin.
"Thanks," sabi ko kay Siegfried ng ipaghila nila ako ng seat.
He told me about the whole resort and kung ano ang mga activities na mayroon sila. He asked me din kung ano na ang mga napuntahan ko. I told him na wala naman akong ginawa buong time ko kanina kundi ang magpahinga sa sunlounger hanggang sa may lumapit sa aking pinaglihi sa kasungitan ang buong well being.
Itago na lang natin sa pangalang Julio na manliligaw daw pero siya pa itong galit.
"By the way...you look stunning today," he said kaya naman uminit ang magkabilang cheeks ko because of the compliment.
"Thank you...that's maliit na bagay," sabi ko sa kanya kaya naman natawa si Siegfried abot hanggang sa bower ni Julio.
"I really like you..." sabi niya sa akin.
I don't know what to say kaya naman ngumiti na lang ako and napa-inom sa aking fresh buko juice.
Habang nagsasalita si Siegfried ay hindi ko maiwasang hindi lingonin si Julio. He's tahimik pa din na kumakain, looks like nae-enjoy naman niya ang food niya kahit madami iyon para sa kanya. He really expect siguro talaga na I'll eat with him.
Nauna siyang natapos kumain. Hindi din siya nagtapon man lang ng tingin sa amin and dire-diretso lang ang lakad niya paalis doon. After naming kumain ni Siegfried, he told me na he'll tour me sa buong resort. Naglakad kami pabalik sa pool kanina.
Dahan dahang bumagal ang lakad ko when I saw Julio. Naka-higa siya and naka-pikit sa sunlounger na hinihigaan ko kanina. Naka-unan sa kanya ang magkabilang braso kaya naman he's like a buffet na pwede ng kainin...I mean, nakahain.
Naka-pikit siya and mukhang he's planning to sleep talaga ng ganoon ang position. Narinig ko pa ang bulungan ng ilang staff na babae.
"I'm sorry, I need to take this call," paalam ni Siegfried sa akin.
"Uhm...Sure, take your time."
After maglakad ni Siegfried palayo sa akin to take the call ay muling bumalik ang tingin ko kay Julio. He looks more mabait kung tulog siya, but kung bababa ang tingin mo sa body niya ay parang bigla kang magiging sinner.
Pouty ang lips ni Julio from my view hanggang sa unti unting bumaba ang tingin ko sa body. Ang malaman niyang dibdib because of muscles, the abs, the v -line, and ang pinakamakasalang umbok sa lahat.
Mariin akong napapikit to cleans my sinful eyes. That's close na to pagnanasa and that's masama. I'm not that mabait but I still want din naman na mapunta sa heaven when I die.
Hinatid ako ni Siegfried pauwi sa amin ng dumilim na. Hindi ko na din nakita si Julio after ng tour namin ni Siegfried. Malaki na siya and kaya na niyang umuwing mag-isa.
It's Sunday and I decide na maki-pagbond kina Yaya Esme and Gianneri sa entertainment room namin kahit wala naman silang ginawa na dalawa kundi manuod ng telenovela.
"Yaya Esme, palakasan na natin ang aircon, it's so mainit..." reklamo ko sa kanya.
She's giniginaw daw kaya naman pinahinaan niya ang aircon sa room. Kakatulog lang din ni Gianneri and nakatulog siya habang naka-yakap sa akin. Inilapag ko siya sa crib sa tabi ko para naman makatulog siya ng maayos.
I'm busy scanning some hair inspo pic online ng pumasok ang isa sa mga kasambahay para I-announce na may visitor kami.
"Manliligaw daw po ni Senyorita Vera," sabi niya na ikinagulat ko.
"Siegfried?" tanong ko kahit wala naman siyang sinabi na liligawan niya ako. I'm just being my feelingera self again.
Bago pa man ako makatayo ay nauna na si Yaya Esme.
"Sino yan?" tanong niya and she make sugod kaagad sa may living room.
"Stay here muna with Giannneri," sabi ko sa kasambahay.
Bumaba ang tingin ko sa suot kong White fleur de mal cowl neck slip dress, I pair it with my Tan Hermes oran sandals. My hair is on a messy bun dahil nasa bahay lang naman ako and maganda naman ako even simple lang ang suot ko.
Sumunod ako sa living room kay Yaya Esme ng mapatigil ako ng marinig ko ang boses ni Julio and ang seryosong boses ni Yaya Esme. Sumilip ako and nalaglag ang panga ko when I saw na may hawak pa siyang folder and she's asking Julio na para bang nasa job interview ito.
"Ibig mong sabihin ay ikaw ang nagtanim ng mga bulaklak na yan?" tanong ni Yaya Esme sa mga dalang bulaklak ni Julio.
Tipid itong tumango. "Matagal ko na pong tanim ang mga iyon. Ngayon lang halos namulaklak, kaya..."
"Kaya ibibigay mo sa alaga ko ang unang tubo ng mga bulaklak na itinanim mo?" pangunguna ni Yaya Esme.
Tumango lang si Julio bilang sagot. Humaba ang nguso ko ng makita kong naka-dark blue polo shirt siya na bagay sa skin tone niya. Mas lalo siyang naging attrative because of the color. He looks bagong ligo din and looks mabango.
"Gusto ko yan...Gusto ko yan," sabi ni Yaya Esme and she wrote something sa paper na hawak niya na para bang she's scoring talaga yung interview na ginagawa niya.
"Sa trabaho? Hindi naman sa ano ha...pero magastos kasi ang alaga kong iyon. Ikaw ang inaalala ko dito. Ayoko naman na dumating ang panahon na masaktan ang alaga ko dahil makikipag-hiwalay ka dahil magastos siya," sabi ni Yaya Esme sa kanya kaya naman tawang tawa ako.
Muling humaba ang nguso ko ng makita kong Julio stayed cool and calm. Yaya Esme's banta about me being magastos did not scare him a bit.
"May trabaho po ako sa factory ni Eroz at Architect din po ako," magalang na sagot niya kay Yaya Esme.
Gusto ko silang irapan na dalawa. Parang namang hindi sila close at ganito sila ngayon. Sinasakyan din netong si Snoopy ang trip ng Yaya Esme ko.
"Magkano ba ang sweldo mo? Monthly?" natatawang tanong ni Yaya Esme sa kanila.
Ngumiti si Julio. "Sapat na po para bumuo ng pamilya," sagot niya dito kaya naman uminit ang magkabilang pisngi ko.
Tumawa si Yaya Esme na para bang mas kinilig pa siya kesa sa akin na balak ligawan.
"Yan ang gusto ko sayo! Sige, pasado ka na!" deklara niya that's why nalaglag ang panga ko.
"Tatawagin ko lang ang alaga ko," excited na sabi ni Yaya Esme.
Hindi natuloy ang pag-alis niya ng may naalala siya.
"May kilala ka bang Bruno Escuel?" tanong niya kay Julio kaya naman napasapo na ako sa aking noo. Yaya Esme's mouth talaga ay unstoppable.
"Bakit po?"
"Pangalan daw iyon ng bagong kaibigan ni Vera. Eh ang sabi ko nga...ikaw lang naman ang kilalang kong Escuel dito."
Tumaas ang isang sulok ng labi ni Julio. "Aso ko po," sagot niya dito kaya naman nag-ingay nanaman ito.
"Ang batang iyon talaga!"
Bago pa man siya tumuloy ay lumabas na ako. Nilingon ako ni Julio and may pa-standing ovation pang nalalaman when he saw me.
Nakita kong bumaba ang tingin niya sa kabuuan ko bago siya napahawak sa batok niya at sinalubong ako to hand me yung flowers na dala niya for me.
"Thanks..." sambit ko.
"Pasado na yan sa initial interview...ikaw na ang bahala," sabi ni Yaya Esme sa amin bago niya kami tuluyang iniwan ni Julio sa living room.
"You can sit na," sabi ko kay Julio bago ako umupo sa kaharap niyang upuan.
Bumaba ang tingin ko sa mga flowers na ibinigay niya sa akin. Hindi kasing ganda ng arrangement ng flowers na ipinapadala sa akin ng mga potential suitors ko noon, even kay Siegfried. Pero ang special sa feeling ng mga flowers niya lalo na dahil sa narinig ko.
"Ako ang nagtanim ng mga iyan," sabi niya sa akin kaya naman marahan akong tumango.
I really appreciate his efforts kaya naman hindi ko siya magawang sungitan ngayon.
"May gagawin ka ba?" tanong niya sa akin.
"I'm planning na pumunta sa salon for a haircut," sagot ko sa kanya.
"Samahan na kita," sabi niya kaagad na ikinagulat ko.
"Are you nilalagnat?" tanong ko sa kanya. Prang that's suntok sa buwan talaga na sabihin ni Julio.
Tumikhim siya. "Manliligaw nga ako," giit niya and nag-iwas pa ng tingin na para bang nahihiya siya.
"Eh bakit ka galit and bakit namumula ang ears mo?" tanong ko sa kanya kaya naman mas lalo siyang hindi makatingin sa akin.
Kung nakakabasag lang ang tingin marahil ay pumutok na ang isa sa mga antique na vase namin.
"Sige na nga. Tinatamad na din akong mag-drive and day off ng mga driver namin so..." paliwanag ko pa para naman hindi niya sabihing gusto kong kasama siya. Dapat it sounds napipilitan and walang choice.
Nagpaalam ako sandali kay Julio na aakyat para kuhanin ang aking black Saint Laurent sunset bag and LV black cropped jacket with monogram trim for cover ups.
Muling napatitig si Julio sa akin pagbalik ko sa may living room. Hindi na din ako nagpalit ng footwear dahil sa salon lang naman kami pupunta.
"Magpapa-iksi ka ng buhok?" tanong niya sa akin ng pagbuksan niya ako ng pinto with his lumang car.
"Uhm...trim and papa-iksian ko ang curtain bangs ko," sagot ko sa kanya.
Tahimik lang kaming dalawa sa byahe hanggang makarating kami sa isang salon malapit sa malaking simbahan ng Sta. Maria.
"Good afternoon, Madam!" bati sa akin ng mga nandoon.
Matapos sa akin ay tumagos ang tingin nila kay Julio na nasa likuran ko.
Pinaupo na kaagad ako and they asked me kung anong gusto kong ipagawa. Nakuha naman nila kaagad iyon kaya I make my self busy na lang sa hawak kong phone. Everytime tumitingin ako sa mirror ay nakikita ko si Julio.
Nanunuod siya sa ginagawa sa hair ko and mag-iiwas ng tingin everytime napapansin niyang nahuhuli ko siya.
"Do you want a haircut too? Libre ko," tanong ko sa kanya and we're talking lang thru the mirror.
Marahan silang umiling sa akin kaya naman hindi na ako nagtanong ulit. Tumayo si Julio ng makita niyang my hair is done na. I'm busy pa checking my self sa mirror ng makita kong kumuha siya ng pera sa bulsa niya.
Makapal iyon and puro tig-twenty pesos. Nakatupi iyon ng maayos and wala man lang siyang wallet.
"Magkano?" tanong niya.
"Sa cashier na lang po, Sir pogi."
"I'll pay for it," sabi ko sa kanya.
"Ako na," masungit na sabi niya sa akin bago siya dumiretso sa may cashier. Sumunod ako sa kanya and naabutan ko siyang nagbibilang ng pera.
Maayos and hindi lukot ang mga money niya kahit wala siyang wallet. After ng makapal na tig-twenty pesos ay puro isang libo na ang sumunod.
"Thank you, Sir."
Akala ko lalabas na kami after niyang magbayad sa may cashier. Muli siyang bumalik para abutan ng tip ang nag-gupit sa akin.
"Sobrang laki nito, Sir."
I was about to make silip pa sana kung ano yung sinasabi nilang malaki ng mabilis sumalubong si Julio sa akin.
"Tara na," yaya niya.
Sumunod ako sa kanya palabas then panay ang ayos ko sa pinabawasan kong curtain bangs. Nakita ko namang he keeps on looking at me kaya I was really waiting for him na punahin iyon pero mas pinili niyang tumikhim.
"Mag simba na muna tayo para bumait ka," seryosong sabi niya sa akin.
"Ang kapal naman your face!" asik ko sa kanya.
Hindi na ako naka hindi pa ng hawakan niya ang kamay ko para hilahin ako papunta sa may simbahan. Malapit lang iyon sa salon kaya naman nilakad na lang namin.
"I'm not sure tuloy kung bagay sa akin ang maiksing curtain bangs..." pamomorblema ko.
Hindi niya ako pinansin. Tumulis ang nguso ko at nagpahila sa kanya.
"Tigilan mo yang kaka-nguso mo't bagay naman sayo," sita niya sa akin.
"But magka-iba ang bagay...sa maganda sa akin," giit ko sa kanya.
"Bagay...gumanda ka lalo," sabi niya.
"What?" tanong ko.
Sumimangot siya sa akin. "Hindi ko na uulitin. Tinatamad na akong magsalita."
"Nakaka-inis ka talaga, Snoopy!" asik ko sa kanya.
Puno na ang simbahan kaya naman we stayed na lang sa may labas at tumayo kasama ng ibang pang nagsisimba.
Medyo maraming tao kaya naman it's a bit masikip and medyo siksikan. Kung saan saan na ang direction ng daanan kaya ilang beses akong napapa-atras everytime may gustong dumaan sa harapan ko.
"Tara dito," marahang sabi ni Julio. Before pa ako maka-react ay naramdaman ko na ang pagpulupot ng hands niya sa bewang ko para hapitin ako palapit sa kanya.
Tahimik lang ako buong mass and hinayaan siya. Pagdating ng peace be with you ay nilingon ko siya.
"Peace be with you," sabi ko and inabot ang cheeks niya para humalik doon.
Sandaling nagulat si Julio because of what I did pero nakabawi din siya kaagad.
"Humahalik talaga sa cheeks para sa mga elders," laban ko.
Inirapan niya ako kaya naman napa-ngisi ako.
Humigpit ang hawak ni Julio sa hands ko habang naglalakad kami palabas ng simbahan because it's siksikan.
Imbes na umuwi ay dinala niya ako sa malapit na kainan doon.
"Is this a date?" tanong ko sa kanya.
"Kakain tayo," tipid na sagot niya. Ayaw pang aminin na it's a date nga.
Medyo nahirapan din kaming humanap ng mauupuan because madami ding tao and almost ng nandoon ay galing din sa simbahan.
"Dito ka na muna, ako na ang pipila," sabi niya sa akin ng makahanap kami ng vacant seat.
He even asked me kung may gusto akong particular na dish but I told him na lang na siya na ang bahala dahil hindi din naman ako familiar sa menu nila dito.
Pumila si Julio sa mahabang line papunta sa may counter. Kahit madaming tao sa paligid ay nangingibabaw pa din siya. Bukod na he's tall, gwapo, and head turner talaga...he has this aura na you will know na may sinabi siya sa life.
"Hindi na nahiya..." rinig kong bumulungan sa kabilang table. Hindi ko sila nakikita because nakatalikod ako sa kanila.
"Hindi ba't iyan yung anak nung krimenal? Bakit nilalapitan ni Julio yan?"
They want me to hear it talaga kasi hindi man lang sila nag-effort na hinaan iyon.
"Ang kapal ng mukha niyang lumapit at magpakita pa dito sa Sta. Maria. Sana ay nawala na lang din siya kagaya ng Tatay niyang mamamatay tao," sabi nila.
Kakatapos lang ng mass kaya naman nasa mabait pa akong mode ngayon and wala ako sa mood na awayin sila pabalik.
"Kung ako kay Julio ginantihan ko na yan. Hindi biro na mawalan ng pamilya dahil sa mga kagaya nilang masasamang tao," pagpapatuloy nila.
Ramdam ko ang galit and inis nila sa akin dahil sa nangyari sa mga Escuel. Hindi kasi nila alam na I know na may plan si Julio towards me. They think siguro I'm naive para hindi maisip iyon.
Even nung umalis sila ay they keep on saying bad words against me and my Dad. Hindi ako makalaban dahil wala pa akong hawak na evidence para ipamukha sa kanilang mali sila nang iniisip tungkol sa akin.
Isang beses akong sumulyap sa naka pilang si Julio. I feel bad din naman for him kahit palagi kaming nag-aaway. If buhay lang siguro ang parents niya bago palagi siyang nasa Manila o ibang bansa to run their business or nagma-manage ng company nila or something.
Mas bright pa sana ang future ni Julio if kasama niyang lumaki ang family niya and hindi siya naiwang mag-isa sa mansion nila. Kita kasi mula sa labas ng mansion nila kung gaano katahimik and ka-lungkot doon. I can't imagine nga na nasanay si Julio na tumira mag-isa doon.
"May problema?" tanong niya kaagad sa akin pagkalapit niya dala ang tray ng food namin.
Marahan akong umiling.
"Hindi mo gusto dito?" tanong niya sa akin.
"Uhm...no. I like it here, medyo hindi lang ako sanay sa ingay ng mga tao," pagdadahilan ko.
Umalis ulit siya sandali para balikan pa daw ang isa pang tray ng mga foods namin. Siya ang nag-ayos ng mga food namin.
"Subukan mo, masarap ang mga pagkain nila dito...dito ako palaging kumakain," kwento niya sa akin kaya naman tumango ako.
Bago sa akin ang ibang dish na nasa harapan ko ngayon pero I still try it pa din because may tiwala naman ako kay Julio and sa mga suggestions niya sa akin.
"Kumain ka ng madami," sabi niya and siya pa mismo ang naglagay ng rice sa plate ko.
"I'm on a diet," suway ko sa kanya.
"Para saan?" tanong niya sa akin.
Nagkibit balikat ako, hindi ko din alam.
Nag-enjoy akong kumain kasama si Julio. After ay naglakad na ulit kami pabalik sa sasakyan niya ng makita ko ang mga maliliit na stall sa gilid ng kalsada, every Sunday lang sila pwede doon.
"Look at that stuffed toys oh, bulldog parang si Brunie," turo ko kay Julio.
May iba't ibang sizes and iba't ibang klase. Gusto kong bilhin yung malaking bulldog na stuffed toy para sa anak niya.
"Ayon ka oh," turo ko sa stuffed toy na si Snoopy.
Gusto niyang bayaran ang binili ko para kay Brunie pero hindi ako pumayag. I'm excited na tuloy na ibigay sa kanya iyon.
"Tell him na lang na galing sa akin," sabi ko sa kanya.
"Ikaw ang magbigay sa kanya," sabi niya sa akin.
Nauna akong naglakad papunta sa car niya habang yakap ang stuffed toy na bulldog. Maya maya ay naramdaman kong nakasunod na si Julio sa akin. May ipinasok muna siya sa backseat na hindi ko nakita bago niya binuksan ang pinto for me.
Dumiretso kami sa haunted mansion niya para ma-ibigay ko personally kay Brunie ang gift ko. And I miss him din naman.
"Ito na muna ang girlfriend mo for now," sabi ko sa kanya.
Nagtatatalon siya ng makita niya ako na para bang he wants me to carry him. Kumalma lang siya when I tap his head and ibinigay ko yung stuffed toy na kasing laki niya.
"I'll think pa muna ng magandang name for your girl toy..." sabi ko kaya naman tumkhim si Julio.
Umayos ako ng tayo para tapatan siya hanggang sa bumaba ang tingin ko sa hawak niyang Snoopy na stuffed toy.
"Bukambibig mo to kaya...binili ko para sayo," sabi niya sa akin.
"Ikaw si Snoopy," sabi ko sa kanya.
Tumikhim siya sa akin at inabot pa din iyon.
"Thank you for today kahit...hindi mo naman ako gusto," sabi ko sa kanya.
I can't accept mixed signals anymore. I need him to enlighten me kung ano ba talaga ang gusto niya sa akin. If this is all his plan lang talaga para sa revenge...lalayo na lang ako sa kanya.
"Nililigawan kita," malayong sagot niya sa akin.
"Narinig ko yung sinabi mo sa akin na hindi mo naman ako gusto kaya I don't understand kung bakit nanliligaw ka," pag-amin ko.
"Gusto kita," sabi niya.
"Hindi ako naniniwala," giit ko.
Dahan dahan siyang lumapit sa akin at hinapit ako sa bewang. Diretso ang tingin niya sa akin.
"Gustong gusto kita kahit mas gusto mo ang pangalan ng Kuya ko kahit July ang birthday mo," sabi niya na ikinalaki ng mata ko.
"You mean..."
Marahan siyang tumango habang nakatingin sa lips ko.
"Gusto kita kahit hindi dapat..." he said before niya akong siniil ng halik.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro