Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 1

Kabanata 15 was already posted on Patreon/Facebook group. Message to join for 150/month and read my other ongoing and exclusive stories! You can always cut your membership and rejoin the group at anytime. Thank you!

Kabanata 1

The people who worked for our hacienda called me kind. I used to bring them food that I sometimes cook or bake them some cake and bread for their meryenda since I love baking, too. At nang isang beses na bumisita ako sa mga tauhan namin sa asukarera ng pamilya ko ay doon ko unang nakilala si Caspian.

Bagong lipat lang sila noon sa asukarera namin at galing silang Negros Occidental. Hindi ko alam ang rason ng paglipat nila pero hindi naman na siguro iyon mahalaga. Ang mahalaga ay may nakita silang malilipatan dito sa amin at nakapagpatuloy sa paghahanap-buhay. At nagkakilala rin kami.

I was used to the simple province life. Dito kasi ako lumaki sa hacienda namin kasama ang mga tauhan din ng asukarera. I was friendly to our people and I like spending time with them, too. Nagpapakita rin naman ng kabutihan sa kanila ang mga magulang ko, and it's sad that they wholeheartedly believe it when truth was that it's just for their political gain for my parents. Tumatakbo kasing lider ng lugar namin ang papa ko noon.

I quietly sighed as I watched our workers take a rest and have their shares from the snacks I brought for them.

"Ikaw, Senyorita? Hindi ka ba kakain?"

Bumaling ako kay Caspian at napangiti sa kaniya. Bago pa lang sila ng pamilya niya rito sa asukarera namin pero masipag sila sa trabaho at mabait din si Caspian. "Kumain na ako kanina habang nagluluto ay patikim-tikim din kasi ako sa niluluto ko." I smiled.

Ngumiti rin siya sa akin. Caspian had this genuine and gentle smile. He's a year younger than me. At pinagsasabay ang pag-aaral at pagtatrabaho para makatulong din sa mga magulang niya at isang nakababatang kapatid na lalaki.

While I just graduated from my course and finished my studies, Caspian was in his last year in college. He's taking a maritime course. At gusto niya raw maging seaman siguro pagkatapos niyang mag-aral. Palagi na rin naming nakakausap ang isa't isa dahil madalas nga rin ako rito sa mga tauhan ng hacienda.

"Senyorita Rosette,"

Nakita ko si Filomena na palapit na sa akin. "Oh, nandiyan na ba ang Mama at Papa?" tanong ko.

"Opo, Senyorita. Kakarating lang nila, at may kasamang bisita. Pinapatawag ka na ng iyong Mama at Papa." anito.

Tumango naman ako at bumaling muna kay Caspian para makapagpaalam sa kanila ng iba pang mga tauhan.

"Sige, Senyorita, salamat po muli sa pagkain." anila.

Ngumiti ako bago tuluyang tumalikod at sumunod na kay Filomena. Pero muli ko pang nilingon ang pinanggalingan at nakita si Caspian na nakatingin pa sa akin. Nang makitang bumaling ako ay agad siyang ngumiti kaya nginitian ko na rin siya.

I loved having conversations with Caspian. Gusto kong marinig ang mga plano niya sa buhay. At kung gaano niya kamahal ang pamilya niya. I feel like he's the realest person I know. When everything around me seemed to be superficial...

"Nandito na pala si Rosette." Ngumiti ang Mama nang makita ako.

Lumapit ako sa kinaroroonan nila ng papa kasama ang mga bisita. Nasa malawak na garden sila sa likod ng mansyon namin kung saan may tamang laking golf course din ang papa dahil hobby niya rin ito.

Nilapitan at hinawakan ako ng mama sa braso ko. "Come here quick, hija, and greet your Tita Carolina and her family." Ngumiti pa ang Mama sa kanila.

Kilala ko na naman sina Tita Carolina at Tito Sandro. At ang dalawa nilang mga anak na si Sancho ang kanilang panganay at si Ynes. Mga bata pa lang kami ay kilala na rin namin ang isa't isa. Our families were friends with each other. Especially my Mama and Tita Carolina. Carolina Abellana was once a famous and beautiful actress and model. Until she met Tito Sandro Llamanzares who came from a rich family of Iloilo and gave up her career. She married him and have a family with two kids with him. Ang alam ko now she just travels a lot and still enjoys her life with her family. While my Mama was a fan of her back in the times. At naging malapit lang din sila sa isa't isa because of Papa and Tito Sandro na matagal na rin talagang magkaibigan ang mga pamilya nila.

"Hello, tita..." I tried to smile and act more lively...

"Hello, hija. Lalo ka pa yatang gumaganda..." She smiled to me.

And I just tried to return the compliment, too...

"Oh. Why don't you take Sancho around the hacienda?"

Tumingin ako kay mama. "Pero tingin ko po ay naging pamilyar na rin sila sa hacienda—" Dahil ilang beses na pabalik-balik na rin naman ang pamilya nila rito sa amin simula noong mga bata pa lang kami.

Pero tinulak na ako ng mama. "Sige na at busy pa ang Papa at Tito Sandro mo sa pag-g-golf." She already sounded like she's reprimanding me...

Pagkatapos ay nakangiti naman siyang bumaling sa kay Sancho. "Hijo, sige na at sumama ka na muna kay Rosette. Maglibot kayo sa hacienda at maaga pa naman alam kong namiss mo rin dito."

Ynes, Sancho's younger sister wasn't with us this time. Hindi na ako nakapagtanong pa ng tungkol sa kaniya dahil obvious nang pinapaalis na kami ng mama. She just wants us to spend some time alone with each other... I sighed.

"I'm sorry..."

Bumaling ako kay Sancho at nagkatinginan kami. Muli lang akong nagbuntong-hininga at umiling. Nakalayo na rin kami sa parents namin. "It's okay..." I said to him.

And then I looked straight ahead of us and continued to walk side by side with him. Tahimik kaming naglalakad lang at hindi pa sigurado kung saan tutungo...

Alam na namin pareho. It was already obvious sa kung paano kami itulak ng mga magulang namin sa isa't isa. Matagal na naming kilala ni Sancho ang isa't isa but that doesn't mean that we can just fall in love with each other...

I wanted something... Someone who's real... Someone who can have real feelings and intentions towards me. Hindi iyong mapilitan na lang din na pakasalan ako at paano pagkatapos?

Sa amin pang dalawa ni Sancho... Hindi ko nga rin sigurado kung totoo rin ba kahit ang pagkakaibigan ng mga pamilya namin...

I feel like our families were just here because of business...or politics. Or whatever that always has something to do with connection, money and power. And I don't think our families would appear to be close to each other if it's not for the things I have mentioned...

Kaya madalas ay mas naaappreciate ko pa and bond between ordinary and simple people. Like the workers in our hacienda. They're living a simple life, and life can be hard on them sometimes but they're still genuinely happy about it and appreciates the little things that people like my Mama and Papa or Sancho's family couldn't...

I just wanted a simple and happy life, too...

Natigilan ako sa paghakbang nang makita ko si Caspian na nakatingin na sa amin ni Sancho. Habang nagtatabas sila ng mga kasama niya ng tubo nang madaan kami sa tabi ng taniman ng tubo ng asukarera. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at bumuka ang bibig ko. Gusto ko na agad siyang lapitan at kausapin para makapagpaliwanag... Sinabi ko na naman sa kaniyang walang namamagitan sa amin ni Sancho kahit tinutulak nga rin kami ng mga magulang namin sa isa't isa...

Kaya pagkatapos ng wala pang isang oras na naglakad-lakad lang kami ni Sancho sa paligid ng hacienda namin ay niyaya ko na rin siyang bumalik na sa mansyon. Kinagabihan ay nakahanap ako ng paraan para mapuntahan ko lang si Caspian at makapag-usap muli kami.

"Ano ang gagawin mo kapag pinilit kang pakasal sa kaniya?"

Nagkatinginan kami ni Caspian. Umiling ako. "Hindi ako magpapakasal, Caspian." I tried to reassure him.

"Pero may magagawa ka ba talaga sa kagustuhan ng mga magulang mo?"

I pursed my lips. Pagkatapos ng ilan pang sandali ay nagsalita ako at sinabi lang ang kalokohang pumasok sa isipan ko. "Kung ganoon ay itanan mo na lang ako ngayon pa lang para hindi na ako maipakasal sa iba." Ngumisi pa ako sa biro ko.

But Caspian took what I said seriously. Seryoso rin siyang nakatingin sa akin at hindi na inalis ang mga mata niya sa akin. "Kung sasama ka sa akin ay ipapangako kong magsisikap pa ako lalo at hindi mo pagsisisihan ang pagpili sa akin, Rosette." aniya.

Awang naman ang labi ko at ilang sandaling hindi nakapagsalita. Dahan-dahan akong umiling. "Pero paano ang pamilya mo, Caspian? Ang pangarap mo para sa kanila. Ang pag-aaral mo?" I asked him worriedly.

Sandali siyang nag-iwas ng tingin sa akin. "Pwedeng umuwi sina mama sa probinsya ng lola ko. At kapag nakaalis na tayo rito ay magsusumikap pa rin akong mag-aral kahit sa ibang lugar at tutuparin ko pa rin na magkaroon ng mas maayos na trabaho para sa hinaharap nating dalawa, Rosette." Hinawakan niya ang mga kamay ko.

Kahit sa madilim na parteng ito ng asukarera dahil gabi na rin ay naliliwanagan pa naman ng konting liwanag mula sa buwan itong kinaroroonan namin ngayon na munting pahingahan ng mga trabahante. Magkatabi kaming nakaupo ni Caspian sa gawang kawayang upuang nandoon. Tumingin ako sa mga mata niya. "Mukhang pinag-isipan mo na ito, Caspian..." I said as I noticed his words...

Nagkatinginan pa kami. "Hindi kita pababayaan, Rosette. May tiwala ka ba sa akin?"

Unti-unti akong tumango...

Nilapit ni Caspian ang mukha niya sa akin at unti-unti akong hinalikan sa mga labi ko. Pinikit ko na lang ang mga mata ko at dinama ang labi niya sa akin...

Pagkatapos ng pag-uusap namin ay nagpaalam na rin kami sa isa't isa. Naglakad na rin ako pabalik sa mansyon namin at umuwi na rin si Caspian sa bahay nila rito lang din sa loob ng hacienda namin.

Nagulat nga lang ako sa presensya ni Sancho na nakatayo na roon sa isang haligi sa labas lang ng mansyon namin. Nakapamulsa siya at nag-angat lang ng tingin nang maramdaman ang presensya kong natigilan doon nang makita siya.

"A-Ano'ng ginagawa mo pa rito sa labas, Sancho?" nautal na tanong ko sa kaniya.

Umayos siya ng tayo at humarap sa akin. He stood almost very tall in front of me. Hindi na nakapagtataka that people in the show business love him. Wala akong masyadong alam sa pag-aartista niya dahil hindi rin naman ako masyadong nakakapanood ng mga palabas sa TV ngayon, and I check my phone less often. But I remember that he started entering entertainment industry when we were halfway in finishing high school... His mother who was also an actor supported him. Hindi ko lang alam sa part ni Tito Sandro pero parang wala rin naman akong narinig sa kanila...

"I was just waiting for you to come back... Hinahanap ka na kasi ng mama mo sa loob. I waited for you and plan to go back together, para hindi na mag-isip pa si tita...at isipin na lang nila na magkasama naman tayo sa labas..." he calmly said.

Hindi ko alam kung tama bang magpasalamat sa kaniya, o dapat ko ba siyang pasalamatan... Pero ayos na rin ang ginawa niya at hindi na ako makukwestyon pa mamaya ng Mama ko...

Tumango na lang ako. "Tara at bumalik na tayo sa loob." sabi ko na lang sa kaniya at nagpatiuna na paloob ng mansyon at naramdaman kong nakasunod lang naman siya sa likod ko...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro