Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 21

Hello, readers! Wakas of this story was already published on Patreon/Facebook group. Kindly send a message to my Facebook Author profile Rej Martinez to join. Thank you very much for your support!

Kabanata 21

Now that I think of Sancho and his sacrifice for me. And I mean to say that he still accepted me wholeheartedly after everything. I realized that he didn't care that I already tried to runaway with other man before. Tinanggap pa rin niya ako bilang mapapangasawa niya. When he had the choice to say no if he wanted to.

Before I asked myself kung ano kaya ang katangian ni Sancho na hindi maganda? And today I think I have found my answer. He's too good for his own good. I realized that he's too understanding... And he love unconditionally. Na hindi na rin nakabubuti sa kaniya minsan...

What if I didn't change my feelings? Paano kung hindi ko siya nagawang mahalin pagkatapos ng lahat? Hanggang kailan siya magtitiis. Because I knew now how much he had suffered too for my sake...

He's too good for me. Naging sobrang mabuti sa akin ni Sancho. That I wanted to return his kindness to him. And he deserves it. After all he's done for me and his sacrifices.

It was our check up for the baby. Sinamahan ako ni Sancho sa doctor. Of course we heard our baby's heartbeat again and he's completely healthy, thank God. S'yempre dahil hindi naman nagkukulang si Sancho sa pag-aalaga sa amin at inaalagaan ko rin ang sarili ko lalo na simula nang nagbuntis ako. Naging mas maingat na rin ako sa lahat ng mga ginagawa ko para masigurong magiging maayos lang ang pagbubuntis ko at sana ay hanggang sa panganganak na rin at paglabas ng bata ay malusog lang din siya.

We did another ultrasound today at nakita na rin namin ni Sancho ang baby namin sa screen ng maliit na monitor sa clinic ng doktora. And both our lips stretched to a wide happy smile habang pinagmamasdan namin iyon.

Sancho looked so amazed that I can't help it but to watch him. At nang bumaling na rin siya sa akin na nakahiga doon sa clinic bed and he's just standing beside me and the bed, inabot ko siya at yumuko naman siya para mahalikan ko ang labi niya. Mukha naman siyang nagulat pa sa inakto ko pero sa huli ay hinagkan na rin niya ako.

"I love you, Sancho. Thank you so much for everything you have done for me. For your sacrifices, for your kindness towards me. And for accepting everything in me. Thank you." I told him finally.

And I want him to feel the heavy of my love for him through my gratefulness, too. Because I am truly and deeply grateful to him.

While Sancho just remained looking at me. Hindi pa agad siya nakapagsalita at mukhang nabigla pa sa mga narinig niya sa akin ngayon. I just chuckled a little at his cute reaction. I find his a little shocked face cute. And then he started to smile as well when he heard me chuckling. Ngumiti rin ako habang nakatingin din sa kaniya pagkatapos.

Sancho kissed my forehead. At nakita ko rin si doc na nakatayo roon at nakangiti na lang din sa aming dalawa.

After our checkup we thanked the doctor at pinaalalahanan din kami nito sa nalalapit ko na ring panganganak. And both I and Sancho are just excited for it. Na naisasantabi rin namin ang konti naming kaba. Which I guess normal for first time parents like us.

"Sancho, can we go visit our hacienda?" I asked him when I saw that we were free today.

He looked at me and then he nodded his head. "Sure, of course."

I smiled and started preparing for it and asking the maids for help. Gusto kong bisitahin ang mga tauhan namin sa hacienda. It's been a long time since I last saw our people. Ang dami kasing nangyari but now that I'm in a better state I would like to see them again. They've all been good to me. Kaya nagpahanda na rin ako ng pagkain para sa mga tauhan ng hacienda namin.

I also called at home to inform my Mama that I was coming to see our hacienda today. And she immediately agreed to it. Dahil wala rin trabaho si Sancho ngayon ay nasamahan na rin niya ako.

"Ma'am Rosette!" Tuwang-tuwa ang mga tauhan ng hacienda nang makita nila ako.

Sinalubong ko rin sila ng ngiti ko. "Kumusta na po kayo?" And I was also amazed na ang iba sa kanila ay may mga anak na rin. Ang iba kasi sa mga anak ng tauhan namin ay halos kaedad ko lang din at nakasama ko na ring lumaki noon sa hacienda namin. "May mga pagkain din po akong dala para sa inyo. At namili rin po ng groceries ang asawa ko para din po sa inyo." I said as I smiled and looked at Sancho beside me, too.

"Naku, hindi pa rin po talaga kayo nagbabago, Ma'am Rosette. Ang bait n'yo pa rin po talaga. At kasama mo pa ang mabait mo ring asawa." Ngumiti sa amin ni Sancho ang tauhan.

"Salamat din po sa inyo, Sir Sancho."

Ngumiti naman si Sancho sa kanila and accepted their thanks.

Pagkatapos ay tinanong ko si Sancho kung ayos lang ba na medyo magtagal pa kami dito. "Hindi na mas'yadong mainit dahil hapon na rin." I said. Habang nagpapasilong lang din kami sa isang pahingahan ng mga manggagawa dito sa asukarera.

"Yeah, it's all right." Sancho agreed.

"Nakapagluto din po kami ng paborito ninyong sinabawan na gulay, Ma'am Rosette."

"Oh. Maraming salamat po." And I just kept on smiling. I also used to have my meals here back in the days with our workers.

Bumaling ako sa asawa ko. "Ayos lang din ba sa'yo na kumain na lang din tayo rito kasama nila?" I asked him.

And Sancho just agreed as well. And I noticed that he seems happy just by watching me converse and having fun with our people in my family's azucarera. Nagtagal ang tingin ko sa asawa ko at napangiti na lang din ako.

And on their break time, nagsimulang ihain ng mga tauhan ang mga pagkain doon sa munting lamesa nila. And I and Sancho joined them for lunch. It was another happy eventful day for me. And it definitely feels just like the old times. The old Rosette in me was truly happy that I was able to be here today. And with my loving and supportive husband this time.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro