Chapter 22
Gift
Muli akong bumalik sa kitchen to prepare my toast. Nakasunod pa din si Brunie sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Mag behave ka nga, Brunie. Ako ang nahihilo for you eh," sita ko sa kanya pero umupo siya at tumingala sa akin.
After kong I-prepare ang foods ko ay muli akong umakyat sa second floor papunta sa may veranda para umpisahan ang painting ko. Before that ay muli kong binalikan ang painting ni Julio so that mayroon akong reference.
Behave si Brunie habang abala ako. Hindi din naman natagal ang focus ko sa painting dahil nakaramdam din kaagad ako ng pagkatamad. Ilang kagat lang din ang nagawa ko sa toast ko bago ako nawalan ng gana at pagod na umupo para tanawin ang plantation namin.
"Yes, Yaya Esme...I'm safe naman po here," sabi ko sa kanya nang tawagan ko siya to inform her na hindi ako uuwi tonight para hindi siya mag-alala.
"Eh saan ba yan? Sinong kaibigan, wala ka naman masyadong kaibigan dito sa Sta. Maria..." pagdadahilan niya kaya naman humaba ang nguso ko.
"That's ouch ha," sabi ko sa kanya.
Mula sa plantation ay nilingon ko ang tahimik na si Brunie.
"Bruno is his name. Siya ang bago kong friend Yaya Esme," sabi ko sa kanya.
"Bruno? Wala akong kilalang Bruno dito sa Sta. Maria," giit niya. Ramdam ko na ang pag-aalala niya.
Napairap ako sa kawalan and tumayo na. "Yaya, you're not the town mayor naman para kilalanin ang lahat ng tao here sa Sta. Maria," laban ko sa kanya.
"Sabagay...Pero saan nga yan!?" giit na tanong niya. Ramdam kong konti na lang ay magagalit na siya sa akin.
"I'm safe here. Kasama ko si Bruno," sabi ko pa at nilingon si Brunie na nakatingin sa akin at naka-poker face pa. Dahil sa itsura niya ay inirapan ko pa siya.
"Sino nga kasing Bruno? Anong apleyido?" tanong niya sa akin.
"Bruno Escuel, I guess?" tanong ko din sa kanya.
Sandaling natahimik si Yaya Esme sa kabilang linya kaya naman napangisi ako.
"Escuel? Si Julio lang naman ang Escuel dito..." sabi niya sa akin.
"You're not sure! What if may tinatagong anak si Julio?" tanong ko sa kanya.
"Oh ano naman kung meron? Paano mo naman magiging kaibigan ang anak ni Julio, Aber!?" laban na tanong niya sa akin.
"Basta don't worry about me na po. I'll sleep tight tonight without drinking a wine," sabi ko pa sa kanya kaya naman napabuntong hininga siya.
"Paka-usap kay Bruno," sabi niya sa akin with the tone of her voice na para bang surrender na siya and wala na siyang magagawa pa.
Gusto kong matawa ng tingnan ko si Bruno. Ni-loud speaker ko ang phone then itinapat kay Brunie iyon.
"Hello, Bruno..." sabi ni Yaya Esme.
Napamura si Yaya Esme sa kabilang linyan ng tumahol si Brunie for her.
"Hi din daw, Yaya Esme. Bye!" sabi ko and pinatay kaagad ang tawag.
Pumunta ako sa room ni Julio para maghanap ng pwede kong isuot na damit niya for tonight. Hindi planado ang sleep over ko here kaya wala akong dalang sarili kong clothes.
"Ang bango ng mga clothes ng Daddy mo, Brunie. Who washed his clothes ba?" tanong ko dito.
Imbes na sagutin ako at muli nanaman siyang dumapa sa sahig and looks like sleepy nanaman.
Kinuha ko ang white tshirt niya at sinubukang ipatong sa katawan ko while looking sa mirrior. I'm tall pero mas tall si Julio kaya naman for sure mahaba and malaki sa akin ito pag sinuot ko sa kanya.
Pumasok ako sa banyo para palitan ang suot kong damit. I'm just joking lang naman na yayakapin ko ang pillows niya without my under garments. That is so uncomfortable and nakakahiya naman kay Julio.
Hindi ako nagkamali dahil mukha ng dress sa akin ang white tshirt niya. Nasa gitna na ng binti ko ang lenth noon and ilang beses pa halos mahulog ang sleeves sa balikat ko. Itinaas ko ang buhok ko to a messy bun bago ako humarap sa malaking mirror niya to take a picture of my self wearing his clothes bago ko siya hinanap sa facebook.
Tumalon ako padapa sa bed niya. Kaagad kong naamoy si Julio sa unan ang comforter niya kaya naman napanguso ako.
"Iuuwi ko ito," sabi ko sa isa sa mga unan niya.
Kaagad ko iyong niyakap bago ko muling inabala ang sarili ko sa paghahanap sa kanya sa social media. Hindi naman mahirap iyon dahil friends naman sila ni Gertie.
Kaagad akong napairap sa kawalan. "Corny living creatures," sabi ko dahil sa pagiging active nila sa mga social media accounts. There is nothing wrong naman with that if it makes them happy. It's not my thing lang siguro talaga.
I made one lang talaga dahil sa kakulitan si Gertie and for work na din for the means of communication.
Nakita ko ang profile picture ni Julio at napairap ng makita kong si Brunie ang profile picture niya and kamay niya lang ang nakikita.
"Super epal mo talagang dog!" sabi ko kay Brunie at kumunot ang noo ko ng makita kong bumebwelo siya for some reason.
"Ayoko ng may katabi later. Papalabasin kita!" sabi ko sa kanya ng tumalon siya paakyat sa bed and tumabi pa talaga sa akin.
Buti na lang he's mabango and mukha namang nililiguan siya ng mabuti ni Julio. Hinayaan kong humiga si Brunie at matulog sa tabi ko.
I click na add as a friend button sa profile ni Julio kahit ilang beses akong napa-irap because of that. Dapat ay siya ang magrequest to be my friend hindi yung ako pa ang nag send ng request para maging friends kami. Ang kapal naman ng face niya para gawin ito sa ganda ko!.
I send the photo of me kanina sa may salamin then I took a picture of Brunie na nakahiga sa taas ng bed niya.
"I'll sleep with Brunie tonight," sabi ko sa chat sa baba ng picture naming dalawa ni Brunie.
Nakita kong he was about to type a reply pero hanggang doon lang. Napaayos pa ako ng higa habang hinihintay ang sasabihin niya pero wala naman.
Sumama ang loob ko because of that kaya naman kaagad kong pinatay ang phone ko at inilagay iyon sa bedside table. Kinuha ko ang isang extra pillow ni Julio and hug it. Pumungay ang mga mata ko, parang bigla akong nakaramdam ng antok dito hindi kagaya sa room ko na I need to drink pa wine para lang antukin.
"Brunie..." paggising ko sa kanya.
"Sungit!" asik ko sa kanya ng gumising siya then lumipat ng pwesto para hindi ko siya maabot.
The way he looks at me ay para bang he wants to tell me na istorbo ako sa tulog niya.
"Sipain kita you want?" tanong ko sa kanya. It's a joke lang naman because I know it's bad.
Nakakahiya naman kung makukulong ako because of animal violence. Hindi ako makukulong because of him noh!.
Humigpit ang yakap ko sa unan ni Julio ng unti unti kong ma-fee ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata. Ang sarap din sa feeling ng makapal niyang comforter. I don't know kung anong meron sa bed niya pero it feels so comfortable na dinadalaw kaagad ako ng antok.
Umaga na ng nagising ako. Nasa tabi ko na din si Brunie and feel na feel naman niyang close kami kahit hindi. Kung wala lang akong yakap na pillow ay baka gumising pa akong yakap siya.
I tapped his head kaya naman gumalaw siya sandali.
"Good morning sa akin, Brunie..." sabi ko sa kanya. I'll greet na lang my self dahil hindi naman ako makakatanggap ng greeting sa kanya.
Bumaba ako papunta sa kitchen na suot ang tshirt ni Julio. Nagulat ako ng makita kong may mga food na sa taas ng kitchen counter. Bago ko pa man iyon malapitan ay tumunog na ulit ang telephone.
"Junie..." tawag ni Julio kaya naman napairap ako.
"You always look for Junie na lang. Baka magselos ang girlfriend mo," sabi ko sa kanya kaya naman tumikhim siya.
"Nandyan pa si Junie?" tanong niya sa akin.
Sandali kong inilibot ang tingin ko sa buong house at umiling pa kahit hindi naman iyon nakikita ni Julio.
"Wala na..." sagot ko sa kanya.
Sandali siyang natahimik sa kabilang linya bago siya muling nagsalita.
"Nagpabili ako ng pagkain mo. Pagkatapos ay umuwi ka na," sabi niya sa akin kaya naman napanguso ako.
"How sweet naman of you para isipin pa ang food ko," nakangising sabi ko kaya naman I know na nakasimangot nanaman siya kung nasaan man siya ngayon.
"Kamusta si Bruno?" tanong niya sa akin.
"I don't know. Hindi naman siya nagsha-share ng feelings niya sa akin. But ako...I'm ok lang, ang sarap ng tulog ko," kwento ko sa kanya.
"Bago ka umalis. Bigyan mo ng pagkain si Bruno, kaya na niya ang sarili niya...wag mo na siyang alalahanin," seryosong sabi niya sa akin.
"Who told you naman na nagaalala ako sa kay Brunie?" tanong ko kay Julio.
Mabilis siyang nagpaalam sa akin. Hindi man lang niya pinansin yung mga kwento ko sa kanya. Ang panget talagang kausap ni Julio, palibhasa old na!.
I ate my breakfast sa may veranda kaya naman mas lalo kong nakita ang ganda and laki ng plantation namin. Mas maganda iyon dahil sa sikat ng araw.
"Psst. Brunie come here!" tawag ko sa kanya.
Lumapit siya sa akin kaya naman binuhat ko siya at pinaupo sa lap ko bago ako nag take ng picture para ibigay kay Julio kahit hindi naman niya pinapansin ang mga message ko.
Brunie is very cooperative dahil hindi siya naging malikot ang nakatingin pa talaga siya sa pic.
Muli akong nagbihis para umuwi na. I need to take a bath na din. Isinuko ko na nga ang hygeine and skin care ko kagabi to be with him. Hindi ko na kaya ang pagiging unhygenic ko.
"Don't look at me like that. Babalikan kita, Brunie," sabi ko sa kanya ng magpaalam ako.
I don't know if it's possible na umiyak ang mag dog pero parang nag teary eyed siya habang nakatingin sa akin at nagpapalam ako.
"Umiiyak ka ba because aalis ako? Or dahil iuuwi ko itong pillow?" tanong ko sa kanya.
Dinala ko pauwi ang isa sa mga pillow ni Julio. Kukuni ko ang isa sa akin so that nag exchange pillow na kami.
Mabigat para sa aking dibdib ang iwan si Brunie kahit hindi ko naman talaga siya bet. Mas lalo kong napatunayan na I have a heart pala talaga for the needy person even sa dogs like him.
"Senyorita Vera...saan yan nanggaling?" gulat na tanong ni Yaya Esme sa akin ng makita niyang may yakap yakap akong unan.
Hindi naman bago sa akin ang reaksyon niya dahil nakita ko din ang pagtataka sa mga taong nakasalubong ko kanina while naglalakad ako pauwi.
"Sa house ng friend ko, Yaya. Ninakaw ko po," pag-amin ko.
"Ikaw na bata ka!" asik niya sa akin kaya naman tinawanan ko na lang.
I take a shower kaagad ng malaman kong Tito Kiezer needs to talk to me about the plantation. He is decided na talaga na magtake over ako sa pagma-manage non.
Sumama sina Eroz and Gertie sa amin ni Tito Keizer sa plantation. Nang matanaw ko ang haunted house nina Julio from there ay kaagad kong naalala si Brunie. Iyak ka muna Brunie para bumalik ako.
After sa tour ng plantation ay sumama ako kina Eroz and Gertie sa factory to visit Alice. May dala din kaming mirienda.
"Akin na lang si Alice, bibigyan ko siya ng mataas na position sa plantation," sabi ko kay Eroz pero nginisian niya ako.
"Matagal na sa factory si Alice, hindi pwede," sagot niya sa akin.
"Hmp! Kukunin ko si Alice sayo," laban ko sa kanya.
Humaba lang ang nguso ni Gertie. Kung hindi lang siya maiipit sa amin ni Eroz ay aawayin ko talaga si Eroz. Pababagsakin ko ang factory niya and kukunin ko ang lahat ng trabahador niya. Pasalamat siya asawa niya ang pinsan ko and Daddy si ni Gianneri...kung hindi!.
"Gusto lang non na panuorin si Eroz na magbuhat ng sako habang naka-hubad," kwento ni Alice sa akin ng magstay ako sa office ni Eroz dahil may aircon.
Lumabas si Gertie dala ang pagkain niya eh super init nga sa labas.
"Like ew! Super sweaty kaya nila!" sabi ko and napapangiwi everytime naaalala ko kung gaano kalagkit ang pagpawisan.
Napunta ang paguusap namin ni Alice tungkol sa Dad niya and sa eveil step mother niya.
"You are doing this for your Mom, right? Eh ikaw? You really want to do this ba? After all ng ginawa sayo ni Ursula?" tanong ko sa kanya.
She wants to work again sa site kung saan may ipapatayong bagong mall para daw makita niya everyday ang Dad niya. Lahat na lang ata ng work ay gusto niyang pasukin. She's slim pa naman kaya I'm worried about her health din.
"Sinong Ursula?" tanong niya sa akin kaya naman inirapan ko siya.
"Mrs. Salvadora," maarteng sagot ko kaya naman natawa siya.
"Salvador," pagtatama niya sa akin pero hindi ko pinansin. Salvador pag lalaki, Salvadora pag girl.
Nagpahinga lang ako sandali pagka-uwi namin galing sa factory bago ko naisipan na puntahan na si Brunie. Baka hindi na niya kayanin ang kalungkutan at maisipan niyang maglayas na lang. If that happens baka ako pa ang masisi dahil ako ang huli niyang kasama.
Baka Julio will blame me pa at akalaing I kidnap his dog. Mapapahiya lang siya pag sinabi ko sa kanya na never sumagi sa isip kong kuhanin ang dog niya dahil it's not my kind of dog naman.
"Good afternoon, Brunie!" bati ko sa kanya pagkapasok ko sa may back door.
Tinahulan kaagad niya ako and he was about to jump pa ng kaagad ko siyang sinuway.
Bitbit ko ang pillow ko in exchange sa pillow na kinuha ko sa room ni Julio. Baka lang he wants to smell my scent minsan bago siya matulog, advance lang akong mag-isip.
Dala ko na ang care ko. I think of that before hand para naman if ever may gusto ulit akong iuwi from Julio's house ay hindi na ulit maulit sa akin ang pagkaubos ng dignity ko na may yakap na unan habang naglalakad sa kalsada.
"I'll buy you a girlfriend," sabi ko kay Brunie ng isakay ko siya sa car ko.
Kanina lang din sumagi sa isip kong bigyan siya ng girlfriend so that hindi na siya magiging malungkot if maiwan siyang mag-isa.
Behave naman siya sa loob ng car ko hanggang sa makarating kami sa isang pet shop. The vetirinarian is very accomodating din.
"Ang boring kung ang girlfriend niya ay bulldog din," sabi ko kay Doc ng sabihin niya sa aking mas better if Bulldog din ang breed ng partner ni Brunie.
Kita ko ang patataka sa mukha niya. Muli kong inabala ang sarili ko sa paghahanap hanggang sa makita ko ang isang color white na Shih tzu. Ang ganda ng ng pagka-color white niya. Parang super bait niya while si Brunie naman ay parang matamlay na machong bulldog.
"I like this one..." turo ko kay Doc.
Pilit ang ngiti niya pero I will not change my reference.
"A Bull and a Shih T...zu," sambit ko at kumunot pa ang noo ko ng ma-realize kong that sounds so bad.
Hindi pa ata magwo-work ang loveteam ni Brunie kung ang panget ng name nilang Bullshit.
I saw how happy Brunie is habang nakatingin sa mga pinagpipilian naming Dog. Bigla akong nakaramdam ng selos. Mukhang madi-divert pa ang atensyon ni Brunie sa oras na magkaroon na siya ng girlfriend.
"Masyado ka pang bata para mag-asawa," sabi ko sa kanya.
Hindi niya ako pinansin kaya naman mas lalo ko iyong napatunayan.
"And hindi ako papayag na maging sucessful ang lovelife mo tapos ako hindi. Damay damay na this, Brunie."
Sa huli ay pumili na lang ako ng mga dog toys and damit for him.
"Lalaki po ang aso niyo, Ma'm," sabi ni Doc sa akin ng makita niyang puri pang babaeng dog clothes ang napili ko.
"No one will know naman kung hindi ko sasabihin," sabi ko sa kanya kaya naman mas lalong nalaglag ang panga niya.
Ayaw pa atang umalis si Brunie sa pet shop na walang kasamang girlfriend. Ang anak ni Julio ay isa din palang malanding dog!.
Binilhan ko pa nga siya ng pink dog boots. Tawang tawa ako ng tuluyan kong makita ang itsura ni Brunie.
"Cute ka na ngayon," sabi ko sa kanya.
Pinagalitan pa ako ni Julio ng magsend ako ng picture ni Brunie na ganoon ang suot sa kanya. Hindi ko siya pinansin dahil wala naman siyang magagawa.
If he really want na pagalitan ako...umuwi muna siya.
May ibinigay na trabaho kaagad si Tito Keizer sa akin the next day kaya naman nagkulong ako sa room ko. Nang makaramdam ako ng pagod ay naisipan kong mag-scroll sa facebook and saw some of post ni Junie with their friends sa factory. I was about to stalk him na sana para humanap pa ng mga old pictures ni Julio ng makita ko ang new tagged post for him.
Sumama ang tingin ko sa screen ng phone ko ng ilang beses ko siyang makita with that Engr. Crystal. Alice is right na she's pretty. Hindi naman sa pagbubuhat ng seat pero mas maganda naman ako sa kanya.
Palagi silang magkasama ni Julio sa picture and palagi pang magkatabi. Pansin ko din na always nakadikit sa braso ni Julio ang boobs niya.
Padabog kong binitawana ang phone ko at inis a pumindot sa laptop ko.
"Come in!" sigaw ko ng marinig ko ang pagkatok.
"Sobrang lamig naman dito," puna ni Alice. Karga niya si Gianneri kaya naman unti unting nawala ang pagkakakunot ng noo ko.
Naka full ang aircon ko. Bukod sa mainit na sa labas, mainit din ang ulo ko kaya I need that.
Dahil sa presencya nilang dalawa ni Gianneri ay unti unting lumamig ang ulo ko.
I don't care kahit palaging nakadikit ang boobs ni Engr. Crystal sa braso ni Julio. Kahit isampal pa niya sa pagmumukha ni Julio ang dibdib niya I don't fucking care!.
"I love you, Dear..." malambing na sabi ko kay Gianneri.
"Oh please! This is so kadiri!" suway ko sa kanya ng halikan niya ako at basain ng laway niya.
"Pag-aaralin kita ng Engineering, lumipat ka sa plantation," alok ko sa kanya.
Desidido talaga akong kuhanin siya kay Eroz. I want to work with Alice. Pero open pa din naman ang offer ko to help her reach her dreams of becoming an Engineer kahit piliin niyang manatili sa factory ng epal na si Eroz.
Looks like pinagalitan pa ako ni Gianeri ng marinig niyang sinabihan ko ng epal ang Daddy niya. It's true naman kaya!.
Nasanay na ang body clock and mood ko sa work ko sa plantation everyday. Every now and then ko din binibisita si Brunie at pag pagod sa work ay natutulog pa ako sa haunted house ni Julio dahil it's super lapit lang naman sa plantation.
Naging mabilis ang paglipas ng halos one month na nawala si Julio. Halos everyday din naman siyang tumatawag sa telephone sa house niya para lang itanong kung kamusta na si Brunie.
Minsan gusto ko na lang iabot kay Brunie ang phone at magtahulan na lang silang dalawang mag-ama.
"Ma'm Vera, may invitation po galing sa mga Jimenenez for the ground breaking po," sabi sa akin ng secretary ko kaya naman kaagad akong tumango at nagpasalamat.
Anytime this week na din ang uwi ni Julio but hindi ko naman siya tinanong about it. Baka maisip niyang excited ako sa paguwi niya if I'll ask him about it. Dapat hindi halatang miss ko na siya ng slight.
Tito Keizer called me minutes after kong ma-received ang invitation. Nasa Manila siya and hindi makaka-abot sa date ng ground breaking kaya naman he wants me to be their to represent him.
He also told me na the San Miguel wants to set a meeting. I told him na dapat ay nanduon siya pero sinabi niya sa aking malaki ang tiwala niya sa akin and I can do it alone. It's a casual meeting lang naman daw for some follow up and narinig ko nanaman ang pangalang Siegfried.
Alas tres ng maisipan kong pumunta sa haunted house ni Julio para kamustahin si Bruno. And makapagpahinga na din. Some of my things nga ay iniwan ko na doon na para bang house ko na din iyon.
Eh why ba? I feel at home eh. Hindi ko naman kasalanan kung feel kong accepted ang presence ko sa haunted house niya.
"Good after..." naputol ang pagbati ko kay Brunie ng makita ko ang nakakalat na paper bag and mga luggage sa may sala.
Tumahol so Brunie kaya naman hindi nagtagal ay nagpakita na si Julio. Wala siyang suot na pang-itaas and tanging pantalon lang. Naka-paa din siya and may hawak na tasa ng kape.
"Anong pinag-gagagawa mo dito sa bahay...at aso ko?" tanong niya sa akin.
"I took care of them," mayabang na sagot ko.
Minsan nga ay naglilinis pa ako ng house niya kahit isang part lang ng house yung winawalisan ko at tinatago ko yung dumi sa ilalim ng kabinet because hindi ko naman alam kung saan dadalhin iyon.
Umupo siya sa harapan ng malet niya para humanap ng pang-itaas. Nakita ko ang nagkalat na paper bag sa tabi noo then nagtas ako ng kilay ng makita ko ang Victoria secret na paper bag.
"Sinong niregaluhan mo ng panty?" tanong ko.
Tumikhim siya at sumama ang tingin sa akin. Tumayo siya para kuhanin ang paper bag at itabi iyon.
"Hindi panty ang laman nito kanina," sagot niya sa akin.
"Eh ano?" pang-uusisa ko. Hindi ako naniniwala.
"Binilhan ko si Alihilani ng paborito niyang pabango," sagot niya sa akin kaya naman tumango ako.
Hindi naman ako nandito to ask for my pasalubong. Medyo natampo lang ako na hindi niya ako naalala. Sampalin ko pa silang lahat ng chocolates and pasalubong eh!.
"Andito ka na pala kaya may kasama na ang asong to," sabi ko at tinuro ang aso niyang tulog nanaman.
"I'm going na," paalam ko sa kanya.
Bago pa man ako tumalikod ay tumayo na si Julio bitbit ang paper bag ng Royce' chocolate.
"Salamat sa pagbabantay kay Bruno..." sabi niya sa akin.
"Hindi ako tumatanggap ng half baked thank you," sabi ko. Ginaya ko lang naman yung sinabi niya sa akin noon.
"But...thank you pa din sa chocolates," sabi ko at tinanggap iyon. I know naman how to appreciate efforts.
I'm happy na nakabalik ng safe and sound si Julio. Hindi naman sa pagiging demanding, maybe nag expect lang ako na may something special din siyang pasalubong sa akin.
Bago pa man ako makapasok sa office ay humarang na ang secretary ko sa akin na may dalang flower box.
Itim ang round box na puno ng white rose. May white ribbon din sa ilalim kaya naman it looks elegant. Nagustuhan ko siya, bagay siya sa office ko.
"Kanino galing?" tanong ko sa kanya.
Kinuha ko iyon from here kaya naman mas lalo akong napangiti. I love it!.
"Sir Siegfried San Miguel, Ma'm."
Nakita ko ang maliit na note kaya naman binasa ko iyon.
I hope I made you smile today
-Siegfried
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro