Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

9th Goodbye : First Wish

NINTH GOODBYE
First Wish

* * * * *

Ano ba ang ginawa mo,
ang mundo ko ay kontrolado.

* * * * *

PARIS' POV,

"MAVY tama na 'yan, let's go." Binawi ko sa kaniya ang hawak-hawak niyang bagong bukas na alak. Wala akong nainom kahit isang bote sa mga binili niya, lahat 'yon siya lang ang uminom kaya naman lasing na lasing na siya ngayon.

She look devastated.

"Ris gusto ko pa! Mauna ka nang umuwi," sabi niya sa gitna ng pagsinok. Maya't-maya na rin siyang nawawalan ng balanse kaya hindi ko na siya maiwan. Kung sinu-sino na rin ang inaaway niya sa loob ng bar. Nakakahiya.

"Let's go," madiin kong saad bago siya hawakan sa braso. Hinatak ko na siya papunta sa labas ng bar, papunta sa kotse ko.

Wala siyang imik habang hatak-hatak ko siya. Pagewang-gewang na siya kaya nang matisod siya, nadamay ako. Tawa siya nang tawa na akala mo'y nakakatawa ang nangyari sa aming dalawa. Mukha kaya kaming tanga na nakasalampak sa sahig dahil natisod siya.

"Sana ganito kasaya palagi," natatawa niyang sabi. Nakangiti siya, pero iba ang emosyon ng mga mata niya. Malungkot.

Naawa nanaman ako sa kaniya.

Ganito na pala kabigat ang dinadala ng kaibigan ko, pero hindi ko manlang napapansin. Hindi ko manlang siya natatanong kung ayos lang ba siya, kung may problema ba siya. Kaya siguro heto siya ngayon, napuno na at hindi na kinaya ang bigat. Kung p'wede ko lang bawasan ang bigat na dala-dala niya, kanina ko pa siguro ginawa.

"Mavy, tara na. Baka hinahanap ka na nila Tita," sabi ko bago tumayo. Tinulungan ko rin siya tumayo.

"Wala namang paki sa akin 'yung mga parents ko! Ang alam lang nila, kompanya. Pera. Pagpapalago ng negosyo!" ani Mavy. Susuray-suray kami sa paglalakad dahil inaalalayan ko siya. Buti nalang at nakarating na kami sa kotse ko, naisakay ko agad siya sa backseat.

"'Wag kang susuka rito Mavy, please," sabi ko nang makahiga na siya sa backseat.

Sumakay na ako sa driver's seat at binuhay ko na ang makina. Napalingon ako kay Mavy sa likuran.

Nakapikit na ang mga mata niya, pero may luhang tumutulo sa mga 'yon. Hindi ko alam kung dulot ba ng antok niya 'yon, o baka umiiyak talaga siya.

Magsisimula na sana akong magmaneho nang marinig kong tumutunog ang cellphone ni Mavy. Kinuha ko sa bag niya ang cellphone.

Mommy ang nakalagay na pangalan sa screen, so I assumed it's Tita Dally.

[Thank God you answered the phone Mavy! Where are you! Akala ko ba hanggang 8pm lang kayo ni Paris sa Mall!? Nasaan na kayo!? Tell me, pauwi na kayo hindi ba!?] Bumungad sa akin ang boses ni Tita Dally nang sagutin ko ang tawag. Halata sa boses niya ang pagiging strikta at pag-aalala.

"Tita, it's me, Paris," sabi ko.

[O-oh. Pa-Paris. Bakit nasa iyo ang phone ni Mavy? Magkasama ba kayo? Where is she?] tanong niya. Naging mas mahinahon din ang boses niya.

"Opo, magkasama po kami ni Mavy. Naka-inom po kasi si Mavy kaya ako na po ang sumagot sa tawag. Pauwi na po kami," sabi ko.

[Si Mavy? Uminom? A-ah nevermind. Iuwi mo nalang siya rito Iha. I'll wait you here sa bahay. Aalis din kasi kami kaya hinahanap ko na siya. Ingat kayo pauwi.]

"Yes tita," sabi ko bago ibaba ang tawag. Binalik ko ang phone ni Mavy sa bag niya bago ako magmaneho.

Habang nagda-drive, hindi ko maiwasang mapatingin kay Mavy maya't-maya. Pakiramdam ko talaga, ang lungkot-lungkot niya. Para siyang hindi si Mavy.

O baka ito ang totoong Mavy?

Naiinis ako sa sarili ko dahil magkaibigan kami pero hindi ko alam kung sino ang totoong Mavy. 'Yung Mavy ba na palagi kong kasama sa kalokohan, na magaling mag-advice at palaging nagsusungit? O itong Mavy na kasama ko.

Dahil walang traffic, mabilis kaming nakarating sa bahay niya. Nang ihinto ko ang sasakyan sa tapat ng gate nila, tinanggal ko na ang seatbelt ko.

Muli akong lumingon sa kaniya.

Natutulog pa rin siya at aakalain mong wala siyang problema. Payapa ang mukha. Kung hindi mo lang talaga mapapansin na namumula ang buong mukha niya, hindi mo mahahalatang naka-inom siya. For sure kapag nagkita ulit kami sa susunod, tatanungin niya ako kung anong nangyari ngayong gabi at kung anu-anong ginawa niya.

Napabuntong-hininga ulit ako nang makita ko ang natuyong luha sa mga mata niya.

"Pangako Mavy, sa reunion, magiging masaya tayo. Magiging masaya ka. Kakalimutan muna natin ang lahat ng problema, magiging malaya muna tayo. Tatakasan muna natin ang pressure. Let's burn this stress out," sabi ko bago marahang haplusin ang buhok niya.

Now it makes sense to me.

Gustung-gusto sumama ni Mavy sa reunion para magpakasaya, para lumaya sa pressure na dala-dala naming dalawa. Alam ko 'yon.

Pero hindi ko alam na ganito pala kabigat ang pressure na dala-dala niya.

Ikaw ba naman ipakasal sa hindi mo naman talagang kilala, ewan ko nalang kung hindi ka mabaliw kaka-isip na paggising mo sa umaga, may asawa ka na. Tapos 'yung asawa mo hindi mo pa lubusang kilala.

Bumaba na ako sa kotse at binuksan ang backseat. Sinalubong ako ng mga kasambahay nila Mavy. Mukhang sila ang kukuha kay Mavy sa sasakyan ko dahil tatlo sila na naghihintay sa labas ng gate.

"Nasaan si Tita Dally?" Tanong ko sa isang maid na umaalalay kay Mavy.

"Kaka-alis lang po ma'am. Binilin niya nga po sa amin si Ma'am Mavy," sagot nito. Tumango na lamang ako hanggang sa maipasok nila si Mavy sa loob ng gate.

"Ay wait!" Huminto 'yung isang katulong. Kinuha ko sa loob ng kotse 'yung mga pinamili ni Mavy kanina sa Mall. "Kay Mavy ang mga ito," sabi ko sabay abot ng mga paper bags sa katulong. Tumango ito sa akin bago siya sumunod sa mga kasama. Siya na ang nagsarado ng gate kaya naiwan akong mag-isa sa labas ng bahay nila Mavy.

Napabuntong-hininga ulit ako.

Nakaka-awa talaga si Mavy. Akala ko pa naman hihintayin talaga siya ni Tita maka-uwi.

Kung ako siguro siya, hindi ko na kakayanin tumira sa bahay na 'to. Nakakasakal pero kulang naman sa atensyon. Nasa iisang bubong kayo pero walang paki-alaman. Papaki-alaman ka lang kapag tungkol na sa negosyo ang usapan. Isang mapait na reyalidad na palaging nararanasan ni Mavy.

Bumalik na ako sa loob ng sasakyan, saglit pa akong tumingin sa bahay nila Mavy bago ako tuluyang umalis.

* * * * *

"BAKIT ngayon ka lang?" Malambing na tanong ni Mama nang magmano ako sa kaniya. Nasa tabi naman niya si Papa. Nanunuod silang dalawa sa sala nang dumating ako.

"Si Mavy po kasi," saad ko. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang ikwento ang tungkol sa pagpunta namin sa bar at pag-inom ni Mavy.

"Anong meron kay Mavy?" tanong ni Papa.

Huminga ako ng malalim. "Pwede po ba akong humingi ng favor sa inyo?" tanong ko kaya mas lalong napadiretso ang tingin sa akin nila Mama. Saglit din silang nagkatinginan bago ako ngitian ni Mama.

"Anything anak. Ano ba 'yon?" sabi ni Mama.

"Can you talk to Mavy's parents? Mukha kasing mabigat ang problema ni Mavy sa mga magulang niya dahil ipapakasal na siya nito sa hindi naman niya kilalang lalaki. Pakiramdam ko, sobrang nasasakal na si Mavy sa parents niya," I said.

"Alam mo Paris, kung gusto mong kausapin namin ang mga magulang ni Mavy para ipahinto sa kanila ang kasal, wala kaming magagagawa do'n. Desisyon nila 'yon at hindi tayo p'wedeng manghimasok sa pamilya nila," sabi ni Papa kaya marahan akong umiling.

"Alam ko po 'yon 'pa. Hindi ko naman hinihiling sa inyo na ipahinto sa parents ni Mavy ang kasal. Ang gusto ko sana ay magka-usap si Mavy at ang parents niya. Alam niyo naman po 'di ba kung anong kahalagahan ng communication sa pagitan ng magulang at anak? Tingin ko 'yun ang problema ni Mavy. Walang oras ang mga magulang niya para pakinggan ang daing niya," pagpapaliwanag ko.

Namagitan sa amin ang katahimikan bago tumango si Papa.

"Okay, I'll try to talk to them," sabi ni Papa kaya napangiti ako.

"Thanks 'pa!"

"Kumain ka na ba?" tanong ni Mama.

"Busog pa po ako. Aakyat na po muna ako sa k'warto ko," paalam ko bago sila tumango.

Pag-akyat ko sa k'warto ko, hinayaan ko nalang ang katawan ko na bumagsak sa kama. Pakiramdam ko, pagod na pagod ako ngayong araw. Naiwan ko rin pala sa kotse 'yung mga damit na binili ko. Bukas ko nalang siguro kukuhain ang mga 'yon. Tinatamad na ako.

Pinikit ko ang mga mata ko.

Inisip ang mga nangyari ngayong araw.

Hanggang sa maisip ko ang mukha ni Mavy, ang malungkot at malamlam niyang mga mata. Ang mabigat niyang pinagdadaanan.

Promise talaga Mavy, magiging masaya tayo sa reunion.

Napadilat ako nang may maalala.

"May isasama ka na ba sa reunion?"

Tanong 'yon ni Mavy sa akin. Tinanong na rin kami ni Sandra noon kung may isasama na ba kami sa reunion. Hindi ko alam kung kailangan bang may kasama ka, pero kung lahat ng mga kaklase namin may kasama, siguro nga mas mabuting may kasama na rin ako. Baka mamaya mabulok kami sa isang tabi kapag magkakasama 'yung mga kaklase namin at 'yung mga kasama nila.

Reunion kasi tapos may kasama silang iba, ano kaya 'yun? Sana sinabi nalang get together ang mangyayari.

Napalingon ako sa cellphone ko.

Hinawakan ko 'yon at ini-scroll sa contacts.

Alam ko na kung sinong isasama ko.

Agad na kumunot ang noo ko nang mabasa ang nilagay niyang pangalan sa contacts ko.

Sedricute.

Ang kapal talaga ng apog ng isang 'yon.

To : Sedricute

Si Paris 'to. Free ka ba ngayon?

Akala ko aabutin ng ilang minuto ang reply niya, pero ilang segundo lang bago ko i-send ang message ko, nag-reply na siya.

From : Sedricute

Bakit? Miss mo na agad ako?

To : Sedricute

Ulol. Ano nga? Free ka ba ngayon?

From : Sedricute

Ang lutong mo naman po magmura. Pero hindi e. Hindi ako pwede ngayon. Next time nalang tayo mag-date.

To : Sedricute

Hindi tayo magde-date! Ang feeling mo.

From : Sedricute

Eh ano?

To : Sedricute

Handa na ang first wish ko.

Siguro mga ilang minuto rin akong naghintay sa sagot niya. Pero lumipas na ang ilang oras, hindi pa rin siya sumasagot. Siguro nga busy siya. Pero ano namang ikabi-busy niya? Parang wala naman siyang naikwento sa akin tungkol sa mga bagay na pinag-uubusan niya ng oras.

Naligo nalang ako habang hinihintay ang sagot niya.

Pero hanggang sa makapagpatuyo na ako ng buhok at makapagbihis, hindi pa rin siya sumasagot. Ano kayang nangyari sa isang 'yon? Naubusan kaya ng load?

Imposible.

Pwedeng-pwede niyang gamitin ang yaman ng tatay niya para magpa-load.

Hindi kaya nasa ospital ulit siya? Baka pinadala ulit siya ng nanay niya ro'n?

Napa-iling nalang ako.

Ano bang paki ko kung nasaan siya ngayon. Ang kailangan ko lang naman ay reply niya.

Maya't-maya akong napapatingin sa cellphone pero wala pa rin siyang reply. Hanggang sa nakatulog na lang ako kakahintay sa sagot niya.

EARLY in the morning, nagising ako dahil sa pag-vibrate ng cellphone ko.

Hindi ko sana papansinin pero ilang beses nag-vibrate ang cellphone ko kaya nainis ako tiningnan nalang 'yon. Med'yo malabo pa ang paningin ko dahil kagigising ko lang. Wala na rin akong pakialam kung mukha akong bruha, titingnan ko lang naman 'yung message sa cellphone.

Nakita ko ang pangalan ni kumag sa inbox kaya sunud-sunod kong binasa ang mga message niya.

From : Sedricute

Sorry, hindi ako nakapag-reply kagabi. Nakatulog kasi ako hehe.

Anong wish?

Ay oo nga pala, 'yung wish.

Anong wish mo?

Tandaan mo may tatlong wish ka lang, pag-isipan mong mabuti ha :)

Nag-type ako ng message. Ilang beses akong nagsulat at nagbura. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sa kaniya na gusto ko siyang isama sa reunion namin. Baka mamaya bigyan niya ng kahulugan ang pagsasama ko sa kaniya.

To : Sedricute

Samahan mo ako sa reunion namin.

Ilang segundo lang, nag-reply na siya.

From : Sedricute

'Yun lang pala e. Sure! Kailan ba?

To : Sedricute

Sa makalawa. The day after tomorrow.

From : Sedricute

Okay!

Muli akong napahiga sa kama. Akala ko makakatulog na ulit ako pero muling nag-vibrate ang cellphone. Nang basahin ko 'yung message, para akong tanga. Bigla akong napangiti ng walang dahilan. P'wede pala 'yun? Bigla ka nalang mapapangiti ng walang dahilan.

From : Sedricute

Good morning nga pala :)

END OF NINTH GOODBYE.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro