Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 11

Kabanata 11

"Mag-ayos at maghanda ka, Rosette. Dito mag-d-dinner sa atin mamaya ang mga magulang ni Sancho." Mama told me.

After what happened earlier ay tahimik naman ang bahay. Papa went to the city hall to attend to his duties as mayor. And I stayed inside my room while I knew that Mama was just here in our mansion, too. Hindi siya umalis o sumama sa kay Papa. Hinihintay ko rin si Sancho na makabalik. Nang katukin ako ni Mama sa kwarto at ipaalam ito.

Pagkatapos ay umalis din siya at iniwan muli akong mag-isa doon sa dati ko nang kwarto rito sa mansyon namin.

I realized that I missed my old room, too. Na-miss ko rin itong mansyon namin, ang hacienda na tiningnan ko na lang sa labas gamit ang bintana ng kwarto ko. Kung hindi kami nagkasagutan nina Mama kaninang umaga, at kung wala lang din akong kinakaharap ngayon malamang ay naglibot na rin ako sa hacienda namin kagaya ng ginagawa ko noon.

Like what Mama said I readied myself sa pagdating ng in-laws ko. I also checked my phone at may message nga rin sa akin si Sancho na pupunta raw ang parents niya sa amin. At mukhang sasabay na lang din siya sa kanila pabalik dito.

I wore simple but proper clothing to greet my in-laws. And then I remembered Sancho's parents. Pormal ang Papa ni Sancho pero ayos lang. Ang Mama naman niya ay hindi pa kami talagang nagkakausap...

I sighed a bit and I felt a little nervous thinking about what will happen later. Kahit sinabi ng Mama na mag-d-dinner daw kami kasama sila. Hindi ko pa rin maiwasan na mag-alala.

"Senyorita, nandito na po ang mga bisita." Kinatok ako ng isang katulong namin.

Tumango ako at sumunod na rin. Pagbaba ko ay nandoon si Sancho na sinundo ako sa may paanan ng hagdan.

"Ang Mama at Papa mo?"

"Nasa dining na sila. Nandoon na rin ang Papa mo." He said.

I nodded and went with him to our dining room.

Kumpleto na nga kami nang pumasok kami doon ni Sancho. Agad pumunta sa amin ang mga mata ng mga magulang namin. I went to my in-laws to properly greet them. Tahimik lang naman sila lalo na ang Mama ni Sancho...

And then I went to sit to the chair Sancho pulled for me. Umupo ako roon at sumunod si Sancho sa tabi ko.

We had a rather quiet dinner...

After the meal my Papa and Sancho's father talked about their business. Si Mama naman ay tumanggap ng tawag kaya naiwan ako kasama ang Mama ni Sancho as we were having tea after dinner. Si Sancho rin kasi ay pinatawag din ng Papa niya.

"M-Mama..." Nagsalita na ako nang hindi ko na makayanan ang sobrang katahimikan ng Mama ni Sancho.

Bumaling siya sa akin at nagkatinginan kami.

Hindi lihim sa kanila iyong pagsama ko noon kay Caspian... Kaya nga mukhang ayaw din ng Mama ni Sancho na nagpakasal kami ng anak niya. Maybe she finds me unworthy of her son...

Before I couldn't bother myself with this. Pero ngayon ay parang naaapektuhan na ako. And I mean my relationship with Sancho already got better. At gusto ko rin sana na maayos ko na rin ang gusot ko sa pamilya ng asawa ko...

"Kumusta kayo ng anak ko?" She asked me and then she put down her cup of tea. Pagkatapos ay muli niya akong tiningnan.

Kinabahan naman ako sa titig niya. "Maayos naman po kami, Mama..." sagot ko naman.

"Really?"

I can't nod, I only looked at her. She makes me so nervous in front of her. Ngayon ko lang naramdaman na parang naiintimidate ako sa Mama ni Sancho...

"Ano'ng ginagawa mo kanina sa amin at umalis si Caspian kasama ka. Saan kayo nagpunta?"

My lips parted but I couldn't answer. Parang hindi ko na rin alam ang sasabihin ko sa kaniya. Although I already knew that I should explain myself...

"Ano ang tingin mo sa anak ko?"

I still couldn't answer her. And her expression turned more serious. At sa mga sumunod niyang sinabi sa akin ay nakita ko kung paanong mukhang pinipigilan niya lang ang sarili niya o nagtitimpi siya. "Tatapatin na kita. I never agreed to let my son marry you. Dahil alam kong ganito ang mangyayari..." She said.

"At talaga bang wala ka nang kahihiyan? Ni hindi mo marespeto ang anak ko na ikaw talaga ang nagpupumilit makipagkita kay Caspian? Sa fiancé ng anak ko. And we rushed Ynessa to the hospital earlier dahil sa'yo. Kapag may nangyari pang masama sa anak ko hindi ko na talaga mapipigilan ang sarili ko." She said.

Hindi pa rin ako makapagsalita. I wanted to ask her how was Ynes. Kung nakauwi na ba ito sa bahay nila at nandito sila ngayon sa amin...

"Gusto talaga kitang makausap ng personal kaya pumunta na lang ako ngayon dito. Even though I didn't really want to. Pero gusto kong klaruhin sa'yo ang mga bagay bagay. I want you to stop harming both of my children. Kay Sancho stop harming his name. Hindi mo ba naiisip kung ano ang sasabihin at iisipin ng mga tao na ganitong babae ang pinakasalan ng anak ko? Because no matter how we try to hide it lumalabas pa rin kung anong klaseng babae ka..."

My eyes widened a fraction and I gulped. And I felt the pain in my chest as her words were like daggers to my heart. Kahit hindi ko pa halos maintindihan ang ibang mga sinasabi niya. Hindi na ako nakapagsalita pa because I thought that I should understand her... She's Sancho's Mom. Pero hindi ibig-sabihin na hindi na ako masasaktan sa mga sinasabi sa akin.

"I will hold back myself because I'm trying to protect my children and their feelings. Especially Sancho... Pero kapag nagpatuloy ka pa rin sa ginagawa mo... Hindi na rin ako magpapatuloy pa sa pananahimik ko. If only you'd just leave my children alone. Kung sana ay hihiwalayan ka na lang ni Sancho." She continued.

Her voice was still calm as she controllably throw me these hurtful words. Habang ako naman ay nanatili lang din tahimik. Unable to even defend myself...

Kinuha niyang muli ang cup niya at nilapit na iyon sa bibig niya when she stopped talking. Nakita ko rin na nakabalik na ang Mama at nandoon na rin si Sancho na sumunod na umupo sa tabi ko at kinumusta pa ako sa harapan ng Mama niya. I looked at his mother na tinanggihan na si Mama at nagsabing aalis na sila ng Papa ni Sancho. While I can see my Mama like trying to please her... Sancho's Mama looked like she doesn't care anymore, or that she's lost it...

Nagbaba ako ng tingin at hindi na muling nag-angat pa ng ulo hanggang sa makaalis na ang in-laws ko...

"How's Ynes, Sancho?" I asked him after.

"She's fine now. Dinala lang siya kanina nina Mama sa ospital dahil nagrereklamo siya na masakit daw ang tiyan niya. And they got worried for her and the baby... Kaya dinala na nila. But since the doctor said that she's fine, kaya umuwi din agad sila sa bahay pagkatapos."

Tumango naman ako at wala nang sinabi pa...

Mabuti naman na okay na si Ynes.

"Are you all right?"

Bumalik ang tingin ko kay Sancho. Tumango ako and assured him that I'm okay...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro