Chapter 29
Intention
Humigpit ang yakap ko kay Gianneri because of what I heard. Naramdaman kong tumingin siya sa akin na para bang she wants to tell me na naiipit na siya.
"Shh...baka mahuli tayo," suway ko sa kanya bago ko niluwagan ang yakap sa kanya and I kissed her cheeks pa para naman hindi siya magalit sa akin.
Napabuntong hininga ako. I want to back out na and umalis na lang doon pero the evil in me wants to take over.
Inayos ko ang posture ko, nakataas pa ang kilay and chin ko ng magpakita ako sa kanilang dalawa. I saw the gulat with guilt in their faces.
"Vera...kanina ka pa?" tanong ni Julio. Ramdam ko ang kaba niya.
Nagtaas ako ng kilay. This is what I want...hayaan ko silang mag-isip ng mag-isip hanggang sa maubusan sila ng hininga.
"Not really, kakarating lang namin ni Gianneri," nakangiting sagot ko sa kanilang dalawa ni Crystal.
After a several seconds na gulat siya and seems worried ay peke siyang ngumiti sa akin. Hindi lang pala pwert ng baso ang isang ito kundi plastick din.
"Why para kayong nakakita ng magandang multo? May pinaguusapan ba kayong hindi ko dapat marinig or something?" tanong ko sa kanila.
Kung hindi pa sila kabahan doon ay ang slow naman nilang dalawa.
Ngumiti si Crystal and she looks at Julio na para bang gusto niyang tumingin ito sa kanya, she thinks ata na totoo yung pagmagkatingin lang kayo ay magkakaintindihan na. That's super baduy.
Tumikhim ang kaharap kong si Julio. He looks worried and shock kanina pero ngayon ay bumalik na siya sa normal self niya.
"Wala kaming importanteng pinag-uusapan," sabi niya sa akin. Look at this liar!.
It's not important ba to talk about yung plan niyo na kuhanin ang loob ko para makakuha ng information sa Daddy ko? I know naman na hindi impossible ang agenda na iyon when it comes to Julio, pero ang isama niya sa plan si Crystal na mukha namang glass ass ay hindi ko maintindihan.
Sino ba siya? Girlfriend ba siya ni Julio para maging part ng past namin. Girlfriend siya ngayon...present! What me and Julio had is yung past namin with his family. Wala siya doon to act like may alam and to meddle with our things.
Lumapit siya sa akin para humalik sa ulo ni Gianneri. Hindi ko siya tiningnan, ayokong ma-feel niya na everytime na ginagawa niya iyon ay naiinggit ako. O naiinggit ako pero hindi ko sasabihin.
"Opo..." nakangiting pagba-baby talk niya kay Gianneri ng after ng kiss sa ulo ay nag-ingay siya na para bang she's saying something kay Julio.
If naiintidihan ko lang ang baby language ni Gianneri ay feeling ko pinapagalitan niya si Julio because of what we heard at nakita din niyang may kasamang iba ang Ninong niya na hindi naman niya Ninang.
He tapped Gianneri's head kaya naman she giggles. She like Julio's presence kasi hindi naman siya sinusungitan ni Julio. Me and Gianneri need to talk about this later.
"We'll go na alng kasi mukhang may plan kayong pinaguusapan ng friend mo..." sabi ko kay Julio.
Kumunot ang noo niya. "Plan? Anong plano?" tanong niya sa akin. Sus! Kunwari walang alam.
"Did I say that? Wala akong sinasabing ganon..." pagmamaang maangan ko din para fair kami.
Kung anong gagawin niya sa akin ay gagawin ko din sa kanya.
Tumayo si Crsytal kaya naman nalipat sa kanya ang attention ni Julio.
"Mauuna na muna ako. Tiitingnan ko din yung bagong design and blueprint para sa susunod na floor building," sabi niya dito.
Tumango si Julio sa kanya. She smiled at me again na para bang close kami kahit naman hindi. She even smile din kay Gianneri pero gusto kong matawa ng talikuran siya nito at yumakap sa akin. That's why I love her, sa akin siya kampi!.
Tumawa si Julio ng makita iyon. "Hindi kasi sanay sa ibang tao," paliwang niya kay Crystal na kaagad nitong nginitian na para bang she understand.
"She's sanay kasi na nakakakita lang ng maganda...sanay siya sa akin," paliwanag ko sa kanya. I wish naman nantindihan niya ang gusto kong ipoint out.
Nag-ngiting aso si Crystal bago tumingin kay Julio para magpaalam na. Nagtaas ako ng kilay ng mapansin kong alanganin pa siyang napahinto na para bang she was waiting for something.
Waiting for a kiss? Gusto niyang ikiskis ko sa pader ang lips niya para mas ramdam niya?
"Kiss her na...nahiya pa kayo," pagpaparinig ko bago ko silang dalawa tinalikuran ang dumiretso sa may living room.
Muli kong dinala si Gianneri sa malaking portrait ng family ni Julio.
"Good afternoon..." sabi ko for Gianneri.
She giggle again then she point her small finger kay August then lumingon siya sa tabi ko and point her finger again nas para bang may itinuturo siya.
"Shh...tinatakot mo pa ako, gusto mong kagatin din kita?" pananakot ko sa kanya.
I was about to take a step na palabas doon ng sumalubong sa amin ang nakasimangot na si Julio. Mas naramdaman ko pa ang kaba sa presence niya kesa ang isiping may ghost kanina sa tabi namin ni Gianneri.
"What? Galit ka because maagang umalis ang gilfriend mo dahil sa pagdating namin?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko siya girlfriend," giit niya sa akin.
Kinuha niya si Gianneri sa akin, mabilis na sumama si Gianneri sa kanya bago nila ako tinalikuran. Sinundan ko sila ng tingin and I saw na nakasunod din si Brunie kay Snoopy.
"Wow..." sambit ko ng makita ko kaagad ang pupuntahan nila.
One part ng living room ay ginawang mini nursery ni Julio. Like a place for a baby para maglaro. Nandito na din sa baba ang ilan sa mga baby things na nakita namin sa kwarto sa itaas.
"Nagustuhan mo?" tanong ni Julio kay Gianneri.
"Ako nagustuhan ko," pagsingit ko.
Hindi ko siya pinansin at kaagad na lumuhod sa pink rubber mat. Inilapag niya si Gianneri doon na mabilis dumapa while her eyes ay nage-explore sa mga makukulay na gamit sa paligid niya.
"You made this for Gianneri or baka pregnant ang girlfriend mo?" tanong ko sa kanya.
Nagtaas siya ng kilay sa akin kaya naman hinarap ko siya. I saw kung paanong mula sa face ko ay bumaba ang tingin niya sa stomach ko.
After a while ay muli siyang tumikhim. "Hindi ko girlfriend si Crystal," giit niya.
Napanguso na lang ako. They have a not so secret plan na kaya for sure he will do his best para itanggi na may relantionship naman talaga sila ni Crystal.
I know na dapat after kong marinig ang mga iyon ay umalis na ako at lumayo kay Julio. But hindi ko iyon kayang gawin sa kanya. Baka he feels nanaman na iniwan ko siya kagaya dati.
Medyo masakit lang isipin na may chance na lahat ng ipinapakita niya sa akin at puro pagpapanggap lang.
Nagulat ako ng hawakan niya ang baba ko para paharapin ako sa kanya. Sumama ang tingin niya sa maliit ng bandage na nilagay ko sa kagat ni Gianneri.
"Anong nangyari diyan?" tanong niya sa akin.
"Kinagat ako ni Gianneri...maybe she thinks na masarap ako," sabi ko kaya nagalit nanaman siya sa akin.
"Kung ano anong pinagsasabi mo," suway niya sa akin kaya naman kumunot ang noo ko.
"Sweet scent like candy ang perfume ko that day, baka naamoy niya and nanggigil."
Tumikhim siya at umirap sa akin. Kumunot ang noo ko. I don't know kung ano pa ang possible na naisip niya sa sinabi ko. Wala namang nakakagalit doon, kung may iba man siyang iniisip...edi ang bastos niya!.
"Nilagyan mo na ng ointment?" tanong niya sa akin.
Mabilis akong umiling. "Baka magka-pimples ako if I do that...sensitive pa naman ang skin ko sa face," sabi ko sa kanya.
"Hindi gagaling kaagad iyan kung wala kang ilalagay. Akin na..." yaya niya sa akin.
Nauna siyang tumayo kaya naman napatingala ako habang nakaluhod ako sa harapan niya. Umigting ang panga ni Julio, bayolenteng nagtaas baba ang kanyang adams apple.
"Tayo na..." utos niya sa akin at naglahad pa ng kamay.
Wala akong nagawa kundi ang iabot ang hands ko sa kanya para hindi ako mahirapang tumayo. Hinila niya ako sa may couch hindi kalayuan kung nasaan si Gianneri.
"Brunie, bantayan mo yan ha. If something happens magigi-kang...Brunie bulldog na may eyebags," pananakot ko sa kanya.
Nakatingin siya sa akin while sinasabi ko iyon na parang bang nakikinig siya sa sinasabi ko. After ay nilingon niya si Gianneri and binantayang mabuti.
Nag-angat ako ng tingin kay Julio nang lumapit siya sa akin na may dala ng ointment gel. I let him to his things and hinintay ko na lang na sabihin niya ok na. While he's busy applying iyon sa face ko ay ramdam ko ang hininga niya sa mukha ko. Mainit iyon at amoy mint.
"Ang bilis...may ngipin na siya," sabi niya. He sounds amazed dahil lang magkakangipin na si Gianneri. Mas magulat siya if lumaki si Gianneri na walang teeth.
I'm amazed din naman sa bilis ng panahon. Parang kailan lang ay kakapanganak lang sa kanya ni Gertie at ngayon ay nangangagat na.
If Julio is using me nga talaga against my Daddy, hindi pa niya naisip na I can used him too for my Dad's safety. Like keep your friends close and your enemy kunwaring close.
If malapit siya sa akin, he thinks na makakakuha siya ng information kay Dad. Pero pag malapit ako sa kanya...I can easily monitor yung plans niya so that ma-protect ko ang Dad ko.
I'm not really fond of the idea na maggagamitan kami ni Julio for our personal agenda's. I don't want to hurt him pero I want my Daddy safe. I don't know what to do kasi ayoko din naman na magtake ng sides. I love them both and pareho silang important sa akin.
"Mabait ka ba talaga sa akin or napipilitan ka lang maging mabait sa akin?" tanong ko sa kanya out of nowhere.
"Kung ano anong iniisip mo," suway niya sa akin.
Humaba ang nguso ko. "I have trust issues na kasi..." pag-amin ko sa kanya.
Napabuntong hininga ako. "If one day malaman kong ginagamit lang ako ng isang tao...mahu-hurt talaga ako ng sobra," sumbong ko sa kanya.
I want to keep it to my self pero when it comes to him I let my guard down ng hindi ko namamalayan.
Para bang Julio is the kalaban pero part of me ay umaasa pa ding ililigtas niya ako. Siya ang kaaway pero part of me feels na kakampi ko siya.
Tumikhim siya. "Sino naman ang gagawa non sayo?" tanong niya sa akin.
It's easy for me to say na siya pero hindi ko sasabihin.
"Ewan...baka other people. Pero mas masakit of yung taong important sa akin," pag-amin ko pa.
Hindi siya umimik at mabilis na umayos ng ttayo after niyang malagyan ng ointment ang face ko.
"Baka maging zombie ako nito," nakangising sabi ko sa kanya.
Gusto ko lang ma-lighten ang mood. I sounds too ma-drama kasi kanina.
"Ikaw una kong kakagatin," sabi ko pa sa kanya kaya naman inirapan niya ako.
"At kahit zombie na ako...hinding hindi ko kakainin si Brunie. I'm going to be choosy pa din who to eat..."
Muli akong bumalik sa pwesto ni Gianneri to help her play yung mga toys na nandoon. Nakadapa si Brunie sa gilid namin na para bang binabantayan niya kami.
"Dito kayo kakain ng dinner?" tanong ni Julio sa akin.
"It's nakakahiya naman for you...pero it's a yes!. Dito kami kakain," nakangiting sabi ko sa kanya kaya naman napairap siya bago tumalikod para mag prepare ng dinner.
They think siguro na they're winning dahil malapit pa din ako sa kanya. Little did they know ay alam ko ang plan nila at mas lalo kong pro-protektahan ang Daddy ko.
"Pwede ka na maging Daddy..." sabi ko sa kanya while we're eating our dinner.
Siya ang may karga kay Gianneri habang pinapakain niya ito ng baby foods while he's eating din. Hindi tuloy ako nahirapang kumain, I'm thankful naman because masarap ang niluto niya kaya I can easily enjoy it.
After dinner ay nagpresinta pa si Julio na ihatid kami pauwi. I might think na it's part of their plan pero iba naman ang nararamdaman ko. Every action and gesture he makes naman towards me ay ramdam kong he's genuine.
Naging busy ako the whole night ng tumawag si Daddy sa akin. Nagkaroon siya ng problema kung nasaan man siya ngayon because of his debt daw.
"But you're ok naman po? Let's call the police na, Daddy. Baka may gawin sila sayo..." nag-aalalang sabi ko.
"Hindi nila ako papatayin dahil hahabulin nila ako para bayaran ang utang ko," sabi niya sa akin. He thinks ata na gagaan ang loob ko at hindi na ako mag-aalala for him dahil sa sinabi niyang iyon.
"How much do you need. Kahit magkano," sabi ko sa kanya.
He told me the amount na kailangan niya to pay the debt para hindi siya habulin ng isa sa madaming naghahabol sa kanya. I undertsand naman dahil all these years after being wanted dahil sa accussation na he's the killer ay wala naman siyang for sure na naging matinong work.
I can't imagine kung paano nabuhay si Daddy all these years na nagtatago and walang freedom na gawin ang mga bagay na gusto niya.
"You don't deserve this, Daddy..." umiiyak na sabi ko. If wala naman talaga siyang kasalanan and naranasan niya ang lahat ng ito...parang half of his life is wasted na dahil sa takot and pagtatago.
"Malalagpasan din natin ito, Anak," paninigurado niya sa akin.
I told him na pinasobrahan ko ang perang pinadala ko for him. I told him na buy everything he wants and kainin lahat ng gusto niya. I'm using my new bank account from a small bank sa kabilang bayan.
I can't use my main bank account dahil baka ma-trace kami. He's using nga din a different name.
"Akala ko nga ay may asawa ka na," kwento niya pa sa akin.
He thinks of me talaga all these years. "I don't have a plan pa, Daddy...I'm fine being a Tita na lang..." sabi ko.
Gusto ko sanang idugtong na rich pero I think na insensitive to brag it sa Daddy ko habang ngayon ay nasa ganoon siyang kalagayan.
I can't sleep na after our call kaya naman I make my self busy na lang to shop online. I received na din an email form the shop sa states kung saan ako umorder ng earings for Gianneri.
"Sigurado ka bang nakakapag-trabaho ka ng maayo kung kasama mo si Gianneri?" tanong ni Yaya Esme sa akin.
"Yes po, Yaya Esme."
I'm excited for today dahil Gianneri will ger her ear pierced na. We need to ger ready na para sa parating niyang earings.
"Baka kung ano ano ang pinaggagagawa mo diyan kay Gianneri ha!" suway niya sa akin.
"What? I bring her home naman safe and sounds ah...with no bukol or any scratches," laban ko pa kaya naman napailing na lang si Yaya Esme.
I send some email lang kay Tito Keizer bago kami pumunta ni Gianneri sa Ninong Julio niya. He's busy with some documents ng maabutan namin siya. He's not wearing any clothes at naka maong pants lang.
"Available ka?" tanong ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya and binitawan ang lahat ng ginagawa niya para lapitan kami ni Gianneri.
"Saan?" tanong niya sa akin.
"Uhmm...Sa town center? Sa clinic," sagot ko pa.
Bumaba kaagad ang tingin ni Julio kay Gianneri. Hinawakan pa niya ito na para bang he will know kung may sakit si Gianneri because of his touch lang.
"May sakit siya?" tanong niya.
Mabilis akong umiling. "We need to do something lang for her...I need kasabwat para masaya," sabi ko sa kanya.
"Anong kasabwat?"
"Huh? Baka you mean kasama...gwapo ka Julio but maglinis ka ng ears mo," sabi ko sa kanya kaya mas lalo siyang sumimangot.
"Ano? Your available ba? Magkano rate mo...I'll pay you," offer ko pa.
"Hindi ako nagpapabayad, pwede ba. Kukuha lang ako ng tshirt...hintayin niyo ako." masungit pang sabi niya sa akin.
Sinasayaw sayaw ko pa si Gianneri kaya naman tawa siya ng tawa. Little did she knows ay iiyak siya mamaya. I'm not naman naghihiganti because kinagat niya ako. I think lang talaga na mas bagay sa kanyang may earings siya.
Tahimik lang si Julio the whole byahe namin papunta sa clinic. It's safe naman dahil Doctor ang gagawa kaya I have nothing to worry about.
We waited muna sa labas ng clinic dahil may baby pa daw sa loob. Lumapit ang babaeng secretary sa amin to ask about Gianneri's information pero kay Julio siya nakatingin. Mukha bang si Julio ang may appointment sa Pedia!?.
"Kayo po ang parents, Ma'm?" tanong niya sa akin kaya naman napairap ako.
"Actually...No. Napulot nga lang namin itong bata sa labas," masungit na sabi ko sa kanya.
Kumalma ako ng maramdaman ko ang hawak ni Julio sa likuran ko.
"Pasencya na...medyo selosa," sabi niya sa secretary kaya naman pinanlakihan ko siya ng mata.
"Anong pasencya?" sambit ko. It's rude kaya to stare. Hindi niya kailangan humingi ng pasencya. And he's damn right dahil selosa ako kaya hindi iyon pwede sa akin!.
Tinawag na kami para pumasok sa loob. I'm all smile na ulit sa Doctor dahil excited talaga ako for Gianneri.
"Ear piercing? Alam ba to nina Eroz at Gertie?" mariing tanong ni Julio sa akin.
"Uhmm...Yes," sagot ko sa kanya pero hindi naputol ang tingin niya sa akin na para bang he's duda pa din sa sagot ko.
"Ang ganda ganda naman ni Gianneri," pagkausap ni Doc sa kanya.
Nakikipagusap din si Gianneri pabalik because she is so madaldal kaya tuwang tuwa ito sa kanya.
Naglagay muna siya ng mark sa both ears nito bago niya inilabas ang pangbutas daw.
May temporary earings muna for now bago daw pwedeng palitan. It's ok lang naman for me dahil hindi pa dumadating yung order ko.
Malikot si Gianneri and started crying na kaya naman medyo nahirapan ako.
"Ayan...andyan na si Daddy," sabi ni Doc ng maramdaman kong yumakap si Julio mula sa aking likuran para tumulong na hindi maging magalaw si Gianneri.
Ramdam ko ang hininga niya sa right ears ko and ang init ng body niyang nakayakap sa akin. Malaki ang iyak ni Gianneri ng mabutas na ang first left ears niya. Namula siya at butil butil ang luha. Looks like sobrang nasaktan talaga.
"I'm sorry...Dear," malambing na bulong ko sa kanya.
Humigpit ang yakap ko sa kanya and biglang nawala ang excitement ko. I feel her pain and bigla akong naawa.
"Shh...Gianneri," malambing na tawag ni Julio sa kanya.
Halos mawalan siya ng voice sa sumunod niyang iyak kaya naman kinuha siya ng Julio sa akin para itayo. Pulang pula ang face niya and hindi tumigil sa pag-iyak. Tumikhim si Julio na para bang kasalanan ko iyon eh kasalanan naman iyon nung pangbutas ng ears.
"Sigurado kang alam ito nina Eroz?" tanong niya sa akin.
Humaba ang nguso ko at hindi na sumagot pa.
"Vera," madiing tawag niya sa akin.
"My intention naman is good," marahang sabi ko.
"Kahit pa!" galit na sabi niya sa akin kaya naman hindi na ako nakaimik pa.
He keeps on preaching ng kung ano ano while naglalakad kami sa loob ng mall. Matamlay si Gianneri after nuon kaya naman kahit ako ay natakot din. We spend some time sa mall para daw libangin ito.
"Kung sinabi mo sa akin na ikaw lang pala ang nagplano..."
"Kasabwat kita..." sabi ko sa kanya kaya sumama ang tingin niya sa akin.
Binigay niya sa akin si Gianneri ng umalis siya sandali to order lunch for us.
"Gianini..." malungkot na tawag ko sa kanya.
Kahit anong pilit kong iharap siya sa akin at hindi niya ako tinitingnan na para bang she's on rebel mode and gusto niyang ipakita sa akin na she's angry.
"I'm sorry, Dear. Tita loves you so much kaya..." pagkausap ko sa kanya.
Napabuntong hininga siya and may lumabas pang hikbi bago. Isinandal ko siya sa shoulder ko, hindi naman siya nagprotest at yumakap pa. She looks so tired dahil na din sa kakaiyak.
Hindi kami nagpahatid sa house after naming kumain sa mall and told him na kina Alice na muna kami because for sure ay lagot ako kay Yaya Esme.
"I have kasalanan," salubong ko kay Alice when she got home.
Umalis sandali si Julio para pumunta sa bagong factory ni Eroz. Babalik naman daw siya para sunduin ulit kami dito.
"Lagot ka talaga kay Eroz," pananakot pa niya sa akin when I told her kung anong ginagawa kong not so bad naman because my intention is good.
"Baka siya pa ang awayin ko," laban ko. If Eroz thinks na takot ako sa kanya...ang kapal ng mukha niya!.
Tita Cleo keeps on asking me about sa akin. She really wants to know me better kaya naman I answer all her questions kahit minsan I want to ask something about her too. I felt the love of a mother again because of her.
The way she ask questions kasi ay parang nakikipag-usap siya sa anak niya. Alice is lucky to have a Mom like her.
She is so maalaga din kaya naman mabilis na gumaan ang loob ko sa kanya.
"Si Julio pala ah..." pang-aasar pa ni Alice when I told her na si Julio ang kasama naming pumunta dito.
"I rented him as our driver for today. At nang-aaway pa nga ang isang iyon!" sumbong ko sa kanya.
Naging ok na ulit kami ni Gianneri ng huminahon na siya ang kumalma. Looks like napatawad naman niya ako kaya naman nakahinga ako ng maluwag.
"We are bati na," nakangiting sabi ko kay Julio at ipinakita sa kanya na hawak ko na si Gianneri.
He tapped Gianneri's head at tumgin lang sa akin. I don't want naman him to tapped my head din. Kung Gianneri it looks so cute pero kung sa akin...wag na at baka magmukha lang akong si Brunie.
Nawala sila ni Alice to prepare daw out dinner. Kinuha ulit ni Tita Cleo si Gianneri sa akin.
"Can I go po sa kitchen niyo?" tanong ko sa kanya.
I can't just go there naman kahit ang bait nila sa akin. I still need to ask for permission dahil house nila ito.
"Oo naman, Vera. Hindi ka naman na iba sa amin," malambing na sabi niya sa akin kaya naman I'm all smiles.
"Hindi pa din tama dahil pinangunahan niya si Gertie at Eroz," si Julio.
Hindi ako dumiretso sa may kitchen and nakinig na lang muna sa labas.
"Kanina mo pa daw siya inaaway," suway ni Alice sa kanya.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko diyan sa kaibigan mo...ang tigas ng ulo," reklamo ni Julio na para bang hirap na hirap na siyang alagaan ako eh hindi ko naman siya Yaya.
"Bagay kayo...matigas din ang ulo mo," pang-aasar ni Alice sa kanya.
"Wala akong gusto kay Vera," he said kaya naman nalungkot ako and na-hurt.
Hindi naman niya kailanman sinabi sa akin na he likes me, pero ang sakit pala sa feeling na marinig mismo from him na hindi niya talaga ako gusto. Mas lalong naging malinaw na plano lang talaga niya ang lahat para sa sariling intensyon niya.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro