Kabanata 2
Read more chapters now on Patreon/Facebook group. Message to join group and you can pay membership using GCash/Maya. Membership is 150/month. You can cut your membership and rejoin group anytime. Thank you for your support!
Kabanata 2
Nagsimula kami ni Caspian sa pagiging magkaibigan. Simula nang dumating sila ng pamilya niya sa hacienda namin ay magaan na agad ang loob ko sa kaniya. He's a simple man with dreams only enough to help his family and himself live a better life. At siguro iyon din ang nagustuhan ko sa kaniya.
Tumayo ako at nakangiti siyang sinalubong dito sa munting naging tagpuan na namin. Isa itong maliit na pahingahan ng mga trabahante ng asukarera. May isang mesa at mga upuan dito na gawa sa kahoy. Pero dahil may kalayuan na rin ito at halos nasa dulo na ng azucarera namin kaya hindi na rin talagang napupuntahan ng mga tao rito sa loob ng hacienda.
Nakangiti rin si Caspian habang papunta sa akin. Nakasuot lang siya ng simpleng T-shirt at shorts. Ang guwapo niya kahit sa simpleng pananamit lang. Maayos naman ang buhok niya na medyo nagugulo lang din ng hangin. As we stood in front of each other his tall height became more defined. Lalo at nakasimpleng flat sandals lang din ako. I was wearing my usual dress here in our hacienda. And Caspian smells so nice. Parang natural na amoy lang din niya, which was fresh and clean.
We sat there and started to enjoy the little meryenda that I brought for us. Siyempre ako ang may gawa ng mga ito. It's just bread that I made personally and some healthy fruit juice. "Salamat sa pagkain." Caspian smiled and thanked me.
"You're welcome." I said, and we also thanked God for our food.
And then we just enjoy each other's company. And I enjoyed my little time with Caspian.
But the moment I came back to our mansion, nakatanggap ako ng isang sampal kay Mama. Napahawak ako sa pisngi ko at nanlaki ang mga matang nakatingin sa Mama ko. "Mama..."
"Totoo ba? You have this relationship with one of our workers here in our hacienda?" Mama was fast to confront me.
Hindi agad ako nakapagsalita at gulat pa. Hindi ko man gustong itago ang relasyon namin ni Caspian pero alam ko na ganito ang magiging reaksyon nina Mama. And I was scared na paghiwalayin nila kami. At mukhang dumating na nga ang kinatatakutan ko...
"At saan ka nanggaling ngayon? Huwag mong sasabihin sa akin na magkasama kayo ng lalaking iyon?!" Mama was obviously angry...
"M-Mama—"
"Totoo? Totoo nga?!" Napahawak si Mama sa mga labi niya na parang hindi siya makapaniwala sa akin.
"Hector, papuntahan mo sa mga tao natin ang lalaking ito at palayasin sila ng pamilya niya ngayon din." tawag ng mama sa papa.
Nanlaki ang mga mata ko. "Mama—"
"Tumahimik ka, Rosette! Wala ka sa tamang pag-iisip. Nawala ka na siguro sa iyong katinuan. Hindi ka nag-iisip! Ang daming lalaki. Nandiyan si Sancho. Bakit isang hamak na lalaki ang nagugustuhan mo? Nag-iisip ka ba?"
"Mabait po si Caspian, Mama—"
"Wala akong pakialam! Mag-isip ka nga." Gigil akong nilapitan ng Mama. "You are a Regalado! Isa kang heredera! Bakit ka magkakagusto sa isang kahig isang tuka na lalaking iyon?!"
"Hector..." Napahawak si Mama sa kaniyang ulo at agad naman siyang inalalayan ng Papa.
Bumaling sa akin ang Papa na seryoso rin. "Umakyat ka na sa iyong kwarto, Rosette. Mag-uusap pa tayo mamaya." anito sa akin.
"Pero, Papa... Ano po ang gagawin ninyo sa pamilya ni Caspian? Hindi po ninyo sila pwedeng basta na lang na paalisin dito—"
"It's our hacienda and we have the right na magpaalis ng mga tao rito."
"You can't do that, Mama—"
"Well I'll do it, Rosette!"
Natahimik ako sa galit ni Mama. "Totoo nga sigurong matagal na ito? Dios mío!" anang Mama na nag-alala na rin ako dahil mukhang mahihimatay pa siya...
At naging mabilis na ang mga pangyayari pagkatapos. Nalaman ko na lang na isang nagtatrabaho rin pala sa hacienda namin ang nagpaalam kanila Mama ng tungkol sa amin ni Caspian. Kinulong ako sa kwarto ko ngunit bago pa man kuhanin sa akin nina mama ang cell phone ko ay na contact ko pa si Caspian. Pinaalis nga raw sila ng Mama at Papa ko sa hacienda namin.
"Sasama na ako sa 'yo, Caspian. Magkita tayo. Tatakas ako rito sa mansyon at sasama ako sa 'yo kahit saan..." I said to him over the phone.
Iyon ang napagkasunduan namin ni Caspian bago pa man kinuha ng Mama ang phone ko. Binura ko na rin ang lahat ng pag-uusap namin ni Caspian doon. Tiningnan pa ako ng mama na parang pinagdududahan ako bago niya ako iniwan sa loob ng kwarto ko.
Hindi pa agad ako nakatakas sa mansyon dahil bantay sarado ako ng Mama na halos hindi na muna iniwan ang mansyon at nanatili roon dahil sa akin. Hindi ko pa muling nakakausap si Caspian pero ang usapan namin ay maghihintay siya sa akin sa kung saan sila ngayon pansamantala lang na nanuluyan ng pamilya niya. Doon niya ako hihintayin at saka kami aalis papunta sa lugar na malayo rito...
And then Sancho and his younger sister Ynes came to visit me at home. Ang sinabi kasi sa kanila ni Mama ay hindi raw maganda ang pakiramdam ko at nasa bahay lang ako...
"Are you okay?" agad na tanong sa akin ni Sancho nang makarating sila.
Tahimik lang naman akong tumango...
Ynes wanted to use our pool kaya sinamahan ko na rin sila roon. While Sancho didn't swim at parang binantayan na lang kami ni Ynes. Mukhang sinusubukan niya rin mag-memorize ng script para siguro sa trabaho niya. Nagpahanda rin ng meryenda si Mama para sa amin. Ynes was quiet at mukhang may iba ring iniisip kaya ayos lang din kung tahimik lang din ako. Although we swim together in our pool.
Pagkatapos ay gusto na raw magpahinga ni Ynes sa guest room. At sinabihan naman ako ng mama na samahan muna si Sancho because unlike his sister hindi pa siya inaantok to take some siesta... So we went out but still just inside our hacienda. At habang kasama ko si Sancho ay patingin-tingin din ako sa paligid na para bang naghahanap kung saan pwedeng makakatakas...
"What's wrong?"
Mabilis akong bumaling kay Sancho—like someone who got caught doing something. At siguro ay nagmukha rin akong guilty nang humarap sa kaniya. "Ano 'yon?"
Bahagya rin naman niya akong pinangunutan ng noo. "Are you all right?" he asked me.
Huminga ako at tumango-tango bago sinabi sa kaniya na ayos lang ako. I sighed and calmed myself down...
"What really happened?"
Muli akong bumaling kay Sancho dahil sa tanong niya. Hinipan ng paghapong hangin sa hacienda ang mahaba kong buhok. Matagal na nanatili ang tingin sa akin ni Sancho. Bahagya siyang tumikhim pagkatapos ng ilang sandali. Habang inayos ko naman ang buhok ko na bahagyang nagulo ng hangin.
"I mean, may I know?"
"Ano ba ang sinabi sa 'yo ng Mama?"
"That you're not feeling well..." he answered.
"So she asked you to come here..." I said.
Tumango si Sancho.
Nagbuntong-hininga ako at bumaling sa iba't ibang klase ng bulaklak na narito sa garden namin.
"I want to know what happened from you, too..." He said after awhile.
Tiningnan ko siyang muli. "You don't believe, Mama?" I asked him.
Umiling siya. "It's not like that... Gusto ko lang din malaman galing sa 'yo..."
"You think something else happened?"
"You tell me..." He said.
Pareho kaming natahimik ng ilang sandali. "Can we go out? Like now..." I asked him instead. "Outside our hacienda. Sa bayan siguro..." sabi ko pa.
Tiningnan ako ni Sancho. Bago siya pumayag. "All right."
Nagpaalam si Sancho kay Mama na agad naman siyang pinayagan na ilabas ako. Pero matalim din ang tingin sa akin ni Mama na para bang pinagbabantaan ako to not do anything funny...
"Bakit nga pala...nandito ka ngayon sa probinsya? Wala ka bang trabaho...o bagong movie?" I tried talking to Sancho while we're on our way to the bayan.
Sinulyapan niya ako. Siya ang nagmamaneho ng sasakyan kaya kaming dalawa lang ang umalis ng hacienda. Ynes was still probably asleep in the guest room. "Well, yeah, I'm on vacation right now. Pagbalik ko pa ng Manila ang sunod ko na trabaho..." Muli niya akong sinulyapan sa shotgun seat ng sasakyan niya.
Tumango lang ako sa sagot niya.
Pagdating sa bayan ay binabati pa kami ng mga tao. Sancho's the Governor's son. Habang kilala rin ang Papa ko na Mayor naman. Sinubukan ko na lang din ngumiti sa mga pagbati.
"Bagay na bagay po kayong dalawa." ang sabi pa sa amin.
Nagkatinginan kami ni Sancho at ngumiti na lang din sa isang Nanay na bumati sa amin. Pumunta kasi kami sa parang mga tianggihan dito sa lugar. May nakita rin ako roon na tindang keychain. And then I remember na wala yatang keychain 'yung car keys ni Sancho kanina. Baka hindi rin naman niya kailangan pero tinawag ko na siya baka gusto niya ring bilhin. "You might need this sa car keys mo." I said to him.
Tumango naman siya at bumili. Pero dahil may binili rin ako at nasa isang lalagyan lang 'yon lahat kaya ako na muna ang nagdala. Sobrang gaan lang din naman kaya hindi ko na pinahawak pa kay Sancho. Pagkatapos ay nag-ikot pa kami. The truth was I was trying to find a way to escape. Kaya pinili ko rin itong tianggihan na mataong lugar. I thought that this was the right time. Dahil kapag inuwi na ako ni Sancho sa mansion ay baka hindi na ako makahanap muli ng pagkakataon...
"Is there somewhere else that you want to go aside from here?" Sancho asked me.
Bumaling ako sa kaniya at nanatili ang tingin ko sa kaniya. I didn't know if I could trust Sancho. He's my friend... Pero alam din namin na nirereto kami ng mga magulang namin sa isa't isa... Sancho's not a bad person. Hindi ko rin alam kung may nagugustuhan din ba siyang iba...
"Meron... But I want to go there alone..." sagot ko sa kaniya makaraan.
Ilang sandali kaming nagkatinginan ni Sancho. Para bang sinusubukan namin pareho na basahin ang isa't isa...
"Will you be okay?" He asked me and like he's worried, and making sure first if I would be fine.
Unti-unti naman akong tumango sa kaniya. Pagkatapos ay marahan din siyang tumango sa akin... Kahit parang may malalim din siyang iniisip... But he let me go...
Pagkatapos ay nagmadali na rin akong makaalis. Dahil kapag bumalik si Sancho sa mansyon na hindi niya na ako kasama ay alam kong agad akong ipapahanap ng Mama. I went straight to where Caspian was. Nakapunta na rin ako rito dati sa bahay ng pinsan niya noong minsan din kaming palihim lang na namasyal sa labas ng hacienda noon ni Caspian.
Mabilis akong bumaba sa tricycle na sinakyan ko at agad na kumatok sa munting bahay ng relative niya. At nakahinga ako nang maluwang nang makita kong nandoon pa si Caspian. Mukhang hinintay nga talaga niya ako.
Sinalubong niya ako at mahigpit ko siyang niyakap. Pero sinabihan ko rin siya na kailangan na naming umalis agad. At mukhang nakahanda na rin naman siya. Pero napansin ko rin ang pasa sa mukha niya kahit mukhang gumagaling na rin ito... "Pinagawa ba ito ng Papa sa mga tauhan niya...?" Naiiyak ako habang marahang hinahawakan ang pasa niya...
Hinawakan ni Caspian ang kamay ko. "Hayaan mo na. Paano ka nakaalis sa inyo? Nahirapan ka ba?"
Umiling ako. "Saka na lang natin pag-usapan. Umalis na tayo bago pa malaman ng Mama ko na wala ako..." I said in hurry.
Tumango si Caspian at mabilis na rin kaming nagpaalam sa mabait niyang pinsan. Wala na rin doon ang pamilya niya dahil noong isang araw pa raw nakauwi sa probinsya naman ng lola niya sa mother side. Habang ngayon ay aalis na rin kami papunta sa ibang lugar na malayo rito sa lugar na kinalakhan ko...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro