Chapter 27
Traitor
Naramdaman ko ang panghihina because of what he told me pero kung inaakala niya na madadala kaagad ako ng mga salita niya ay nagkakamali siya.
Humalukipkip pa ako sa harapan niya to make it more dramatic and convincing how strong I am as a person. I stand firm sa mga decisions ko sa life at iyon ay ang umalis na dito.
"Uuwi na ako," madiing sabi ko.
Nanatiling naka-tingin si Julio sa akin at pagod na napahawak sa kanyang batok.
"Kung iyan ang gusto mo," sabi niya sa akin kaya naman kaagad na lumaki ang mata ko.
Hindi man lang siya mag-e-effort na suyuin ako? Like iyon na yon!?
"What!?" asik ko sa kanya.
Tumaas ang kilay niya. "Nirerespeto ko ang desisyon mo kung gusto mo ng umuwi," sabi pa niya sa akin.
"I'm pagod nga eh! At inaantok ako..." giit ko. Gusto kong magmaktol sa harapan niya.
I want to tell him na konting pilit lang ay papayag naman ako! This snoopy is so damn nakaka-irita!.
Napabuntong hininga si Julio at tamad na tumingin sa akin.
"Sige na Vera, matulog ka na sa kwarto ko," marahang sabi niya sa akin. Looks like Julio understood the assignment.
Ganyan nga, Snoopy. Pilitin mo ako!.
Humaba ang nguso ko at nag-iwas pa ng tingin.
"Dito ka na magpahinga..." sabi pa niya. He sounds mahinahon pero ramdam ko pa ding napipilitan na gawin iyon.
"I'll stay para bantayan ang rights ni Brunie. As a concern beautiful human being ay ayokong maka-saksi si Brunie ng mga sex activities ng Daddy niya sa kusina na dapat ay sa bedroom ginagawa," mahabang lintanya ko sa kanya.
Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng isang sulok ng labi ni Julio bago ko siya inirapan at nagmartsa ako pabalik sa loob ng house nila. Ramdam kong nakasunod siya sa akin, sa laki ng mga hakbang niya ay hindi na ako nagtataka.
"Pwede iyong gawin kahit saan..." sabi niya at halatang nang-aasar pa.
"Like eww naman, Julio!" laban ko sa kanya.
Bago pa man ako makapasok sa backdoor ay nakita ko ng nakatayo si Crystal like she is looking for the manghihilot na si Julio. Nagtaas ako ng kilay ng bumaba ang tingin ko sa paa niya. Nakakatayo na siya and looks like she's fine na kaya naman pwede na siyang umalis.
"Crystal, si Vera..." pagpapakilala ni Julio.
Tipid na ngumiti si Crystal kahit naman I know na fake ang smile niyang iyon. Parang yung pangalan niya...Crystal pangalan mo pero mukha kang pwet ng baso. I know how rude it is para I-judge ko ang appearance niya pero masyado pa akong galit ngayon para pigilan ang pagiging judgemental ko.
And ang mahalaga naman I keep it to my self lang kaya hindi siya masasaktan.
"Kilala ko siya...pinsan ni Gertrude Montero," sabi niya.
Hinihintay kong may idugtong pa siya like something about me being the not kinikilalang apo ni Madam Cressida ay baka masampal ko na siya.
"Umakyat ka na, Vera." sabi ni Julio sa akin.
I saw kung paano puminta ang gulat sa mukha ni Crystal.
"Matutulog na ako sa room mo, Julio." sabi ko. I emphasize is pa para naman hindi na isipin pa ni Crystal kung anong gagawin ko doon.
Tumikhim si Julio kaya naman pinanlakihan ko siya ng mata bago ako nagpaalam sa visitors niya.
"Next time you should be careful na sa mga dinaraanan mo para hindi ka na matapilok. Bukod sa masakit na iyon...magmumukha ka pang Ta..." I was about to say tanga sana pero bigla akong sinuway ni Julio.
"Vera, pasok na."
Nagmartsa ako papasok sa backdoor at dumiretso sa may hagdan paakayat sa may secondfloor. Dumiretso kaagad ako sa room ni Julio at nakadapang tumalon sa kanyang malambot na kama. Nakalawit pa ang paa ko dahil tinatamad pa akong maghubad ng heels ko.
Mabilis kong niyakap ang malambot niyang unan reason for me na maamoy nanaman siya because of that.
"Ang bango bango mo..." bulong ko.
Matapos iyon ay napatingin ako sa pillow kong nanduon pa din sa itaas ng bed niya. Hindi man lang siya nag-abala na tanggalin iyon doon. Snoopy niyo gusto din!.
Bumigat kaagad ang talukap ng mga mata ko. I notice na ang bilis kong antokin pag nandito ako sa room niya at nakahiga ako sa bed niya. Sumama ang tingin ko kay Brunie ng maramdaman ko ang pagtalon niya.
Lumapit siya sa akin kaya naman hinawakan ko siya sa ulo before ko nilamutak ang face niya.
"Panget mo!" pang-aasar ko sa kanya.
Imbes na lumayo sa akin ay umikot ikot pa siya sa harapan ko na para bang humahanap siya ng comfortable na position para humiga. Natawa ako ng tumabi siya sa akin at dumapa din kagaya ko.
Naramdaman ko kaagad ang sakit ng ulo ko. Ayoko talagang naiinitan ako because sumasakit ang ulo because of that. Pumikit ako kahit I'm still awake pa naman. I just want my eyes to rest.
Naramdaman ko pa ang pagpasok ni Julio sa room niya. Wala na akong pakialam if hindi maganda ang pagkakadapa ko sa bed niya. I'm not here naman to please him.
Narinig ko ang pagbukas and sara ng cabinet niya before ko naramdaman ang paglakad niya towards us. Mariin akong napapikit ng maramdaman kong hinawakan niya ang paa ko at marahan niyang tinanggal ang suot kong Gucci mid-heels.
After niyang gawin iyon ay tinapik niya si Brunie. Lumipat si Brunie sa paanan ng kama kaya naman it's easy for Julio na buhatin ako at ayusin ng higa. Diniretso niya ang pagkakahiga ko, before pa siya maka-alis sa pwesto ay kaagad ko ng niyakap ang leeg niya.
"Vera!" suway niya sa akin.
Nanatili akong nakapikit. "Nananaginip ako..." sabi ko.
Tumikhim siya. "Tumigil ka nga!"
Dahan dahan akong dumilat. Ilang pulgada na lang ang layo ng face naming dalawa.
"I need a massage din kasi ang sakit ng likod ko dahil sa work," sabi ko sa kanya.
Tumikhim siya at kaagad na inalis ang pagkakayakap ko sa kanya. I want to make maktol pero I'm too sleepy to do that.
Tumayo siya sa harapan ko at may kinuhang kung anong sa drawer ng bedside table niya.
"Oh, ilagay mo yan sa likod mo," sabi niya sa akin.
Tamad kong tiningnan ang ibinato niya sa bed. "Salonpas!? Ayoko nga, that's amoy matanda eh!" laban ko sa kanya.
Kinuha ko ang isang unan niya at niyakap iyon. Tumagilid ako paharap sa kanya habang hawak ang unan. Nagtaas ako ng kilay when I saw kung paano niya pinanuod ang mga galaw ko.
Umigting ang panga niya bago niya hinila ang comforter at tinakpan ang body ko.
"I hope may mirienda pag gising ko," pagpaparinig ko sa kanya kaya naman he makes irap a million times.
Nakatulog ako dahil na din sa pagod and sakit ng ulo ko. Mahimbing ang tulog ko sa room ni Julio na kahit hindi bukas ang aircon ay naging contented na ako sa malamig na simoy ng hangin dahil sa bukas na mga bintana.
Past 4 o'clock ng gumising ako. Wala na din si Brunie sa bed at mukhang gising na din. Isinuot ko muna ang heels ko bago ako lumabas room niya para bumaba sa may kitchen. Walang tao doon kaya naman hinanap ko si Julio sa buong first floor hanggang sa lumabas ako sa may likod at I saw him na naglalaba.
Brunie is there also, nakahiga habang binabantayan ang Daddy niya. Parang galit siya sa tubig the way niyang isawsaw ang hawak na damit bago niya iyong marahang inikot and piniga.
Nag-angat siya ng tingin sa akin ng mapansin niya ang paglapit ko. Matamis ko siyang nginitian pero he remain lang with his poging poker face. He knows ata talaga na mas nagiging gwapo siya when he's masungit kaya naman pinanindigan niya na.
"Is this seat clean?" tanong ko. Hindi naman ako basta basta uupo kung madumi ang seats. Kawawa naman ang Gucci dress ko.
Bayolente siyang tumango na para bang it's a kasalanan na akusahang madumi ang silya.
"You do pala your own laundry. Wala ka bang laundry machine?" tanong ko sa kanya.
Hindi niya pinansin ang tanong ko kaya nama pinanuod ko na lang ang ginagawa niya. After niyang banlawan iyon ay pipigain niya then ilalagay niya sa hanger at isasampay.
Nakita ko ang balde na may lamang tubig na nasa aking tabi kaya naman isinawsaw ko ang kamay ko doon at binasa ang nananahimik na si Brunie.
Nag-angat siya ng tingin sa akin na para bang he is pissed dahil sa ginawa ko pero I don't care.
"Tigilan mo si Bruno," suway ni Julio sa akin.
Sandali siyang umalis at pumasok sa bahay kaya naman ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa kay Brunie.
"Vera, isa..." suway niya sa akin pagbalik niya kaya naman tumigil kaagad ako.
Nanlaki ang mata ko ng iabot niya sa akin ang plate with my favorite cheesy garlic toast. May isang basong juice din kaya naman sobrang laki ng smile ko.
"You're so sweet naman, Snoopy!. Baka maging crush kita lalo niyan," sabi ko sa kanya.
Nagtaas siya ng kilay sa akin kaya naman uminit ang pisngi ko but I need to act na hindi ako kinikilig because it's nakakahiya.
Tahimik akong kumain ng miriendang ginawa niya for me.
"Pero it's true talaga na masakit ang likod ko," kwento ko sa kanya.
Hindi niya ako pinansin. "When it comes to other people it's easy for you na magtransform into manghihilot, but sa akin you'll gonna give me lang an old scented transdermal patch," pag-uumpisa ko.
"Sa other people it's easy for you to show them yung care mo pero sa akin it's like a kasalanan. Parang mamamatay ka pag nag-alala ka sa akin ah. Sana other people na lang din ako..." dugtong ko pa.
"Kumain ka na lang diyan. Gutom lang yan..." suway niya sa akin.
"Hmp! Ka talaga!" pagmamaktol ko. Kung hindi lang masarap ang sandwich na ginawa niya ay magwa-walkout talaga ako.
After kumain ay umuwi na din kaagad ako because naramdaman ko nanaman ang sakit ng ulo ko. I told Yaya Esme kaagad about it kaya naman napahandaan kaagad niya ako ng med for that. She knows talaga what to do if may nararamdaman kami ni Gertie.
"Can you please put this on my back, Yaya Esme?" tanong ko sa kanya ng pumasok sila ni Gianneri sa room ko.
"Oh saan mo kinuha ito?" tanong niya sa akin when I handed her the salonpas.
"I stole it again sa bahay ng friend ko," nakangising sabi ko sa kanya.
Inilapag niya si Gianneri sa bed ko na kaagad gumapang palapit sa akin. Lumapit siya na para bang she wants to be recognize. Inasar ko siya at hindi pinansin. Nag-ingay siya to caught my attention pero pinigilan ko pa ding mansinin siya or tingnan man lang.
"Kawawa naman ang Gianneri namin...hindi pinapansin ni Tita Vera," pagsakay ni Yaya Esme sa plan ko.
Tiningnan siya ni Gianneri habang nakadapa ito. Unti unting namula ang mukha at mata niya bago siya tumingin sa akin na para bang she's asking for help. Gusto kong maawa sa kanya dahil nakita kong she's about to cry na talaga pero mas nangibabaw ang kagustuhan kong paiyakin siya.
Pinagpatuloy ni Yaya Esme ang pagpapaiyak dito hanggang sa unti unti siyang sumibi. Tumingin siya sa akin, napanguso ako ng makita kong tumulo ang luha from her eyes.
Natawa kami ni Yaya Esme like it's a mission accomplished ng tuluyan siyang umiyak.
"Malalagot talaga tayo nito..." sabi niya sa akin.
"Come here, Gianini..." malambing na tawag ko sa kanya.
I can't totally move kasi dahil sa ginagawa ni Yaya Esme sa likod ko. I thought hindi siya lalapit sa amin because of our pambu-bully pero mabilis siyang gumapang palapit sa akin habang umiiyak.
"Of course Tita loves Gianneri so much," pagpapatahan ko sa kanya.
Umiiyak pa din siya kahit niyakap ko na. Ang fulfilling kaya sa part na mapaiyak mo yung baby then ikaw din ang magpapatahan.
"I love you..." malambing na sabi ko sa kanya when I kissed her cheeks ng medyo huminahon na siya.
Nakayakap pa din siya sa akin napara bang ayaw na niyang hindi ko siya pansinin ulit. Iniwan ni Yaya Esme si Gianneri sa akin dahil may gagawin pa daw siya sa kitchen.
Nakahiga ako habang pinapanuod ko siyang maglaro ng mga toys niya. Basa ba din ang pink teddy bear niya because of her laway. Kanina pa din naka-play sa tv ang mga disney princess movie.
Pumasok si Alice bitbit ang isang baby boy kaya naman napangisi ako ng marinig ang ingay ni Gianneri because of the unexpected playmate.
Umayos ako ng upo. "Bakit dala mo ang batang yan?" masungit na tanong ko kay Alice.
Inilapag ni Alice si Baby Jacobus sa bed ko kaya naman kaagad kong hinila si Gianneri para paupuin at isandal sa akin. She's too young pa para magpaligaw. Baka maunahan pa ako ni Gianneri, ang sakit naman non for my ego.
"Anong ipapakain mo sa pamangkin ko?" tanong ko kay Jacobus.
I heard that again sa mga drama na pinapanuod ni Yaya Esme. I'll learn din naman pala duon.
Tumawa si Alice at humalik sa cheeks ng baby ng makita niyang mukha he is scared sa akin. Napanguso ako at kaagad na sinundot ang pisngi ng baby.
He's cute and ngayon pa lang ay halatang gwapo na siya paglaki niya. I don't mind naman kung sino ang magustuhan ni Gianneri when she get's old basta wag lang siyang sasaktan dahil ako ang makakalaban.
Niyakap ko si Gianneri at inilayo kay Jacobus. I don't want her to grow fast pa nga tapos may baby boy na lumalapit na sa kanya.
"Gianneri!" suway ko sa kanya. Inilayo ko na sa sight of view niya si Jacobus pero nagpumilit pa din siyang lingonin ito.
Saktong tumawag sina Gertie and Eroz kaya naman nastress si Eroz ng ipakita ko sa kanyang naka-akbay si Jacobus kay Gianneri. We do a photoshoot pa para naman hindi sayang ang pamomorblema ni Eroz kung nasaan man sila ngayon.
Lumipat kami sa garden to eat some mirienda again. Alice is busy feeding Jacobus solid foods na while semi solid foods pa lang ang pwede kay Gianneri.
"We will visit Tita Cleo, isasama ko si Gianneri. May fruits pa ba kayo?" tanong ko sa kanya.
I want to visit Tita din. I miss having a mom kahit nandyan naman palagi si Yaya Esme for us. I just want to extend lang my love for Alice sa Mommy niya because I really salute her for raising Alice well kahit sometimes she's a witch talaga.
Pumasok na din kami sa loob nang magpaalam sina Alice and Jacobus na uuwi na. Kay Yaya Esme din matutulog si Gianneri for tonight para daw makapagpahinga ako ng maayos.
Dahil I slept kina Julio kanina ay hindi kaagad ako nakatulog kahit malalim na ang gabi. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ulit ang unknown account. Wala sa sarili kong pinindot ang call button.
Ilang tawag ang hindi sinagot kaya naman nawalan ako ng hope para malinawan. Napa-ayos ako ng upo ng sagutin niya ang tawag.
"Hello, who are you?" matigas na tanong ko.
Tahimik ang kabilang linya hanggang sa marinig ko ang hikbi.
"Princess..." sambit niya kaya naman naiyak na kaagad ako.
Hindi na niya need pang magsalita ng mahaba for me to know him dahil iyon pa lang ang sinasabi niya ay alam ko na.
"Daddy..." umiiyak na tawag ko.
Gusto kong yakapin ang phone ko, gusto ko siyang yakapin. Bumalik ang lahat ng sakit and pagka-miss ko sa kanya.
"Daddy, you said babalikan mo ako..." umiiyak na sabi ko. Ni hindi ko na makilala ang boses ko dahil sa pag-iyak. Para akong bumalik sa batang self ko na always umiiyak para lang sabihin sa kanyang balikan niya ako.
"You left me. Iniwan niyo po ako!" umiiyak na kastigo ko sa kanya.
I heard him crying din sa kabilang linya pero looks like he's hurt din talaga at hindi makapagsalita.
Umiyak ako na parang bata. I felt like pilit kong kinalimutan ang ganitong side ko na palaging umiiyak. I manage na maging strong and walang pakialam sa paligid for the past years.
"Miss na miss ka na ni Daddy, Vera. Gustong gusto kitang balikan, anak..." sabi niya sa akin.
"Why Daddy?" magulong tanong ko.
I want to ask him kung bakit hindi siya bumalik noon, bakit siya nawala, bakit ngayon lang ulit siya nagparamdam sa akin.
"Ayokong madamay ka. Kampante ako na maganda ang buhay mo sa poder ng Tito Kiezer at Tita Giselle mo," sabi niya sa akin kaya naman mas lalo akong naiyak.
"Akala ko wala na po kayo. Akala ko hindi ko na kayo makakausap ulit. I always wanted to tell you how much I love you, Daddy..." sabi ko sa kanya.
"Mahal na mahal din kita, Vera. Mahal na mahal ka ni Daddy. Hindi kita kinalimutan, hindi kita nakalimutan..." umiiyak na sabi niya.
Mas lalong sumakit ang ulo ko dahil sa kakaiyak.
Gustong gusto ko na siyang makita at yakapin pero he told me na hindi madali iyon.
"I have a lot of money na po. I can help you na sa kung ano mang need mo," sabi ko sa kanya.
I can afford na maubos ang lahat ng mayroon ako as long as makabalik si Daddy sa akin. I just want to help him hanggang sa mapatunayan naming inosente siya.
"Di ba po wala ka naman talagang kasalanan sa nangyari sa mga Escuel," sabi ko sa kanya. Gusto kong sumagot siya kaagad ng Oo he's innocent para matanggal na din ang bigat na dinadala ko sa dibdib ko for so long.
"Vera..." tawag niya sa akin.
Mas lalo akong naiyak. "Mag-uusap tayo tungkol diyan pag nagkita tayo," sabi niya sa akin.
"Delikado na naguusap tayo sa phone. Magkikita din tayo anak," paninigurado niya sa akin.
Ni hindi niya sinabi sa akin kung nasaan siya ngayon o kamusta siya over the phone. Masyadong nag-iingat si Daddy kaya naman kalkulado din niya ang mga galaw niya.
Isa lang ang tumatak sa isip ko before niya patayin ang tawag. He choose to survive para sa akin. Dahil he want na magkita at magkasama ulit kami. He choose to live para sa akin. Kasi mahal niya ako.
Namumugto ang aking mga mata dahil sa pag-iyak and puyat the whole night. Yaya Esme keeps asking me nga kung anong problema. She therefore concluded tuloy na I have boyfriend and magkaaway kami ng boyfriend ko.
"Good morning, Ma'm Vera..." bati din sa akin ng mga employee pag pasok ko sa office.
Ramdam ko ang mga tingin nila sa akin because of my Enzo Reserve Jacques Marie Mage sunglasses. Buong araw ko iyong suot bbecause I don't want them na makita na galing ako sa iyak.
I also recieved a call from Siegfried. He want to ask for an update about sa proposal nila for Tito Keizer. After niyang sabihin ang pakay niya ay nagkwento pa siya sa akin about the new resort nila na kabubukas lang sa may Pandi Bulacan.
"I want to invite you also for our opening. It's all on me...you can bring a friend also if you want," sabi niya sa akin.
"Thank you, Siegfried. Pag-iisipan kong mabuti..." sabi ko sa kanya para naman maging tunog grateful naman ako sa invite niya kahit hindi ako pala-swimming na tao.
Hindi din ako masyadong pumupunta sa beach because ayokong magka-sunburn. I love the sun, pero gusto ko lang siya kung hindi ko siya mararamdaman sa skin ko. Gusto ko lang siya kung hindi niya ako masasaktan.
I don't have any plan sana to visit Julio today dahil pakiramdam ko hindi ako mmakakatingin ng diretso sa kanya dahil I feel so guilty. Nakausap ko si Daddy pero hindi ko pwedeng sabihin sa kanya iyon.
Bitbit ko ang cake na pinadala ng isa sa mga investors namin. It's a chocolate cake kaya naman I'm pretty sure na magugustuhan ko iyon.
"Good afternoon, people of the world," bati ko sa kanila.
Kita ko ang gulat ni Julio, hindi ko alam if it's because sa presence ko o dahil sa suot kong sunglasses and sa suot kong black prada dress. I'm in the mood to to straighten my long hair kaya naman bagsak ito ngayon.
"I have a chocolate cake with me," sabi ko sa kanila.
"Anong nangyari sayo?" tanong niya sa akin.
Humaba ang nguso ko. Bumaba ang tingin ko sa ginagawa niya at mas lalo akong kinain ng guilt ng makita kong inaayos niya ang mga baby things mula sa may nursery room.
"Ibinaba ko na ang mga ito dito para pagnandito kayo ni Gianneri magamit niya..." sabi niya sa akin.
I saw how excited Julio is para ipagamit iyon sa aking pamangkin. Super pure ng intention niya and masyado akong na-touched because of that.
Muling bumigat ang dibdib ko dahil sa naisip. I feel tuloy na traitor ako and niloloko ko si Julio. I wanted him to have the justice para sa family niya pero itinatago ko naman si Daddy sa kanya.
Humikbi ako na ikinagulat niya. Walang pagdadalawang isip akong lumapit sa kanya para yumakap. Mabilis niyang nakuha ang cake sa kamay ko kaya nakayakap ako ng mabuti.
"Ano bang nangyayari sayo?" tanong niya sa akin.
"Na-touched lang ako for Gianneri," pagsisinungaling ko.
I'm happy naman na hindi niya ako tinaboy kahit pa I hugged him ng walang pasabi. Nang humiwalay ako sa kanya ay kaagad niya akong pinigilan.
"Umiyak ka? Bakit?" tanong niya sa akin. Ramdam ko ang concern niya.
I think tuloy na being so guilty pa ata ang ikamamatay ko.
Bago pa man ako sumagot ay tumunog na ang phone ni Julio. Hindi pa sana niya sasagutin kung hindi ko siya tinulak to do it.
"Hello..."
Kumunot ang noo niya habang nakikinig sa tawag. Isang beses siyang sumulyap sa akin bago siya naglakad palayo na para bang ayaw niyang marinig ko iyon.
"Saan daw? Tumawag?" tanong niya.
Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. Nakaramdam ako ng takot. Baka mas lalo siyang magalit sa akin if ever malaman niyang I have contact na with my Daddy.
Nakatingin laman g ako kay Julio the whole time na may kausap siya sa phone. I don't know what to feel anymore. I don't know what to do, but I want to be with my dad too.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro