Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24

Avryl



Pinaramdam ko ang inis ko kay Julio habang naglalakad kaming dalawa pabalik sa Venue.

"Hmp!" gigil na sambit ko everytime I take a step. Kulang na lang sipain ko lahat ng humarang sa dinaraanan ko.

Ilang beses ko siyang nilingon and nakita kong nakataas ang isang sulok ng labi niya na para bang he enjoys na makitang nagmamaktol ako. Everytime naman na nahuhuli ko siya ay kaagad siyang sisimangot at iirapan ako.

"Ang tahimik mo," puna ni Alice sa akin ng magkasama ulit kami. Everyone is getting ready na dahil the ceremony is about to start.

Sumama ang tingin ko sa kung saan before ako nakasagot sa kanya. I'm still thinking about the kiss and how bitin it is. Julio niyo madamot!.

"Masyadong mainit. No one told me na sa overn toaster pala ang punta natin," reklamo ko sa kanya. I expect naman this kind situation, pero ang hindi ko expected ay ang paghalik ni Julio sa akin na masarap but bitin!

If may bayad lang ang kiss niya kahit maghirap pa ako! Take all my money, Snoopy!.

Natawa si Alice because of what I said. Nanatili ang tingin ko sa kung saan because ramdam ko ang tingin niya sa mukha ko na para bang she saw something wrong doon. Muli kong naisip ang nasira kong lipstick.

"Si Julio nga din nag-iinit ang ulo eh," she said kaya naman halos umikot ang eyeballs ko ng 360 degrees. Like I don't care kahit maging mega mind pa sa laki ang ulo niya because of the pressure.

Hindi ko na lang siya sinagot. Let talk, less mistake. But napansin ko ang mas lalong paghilig ni Alice sa akin.

"Kumain ka na? Hindi mo ako sinama?" tanong niya ang tunog nagtatampo pa.

Uminit ang mukha ko because it feels so nakakahiya of malaman niya kung anong kinain ko. It's not food, but it's good.

Mabilis kong tinakpan ang bibig ko at kinuha ang powder mirror sa bag ko. Mariin akong napapikit ng ma-confirm kong super messy ng lips ko.

"Oh my...Shut up, Alice. Please..." pakiusap ko sa kanya.

"Nagkainan na pala kayo...hindi niyo ako sinama," pag-uulit pa niya na para bang she's nang-aasar pa.

"Hindi kami nagkainan pwede ba. Your bibig is so bastos ha!. Isusumbong kita kay Tita," pagbabanta ko sa kanya.

There's nothing wrong naman with what she said, masyado lang talaga akong guilty.

Wine kaagad ang hinanap ko after ng ceremony and magkaroon ng kainan.

"Tanghaling tapat wine ka nanaman," suway ni Alice sa akin.

Nag-taas ako ng kilay sa kanya before I sip on my wine glass.

"It's good for the heart," laban ko kaya naman inirapan niya din ako.

"Alihilani..." tawag ni Julio kaya naman bigla akong nasamid.

"Yan kasi...ang lassingera mo," suway ni Alice sa akin and she immediately hands me a table napkin.

Ramdam ko ang matalim na tingin ni Julio sa akin.

"Wag mo na ulit hahayaang uminom ng wine yan," he said kaya naman napa-make face ako. Who is he ba para naman sundin ko?.

"Oh really?" mapanuyang sambit ko. Pag bitin humalik walang karapatan magbigay ng opinion.

Nagpaalam si Alice sa amin kaya naman naiwan kami ni Julio. Pinagtaasan ko siya ng kilay ng mapansin kong nakatingin pa din siya sa akin.

"What?" masungit na tanong ko sa kanya pero napabuntong hininga siya and hindi na sumagot pa.

Muli kong inilibot ang tingin ko sa buong venue para hanapin si Siegfried. I need to ask him nga pala about the meeting.

"Where is Siegfried nga pala?" tanong ko sa kawalan habang inililibot ang paningin ko.

Huminto ang tingin ko kay Julio ng masama siyang tumingin sa akin.

"Nakita mo si Siegfried?" tanong ko sa kanya.

Gusto kong matawa ng umigting ang panga niya and halos mamula na siya dahil sa inis.

He was about to say something nang bigla kaming magulat dahil sa kaguluhan sa may harapan. Mabilis akong napatayo when I saw Alice and Ursula, mukhang inaatake nanaman ng pagiging kontrabida niya ang Salvadora na yon.

"Ikaw nanaman!?" asik ko kay Ursula.

Hindi man lang siya natakot sa akin at ngumisi pa. "Ilayo niyo nga sa akin itong bastarda ng mga Montero. Nagsama pa talaga ang dalawang ito," nakangisi at mapanuyang sabi niya sa akin.

Sanay na ako with those words na palaging ibinabato sa akin. They always labeled me with names. Sanay na ako but it's masakit pa din naman, they think na wala lang iyon sa akin but tumatatak iyon sa isip ko.

Gusto ko na sana siyang sugurin dahil sa inis ko sa kanya ng maramdaman kong may matigas na kamay ang pumulupot sa aking bewang.

"Tama na, Vera." suway niya sa akin.

Nanghina ako because of his presence kaya naman nagtagumpay siya ng ilayo niya ako from that evil witch. Tsaka niya lang ako binitiwan ng makalayo na kami.

"Tama na..." suway niya sa akin.

Habol ko ang hininga ko dahil sa inis. Tumulo ang luha sa aking mga mata dahil sa galit. Padabog kong pinunasan iyon dahil I don't want him to see me cry.

Tahimik lang si Julio sa tabi ko but I'm happy naman na hindi niya ako iniwan. He waited for me hanggang sa maging kalmado na ako. Hindi naman naging mahirap iyon, ang bilis kong kumalma because of his presencya.

"Ok ka na?" tanong niya sa akin.

Humaba ang nguso ako. "I need lang siguro another kiss," sabi ko sa kanya.

"Magtigil ka," suway niya sa akin kaya naman mas lalong humaba ang nguso ko.

Hindi na mapipilit pa si Julio kaya naman iniwan ko na lang siya to find Alice. I saw her sa may comfort room and mas lalo akong na-amaze dahil bagay sa kanya ang suot niyang Louis Vuitton Since 1854 fit and flare mini dress.

Naging busy ulit ako the next day because of my work sa plantation. I need to send a report kay Tito Keizer abaout the harvest kaya naman I'm obliged na I-visit ang buong plantation kahit pa inabutan na kami ng tirik ng araw.

"Are we using ba a natural fertilizer for this one?" tanong ko sa mga watermelon. Malaki ang size non kesa sa mga nakikita kong watermelom sa market.

Tumango siya sa akin. "Natural po, Ma'm."

Tipid akong tumango before kami nag proceed sa sumunod. I'm wearing a white button down short sleeve, a black pants, and black ankle boots. Nagsuot din ako ng sun hat because I can't afford na mainit ang ulo and hair ko, baka maging freezy siya and dry if pinabayaan kong mabilad sa araw.

After ng tour ko sa plantation ay tinapos ko na ang report and I send it right away sa email ni Tito Keizer. I'm excited na din to go home to be with Gianneri. She need more of me this time dahil wala ang malalandi niyang parents.

"I'm home!" sigaw ko kaagad bago pa man ako makapasok sa may kitchen. I know naman kasi na nakatambay nanaman si Yaya Esme doon to watch her favorite drama sa hapon.

They are both attentive sa pinapanuod kaya naman napahalukipkip ako. Even si Gianneri ay nakatutok doon na para bang she understands na talaga what's happening.

"Gianini..." malambing na tawag ko sa kanya kaya naman kaagad niya akong nilingon.

I smiled back ng ngitian niya ako, gumalaw ang paa at kamay niya na para bang she wants me to hold her.

"Nakauwi ka na pala, Senyorita Vera..." sabi ni Yaya Esme. Tsaka niya lang ako pinansin ng mag commercial break na.

"Later, Dear..." marahang sabi ko kay Gianneri ng hindi maputol ang tingin niya sa akin. Gusto na ata niyang buhatin ko siya.

"Tita will take a bath first...nasa akin ang pollution ng buong mundo," sabi ko sa kanya. Gustong gusto ko na din siyang lapitan but it's not safe pa because galing ako sa labas.

Naligo ako then nagbihis bago ako muling bumaba sa kitchen para kuhanin na si Gianneri kay Yaya Esme. I saw her na tulala na para bang malalim ang iniisip niya.

"May problem ba, Yaya Esme?" tanong ko.

Kaagad akong lumapit sa kanila para kuhanin si Gianneri. Tumili siya at gigil na yumakap sa akin ng kuhanin ko.

"May date kami bukas..." pag-uumpisa niya kaya naman umirap kaagad ako sa kawalan.

"Are you dalaga at binata pa ba to date?" tanong ko sa kanya.

Lumapit ako sa fridge para kumuha ng fresh orange juice. Behave si Gianneri habang ginagawa ko iyon kaya naman I smiled at her dahil hindi niya ako pinapahirapan.

I heard her lips smacking ng sumimsim ako sa glass ko. She wants to drink din pero hindi pa iyon pwede sa kanya. Inilayo ko sa kanya ang baso when she tried to reach for it, pero nagulat ako ng halikan niya ako sa lips na para bang she knows na matitikman niya ang juice sa lips ko.

"Gianneri!" natatawang suway ko sa kanya.

Binitawan ko ang baso para mayakap siya ng maayos. Tinitigan niya ako after ko siyang suwayin na para bang inaaral niya ang ekspresyon ng mukha ko kung galit ba ako sa kanya.

"Our Gianini is so smart...manang mana kay Tita," malambing na sabi ko sa kanya.

She was about to cry, akala niya siguro ay galit ako sa ginawa niya kaya naman I kissed her cheeks kaagad.

"Walang maiiwan kay Gianneri. Eh kung isama ko sa date namin?" suwestyon ni Yaya Esme.

"No! Baka bigla kayong mag kiss ni Mang Henry sa harapan niya...You'll gonna corrupt pa her innocent mind," suway ko sa kanya.

"At paano ang trabaho mo?" tanong niya sa akin.

"I'll bring her na lang sa office ko," sagot ko kay Yaya Esme.

Because ako ang in-charge kay Gianneri for the next day ay sa kay Yaya Esme siya natulog para naman daw hindi ako puyat. Hindi ko din alam if it's possible for me to work habang nagbabantay ako sa kanya.

Gianneri is wearing baby blue rompers with a blue ribbon din sa ulo. She seems so excited, alam ata niya na aalis kami ngayon. I smiled at her ng iabot siya ni Yaya Esme sa akin.

Kinuha niya sa kamay ko ang dala kong Hermes bag bago niya isinabit sa right shoulder ko ang pink baby bag ni Gianneri.

Imbes na magreklamo ay napabuntong hininga na lang ako. Nagpahatid kami sa driver because I can't drive if kaming dalawa lang. I won't risk her security baka mauna pa akong mamatay kay Gertie if napahamak si Gianneri because of me.

"Bye, Lola Esme..." pang-aasar ko sa kanya and held Gianneri's hand to waved at her.

"Makikipagdate ako tapos tatawagin mo akong Lola!?" asik niya sa akin kaya naman napahalakhak ako.

Pinadala ni Yaya Esme sa amin ang stroller ni Gianneri and it's portable crib. Kumpleto din ang laman ng baby bag niya and nandoon na din ang mga baby bottles and some baby clothes if she need to change.

"Don't poop, Gianneri ha...magwawala ako!" banta ko sa kanya with lambing.

Nag-ingay nanaman siya nang umandar na ang sasakyan. She is wearing a white baby shoes na may ribbon sa gitna. After niyang mapagod sa pagsasalita ay isinandal niya sa akin ang ulo niya. She smells like powder and milk, super bango!.

Kita ko ang gulat sa mga tao sa office ng makita nilang bitbit ko si Gianneri. Nakasunod ang driver sa amin bitbit ang ibang mga gamit. I'm planning na tuloy na magpagawa ng nursery sa office ko so that Gianneri can visit me kahit everyday pa.

"Good morning, Ma'm Vera..." bati nila sa akin.

Iniharap ko si Gianneri sa kanila. "Good morning too...people," bati ko pabalik sa kanila.

Gianneri is all smile kahit hindi naman familiar sa kanya ang mga tao sa paligid. Ramdam ko ding naninibago siya sa lugar but she stayed calm.

"I'll text you na lang po if magpapasundo na kami," Sabi ko sa driver.

I ask my secretary for help para paandarin ang flatscreen tv. She know naman daw some baby shows kaya I let her do it habang isinasayaw ko si Gianneri while waiting for it. Iniharap namin ang stroller niya sa tv, looks like she enjoy naman ang cartoons na cocomelon daw.

"Tita needs to work muna, Dear."

Nakapag-umpisa ako to do my pending works, but mukhang short lang ang patience ni Gianneri ngayon kaya naman unti unti kong narinig ang iyak niya.

Napahilot ako sa aking magkabilang sintindo bago ako tumayo para lapitan siya. Tsaka lang siya tumigil sa pag-iyak ng buhatin ko siya at dalhin sa office table ko.

"How can Tita work na?" tanong ko sa kanya. Sinagot niya ako pero hindi ko naman maintindihan.

Gamit ang right hand ko ay nagstart ulit akong gumawa ng report. Tito Keizer need this na daw bukas kaya naman I need to send it to him today para ma-revirew pa niya.

Nakatulog si Gianneri habang hawak ko ng hindi ko namamalayan. I prepare her portable crib, I feed her pa after ko siya hayaang matulog doon. I take that opportunity para tapusin ang trabaho ko. I even skipped my lunch para naman sa oras na gumising siya ay tapos na ako.

"Coffee na lang..." sabi ko sa secretary ko.

Gumising si Gianneri bandang 2'oclock because she's hungry again. I'm hungry din pero I'm not in the mood to eat pa.

"Good afternoon, Gianini..." malambing na bati ko sa kanya.

Naging masigla ulit siya after I feed her. Nag-ingay nanaman siya hanggang sa maramdaman kong her diaper is puno na.

"Don't give me a surprise ha," Banta ko sa kanya.

Thank goodness dahil puro ihi lang ang laman ng diapers niya. After kong palitan iyon ay binitbit ko ang body bag niya. I even put my phone na nga sa loob at iniwan ko sa office ang Hermes bag ko.

"If you need something call me on this number," sabi ko sa secretary ko at ibinigay ko sa kanya ang telephone number ng haunted house ni Julio.

Bitbit ko sa right shoulder ko ang baby bag ni Gianneri habang karga ko din siya. Thankful kami sa mga puno kaya naman hindi masyadong mainit habang naglalakad kami papunta sa haunted house ni Julio.

"Let's visit Ninong Julio," sabi ko sa kanya.

Ramdam ko ang pagod nang matanaw na namin iyon. Nakayakap pa din si Gianneri sa akin, mukhang naninibago pa din sa mga lugar na nakikita niya.

Nagtaas ako ng kilay ng maabutan namin siya sa labas ng haunted house niya and fixing something with his old car. Nagulat siya dahil sa pagdating namin at kaagad na napatayo.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong niya.

Kinuha niya ang nakasampay na white tshirt at sinuot iyon bago siya naglakad palapit sa gate para pagbuksan kami.

"Julio, hindi ko sinasadyang itago sayo ang totoo about Gianneri..." Emosyonal na sabi ko.

Kumunot ang noo niya. "Anong pinagsasabi mo?"

Humaba ang nguso ko at inirapan siya. "I'm trying to recite lang yung mga naririnig kong lines sa drama na pinapanuod ni Yaya Esme," sagot ko sa kanya kaya naman tumikhim siya.

"Bakit kayo nandito?" tanong ulit niya kaya naman humigpit ang yakap ko kay Gianneri.

"Ang bad mo namang Ninong if you'll choo us away..." pangu-ngunsensya ko sa kanya.

"Tinatanong ko lang kung anong ginagawa niyo dito?" palusot niya. Sus! I'm duda, mahilig nga siyang magpalayas eh.

If ever palayasin niya kami ni Gianneri, aawayin ko talaga siya. I can accept yung pagpapalayas niya sa akin everytime I visit here, pero hindi ako papayag na gawin niya iyon kay Gianneri.

"I decide na ipasyal siya dito sa house niyo..." sagot ko kaya naman mas lalo siyang nagtiim bagang.

"At bakit?" matigas na tanong niya.

"Ipapasyal ko siya sa mga haunted na lugar so that hindi na siya takot when she grows up," pagdadahilan ko.

Inirapan ako ni Julio bago niya buksan ng malaki ang gate tanda na he will let us in na.

Lumapit siya kay Gianneri para halikan ito sa ulo kaya naman hindi ko naiwasang mapanguso din.

Bumaba ang tingin niya sa naka-pout kong lips. How about me? Bakit wala akong kiss?.

"How about the Ninang?" mahinang tanong ko sa kawalan.

Sumunod kami papasok sa kanya hanggang sa maramdaman ko ang gulat ni Gianneri ng tumakbo palapit sa amin si Brunie at tumahol.

"Brunie...punyeta!" asik ko. Hindi ko na napigilan ang bibig ko dahil sa biglaang pag-iyak ni Gianneri sa takot.

"Bruno!" suway ni Julio sa kanya.

Umupo si Brunie sa harapan namin habang nagpabalik-balik ang tingin niya sa amin ni Julio. Marahan kong pinatahan si Gianneri habang isinasayaw.

"Akin na..." sabi niya sa akin.

Sumama kagaad si Gianneri sa kanya at yumakap bago niya inayos ng harap ito at umupo para lumapit sa behave niyang aso na nagpapa-cute pa ata.

"Hi, Bruno..." pagba-baby talk niya dito. He's introducing Gianneri kay Bruno na para bang he wants them to be friends.

Ilang beses naming narinig ang paghikbi ni Gianneri before siya tuluyang masanay na makita ang pagmumukha ng machong si Brunie.

"I'm hungry, hindi pa ako kumakain ng lunch," reklamo ko.

Sumama ang tingin ni Julio sa akin before nalipat ang tingin sa suot niyang wrist watch.

"Anong oras na..." seryosong sabi niya.

"I'm busy sa work and being a beautiful Yaya..." sagot ko.

Naglakad siya papasok sa may kitchen door kaya naman sumunod ako sa kanila. Bitbit pa din niya si Gianneri kaya I have the reason para sumama.

"What's your ulam ba?" tanong ko.

Binuksan niya ang stove para initin ang laman ng caserole.

"Sumandok ka na lang ng kanin mo," matigas na sabi niya sa akin.

Umupo siya sa high chair sa kitchen counter kasama si Gianneri kaya naman ako na ang kumilos to help my self. Ibinaba ko ang baby bag ni Gianneri sa tabi nila.

"Wala kang measuring cup? I cup of rice lang ako..." sabi ko sa kanya pero inirapan niya ako.

"Wala," matigas na sagot niya sa akin bago niya hinarap si Gianneri.

After kong kumuha ng konting rice ay ulam naman ang kinuha ko. I turn off the stove ng makita kong mainit na ang sabaw.

"Wala ka ng ulam for dinner pag I'll eat this," sabi ko sa kanya.

"Kumain ka na," sabi pa niya kaya naman sinunod ko na lang siya.

Gianneri is comfortable with his Ninong Julio. Unti unti na din siyang nasasanay sa face ni Brunie.

Tumayo siya and they both left me ng tumunog ang telephone sa may living room. Sunod sunod ang subo na nagawa ko ng ma-realize ko how good Julio is as a cook.

"Pinamigay mo ba ang telephone number ko?" galit na tanong niya sa akin ng bumalik siya.

"Uhm...sa secretary ko," sagot ko kaya naman umigting ang panga niya.

"Hinahanap ka daw ng Tito Keizer mo," sabi niya sa akin.

Mabilis akong lumapit sa baby bag ni Gianneri to find my phone. Hindi ko kaagad iyon nakita kaya naman I need to remove everything pa.

I told Tito na mala-late ang email ko sa kanya because of my current kalagayan. Hindi maging working Tita.

"Hindi deserve ng ganda ako ang pagod," sabi ko after the call.

Nanatili lang ang tingin ni Julio sa akin. Bumalik ako sa sit ko para ipagpatuloy ang pagkain.

"Can we stay here muna? Wala si Yaya Esme because may date sila ni Mang Henry," kwento ko sa kanya.

Mula sa akin ay lumipat ang tingin niya sa hawak na si Gianneri. Tiningnan din siya nito na para bang kinakausap siya. Dahan dahan siyang tumango kaya naman napapalakpak ako.

"We will go here na everyday," pinal na sabi ko. Ako na ang pagde-decide para kay Julio para hindi na siya mahirapan.

Dahil sa excitement ay kaagad akong nag-isip kung anong mga baby things ang dadalhin ko for Gianneri.

"No need for that...mayroon sa itaas," seryosong sabi niya sa akin kaya naman kumunot ang noo ko.

Napabuntong hininga si Julio bago niya inayos ang pagkakakarga kay Gianneri.

"May baby chair sa itaas."

Hindi ako naka-imik kaya naman sumunod ako sa kanila papunta sa second floor. Nadaanan namin ang room ni Julio, ilang room pa ang nadaanan namin before he entered another room.

Napasinghap ako when I saw the whole room. It's a nursery room.

Dane Avryl Escuel

May mga burda ng names ang lahat ng gamit sa loob. Uminit ang magkabilang gilid ng mata ko ng maalala ko si Tita Alexandra.

"You preserve this the whole time?" wala sa sariling tanong ko sa kanya.

Nakangiti si Julio kay Gianneri kahit I saw sadness in his eyes.

Kumpleto ang lahat ng gamit for the baby. May crib, baby chair, even ang mga toys ay nandoon pa din.

"For my baby sister..." mahinang sambit ni Julio.

Ramdam ko ang lungkot sa boses niya kaya naman mas lalo akong naging emosyonal.

"Tita is pregnant that time?" sabi ko, I still can't believe.

Nasaktan ako ng malaman ko ito ngayon. And I know na mas masakit ito para kay Julio.

"I'm sorry to hear that, Julio."

Hindi siya kaagad naka-imik.

"Now tell me...Bakit ako mapapagod na bigyan ng hustisya ang pagkawala nila?" matigas na tanong niya sa akin.





(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro