Chapter 30
Pool
I was about to back out na sana and bumalik na lang sa may living room with Gianneri and Tita Cleo ng mapansin ni Alice ang presence ko.
"Vera," tawag niya sa akin kaya naman I smiled back.
Pansin ko din ang paglingon ni Julio sa akin pero hindi ko siya tinapunan ng tingin.
"May fresh orange juice kayo? I'm thirsty kasi," palusot ko sa kanila.
I asked for juice kahit ang totoo ay parang I can't even swallow nga yung Juice and mas lalo na yung sinabi ni Julio.
"Wala silang ganon, magtubig ka na lang," sabat ni Julio. Hindi naman siya ang kinakausap ko. Super epal naman niya!.
Tinapik siya ni Alice sa braso na para bang gusto niyang patahimikin ito. Ngumiti siya sa akin dala dala ang mga foods that she prepares for our dinner.
"May orange juice kami pero tinimpla ko lang ito..." sabi niya sa akin kaya naman humaba ang nguso ko.
Mula kay Alice ay lumipad ulit kay Julio ang tingin ko because he's staring at me eh ang rude kaya non!.
"The tinimplang juice is ok na kahit maraming unhealthy preservatives," I said nicely pero narinig ko pa din ang pagtikhim ni Julio.
Natawa si Alice. "Sige, upo na muna kayo doon. Ako na ang maglalabas ng mga pagkain," sabi niya sa amin kaya naman I tried pang kuhanin yung plate na may ulam pero mabilis ng kinuha ni Julio.
"Ako na, pasok na doon," matigas na sabi niya sa akin kaya naman sinimangutan ko siya at hindi na sinagot pa.
I'm not in the mood na makipag-usap sa kanya. I decide na talaga na iwasan si Julio. Like pinag-isipan ko iyon ng ilang minuto and no one can change my mind na. Kahit pa halikan niya ako or maghubad siya sa harapan ko...I'll make iwas na talaga.
Tumabi ako kay Tita Cleo na buhat pa din si Gianneri. Halata pa din na galing siya sa pag-iyak kanina pero she's kalmado na ngayon.
I pinch pa her cheeks para I-check kung talagang bati na kami or baka nagha-hallucinate lang ako kanina. She smiled at me and giggles pa dahil sa ginawa ko.
Nag-start na kaming kumain ng dinner. I saw how caring si Alice kay Tita Cleo kaya naman mas lalo ko siyang hinangaan.
If kasama ko din sana si Mommy and inalagaan niya ako kung paano ako inalagaan ni Tita Giselle ay magiging caring din naman ako sa kanya. Aalagaan ko din siya kung paano alagaan ng mga anak ang parents nila.
Hindi ako lumaking kasama si Mommy. Pero if bibigyan niya ako ng chance maging daughter niya at maging Mommy ko siya ay aalagaan ko din naman siya.
I'm busy choosing pa ng food to eat ng magulat ako when Julio put something sa plate ko kahit hindi ko naman siya sinabihan about it. Hindi ko na lang pinansin at tiningnan iyon. Hindi na din ako nagbother na mag-thank you dahil iniiwasan ko nga siya.
"Hindi ka kumakain ng kanin?" tanong ni Tita Cleo sa akin ng mapansin niyang puro ulam lang ang nasa plate ko.
"It's gabi na po kasi and ayokong mabigat ang tiyan ko pag matutulog," sagot ko sa kanya kaya naman matamis niya akong nginitian.
"Ayos na iyang katawan mo. Wag mong masyadong abusin..."
Tumango ako at ngumiti. Hindi nawala ang tingin ni Tita Cleo sa akin, she looks at me kung paano ako tiningnan ni Tita Alexandria the first time we met.
"Akala ko talaga ay artista ka. Ang ganda mo, kahawig mo yung artistang si ano nga ba iyon, Alihilani..."
Tumingin ako kay Alice because nakalimutan ni Tita Cleo yung name ng kamukha ko daw na artista.
"Heart Evangelista, Nay. Masungit na Heart Evangelista," nakangising sabi ni Alice.
"I'm not masungit kaya...minsan lang," laban ko kaya naman tinawanan ako ni Alice.
Nagpatuloy kami sa pagkain. Ramdam ko pa din ang tingin ni Julio sa akin. Na-tempt akong tumingin sa kanya pabalik pero pinigilan ko ang aking sarili. He doesn't deserve yung tingin ko. Not everyone deserves my energy.
"May nobyo ka na ba?" tanong ni Tita Cleo sa akin all of a sudden.
Hindi kaagad ako nakasagot dahil may food pa akong nginunguya. Bago pa man ako makasagot ay nauna nang mag-ingay si Gianneri na para bang siya na ang sumasagot for me. Look at this cute little spokes person I have here.
"Talaga? Kilala mo?" pagba-babytalk ni Tita Cleo sa kanya na para bang nagkakaintindihan talaga siya.
Hinalikan niya sa noo si Gianneri and kita kong tuwang tuwa siya dito. Need na talaga ni Alice bigyan ng grandchild si Tita Cleo.
"M-may manliligaw po," I said kunwari ay nahihiya pa.
Nanlaki ang mata niya. "Talaga? Kilala ba namin?" excited na tanong niya sa akin.
Ramdam ko ang tingin ni Alice lalo na si Julio na naghihintay din sa isasagot ko. Actually wala naman talaga, I just really want to make feeling para naman hindi ako masyadong ma-hurt sa sinabi ni Julio.
Ano naman kung hindi niya ako gusto? Siya lang ba ang lalaki sa buong mundo na pwedeng magkagusto sa akin?. Yes, he;s gwapo and I have a crush on him ng kaunti pero hindi ko ikamamatay kung hindi niya ako gusto.
"You know po ba, Siegfried San Miguel?" tanong ko sa kanya. I saw disappointment in her face like may iba pa siyang pangalang hinihintay pero hindi iyon ang sinabi ko.
"Yung pinsan ni Ericka?" tanong ni Alice.
Kaagad akong tumango sa kanya. I know na bad ang magsinungaling pero I believe na Siegfried likes me naman, na-totorpe lang siya or maybe wala pa sa isip niya ang ligawan ako kahit he likes me. Masyado kasi siyang focus sa business kaya siguro.
"Nililigawan ka na? Hindi mo sinabi sa akin?" tanong ni Alice. The way she asked me those questions ay mukhang malalaman pa atang nagsisinungaling ako.
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Oo," giit ko kaya naman hindi na siya nakapag-salita pa.
Bumalik kami sa pagkain hanggang sa mapunta naman kay Alice ang mga tanong. The whole time na inaabala ko ang sarili kong makipag-bonding kina Tita Cleo ay ramdam ko ang ilang pagsulyap ni Julio sa akin. He's waiting ata na tapunan ko siya ng tingin.
"We're leaving na po. Thank you po ulit sa dinner, Tita Cleo...and witch," sabi ko sa kanila kaya naman natawa si Alice at inirapan ako.
Habang nagpapaalam ay kinuha na ni Julio sa akin ang mga dala naming gamit kahit I did not asked for it naman.
Humalik si Gianneri kay Tita Cleo and Alice. She's friendly talaga and adorable kagaya ni Gertie. Kung sa akin siya nagmana ay baka baby pa lang ay umiirap na si Gianneri at nang-aaway.
"Mauna na po kami, Tita..." paalam ni Julio sa kanila.
"Mag-ingat kayo," paalala niya sa amin.
Buhat ko si Gianneri kaaya naman sa may backseat kami umupo na dalawa. Ginawa naming driver si Julio pero wala akong pakialam.
"Wala akong gusto kay Vera..."
Palagi ko iyong naririnig kaya naman kahit I want to talk to him ay wag na lang pala.
"You can sleep na, Dear."
Gianneri is sleepy na at humahanap na ng pwesto habang nakayakap sa akin. I checker her ears again and medyo mapula pa din iyon. I kissed her head habang marahan kong tinatapik ang pwet niya for her to sleep na.
Tahimik kami sa loob ng car. I heard nga din yung ilang beses na pagtikhim ni Julio. He thinks siguro na may pakialam if ever man na angry siya. Galit for what? I'm doing him a favor na nga na hindi siya pansinin.
Nakakainis kaya if nakikipag-usap sayo yung taong ayaw mo naman. I know the feeling kaya akong bahala sayo Julio.
"Galit ka?" tanong ko ng muli nanaman siyang tumikhim.
If he's angry dahil naaabala namin siya ni Gianneri, I'm willing to pay for his service. Pero kung he's angry for no reason...bahala siya!.
"Hindi," tipid but madiing sagot niya sa akin.
"Para kasing galit ka. Sabihin mo sa akin para alam ko. Sayang naman yung galit mo kung hindi ko alam," Sabi ko sa kanya para mas lalo siyang mainis.
If wala siya sa mood...Pwes, ako din!.
Pinapasok kami kaagad ng guard. He help me pang ibaba ang mga gamit namin ni Gianneri. After non ay pinagbuksan niya din kami ng door. Tumikhim ulit siya pero hindi ko siya tiningnan sa mata.
"Thanks, Ninong Julio," sabi ko pero para kay Gianneri iyon. Yung thank you galing sa akin...hinahanap ko pa.
"Ganyan ka mag-thank you?" masungit na tanong niya sa akin.
"What?" masungit na tanong ko sa kanya pabalik.
Paano ba mag-thank you? May kasamang sayaw?
He was about to say something pa sana ng mabilis na lumabas si Yaya Esme para kuhanin si Gianneri sa akin.
"Kanina pa ito hinahanap nina Senyorita Gertie at Senyorito Eroz sa akin," salubong niya.
Ma-ingat niyang kinuha ang tulog na si Gianneri sa akin hanggang sa magulat kami sa naging reaction niya.
"Mahabagin! Ikaw na bata ka!" asik niya sa akin ng makita niya ang earings ni Gianneri.
Nag-ingay na kaagad si Yaya Esme. Hindi ko na nga din maintindihan yung mga sinasabi niya kasi ang bilis non. Hindi pa new year pero parang fireworks na ang mouth niya because of the ingay.
"Mauuna na ako," paalam ni Julio sa akin.
Tumango lang ako and umirap pa. It's nakakahiya naman sa part ko kung audience pa siya habang pinapagalitan ako ni Yaya Esme.
"May problema ka ba sa akin?" tanong niya na ikinagulat ko.
"Uhm...No?. Who are you ba para problemahin ko?" tanong ko sa kanya.
Tumikhim siya at sumimangot. "Hapon na kayo pumunta bukas. May trabaho ako sa site sa umaga," sabi niya sa akin.
"Hindi na kami pupunta sa inyo," diretsahang sabi ko sa kanya.
Nakita kong nagulat siya pero he still manage to look cool. Sus!.
"At bakit?"
Nagkibit balikat ako bago ko siya tinalikuran. Hindi naman siya nagkapagsalita pa kaya naman tuloy tuloy ang pagpasok ko sa aming bahay.
Para akong uminom ng isang galloon na milk pampatulog dahil sa sermon ni Yaya Esme sa akin. If I know na nakakanatok pala ang sermon niya ay sana gabi gabi ko na lang siyang ginagalit.
"Alam naming mahal mo si Gianneri pero hindi ikaw ang dapat na nagdesisyon non," pangaral niya sa akin.
"I'm sorry. Inaamin ko ang aking pagkakasala, Yaya Esme."
Napasapo siya sa kanyang noo dahil sa lalim ng pagkakasabi ko. I said that para naman ramdam niyang I'm sincere and aminadong ako ang may kasalanan.
Inabala ko na lang ang sarili ko sa work the next day. Pigil na pigil akong hindi pumunta sa house ni Julio kahit gusto kong makitulog because of the pagod.
I remember Brunie tuloy. Kahit naman hindi ko siya ganoong kagusto because he's panget and ma-attitude na dog ay for sure I will miss him too. I hope lang na maging mabait sa kanya ang girlfriend ni Snoopy na kamukha ni Rita sa Disney movie na Oliver and Company.
"Good afternoon, Ma'm Vera...delivery po," sabi ng secretary ko.
Mariin pa din akong nakapikit habang hinihilot ang sintido ko. Ramdam kong palagi siyang takot everytime na kinakausap niya ako.
"What's your name again?" tanong ko sa kanya.
"Uhm...Judy po, Ma'm" sagot niya sa akin.
Dumilat ako at tumingin sa kanya. Mas lalo siyang natakot sa akin na para bang kakainin ko siya or something.
"Takot ka ba sa akin, Judy ann?" tanong ko sa kanya.
"J-judy po, Ma'm...at hindi naman po, medyo nakakakaba lang po talagang kausap kayo," sabi niya sa akin at nagngiting aso.
Pinanliitan ko siya ng mata kaya naman nag-iwas siya ng tingin.
"Sure kang Judy walang Ann ang name mo? It's bitin kasi kung Judy lang," sabi ko sa kanya.
Oo, desisyon ako. Hindi ako ang maga-adjust for her name kundi ang name niya ang maga-adjust para sa akin.
Tipid siyang ngumiti sa akin at umiling.
"Ok," sambit ko at tiningnan ang bulaklak na inilapag niya sa table ko.
Ngpasalamat ako sa kanya when she told na lalabas na. Kinuha ko ang maliit na envelope sa flower and napatunayang tama ang hinila ko na it's from Siegfried. He wants to remind me lang about his invitation sa akin sa bago nilang resort.
I don't have any plans sana to go there pero I think I need to unwind din naman mag-isa kahit dito lang aroung the province.
Nagkaroon din kami ng meeting ni Tito Keizer thru online. He told me about the proposal ng mga San Miguel. Habang nagsasalita si Tito Keizer sa screen ng laptop ko ay hindi ko maiwasang makita ang pagkakahawig nila ni Daddy. I can't imagine din sana kung kaming tatlo ang nasa meeting and nagpapatakbo ng mga business.
Mas lalo akong naging eager na tulungan si Daddy to clean his name para naman makasama na namin siya. What I can do lang for him for now ay ibigay ang mga kakailanginin niya.
Madilim na sa labas ng lumabas ako ng office. Habang hinihintay ang driver ay natanaw ko pa ang iilang ilaw sa haunted mansion ni Julio. I think naman it's better kung hindi na ako pupunta doon para naman hindi na siya mahirapan na pakisamahan ako.
Tahimik lang ako sa byahe habang yakap ang flowers na bigay ni Siegfried sa akin. I like the color combination ng mga flower kaya inuwi ko para ipalagay sa vase sa labas ng room ko.
"I'm home!" sigaw ko pagkapasok ko sa loob.
Walang nakapansin sa akin kaya naman dumiretso na ako sa kitchen. Tawa kaagad ni Yaya Esme ang narinig ko and some unfamiliar voices.
"Ayan na pala si Senyorita Vera," anunsyo niya.
Nilingon ko ang mga bisita and nakitang sina Julio and Junie iyon habang kumakain. Naiwan sa akin ang seryosong tingin ni Julio na kaagad din namang bumaba sa hawak kong mga flowers. Ngiting ngiti si Junie na para bang may pa-premyo ang may pinakamagandang smile.
"Hi, Dear..." malambing na bati ko kay Gianneri at humalik sa pisngi niya.
Hindi ko siya masyadong nilapitan dahil kagagaling ko lang sa labas na punong puno ng kung ano anong germs and pollutants.
"Kumain ka na din. Sumabay ka na kina Julio, bagng experiment ko yan..." pagbibida ni Yaya Esme sa new dish na ginawa niya.
Bumaba ang tingin ko sa mga iyon pero ang totoo ay gusto kong magtanong sa mga visitors namin.
"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko sa kanila.
Napangiwi ako ng makita kong Junie tried his best para malunok ang nginunguya niya para lang sagutin ang tanong ko.
"Nagbabaka kami ng mga sako ng bigas galing sa factory," sagot ni Julio sa akin kaya naman tipid akong tumango.
"Ano...hindi ka kakain?" tanong ni Yaya Esme sa akin.
"I'll have my coffee lang po. I need to finish pa some documents," palusot ko pero ayoko lang talagang kumain with them.
Paano ko naman mapaninindigan ang pag-iwas ko kung I'll eat pa with them?.
"Sinasabi ko talaga sa inyo. Pag ako nag-asawa na at lumipat na ng bahay...mami-miss niyo talaga ang mga luto ko," pagtatampo ni Yaya Esme.
"Dapat kasi you told me na you like to cook para naman nagpatayo tayo ng restaurant for you, Yaya Esme."
"Kayo lang naman ang gusto kong paglutuan...kayo lang ang may ayaw sa luto ko," she said kaya naman mas lalong tumulis ang nguso ko.
Nasa ganoon akong kalagyan ng makita kong nakatingin si Julio sa akin. Inirapan ko siya at ibinigay na lang ang buong atensyon ko kay Junie na nag-iingay nanaman.
"Pangalan ng karinderya namin noon...Cooking ng ina mo. Mabenta at maraming kumakain. Na-inggit yung kapitbahay namin kaya nagpatayo din sila ng sa kanila..." kwento niya.
I'm not interested naman sana sa kwento niya pero the way kasi siya magkwento ay with actions pa kaya makikinig ka talaga.
"Aba! Ginaya pa ang pangalan namin, nagpatayo sila ng karinderya at pinangalanang...Cooking ng ina mo rin!"
Tawang tawa si Yaya Esme dahil sa kwento ni Junie. Napangisi na lang ako, he's nakaka-aliw naman talaga pero hindi pwedeng malaman niyang natutuwa ako sa kanya.
After nilang tumawa ay muling tumingin si Junie sa akin.
"Masarap po talagang magluto si Yaya Esme, Ma'm Vera. Mami-miss niyo po talaga ito..." sabi pa niya sa akin kaya naman napanguso ako.
Napatingin ako kay Julio ng mapansin ko ang mariin niyang tingin sa akin na para bang may gusto siyang iparating.
"I don't miss anyone...or anything," pag-uumpisa ko.
Julio needs to know na hindi ko siya nami-miss, ang bahay niya, and ang aso niyang si Brunie.
"I just simply don't miss a thing..." pinal na sabi ko pa bago ako tinawanan ni Junie.
"Kanta na yon, Ma'm eh!" pang-aasar niya sa akin kaya naman inirapan ko siya.
Nakita kong tumaas din ang isang sulok ng labi ni Julio kaya naman inirapan ko silang pareho.
I was about to make paalam na sa kanila ng biglang magtanong si Yaya Esme about sa flowers na dala ko.
"Galing ba iyan doon sa may-ari ng resort? Tutuloy ka bukas...hindi mo kami isasama?" tanong niya sa akin.
Nag-angat ng tingin si Julio. He told me nga pala na gusto niyang sumama sa resort. Pero dahil umiiwas ako sa kanya, maligo na lang siya sa kanila.
"Manliligaw mo na ata yan eh. Kung ano anong pinapadala dito. Hindi ako payag na kayong dalawa lang bukas!" sabi ni Yaya Esme kaya naman napa-irap ako sa kawalan.
"Yaya, matanda na po ako...no need for guardian's consent," laban ko sa kanya.
Natigil lamang iyon ng sabihin ng isa sa mga kasambahay na may delivery under my name. Mabilis kong binitawan ang flowers and lumabas, I think iyon na ang hinihintay kong earings for Gianneri galing sa states.
Tuloy tuloy ang labas ko. Ang laki ng ngiti ko while receiving the package. I'm excited na to put this sa ears ni Gianneri.
"Iniiwasan mo ba ako?" tanong ni Julio.
Muntik pa akong mapasigaw dahil sa gulat.
"Ano ba! Ginulat mo ako!" asik ko sa kanya pero nanatili ang pagiging masungit niya.
"Hindi kita iniiwasan...feeling mo naman. I'm busy lang and I realize na it's not good na everyday akong nasa inyo ngayong magkaka-boyfriend na ako," sabi ko at nagtaas pa ng kilay.
Hindi nanliligaw si Siegfried and wala din akong balak mag boyfriend pero ang satisfying kayang makitang namumula si Julio sa...galit? I don't know.
"Sasagutin mo?" madiing tanong niya sa akin.
"Nagtatanong ba?" tanong ko sa kanya kaya naman kumunot ang noo niya.
"Pwede ba, Vera..." giit niya.
Umirap ako at humalukipkip.
"Pwede naman. He's gwapo, mabait, palaging nakangiti, and gusto niya ako..." sabi ko. Diniinan ko yung dulong words para naman ramdam niya.
Bayolenteng nagtaas baba ang adams apple niya.
"Sasama ako bukas," madiing sabi niya bago niya ako tinalikuran.
Gusto kong magpapadyak sa kinatatayuan ako. Ako dapat ang mag-walkout! Ang epal nitong Julio na ito!.
Maaga akong gumising kinaumagahan para pumunta sa resort. I can extend naman my stay for overnight pero I think sapat na sa akin ang whole day na rest.
"Aalis na po tayo, Ma'm?" tanong ni Kuya driver sa akin.
Sandali ko pang pinasadahan ng tingin ang daan papunta sa gate namin. Akala ko ba sasama siya?.
Napabuntong hininga ako. Liar din tong si Julio. "Let's go na po," yaya ko sa kanya.
I'm wearing a black Versace greca key swimsuit farfetch, I pair it with my baroque Versace skirt, with my Versace medusa head leather sandals.
Nilingon ko ang dala kong Dior book tote bag para sa mga gamit ko. I really need this rest for me to relaz and makapag-isip ng mabuti.
Medyo nagtagal ang byhae namin because of the traffic. Nagtaas na lang ako ng kilay when I was how huge their resort is. Malaki ang arco sa labas and may two way pa for the inspection ng mga papasok at lalabas.
Nasa parking space na kami ng makatanggap ako ng tawag mula kay Siegfried. He told me na he needs to go to Manila for some errands and babalik din kaagad ng bandang hapon. Nabilin na din niya ako sa mga staff kaya naman wala na dapat akong ikabahala pa.
He is very sorry din dahil he's not here to accommodate me, pero wala namang kaso sa akin dahil feel ko talagang magkaroon ng alone time ngayon.
Some of the staff welcome me and hintaid pa ako sa magiging villa ko. Nakaka-amaze din talaga ang buong lugar and feeling ko tuloy nasa malayong lugar ako and wala sa Bulacan.
"Enjoy your stay, Ma'm."
Inayos ko lang ang mga bag ko sa loob ng villa room bago ako nagpasyang puntahan ang main pool nila. Konti pa lang ang tao kaya naman dumiretso ako sa isa sa mga sun lounger.
"Thank you," sabi ko sa isang staff ng ihatid niya sa akin ang fresh buko juice ko.
Tahimik ang buong palagid, I was about to fall asleep na ng makarinig ako ng bulungan sa kung saan. Hindi ko na sana papansinin pa hanggang sa may marinig akong tumalon sa pool.
Napaayos ako ng upo habang nakatingin doon, wala namang tao hanggang sa may umahon sa part malapit sa akin.
"What are you doing here?!" asik ko sa kanya.
Hindi niya ako pinansin. Sinuklay niya patalikod gamit ang mga daliri niya ang kanyang basang buhok. Walang kahirap hirap siyang umahon mula sa pool kaya naman nag-flex ang muscles niya.
Napaawang ang labi ko when I saw how mabato ang katawan niya. Mas lalong tumingkad ang color ng skin niya dahil sa butil ng mga tubig sa katawan niya and sa tama na din ng sunlight sa kanya.
"Bakit sayo ang resort?" masungit na tanong niya sa akin.
Mas lalong nalaglag ang panga ko. Lumapit siya sa katabi kong sunlounger at kinuha ang juice na nandoon at inisang tungga iyon.
Itinaas niya ang isang daliri niya para tawagin ang isa sa mga staff.
"Yes, Mr. Escuel?" tanong nito sa kanya.
"Can you serve our lunch in one of your bower?" tanong niya dito.
"Pwede po, Sir."
Kaagad na tumanggo si Julio bago niya kinuha ang towel at nag-umpisang magpunas ng katawan niya. Bumaba ang tingin ko sa black board shorts niya. Ang laki ng butt niya kaya naman kita ko ang hulma ng pang-upo niya. Napalunok ako ng makita ko ang umbok sa kanyang harapan.
"Gutom ka na?" tanong niya sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
"Ang bastos mo!" asik ko sa kanya kaya naman nginisian niya ako.
"Pinahanda ko na ang lunch natin. Baka kako gutom ka na."
Bumalik ako sa pagkakahiga at humalukipkip. I cross my legs pa kaya nakita kong tumingin siya doon.
"Who told you naman na I'll eat my lunch with you?"
"We'll eat our lunch together," pinal na sabi niya.
"At bakit!?"
Tumikhim siya at muling namula. "Manliligaw ako, Vera."
"Manliligaw din ako," paguulit pa niya.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro