Kabanata 10
Kabanata 10
Natahimik na rin ang Mama. Pagkatapos ay sumunod na dumating si Papa. "What's happening here... You're here Sancho and Rosette?"
Nagmadaling lumapit si Mama sa kay Papa. "Nandito nga ang anak mo, Hector. Mukhang bumalik siya dahil sa lalaking iyon."
Bumaling si Papa kay Mama pagkatapos ay sa aming dalawa ni Sancho. Nagkatinginan din sila ni Sancho at parang hindi alam ng Papa ang sasabihin niya... Sa huli ay niyaya na lang niya kami na kumain at magpahinga na rin muna.
So in the end Sancho and I stayed in our mansion that night. Natulog kaming dalawa sa kwarto ko at wala na rin akong sinabi pa. Although later on that night I realized that it was our first time to sleep together in one bed.
"Uh, I can sleep on the couch." He said when he noticed it, too.
Bumaling ako sa kaniya at umiling na. "Hindi na kailangan. Huwag na. Malaki naman ang kama... And we can sleep together beside each other even just for tonight." I said.
"Are you sure it's fine with you?"
Tumango ako sa kaniya. "Oo, ayos lang."
"Well, alright then."
Salitan din kaming gumamit ng banyo to wash first before going to bed. And then we're both laying here in bed now.
"Sorry nga pala kasi hindi ako nagpaalam sa'yo na aalis ako..." I said.
Naramdaman ko naman ang pagbaling sa akin ni Sancho. Pareho na kaming nakahiga sa kama at may distansya pa rin naman sa pagitan naming dalawa habang nakahiga. "I got worried..." He said.
"I'm sorry..."
I heard him sighing calmly. "What happened?" He asked me. "May I know?"
Unti-unti na rin akong bumaling sa banda niya. "I just..." I can't almost look at his face nor his eyes. "I just want to talk to Ynes... and Caspian... I want to know what happened." sinabi ko na rin sa kaniya.
I didn't really want to worry him. Gusto ko lang gawin ito para na rin sa ikakatatahimik ko at namin...
Nakatulog na rin ako kalaunan sa tabi ni Sancho nang halos hindi ko namamalayan. And when I woke up the morning after nakaunan na ako sa dibdib niya and he was hugging me while sleeping...
It was followed by a little awkwardness nang magising kaming dalawa na nasa ganoong ayos. Parang hindi pa namin alam pareho kung paano kakausapin ang isa't isa dahil lang sa hindi rin naman namin sinasadyang mangyari because we were both asleep at hindi na namin namalayan iyon na nakayakap na pala kami sa isa't isa habang natutulog.
Pero kalaunan ay nakalimutan ko rin iyon when I remember what I came here for yesterday. I have to talk to my about what Caspian told me. Na may kinalaman sila sa nangyari sa kaniyang aksidente noon sa barko when I thought that he died...
While Sancho was still showering in the room ay nauna na akong bumaba para kausapin sina Mama at Papa. And they were both already in the dining area waiting for me and Sancho for breakfast.
I didn't wanna ruin our first meal of the day at ayaw ko rin sanang maging bastos sa harap ng pagkain pero hindi ko na rin napigilan pa ang sarili ko...
"What are you talking about, Rosette?" Mama reacted after I asked them about what Caspian had told me.
Pareho sila ni Papa na mukhang nagulat at agad din na nag-react ang Mama. That I find her a little defensive...
"Gusto ko lang po na malaman ang katotohanan, Mama... And Caspian said that he already has the evidence that you really did it. I think the thing that's stopping him from confronting you two is because kaibigan pa rin po kayo nina Governor... And they are Ynes's parents..."
"How dare that man tell lies!"
"Tama na, Rosalia." pagpipigil ni Papa kay Mama.
Natigilan na rin naman ang Mama sa pagsaway sa kaniya ng Papa. Pareho silang natahimik din ng ilang sandali. Bago inamin na rin sa akin ng Mama na totoo nga ang sinabi sa akin ni Caspian...
"Hector—"
"This is enough, Rosalia." Bumaling siya kay Mama. "The Llamanzares already confronted us about this. At dahil na lang sa koneksyon pa rin ng mga pamilya natin at dahil in-laws din sila ni Rosette kaya hindi pa rin nila nilalabas iyong kamaliang nagawa natin noon." He said.
"Hector..."
Papa sighed. "It was wrong, what we did..." aniya na parang nagsisisi nga siya sa nagawa nila ng Mama...
Habang nakaawang naman ang labi ko. At unti-unti nang bumuhos ang mga luha ko nang walang tigil...
"Paano n'yo po nagawa ang bagay na iyon, Mama? Papa?" I asked them as I cried.
Bumaling sa akin ang Mama na may galit pa rin ako na tiningnan. "It was for you, Rosette! It was because of you! Kung hindi ka sana sumama sa lalaking iyon... Hindi sana kami gagawa ng Papa mo ng ganoon!" She cried in frustration...
"That's enough, Rosalia!"
Tumingin ako sa Papa. Ngayon ko lang yata siya nakita o narinig na ganitong magtaas ng boses kay Mama.
Kahit pa ang alam ko ay resulta lang din ang pagsasama nilang dalawa ng isang arranged marriage din na ginagawa na noon ng mga magulang nila o ng mga lolo at lola ko, I know that my Papa respected Mama. At siguro ay kalaunan ay minahal na rin niya ito na nahulog ang loob nila sa isa't isa...
Mama was crying. And I was crying, too. Nasasaktan ako that my parents had to go to the lengths because of me... Maybe they got frustrated and desperate... Kasalanan ko.
"Hindi n'yo na po kailangan pang gawin iyon..." I managed to say through my tears.
Tumingin sa akin ang Papa na parang naaawa na siya sa akin. But he went to Mama's side to comfort her...
When I just went back upstairs ay nakasalubong ko na si Sancho na mukhang pababa na rin sana. He stopped when he saw me. Wala nang luha ang mga mata ko but maybe it's still obvious that I just cried now.
"Rose? What happened? Are you all right?" Nag-aalala niyang tanong at lapit sa akin.
Bahagya naman akong umiling. "I'm fine, Sancho, uh, you can have breakfast downstairs now. Wala pa akong gana na kumain kaya kayo na lang muna..." I managed to say.
"Rose, pinapatawag ako nina Mama at Papa..." He said.
Tumingin ako kay Sancho. "Bakit daw? M-May nangyari ba?" It got me worried...
Umiling siya. "I don't know... But I think Ynes wasn't feeling well..."
My eyes widened a fraction. "Ano ang nangyari? May nangyari ba sa kaniya?" pag-aalala ko rin knowing that she's pregnant...
"I still don't know exactly yet... Maybe she's just stressed out... But I'll go there now to check on her, too." Sancho said.
"S-sasamahan ba kita?"
Umiling siya. "No need. You don't have to come with me. Stay here and I'll come back right away after, okay?" aniya.
Pero parang alam ko na baka ayaw rin akong ipasama ng mga magulang niya sa kaniya kung saan pwede rin kaming magkita muli ni Caspian doon sa kanila... Hindi ko pa nakakausap ang in-laws ko, but... what are they probably thinking now...
"It's all right." Sancho reassured me so I looked up at him again. "I'll be back." sabi niya sa akin.
Tumango na lang ako sa kaniya. Pagkatapos ay nagpaalam na rin siyang aalis para pumunta sa mansyon ng mga Llamanzares.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro