Kabanata 13
Kabanata 13
A big misunderstanding broke in our families. At ang masakit pa kahit si Sancho ay mukhang ayaw akong paniwalaan...
Ynes visited our house at akala ko ay simpleng pagdalaw niya lang iyon sa bahay namin ng kuya niya rito sa Iloilo. But instead I was just greeted by her harsh slap.
"Hindi mo ba talaga titigilan ang asawa ko?"
"Ynes..." Nakahawak pa ako sa pisngi kong sinampal niya. "Ano ang ibig mong sabihin?"
"Huwag ka nang magmaang-maangan pa!" She harshly accused me. "May nakakita sa inyo kahapon na magkasama!"
Apparently it was someone who also knew Ynes's family. At nakita kami kahapon ni Caspian malamang sa parking lot noong cafe and I remember Caspian was hugging me. But he was only trying to comfort me at that time.
"Nagkakamali ka, Ynes." Umiling ako sa kaniya.
And as I was just going to explain to her sumunod namang dumating si Sancho galing sa lakad niya para sa lupa na minana, at ang Mama nila.
"Ynes," their mom called and she went to her daughter's side.
Agad din na pumunta si Sancho sa tabi ko. "Are you all right?" He immediately checked on me.
Tumango na lang naman ako.
But Ynes was unstoppable. Umalis siya sa tabi ng Mama niya at inabot pa ako para muling saktan kahit nasa tabi ko lang si Sancho na agad din naman siyang pinigilan.
"You can't hurt my wife, Ynes!" Nagalit na rin si Sancho sa kapatid niya.
Natigilan din si Ynes at tumingin sa kuya niya. Ayaw ko rin na mag-away silang magkapatid kaya hinawakan ko na si Sancho.
"She deserves it! Because if you still don't know your wife is such a slut!"
"Ynessa!" Sancho angrily shut his younger sister.
"Sancho! Stop pointing at your sister! Bakit hindi iyang asawa mo ang kausapin mo?" Nagsalita na rin ang Mama nila na galit din akong tiningnan.
Tiningnan ako ng Mama at kapatid ni Sancho na para bang mababa ang tingin nila sa akin. When I didn't do anything wrong. I don't know what they are accusing me of. It's just a misunderstanding. Pero lumalaki na nang ganito dahil imbes na kausapin muna nila ako ay agad na lang nila akong pinaparatangan.
"I didn't do anything wrong." Sumagot na ako at tiningnan ang Mama ni Sancho na natigilan din.
Bumaling naman ako kay Ynes. "Have you talked to your husband? Did you ask him about it?"
Hindi siya nakasagot. Siguro ay hindi pa sila nag-uusap, kung ganoon ay ako na agad ang una niyang kinompronta? Bakit ganoon... It was like they're already so sure that it's just my fault... And how could it be... Umiling ako.
"Paano mo ipapaliwanag na nakita kayong nagyayakapang dalawa?!" Hindi pa rin nagpaawat si Ynes.
Umawang naman ang labi ko. At bago pa man ako makapagsalita ay muli pa siyang may karugtong na sinabi.
"Tama ba iyong ginagawa mo? May asawa nang tao ang nilalandi mo pa rin! At ikaw rin! You are my brother's wife! How could you do this to him?!" She continuously accused me.
My mouth opened more. Gusto ko nang magsalita pero palagi akong napuputol.
Pagkatapos ay bumaling pa si Ynes kay Sancho. "Paano mo nagagawang kampihan pa ang babae na 'yan, kuya? Ako ang nasasaktan dito at ako ang kapatid mo!"
Ynes cried and their mother comforted her.
"Sancho," their Mama called him. "That woman might be your wife, but you don't deserve someone like her! Anak, hiwalayan mo na lang ang babaeng 'yan!"
My eyes widened. I couldn't believe I'm hearing all these things and accusations all at once. Umiling ako. Pagkatapos ay bumaling ako kay Sancho. "Sancho—"
Pero natigilan din ako nang makita ko ang mukha niya habang nakatingin din siya sa Mama niya at kapatid...
"Sancho..." I still called him pero mahina na ang boses ko...
"Mama, please bring Ynes home for now. We will talk again when we've all calmed down..."
"Pero, kuya,"
"Please, Ynes." pakiusap ni Sancho sa kapatid niya.
Pagkatapos ay sumunod naman ang Mama niya at umalis na sila ni Ynes.
I heard Sancho sighing.
"Sancho, you don't believe their accusations, right?"
Bumaling siya sa akin at nagkatinginan kami. And I didn't like the expression he showed me.
Umawang ang labi ko at umiling akong hindi makapaniwala sa kaniya. I thought that our relationship got better and we already formed a bond that cannot easily be broken... I thought that we understand each other. That we have trust for one another. But now I think that I may be wrong...
"So... you believe that, nilalandi ko nga si Caspian? Ang asawa ng kapatid mo? Ganoon ba ang tingin mo sa akin? Tingin mo ba ginagawa ko iyon?"
"Rose—"
Umiling ako. And I looked at him with disappointment in my eyes.
Paalis na rin kami ng araw na iyon at ilang beses na rin tumawag ang Manager ni Sancho. Na-extend na ang bakasyon niya. Kaya tumuloy kami sa pagbalik ng Manila nang araw ding iyon. With me unable to talk to his mother and sister anymore... To somehow clear my name... At si Sancho na lang ang kumausap sa kanila.
Pagdating namin sa bahay namin sa Manila ay wala kaming kibo ni Sancho sa isa't isa. Ayaw ko siyang kausapin at nagkukulong lang ako sa kwarto ko kapag nand'yan siya.
Hindi ako nag-iinarte lang na ayaw ko lang siyang kausapin. Hindi ito isang simpleng away lang ng mag-asawa. I was hurt. He hurt my feelings by believing his mother and sister's accusations towards me. I know that they are his mother and sister, but I am his wife. At akala ko ay mas kilala niya ako...
So it really hurts me to think about it.
"Rose," Kinatok na rin niya ako sa kwarto ko.
Hindi naman ako nagsalita and my door was locked. Alam niya rin naman na nandito lang ako sa loob ng kwarto.
"I'm leaving now... Please be sure to have your breakfast. I cooked. You can also order or prepare your own meal if you didn't like what I prepared for you."
I can hear him outside my door. Hindi pa rin ako nagsalita at hinayaan ko lang siya hanggang sa mukhang makaalis na siya.
I also cried thinking about this.
And my silence lasted for two weeks. Until we received a bad news from Iloilo...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro