Kabanata 24
Kabanata 24
I've been helping my husband with the business. Bukod sa pag-aasikaso sa bahay namin at pag-aalaga sa anak namin, I also try to help him with work. Hindi rin talaga madali ang pag-aasawa. Lalo na ang pagiging ina, asawa at katuwang pa sa buhay ng asawa mo. It was never an easy task. But I guess living itself wasn't easy. But it was definitely worth it.
Madalas din akong makisalamuha sa mga tauhan namin sa asukarera and I remember that I was just like this even before. Siguro ay dahil lumaki rin ako sa isang hacienda. Wherein while growing up I witnessed how it worked and how the staff worked hard para lang may magandang ani kami.
At ang mga tanim na tubo na ito ay ipoproseso at gagawing asukal. Pamilyar na ako sa pamamalakad ng asukarera kaya naman masasabi kong medyo madali na lang din ito para sa akin. Although not completely because the business is still not as easy as one two three, but since I have a background knowledge of this kaya naman may nagagawa pa rin ako at nakakatulong.
"Sancho," I called my husband's name.
Agad naman siyang bumaling sa akin galing sa pagtitingin sa mga tauhan na inaakyat ang mga inaning tubo sa malalaking trucks. "You're here. And you brought Tiago." He said and went to us.
Dinala ko nga ang anak namin dito pero hapon na rin naman kaya hindi na mainit at wala na ang mataas na sikat ng araw. Plano ko na susunduin lang talaga namin ng anak namin ngayon si Sancho at sabay na kaming uuwi sa bahay namin.
Ngumiti ako. "Sinusundo ka namin."
And Sancho smiled looking at me and our son I was carrying.
"Nga pala, late snacks na pero nagdala pa rin ako para sa mga tauhan." sabi ko at tinawag na ang dinala ko rin na dalawang kasambahay to distribute the food I brought.
"Nako, salamat po, Ma'am Rosette." Natuwa naman ang mga tauhan naming nandoon.
Ngumiti lang din ako sa kanila at sinabihang kainin na nila kung nagugutom sila. They can also bring it at home. Pagkatapos ay niyaya na rin muna ako ni Sancho na doon muna kami sa loob ng office niya at medyo maalikabok pa nga rin dito sa labas.
Tumango naman ako at sumama na sa asawa ko. "Nagising kasi ito kanina galing sa nap niya." tukoy ko sa anak namin.
"Let me carry him. Mabigat na siya. Hindi ka ba napapagod na parang palagi mo pa rin siyang binubuhat?" Ngumiti sa akin si Sancho.
Ngumiti rin ako at binigay sa kaniya ang anak namin. Tiago's two years old now kaya naman mas mabigat na nga siya kompara noon since he grew bigger.
"Hindi naman. Ayos lang. Iyon nga, nang magising siya kanina sa bahay ay umiyak pa. Akala ko nga nabitin sa tulog o gutom. But I already feed him. Naisip ko lang na baka hinahanap ka since wala ka sa bahay." I said and smiled while watching Sancho carrying our son in his arms now.
We saw that Tiago seemed more fine now that he gets to see his dad. Parang daddy's boy pa nga. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan silang mag-ama. Nandito na rin kami ngayon sa loob ng opisina ni Sancho rito sa asukarera.
"How's work here, by the way? How's your day?" I asked my husband.
Sumagot naman si Sancho at sinabing ayos lang. Medyo naging abala na rin siya sa anak namin na mukhang gusto pang makipaglaro. Ngumiti na lang ako habang nakatingin sa kanilang dalawa.
"Nag-utos ako kanina na padalhan ka ng lunch mo rito. Nakakain ka ba?" I asked him.
Tumingin naman siya sa akin sandali at tumango. "Yes. Thank you."
I just smiled. "If I wasn't busy taking care of our son ako na mismo ang nagdala rito ng lunch mo kanina. Kaya inutos ko na lang sa kasambahay at driver."
Umiling naman si Sancho. "It's all right. You've done enough for me, Rose. And our son. Sometimes I wonder if you ever got tired..." He said and sighed.
Ngumiti lang naman ako sa pag-aalala rin ng asawa ko. Lumapit pa ako sa tabi nila ng anak namin. Pagkatapos ay niyakap ko rin siya sa gilid niya while he still carries our son in his arms. "I will never get tired of taking care of you and our son, Sancho. Alam mo naman na ang pamilya na natin ngayon ang buhay ko." sabi ko nang may ngiti sa mga labi ko.
Nakita ko namang ngumiti rin si Sancho at binalingan ako. "Thank you. I love you." He said. And the gentleness in his voice and his eyes looked heartfelt as he was looking at me.
Pagkatapos ay inabot ko rin ang labi niya and we shared a quick peck on the lips.
Isa pa sa rason kung bakit parang hindi na rin ako nakapaghintay sa bahay namin at sinundo pa namin ni Tiago si Sancho rito sa asukarera ay dahil din excited akong ipaalam sa asawa ko ang isang magandang balita. I couldn't wait at home and I wanted to see my husband right away after I learned about it.
Hindi pa naman ako nakakapunta sa doctor ulit. I only did the at home test. Pero may pakiramdam ako na sigurado na rin ako. Kasi base pa lang sa mga nararamdaman ko nitong mga nagdaang linggo. At isa pa ay naranasan ko na rin ang mga sintomas noon. This wasn't my first time anymore. Ganitong-ganito rin ako noon sa kay Tiago. Kaya naman sigurado na agad ako. And I just can't wait to tell Sancho.
Pero s'yempre hinintay ko pa rin na makarating kami sa bahay. Our maids already prepared dinner for us. Nilabas na rin nila ang cake na ginawa at binilin ko kanina. I think that I wanted to surprise Sancho. Kaya naman may pa cake pa ako. It's just a simple cake that I baked earlier with no much decoration. Ginamit ko lang din ang icing para isulat doon ang salita na "Congratulations!". Sancho has been putting an effort in our bedroom so I wanted to congratulate him dahil pangalawa na namin ito.
"Congratulations... What is this..." aniya nang makita na ang cake na ginawa ko at binasa niya ang nakasulat doon.
Ngumiti lang naman ako sa kaniya at sinabi ko na rin agad kung bakit ako masaya. "I'm pregnant Sancho. With our second child. And I want to congratulate you—" I said to him.
Halos hindi ko pa natapos ang sasabihin ko dahil tumayo na si Sancho mula sa kinauupuan niya at pinuntahan na agad ako na nakaupo rin doon sa harap ng dining table namin para yakapin ako nang mahigpit. Napangiti na lang ako sa reaksyon niya at niyakap ko rin siya.
"I love you." I whispered to him as he hugged me.
Nakita ko rin ang ilang kasambahay namin doon and they looked happy for us.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro