Chapter 28
(A/n) Merry Christmas! Sunday na siguro ang next update. I love you all! Keep safe and God bless! Love lots, Maria.
______________________
Plan
Hindi ako maka-tingin kay Julio ng maayos, pero I feel na ganoon din siya sa akin after the call. Para bang he's hiding something and somehow guilty din siya because of that.
"I'll prepare na lang the cake..." sabi ko sa kanya.
Inilapag ko ang cake sa taas ng kitchen counter niya and ako na ang kumuha ng mga plates na gagamitin namin. Tahimik na naghihintay si Julio sa ginagawa ko and pinapanuod lang ako kaya naman medyo uneasy para. Para naman akong nasa moving exam tapos ang subject namin ay kung paano maging asawa niya.
"Saan galing ang cake?" seryosong tanong niya sa akin.
"I baked it," sagot ko kaya naman inirapan niya ako.
"Saan nga?" giit niya kaya naman humaba ang nguso ko.
"Sometimes try mo ding sakyan ang jokes ko..." payo ko sa kanya pero tumikhim lang siya.
"Pinadala iyan ng new investors namin. I think nagandahan sa akin," sabi ko pa kaya naman sumama ang tingin niya sa box ng cake.
Mabilis akong lumapit doon. Sa tingin pa lang ni Julio ay parang matutunaw na iyon. I'm craving pa naman sa something sweet dahil sa drama ko kagabi. I'm pretty sure na gagaan kahit papaano ang feelings ko pag nakakain ako ng chocolate cake.
"Julio wag mo namang awayin yung cake ko. I share it with you na nga eh," suway ko sa kanya.
Tumikhim ulit siya at nag-iwas na ng tingin. Parang hindi pa nga siya aware na nang-aaway siya ng cake. Para siyang sira!.
Binuksan ko ang cake at nakita kong bukod sa chocolate flavor na iyon ay may iba't ibang chocolate din ang toppings sa itaas. Napadila ako sa aking pang-ibabang labi because og my cravings. Mas lalo akong natakam dahil sa itsura ng cake.
Uminit ang magkabilang pisngi ko ng makita kong nakita ni Julio ang ginawa ko.
"What? I'm excited eh..." laban ko sa kanya. Baka isipin niya it's my first time pa lang kakain ng cake. At baka isipin din niyang isa akOng dead hungry.
Sinamaan niya ako ng tingin at sinubukan pang agawin sa akin ang cake slicer na hawak ko. Siya pala itong excited na kumain ng cake eh.
"I'll do it na. I'll serve you nga eh...ang sweet ko right?" tanong ko sa kanya.
Umirap nanaman siya ng ilang beses kaya naman napaawang ang bibig ko. Tsaka lang ako hahanga ng tuluyan kay Julio kung magawa din niyang pairapin si Brunie.
Ang unang slice ng cake ay kaagad kong binigay sa kanya. Matamis pa ang ngiti ko when I serve it para naman ma feel niya na malaki ang sinakrpisyo ko because of that. I want to eat ns nga pero mas inuna ko pa siya.
Tinikman niya ang cake at mas lalong sumimangot kahit naman sweet iyon. Ang lalaki ng subo niya na para bang he's angry doon kahit wala namang ginagawa sa kanya. Kaya niya nga atang ubusin iyon ng tatlong subo lang.
"You are so full of violence naman, Julio."
Dahan dahan ang kain ko sa cake ko dahil dapat naman talaga ganoon. Dapat you enjoy every bite.
"You know ba yung Brazillian tradition?" tanong ko sa kanya.
Tumaas ang kilay ko ng hindi siya sumagot sa akin pero nakita kong dinadahan dahan niya na ang pagkain ng cake niya.
"It says na...the first slice of your birthday cake goes to the person you love the most," nakangiting sabi ko sa kanya. Kulang na lang ay samahan ko pa iyong ng beautiful eyes para lang ma-feel niya ang gusto kong iparating.
Julio is so manhid pa naman. Mabato ang body niya and sexy pero dapat hindi iyon inu-ugali.
"This is not my birthday cake...pero cake ko pa din ito," laban ko. I'll do everything to make pilit.
"Dalian mo ng kumain," suway niya sa akin.
Humaba na lang ang nguso ko and in-enjoy ang pagkain ng chocolate cake ko. Panay din ang kuha ko ng imported chocolate toppings.
"Patago nito sa refrigirator mo ha," sabi ko sa kanya dahil hindi naman namin iyon mauubos lahat.
"Bakit hindi mo iuwi sa inyo?" tanong niya sa akin.
"We have a lot of cake naman sa bahay. Hindi ko lang gusto ang flavor...favorite kasi ni Yaya Esme ang ube...pang old," kwento ko sa kanya.
"Paano naman naging pang matanda ang ube?" tanong niya sa akin.
Nagkibit balikat ako. "I don't know din. I just feel it."
Bayolente niyang tinungga ang isang basong tubig matapos niya akong irapan.
"Kung ano anong sinasabi mo," akusa niya sa akin kaya naman sinimangutan ko siya.
I'll continue na sana eating my cake ng mapansin kong muli niyang pinuno ang basong ginamit niya and wala sa sarili niyang inilapag iyon sa tabi ko.
Ilang minuto bago na-realize iyon ni Julio. He was about to makke bawi na sana ng kaagad kong kinuha ang baso at uminom doon.
"Nahiya ka pa sa akin...we kissed na nga a couple of times," pang-aasar ko sa kanya kaya naman halos mamula nanaman siya because of galit...na mukhang kilig naman talaga.
Itinatago lang ata niya yung kilig niya sa pagsusungit niya. Akala naman niya hindi ko alam ang ganoong klase ng technique.
"Ilagay mo na lang sa lababo ang mga pinagkainan. Ako na ang bahala mamaya..." sabi niya sa akin.
Mabilis akong tumango. "Good good..." sambit ko. Hindi ko siya pipigilan na mag wash ng dishes dahil wala naman talaga ako sa mood to do that.
Ang sticky kaya ng chocolate sa plate. Baka pag nainis ako ay itapon ko na lang ang plate ni Julio at bibili na lang ako ng bago. Like platito ang tinapon ko pero papalitan ko ng plato.
After naming kumain ay muli kaming bumalik sa labas para ipagpatuloy ang ginagawa niya sa mga baby things. Hindi ko maiwasang kiligin because it's a sign na na he really welcome us na pumunta dito sa house niya.
"You like to swim ba?" tanong ko sa kanya.
"Hindi," tipid na sagot niya sa akin at galit pa.
"Sayang naman. I have a free accomodation pa naman for two sa new resort nina Siegfried sa Pandi," kwento ko sa kanya.
Bigla kong naisip si Alice. Pwedeng kaming dalawa ang pumunta doon. Mabilis kong nilabas ang phone ko to do an online shopping for bikini and swimsuit.
"One piece naman siguro is not too extra..." bulong bulong ko habang naghahanap.
"Accomodation saan?" tanong niya sa akin.
Humaba ang nguso ko. "Uhmm? Wala ah..." sabi ko.
"Tigilan mo yan. At wag mong isasama si Alihilani sa mga ganyang lakad mo," galit na sita niya sa akin kaya naman mas lalong humaba ang nguso ko.
I know naman how much he cares for Alice. Pero mas maganda siguro kung sinabi niyang wag kaming tumuloy na dalawa. It's ok lang naman pala sa kanya na magswimsuit ako sa resort nila Siegfried.
"Sinong isasama ko?" mahinang tanong ko.
"Ako," giit niya na ikinalaki ng mata ko.
"Y-you?" tanong niya sa akin.
Sumama lalo ang tingin niya sa ginagawa.
"Ibinilin ka din sa akin nina Eroz and Gertie...kung may mangyari sayo doon kasalanan ko pa," sabi niya sa akin kaya naman hindi naaalis ang gulat sa face ko.
"So...magho-honeymoon din tayo?" tanong ko sa kanya.
"Ano, Vera?" masungit na tanong niya sa akin.
"Sabi ko...Sure. I will inform Siegfried na kasama ko ang Lolo ko," sabi ko sa kanya kaya naman mas lalo siyang sumimangot.
As much as I want to stay here with Julio ay kailangan ko pa ding umuwi for Yaya Esme and Gianneri.
Being with him, talking with him na kahit masungit siya sa akin ay kinakausap pa din niya ako ay kahit papaano gumagaan ang pakiramdam ko. I just really need to think kung anong gagawin para makasama ko ulit si Daddy na hindi ko masasaktan si Julio kahit mukhang nakapa-impossible non.
"Isasabay na kita. Dadaan ako sa hardware para dito," turo niya sa old crib na pag ginalaw mo ay sasayaw na din.
Kinuha ko lang ang mga gamit ko sa plantation at sumakay na kami sa old car ni Julio.
"Wala ka na bang ibang car?" tanong ko sa kanya.
"Anong problema dito?" tanong niya sa akin.
Open iyon kasi sira pa daw ang aircon. Hawak ko tuloy ang hair ko sa kabilang side para hindi iyon tangayin ng hangin.
"Wala namang problem dito sa car na ito. It's just that...if you want a new one pwede kitang ilibre," sabi ko sa kanya kaya naman tumikhim siya.
"Hindi ko kailangan ng bago..." masungit na sagot niya sa akin.
"O-okay..." sagot ko sa kanya.
Dumaan muna kami sa bayan bago niya ako hinatid pauwi. May ginagawa nanaman kalsada kaya naman we need to take another route pa paunta sa amin.
"Sama ako!" sabi ko sa kanya ng makita kong balak niya akong iwanan sa loob ng car niya.
Gagawin pa niya akong taga bantay ng luma niyang car. Hindi iyon deserve ng outfit ko. Tumikhim siya ng isara niya ang pintuan ng sasakyan niya. Iba na din ang tunog kahit pa ang pagsara lang ng pintuan.
Kung nakakapagsalita lang siguro ang sasakyan ni Julio. Nagmamakaawa na iyon na pagpahingahin na siya.
"Put naman a retirement plan for your old car, Julio."
Sinimangutan niya lang ako kaya naman tahimik akong naglakad kasunod sa kanya.
Maraming tao sa bayan and madami ding sotres na ay kung ano anong tinitinda. Malalaki ang hakbang ni Julio habang naglalakad siya na para bang may time limit ang bawat galaw niya kaya naman he needs to make it fast.
"Julio, wait naman..." sita ko sa kanya.
Nilingon niya ako at inirapan pa.
"Sabing doon ka na lang sa sasakyan eh," paninisi niya sa akin.
Hindi ko siya pinansin. Nang maabutan ko siya ay kumapit na kaagad ako sa braso niya para wala na siyang choice kundi ang sabayan kung gaano lang kabilis ang lakad ko.
"Ayoko nga," laban ko at sinimangutan din siya.
Tahimik kaming naglalakad patungo sa hardware. Ilang beses pa akong nagreklamo ng may mga bumubunggo sa akin dahil sa fast pace na lakad ng mga tao dito.
"Magandang hapon, Julio!" bati sa kanya ng mga lalaki sa may hardware.
Looks like they're eating their mirienda. Nang makita ang pagdating namin ni Julio ay kaagad siyang tumayo at lumapit sa stall. Nanatili ang kapit ko kay Julio dahil sa kakaibang tingin nila sa akin.
Nilingon ako ni Julio kaya naman nilingon ko din siya. Nagtaas siya ng kilay sa akin and bumaba ang tingin niya sa nakakapit ko pa ding kamay.
"Bitaw muna," sita niya sa akin.
Tumulis ang nguso ko. Bumitaw ako sa braso niya pero kumapit naman ako sa suot niyang dirty white na tshirt. Dirty white kasi kung ako ang titingin with my bare eyes...hindi na pasado iyon para sa puti.
"Yung ganitong screw po...meron kayo?" tanong niya sa lalaking bumati sa kanya. Mula sa pocket ng maong niya ay inilabas niya ang screw na galing pa sa crib na ginagawa niya sa bahay.
"Titingnan ko pa...saan ba galing ito?" tanong ng lalaki.
Bumaba ang tingin ko sa kamay ni Julio. Ang dirty ng kamay niya, it's malaki and unang tingin pa lang ay halatang magaspang na talaga. What I admire din ay kahit dirty ang hands niya ay malinis naman ang fingernails niya and maayos pa ang pagkakagupit.
"Galing po sa lumang kuna," sagot niya kaya ngumisi ang lalaki.
"What is kuna?" bulong na tanong ko sa kanya.
"Crib," maiksing sagot niya sa akin.
"Bakit buntis na ba itong nobya mo?" tanong nila sa kanya.
Uminit ang magkabilang pisngi ko because of that.
"Hindi pa po," sagot ni Julio kaya naman napaawang ang labi ko.
I don't know kung wala lang ba siya sa sarili niya kaya hindi niya na-analayze yung sinabi niya or talaga iyon ang sagot niya with a pa.
Ngumisi ang lalaki at tumgin sa akin. "Ano ba't makakabuo din kayo," sabi niya sa amin bago niya kami tinalikuran para hanapin ang screw na bibilhin ni Julio.
"Ang ano daw ang bubuuin natin?" tanong ko. Gusto kong malinawan because I tired na din naman for being feelingera.
"Bata," sagot niya sa akin at bahagya pang tumaas ang gilid ng kanyang labi na para bang inaasar niya ako.
"Ang old mo na Julio. Naniniwala ka pa din na nakakabuntis ang kiss?" sita ko sa kanya.
Noong bata ako akala ko by just kissing lang ay pwede ng mabutis ang isang babae. Masyado akong inosente that time, but Yaya Esme came and everything around me became eco friendly...naging green ang lahat.
Namula ang tenga niya at nag-iwas ng tingin sa akin.
"Ngayon lang namin nalaman na may nobya ka pala," sabi ng isa sa mga tauhan.
Bago pa man makasagot si Julio ay siniko na ng isang lalaki yung unang nagsalita.
"Akala ko nga yung Engineer eh..." laban ng isa kaya naman sinamaan ko sila ng tingin.
"Hindi yon...diyan lang sa loob ay maraming nagsasabing nobyo ka daw nila!" biro pa nila kay Julio kaya naman kulang na lang umapoy silang tatlo dahil sa sama ng tingin ko sa kanila.
"Biro lang ang mga iyon," nakangiting sagot ni Julio sa tatlong chipmunks.
Naramdaman ko pa ang pagsulyap niya sa akin. Wag na siyang magpaliwanag dahil I know na ngayon kung gaano kadami ang ang babae niya.
"Tigilan niyo na yan at kasama ni Julio ang nobya niya. Baka pag-awayan pa nila iyan mamaya at mapalaban itong bata natin..." sabi ng lalaki kanina, dala na niya ngayon ang kagayang screw na hinahanap ni Julio.
Gusto kong tuluyang magalit sa kanila because of the disrespect na ipinapakita nila sa akin as Julio's girlfriend kahit hindi naman talaga. I just don't know lang why niya hindi itinaggi iyon.
Nagpaalam si Julio sa hardware na may mga tauhang chipmunks.
"Hmp!" parinig ko at pilit na nilalagyan ng force ang bawat lakad ko.
"Oh anong problema mo?" tanong niya sa akin. Nanatili ang hawak ko sa laylayan ng tshirt niya.
Galit ako kaya naman hindi na iyon bumalik sa braso niya. Pero ayoko din naman na maiwan ako dito sa magulong lugar na to.
Before I can finally say may complaint to him ay tumunog na ang phone niya na mabilis niyang sinagot.
"Nasa bayan...susubukan ko," sagot niya sa tawag.
"Sige..." pinal na sagot niya bago niya ibinaba ang tawag.
"May bibilhin lang ako," sabi niya sa akin at umikot dahil sa kabilang direction ang pupuntahan niya.
Nagulat ako ng tanggalin niya ang kamay ko sa pagkakahawak sa damit niya at mabilis na pinagsiklop ang kamay naming dalawa bago niya ako hinila papunta sa pupuntahan niya.
Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. Hindi ako nilingon ni Julio at pinagpatuloy lang ang paglalakad namin.
Tsaka lang niya ako nilingon ng hinigpitan ko din ang hawak ko sa kamay niya.
"Ang gaspang ng hands mo," nakangiting sabi ko. I don't mind naman pero hindi ko mapigilang sabihin.
Inirapan niya lang ako at hindi tinatanggal ang pagkakahawak namin.
Malaki ang ngiti ko kahit pa ramdam ko ang tingin ng mga nakakasalubong namin sa akin. I'm happy eh, ano namang pakialam nila?.
"It's not corny naman pala," sabi ko.
"Ang alin?" tanong niya sa akin.
"The holding hands while walking..." sagot ko.
Tumikhim siya at umirap ulit hanggang sa huminto kami sa bilihan ng mga peanuts. May iba't iba silang variety ng peanut based sa nakikita ko.
"Ano sa atin, Boss?" tanong ng vendor kay Julio.
"Tig singkwenta ng Maning hubad tsaka itong maanghang," sagot ni Julio kaya naman nanlaki ang mata ko.
"Ang bastos ng mani..." bulong bulong ko.
Narinig ko ang ngisi ni Julio kaya naman tiningala ko siya pero kaagad siyang nagpalit ng poker face.
Bumaba na lang ang tingin ko sa mga peanuts hanggang sa may nakita akong sugar coated.
"Can I try these sugar-coated peanuts?" tanong ko ako Julio.
Tumango siya at itinuro ang sinabi ko. "What kind of sugar ba yung ginamit diyan? I hope yung healthy sa diet ko," sabi ko kay Julio kaya naman tumikhim siya.
Inabot sa akin nung lalaki yung peanut na nakabalot pa sa paper. Medyo oily iyon kaya hindi ko pa kaagad nakuha kay Julio. Inabutan din siya ng lalaki then walang kahirap hirap niya iyong tinungga na para bang he's drinking water lang.
"Subukan mo," sabi niya sa akin.
"Ayoko nga, baka ma-choke ako," sabi ko sa kanya.
Hinayaan niya na lang ako kung paano ko gustong kainin ang peanut ko.
Hindi ko masyadong nagustuhan because sobrang sweet non.
"Julio, do you want to eat yung mani ko?" tanong ko sa kanya pero nagulat ako ng bigla siyang mapaubo dahil nabilaukan siya.
"Vera!" suway niya sa akin.
"What? What's wrong naman kung isha-share ko sayo yung mani ko..." sabi ko sa kanya.
"Umuwi na tayo," galit na yaya niya sa akin at hinila na ako paalis doon.
Nakasimangot si Julio pero malaki pa din ang smile ko. Muli kaming sumakay sa old car niya.
"Na-received mo ba yung lunchbox from Alice? Utang ko nga iyon eh," kwento ko sa kanya.
Hindi siya sumagot at focus pa din sa pagd-drive.
"Nagtratrabaho ako ng mabuti so that...may papakain ako sayo," pagdra-drama ko. Line form Yaya Esme's fave drama nanaman.
Tumikhim si Julio. "Ano ako...Anak mo?" masungit na tanong niya sa akin.
Ngumisi ako at nagtaas ng kilay. "Pwede naman..."
Umayos ako ng upo para harapin siya. "Baby come here...give Mommy a kiss," pang-aasar ko sa kanya kaya naman halos sumabog ang mukha ni Julio sa pamumula.
"Baby..." tawag ko sa kanya kaya naman napahalkhak na ako dahil hindi na makapagsalita si Julio.
Nakasimangot siya hanggang sa maihatid na niya ako sa amin.
"Don't drink too much ha. And wag kang mag drive kung lasing ka...that's too dangerous," paalala ko sa kanya.
He told me na si Junie ang tumawag sa kanya para magpabili ng mga bastos na mani because may inuman daw sa kanila.
"Text me ha, Pag naka-uwi ka na. Mag-aalala ako sayo..." nakangising sabi ko sa kanya kaya naman halos mawala ang itim sa mata ni Julio dahil sa pag-irap.
Being with Julio makes me forget yung problem na mayroon sa pagitan namin. I'm happy being with him kahit sobrang sungit niya. I wish hindi na lang nangyari ang mga iyon noon, mas magiging madali siguro ang lahat for us at hindi ganito.
Nagpapalitan din kami ng message ni Daddy kaya naman I decided na bumili ng isa pang phone para doon. I need din daw a new number na siya lang ang contact. I don't know din kung para saan ang mga iyon. When he told me na it's for our safety ay hindi na ako nagtanong ng iba pa.
"Ang selan naman ng boyfriend mo ha," sita ni Yaya Esme sa akin pagdating namin from mall.
Sinama ko sila ni Gianneri para bumili ng new phone ko pero imbes na iyon lang ang bilhin ay umuwi kami na dala ang kalahati ng mall.
"Yaya, I already told you na...wala akong boyfriend," sabi ko sa kanya.
"Sus! Sa akin ka pa nahiya," sabi niya sa akin bago niya inabot sa akin si Gianneri na kanina pa papalit palit ng damit because of her laway.
Nag-ingay siya na para bang she wants tell me something. I'm busy pa nga talking kay Yaya Esme kaya wala sa kanya ang full attention ko. I hugged her back ng yumakap sa akin pero the next thing she did ay hindi ko expected.
"Ouch! Punye..." hindi ko naituloy ang pagmuumura ko ng mas nauna pa siyang umiyak kesa sa akin.
Mabilis na lumapit si Yaya Esme para kuhanin ang umiiiyak na si Gianneri. Siya ang nangagat pero siya pa itong umiyak.
I want to say bad words dahil sa sobrang sakit. Gusto ko ding maiyak pero pinigilan ko lang. Ikinalma ko ang sarili ko lalo na ng makita kong nakatingin siya sa akin and mukhang she feel sorry for what she did.
"Lagot ka..." pananakot ni Yaya Esme sa kanya.
Tahimik alng siyang nakatingin sa akin pero kita ang bakas ng kanyang pagiyak.
Dumating si Alice and nang-asar pa. Umiyak ulit si Gianneri ng pagtulungan siya ni Alice and Yaya Esme.
Kahit sinaktan niya ako dahil sa kagat niya ay love ko pa din siya. Hindi pa nga totally lumalabas ang teeth niya ay pamatay na.
"Ayos lang iyan. Sa susunod yung kabilang pisngi naman," pang-aasar sa akin ni Alice kaya naman inirapan ko siya before ako sumimsim ng wine.
Ramdam ko ang pamamanhid ng pisngi ko. Medyo mahapdi a din siya anf masakit.
"I can't imagine kung nipples ko yung kinagat niya. Oh, my precious boobs," pamomorblema ko.
I can't imagine tuloy yung mga babaeng nagb-breastfeed ng baby tapos biglang kakagatin. Dapat babies knows na it's bad to bite the boobs that feeds you.
Kinuha ko si Gianneri at binuhat. Itinayo ko siya paharap sa akin para makapag-usap kami ng maayos.
"Ang Mommy mo ang kagatin mo...tutal ay she's sanay naman sa kagat ng Daddy mo," sabi ko kay Gianneri.
"Parang walang kumagat sayo ah..." pang-aasar ni Alice sa akin kaya naman pinanlakihan ko siya ng mata.
Nagawa ko pang isama si Gianneri sa office ko the next day kahit iniinda ko pa din ang kagat niya sa akin.
"Hmp, kung hindi lang kita love!" nanggigigil na sabi ko sa kanya habang nasa byhae kami papunta sa office.
Nakayakap siya sa akin at tumatawa pa. She thinks siguro madadaan ako ng cuteness niya. Cute siya ofcourse pero hindi ko makakalimutan ang kagat niya sa akin.
Mas lalo siyang gumaganda pag tumatawa hanggang sa makita ko ang ears niya. May kulang...she needs an earing na din kaya naman ang una kong ginawa pagkadating sa office ay magonline shopping from stated ng mga branded jewelry.
After that ay gumawa na din ako ng plan ko para sa renovation ng office ko. Kasama na doon ang mini nursery spot ni Gianneri so that she can visit me pa din kahit nasa work ako.
Hapon ng pumunta kami kay Julio. Nagtaas ako ng kilay ng makita kong lumabas si Brunie sa bukas nilang gate at nakatingin sa amin. Tumahol siya sa amin ni Gianneri kaya naman humigpit ang yakap nito sa akin.
"Shut up, Brunie!" asik ko sa kanya.
Nakasunod siya sa amin hanggang sa makapasok kami sa house ni Julio. Hindi pa kami totally nakakalapit ng marinig kong may kausap nanaman siya.
"Palagi siya dito?" tanong ni Crystal.
Hindi ko narinig ang sagot ni Julio.
"Di ba galit ka sa kanila...edi tuloy ang plano?" tanong ni Crystal sa tahimik pa ding si Julio.
"Hindi ko alam..." Julio finally said.
"Pag nakuha mo na ang loob niya...mas madali na lang na makakuha ka ng impormasyon tungkol sa Daddy niya," sabi niya kay Julio kaya naman humigpit ang yakap ko kay Gianneri.
"Wag kang mag-alala at hindi naman ako nakalimot..." paninigurado ni Julio sa kanya na para bang magkasabwat sila sa isang plan.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro