Chapter 12
(A/n) Last Sunday update for now. Every Friday na ulit ang updates. Keep safe everyone! Love lots, Maria.
----------------------
Back
Eventhough I feel that something is really off sa mga nangyayari and sa mga news about my Lola and Daddy being involved sa nangyari sa mga Escuel ay nagpatuloy pa din ako sa pagpunta doon.
Busy din si Lola for some reason kaya naman ilang araw na din niya akong hindi napapansin. I'm worried about Daddy o kung nasaan man siya ngayon but I trust Tito Keizer naman at sigurado kong hindi niya papabayaan ito.
"I'm thankful dahil nandito ka para kay Julio. Sa lahat ng sumubok na lumapit sa kanya ikaw lang ang pinansin niya. Kumakain din siya pagkasama ka," sabi ni Tita Cynthia sa akin.
Sister siya ni Tita Alexandra, wala siyang sariling family kaya naman siya ang sumama kay Julio ngayon dito.
"Wala po iyon. I am very willing to help Julio and be with him. Nag promised din po ako kay Tita Alexandra na palagi akong pupunta dito...kahit wala sila," sabi ko sa kanya.
Muli akong nakaramdam ng lungkot ng maalala ko ang mga huling paguusap namin. I didn't know na last na pala iyon, sana hinabaan ko pa ang pakikipag-usap sa kanya. Sana hindi na lang ako umuwi that night.
"Alam mo bang tinanggihan niya ang alok ng mga Escuel na dalhin siya sa ibang bansa?" tanong niya sa akin.
"He's leaving po?" tanong ko.
Iniisip ko pa lang na aalis si Julio ay maiiyak na ulit ako. Ang sad na mawala sina August and Tita pero kung aalis din si Julio at mawawalan ng tao dito sa house nila...mas nakakalungkot iyon.
Marahan siyang umiling. "Ayaw niyang umalis. Ayaw niyang iwan ang bahay na ito...kung nandito daw siya pakiramdam niya ay kasama niya ang pamilya niya," sabi niya sa akin na kaagad kong tinanguan.
Muli kong inilibot ang tingin ko sa buong bahay. Halos ilang araw pa lang ng mangyari ang tragedy ay ramdam na kaagad ang sadness sa buong bahay. Paano pa kaya kung mawalan ng tao? Baka maging haunted house na ito.
After naming mag-prepare for lunch ay inihatid na ako ni Tita Cynthia paakyat s amay second floor, sa may veranda kung nasaan nanaman si Julio at nakatanaw sa malayo.
"Food is here na!" anunsyo ko sa kanya.
Tipid na ngumiti si Tita ng ilapag ang mga pagkain sa table at hinawakan si Julio sa ulo pero just like almost everytime ay tahimik pa din siya at hindi namamansin. Papansinin lang ata niya ako sa tuwing maingay ako para tumahimik.
"Look at this oh," turo ko sa chicken fillet na ako ang nagprito.
Tiningnan ko si Julio pero nanatili ang tingin niya sa malayo.
"Ako ang nag fry nito," sabi ko pa ulit.
Dahil sa aking sinabi ay napangiti ako ng dahan dahan siyang tumingin duon.
"It's not sunog...konti lang," sabi ko pa sa kanya.
Inirapan niya ang kawawang chicken fillet kaya naman humaba ang nguso ko. Inayos ko ang mga pagkain namin kahit maayos naman ang pagkakalagay non.
Magana akong kumain sa harapan ni Julio kahit ang totoo ay wala naman talaga akong gana. I'm here para iparamdam sa kanya na he's not alobe kahit ang totoo ay gusto kong magkulong sa room ko at umiyak dahil up until now ay hindi ko alam kung nasaan ang Daddy ko.
"Nakausap mo na ang Daddy mo?" tanong niya sa akin in the middle of our meal.
Hindi kaagad ako nakasagot, pero I feel the coldness in his voice. Julio is matured sa age niya, the way he speak and move...even the way he thinks ay ganuon din. But after what happend ay mas dumoble ang coldness niya. It's understanble naman and I'm very willing to compromised. Naiintindihan ko siya, palagi ko siyang iintindihin.
Marahan akong umiling bago bumagsak ang tingin ko sa aking mga pagkain.
"Hindi pa...I'm worried na nga," kwento ko sa kanya.
Tumikhim siya. "Bakit naman?" seryosong tanong niya sa akin.
Hindi ako nakasagot kaya naman muling nagsalita si Julio. "Kung walang kasalanan...hindi dapat kabahan," seryosong sabi niya kaya naman nahirapan kong lunukin ang pagkain sa aking bibig.
Napatingin ako kay Julio pero hindi niya ako tinapunan ng tingin.
"I'm worried na hindi ko na makita ulit ang Daddy ko," marahang sabi ko sa kanya. I badly want to cry pero I need to be strong.
"Nagpromised siya na sa susunod na uwi niya isasama na niya ako pabalik sa Manila," kwento ko pa kay Julio.
Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng kanyang noo bago niya ako hinarap.
"Meaning babalikan ka niya?" matigas na tanong niya sa akin.
Napaawang ang labi ko. "I-I don't know. But...sana," sagot ko sa kanya.
Naglapat ang kanyang mga labi, looks like he's angry nanaman for some reason na iniisip niya.
"Gagawa siya ng paraan para balikan ka...sayo lang siya magpapakita," sabi pa niya sa kawalan na para bang he's planning and analizing something.
Kumunot ang noo ni Julio bago niya ako muling hinarap.
"Hindi ka aalis, Vera. You promised na hindi ka aalis," paalala niya sa akin kaya naman kahit wala ako sa aking sarili ay tumango ako sa kanya.
Habang magkasama kami ni Julio at tahimik siya ay inabala ko ang sarili ko sa pagd-drawing. I'm planning to draw and paint yung family protrait na gusto sana ni Tita Alexandra. I'm no professional and hindi pa naman ganoon ka-advance ang gawa ko pero I'll try pa din.
"August is smiling, then ikaw...poker face," sambit ko habang ginagawa ang sketch.
Hindi ako pinansin ni Julio. Malalim pa din ang iniisip niya habang nakatingin sa kung saan. Uuwi lang ako pag naisip niya ng magkulong sa room niya at matulog. Hindi naman ako pwedeng pumasok duon, I still respect his privacy and it's awkward.
"Pupunta tayo sa america. Doon kayo mag-aaral ni Gertie," malambing na sabi ni Tita Giselle sa akin ng sadyain niya ako sa room ko isang gabi.
"I really loved that idea po, Tita. But I want to stay here po para hintayin si Daddy. He promised na babalikan niya ako here. And I believe na innocent naman talaga siya," sabi ko sa kanya.
Kita ko ang lungkot sa mukha ni Tita. Even the way na haplusin niya ang mukha ko ay puno ng pag-iingat.
"Magkikita ulit kayo ng Daddy mo..." sabi niya sa akin kaya naman uminit ang magkabilang gilid ng aking mga mata.
"I will always wait for that day to happen. And kahit anong mangyari hindi magbabago ang tingin ko kay Daddy...he's innocent po," laban ko.
Marahang tumango si Tita Giselle sa akin bago niya ako hinila at niyakap.
Hindi naging madali ang mga sumunod na araw. Mas lalong lumaki ang gulo and mas nadiin si Daddy sa nangyari. He has all means daw to do that dahil siya ang nagpakita ng interest about sa mansion ng mga Escuel.
Si Tito Keizer ang humaharap sa lahat ng problema. Sometimes I want to speak on behalf of Daddy. Masakit for me na kung ano anong masasakit na salita ang ibinabato sa kanya and wala siyang chance na ipagtanggol ang sarili niya.
Marami na siyang na-received na hate and hurtful words galing kay Lola for being the anak sa labas tapos ngayon naman ay sa ibang tao for being mamamatay tao daw. As his daughter ay nasasaktan ako para sa Daddy ko, kilala ko siya at hindi siya ganoon.
"Wag na tayong umalis, dito na lang ako magpapagamot sa Manila." Si Tita Giselle.
"Pupunta tayo sa America para ipagamot ka Giselle. Kaya kong harapin ang lahat ng problema dito...pero kung mawawala ka sa amin..." hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Tito ng kaagad siyang niyakap ni Tita.
Narinig ko nanaman sila about sa pagpapagamot sa ibang bansa. Mas lalo ko tuloy napatunayan na there is something wrong talaga kay Tita. Is she sick? Sana naman ay hindi malala, ngayon pa lang ay worried na ako about her health.
"Hindi ako mawawala sa inyo, Keizer."
It lessen my fear after hearing those words from Tita Giselle. Nawala sa isang iglap sina Tita Alexandra, Tito David, and August na itinuring ko na ding family ko. I can't afford na may mawala nanaman sa akin.
Ang lupit naman ng life sa akin kung kukuhanin niya sa akin ang lahat ng taong love ko. Ngayon nga ay nawawala pa ang Daddy ko.
Maraming car sa labas ng Escuel mansion. Kumunot ang noo ko ng makita kong mukhang may mga bisita sina Julio at Tita Cynthia.
"Ang kapal naman ng mukha mo para magpakita pa dito," salubong ni Fiona sa akin. Sa kanyang tabi ay si Elisse na masama din ang tingin sa akin.
"I'm not here naman para sa inyo. Nandito ako para kay Julio," sabi ko sa kanila at lalagpasan na sana sila ng kaagad akong hinawakan ni Fiona sa braso.
"Let go of me nga!" pagpupumiglas ko.
Pilit niya akong hinihila palapas pero lumaban ako. Halos sumakit ang braso ko dahil sa pakikipaghilahan sa kanya.
"Umalis ka na dito! Anak ng killer!" sigaw ni Elisse sa akin at tumulong pa siyang itulak ako palabas.
"I'm not anak ng killer! Hindi killer ang Daddy ko!" sigaw na laban ko sa kanya.
Napadaing ako ng hawakan niya ang hair ko at hinila iyon. Dalawa sila at magisa lang ako kaya naman kahit gusto kong lumabas ay masyado silang malakas for me.
"Let go of me! Mga bruha kayo!" sigaw ko sa kanila.
"Ah bruha pala ha!" sabi ni Fiona at kaagad niya akong hinila ng malakas bago niya ako itinulak reason para hindi ko na macontrol ang pagbagsak ko.
"Ouch..." daing ko at napahawak sa aking balakang dahil sa lakas ng pagkakatumba ko.
I don't want to cry sana in front of them pero masyado akong nasaktan. Not physically but sa words din na ibinato nila sa amin ng Daddy ko.
"Killer! Pinatay ng Daddy mo sina Tita Alexandra tapos malakas pa ang loob mong pumunta dito!?"
"Ang kapal ng mukha mo!"
Gustuhin ko mang lumaban ay wala na akong nagawa kundi ang tanggapin na lang lahat.
"Anong nangyayari dito? Vera!?" si Tita Cynthia.
She immediately run towards me para tulungan akong tumayo.
"Bakit niyo ginawa ito kay Vera?" tanong niya kina Elisse.
"Anak siya ng mamamatay tao!" giit niya.
"Tigilan niyo yan," matigas na suway niya sa mga ito bago niya ako inalalayan papasok.
Tuloy tuloy ang pagtulo ng aking mga luha. Even ang mga visitors nila ay iba din ang tingin sa akin. I know na kung ano na ang iniisip nila tungkol sa akin pero hindi ko naman sila mapipigilan. Sarado ang isip nila at pinaniwalaan na nila ang gusto nilang paniwalaan.
Wala pa si Julio sa may veranda pagkaakyat ko. Tahimik akong umiyak habang nakatingin sa buong plantation. Sana hindi na lang nangyari an lahat ng ito, sana dream na lang ito. Kung pwede lang bumalik kami sa dati naming life...I promised na magpapakabait na ako.
"Anong nangyari?" tanong ni Julio sa akin.
Kaagad kong pinahiran ang luha sa aking mga mata.
"W-wala..."
Lumapit siya sa akin at hinarap ako.
"Anong nangyari?" matigas na tanong niya.
"Sabi nila anak ako ng killer..." sumbong ko sa kanya. Tuluyan na akong umiyak kay Julio.
"I don't know kung ano ang nagawa kong bad to deserve all of this..." dugtong ko.
"Ayaw sa akin ng lahat, wala naman akong ginagawang bad..." pagpapatuloy ko.
I don't have pakialam na kung panget na ang itsura ko sa harapan ni Julio. I really want to cry dahil sobrang heavy na ng dibdib ko with all of this. Hindi pala pwedeng strong lang ako palagi. Hindi pala pwedeng ok lang palagi. I'm not ok, everything that happens is too much for me.
"Yung mga people na gusto ako...kinukuha naman sa akin. Looks like I don't have karapatan to be happy..."
"Wala naman akong ibang dream dati na masyadong big...gusto ko lang magkaroon ng pony!" sabi ko kay Julio bago tuluyang mag burst out.
Sana kung nasaan si Daddy sana sinama na lang niya ako. Kahit nasa danger ang life namin o kaya naman need naming mag tago all our life ayos lang sa akin kesa ganitong nagwoworry ako sa kanya. Mas mabigat ito na ako maayos ang kalagyan ko dito while siya hindi ko alam.
Hindi ko inasahan nang hilahin ako ni Julio at niyakap. Bigla siyang lumambot na para bang gumuho ang walls that he build around him and he let me in.
"Tahan na...hindi mo kasalanan kung may kasalanan ang Daddy mo," marahang sabi niya sa akin.
It's not like ipinapaintindi niya iyon para sa akin lang kundi para din sa kanyang sarili.
"Naipit ka lang din sa sitwasyon, Vera."
Dahan dahang bumait si Julio sa akin sa mga sumunod na araw. I thought everything is gonna be ok na hanggang sa muling ipinaalala sa akin ng buhay na I don't have rights to be happy.
"I don't want to lose you too, Tita Giselle!" umiiyak na sabi ko sa kanya at mahigpit na yumakap.
Nalinawan na kami sa matagal ko ng iniisip about her being sick. May cancer si Tita Giselle and mas makakabuti kung makakapagpagamot siya sa America. I can't even think straight. Ilang araw na ding pabalik balik ang investigator na Tito Keizer hired para ipahanap si Daddy. He's gone without any trace.
"Mas kaya kong tanggapin na nawawala ang kapatid ko dahil nagtatago kesa nawawala dahi may nangyaring hindi maganda..." he said.
Nawalan ako ng lakas. Gusto ko na lang ulit magkulong sa room ko at umiyak duon. Sana mawala na lang din ako here, sana matapos na lang din ang lahat.
"I will give this to Julio before we leave," sabi ko kay Rafael habang tinapatapos ko ang ginawa kong painting.
Tahimik siya habang nakatingin sa akin. Sasama din siya sa America at duon mag-aaral kasama namin ni Gertie.
"Kausapin mo siya ng maayos," sabi niya sa akin.
"Hindi ko kaya..." sabi ko at nagiwas ng tingin.
"Maiintindihan ni Julio," laban niya.
Marahan akong umiling bago nanlabo ang aking mga mata.
"Mas ok ng maging bad sa paningin ng lahat kesa weak," sabi ko sa kanya kaya naman natahimik siya.
I left Julio and ang promise ko sa family niya without a word. Mas ok na iyon kesa magpaalam ako sa kanya, mas masakit iyon for me.
The day na pupunta kami ng America ang huling tingin ko din sa Castle nilang bahay na una pa lang ay hinangaan ko na. It's sad na hindi ko man lang siya nakita before kaming umalis pero I promised naman na pag gumaling na si Tita Giselle ay babalik ulit ako.
Hindi naging madali ang mga unang araw, linggo, at buwan sa America. Ilang beses akong umiyak at sinabing uuwi na lang ako because I miss Daddy na. Habang dumadaan ang mga araw na wala kaming nakukuhang balita sa kanya, unti unti kong tinatanggap na baka wala na din talaga ang Daddy ko.
Na kahit ayokong mawalan ng pagasa ay baka he's gone na din talaga. Dahil kung totoo ngang buhay pa siya...hindi naman sigurado niya ako matitiis at kaagad na gagawa ng paraan para magkita kami.
Lola is getting weak na din because of her age. Kahit pa matagal na kaming nagkasama ay hindi pa din nagbago ang tingin niya sa akin. Si Gertie lang ang apo niya at wala ng iba.
Mas nasanay ako at naging close kay Rafael because same school lang kami at tinutulungan niya ako sa lahat. But kahit saan ako magpunta, hindi pa din ata ako nilulubayan ng lungkot.
"Thank you for being good sa akin, Tita Giselle." malambing na sabi ko sa kanya.
She's weak na and nahihirapan because of her kalagayan. Mas ako pa nga ang palaging umiiyak kesa kay Gertie dahil tinuruan niya ito na wag umiyak dahil hindi niya kayang makita si Gertie na malungko for her.
"Mahal ka namin, Vera. You are part of this family, kahit ano pang sabihin ng iba...you are my daugther," sabi niya sa akin kaya naman mas lalo akong naiyak.
Mahigpit kong niyakap si Tita Giselle. "Shh...don't cry, magbabakasyon lang kami sa Pilipinas. Babalikan ka namin dito...kayo ni Rafael," sabi niya sa akin pero mas lalo lang humigpit ang yakap ko sa kanya.
Walang kahit anong salita ang makakapagagaan ng loob ko. Takot na akong may mawala sa akin. Pagod na ako sa tuwing may kinukuha sa akin. I wish I can keep everything, I wish I can keep everyone.
"Please, Tita Giselle..." umiiyak na pakiusap ko sa kanya.
Mahigpit ang yakap niya sa akin. "Mahal na mahal ka ni Tita, Vera. Thank you for being the best Ate for Gertie. And I know na you will never leave her..." she said at pumiyok pa.
"Please look after my Gertie..." she said kaya naman mas lalo akong nalungkot at nasaktan. Hindi lang para sa akin, kay Tita Giselle, kundi para na din sa pinsan ko.
Because of Tita Giselle napunan lahat ng kakulangan ni ng totoo kong Mommy. Hindi lang napunan kundi sobra pa ang binigay na pagmamahal ni Tita sa akin. Kung paano niya tingnan, mahalin, at alagaan si Gertie ay ganuon din siya sa akin.
Hindi niya kailanman ipinaramdam sa akin na iba ako sa kanila. Dahil sa kanya ay hindi ko namalayan at nakalimutan kong iniwan ako ni Mommy.
After ng ilang buwan matapos umuwi sa Pilipinas ay nawala si Tita Giselle. She left me just like Mommy, Tita Alexandra, and Daddy. Nawala si Tita Giselle sa akin sa mga panahong I'm still building my self from all the lost that I have been through.
Nawala ang lahat sa akin sa mga panahong mas kailangan ko sila.
"Vera hindi ka nanaman papasok?" tanong ni Rafael sa akin.
Nakatulala lang ako sa harapan ng aking bintana. I don't know what to do anymore. Ubos na ubos na ako.
"Lahat na lang kinukuha sa akin. Lahat ng love ko kinukuha sa akin..." sumbong ko sa kanya.
"Vera..." tawag niya.
"Pero lahat ng kaaway ko...buhay pa. Aawayin ko na lang ang lahat," sabi ko at pumiyok pa.
Nag-iba ang pakikitungo ko sa lahat. Kay Rafael, kay Gertie, even kay Yaya Esme. One time nga ay nasigawan ko siya, imbes na suwayin ako ay inintindi niya. Ilang beses ko ding napaiyak si Yaya Esme dahil sa trato ko sa kanya. Ayokong iparamdam sa kanya na love ko siya at ayoko siyang mawala...baka kuhanin din siya sa akin.
"Gertie...Gertie" tawag ni Lola sa akin isang araw.
Imbes na lapitan at tiningnan ko lang siya. Ayoko ng maging mabait.
"Gertie apo, halika rito..." tawag niya sa akin. She can't even recognized kung sino ang kausap niya.
Imbes na iwanan siya ay lumapit ako sa kanya kaya naman kaagad niya akong niyakap sa pagaakalang si Gertie ako.
Iyon ang una at huling beses na niyakap at hinalikan ako sa pisngi ni Lola. Sa sandaling iyon ay naranasan kong mayakap niya dahil sa pag-aakalang ako si Gertrude.
In real life, not everyone has the chance to have a closure or happy ending. Lola died na hindi pa din niya ako tanggap bilang apo niya. Hindi naman lahat ng nangyayari ay parang sa movies na bago mamatay ang kagalit mo ay magbabati pa muna kayo.
Maybe masyadong nasaktan si Lola ng magkaroon ng ibang babae si Lola at nagbunga iyon. Siguro ay hindi niya kinayang hanapin ang kapatawaran sa puso niya kaya naman hanggang sa huli ay ayaw niya sa amin ni Daddy.
I don't even know kung sino pa ako sa mga sumunod pang mga taon. I can't even go back sa Vera na minahal ng mga taong nawala sa akin. Para bang maging ang kung sino talaga ako ay kasama nilang nawala.
"Nakakahiya ang ginawa mo kay Amaryllis!" galit na sigaw ni Rafael sa akin.
Sumama ako sa kanya para magbakasyon sa pilipinas. Naiwan si Gertie sa America kasama si Yaya Esme.
Hindi ko siya pinansin. Nagawa ko iyon dahil gusto kong mapansin ako ni Piero, I even claim nga sa mga taga Sta. Maria na ako lang ang nagiisang Montero. Ayokong maging mabait sa lahat ng taong makikilala ko. I'm done trying.
"I like Piero," sabi ko sa kanya.
Umigting ang panga ni Rafael. "May asawa yung tao!" sabi niya sa akin.
"I don't care," Sabi ko. But I know it's not me. Hindi ako iyon. I was just driven with my pride.
"Nagiging kagaya ka na ng Mommy mo!" asik niya sa akin kaya naman walang pagdadalawang isip ko siyang sinampal.
"How dare you!?" sigaw ko sa kanya.
Gusto ko ulit siyang sampalin dahil sa namuong galit na naramdaman ko after he reminds me of my Mom. Isang beses akong gumawa ng paraan para makakuha ng information about her ay nalaman kong she keeps jumping from one man to another.
Imbes na magalit ay ininda na lang ni Rafael ang sampal ko sa kanya.
"I'm sorry, Vera."
"I hate you!" sigaw ko sa pagmumukha niya.
"You are far way better than her. Hindi ikaw ito, Vera." he said.
Muli akong bumalik ng America and decided to change for the better. I want to be the better version of my self para sa mga taong nasa paligid ko. Si Gertie, Si Tito Keizer, si Rafael, si Yaya Esme, and si Gianneri.
Hindi lang ang buhay ni Gertie ang nagbago ng maging Mommy siya dahil sa pagdating ni Gianneri. I saw hope because of her. I love them, tutuparin ko ang mga pangakong pilit kong tinakasan noon.
"Kakabalik ko lang ng Pilipinas and you let me pissed!?" galit na reklamo ko kay Gertie ng halos magiisang oras na akong naghihintay ng sundo sa airport.
"Baka nagdate pa ang driver at katulong niyo," sabi ko at kaagad na inirapan ang lahat ng madaanan ng mata ko.
After one hundred fucking curse na nasambit ko ay nakatanggap ako ng message from unknown number saying na nandito na sila to fucking pick me.
Nakita ko ang sinabing sasakyan. I'm ready na sana to scold the driver ng maputol ang dila ko ng makita ko siya. Isang beses siyang nagtapon ng tingin sa akin bago niya binuksan ang passenger seat para sa isang babae.
Mabilis na bumalik ang lahat ng memories na pinilit kong kalimutan noon. I have utang na pangako, Hindi ko naman iyon nakalimutan...na delay lang.
Well, well, well. I'm back, Snoopy!
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro