Chapter 16
Bruno
Nasa loob lang ako ng room ko the next day dahil dumating nanaman ang mga Herrer. I don't have a problem naman with them at all. Kung hindi lang ako ang nahihirapan everytime I saw how hard it is for Piero to maintain his pag-irap sa akin ay baka tabihan ko pa siya.
Sandali kong pinanuod ang tawanan nila sa may garden bago ako napabuntong hininga at muling bumalik sa pagkaka-upo at binuksan ang librong binabasa ko. Gertie tried to invite me na makihalubilo sa kanila pero I think mas better kung hindi na lang muna. I don't want to cause any trouble, at baka masira lang ang kasiyahan nila of awkward ang atmosphere sa pagitan namin ni Piero.
Tahimik na sana ang lahat hanggang sa magkaroon ng kaguluhan. I also want to cry ng malaman kong nawawala si Yaya Esme. She was kidnapped, bumalik ang lahat ng takot sa akin. Hindi ko nanaman alam ang gagawin ko sa oras na may hindi magandang mangyari sa kanya.
Pero I need to be strong ng makita kong nauna ng umiyak si Gertie.
"Shh...Don't cry, Gertie. Makikita ka ng anak mo, wag kang umiyak sa harap nilang lahat," suway ko sa kanya. I don't want to see her cry, mas lalo lang bumibigat ang dibdib ko.
Mahigpit siyang yumakap sa akin kaya naman niyakap ko siya pabalik. Humiwalay lang siya sa akin ng marinig niya din ang iyak ni Gianneri. I think ramdam ni Gianneri na nasa panganib si Yaya Esme. Close pa naman silang dalawa at mukhang magiging part pa ng squad ni Yaya Esme.
Naikuyom ko ang kamao ko ng dumating si Bea na anak ni Mang Henry. Si Mang Henry ang suitor ni Yaya Esme then this Bea bitch ang anak niyang pati si Gertie ay inaaway.
"Selfish ka kasi, You bitch," gigil na sabi ko sa kanya. I don't care kung madaming tao and nandito ang buong pamilya ni Eroz. Kung hindi lang ako kalmado ay baka nasampal ko pa siya.
Kumalma din ako ng dumating si Alice. I really need a friend as of this moment. Ramdam ko din ang tingin ni Hobbes sa akin na para bang gusto niya akong lapitan kanina pa pero I did my best para lang hindi magtagpo ang mga mata namin.
Kailangan ko na siyang iwasan dahil he's not healthy for me, and sa friendship namin ni Alice if ever na lumalim pa ang kung anong appreciation ko sa kanya.
Buong gabi akong gising para bantayan si Gianneri. Umalis sina Gertie kasama ang mga cousins ni Eroz para iligtas si Yaya Esme. Gusto ko din sanang sumama pero baka hindi ko kayanin.
I'm a strong person pero if nandoon na sa ganoong situation ay baka ang pag-iyak lang ang maging ambag ko.
"Damn, ang iingay!" reklamo ko pagkababa ko kinaumagahan. Sa amin naiwan ang lahat ng bata.
Inirap ko ang mga nagkalat na laruan sa sahig lalo at ramdam ko ang tingin ni Hobbes sa akin. Lumipat ang tingin ko kay Alice na karga ngayon si Gianneri.
"Akin na nga si Gianneri, siya lang naman ang pamangkin ko," sabi ko sa kanya kaya naman humaba ang nguso ni Alice pero nanatili akong nakasimangot.
Niyakap at hinalikan ko kaagad ang tahimik na si Gianneri. Hindi karaniwan iyon for me dahil alam ko kung gaano kadaldal ang batang ito. She's sad talaga kaya naman I really need to be strong for her.
Napahinto ako sa paglalakad ng may humarang na baby sa paanan ko. Siya yung kanina pa gapang ng gapang and yung nagkakalat ng mga laruan. Kung may naapakan lang ako at sumakit ang paa ko ay siguradong sa garden ang bagsak nilang lahat.
"Ayoko sayo, kamukha mo si Piero," sabi ko dito. Even without a word or introduction ay alam mo kaagad na si Piero ang ama ng batang iyon dahil kamukha niya.
I don't want to be rude sa mga bata. Pero mas better ng hindi ako maging close sa kanila dahil I think I can keep naman yung mga tao sa paligid ko.
Marahan akong umupo sa single couch ng marinig ko ang iyak ni Primo na mabilis pinatahan ni Alice. Pinagtaasan ko siya ng kilay. Nakaka-awa ang mga umiiyak na baby pero ang cute nila.
Ramdam ko ang care ni Hobbes sa akin ng lapitan niya kami ni Gianneri. Kita ko din ang pag-iwas ng tingin ni Alice sa amin. She even decide pa nga na ilabas na lang si Primo para siguro maka-iwas sa amin.
Nakahanap ako ng chance na magkasama sila ni Hobbes ng may request ang mga bata about their pancakes. Naiwan ang mga makukulit na bata sa akin ng umalis sina Alice at Hobbes. Mabuti na lang at kasama ko si Tita Afrit dahil kung hindi ay baka bumalik sila Alice na white na ang lahat ng hair ko.
"Dear, Tita is here..." malambing na bulong ko kay Gianneri.
Tahimik lang siyang nakasandal sa aking dibdib. She don't have fever naman o ano, matamlay lang talaga siya. She really feel din siguro talaga yung absense ni Yaya Esme.
"Gianneri..." malambing na tawag ko sa kanya at paulit ulit kong hinalikan ang uli niya. Habang ginagawa ko iyon ay marahan kong hinaplos ang kanyang likuran.
Lumipat ang tingin ko sa anak ni Piero na si Primo, may sarili siyang mundo habang nilalaro ang mga sasakyan na nakakalat sa sahig.
"May titingnan lang ako sa kitchen, Vera." paalam ni Tita Afrit sa akin.
"Sure, Tita Afrit. Don't worry wala silang bukol pag balik mo..." sabi ko sa kanya kaya naman nalaglag ang panga niya at tahimik na lang na pumunta sa may kitchen.
Tumayo ako at lumapit sa tahimik ng si Primo na kanina lang ay halos mamula dahil sa pag-iyak. Lumuhod ako kaya naman umalis sa pagkakasandal si Gianneri sa aking dibdib.
Ipinakita ni Primo sa akin ang hawak na sasakyan at nag-ingay na para bang kinakausap niya ako.
"What? You're so maingay ha," sita ko sa kanya. Imbes na matakot ay lumapit pa siya sa akin at inabot ang kanyang sasakyan na para bang akala niya makikipaglaro ako sa kanya.
Inayos ko ang pagkakakarga kay Gianneri para iharap siya sa pinsang si Primo. Tiningnan lang siya ni Gianneri, I thought magiging maingay na siya pag nakakita siya ng kagaya niyang baby pero I'm wrong.
"You're so matamlay, don't scare Tita..." pagkausap ko sa kanya. I
Saktong pagtayo ko ng mapahinto ako ng makita ko si Julio na kakapasok lang sa may living room. Walang emotions ang tingin niya sa akin kaya naman tiningnan ko lang din siya.
"Ninong Julio is here," sabi ko kay Gianneri ng makita kong nasa kanya din naman ang tingin ni Julio.
Napabuntong hininga siya at dahan dahang lumapit sa amin. Hindi ko naman ipagdadamot si Gianneri sa kanya dahil isa din siya sa mga Ninong nito.
"Kamusta..."
"Me? Ayos lang," sagot ko kaagad ng hindi man lang pinatapos ang tanong niya.
Tamad niya akong tiningnan. "Si Gianneri," sabi niya sa akin kaya naman humaba ang nguso ko at umirap na lang.
"She's matamlay. I think just like me...malungkot din siya because Yaya Esme is not around," mahabang sagot ko sa kanya.
Lumapit siya lalo sa amin. Mas lalo kong naamoy si Julio ng kuhanin niya si Gianneri sa akin. Mabilis naman na sumama ito kaya napanguso ako.
"Sinabihan ako ni Eroz na kamustahin kayo dito," matigas na sabi niya na para bang he said that to me para hindi ako mag-isip ng kung ano.
Hindi naman kaya ako nag-iisip ng kung ano. Siya lang naman tong nago-overthink.
"We are fine naman here kahit nag-aalala kami sa situation," sagot ko sa kanya.
Bumaba ang tingin ko ng makita kong hinalikan niya ang ulo ni Gianneri kaya naman mas lalong humaba ang nguso ko. Tumingin sa akin si Gianneri matapos siyang halikan sa ulo ng Ninong Julio niya. Looks like ini-inggit pa niya ako.
"Ikaw lang dito? Asaan na sila?" tanong pa niya.
Kaagad akong tumango. "Ako lang mag-isa ang nag-aalaga sa lahat ng makukulit na batang to," sabi ko at tinuro ang mga bata at isang beses na inirapan ang baby ni Piero. Hindi naman ako galit sa baby, I want to try lang talagang mag-paiyak ng baby dahil super satisfying non.
Ramdam ko ang tingin ni Julio sa akin kaya naman matamis akong ngumiti. Bago pa man siya makapagsalita ay lumabas na mula sa kitchen si Tita Afrit kaya naman tamad na tumingin si Julio sa akin na para bang it's malaking kasalanan.
"Ok, I lied...happy?" pag-amin ko sa kanya pero inirapan niya lang ako.
Nang makita si Tita Afrit ay hindi na ulit niya ako kinausap pa. Even nung ibalik niya sa akin si Gianneri, wala siyang iniwan na kahit isang word sa akin. Sobrang effort talaga ang ginagawa niya para lang iwasan ako. Kawawa naman si Julio, pagod na pagod iparamdam sa akin na he doesn't like me.
"Mauna na po ako, babalikan ko pa sina Eroz," paalam niya kay Tita Afrit. Nagtuloy tuloy siya sa paglabas ng hindi man lang ako tinapunan ng tingin. So bastos!.
Humigpit ang yakap ko kay Gianneri at bumaba pa ang tingin sa ulo niyang hinalikan ni Julio kanina. Mabigat sa dibdib na para bang I feel nabastos because hindi man lang niya nire-recognize ang presence ko. Pero we can't force naman everyone to treat us kung paano nila I-treat ang ibang tao.
"Ang important love ako ni Gianneri. Di ba, Dear?" malambing na tanong ko sa kanya.
Napangiti ako ng pagbalik nina Hobbes at Alice ay may dala siyang bulaklak para sa akin. He said na he bought it daw to brighten my day kahit papaano and he did. Ang kaso ay na-hold back ang saya ko ng maalala kong Alice is around and kung totoo man ang conclusion ko na he likes Hobbes, ayokong masaktan ang kaibigan ko.
Nasa may dinning area kami habang pinapakain nina Tita Afrit at Alice ang bata. Tahimik lang ako habang pinipilit ang sarili ko na kumain kahit I have no gana naman talaga.
"Tutulong na po ako sa pagluluto, Tita." si Alice kay Tita Afrit.
If pagluluto ang pag-uusapan. I can cook naman, kaso limited lang ang alam ko.
"Buti na lang at nandito ka," pahabol ni Tita Afrit kay Alice.
Kaagad akong sumangayon. "That's true, Tita Afrit. Magaling magluto si Alice, lalo na yung chicken feet na adobo flavor," sabi ko sa kanila.
Napaayos ng upo si Hobbes at nakangiting tumingin sa akin. "Kumakain ka pala non?" namamanghang tanong niya sa akin na para bang it's not kapanipaniwala.
Tumango ako hanggang sa mapangiti ng maalala ko kung paano ako kumain ng adobong chicken feet habang hawak iyon ni Julio because it's messy to eat with my bare hands.
Mas lalong gumaan ang pakiramdam ko ng lumipat kami sa may garden and we received a news na ligtas na si Yaya Esme at wala naman masyadong nasaktan bukod sa nadaplisan ng bala si Piero sa braso niya.
"Girls, you want pizza? What do you want for snacks?" tanong ko kina Kianna, Cassy, at Prymer.
Tumigil si Prymer sa paglalaro at lumapit pa talaga sa akin. Tipid ko siyang nginitian, no doubt talaga na anak din ito ni Piero.
"Yes po, Tita Vera," she said sweetly.
Nagtaas ako ng kilay sa kanya. "Sure, Tito Hobbes will order for us," sabi ko sa kanya.
Nagulat ako nang tumalon talon siya sa harapan ko, she even hugged my legs.
"Oh damn, anak ka pa din ni Piero," asik ko. Masyado siyang sweet for me, dapat nga ay matakot sila sa akin dahil kanina ko pa sila sinusungitan.
"Thank you, Tita Vera. Super mabait ka pala," malambing na sabi niya sa akin kaya naman naging pilit ang ngiti ko.
Baka soon she'll regret what she said pag nalaman niya ang ginawa ko noon sa Mommy niya. Napabuntong hininga na lang ako at lumuhod para sa harapan niya para punahin ang fulls bangs niya, ganito din ang hairstyle ni Amaryllis noon.
"Ang disgusting ng bangs mo, just like your Mom...before," sabi ko sa kanya. I did not mean it naman, gusto ko ngang sabihin sa kanya na she's cute with that bangs pero I feel like it's so corny to be sweet sa kanila.
Mas kumportable pa nga ata ako na bad ang tingin ng lahat sa akin. Hindi ako sanay na masabihan ng mabait ako, maybe sanay na akong maging evil ex-princess sa mata ng lahat. Pag bad ang tingin nila sa akin, hindi nila ako lalapitan. Hindi ko kailangang makipagusap sa kanila, I'm fine being alone na talaga.
It's a good thing din naman na I can stand alone, pero ang scary din kasing masanay. Ang scary na sanay kang mag-isa, sanay kang malungkot. Ang scary na you feel like you don't deserve to be happy kaya normal lang na malungkot ka.
"Julio!" tawag ko sa kanya ng dumating siya while we are in the middle of picnic sa garden.
Kahit malaki ang ngiti ko sa kanya at tamad niya lang akong tiningnan at nilagpasan pa. Napanguso ako ng maalala ko nanaman na ganyan din siya sa akin kanina. He treat me like parang hangin lang ako.
Gusto ko sanang magtampo minsan kay Julio pero everytime nakikita ko siya ay excited ako. I miss him. Kahit masungit na talaga siya sa akin before ay kinakausap pa din naman niya ako. Ngayon ayaw niya kahit ata ang makita ako.
Kita kong mukhang tungkol sa trabaho ang pag-uusapan nila and seriouse iyon. Pansin ko ang antok at pagod sa mata ni Julio. Kung aawayin niya ako everytime nagkikita kami, pwes hindi ko siya gagayahin. Siya lang naman ang mapapagod na awayin ako.
"Magpapahanda ako ng coffee," sabi ko sa kanila at kaagad na dumiretso papasok sa loob.
Hindi din naman ako nagtagal sa loob dahil pag balik ko with coffee ay kasama ko na si Alice.
"So tuloy na tuloy na talaga ang project para sa bagong mall dito. I'm happy for you...guys," sabi ko sa kanila.
Naitikom ko ang bibig ko ng makita ko kung paano tingnan ni Julio si Alice na nasa likuran ko. Parang nagiging invisible ako sa mata niya at tumatagos ang tingin niya sa akin. Hindi niya talaga ako gusto.
"Oh, ayaw mo ng pineapple sa pizza mo?" tanong ko kay Alice ng makita kong she make effort talaga to seperate the pineapple toppings.
"Kakainin niya yan pagkatapos," tamad na sagot niya sa akin kaya humaba ang nguso ko.
Ang dami niyang alam tungkol kay Alice. Looks like super close talaga sila. I'm happy na kahit wala na si August at ako dito noon ay marami siyang naging friends. I'm happy for him. Kung alam lang sana niya na hindi naman ako nagbago, I'm always here naman for him kagaya ng promise ko noon. Siya lang naman itong nagbago sa akin.
Naging maayos na ang lahat ng umuwi si Yaya Esme ay walang kahit anong lumabas na words sa bibig ko. Mahigpit ko lang siyang niyakap. Nagreklamo na lang siya na she can't breathe na daw dahil sa sobrang higpit nuon.
Hindi nanaman naging maayos ang tulog ko ng gabing iyon kaya naman kahit puyat ay nagising ako ng maaga and decided na mag jogging ulit.
Madalim pa lang ay nakatayo na ako sa front door and do some stretching para hindi mabigla ang katawan ko pagtumakbo na ako. Ayokong lumabas hangga't hindi ko pa nakikita ang sign na palabas na ang araw.
Same route lang ang pinuntahan ko at tumigil ng makarating na ako sa plantation. Malayo ang tingin ko while I'm still catching my breath. I'm happy naman to be here dahil kasama ko sina Gertie, Gianneri, at Yaya Esme. Pero minsan I asked my self din kung what if nag stay na lang ako sa America. Tahimik naman na ang life ko doon, bakit nga ba ulit ako bumalik dito?
What is the real reason kung bakit ka pa bumalik dito, Vera?
I asked my self for the nth time hanggang sa lumipat ang tingin ko sa mansion ng mga Escuel. I really want to bring back yung original na itsura ng Castel nila. It's fulfilling for my part if ever payagan ako ni Julio na tulungan siyang ibalik iyon sa dati. For his family's memory na din.
"Tao po!?" sigaw na tawag ko sa labas ng gate.
Nakita kong bukas ang gate, hindi iyon naka-lock just like before kaya naman isang tulak mo lang ay makakapasok ka. Nagdalawang isip pa ako kung hahawakan ko ang gate, it's sobrang makalawang. Gamit ang pointing finger ay tinulak ko iyon pero ako lang din ang nahirapan kaya naman sinipa ko na lang dahilan para tumunog iyon ng malakas.
Mariin akong napapikit sa takot na bigla na lang lumabas si Julio na walang suot na pang-itaas at pagalitan nanaman ako.
"Hindi ko sinasadya!" laban ko pa kung naririnig man niya.
Nagtaas ako ng kilay ng walang Julio na luamabas and nagalit sa akin kaya naman nagtuloy tuloy ako sa pagpasok. Ever step papasok sa loob feels like lahat ng memories ko dito before ay bumabalik sa akin. Parang it's yesterday lang.
Nilingon ko ang frontdoor at malungkot na napangiti ng maalala ko si Tita Alexandra na nakatayo doon while waiting sa pagdating ko.
"I miss you, Tita..." sambit ko. I hope she can hear me.
Unang tingin pa lang ay halatang naka-lock na ang frontdoor kaya naman umikot ako sa likod papunta sa may back door papasok sa kitchen. Ilang hakbang na lang ang layo ko ng mapasigaw ako sa gulat ng may tumahol na aso sa akin.
"Help!" sigaw ko ng makita kong tumakbo palapit sa akin ang isang bulldog.
"Tulong! Julio!" sigaw na tawag ko sa kanya.
Napatakip na lang ako sa aking magkabilang tenga sa takot na kagatin ng aso ang legs ko.
"Bruno!" rinig kong suway ni Julio sa kanyang aso.
Dahan dahan akong napadilat ng tumahimik na ito at umupo sa aking harapan habang nakalawit ang dila niya.
Napahawak ako sa aking dibdib bago ako naglahad ng kamay kay Julio for him to save me. Pwede na siyang prince charming at iniligtas niya ako from a bulldog...really?
"Sinong nagsabi sayong pwede kang pumasok dito?" masungit na tanong niya sa akin pero hindi ko pinansin dahil ang mga mata ko ay nasa aso niya.
Lukot ang mukha nito at para bang alaways ding nakasimangot. Mula sa pandak na dog ay umakyat ang tingin ko kay Julio. Napaawang ang labi ko ng makita kong pareho silang nakasimangot sa akin.
Anak ba ni Snoopy ang bulldog na ito? What a breed.
"Anong ginagawa mo dito, Vera?" matigas na tanong niya ulit sa akin.
"Ang pangit ng aso mo," wala sa sariling sambit ko kaya naman lalo siyang sumimangot.
"Bruno..." tawag niya dito kaya naman tumayo ang aso at nakita ko kung paano siya naging ready na para bang isang sabi lang ni Julio ay ready na siya to bite my white flawless long legs.
"It's a joke ok, it's a joke lang...ang cute nga ng dog mo," sabi ko na lang kahit hindi naman masyado.
"Lumabas ka na," pagtataboy niya sa akin.
"Pwedeng maki-inom? I'm thirsty talaga like no joke," sabi ko sa kanya pero hindi nagbago ang talim ng tingin niya sa akin.
"Hindi pwede," sabi niya sa akin at lalapitan pa sana ako para palabasin.
"Why naman ang damot mo sa water?
"Isang beses kitang papa-inumin, dalawang beses...hanggang sa masanay ka? Hindi na," masungit na sagot niya sa akin.
"Promise, one lang..." sabi ko at ipinakita pa sa kanya ang isang daliri ko.
Hindi nagbago ang expression ng mukha niya. Hinawakan pa niya ako sa braso para hilahin palabas. Muntik na akong ma-out of balance kaya naman hindi sinasadyang nakapahawak ako sa hubad niyang dibdib. Ang init ng katawan niya, para siyang may lagnat.
Dahil sa nangyari ay kaagad niya akong binitawan.
"Ok fine, sa kapit bahay na lang ako makiki-inom," sabi ko at inirapan pa siya.
Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ng magsalita siya.
"Pumasok ka na at umuwi pagkatapos," matigas na sabi niya sa akin.
Walang pagdadalawang isip at bigla ding nagbago ang ekspresyon ng mukha ko, matamis ko siyang nginitian at nilagpasan pa para dumiretso sa may back door.
"I miss being here..." sambit ko pagkapasok ko sa may kusina.
Dinungaw ko ang pinto papasok sa loob.
"Hanggang kusina lang," matigas na paalala niya sa akin.
Dumiretso si Julio sa refrigirator para siya mismo ang kumuha ng isang basong tubig for me.
"Pag naubos mo na, umalis ka na."
Tinanggap ko ang isang baso hanggang sa mas lalong lumaki ang ngiti ko ng may maisip na paraan para mag tagal pa ako doon. Dahan dahang simsim ang ginawa ko. Kung kayang paabutin kahit hanggang gabi ay I'll try my very best.
"Brunie..." tawag ko sa aso niya ng makita kong pumasok na din ito.
Tinahulan niya ako kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Anong tawag mo sa aso ko?"
"Brunie para cute," sagot ko kay Julio pero inirapan niya lang ako.
Bumaba ang tingin ko sa pagkain na nasa may kitchen counter. Pandesal iyon and may liver spread din. He's sipping with his coffee habang nagbabasa ng kung anong architectural magazine.
"Yan lang ang breakfast mo?" tanong ko sa kanya.
Tiningala niya ako. "Umalis ka na kung tapos ka ng uminom," masungit na sabi niya.
Pinagtaasan ko siya ng kilay. Itinuro ko ang baso na konti pa lang ang nababawas.
"I'm not yet done, hindi pa ubos," nakangiting sabi ko sa kanya pero inirapan niya muli ako.
Napakagat ako sa aking pag-ibabang labi ng makita ko ang pagkagat ni Julio sa hawak niyang pandesal.
"Can I try yung pandesal mo?" tanong ko sa kanya na ikinagulat niya.
"Ang ano, Vera?"
"The pandesal filled with liver spread..." napangiwi pa ako ng maisip ko yung itsura ng liver.
Sumimagot siya at iniusog yung lagayan ng pandesal papunta sa akin kaya naman lumapit ako sa kitchen counter para kumuha.
"I'm craving kasi again sa cheesy garlic honey toast," kwento ko kahit halata namang hindi siya interisado.
"Like you'll gonna spread butter, sprinkle it with garlic powder, top with mozarella...then you'll airfry it at 180 degrees celcius for 5 mins..." dire-diretsong sabi ko while naglalagay ng liver spread sa loob ng pandesal ni Julio.
"After that...you'll gonna drizzle it with honey, then add some pepper, some chili flakes, and parsley..." mahabang sabi ko.
"Damn it, Vera! Just it what's on the table..." asik niya sa akin kaya naman napaawang ang labi ko.
Nilibot ko ng tingin ang kabuuan ng table hanggang sa huminto ang tingin ko sa kanya.
"You mean...you?" tanong ko kaya naman halos mag-init sa galit ang mukha ni Julio.
"What? You're on the table kaya..." paliwanag ko.
Umigting ang panga niya. "Labas, umuwi ka na..." pagtataboy niya sa akin.
"Hindi pa ako done with my glass of water," laban ko sa kanya.
Marahas siyang gumalaw at inagaw sa akin ang baso at ibinuhos sa sink ang laman noon.
"Umalis ka na," sabi pa niya kaya naman humaba na ang nguso ko. I want to cry na lang talaga minsan everytime he treat me like this.
"You are so grabe talaga sa feelings ko. Don't worry...babalik na ako sa America and stay there for good. Hindi mo na ako makikita forever," sabi ko at tinalikuran siya.
Ang heavy talaga sa dibdib kaya naman bago pa man ako maging too emotional sa harapan niya ay I'll save my dignity na lang.
"Like forever and ever..." pagpapatuloy ko pa habang palabas ako.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro