
Chapter 2
Castle
Dumiretso ako sa room ko after ng dinner. Walang ibang bukambibig si Lola kundi ang party na pupuntahan nila. I'm a bit sad pa din because hindi ako makakasama sa kanila. Meaning...I'm not considered part of the family. I know naman.
I was about to sleep ng maalala ko sina Mommy at Daddy. Even tawagan at kamustahin ako ay hindi na nila nagawa. Looks like they really forgot about me na. They parted ways, live on their own, and continued their life na para bang hindi ako kailanman nangyari sa buhay nila.
Muli akong naiyak ng maalalang, I have no one. Kahit pa mabait sina Tito Keizer and Tita Giselle sa akin ay iba pa din pag ang parents ko ang kasama ko. Iba pa din ang life kung hindi ko araw araw nararamdam mula kay Lola na hindi naman ako gusto dito.
Its heavy for me, na araw araw I wake up para lang maramdaman na ayaw sa akin ng mga tao sa paligid ko.
Gumapang ako pababa ng bed ko para lumabas ng room at puntahan sina Tito Keizer at Tita Giselle sa room nila. I was about to knock pa lang sana ng makita kong hindi naman totally nakasara iyon kaya I heard them from inside.
Hindi lang silang dalawa ang nasa loob, nandoon din ang maingay na si Gertie na walang ginawa kundi ang tumawa ng tumawa.
"Pa...Papa! Stop!" tumatawang suway niya kay Tito Keizer habang naririnig ko din ang tawa ni Tita Giselle.
Napabuntong hininga ako, bumaba ang tingin ko sa door knob. I don't want to ruin their family bonding pero I really want to know an update tungkol sa Mommy and Daddy ko.
I knocked three times bago ko tuluyang tinulak ang pinto para magpakita sa kanila. Dahil sa aking ginawa ay mabilis na tumayo si Tita Giselle para lapitan ako.
"Do you need anything?" malambing na tanong niya sa akin.
She's wearing a white night gown with robe na halos sumayad na sa sahig. Her hair is on high messy ponytail din, Tita Giselle is very pretty. I really admire her fot that and because she's so mabait sa akin.
Lumipat ang tingin ko kay Tito Keizer at Gertie na parehong nakahiga na sa queen size bed nila, malaki ang bed ko pero mas malaki ang sa kanila. Kahit ata Lola will join them doon ay they will surely fit, kahit isama mo pa si Yaya Esme.
"Can I call my Daddy po? I miss him so much, naaalala pa ba niya ako?" malungkot na tanong ko, gusto kong umiyak but I stop myself from it.
Ngumiti si Tita Giselle at hinawakan ako sa aking magkabilang balikat. "Ofcourse naaalala ka nila. And I'm sure miss ka na din niya," malambing na sabi niya sa akin.
Mas lalong humaba ang aking nguso. "But why do I feel like they forgot about me na? Hindi na siguro nila ako love," malungkot na sabi ko.
Mas lalo akong hinila ni Tita Giselle palapit sa kanya, marahan niyang hinaplos ang pisngi ko para paharapin ako sa kanya.
"Love ka nila. Kaya nga wala ang Daddy mo dito dahil nagta-trabaho siya sa Manila para sayo," marahang paliwanag niya sa akin.
Marahan din akong napailing. "If it is really for me...then bakit hindi ako happy? Mas gusto kong maging poor with them, Kesa maging rich na mag-isa lang ako," paliwanag ko kaya naman natawa si Tita Giselle.
"Who told you na mag-isa ka lang? You have me, si Tito Keizer, si Gertie, and si Yaya Esme. Marami kaming love ka," laban pa niya.
Nanatili ang tingin ko sa baba. Kahit ramdam ko ang sincerity ni Tita Giselle ay hindi ko pa din maiwasang malungkot. I really want to be with Mommy and Daddy. I envy Gertie for having a complete family. I know na masama ang mainggit, but what I feel naman is...mainggit in a good way. To make it as inspiration.
Hindi na nakapagsalita pa ulit si Tita Giselle, she just higged me tight bago nila ako niyaya na doon na matulog with them.
"Thanks for the invite pero I'm too big na po to join you there," sabi ko at tinuro po ang malaki nilang kama kung saan nakahiga sa gitna si Gertie.
Nakahiga siya sa gitna na para bang sa kanya ang buong higaan na iyon. I find it very cute kaya naman I decided not to ruin their family time.
Hinatid ako ni Tita Giselle pabalik sa room ko. Siya pa ang nag-ayos ng blanket sa akin.
"Darating bukas si Rafael, he's a bit older than you. I think magkakasundo din kayo kagaya nila ni Gertie," kwento niya sa akin.
Nagkibit balikat ako. "I hope so..." sambit ko kahit ang totoo....I don't care na kung sino ang may gusto at ayaw sa akin.
Hindi naman ako mamamatay kung maraming may ayaw sa akin. And I don't have all the time in the world for me to explain my side all the time.
Late na akong gumising the next morning, imbes na lumabas na ay kumuha na lang ako ng food sa own fridge ko and madami din naman akong food choices. I careful place my drink and food sa study table ko, ingat na ingat para hindi madumihan ang drawing book ko.
I'm still working sa second family picture namin na ginagawa ko. Some of our family portrait ay naiwan sa old house namin. Hindi ko na din alam kung saan na iyon napunta.
Mas lalo akong hindi lumabas ng room ko ng marinig ko ang pagdating ng mga visitors. Mula sa window sa room ko ay nakita ko ang ayos ng garden, there's a long table, at ayos na iyon iyon. Looks like we will eat our lunch sa garden this time.
Nakarinig ako ng katok, mabilis akong tumakbo para buksan iyon sa pag-aakalang maybe it's Tita Giselle or Yaya Esme.
Humigpit ang hawak ko sa doorknob at sandaling napatigil when I saw kung sino iyon.
"Lola..." tawag ko sa kanya.
Kahit walang ginagawa ay halatang she's strict talaga. Her approach is a bit scary talaga for me. Sa akin lang naman ata siya ganon, because hindi niya ako gusto.
Mula sa kanyang likod ay pumasok ang isang kasambahay na may dalang tray na may lamang pagkain.
"Wag kang lalabas, dito ka na kumain. You are not part of the family to join our party outside," she said.
Bumagsak ang tingin ko sa aking magkasiklop na mga kamay.
"Noted, Lola."
Nag-angat ako ng tingin ng marinig ko ang pag ngisi niya sa akin.
"Don't call me that, hindi kita apo para tawagin akong Lola," mapunyang sabi niya sa akin. I felt embarrased, she just slapped me with the fact na ipinipilit ko lang ang sarili ko sa kanya.
Hindi na lang ako sumagot sa kanya dahil hindi ko naman alam kung anong itatawag ko sa kanya. Baka if I call her names ay magalit pa siya sa akin, and kahit I mean no harm ay ako nanaman ang may mali.
"Wag kang lalabas dito hanggang't hindi ko sinasabi. Nasisira ang araw ko sa tuwing nakikita ko yang pagmumukha mo," sabi pa niya bago niya ako tuluyang tinalikuran.
Ang kasambahay pa mismo ang nagsara ng pinto sa aking harapan. I checked it pa kung nilock nila iyon mula sa labas, mabuti naman at hindi. Kulay na lang ay dalhin na nila ako sa atique at doon ikulong.
Tiningnan ko ang mga foods na dinala nila for me, mukha naman yummy ang mga iyon. It looks appetizing but wala naman akong ganang kumain. Like, gutom ako pero nakakatamad.
Muli akong bumalik sa study table ko para ipagpatuloy ang pagdra-drawing ko. Matapos iyon ay tsaka ko siya kukulayan.
Muli akong napatingin sa may bintana kung saan tanaw ko ang garden. They are there na and was about to start the intimate family party, nakita ko ang pagtawag ni Tita Giselle kay Yaya Esme. Ramdam ko kaagad na she asked Yaya para tawagin ako pero kaagad na lumapit sa kanila si Lola.
Nang mapagod ako sa ginagawa ay humaga na lang ako sa aking kama at tumulala sa kung saan. I feel so unwanted, para dati lang ay masaya pa ako dahil kumpleto kami nina Daddy at Mommy. Hanggang sa isang iglap, everything falls down, nawala ang lahat sa akin ng hindi ko namamalayan.
"Mommy, Daddy..." tawag ko sa kanila.
Paulit ulit ko silang tinatawag na para bang umaasa akong the wind will deliver it to them. I miss them so much, sana sinama na lang nila ako sa kanila.
Nakatulog ako ng hindi kumakain ng lunch. Almot four o'clock na din ako nagising, based sa mga story from the books that I read, sad people always sleep. Siguro sad si snow white kaya siya natulog ng matagal.
Niloloko lang pala ako ng mga fairytales, hindi naman pala lahat ng Princess ay masaya.
"Vera..." marahang tawag ni Tita Giselle sa akin. Narinig ko kaagad ang pagkatok niya.
Gumapang ako pababa ng kama para lumapit sa pinto at pagbuksan siya.
"Halika, ipapakilala kita kay Rafael," yaya niya sa akin.
Hindi ko pa din binubuksan ng malaki ang pinto ko, and she respect that. She let me.
"Lola said na wag po akong lalabas dito hanggang hindi niya sinasabi."
Napabuntong hininga si Tita bago siya humawak sa may pintuan.
"Can I come in?" tanong niya sa akin.
Marahan akong tumango at kaagad na nilakihan ang bukas ng pintuan para makapasok siya. Naglakad ako pabalik sa aking kama para umupo doon, tahimik na nakasunod si Tita Giselle sa akin hanggang sa makita niya ang food ko na hindi man lang nagalaw.
"Hindi ka kumain," puna niya.
"I'm not hungry po, and I have no gana," pag-amin ko sa kanya.
Umupo siya sa tabi ko, ramdam ko ang paghaplos niya sa aking ulo.
"May gusto kang kainin? Ipapabili natin."
Marahan akong umiling, pero kaagad na uminit ang magkabilang gilid ng aking mga mata.
"Yung pambili po ng food...can I take it para may fare ako pabalik ng Manila?" tanong ko sa kanya, my voice even broke.
Pumungay ang mga mata ni Tita Giselle, hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap.
"Vera..." marahang tawag niya sa aking pangalan.
Ginantihan ko ang yakap niya sa akin na para bang si Mommy ang kayakap ko. I miss her so bad, si Mommy ang bestfriend ko noon, siya pa din naman up until now pero she left me.
"Siguro bad talaga ako kaya ako iniwan ni Mommy and Daddy. Kasi I always asked them to buy me a pony," naiiyak na kwento ko kay Tita Giselle.
"That's not true, hindi ka bad," paninigurado niya sa akin.
Nanatili akong tahimik habang nakayakap pa din kay Tita Giselle. Atleast I have her kahit hindi ko naman siya totoong Mommy. Kahit she has no responsibility naman para alagaan ako.
Sinama ako ni Tita Giselle palabas ng garden, wala si Lola and ang mga visitors ay wala na din.
Yakap ko ang drawing book ko at ilang coloring materials dahil doon ko na lang sa garden ipagpapatuloy ang ginagawa ko.
Tili ni Gertie ang kaagad kong narinig at tawa ng isang lalaki. Nakita ko si Yaya Esme na nakasandal sa may pinto habang naka-upo sa may picnic cloth at nagbabasa ng kanyang pocketbook.
"Rafael!" tawag ni Tita Giselle dito.
Imbes na yung Rafael yung tumakbo palapit sa amin ay ang tumitiling si Gertie ang tumakbo para lumapit sa Mama niya. Natawa si Tita Giselle at kaagad na lumuhod sa bermuda grass para salubungin ang pagtakbo ni Gertie.
"Mama!" tili nito at kaagad na yumakap kay Tita.
Kasunod ni Gertie ay ang isang lalaking may matangkad sa akin, and for sure mas matanda din sa aking ng ilang taon.
Mula kay Tita Giselle at Gertie ay lumipat ang tingin niya sa akin. Nagtaas siya ng kilay bago niya pinasadahan ng tingin ang aking kabuuan.
"Kuya Rafael, I want you to meet Vera. Cousin din siya ni Gertie sa side ni Tito Keizer mo," pagpapakilala ni Tita sa akin.
Tumango si Rafael at kaagad na naglahad ng kamay sa akin. Kumunot ang noo ko kaya naman bumaba ang tingin mo sa kamay niya. I left that hanging, we are not close pa para makipag-kamay ako sa kanya.
"She's a bit shy pa, but don't worry. You'll go along well soon."
Tumaas ang isang sulok ng labi ni Rafael bago niya dahan dahang ibinaba ang kanyang kamay. Umirap ako at tumingin sa kung saan. Not because he's ahead sa akin at mas matangkad ay matatakot na ako sa kanya.
I don't need a Kuya kung bad lang din kagaya ni Madam Cressida.
"Let's go, Gertie." Yaya niya sa pinsan ko.
Kaagad na humiwalay si Gertie kay Tita para sumama dito. Muli silang tumakbo sa kung saan kaya naman hinatid na ako ni Tita sa may table malapit sa puno kung saan nakalatag ang picnic cloth ni Yaya Esme.
Kumaway siya sa akin kaya naman tipid ko siyang nginitian. Iniwan ako ni Tita Giselle doon dahil she's help the househelpers pa daw to prepare for our mirienda.
Rafael will stay here for the whole summer, that answers kung bakit sila close ni Gertie.
"Yaya Esme, help me!" sigaw na tili ni Gertie ng may kung anong inilalapit na insect si Rafael sa kanya.
Kumunot ang noo ko at itinigil ang ginagawa para panuorin silang dalawa.
"Hindi ito nanga-ngagat. Tutubing karayom lang ito," nakangising sabi ni Rafael kay Gertie as if naman na may pakialam ang cousin ko eh it's pare-pareho lang naman na insect.
"Sabihin mo, Tutubi..." pagtuturo niya kay Gertie.
"Tu-tutubig..." maling sabi ni Gertie kaya naman kaagad na humalakhak si Rafael.
"Tutubi!" pagtatama niya sa pinsan na mas lalo niyang ikinatawa.
Pumapalakpak si Gertie at nakitawa dito without even knowing na he's mocking her. My poor innocent cousin.
"Tutubig" paguulit ni Gertie at pumalakpak pa habang itinuturo ang insectong hawak ni Rafael.
I can't help myself, tumayo na ako para lumapit sa kanila. Kita ko ang gulat at pagtataka sa mukha ni Rafael ng makita niyang matalim ang tingin ko sa kanya. Nang huminto ako sa harapan nila ay tsaka ako humalukipkip.
"Look at you, imbes na you'll correct her ay pinagtawanan mo pa!" kastigo ko sa kanya.
His jaw dropped. I don't care!
"You make fun of her, isusumbong kita kay Tita Giselle," pananakot ko pa sa kanya kahit I know naman na hindi siya matatakot. I just want a better childish rebutt.
Hindi pa din siya nakapagsalita kaya naman inirapan ko na siya. Lumuhod ako para pantayan si Gertie.
"Gertie, that's mali. It's not tutubig," giit ko sa kanya.
Hinawakan ko pa siya sa magkabilang balikat para paharapin sa akin. I want her to learn from me.
"Repeat after me, say tutu...bee. Tutubee" pagtatama ko.
After I say that ay nilingon ko si Rafael at pinagtaasan pa ng kilay. Kung nalaglag na ang panga niya kanina, mas ngayon.
Naging mailap din ako kay Rafael kahit mukha naman nice siya like Tita Giselle. I'm scared lang na ma-attach sa ibang tao because I'm scared na they will leave me them soon. I don't want to be independent in someone's presence kasi I'm giving them the rigths lang to hurt me anytime they want.
Nagkagulo sa bahay ng sabay sabay na dumating ang gowns and suits para sa party. After a couple of days ay nagawa kaagad iyon as requested by Lola.
"Walang natulog hangga't hindi tapos ang lahat, Madam."
Tuwang tuwa si Lola because of the outcome ng mga gowns na susuotin nila for the Escuel Party daw, tahimik lang akong nanunuod sa kanila sa may gilid. Though tanggap kong hindi ako makakasama sa kanila, I'm excited para sa susuotin nila.
"Walang gown si Senyorita Vera?" rinig kong tanong ng isang kasambahay.
"Wala, hindi isasama ni Senyora Cressida dahil hindi naman daw Montero," sagot ng isa na kunwari ay ayaw nilang marinig ko iyon pero naririnig ko naman.
"Kawawa naman..." sabi pa ng isa kaya naman sumimangot na ako.
I'm too pretty para kaawaan nila. Imbes na manatili pa doon ay tahimik na lang akong umakyat sa room ko. Na-hurt ako ng kaunti ng malaman kong isasama ni Lola si Rafael at mayroon din siyang pinagawang suit para dito.
Saturday came, maaga pa lang ay busy na ang buong Mansion para sa preparation for the party later. Dinner time pa iyon pero masyadong invested si Lola to the point na she wants everything to be perfect.
"Yaya Esme, super important po ba ng party na ito?" tanong ko kay Yaya ng makasama ko siya sa may kitchen.
Abala siya sa ginagawa sa kusina pero nagagawa pa din naman niyang sumagot sa akin.
"Lahat ng mayayaman dito sa Sta. Maria, kahit yung mga taga ibang bayan...nandoon sa party na yon."
Napatango ako bago ko muling isinawsaw ang oreo ko sa milk na ginawa ni Yaya for me. Pinatulog si Gertie pagdating ng hapon para gising siya mamayang gabi.
Natahimik ako habang kumakain kaya naman tumigil si Yaya Esme sa ginagawa para lumapit sa akin.
"Gusto mo bang sumama sa party?" tanong niya.
Marahan akong umiling. "I heard na hanggang late night iyon, Ayong magka-eyebags."
Tumawa si Yaya Esme. "Ikaw talagang bata ka!"
Maaga akong pumunta sa room lalo na ng maghanda na sila para umalis. Nanuod na lang ako ng movie sa room ko. Kahit paulit ulit ko ng napapanuod ay hindi pa din ako nagsasawang manuod ng mga Princess movie. Sa ngayon, nanunuod nanaman ako ng Cinderella.
The scene was with the fairy godmother na ng bigla akong makarinig ng pagkatok. Hindi pa man ako nakaka-upo ng maayos ay kaagad ng pumasok si Yaya Esme dala ang isang blue flowy gown.
"Bumango ka na diyan, Cinderella. Sasama ka sa party!" sabi ni Yaya sa akin at ramdam ko din ang excitement niya para sa akin.
Si Yaya Esme ang nag ayos ng buhok ko, she even put some light make up sa face ko.
"Yan no make up look," pagbibida niya sa akin kaya naman natawa kaming pareho.
"Alam po ba ito ni Lola?" tanong ko sa kanya habang tinutulungan niya akong magbihis.
"Oo, pero si Senyorita Giselle ang nagpagawa ng gown na ito para sayo," kwento niya sa akin.
"I really love this...mukha na ba akong si Cinderella, Yaya Esme?" tanong ko sa kanya.
Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko. "Mas maganda ka pa kay Cinderella."
I'm all smile pagkababa ko ng hagdan. Even ang mga house helper na pinaguusapan ako kanina ay natahimik ng makita nila ang aking pagbaba.
"Ate Vera is so pretty...right , Love?" malambing na tanong ni Tita Giselle kay Gertie.
Kaagad akong tumakbo palapit sa kanya at yumakap. "Thanks for the gown, Tita."
Tumikhim si Lola, sumama ang tingin niya sa akin bago siya umirap at nagiwas ng tingin.
"Umalis na tayo."
Kagaya ko ay tahimik lang din si Rafael, looks like ayaw niya nitong party pero wala siyang choice kundi ang sumama.
Napaawang ang bibig ko ng makita ko kung saan pumasok ang aming sasakyan.It's the White Castle na nadaanan namin ni Daddy.
"Bakit?" tanong ni Rafael sa akin na kanina pa ata pinapanuod ang ginagawa ko.
"What?" tanong ko pabalik sa kanya.
Ngumisi siya sa akin. "Feeling mo naman si Cinderella ka," pangaasar niya sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
Bumaba ang tingin ko sa suot niya. It look good on him, wala naman akong masabing hindi maganda pero hindi din naman ako magpapatalo.
"And so? Feeling ko talaga si Cinderella ako kasi I'm pretty naman," laban ko sa kanya.
Tumahimik si Rafael ng huminto ang sasakyan sa tapat ng front door ng Castle. Even ang door nila...it's a mixture of white and gold. Mas lalong naging magical ang buong lugar and ang mismong loob ng bahay dahil sa mag nagkalat na red roses.
"Wow..." hindi ko na napigilan ang sarili ko ng makita ko ang malaking chandelier sa loob. Parang bigla akong nakapasok sa Princess movies na pinapanuod ko.
"Keizer, bantayan niyong mabuti ang batang iyon. Wag niyo hayaang ipahiya ng batang iton ang pamilya natin," suway ni Lola kay Tito Keizer tukoy sa akin.
Dahil sa narinig ay kaagad akong umayos ng tayo. I need to act like a real life Princess, while Madam Cressida ay simula pa lang ay in character na.
Dinala nila kami sa likod ng bahay kung saan makikita ang malaki nilang garden, even yung mga plants nila ay may mga shape pa.
Naging abala kaagad si Lola dahil sa mga kakilala. Ganoon din sina Tita Giselle at Tito Keizer.
Nilingon ako ni Rafael na para bang he is ready to be my bantay, at kung makatingin siya ay parang isa akong makulit na bata na dapat talagang bantayan. I'm not!.
Tumakas ako sa kanya ng sandaling mawala ang tingin niya sa akin. I want to explore more of this Castel. Mula sa garden ay muli akong pumasok sa loob ng bahay. Nakita ko ang grand staircase nila na nababalot din sa gold color ang hawakan, the stair itself ay gawa sa marble.
I was about to take some step paakyat ng magulat ako dahil sa narinig na boses mula sa aking likuran.
"Saan ka pupunta?" matigas na tanong nito sa akin.
Kaagad ko itong nilingon. Nanlaki ang mata ko ng makita kong nakasimangot ito sa akin, he looks like a Prince pa naman sana dahil sa suot na white trench coat.
"We are not close for me to tell you," laban ko.
Nagtaas siya ng kilay. Hindi nagbago ang pagiging masungit ng mukha niya.
"Wala sa itaas ang party. Nasa garden, ihahatid kita palabas."
Nanlaki ang mga mata ko, "Who are you ba? Hindi kasi ako nakikipag-usap sa mga strangers na idol si Snoopy," sabi ko pa sa kanya kaya dahil sa suot niyang all white. Mas lalong kumunot ang noo niya.
He was about to take a step para hawakan ako ng kaagad kaming may marinig na boses mula sa itaas. Kaagad kong nilingon ang taong pababa.
He is all smile, he has a perect set of teeth. He looks like a real Prince Charming. Sabi ko na may Prince Charming sa Castle na iyon, sandaly may Beast din iyon ang lalaki sa likuran ko.
"Let her explore the whole house, Julio."
Tumikhim ang nasa likod ko, "Our house is not some tourist spot para gawing pasyalan, Kuya August."
Mas lalong ngumiti ang lalaki sa aking harapan. "What's the name of the Princess then?" tanong niya sa akin.
"Vera," mahinang sambit ko.
"Nice to meet you, Vera. I'm August Escuel, and my brother..." turo niya sa lalaki sa likuran ko.
"Julio Escuel"
Isang beses kong tinapunan ng tingin yung Julio bago bumalik ang tingin ko kay August.
"I like your name more kahit July ang birthday ko," nakangiting sabi ko sa kanya.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro