Chapter 14
Appreciate
"Galit ka again?" tanong ko sa kanya.
I thought medyo ok na kami kanina. Nakikipagtawanan siya with his friends habang hinayaan niyang ipahawak ko ang chicken feet sa kanya.
"May nagawa ba akong...wrong? Mali ba ang pagkain ko ng chicken feet?" tanong ko sa kanya pero hindi pa din niya ako pinansin.
Napatingin ako sa paligid at dahan dahan kong na-realize kung bakit. Kaming dalawa lang kaya naman galit ulit siya sa akin, pero pag kasama namin ang mga friends niya ay casual naman siya.
Nakita ko kung paano ulit siyang tumungga ng hard liquor na para bang tubig lang iyon. Ako na ang napangiwi para sa kanya.
"Don't drink too much. You'll gonna drive pa pauwi," suway ko sa kanya.
Matalim ang tingin niya sa akin ng lingonin niya ako.
"Ano pa bang ginagawa mo dito?" masungit na tanong niya.
Bumigat ang dibdib ko sa klase ng tanong niya. Looks like I know a what he wants to point out.
"Uhm...house namin ito," sabi ko kaya naman mariin siyang napapikit.
"Ano bang gusto mo, Vera?" madiing tanong niya.
"Gusto ko ding maging friends kayo," sabi ko sa kanya.
Nakita kong masaya si Gertie with them. Ang sabi pa nga niya sa akin ay parang family na ang turingan nila. I want to have a real friends too!
"And you think ganoon kadali iyon?"
"Yes, if you will let me. Eh ang kaso you don't want me ata to be part of your circle of friends," sabi ko sa kanya.
Sa totoo lang ay gusto ko ng tumakbo palayo at pumasok sa bahay dahil kanina pa nagiinit ang magkabilang gilid ng mga mata ko. Sobrang bigat na din ng dibdib ko dahil sa isiping for the nth time ay wala nanamang may gustong makipag-kaibigan sa akin.
"Why ba ang init ng dugo mo sa akin?" tanong ko.
Nilapit pa niya ang mukha niya sa mukha ko para lang madama ko kung gaano kadiin ang mga salitang binitiwan niya.
"Ayoko sayo para sa mga kaibigan ko," sabi niya.
Nilabanan ko ang tingin ni Julio sa akin. Gusto kong maiyak sa harapan niya because hindi ko alam kung bakit niya ako ginaganito. Kahit nung magkita kami sa airport ay ganito na kaagad ang approach niya sa akin.
Nagtaas ako ng kilay sa kanya.
"You really think na gusto ko yung mga friends mong kumakain ng chicken feet?" laban ko sa kanya. I didn't mean it naman, they are nice naman sa akin pero the least I can do is to save my ego.
Mas lalong nagtiim bagang si Julio. Tinaas ko pa lalo ang chin ko para ipakita sa kanya na hindi ako magpapatalo sa kanya.
"Kumakain kayo ng chicken feet, chicken leeg and the dirty chicken intestine, like eww!" sambit ko.
Mas lalo akong nabigla ng ngumisi si Julio imbes na mas lalo siyang magalit.
"Sa tingin mo magugustuhan nila ang katulad mong sarili lang ang iniisip?"
"That's not true!" giit ko.
Mas lalo siyang ngumisi. "At sinungaling..."
Napatayo na ako pero si Julio ay nanatiling kalmado pa din.
"Look, kung dahil ito sa nangyari before..."
"Shut up, Vera."
Nalaglag ang panga ko. I am very willing to say sorry for what I did. I broke my promise at umalis pa ng hindi man lang nagpapaalam sa kanya. But I have my reasons naman and masyado pa akong bata noon to think na ganito ang magiging epekto kay Julio.
"How can we understand each other kung hindi mo naman ako hahayaang mag talk?" tanong ko sa kanya.
"Ayaw kitang kausap. Wag ka na ulit lalapit sa akin," sabi niya at kaagad na nagiwas ng tingin tanda na ayaw niya na talaga makipag-usap sa akin.
"Fine!" sabi ko at kaagad siyang tinalikuran.
Malalaki ang hakbang ko pabalik sa loob ng bahay. Kung hindi lang ako mukhang nasasaktan kung tatakbuhin ko ay tatakbuhin ko. I'm hurt pero hindi ko ipapakita.
Nakita ko ang paglabas nina Alice at Ericka, nagtatawanan sila at mukhang pabalik na sa garden. Napahinto sila sa paglalakad ng makita nila ang paghangos ko.
"Papasok ka na? May bagong pulutan," sabi ni Alice sa akin.
"I need a rest. Ayokong magka-eyebags," sagot ko sa kanya at nagpatuloy sa loob.
Imbes na dumiretso sa room ko ay pumunta ako ng kitchen at kinuha ang isang bottle ng wine at wine glass.
"Senyorita Vera, iinom ka nanaman?" tanong ni Yaya Esme sa akin ng maabutan pa niya akong palabas ng kitchen.
"Konti lang, Yaya Esme."
Dumiretso ako sa loob ng room ko at nagkulong. Kaagad akong nagsalin ng wine sa wine glass at ininom iyon. I can't remember kung kailangan yung huling maayos na tulog ko. I can't sleep at night kung hindi ako iinom ng wine o hindi ako pagod.
Tsaka lang ako dinalaw ng antok ng halos maubos ko na ang isang bote. It's not good for my health pero bahala na.
"You drink again daw sabi ni Yaya Esme," sabi ni Gertie sa akin kinaumagahan after ng breakfast.
"Drink what? Water? Ofcourse, mamamatay ako kung hindi ako iinom ng tubig, Gertie," sabi ko sa kanya at umirap pa kaya naman humaba ang nguso niya.
Hindi ko siya pinansin at patuloy na isinayaw si Gianneri. Just like her Mom ay maingay din ang batang ito but it's ok, I love them both kahit ayoko sa mga maiingay.
"Ate Vera, too much wine is bad na sa liver..." pangaral niya sa akin.
Hindi ko siya pinansin at paulit ulit na hinalikan si Gianneri sa pisngi that's why she giggles.
"I'm fine, Gertie. Don't worry, I know what I'm doing," suway ko sa kanya. Masyado siyang nag-aalala sa akin kahit hindi naman dapat. I can take good care of myself, she needs to focus sa sarili niya at kay Gianneri.
"You want to uhm...mamasyal? Pupunta kami ng factory, Alice is there!" sabi niya sa akin.
Mula kay Gianneri ay tumingin ako sa malayo. As much as I want to be close to them ay naririnig ko yung mga sinabi ni Julio na hindi niya ako gusto for his friends na para bang I'm someone who is dangerous for them.
"Dito na lang ako," sagot ko kay Gertie.
"Simula nung umuwi ka from the US...you always nakakulong sa room mo, Ate Vera."
Nagtaas ako ng kilay sa kanya. "Alanga namang sa kwarto niyo ni Eroz ako magkulong," sabi ko sa kanya kaya naman hindi niya alam kung ngunguso siya o ngingiti.
"Ate Vera," tawag niya ulit sa akin.
Napabuntong hininga ako. I really want to go and explore Sta. Maria again. If sasama ako kina Gertie si Alice naman ang pupuntahan ko and looks like naman she likes me to be her friend din.
"Fine! Magbibihis lang ako," pagsuko ko kay Gertie at napapalakpak pa ito dahil sa naging desisyon ko.
I go back to my room from the nursery para maligo at mag-ayos ng aking sarili. Kung ano mang iisipin ng iba sa paglapit lapit ko kay Alice, wala na akong pakialam. I'm always bad naman sa tingin nila. Kahit pure ang intention ko ay may nagdududa pa din. Then can duda all they want!.
I'm wearing a Gucci top and a brown chiffon long skirt. Gertie also told me na medyo mainit sa factory lalo na sa tanghali.
"You like Alice a lot, Ate?" tanong ni Gertie sa akin habang nasa byahe kami papunta sa rice mill factory ni Eroz. Ginawa pa nila akong thirwheel nila!.
Nagtaas ako ng kilay and seat comfortably sa may back seat.
"I just like her vibe, the bruha vibe," sagot ko sa kanya kaya naman nakita ko kung paano tumingin si Eroz sa akin from the rear view mirror.
Si Alice kaagad ang hinanap ko when we got there. Nagpaalam sina Gertie at Eroz na pupunta sa office nito kaya naman sinama ako ni Alice papunta sa pantry. She even introduced me sa iba pang workers doon. The way they talk to each other ay kitang kita talaga na close silang lahat.
"Infairness and generous ni Eroz sa pantry niyo. And there's a lot of food," sabi ko habang inililibot ang tingin sa kabuuan ng pantry nila. Tinalo pa ang laman ng pantry namin before sa company where I worked.
"Ito magkape ka muna," sabi ni Alice sa akin that's why pinanlakihan ko ng mata ang tasa na inilapag niya sa harapan ko.
"Coffee sa tanghali?" tanong ko sa kanya.
Ngumisi siya sa akin at umupo sa kaharap kong upuan. "Para lalo kang mainitan."
"You witch! Ano tong pantry niyo, sauna?"
Kahit pa mainit naman talaga and I feel bit irrittated na ay sumimsim pa din ako sa coffee na ginawa ni Alice for me.
"You want me to be your friend?" diretsahang tanong ko sa kanya. Dahil kung hindi, edi wag. Hindi na ulit ako mamimilit pa para lang tanggapin.
"Oo naman," sagot niya sa akin.
Pinanliitan ko siya ng mata. "Rate it from one to ten. Ten is the highest," utos ko pa sa kanya.
Humaba ang nguso niya bago siya nakangising sumagot sa akin.
"Eleven..." sagot niya kaya naman imbes na matuwa ay sumimangot pa ako.
"Rules left the world ba, huh? Alice?" tanong ko sa kanya at inirapan pa.
"Magkaibigan na tayo dati pa," sabi niya sa akin kaya naman kumunot ang noo ko.
"And how was that?"
"Basta!" sagot niya sa akin.
I ate lunch with them and I might say na it's really fun to be with them being. Kahit pa minsan ay hindi ko naman alam ang mga pinaguusapan nila ay the fact na they are all laughing ay nakakagaan na din ng loob.
Pumunta sina Eroz at Gertie sa kabilang factory to check on something. Pagkabalik nila ay naghanda na din kami to go home dahil miss na daw niya si Gianneri. Ofcourse I miss her too!.
"May dadaanan lang akong blueprint kay Julio," Eroz said pagkapasok niya sa sasakyan.
We are all settled na din. Katabi ko si Alice. Kasama namin sa backseat ng Hummer sina Ericka and Junie.
Tahimik akong nakatingin sa familiar na daan papunta sa kanila. This is the first time na makikita ko ulit iyon simula nang bumalik ako.
"Kaninong haunted house ito?" tanong ko sa kanila kahit I know naman na kila Julio ito.
It's just that, hindi ako makapaniwala na ganito na ang dating castle na gustong gusto ko. The castle turned into a haunted house, kung hindi ko lang alam ang totoong itsura niya ay baka natakot na kaagad ako.
Part of my heart aches habang nakatingin doon. Parang dati lang...I feel at home everytime malapit ako dito or nakikita ko siya. Pero ngayon masyado ng malayo...parang hindi ko na kilala. Marami ng nagbago, kagaya na lang ni Julio.
"Kay Julio, Ma'm," Junie said.
"Isa ang pamilya Escuel sa mga mayayamang pamilya dito sa Sta. Maria. Kagaya ng mga Montero...old rich," Ericka said.
I know na that part, pero anong nangyari after non? Anong nangyari nung umalis ako? Bakit naging ganito? Bakit hindi naalagaan? Naghihirap na ba si Julio kaya he's working sa factory ni Eroz?.
"Then what happend?" tanong ko. I want to know more.
Naikuyom ko ang kamao ko ng sabihin ni Junie ang part na ayokong balikan. Ayokong balikan hindi dahil nakalimutan ko na sina Tita Alexandra, Tito David, and August kundi dahil everytime I think about it, parang kahapon lang nangyari ang lahat and it still hurt so much.
"Pinatay ang mga magulang ni Julio, diyan mismo sa bahay na yan."
May kasalanan ako kay Julio. I left him noong mga oras na mas kailangan niya ako. I made a promise na hindi ako aalis at hindi ko siya iiwan pero ginawa ko. And worst ay umalis ako ng walang paalam. I left him hanging just like that.
Naging busy ang lahat for the preparation ng binyag ni Gianneri. Gertie told me na darating din ang mga Herrer.
"Don't worry about me. May karapatang magalit si Piero dahil sa ginawa ko noon. Ako ang may kasalanan," Sabi ko kay Gertie.
I know that this is also hard for her at parang naiipit siya because of me at kay Piero na pamilya niya na din because of Eroz. But I also want her to know na she don't need to take sides dahil hindi naman kami bata pa para magkampihan pa.
Mas lalo akong nagkulong sa room ko the next days dahil dumating na ang pamilya ni Eroz. Gusto ko mang makipaghalubilo sa kanila ay pinili ko na lang na dumistansya. The first meeting na sinubukan kong sumama to eat lunch with them ay halos maduling ng si Piero Herrer kakairap.
Amaryllis remain casual pag nasa paligid ako pero hindi pa kami nagkaroon ng chance to talk about what happend before.
Inabala ko ang sarili ko sa pag-aaral on how to manage the plantation. Ito ata ang plan ni Tito Keizer para hindi na ako bumalik ng US. Sa tuwing pagod na kakabasa ay nag d-drawing naman ako.
"I'll promise to do my best para bumalik ang dating house niyo, Tita Alexandra," sabi ko sa kawalan habang hawak ang necklace na ibinigay niya noon sa akin.
Even ang bracelet na bigay ni August ay tinago ko din. If Julio thinks na nakalimutan ko sila, nagkakamali siya. If he thinks na umalis ako papuntang US para makalimot...nagkakamali siya. It still haunts me everytime.
"Senyorita Vera, nandito na ang lunch." Si Yaya Esme.
Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. "Thanks, Yaya Esme."
"Araw araw kang nakakulong dito, hindi ka ba lalabas?" tanong niya sa akin.
Marahan akong umiling. "Don't worry about me, Yaya Esme."
"Ikaw na bata ka talaga," sabi niya.
Nagtaas ako ng kilay. "I'm a beautiful young adult na, Yaya Esme." laban ko sa kanya.
Tipid siyang ngumiti sa akin but I know na she's sad for me. Gusto ko ulit sabihin na ayos lang ako pero mas pinili ko na lang na tumahimik dahil baka maiyak na ako pagnagkataon.
Sumasaya lang ang kwarto ko sa tuwing dinadala ni Yaya Esme si Gianneri sa akin. Masyado ding abala sina Eroz and Gertie for being the host of the party.
"I miss you, Dear."
Panay ang pag-iingay niya sa tuwing hinahalikan ko siya sa pisngi. Kahit hindi ko naman naiintindihan ang sinasabi niya ay parang may kausap pa din naman ako.
Mula sa pagkakahiga naming dalawa sa kama ko ay maingat ko siyang binuhat para tumigin sa may bintana kung nasaan ang pamilya ni Eroz. Tipid akong napangiti ng makita kong masaya si Gertie with them. Masaya ako para sa kanya, and I'm so proud of her.
Nakaramdam lang ako ng kaunting lungkot ng bumalik sa akin ang ganitong klase ng pakiramdam. Na palaging nakatago kahit pa may masayang okasyon sa baba. Ganito din ako noon kay Lola sa tuwing may bisita siya at may handaan sa garden, tahimik lang akong nakatanaw dito sa bintana ng room ko dahil ayaw niyang nagpapakita ako sa ibang tao dahil ikinakahiya niya ako.
Nakatulog si Gianneri matapos ko siyang marahang isayaw at mukhang napagod din sa kadaldalan niya. Inilapag ko siya sa gitna ng bed ko at pinalibutan pa ng pillow ang paligid sa takot na mahulog siya kahit maya't maya ko siya kung tingnan.
"Come in. Ang ingay,"
Sigurado akong si Gertie iyon.
"We are going para mag distribute ng invitations sa mga kapit-bahay," paalam niya sa akin.
Ngumisi ako. "Bakit hindi na lang kayo pumunta ng munisipyo at ipa-announce na invited ang lahat ng taga-Sta. Maria," sabi ko sa kanya.
Hindi niya ako pinansin hanggang sa gumapang siya paakayat sa may kama para dumapa sa gilid ng natutulog na si Gianneri. Papagalitan ko sana siya hanggang sa maaala kong siya nga pala ang nanay ng batang iyon.
"I love you, Love." she said.
"You keep on telling her that, Gertie."
Maybe I'm just bitter sa life dahil lahat ng love ko kinuha sa akin. Minsan tuloy kahit I want to express my love for them I keep it to my self na lang.
Tsaka lang ako lumabas sa araw ng binyag ni Gianneri. Ramdam ko ang matalim na tingin ni Piero sa akin pero hindi ako nagpa-apekto. Para ito kay Gianneri and I don't care for my freaking ego.
Gusto ko sanang lapitan si Alice ng nasa mas simbahan na kami pero umiwas na muna ako dahil bukod sa malapit siya sa mga pinsan ni Eroz ay kasama din niya si Julio. Ako na ang mag aadjust para naman maging mabait siya sa loob ng church.
Tsaka lang ata lumalabas ang pagiging masungit niya pag nakikita niya ako.
"Sayang wala si Hobbes," Rinig kong sabi ni Gertie.
Kanina ko pa naririnig ang pangalan na iyon. Hindi ko naman pinapansin dahil hindi ko naman siya kilala.
"Ate Vera. I need to tell you something nga pala. Baka magulat ka later kung dumating si Hobbes," Gertie said bago kami bumalik sa Villa montero for the reception.
"Hobbes? What a name..." sambit ko.
Humaba ang nguso ni Gertie. "He likes you kasi. And he asked me kung pwede kitang ipakilala sa kanya," sabi pa niya kaya naman napahalukipkip ako.
"Hobbes? Parang cartoon character," sambit ko.
Hindi na napigilan ni Gertie ang ngisi niya dahil sa aking sinabi.
Tsaka lang ako nakalapit kay Alice sa reception dahil masyadong na-occupied si Julio sa iba pa nilang mga kaibigan.
"Hindi ka close sa mga pinsan ni Eroz?" tanong niya sa akin.
Marahan akong umiling. Napahinto ako sa pagsimsim ng wine ng makita ko ang paglapit ni Julio sa table namin. I know naman na he's here for Alice. Naglalakad pa lang ay naka set na ang mata niya dito na para bang siya lang ang nakikita niya...palagi.
Lumipat ang tingin ko kay Alice na wala namang pakialam kay Julio.
"Kayo ba ni Julio?" tanong ko kay Alice.
Nagulat pa siya at first bago siya natawa at umiling.
"Magkaibigan lang kami ni Julio."
Nagtaas ako ng kilay. "Pero may gusto ka sa kanya? Or mas gusto siya sayo?" tanong ko pa din.
Kung sila ngang dalawa, iiwas kaagad ako dahil ayokong makagulo. I will not make the same mistake na ginawa ko noon. I respect relationships now, kung malaman kong may girlfriend si Julio lalayuan ko siya whatever it takes. I know better now.
Mas lalong natawa si Alice. "Wala, magkaibigan lang talaga kami," paninigurado pa niya kaya naman tumango ako at muling nilagok ang natitirang wine sa wine glass ko.
Mas nauna ko pa nga iyong hinanap pagkagaling mula sa church. Nakalimutan ko nga kung nakakain na ba ako or what.
"Kumain ka na?" tanong niya kay Alice bago siya umupo sa kaharap na upuan nito.
"Oo, kumain na..." sagot ni Alice sa kanya kaya naman tumango si Julio at tumingin sa ibang mga guest. Sobrang nag exert pa siya ng effort para lang hindi ako matapunan ng oh so precious niyang tingin.
Why? Lahat ba ng dadaanan ng tingin niya ay magiging gold!?
"Your house looks...uhm old but gold pala," puna ko sa kanya. Nakita ko ang kanyang pagkabigla na para bang he's not expecting na papansinin ko siya matapos niya akong awayin at sabihan na layuan ko siya.
Hindi niya ako pinansin at sumimsim sa hawak niyang inumin. I want to told him sana sa plan kong ayusin at ibalik sa dati ang Castle nila. Oo nagdesisyon na ako pero I'll make paalam naman. At nagusap na kami ni Tita Alexandra.
"I never been in a place lick that uhm...haunted," I said.
I've been there before pero nung castel pa siya at hindi haunted. I wonder kung anong itsura niya ngayon.
Tumikhim siya. "My house is not some tourist spot na kailangan mong puntahan," masungit na sabi niya sa akin.
"We're friends, maybe I can pay a visit some other time," pilit ko. And Tita Alexandra herself told me na I can go there anytime kahit wala sila.
Hindi na siya nagsalita pa kaya naman ako na ulit.
"You know, it's a priviledge being my friend," pagbibida ko.
I'm pihikan kaya when choosing, swerte mo pag napili kita.
Umigting ang kanyang panga. Mukhang galit na.
"Hindi sa akin. Hindi ako tumatanggap ng bagong kaibigan," sabi pa niya.
Kita kong nanunuod din si Gertie sa amin and even si Alice. Ngumisi na lang ako kahit I feel like napapahiya na ako sa tuwing kinakausap ko siya and he keeps on rejecting me.
I was about to sip on my wine glass ng manlambot ang kamay ko kaya naman nabitawan ko iyon at natapunan kami ni Alice.
Nagtaas ako ng kilay para hindi halatang masyado akong naapektuhan.
"Ok, that's an excuse to change outfits," Yaya ko kay Alice para makapagpalit kaming dalawa.
Nauna siyang lumabas sa akin pagkatapos noon. Nagdalawang isip pa ako kung babalik pa ako sa labas o hindi na. Pero ng muli kong ilibot ang tingin ko sa madilim kong kwarto, nagpasya akong lumabas pa din.
"Saan ka nanaman pupunta?" Tanong ni Alice sa akin ng tumayo ako para kumuha ng wine. Hindi ko kayang harapin si Julio with my bare hands. Wine is my weapon.
Mag-isa akong lumapit sa buffet table para humingi ng wine sa waiter.
"3 glasses of wine, please..." sabi ko dito.
Habang naghihintay ay napansin kong may lalaking tumabi sa akin.
"Make it four," sabi niya sa waiter.
Nilingon ko siya, kaagad niya akong nginitian.
"Hi, I'm Hobbes."
Nagtaas ako ng kilay at bumaba ang tingin ko sa nakalahad niyang kamay bago iyon bumalik sa kanyang mukha. Wala akong masabi, he's gwapo and pasok sa tipo ko. But I'm not in the mood para makipagkilala sa kanya.
"Hi," tipid na sabi ko na lang at muling ibinalik ang aking buong atensyon sa wine.
Hindi ko kayang hawakan ang tatlong wine kaya naman nag presinta si Hobbes na tutulungan ako kaya naman I let him.
Nakipag kwentuhan siya kay Julio kaya naman because of him ay marami akong nalaman kahit papaano. He's an architect na pala pero hindi man lang niyang inayos at inalagaan ang bahay nila.
Habang nakikinig sa tuwing sumasagot si Julio sa mga tanong ni Hobbes ay hindi ko maiwasang hindi ma-appreciate yung mga tanong ni Hobbes sa akin na para bang he wants me to join the conversation all the time.
And feel ko na nilapitan niya ako because he wants to know more about me, and he's genuine. He likes me? Pwede ba siyang maging kaibigan?
Habang nakikipag-usap kay Hobbes ay ramdam ko ang ilang beses na pagsulyap ni Julio sa akin. Sa tuwing titingnan ko naman siya ay iirapan niya lang ako o kaya naman ay sisimangutan.
Mas lalo ko tuloy na-appreciate yung ipinapakita at trato ni Hobbes sa akin. He reminds me so much of August Escuel. Gertie said na he likes me...I think magugustuhan ko din siya.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro